Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG KALIGTASAN AY PARA SA WALA NANG LUNAS

SALVATION FOR THE HELPLESS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-30 ng Hunyo taon 2017


Magsitayo tayo, at paki buksan ang inyong Bibliya sa ating teksto ng Ebanghelyo ng Marcos. Ito’y Marcos 9:26-27,

“At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay. Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig” (Marcos 9:26-27).

Iniligtas ni Hesus ang batang ito mula sa kapangyarihan ng Diablo. Ang kwento ay ibinigay na may dahilan. Ito’y ibinigay sa atin upang ipakita na kayang iligtas ni Hesus ang isang nawawala at wala nang lunas na kaluluwa ngayon. Ang apat na mga Ebanghelyo, Mateo, Marcos, Lucas at Juan, ay mayroong maraming mga kwento na tulad nito. Ipinapakita nito kung gaano na ang mga wala nang lunas na mga kaluluwa ay naligtas. Ang mga kwentong ito ay nagsasabi sa atin ng iba’t ibang mga panig ng kaligtasan. Maari nating matutunan ang maraming mga bagay sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga ito.

Ang batang ito ay nasapian ng demonyo. Nagkaroon siya ng isang demonyo na nagsanhi sa kanyang maging bingi at pipi. Hindi siya makadinig at hindi siya makapagsalita. Ganyan ang kondisyon ng lahat bago sila maligtas. Bago ka maligtas hindi mo madinig ang sinasabi ng Diyos. At hindi ka makapagsalita patungkol rito.

Ngunit pinataboy ni Kristo ang demonyo. Si Kristo ay mas malakas kaysa sa Diablo. Iyan ang dahilan na kaya kang iligtas ni Kristo! Iniligtas niya ang batang lalakeng ito at maliligtas ka niya! Kaya iligtas ni Kristo ang kahit sino, gaano man kawalan na ng lunas sila! At kaya kang iligtas ni Kristo mula sa Diablo! Maari mong matutunan ang tatlong dakilang mga katotohanan tungkol sa kaligtasan mula sa kwentong ito.

I. Una, ika’y tulad ng isang patay.

Sinasabi ng teksto,

“At ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay” (Marcos 9:26).

Iya’y isang larawan ng lahat bago siya naligtas. Itinuturo ng Bibliya na ang buong sangkatauhan ay patay sa espiritwal. Ikaw ay patay sa espiritwal! Sinasabi ng Bibliya,

“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao…” (Mga Taga Roma 5:12).

Ang ating unang mga magulang ay nagkasala laban sa Diyos – at sila’y namatay sa espirituwal. Si Adam ay naputol mula sa Diyos, sa isang kalagayan ng espirituwal na kamatayan. Ang espirituwal na kamatayan ay naipapasa sa bawat miyembro ng lahi ng tao. Iyana ng dahilan na napaka raming mga relihiyon. Dahil sa espirituwal na kadiliman at kamatyaan, ang lahi ng tao ay lumikha ng napaka raming mga relihiyon. Ngunit ang lahi ng tao ay di nahanap ang tunay at nabubuhay na Diyos.

Nagsaalita sa isang grupo ng mga tao sa Atena, sinabi ni Apostol Pablo ito,

“Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko” (Mga Gawa 17:23).

Nagkaroon sila ng maraming mga diyos. Ngunit ang tunay na Diyos ay di nila kilala. Tinawag nila Siyang, “ang dios na hindi kilala.”

At di mo kilala ang Diyos ngayong gabi. Siya ay “isang dios na hindi kilala” sa iyo. Ang Diyos ay hindi mukhang totoo sa iyo. Ika’y patay sa mga bagay ng Diyos. Ika’y patay sa espiritwal. Ika’y tulad ng batang lalake sa ating kwento.

“At ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay” (Marcos 9:26).

Sinasabi ng Bibliya,

“Kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan” (Mga Colosas 2:13).

Sinasabi ng Bibliya na ikaw ay

“patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

Ang ama ng Mapaglustay ng Anak ay nagsabi,

“patay na ang anak kong ito” (Lucas 15:24).

Sinabi niya sa kapatid ng Mapaglustay na Anak,

“Patay ang kapatid mong ito” (Lucas 15:32).

Ang bawat ligtas na taong narito ngayong gabi ay minsan na ganyan. Tayo ay lahat patay sa kasalanan. Di natin kilala ang Diyos. Hindi tayo noon nagkakamalay patungkol sa Diyos. Ang Bibliya ay mukhang tulad ng isang kwento lang sa atin, dahil tayo noon ay patay sa espirituwal.

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

Iyan ay isang paglalarawan ng bawat isa sa atin bago tayo naligtas! At dapat kang maligtas ni Hesus. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa espirituwal na kamatayan.

II. Pangalawa, ika’y “hinawakan siya ni Jesus sa kamay.”

Sinasabi ng ating teksto,

“Ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay. Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay…” (Marcos 9:26-27).

Iya’y isang nakamamanhang berso! “Datapuwa’t hinawakan siya ni Jesus sa kamay”! Iyan ay mailalarawan sa pagkakagising. Ika’y isang larawan ng naunang biyaya. Ito ang kwento ng ating kaligtasan. Ito ay ang kaligtasan para sa walang lunas!

“Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, [si Satnaas] ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway: Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon… at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba. Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus… Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios” (Mga Taga Efeso 2:2-9).

Iyan ay kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya! Iyan ang kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo! Iyana ng daan sa Langit! At ito lamang ang nag-iisang paraan!

“Ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay. Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay…” (Marcos 9:26-27).

Bago dumating si Hesus, ikaw ay nasa isang walang pakialam at di nagising na kalagayan. Wala kang pakialam sa kung anong mangyayari sa iyong kaluluwa. Ika’y tulad ng batang lalake sa Marcos siyam.

“At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi” (Marcos 9:17).

Ganyan ako noon. Ang mga tao sa kabilang bahay ay nagdala sa akin sa isang Bautistang simbahan. Dinala nila ako sa simbahan, tulad ng lalakeng ito na dinala ang kanyang batang lalakeng anak kay Hesus. Ngunit wala akong alam patungkol sa Diyos, wala patungkol kay Kristo, wala patungkol sa Bibliya. Di ko pa kailan man nabasa ang Bibliya. Hindi ko mahanap ang Ebanghelyo ni Mateo. Nagsimula kong ilipat ang pahina simula sa Genesis, na hinahanap ito. Ginagamit ng Diyos ang mga Kristiyano upang sumaksi sa iyo at dalhin ka kay Kristo, gaya ng ginawa ng lalakeng ito, na nagdala ng kanyang anak kay Hesus.

Tapos masisimulan mong maranasan ang pagkagising. Maari itong mangyari na napaka dali, o maari itong mas matagal. Ang mga tao ay iba. Ngunit ang pagkagising ay isang teribleng bagay. Si Pablo ay naitapon sa lupa. Ang mga tao sa Pentekostes ay natusok sa kanilang mga puso. Ang magnanakaw sa krus ay Nakita ang kanyang pagkakasala. Ito’y isang teribleng bagay. Sinabi ni John Cagan, “Nadama ko na parang mamamatay. Hindi ako makangiti. Hindi ako makahanap ng kapayapaan. Hindi ako makapigil na nakadaramang nahihirapang husto. Hindi ko na matiis ito ng mas matagal pa.” Kinukumbinsi siya ng Banal na Espiritu ng kanyang kasalanan. Sinabi ni Emi Zabalaga, “Ang Banal na Espiritu ay nangumbinsi sa akin ng aking kasalanan. Ako’y nandiri at lubos na nahiya. Alam ko na nakita ng Diyos ang lahat ng aking mga kasalanan. Nadama kong tulad ng isang leproso sa gitna ng malilinis na mga Kristiyano.” Sinabi ni Jack Ngann, “Malinaw kong naaalala ang pinaka malubhang kasalanan na aking nakamit – ako’y isang teribleng makasalanan.”

“At dinala nila siya sa kaniya: at pagkakita niya sa kaniya, ay pagdaka'y pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siya'y nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig” (Marcos 9:20).

Iyan sakto ang nangyari sa maraming mga tao sa Unang Dakilang Pagkagising sa muling pagkbuhay ng Isla ng Lewis. Marami sa kanila ay lumuha at bumagsak sa lupa sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Maari iyang mangyari muli balang araw sa Amerika. Hindi ito isang “tumatawang muling pagkabuhay’”! Ang batang lalake sa Marcos siya ay hindi tumatawa! Tunay na muling pagkabuhay ay nagbubunga ng kumbiksyon ng kasalanan, hindi tawanan!!! Sa dakilang mga muling pagkabuhay ang mga tao ay minsan bumabagsak na sumisigaw sa ilalim ng kumbiksyon. Madalas itong nangyayari sa Tsina at Indiya ngayon – sa mga muling pagkabuhay na kanilang nararanasan.

Ang lahat na nagigising ay nadaramang nagkasala ng kasalanan. Inilalantad ng Banal na Espiritu ang iyong kasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol: Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:8-9).

Mayroong ka bang kahit anong pag-iisip ng kasalanan? Nadarama mo baa ng pagdurusa para sa iyong kasalanan? Ang iyong konsensya ba ay gumugulo sa iyo sa anumang paraan dahil sa iyong kasalanan? Nadarama mo bang kailangan mong mapatawad ni Hesus? Nag-aantay ka ba para sa mas higit pang kumbiksyon! Magpunta ngayon na! Ang kumbiksyon ng kasalanan ay dapat magdala sa iyo kay Hesus. Si Hesus lamang ang makahuhupa ng iyong kumbiksyon!

Magpunta kayong, nabibigatan,
   Nabugbog at nasira ng pagkabagsal;
Kung mag-aantay ka hanggang sa ika’y mas mabuti,
   Ika’y di kailan man magpupunta.
      (“Magpunta, Kayong mga Makasalanan, Mahirap at Nasaira.”
      Isinalin mula sa “Come, Ye Sinners, Poor and Wretched”
      ni Joseph Hart, 1712-1768).

Magpunta at magtiwala kay Hesus ngayon, kahit na iniisip mo na hindi ka nakumbinsing sapat – at ililigtas ka Niya! “Kung mag-aantay ka hanggang sa ika’y mas mabuti, hindi ka kailan man magpupunta.” Magpunta na ngayon! Magtiwala kay Hesus, ang Anak ng Diyos! Ililigtas ka Niya ngayon!

Si Kristo ay namatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa iyong kasalanan. Ang Kanyang Dugo ay makahuhugas sa iyong kasalanan papalayo. Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay. Si Kristo ay naka-upo sa kanang kamay ng Diyos – sa itaas sa Langit. Magpunta kay Kristo! Magpunta kay Kristo! Magpunta kay Kristo! Magtiwala kay Kristo! Magtiwala kay Kristo! Magtiwala kay Kristo at ika’y maliligtas!

III. Pangatlo, ika’y ibininangon upang makaharap si Kristo.

“Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig” (Marcos 9:27).

Hindi mo kailangang malaman kung paano magpunta kay Hesus – na mas higit kaysa sa batang lalakeng ito na kinailangang malaman kung paano maitaas.”Hinawakan siya ni Jesu sa kamay, at siya’y ibinangon.” Kung gusto mong magpunta kay Kristo, ika’y dadallhin kay Kristo sa pamamagitan ng parehong kapangyarihan na bumangon sa batang lalakeng ito. Sinabi ni Hesus ito! Sinabi ni Hesus,

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Mayroong maaring magsabi, “Hindi ako tiyak kung ibinigay ako ng Diyos kay Kristo.” Iyan kahangalang pag-iisip. Hindi mo maaring malaman iyan, dahil ang Diyos lamang ang nakaaalam nito. Huwag mong aksayahin ang iyong oras sa mga ganoong uri ng teyolohikal na haka-haka. Habang ang iba ay nakikipagtalo patungkol sa teyolohiyo, magpunta ka kay Kristo! Maliligtas ka habang sila’y nakikipagtalo! Sinabi ni Hesus,

“ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Hindi ka itataboy ni Kristo. Hindi ka iiwan ni Kristong mamatay at magpunta sa Impiyerno. Patatawarin ni Kristo ang iyong kasalanan at ililigtas ka, tulad ng pagkaligtas Niya sa batang lalake sa kwento. Nagmamaka-aawa ako sa iyo. Nagmamakaawa ako sa iyo. Hinihikayat kita. Sumasamo ako sa iyo. Inuutos kita. Para sa alang-alang ng iyong walang hanggang kaluluwa, magpunta kay Kristo! Walang ibang paraan para sa iyong maging mapayapa! Si Hesus lamang ang makabibigay sa iyo ng kapayapaan at kapatawaran ng iyong kasalanna! Sinabi ni Noah Song,

“Ako’y isang walang lunas na makasalanan na wala si Kristo, bulag at hubad. Iniibig ko Siya dahil inibig Niya muna ako…si Hesus nagdurugo sa Krus para sa akin, upang magbayad para sa aking mga kasalanan at ang pag-ibig na mayroon Siya para sa akin, lagi kong tatandaan. Iniligta Niya ako mula sa pagkabulok ng kasalanan.”

Palabas ng aking pagkabilanggo, pagdurusa at gabi,
Hesus, papunta ako, Hesus, papunta akol
Papasok sa Iyong kalayaan, katuwaan, at ilaw, Hesus, pupunta ako sa Iyo;
Palabas ng aking karamdaman papunta sa Iyong kalusugan,
Palabas ng aking kagustuhan at papunta sa Iyong kayamanan,
Palabas ng aking kasalanan at papunta sa Iyong Sarili,
Hesus magpupunta ako sa Iyo.
      “Hesus Magpupunta Ako sa Iyo.” Isinalin mula sa
      “Jesus, I Come” ni William T. Sleeper, 1819-1904).

Gusto namin kayong kausapin patungkol sa pagiging ligtas ni Hesu-Kristo. Sa isang minuto, magpunta ka at umupo sa isang upuan sa dalawang unang helera ng mga upuaan. Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: Marcos 9:17-27.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!” (ni Anna W. Waterman, 1920).


ANG BALANGKAS NG

ANG KALIGTASAN AY PARA SA WALA NANG LUNAS

SALVATION FOR THE HELPLESS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay. Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig” (Marcos 9:26-27).

I.   Una, ika’y tulad ng isang patay, Marcos 9:26; Mga Taga Roma 5:12;
Mga Gawa 17:23; Mga Colosas 2:13; Mga Taga Efeso 2:1;
Lucas 15:24, 32; Mga Taga Efeso 4:18.

II.  Pangalawa, ika’y “hinawakan siya ni Jesus sa kamay, Marcos 9:27a;
Mga Taga Efeso 2:2-9; Marcos 9:17, 20; Juan 16:8-9.

III. Pangatlo, ika’y ibininangon upang makaharap si Kristo,
Marcos 9:27b; Juan 6:37.