Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
AT NILAPAT ANG PINTUANAND THE DOOR WAS SHUT Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers Jr. “At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10). |
Masyadong marami sa inyo ay di takot sa inyong hinaharap. Di ka natatakot, dahil ika’y hindi nagising. Ika’y natutulog, habang ang iyong buhay ay dumadaan. Matutulog ka hanggang sa ika’y sa wakas gigising sa mga kamay ng galit na Diyos. Dapat kang gumising, at matandaan ang iyong espiritwal na kalagayan. Dapat kang maging matakot. Dapat mong harapin ang katotohanan ng iyong kaluluwa. Dapat kang kilabutan. Dapat mong maranasan ang kilabot ng Panginoon. Dapat kang matakot ng husto, na hindi ka makatulog. Sinasabi ng Bibliya,
“Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman” (Mga Kawikaan 1:7).
Ang pagdating ni Kristo para sa mga nabubuhay at patay napag-usapan sa buong Kristiyanong kasaysayan. Ito’y tinawag na isang misteryo, ngunit ito na ngayon ay nalantad, at ika’y di takot.
1. Misteryo (“musterion”), isang dating nakatagong katotohanan na nailantad sa Bagong Tipan. Mayroong 11 ng mgag misteryo na nailantad sa Bagong Tipan. Ang pagdadagit ay isa sa mga ito.
2. Kahit na ang lahat ay hindi mamamatay, ang lahat ay babguhin (I Mga Taga Corinto 15:51).
3. Ang pagbabagong ito ay magaganap sa isang sandal (I Mga Taga Corinto 15:52).
4. Ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin (I Mga Taga Corinto 15:52).
"Hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya: sapagka't siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili” (I Ni Juan 3:2).
Sinasabi ng Bibliya,
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli): Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
1. Si Kristo ay bababa mula sa Langit (I Mga Taga Tesalonica 4:16)
2. Hindi Siya bababa hanggang sa lupa, “salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
3. Magkakaroon ng isang “sigaw” at isang trumpeta ay tutunog habang si Kristo ay pababa sa hangin. (4:16)
4. Ang mga Kristiyano na namatay na ay muling mabubuhay muli at madadagit – maaagaw [Isinalin mula sa (4:17 a) ng KJV].
5. Tapos ang nabubuhay na mga tao na mga tunay na napagbagong loob ay madadagit upang salubungin si Hesus sa hangin [Isinalin mula sa (4:17b) ng KJV].
Ang Bibliya ay tumutukoy sa parabula ng madunong at hanggal na mga birhen. Mayroong kahulugan at layunin ang parabulang ito. Ang parabula ay tumutukoy patungkol sa pagdadagit. Sinasabi ng Bibliya,
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
Isaalang-alang ang tatlong mga punto ngayong umaga.
1. Kung hindi ka napagbagong loob, ika’y maisasara sa labas – maiiwan sa pagdadagit.
2. Ang mga tanda ay lahat nasa lugar na para sa pagdadagit na dumating kahit anong oras.
3. Hihilingin mo na ika’y patay kapag malaktawan moa ng pagdadagit.
I. Una, kung di ka napagbagong loob, ika’y maisasara sa labas – maiiwan sa pagdadagit.
Sinasabi ng Bibliya:
“At samantalang sila'y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
Ang mga nangyari sa mga araw ni Noah ay isang dakilang paglalarawan nito:
“At ang mga nagsilulan (sa daong), gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon” (Genesis 7:16).
At sinabi ng Diyos:
“Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi” (Genesis 7:4).
Inilapat ng Diyos ang pintuan ng daong pitong araw bago nagsimula ang baha. Ito’y isang uri ng paglalapat ng Diyos ng pintuan sa pagdadagit, bago ng mga pitong paghahatol.
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
Kung hindi ka napagbagong loob, ika’y masasarhan papalabas – maiiwanan sa pagdadagit. Iyana ng dahilan na dapat may gawin ka patungkol sa iyong kaluluwa ngayon na. Dapat kang tumugon sa pangangaral ngayon. Dapat kang magtiwala kay Hesus ngayon. Sinabi ni Hesus:
“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga…nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23).
“Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya” (II Mga Taga Corinto 13:5).
Kung hindi ka napagbagong loob, Kung hindi ka tunay na nagtitiwala kay Hesus, Kung pinagkakatiwalaan mo ang pakiramdam o mga doktrina, hindi ka handa para sa pagdadagit. Ika’y maiiwanan!
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
II. Pangalawa, dapat mong matanto ang lahat ng mga tanda ay nasa lugar na. Maari ka nang masarhan papalabsa sa umagang ito.
1. Ang muling pag-sasaayos ng Israel noong taong 1948, na ang mga Hudyong mga tao na bumabalik sa kanilang lupang tahanan (Lucas 21:24; Mateo 24:32-34; Ezekiel 37:21; 38:8).
2. Ang paglaganap ng malawakang pag-uusig laban sa mga Kristiyano at mga Hudyo (Mateo 24:9-10; Jeremias 30:7; Daniel 12:1).
3. Ang paglaganap ng malawakang paggutom, di pagbalanse ng ekolohiya, mga salot tulad ng epidemiyang AIDS, at isang lumalagong bilang ng mga lindol (Mateo 24:7)
4. Ang pagbangon ng apostasiya sa Kristiyanismo (II Mga Taga Tesalonica 2:3; Mateo 24:11- 12).
5. Ang pagbalik ng sangkatauhan sa mga kondisyon tulad noong mga nanaig sa mga araw ni Noah, bago ng dakilang Baha (Mateo 24:37-40).
Ang Bibliya ay nagkukumpara ng mga panahon ni Noah sa mga panahon ng pagbalik ni Kristo.
1. Sa panahon ni Noah, sila’y walang pagkabahala patungkol sa kaligtasan. Sila’y di nagising. Sila’y tulad mo lamang – walang takot o pagkakasal.
2. Ang tanda ng mga araw ni Noah ay narito na. At ika’y maiiwan!
May naririnig siyang ingay at lumingon – wala na siya.
Sana tayong lahat ay maging handa na.
Dalawang mga kalalakihan naglalakad paakyat ng isang burol,
Ang isa’y nawala at ang isa ay naiwang nakatayong walang kibo,
Sana lahat tayo ay naging handa…
Walang panahon upang baguhin ang iyong isipan.
Ang Anak ay dumating na, at ika’y naiwan.
(“Sana Tayong Lahat Ay Naging Handa.” Isinalin mula sa
“I Wish We’d All Been Ready” ni Larry Norman, 1947-2008)
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
Ngunit kailangan mo bang mag-antay para sa pagdadagit upang masarahan papalabas. Maari kang ipagsarhan ng Diyos na magpakailan man ngayong umaga. Maari sumuko na ang Diyos sa iyo. Maaring isara ng Diyos ang pintuan ng kaligtasan sa iyo. Maaring makamit mo ang di kapatawad-tawad na kasalanan, na hindi ito kailan man natatanto. Maaring mawala moa ng pagkakataon upang maligtas kailan man. Kapag isasara ng Diyos ang pintuan sa iyo, wala ng kahit anong pag-asa para sa iyo. Ang pintuan ay maisasara, at ika’y mawawala magpakailan man.
III. Pangatlo, hihilingin mo na ika’y patay kapag makaligtaan moa ng pagdadagit – ang pintuan ay naisara.
Maari mong isipin ito lahat ay isa lamang kwento. Maari mong hayaan ang iyong isipan na lumipad sa ibang bagay ngayon. Ngunit kapag malipasan mo ang pagdadagit hihilingin mo na ika’y patay. Simpleng sinasabi sa atin ng Bibliya na:
“At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan… at mangagnanasang mamatay…” (Apocalipsis 9:6).
Pag-iisipan mo ang tungkol sa pagpapakamatay lagi pagkatapos mong makaligtaan ang pagdadagit. Hihilingin mon a patay ka na. Bakit?
1. Ika’y guguluhing nagdurusa ng mga demonyong napakawalan mula sa walang hangganang butas, ayon sa Apocalipsis 9:1-2. Pakinggan ang paglalarawn ng mga demonyong ito na ibinigay ni Dr. John R. Rice:
“Hindi natin pinagdududahan na ang mga balang rito ay mga demonyo…na dumating upang pahirapan ‘iyong mga tao na walang marka ng Diyos sa kanilang mga noo.’ Napahirapan at nagulo ng mga ‘balang,’ na ito mula sa Impiyerno, ‘sa mga araw na iyon na ang mga tao ay hahanapin ang kamatayan…’
…ang panggugulo na binanggit rito ay isang espirtiwal na panggugulo, na mayroong isang nagulo, lubos na nagdurusang isipan. Ang larawan ng mga balang na ito ay isang di kapanipaniwala, tulad ng isang teribleng panaginip, tulad ng isang pagsasama-sama ng lahat ng mga kinakatakutan at mga kaguluhan at mga pagkabiyak ng puso ng mga tao…Ginugulo nila ang kaluluwa (ang isipan)…Nakikit mo ba sa iyong isipan ang teribleng pagkasira ng kaluluwa kapag ang mga tao ay naisuko sa mga masasamang espirtu?” (Isinalin mula kay John R. Rice, Tumingin, Siya’y Parating! Isang Kumentaryo sa Apocalipsis Isinalin mula sa Behold, He Cometh! A Commentary on Revelation, Sword of the Lord, 1977, mga pah. 169-171).
Ika’y magugulo na isipan araw at gabi ng mga demonyo. Mawawalan ng tulong para sa iyo, walang Prosac o ibang mga droga upang mapatahimik ka. Ika’y magiging nasa Tribulasyon at iyong mga bagay na iyon ay wala roon para sa iyo, dahil milyon-milyong mga iba ay maitataboy ng mga mababangis na mga demonyo. Ika’y maitutulak hanggang sa ika’y mabaliw. Hihilingin mo na ika’y patay na. Iisipin mo lagi ang tungkol sa pagpapakamatay. Walang naroon upang makatulong sa iyo! Nag-antay ka ng masyadong matagal. Ika’y naiwan.
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
2. Ika’y bibitayin kung susubukan mong maging isang Kristiyano sa mga araw na iyon. Binanggit ng Bibliya “mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay” (Apocalipsis 20:4).
Matatanto mon a ika’y nasa Tribulasyon. Gusto nilang lagyan ka ng isang maliit na tsip, o isang katulad nito, sa balat ng iyong kamay o noo. Matatandaan mo na hahamakin ka nito bilang tagasamba ng Antikristo. Sasabihin mo, “Hindi, hindi ako papaya na ilagay iyan sa aking katawan.” Ngunit hindi ka makabibili ng kahit ano na wala ito. Ang iyong kamay ay kailangang “iskan” upang makabili ng kahit ano. Ika’y magugutom. Hindi ka makabibili ng pagkain sa tindahan! Mayroong tuturo sa iyo. Pupugutan nila ang iyong ulo dahil sa pagiging, isang Kristiyano. Mawawala moa ng lahat isang paraan o iba, dahil ika’y naiwan!
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10).
3. Kailangan mong dumaan sa mga paghahatol. Mayroong nagsabi, “Hahayaan ko nalnag silang lagyan ako ng maliit na tsip sa ilalim ng balat ng aking kamay. Maging okay lang ako. Hindi nila pupugutin ang ulo ko.” Ngunit, kung matakasan mo ang pagpupugot ng ulo mo, kailangan mong pagdaanan ang mga paghahatol!
(1) Isang teribleng sugat ang lilitaw sa iyong katawan na magsasanhi sa iyong maranasan ang kumikibkib na sakit gabi at araw (Apocalipsis 15:6).
(2) Ang lahat ng mga tubig ay malalason sa dagat at tubig tabang rin. Ang lahat ng tubig ay malalason. Hindi ka magkakaroon ng kahit anong maiinom. (Apocalipsis 16:3-4).
(3) Ika’y mapapaso sa init. Isang meteyorayt ang babagsak at papaso sa iyo. Ang iyong katawan ay masusunog ng terible. Walang medisina pagdating ng panahong iyon. Ika’y maglalakad-lakad na mayroong nana na umaagos palabas ng iyong mga sugat sa iyong nasunog na katawwan (Apocalipsis 16-8-9).
(4) Ang kuryente ay mawawala. Ika’y maging nasa lubos na kadiliman sa gabi, nginangatgat ang iyong dila sa sakit (Apocalipsis 16:10-11).
(5) Ang mga kawal ng mundo ay mapakikilos. Ito’y magsasanhi sa iyo ng balisa at pagkalito – tulad ng lagging binubunga ng digmaan. Marami sa inyo – mga kalalakihan at mga kababaihan – ay mapupuwersa sa militaryong paglilingkod laban sa iyong kagustuhan. (Apocalipsis 16:12-16).
(6) Magkakaroon ng isang matinding lindol, mas Malaki kaysa sa kahit anong lindol na kailan man ay naitala. Tapos mga meteyorayt ay babagsak na parang ulang yelo sa lupa. Saan ka magtatago? Ang mga gusali ay magiging mga lugar ng pagkasira mula sa lindol. Saan ka magtatago? (Apocalipsis 16:17-21).
At tandaan ang lahat ng mga ito ay nangyari sa iyo dahil isinantabi mo ang iyong pagbabagong loob. Alam mon a si Hesu-Kristo ay namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Alam mo na bumangon Siya mula sa pagkamatay at umakyat sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos na Makapangyarihan. Alam mo na kinailangan mo ang Anak ng Diyos upang patawarin ang iyong mga kasalanan at hugasan ang mga itong papalayo ng Kanyang Dugo. Alam mo ang mga bagay na ito – ngunit naglokohan ka lamang. Naglaro at tumawa at gumawa ng mga palusot. Ika’y naiwan!
“At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10)
Dr. Hymers, magpunta ka at isara ang paglilingkod na ito.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: Mateo 25:1-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sana Tayong Lahat ay Naging Handa.” Isinalin mula sa
“I Wish We’d All Been Ready (ni Larry Norman, 1947-2008).
ANG BALANGKAS NG AT NILAPAT ANG PINTUAN AND THE DOOR WAS SHUT Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At inilapat ang pintuan” (Mateo 25:10). I. Una, kung di ka napagbagong loob, ika’y maisasara sa labas – II. Pangalawa, dapat mong matanto ang lahat ng mga tanda ay nasa III. Pangatlo, hihilingin mo na ika’y patay kapag makaligtaan moa |