Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGDADAGIT(PANGARAL BILANG 3 SA BIBLIYANG PROPESIYA) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin…”
|
Iyan ay isang nakamamanghang pangako sa Bibliya! Si Hesus ay darating muli! Ang bawat Krisityano ay dapat mapuno ng kagalkan kapag naririnig ang mga salitang iyang, “Si Hesus ay dartaing muli”! Panatilihing bukas ang inyong Bibliya sa pasaheng ito ng Kasulatan.
Si Hesus ay naipako sa Krus ng maraming oras. Sa wakas sumigaw Siya ng may malakas na tinig, “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu” (Lucas 23:46). Namatay Siya. Inilagay nila ang Kanyang patay na katawan sa isang libingan. Sinelyohan nila ito at iniutos na mga Romanong alagad ay bantayan ang Kanyang libingan.
Sa pangatlong araw bumangon Siya mula sa pagkamatay. Ngunit nagpakita Siya sa Kanyang mga disipolo,
“Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu” (Lucas 24:37).
Tapos sinabi ni Hesus sa kanila,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Dinala Niya sila palabras ng lungsod ng Jerusalem sa Bundok ng Olivo. Sinabihan Niya silang ebanghelismohin ang buong mundo.
“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong [parehong] si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:9-11) – [KJV].
“Itong [parehong] si Hesus” na itinaas “sa langit” ay babalik muli. Umaakyat Siya! Bababa Siya! Siya’y darating muli!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang pinaka parehong Hesus, na tinanggihan ng tap;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa “He is Coming Again”
ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
Sinasabi ng Bibliya sa atin darating Siya sa dalawang bahagi. Ang pangalawang bahagi ng Kanyang pagbalik ay kapag bababa Siya sa Bundok ng Olivo upang itatag ang Kanyang Kaharian sa lupa ng isang libong mga taon. Ngunit ang ating teksto ay tumutukoy sa unang bahagi ng Kanyang pagbalik. Tignan muli ang ating teksto sa I Mga Taga Tesalonica 4:16-17. Pansinin ang tatlong mga bagay tungkol sa kaganpang ito mula sa pasahe ng Kasulatan.
I. Una, ang Panginoong Hesus ay bababa sa atmospera sa ibabaw ng lupa.
Pansinin ang I Mga Taga Tesalonica 4:16.
“Sapagka't ang Panginoon din [mismo] ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw…”
(I Mga Taga Tesalonica 4:16) – [KJV].
Si Kristo “[mismo]” ang bababa “mula sa langit.” Hindi ito ang Banal na Espiritu. Sa katunayan, hindi ito isang espiritu sa anumang paraan. Ito’y ang “[parehong] Hesus, na tinanggap sa langit” (Mga Gawa 1:11). Ang “[parehong] Hesus” na ito ay darating mula sa langit.
“Sapagka't ang Panginoon din [mismo] ang bababang mula sa langi…” (I Mga Taga Tesalonica 4:16).
Sinabi ng bumangong si Kristo,
“Hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang pinaka parehong Hesus, na tinanggihan ng tap;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati,
Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa “He is Coming Again”
ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
Sa Juan 14:3 sinabi ni Hesus,
“Muling paririto ako” (Juan 14:3).
Gusto ko ring mapansin mo na hindi Siya magpupunta sa lupa sa ating teksto. Ang Kanyang pagbalik sa lupa ay isang buong hiwalay na kaganapan, sa isang kaganapan na mangyayari mamaya. Ngunit gusto kong mapansin mo na hindi Siya babalik sa lupa sa ating teksto. Tignan ang berso 17. Tumayo at basahin ito.
“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin…” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
Maari nang magsi-upo.
Si Kristo ay darating sa hangin sa “pagdadagit.” Pumaparito Siya sa lupa maya-maya. Ito’y malinaw mula sa isang literal na pagbabasa ng Bibliya na ang mga ito ay dalawang hiwalya na kaganapan. Ang Panginoong Hesus ay bababa mula sa Langit, ngunit hihinto sa ibabaw ng lupa, “sa hangin.” Ang salitang “pagdadagit” ay nangangahulugang upang maidala – upang maagaw sa kaligayahan! Walang hangin sa espasyo, kaya ipinapakita nito na hihinto Siya pagkatapos Niyang makapasok sa atmospera sa ibabaw ng lupa.
“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing … upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
II. Pangalawa, ang patay kay Kristo ay babangon.
Sa berso 16 sinasabi ng teksto,
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli…” (I Mga Taga Tesalonica 4:16).
Maari nang magsi-upo. “Ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabuuhay na maguli.” Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Bababa Siya mula sa langit “na mayroong isang sigaw.” Iyana ng tinig ng utos. Ito ang parehong tinig na Kanyang ginamit noong tumayo Siya sa libingan ni Lazaro at nagsabing, “Lazaro, lumabas ka” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D,. Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, pah. 398).
Si Hesus ay nagpunta sa libingan at nagsabi,
“Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay” (Juan 11:39).
Ngunit sinunod nila si Hesus. Kinuha nila ang bato papalayo mula sa pintuan ng libingan. At si Hesus,
“sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka. Siya na patay ay lumabas” (Juan 11:43-44).
Iyan sakto ang gagawin ni Kristo sa pagdadagit. Sisigaw Siya na may malakas na utos, na may isang tinig tulad ng isang arkanhel, isang tinig tulad ng isang trumpeta (Isinalin mula kay McGee, ibid.). Kapag si Kristo ay sisigaw, tulad ng ginawa Niya sa libingan ni Lazaro, iyong mga “nangamatay kay Kristo ay unang mangabuhay muli.” Ang mga patay na mga katawan ng mga tunay na mga Kristiyano ay lalabas mula sa kanilang mga libingan at babangon upang salubungin si Kristo sa himpapawid.
Noong si John Cagan ay isang maliit na bata alam niya na hindi siya ligtas – ngunit ang kanyang mga magulang ay mga tunay na mga Kristiyano. Kapag nangangaral ako patungkol sa pagdadagit nag-alala siya sa gabi. Sinabi niya sa akin na patuloy siyang tumatayo mula sa kama at nagpupunta sa silid ng kanyang mga magulang upang tignan kung sila’y nadagit na at iniwan na siyang mag-isa sa bahay. Iyan ay isang mabuting takot. Ito’y mabuting para sa iyo na matakot na maiiwanan. Magtiwala kay Hesus ngayon at ang takot na iyan ay mawaala! Sinasabi ng Bibliya,
“Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay” (Isaias 26:19).
Ang aklat ni Job ay ang pinaka lumang aklat ng Lumang Tipan. Ito’y isinulat bago isinulat ni Moses ang Genesis. Si Job ay tumukoy ng pagdadagit.
“At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman: Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko” (Job 19:26-27).
Ang pagdadagit ay hinulaan ng Apostol Pablo. Sinabi niya,
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan…” (I Mga Taga Corinto 15:52).
Sinasabi ng ating teksto,
“Ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (I Mga Taga Tesalonica 4:16).
Ngayon, maaring magtataka ka kung paano na ang mga katawan na matagal nang patay, mga katawan ng mga tunay na mananampalataya na naging patay na ng higit sa 3,520 na mga taon sa kalagayan ni Job, ay maaring bumangon muli. Paano ito nangyari? Tinatawag ito ng Apostol Pablong ito’y “isang misteryo” sa I Mga Taga Corinto 15:51, ang isang “musterion” sa orihinal na Griyego, isang bagay na ang ating mga makataong isipan ay di lubusang maiintindihan. Na nagiging pranka, ito’y isang himala. Naniniwal ka nga sa Diyos, di ba? Tayo’y nasabihan mula sa isang dulo ng Bibliya tungo sa kabilang dulo na ang Diyos ay gumagawa ng mga himala. At ito’y isa sa pinaka dakilang himala. At ito ay isa sa pinaka dakilang himala ng Diyos,
“Ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (I Mga Taga Tesalonica 4:16).
Hindi naming naiintindihan ang lahat ng itong makatuwiran, ngunit ito’y totoo gayun man.
“Ang nangamatay kay Cristo [mga patay na Kristiyano] ay unang mangabubuhay na maguli” (I Mga Taga Tesalonica 4:16)
III. Pangatlo, ang mga nabubuhay na mga Kristiyano ay aagawin kasama nila.
Tignan ang berso 17.
“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin…” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
Ang mga tunay na mga Kristiyano na nabubuhay sa lupa sa panahong iyon ay “aagawin” kasama ng mga nangamatay na mga Kristiyano “upang salubungin ang Panginoon sa hangin.” Una, ang namatay na mga Kristiyano ay “aagawin,” at tapos, pangalawa, ang mga tunay na mga Kristiyano na nabubuhay ay “aagawin” upang salubungin ang Panginoon sa hangin. Sinasabi ng Bibliya sa atin na ang lahat ng mga ito ay magaganap
“Sa isang sandal, sa isang kisap mata” (I Mga Taga Corinto 15:52).
Mangyayari ito na kasing bilis ng pag kisap mo ng iyong mata! Ang mga patay na mga Kristiyano at tapos ang mga nabubuhay na mga Kristiyano, ay “aagawing kasama nila…upang salubungin ang Panginoon sa hangin.” Nakamamanghang pangako sa Bibliya! Nakapagandang pag-asa para sa Kristiyano!
O, anong galak! O, anong tuwa! na tayo’y aalis na hindi namamatay,
Walang karamdaman, walang kalungkutan, walang takot at walang pag-luluha.
Aagawin sa mga ulap kasama ang ating Panginoon sa luwalhati,
Kapag tatanggapin ni Hesus ang “Kanyang kanya.”
(“Si Kristo’y Babalik.” Isinalin mula sa “Christ Returneth”
ni H. L. Turner, 1878).
Sinabi ni Dr. McGee, “aagawin’ ay isinalin mula sa Griyegong salitang “harpazō,” ibig sabihin “na hahablutin nang madalian, hahakutin, itataas, o pagdadagit” (isinalin mula sa ibid., pah. 399). Tapos sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Anong maluwalhati, nakamamanghang pagpapalugod ito! Ang mga katawan ng mga patay na [mga Kristiyano] ay itataas. Tapos kung sino mang buhay sa panahong iyon ay aagawin na kasama sila upang salubungin ang Panginoon sa hangin. Kaya tayo’y maging kailan man kasama ng Panginoon. Sa katunayna, tayo’y babalik kasama Niya sa lupa upang maghari kasama Niya sa panahong iyon kapag itatayo Niya ang Kanyang kaharian (isinalin mula sa ibid.).
Isang nakamamanghang hinaharap ang nag-aantay sa bawat tunay na Kristiyano kapag si Kristo ay babalik sa hangin upang tanggapin tayo sa Langit!
Handa ka na ba para mangyari iyan? Handa ka na ba? Iyon lamang mga ligtas ngayon ay madadagit upang salubungin ang Panginoon sa hangin doon. Ligtas ka na ba? Si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at kinuha ang Kanyang Dugo sa Langit upang linisan ka, upang hugasan papalayo, ang lahat ng iyong mga kasalanan. Ngunit dapat kang sumuko kay Kristo, at magtiwala sa Kanya lamang. Kung magtiwala ka kay Kristo sa simpleng pananampalataya, lilinisan ka Niya mula sa bawat kasalanan gamit ng Kanyang sariling Dugo, at maliligtas ka, handang,
“aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin” (I Mga Taga Tesalonica 4:17).
Tapos makakanta mo kasama namin,
O, anong galak! O, anong tuwa! na tayo’y aalis na hindi namamatay,
Walang karamdaman, walang kalungkutan, walang takot at walang pag-luluha.
Aagawin sa mga ulap kasama ang ating Panginoon sa luwalhati,
Kapag tatanggapin ni Hesus ang “Kanyang kanya.”
O Panginoong Hesus, gaano katagal, gaano katagal,
Na isisigaw namin ang maligayang kanta,
Si Kristo’y bumalik na! Aleluya!
Amen. Aleluya! Amen. Aleluya! Amen.
(“Bumalik si Kristo.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” ni H. L. Turner, 1878).
Tiyakin na bumalik sa simbahang ito, sa sunod na katapusan ng lingo upang madinig ang Ebanghelyo muli. Minamahal ka ni Hesus! Magtiwala sa Kanya at huhugasan Niya ang lahat ng iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo na ibinuhos Niya sa Krus! Amen!
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: I Mga Taga Corinto 15:51-54.
Kumanta na Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Hesus ay Darating Muli.” Isinalin mula sa
“Jesus is Coming Again” (ni John W. Peterson, 1921-2006).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGDADAGIT (PANGARAL BILANG 3 SA BIBLIYANG PROPESIYA) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin…”
(Lucas 24:37, 39; Mga Gawa 1:9-11) I. Una, ang Panginoong Hesus ay bababa sa atmospera sa ibabaw ng lupa, II. Pangalawa, ang patay kay Kristo ay babangon, III. Pangatlo, ang mga nabubuhay na mga Kristiyano ay aagawin kasama |