Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAGKA NAKITA NG DIYOS ANG DUGO

WHEN GOD SEES THE BLOOD
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Agosto, taon 2017

“Pagka aking nakita ang dugo” (Exodo 12:13).


Ang mga Hebreong mga tao ay nagpunta sa Egipto sa panahon ng taggutom. Sa simula sila’y trinatong may respeto dahil si Joseph, anak ni Jacob, ay isang tagapamuno sa ilalim ng Faraon, Ang anak ng Israel ay lumago at dumoble, ngunit bumangon doon ang isang bagong Faraon na hindi kilala si Joseph. Natakot siya na ang mga Hebreo ay dumarami na napaka bilis na sila ang mamumuno sa lupa. At kaya ginawa niya silang mga alipin. Ang mga Hebreo ay sumigaw sa Diyos sa panalangin, at ipinadala Niya si Moises upang iligtas sila. Ngunit si Faraon ay marahas at malupit. Hindi niya palalayain ang mga tao ng Diyos. At kaya ang Diyos ay nagpadala ng siyam na mga salot sa kanila, si Moises ay nagpunta sa harap ng Faraon at nagsabi, “Gayon sinabi ng Panginoon Diyos ng mga Hebreo, Palayain mo ang aking mga tao.” Ngunit ang Faraon ay di kailan man nakinig. Ang kanyang puso ay napatigas. Ngayon dumating ang panahon para sa Diyos na ipadala ang pansampung salot.

“At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis …” (Exodo 11:1).

At si Moises ay dumating sa hardin ng Faraon muli, at nagsabi,

“Ganito ang sinasabi ng Panginoon, Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto; At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay… Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto” (Exodo 11:4-5; 12:12).

Ngunit ayaw ng Diyos na ang Kanyang mga tao ay maparusahna. Sinabihan Niya si Moises na bawat pamilya ay dapat kumuha ng isang tupa at patayin ito.

“At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay…” (Exodo 12:7).

Ngayon tumayo at basahin ang Exodo 12:12-13 na malakas.

“Sapagka't ako'y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at… kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon. At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto” (Exodo 12:12-13).

Halos malapit sa 1,500 na taon ang mga Hudyo ay inoobserbahan ang Paskuwa. Kumain sila ng isang espesyal na hapunan ng tupa at walang lebadurang tinapay at binasa ang pasahe ng Kasulatan sa panahon ng Paskuwa, sa pag-aalala ng kanilang pagkalaya mula sa Egiptong pagka-alipin. Ang pangalang “Paskuwa” ay nanggagaling mula sa ating teksto,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Gusto kong pag-isipan ninyo ang tekstong ito sa tatlong paraan. Una, ang kahulugan ng Dugo. Pangalawa, ang pagka-epektibo ng Dugo. At, pangatlo, ang aplikasyon ng Dugo.

I. Una, ang kahulugan ng Dugo.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo.”

Ang bersong iyan ba ay mayroong kahit anong para sa atin ngayon? Oo, ito’y puno ng kahulugan, dahil ang dugo na naibuhos sa unang Paskuwang iyon ay tumuturo sa Dugo na ibubuhos ni Hesus – sa Paskuwa. O, oo, sa Paskuwa naipako sa krus si Hesus.

“Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng kordero ng paskua?” (Marcos 14:12).

Sila’y nagpunta sa isang mas mataas na silid upang kainin at basahin ang bersong ito, ang Exodo 12:13,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Una binigyan sila ni Hesu ng walang lebadurang tinapay.

“At siya'y dumampot ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila… At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami” (Marcos 14:23-24).

Ipinapakita ni Kristo sa kanila na ang dugo ay poste ng pintuan sa Exodo 12:13 ay isang larawan ng Dugo ng bagong tipan, alin ay magbubuhos ng Krus sa sunod na araw.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Hindi ito tumukoy sa kahit anong dugo. Tumukoy ito patungkol sa Dugo ng

“ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).

Ang dugo sa poste ng pintuan ay tumungin paharap at inilarawan ang Dugo na tumutubos ng mga makasalanan mula sa pagkasira, at itinatanip sila sa

“ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo” (Mga Gawa 20:28).

Maari mong tanungin kung bakit ang Dugong ito ay mayroong ganoong kapangyarihan. Sinabi ni Spurgeon,

Kung si Kristo ay isang simpleng tao…hindi magkakaroon ng pagka-epekto sa kanyang dugo upang magligtas; ngunit si Kristo ay ang “pinaka-Diyos ng pinaka-Diyos;” ang dugo na ibinuhos ni Hesus ay tulad ng Diyos na dugo. Ito ang dugo ng tao, dahil siya ay isang tao tulad natin; nugnit ang kabanalan ay napaka-kaugnay sa katauhan, na ang dugo ay nangamtan ng paka-epektibo nito mula rito…ang walang tigil na kamanghaan ng kawalang hanggan, na ang Diyos ay dapat maging tao upang mamatay. O! kapag iisipin natin na si Kristo ay ang Taga Likha ng sanglibutan, at na sa kanyang buong nag-aalay na mga balikat ay nakabitin ang daig-dig, hindi tayo magtataka na ang kanyang kamatayan ay makapangyarihan upang magligtas, at na kanyang dugo ay makalilinis mula sa kasalanan… dahil siya ay banal, kaya niyang “iligtas ang sukdulan, sa kanila at magpunta sa Diyos sa pamamagitan niya.” Ang Kanyang dugo ay ang dugo kung sa pamamagitan iyong maaring takas an ang galit at poot ng Diyos (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Dugo,” [“The Blood”] Ang Bagong Kalyeng Parkeng Pulpito [The New Park Street Pulpit] Pilgrim Publications, 1981 inilimbag muli, kabuuan V, mga pah. 27-28).

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodus 12:13).

Ang dugo sa poste ng pintuan ay naglalarawan sa Dugo ng Diyos-tao, si Kristo-Hesus.

“Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo” (I Mga Taga Corinto 5:7).

At iyan ang kahulugan ng Dugo!

II. Pangalawa, ang pagka-epektibo ng Dugo.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

“Dadaanan ko kayo.” Walang paghahatol ang darating sa iyo. Walang sumpa ang darating sa iyo – kung mayroon ka nang Dugong iyon.

“Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo” (Exodo 12:23).

Walang paghahatol mula sa Diyos ang maaring bumagsak sa lalake o babaeng mayroon ang Dugong iyon.

“At kayo'y kukuha ng isang bigkis na hisopo, at inyong babasain sa dugo, na nasa palanggana, at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto at ang dalawang haligi ng pinto…” (Exodo 12:22).

Dugo sa itaas na poste. Dugo sa parehong tabi, sa tabing mga poste. Dugo sa bason sa ibaba. Sa itaas. Sa ibaba. Sa parehong tabi. Ang galaw ay tumuturo sa krus ni Kristo!

Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay, Kanyang mga paa,
   Pagdurusa at pagmamahal ay umaagos na magkahalo pababa;
Ang ganoong uri ng pag-ibig at pagdurusa ay kailan man nagsasama,
   O koronang napuno ng tinik?
(“Noong Nakita Ko ang mga Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, 1674-1748).

“Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto… Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo” (I Ni Pedro 1:18-19).

Tinatanong ni Martin Luther,

Ano na ngayon, ay ang kayamanan kung saan tayo ay tinubos? Hindi masamang ginto o pilak kundi ang mahla na dugo ni Kristo, ang Anak ng Diyos. Ang kayamanang ito ay napaka mamahalin at napaka marangal na walang makataong pagdadahilan ang makakukuha nito, ng higit na isang patak ng inosenteng dugo ay naging higit sa sapat para sa kasalanan ng buong mundo. Gayon pa man ang Ama ay gustong labis-labis ang Kanyang biyaya sa atin ng napaka yaman at pinabayaan ang ating kaglitasang na maghalaga sa Kanya ng higit na pinayagan Niya si Kristo, ang Kanyang Anak, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang dugo para sa atin at gayon ipinagkaloob ang buong kayamanan (Isinalin mula kay Luther, Pagpapaliwanag ng I Ni Pedro [Exposition of I Peter 1:18-19]).

Ang Dugo ni Kristo ay bumagsak sa lupa sa mapawis na mga patak sa Gethsemane. Ang Kanyang Dugo ay umagos na Malaya sa ilalim ng umaangil na nilatigo noong Siya ay hinampas sa bulwagan ni Pilato. Ang korona ng tinik ay tumusok sa Kanyang noo at Dugo ay bumagsak sa Kanyang mga mata. Ang mga pako ay tumusok sa Kanyang mga kamay at paa, at Dugo ay malayang umaagos mula sa Krus. Tapos ang kawal ay tumusok sa Kanyang tabi,

“At pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34).

“Pinayagan Niya si Kristo, ang Kanyang Anak, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang dugo para sa atin at gayon ipinagkaloob ang buong kayamanan” (Luther, ibid.).

At

“nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Ang lahat ng kasalanan ay nilinis ng Dugo ni Kristo-Hesus! Ang lahat ng kasalanan! Walang kasalanan na napaka tindi na ang Kanyang Dugo ay hindi makalilinis nito! Walang kasalanan na hindi mahugasan ng Dugo. Maari nitong patabuyin ang pitong mga demonyo ni Maria Magdalena. Maari nitong pakawalan ang Demoniyak. Maari nitong pagalingin ang di matukoy na mga sugat ng leproso. Walang espiritwal na karamdaman na hindi nito mapagaling. Walang kalagayan na masyadong matindi para rito, gaano man kasuklam-suklam o kasama, dahil ito ang buong sapat na Dugo ni Kristo.

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodus 12:13).

At ipinapakita niyan ang kaepekto ng Dugo!

III. Pangatlo, ang aplikasyon ng dugo.

Kung ang kordero ay nasakal at nalason, ang maninira ay tatamaan sa paghahatol ang unang anak ng bawat tahanan. Kung ang kordero ay pinatay at ang katawan nito ay itinali sa poste ng pintuan, ang maninira ay tatamaan muli sa paghahatol. Hayaan iyong mga nagsasabi na walang Dugo tandaan iyan. Ito’y hindi kamatayan ng kordero lamang, kundi ang dugo ng kordero na gumagawa ng pagkakaiba. Totoo, ang kordero ay kinailangang mamatay, at gayon sinabi ng Diyos,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Ngunit ang dugong naiwan sa palanggana ay hindi makapipigil ng paghahatol. Dapat itong mailagay. Kumuha ng isang kumpol ng hisopo

“at inyong babasain sa dugo…at inyong papahiran ng dugo na nasa palanggana, ang itaas ng pinto ang dalawang haligi ng pinto” (Exodo 12:22).

Ang dugo ay dapat maipahid o hindi ito magiging epektibo. O makasalanna, kunin ang Dugo ni Kristo! Maging mahugasan mula sa kasalanan ng Dugo ni Hesus!

“Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).

Nakapagtataka na isinasalin ng NASV itong mali, isang tinatawag na literal na pagsasalin! At gayon ang NIV ay nagsasalin nitong tamang-tama, “sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo.” Kinamumuhian kong umurong sulong. Iyan ang dahilan na nananatili ako sa lumang nananampalatayang KJV, alin ay literal na isinalin at mapagkakatiwalan.

“Sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo.”

Ang paksa ng pananampalataya ay Dugo ni Kristo-Hesus. Ganyan mo magagawa ang koneksyon. Ganyan naipapahid ang Dugo sa iyo – “sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo.”

“O hindi,” ang ilang mga bagong ebanghelikal ay maaring magsabi, “hindi ka naliligtas sa pamamagitan ng Kanyang Dugo!” Gusto kong malaman kung paano ako maaring maligtas na wala ito! “Kung ang isang tao ay nakasalalay sa Dugo, maari siyang mamatay.” Hindi kailan man! Hindi maari! Ang Diyos ay maging di makatotoo sa Kanyang Sarili kung pababayaan Niya ikang mamatay habang nakasalalay sa Dugo ni Kristo!

“Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

Mayroong maraming mga tao na hindi nararamdaman ang Dugong naipapahid. Ngunit hindi iyan mahalaga, dahil hindi sinasabi ng ating teksto na ikaw ang nangangailangang makakita ang Dugo. O hindi! Sinasabi nitong,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Ang Diyos ang nangangailangang makakita sa Dugo. Ang Diyos lamang ang kailangang makakita o makadama ng Dugo na nakalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Hindi nito sinasabing “kapag makita mo ang dugo.” Hindi nito sinasabi na dapat mong maintindihan ang lahat ng bagay tungkol sa paglilinis sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Sinasabi nito, “kapag makita Ko ito.” Ang iyong pananampalataya ay maaring hindi napaka tindi. Ngunit kung magpunta ka kay Hesus at magtiwala sa Kanyang Dugo, makikita ito ng Diyos. Siya lamang ang may halaga. At

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

Hindi makita ng mga Hebreo ang dugo. Sila’y nasa loob ng kanilang mga tahanan. Hindi nila makita kung anong nasa pahigang poste at mga haligi sa labas ng pintuan. Ngunit nakikita ng Diyos ang Dugo doon. Iyan ang nag-iisang kondisyon kung saan ang kaligtasan ng isang makasalanan ay nakasalalay – nakikita ng Diyos ang Dugong naipahin sa iyo, hindi sa iyong pagkakakita. Tapos magpunta sa Diyos sa panalangin at sabihin, “Panginoon, iligtas ako para sa alang-alang ng Dugo ni Kristo. Hindi ko ito makitang kasing linaw tulad ng dapat, ngunit Panginoon, nakikita mo ito, at sinabi mo,

“Pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo” (Exodo 12:13).

“Panginoon, kapag makita mo ang Dugo. Makikita mo na nagtiwala ako sa nakaliligtas na kapangyarihan nito. Patawarin mo ako at linisan mo ako sa alang-alang ng Dugo ni Kristo lamang.” Gawin iyan ang iyong taos pusong panalangin at hangarin at ika’y malalapit na mahuhugasang malinis sa Dugo ni Hesus!


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral: Marcos 14:12-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kapag Makita Ko Ang Dugo.” Isinalin mula sa
“When I See the Blood” (ni John Foote, ika-19th na siglo).


ANG BALANGKAS NG

PAGKA NAKITA NG DIYOS ANG DUGO

WHEN GOD SEES THE BLOOD

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Pagka aking nakita ang dugo” (Exodo 12:13).

(Exodus 11:1, 4-5; 12:12, 7)

I.   Una, ang kahulugan ng Dugo, Marcos 14:12, 23-24; Juan 1:29;
Mga Gawa 20:28; I Mga Taga Corinto 5:7.

II.  Pangalawa, ang pagka-epektibo ng Dugo, Exodo 12:23, 22;
I Ni Pedro 1:18-19; Juan 19:34; I Ni Juan 1:7.

III. Pangatlo, ang aplikasyon ng dugo, Mga Taga Roma 3:24-25;
Mateo 26:28.