Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGLILIGTAS AY PARA LAMANG SA DI KONTENTODELIVERANCE IS ONLY FOR THE DISSATISFIED Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers Jr. “Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:31-32). |
Si Hesus ay lumabas at nakakita ng isang publikano na nagngangalang Levi. Ito’y isa pang pangalan ni Mateo. Tinawag siyang Mateo ni Hesus upang sundan Siya,
“At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya” (Lucas 5:28).
Si Mateo ay isang publikano, isang taga kolekta ng buwis para sa Roma. Ang mga Hudyo ay namuhi sa mga publikano, dahil sila’y pinayagan ng Roma na kolektahan ng buwis ang mga Hudyo na mas higit sa kinakailangan ayon sa batas. Sila gayon ay nagbigay ng bahagi ng kanilang pera na kanilang kinolekta, at itinago ang natira para sa sarili nila. Gayon, karamihan sa mga publikano ay napaka yaman, at ang ibang mga Hudyo ay namuhi sa kanila. Sila’y isinaalang-alang na lubos na masasamang mga makasalanan ng mga Hudyong mga tao.
Noong sinundan ni Mateo si Hesus, “iniwan niya ang lahat,” iyan ay iniwan niya ang bawat lukratibong pangangalakal ng pangongolekta ng buwis, “at sinunda siya.”
Tapos si Mateo ay gumawa ng isang pista sa kanyang tahanan. Isang matinding dami ng ibang mga taga kolekta ng buwis at mga makasalanan ng lahat ng uri, ay nagpunta sa kanyang banketang pista. Sila ang pinaka malubhang uri ng mga tao. Si Zeno, ang manunula, ay nagsabi, “Ang lahat ng mga publikano ay lahat sila’y mga magnanakaw.” Ang mga Fariseo ay walang pagkaka-ugnay sa mga publikanong mga ito, o ang kanilang mga kaibigan, na tinawag ng mga Fariseong mga “makasalanan.”
Noong ang matinding dami mga publikanong mga ito at mga makasalanan ay nagpuno sa tahanan sa pista, ang mga Fariseo ay dumating na nagrereklamo. Sinabi nila sa mga Disipolo,
“Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” (Lucas 5:30).
Si Hesus ay lumabas mula sa pista upang sagutin ang Fariseo,
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:31-32).
Ibinigay ni Hesus sa mga Fariseo ang Kanyang dahilan para sa pagtatawag ng mga itong mga makasalanan sa bangketa. Sinabi Niya na iyong mga nasa mabuting kalusugan ay hindi nangangailangan ng isang doktor. Iyon lamang mayroong mga karamdaman ay nangangailangan ng doktor. Sa sarili nilang opinyon, ang mga manunulat at mga Fariseo ay malayo mula sa karamdaman ng kasalanan. Dahil ang mga manunulat at mga Fariseo ay nanatiling obserbahan ang batas, hindi nila isinaalang-alang ang kanilang mga sariling may karamdaman, at sa isang kalagayan ng kasalanan. Ang mga Fariseo ay ang mga Tradisyonal na mga Hudyo ng araw na iyon. Ang mga manunulat ay iyong mga gumawa ng mga kopya ng Bibliya at nagturo ng Bibliya. Hindi nila naisip na kinailangan nila ng Dakilang Manggagamot na si Hesus. Naisip nila na
“sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba” (Lucas 18:9).
At ang sagot ni Hesus ay isang pagsusuwat sa mga mapagmalaki, kontento sa sariling mga Fariseo,
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:31-32).
Kung nadarama mo na ika’y mabuti, hindi mo makikita ang pangangailangan mo para kay Hesus. Kung nadarama mo na ika’y sira at namamatay sa isang kalagayan ng kasalanan, si Hesus ay maging mahalaga sa iyo, at hahanapin mo Siya upang pagalingin ang iyong kaluluwa at iligtas ka mula sa kasalanan at ang mga kahihinatnan nito. Hindi maiiwasan na madama mo ang isang diwa ng iyong kasalnaan, isang diwa ng iyong kawalang pag-asa, isang diwa ng iyong pagkakulang – o hindi mo mararamdaman ang iyong pangangailangn para kay Kristo.
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot” (Lucas 5:31).
I. Una, iyong mga nalulugod sa pamamaraan ng kanilang buhay ay walang nararamdamang pangangailangan para kay Hesus.
Mapapansin mo, habang babasahin mo ang mga Ebanghelyo, na madalas kumain si Hesus kasama ng mga makasalanan. Ang mga makasalanan ay di nalulugod sa sarili nilang buhay. Naramdaman ng mga makasalanan na mayroong patungkol sa kanilang buhay na teribleng mali. Mayroong isang bagay na matututunana mula rito. Ang mga nawawalang mga taong ito ay naakit kay Hesus dahil Siya ay mapagkaibigan sa kanila. At marami sa kanila ay naligtas.
Sila’y naging lubos na di nalugod sa pamamaraan ng kanilang buhay na sila’y tumingin kay Kristo. Iya’y ginawa ni Mateo ang publikano, gaya ng makikita natin sa kapitulo ng Lucas. Iya’y ginawa ni Zaqueo ang publikano, gaya ng makikita natin sa Lucas labin siyam. At sinabi ni Hesus sa kanya,
“Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka't ngayo'y kinakailangang ako'y tumuloy sa bahay mo. At siya'y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa. At nang makita nila ito, ay nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya'y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan…At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas …Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:5-10).
Ang mapagyabang na manunulat at Fariseo ay di nadama ang pangangailangan para kay Kristo; sila’y nalugod sa kanilang sariling buhay. Ngunit ang mga publikano at mga makasalanan ay nagpunta sa Kanya at naligtas.
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit” (Lucas 5:31).
Iyong mga nalulugod sa kanilang sariling paraan ng buhay ay di mararamdaman ang pangangailangan para kay Hesus. Ngunit iyong mga nasusuklam sa pamamaraan ng kanilang buhay ay magpupunta sa Kanya at maliligtas.
Paano ka? Alam ko ayon sa karanasan na ito’y totoo patungkol sa marami sa inyo. Kung ika’y nalulugod sa iyong pamamaraan ng buhay kung paano ito, hindi mo makikita ang kahit anong pangangailangan para kay Hesus, at hindi maliligtas. Kung ika’y natutuwa sa pamamaraan ng iyong buhay kung paano ito, hindi mo makikita ang kahit anong pangangailangan para kay Kristo upang dumating at baguhin ang kahit ano.
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit” (Mateo 9:12).
II. Pangalawa, iyong mga nalulugod sa kanilang sariling kasamaan ay di nararamdaman ang pangangilangan para kay Hesus.
Tignan an gating lungsod. Isipin ang mga tao na narito. Marami ba sa kanila ay seryosong nag-iisip patungkol sa Diyos? Alam mo na hindi nila ito ginagawa. Sinasabi ng Bibliya,
“Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios” (Mga Taga Roma 3:11).
Maliban nalang na ang biyaya ng Diyos ay mapupunta sa iyo sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo kailan man hahanapin ang Diyos kay Kristo. Ika’y malulugod na mabuhay at mamatay na wala ang Diyos, sa isang masamang kalagayan.
Ngunit kung ang biyaya ng Diyos ay magsisimulang kumilos sa iyong puso, ika’y magiging di malugod sa iyong buhay kung paano ito. Magsisimula mong makita ang lahat ng bagay na iba. Maari kang nasa gitna ng maraming mga tao at magsimulang mag-isip, “Anong layunin ng buhay ng mga taong ito? Bakit hindi sila naabala patungkol sa Diyos?” Magsisimula mong maisip ang tungkol sa iyong sariling buhay at ang iyong parating na kamatayan. Ang iyong sariling relihiyon ay magsisimulang maging mukhang napaka babaw, at hindi nakatutulong sa anumang paraan. Anumang palusot na ginagawa ng ibang mga tao, ang mga palusot na ito ay magmumukhang di na sapat sa iyo. At magsisimula mong maramdaman na maaring mayroong mas higit sa buhay kaysa pagkain lamang, at pagtulog, at pag-aaral, at paglalaro.
Kapag ang biyaya ng Diyos ay magsimulang kumilos sa iyong buhay magkakaroon ka ng isang pag-iisip ng iyong sariling kasaaan. Magsisimula mong madaramang
“nangahiwalay sa buhay ng Dios” (Mga Taga Efeso 4:18).
Magsisimula mong maiisip na ang Diyos ay isang dayuhan sa iyo, at na ika’y nasa isang teribleng kalagayan kung na wala Siya,
“na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan” (Mga Taga Efeso 2:12).
At kaya tinatanong ko sa iyo, Ikaw ba ay lubos na nalulugod sa iyong buhay kung paano ito? Kung ikaw nga’y ganito mayroong kaunting pag-asa na ika’y magpupunta kay Kristo. Ika’y magpapatuloy kung paano ka – kontentong mabuhay at mamatay na hindi nakikilala ang Diyos sa isang personal na paraan.
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit” (Lucas 5:31).
Kung ika’y nalulugod sa isang masamang buhay hindi mo mararamdaman ang pangangailangan para kay Hesus.
Mayroong isang inklinasyon, lalo na sa mga kabataan, na isipin na ito’y isang tanda ng pagkahina na maging labis na interesado sa relihiyon. Iyong mga hindi tunay na mga Kristiyano ay may inklinasyon na isipin na ang mga taong lubos na interesado sa Diyos ay kaunting kakaiba, kaunting gansal, hindi normal.
Ito’y di masyadong binabanggit. Ang mga tao ay di karaniwang nagsasabi na “Ang taong iyan ay medyo wirdo. Lumalayo siya at nananalanging mag-isa.” Hindi nila sinasabi iyan na isang patakaran. Ngunit iniisip nila ito. At ang iyong mga di-Kristiyanong mga kaibigan ay iniisip ito. Sasabihin nila ang mga bagay tulad ng, “Huwag ka masyadong maging relihiyoso. Huwag kang maging fanatiko” – mga bagay tulad niyan. Ang dahilan ay ito’y napaka karaniwan ay dahil ang mga tao ay nasa isang kalagayan ng kasalanan.
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios [napopoot laban sa Diyos”] (Mga Taga Roma 8:7).
Sa kanilang di ligtas na kalagayan, ang lahat ng mga tao ay
“noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba” (Mga Taga Efeso 2:3).
Iyan ang dahilan na ang mga di ligtas na mga kaibigan at mga kamag-anak ay gagawin ang lahat na magagawa nila upang himukin kang huwag maging seryoso patungkol sa paghahanap sa Diyos. Maaring subukan nilang magpunta sa ibang simbahan, o sa “kanilang simbahan – kahit ano upang panatilihin ka mula sa pagbalik sa simbahang ito! Bakit? Dahil alam nila na ang “kanilang” simbahan ay malamig, at na ang Diyos ay wala roon. Ang kanilang tunay na motibo ay ang subukan na manatiling lumayo mula sa Diyos,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).
Sa isang nawawalang kalagayan, ang sangkatauhan ay nasa rebelyon tungo sa Diyos. Kapag ang Diyos ay magsimulang tawagin ka, ang iyong mga nawawalnag mga kaibigan at mga kamag-anak ay susubukan kang hatakin at hadlangin ka mula sa Diyos. Ang iyong mga magulang at mga nawawalang mga kaibigan ay maaring gawin ang parehong bagay sa iyo.
Ngunit sinabi ni Hesus,
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay” (Juan 5:25).
Kahit na ika’y espiritwal na patay ayon sa Mga Taga Efeso 2:1, 5, ang Anak ng Diyos ay magsisimulang tumawag sa iyo. Sa iyong patay na kalagayan, maririnig moa ng “tinig ng Anak ng Dios.” Kapag iyan ay mangyayari hindi ka magiging malugod sa iyong sariling buhay na wala si Hesus, ang Anak ng Diyos. Magugustuhan moa ng higit pa. Hahanapin mo gayon si Hesu-Kristo. Ngunit hangga’t ikaw ay nasa di nagiging at patay na kalagayan, ika’y mananatiling di nalulugod na mabuhay at mamatay na wala si Kristo. Kapag ipakita sa iyo ng Banal na Espiritu na mayroong mali sa loob mo – na ang iyong puso ay masama – kapag makita mo lamang ang depektong ito sa iyong sarili na ika’y maging interesado kay Hesu-Kristo.
“Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit” (Lucas 5:31).
III. Pangatlo, iyong mga nalulugod sa kasamaan ng kanilang sariling mga puso ay walang nadaramang pangangailangan para kay Hesus.
Ang Diyos ay karaniwang nagsasalita sa iyong mga emosyon muna. Kapag ang Banal na Espiritu ay sisimulan ang Kanyang pangungumbinsing gawain, gagawin Niya tayong madamang makasalanan.
Pansinin kung gaano kadalas na sinasabi ng Bibliya sa atin na ang mga tao ay napapakilos sa kanilang emosyon kapag sila’y napagbagong loob. Ang mga taong humalik sa paa ni Hesus ay napakilos ang kanilang emosyon.
“At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento, At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa” (Lucas 7:37-38).
Di nagtagal nagpunta siya kay Hesus at naligtas.
Sa Araw ng Pentekostes, iyon mga nakadinig sa pangaral ni Pedro
“ay nangasaktan ang kanilang puso” (Mga Gawa 2:37).
Literal na ibig nitong sabihin na “nangasaktan ang kanilang puso.” Tumutukoy iyan patungkol sa emosyon. Ang tagabilanggo sa lungsod ng Philippi
“nanginginig sa takot” (Mga Gawa 16:29).
Sinabi ni Apostol Pablo,
“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).
Ang mga kaganapan sa Bibliya ay nagpapakita na ang Diyos ay karaniwang nagpapakilos ng mga pakiramdam ng tao upang ang siya ay maging di malugod sa kanyang masamang puso. Ang karaniwang denominador sa lahat ng tunay na mga pagbabagong loob, ang bagay na parehas sa lahat ng tunay na bagong pagbabagong loob, ay ito – ang mga tao ay sa loob nila nagiging di kontento sa kanilang mga sarili. Tinitignan nila ang kanilang mga sariling mga puso at nakikita nila ang kasalanan doon. Di nila nagugustuhan ang nakikita nila sa kanilang sarili. Di sila sumasang-ayon sa sarili nilang mga puso! Sila’y di nalulugod sa kung sino sila.
Mayroong isang bagay na nasa likuran ng mga publikano at mga makasalanan na nagpupuntang napaka handa kay Hesus – habang ang mga manunulat at mga Fariseo ay nanaatiling hiwalay mula sa Kanya.
“Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:31).
Ang tanong sa iyo ngayong umaga ay ito: ikaw ba ay di kontento? Di ka ba natutuwa sa iyong sariling paraan ng pamumuhay? Nasusuklam ka na ba sa pamumuhay na walang Diyos? Di ka ba nalulugod sa iyong sariling puso? Nadarama mo bang nakumbinsi ng kasalanan sa iyo patungkol sa mga bagay na ito, gayon handa ka nang magpunta sa Dakilang Manggagamot, si Hesus. Pagkatapos ng lahat, si Kristo ay ang nag-iisa lamang na makliligtas sa iyo mula sa kasalanan. Siya ang nag-iisang namatay para magbayad para sa iyong kasalanan. Siya ang nag-iisang bumangong pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Siya ang nag-iisang nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, sa itaas sa Langit, nananalangin para sa iyo. Handa ka na bang magpunta sa Kanya? Handa ka na bang mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo?
“Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisis” (Lucas 5:31).
Kung gusto mong makipag-usap sa amin patungkol sa kaligtasan kay Kristo, paki-usap at magpunta at umupo sa unang dalawang hilera ng mga upuan habang ang lahat ng iba ay magpunta sa itaas para sa salo-salo. Dr. Hymers, magpunta ka at isara ang paglilingkod.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: Lucas 5:27-35.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Namamangha.” Isinalin mula sa “I Am Amazed” (ni A. H. Ackley, 1887-1960).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGLILIGTAS AY PARA LAMANG SA DI KONTENTO DELIVERANCE IS ONLY FOR THE DISSATISFIED Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi” (Lucas 5:31-32). (Lucas 5:28, 30; 18:9) I. Una, iyong mga nalulugod sa pamamaraan ng kanilang II. Pangalawa, iyong mga nalulugod sa kanilang sariling kasamaan III. Pangatlo, iyong mga nalulugod sa kasamaan ng kanilang sariling |