Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
HUMIHINGI NG TINAPY PARA SA MGA MAKASALANAN – ISANG BAGONG PAG-IISIP!ASKING BREAD FOR SINNERS – A NEW THOUGHT! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Sabado ng Gabi, Ika-22 ng Abril taon 2017 |
Binasa ni John Samuel Cagan ang Lucas 11:15-13 ilang minute kanina. Ngunit gusto kong tignan ninyo ito muli. Ito’y nasa pahina 1090 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ito’y ang Parabula ng Mapagpilit na Kaibigan. Maglalabas ako ng ilang mga mahahalagang bagay sa parabulang ito ngayong gabi.
Una, mayroong tatlong mga tao sa parabula.
“At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya?” (Lucas 11:5-6).
Ang unang “kaibigan” ay isa na mayroong maraming tinapay. Siya ang Diyos Ama. Ang pangalawang kaibigan ay ang taong humihingi ng tinapay. Siya ay ang Kristiyano, na nangangailangan ng tinapay. Ang pangatlong kaibigan ay ang taong nagpupunta sa Kristiyano. Siya ay ang nawawalang tao, isang tao na hindi ligtas. Ito ang taong nangangailangan ng tinapay. Ikaw at ako na mga tunay na mga Kristiyano ay tumatayo sa pagitan ng Diyos at noong iyong mga nawawala. Ano ang “tinapay” sa parabulang ito? Noon ang ilan sa atin ay iniisip na ang tinapay ay ang Banal na Espiritu. Ngunit ngayon isipin na iyan ay mali. Totoo, ang Banal na Espiritu ay ibinibigay, sa sagot sa panalangin, sa berso 13,
“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).
Ngunit kumbinsido ako na ang “tinapay” ay hindi ang Banal na Espiritu. Nagsulat si Dr. John R. Rice na nakadetalye patungkol parabulang ito mula sa Lucas (Panalangin: Paghihingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving, Sword of the Lord, 1970, pah. 70). Patungkol sa “tinapay,” sinabi ni Dr. Rice na ito’y si Kristo. “Siya Mismo ang Tinapay.” (Juan 6:35). Noon akala ko ang “tinapay” ay ang Banal na Espiritu. Ngunit mali ako. Ang Tinapay ay si Kristo Mismo. Iyan ay malinaw sa Bagong Tipan. Halos isang buong kapitulo ang tumutukoy patungkol kay Hesus bilang “tinapay ng buhay.” Pakinggan kung anong sinabi ni Hesus sa ika-anim na kapitulo ng Juan:
“Ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan” (Juan 6:33).
“Ako ang tinapay ng kabuhayan:” (Juan 6:35).
“Ako ang tinapay ng kabuhayan” (Juan 6:48).
“Ako ang tinapay na buhay” (Juan 6:51).
“Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman” (Juan 6:51).
Muli’t muli tayo ay sinasabihan na si Hesus Mismo ang “tinapay ng buhay.”
Gayon bakit sinasabi ng Kristiyano sa Lucas 11:6, “dumarating sa akin… ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya”? Dahil tayo ay walang kapangyarihan upang makuha silang kumain ng “tinapay ng buhay”! Sa ating pagtatagumpay ng kaluluwa at sa ating pangangaral, simpleng wal tayong kapangyarihan upang bigyan sila ng tinapay ng buhay! Alam natin ang Ebanghelyo, ngunit nararamdaman natin na wala tayong kapangyarihan, kaya alam natin, “dumarating sa akin… ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).
Iyan ang aking kumpisal – “wala akong maihain sa kaniya.” Iyan ang nadarama ng maraming mga kabataan kapag binibisita nila ang isang Bautistang simbahan ngayon. Nadarama nila na ang simbahan ay walang maihahain sa kanilang kahit anong kakailanganin nila. Sa karamihan sa ating mga Bautistang simbahan, “wala [silang] maihain sa kanila kundi kaunting magkapanabay na mga kanta.” Lubos kong kinamumuhian ang mga ito! Magkakatunog silang lahat! Ang mga ito’y mga “kantang pagsasamba” – at walang kahit ano sa mga ito na magagawa ang isang makasalanang mag-isip patungkol sa kanyang pangangailangan para kay Hesus! Wala akong maihahain sa kaniya! Wala! Wala! Wala kundi isang gamit-na-gamit nang “pagsasambang” kanta. Wala! Wala! Walang ihahain sa kanya! Wala! Wala! Wala kundi isang kasing tuyo ng alikabok, walang buhay, na berso-kada-besrong pagpapaliwanag ng Bibliya. Wala kundi patay na “pagsasambang” mga kanta at isang mapurol at nakababagot na pag-aaral ng Bibliya. Nadinig mo ito noong isang gabi! Walang malusog, normal na kabataan ang matutulungan niyan. Ang nag-iisang may buhay na bagay ay ang pagkakanta ng dakilang Muling Pagkabuhay na himno ni Paul Rader, na “Buhay Muli” [“Alive Again”]. Tayo ay lubos na nabighani ng isang halos patay nang paglilingkod na kinailangan kong sumigaw at magpawis upang makuha tayong magising na sapat upang kantahin ito ng wasto! Hindi nakapagtataka na ang ating mga simbahan ay hindi makapagwagi ng nawawalang mga kabataan mula sa sanglibutan! Di nakapagtataka na nawawalan na natin ang 90% ng mga kabataan sa simbahan. Di nakapagtataka na iyan ang nangyari sa akin noong kabataan ko. Walang kahit ano sa simbahang iyon na nakapagpawili sa akin. Patay ako at tuyo at panis. Walang kahit ano sa una kong simbahan na sumubok sa akin. Ang aking isipan ay nagging blangko sa bawat paglilingkod. Ang aking isipan ay nagging blangko dahil si Hesus ay wala roon. Para sa akin mukhang ang bawat paglilingkod ay nadesenyo upang palugurin ang mga kababaihan ng simbahan. Wala silang maihahain sa akin! Tignan si Charles Stanley sa telebisyon, o si Paul Chappell sa Internet. Patay, tuyo, di kaakit-akit na walang ihaharap si Hesu-Kristo bilang sagot sa kanilang kasalanan, ang kanilang pagkalungkot, at ang kanilang walang hanggang kapalaran. “dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya!” Ako’y nakapunta na sa simbahan ni Rick Warren. Nakapunta na ako sa Unang Bautistang Simbahan sa Dallas. Nakapunta na ako sa BBFI na mga simbahan! Sila’y lubos na nadroga na hindi nila natatanto na wala silang “maihain sa kaniya.”
Ang sagot ay nasa mga berso 9 at 10.
“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas? O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan? Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:9-13).
Tinatapos ni Hesus ang parabula sa pagsasabi sa atin na magsihanap, magsituktok at magsihingi hanggang sa ang ating Ama sa Langit ay magbibigay ng “Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya” (Lucas 11:13). Magpatuloy himingi (iyan ang ibig sabihin ng Griyego). Magpatuloy magsihanap! Magpatuloy kumatok! Magpatuloy humingi!
Kita mo, kailangan nating magkaroon ang Banal na Espiritu sa mga paglilingkod. Kailangan nating magkaroon ang Banal na Espiritu o si Hesus ay magmumukhang si mahalaga – at si Hesus ay hindi pa nga maparirito! At walang maliligtas! Sa berso 8 sinasabi ng Tagapagligtas,
“Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya” (Lucas 11:8).
Ang Griyegong salita na isinalin bilang “pagbagabag” sa KJV ay nangangahulugang “walang hiyang pagpupursigi.” Pagpupursigi – ay nangangahulugang kailangan nating manalangin para sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu para sa bawat paglilingkod. Ang “manna” sa kagubatan ay mapapanis kung ang mga Israelites ay sumubok na itago ito hanggang sa sunod na araw. Pareho ito ngayon. Ang mga panalanging pagpupulong at ang mga paglilingkod ay magiging “bulok” maliban na lang kung tayo’y “walang hiyang magpupursigi” sa panalangin bago ng bawat panalanging pagpupulong at bawat paglilingkod! Isinara natin si Hesus palabras ng ating mga paglilingkod – gaya ng pagka-sara Niya papalabas mula sa mga simbahan ng Laodisceya sa Aklat ng Apocalipsis. Ito’y maaligamgam. Walang apoy! Walang kidlat! Walang dinamikang pagkakanta! Walang pangangaral – patay na berso-kada-berso lamang na Bibliyang pagpaaliwanag! Hindi mo kailangan ang Banal na Espiritu upang magbigay ng isang patay na pagpapaliwanag na pangaral! Ang mga pagpapaliwanag na pangaral ay kumakausap sa utak! Ang mga ebanghelistikong pangaral ay kumakausap sa puso! sa puso! sa puso! “Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid” (Mga Taga Roma 10:10).
Sa pamamagitan ng puso – hindi sa utak! Hindi sa isipan lamang! Si Kristo ay dapat magsalita sa puso o walang maliligtas – o walang mabubuhayan muli – o walang makalalasa ng tinapay ng buhay! Si Hesus ay naisara mula sa ating maaligamgam na ebanghelikal at Bautistang mga paglilingkod! Naisara! Naisara! Naisara! Sinasabi ni Hesus, “Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok” (Apocalipsis 3:20). Bakit Siya nasal abas ng simbahan kumakatok sa pinto? Dahil isinarhan natin Siya, iyan ang dahilan. Kung hindi natin ipananalanging bumaba ang Banal na Espiritu sa bawat paglilingkod, hindi natin magkakaroon si Hesus sa mga paglilingkod na iyon! Si Hesus ay nagpupunta lamang kapag ang Banal na Espiritu ay naroon – at ang Banal na Espirtu ay maparirito lamang kung magdarasal tayo hanggang sa Siya’y bumaba! Ay narito lamang kapag tayo’y manalangin hanggang Siya’y bumaba! Narito lamang kapag tayo’y manalangin hanggang sa bumaba Siya! Marami sa ating mga paglilingkod ay hindi mas masigla kaysa sa Katolikong Misa. Nakita niyo na ito. Nakita niyo na ito. Sa katunayan, mas patay pa ito kaysa sa Katolikong Misa! At alam mong tama ako!
“dumarating sa akin… ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya” (Lucas 11:6).
At ano ang “tinapay” na hiningi ng tao para sa madaling araw na oras na iyon? Anong gusto niya noong kumatok siya sa pintuan ng kanyang kapit bahay? Ang tinapay na hinahanap niya, at ang tinapay na pinagkatokan niya, at ang tinapay na hingi niya ay si Hesus Mismo. Ano pa kaya ito na kailangan ng makasalanan? At sa katapusan ng berso 13, sinabi ni Hesus, “Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13). Nakaligtaan ng Scofield ang punto ito rito. Ang mandirigmang mananalangin ay hindi humihingi para sa Banal na Espiritu para sa sarili niya. Nananalangin siya para sa Banal na Espiritu para sa kanyang nawawalng kaibigan na di kalian man magtitiwala kay Hesu maliban na lang na ang bubuksan ng Banal na Espiritu ang kanyang puso at dadalhin siya kay Hesus!
“Dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya.”
Sa katunayan, kung hindi ibibigay ng Diyos ang Banal na Espiritu, sa kasagutan sa iyong mga panalangin, wala kang kahit ano na maibibigay sa nawawalang makasalanan! Sinabi ni Dr. John R. Rice itong mahusay.
Hindi inilagay ni Hesus sa saktong mga salita hanggang sa pinaka katapusan ng kanyang aral tungkol…sa panalangin, na tinuturuan Niya ang mga disipolong manalangin para sa Banal na Espiritu…na tunay na nagdadala ng muling pagkabuhay, nagkukumbinsi ng makasalanan at nagbabagong loob sa kanila, na nagbibigay ng karunungan at kapangyarihan at pamumuno sa tao ng Diyos! Kapag tayo’y mananalangin para sa tinapay para sa makasalnaan, tunay na ibig sabihin naming sabihin na kailangan naming…ang Banal na Espiritu ng Diyos (Isinalin mula kay Rice, ibid., pah. 96).
Nagsasalita na ako ngayon doon sa nawawala pa rin. Si Hesu-Kristo ang tinapay sa parabula. Ang Panginoong Hesu-Kristo ang kailangan mo higit sa lahat ng ibang pang mga bagay! Maliban na lang na ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo sa ating paglilingkod sa simbahan hindi ka kailan man makukumbinsi ng iyong mga kasalanan. Sinabi ni Hesus,
“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Nananalangin kami para sa Banal na Espiritu na bumaba upang gawin ang isang nawawalang makasalanan tulad mo na madam ang teribleng kasalanan ng iyong puso, upang magawa kang madama ang malalim na pagkamakasalanan ng iyong napatigas na puso. Kung ang Banal na Espiritu ay di kailan man magagawa kang madama ang isang tunay na pangangailangan para kay Kristo.
Tapos, din, dapat rin tayong manalangin para sa Espiritu ng Diyos na dalhin ka kay Kristo para sa punong kaligtasan. Dahil sinabi ng Tagapagligtas,
“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44).
Kaya, dapat tayong manalangin para sa Espiritu ng Diyos na magdal asa iyo kay Hesus, dahil si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalann at Impiyerno.
Hanggang ngayon narinigmo lamang ang Ebangelyo. Narinig mo lamang na si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa iyong kasalanan. Nadinig mo lamang na ang Dugo ni Hesus ay makalilinis sa iyong mga kasalanan at patunayna ka sa paningin ng Diyos. Nadinig mo lamang na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. At nadinig mo lamang na Siya ay buhay sa Langit, nananalangin para sa iyong buhay. At di mo kailan man mararanasaniyong mga nakamamanghang katunayan kung simpleng uupo ka lang sa simbahan Linggo kada Linggo, naririnig lamang sila muli’t muli. Isang bagay na higit pa kaysa sa pagkakarinig ng mga katunayang iyon ang dapat mangyari sa iyo o di ka kailan man maliligtas!
Ang Banal na Espiritu ay dapat bumaba at gawin kang madamang makasalanan. Ang Banal na Espiritu ay dapat bumaba at dalhin ka kay Hesus. Ang Banal na Espiritu ay dapat bumaba at bigyan ka ng isang banal na makataong pagtatagpo sa nabubuhay na Kristo. Kakailanganin ng isang himala para sa iyo upang madala sa Tagapagligtas. Kakailangan ng isang himal apara sa iyong maipanganak muli. At ang Espiritu lamang ng Diyos ang makagagawa sa himalang iyan na mangyari sa iyong buhay. Kung ang Banal na Espiritu ay hindi narito upang mapalugod ang iyong mga espiritwal na pangangailangan, kung ang Banal na Espiritu ay wala sa ating mga paglilingkod, kung Siya ay wala masasabi lamang natin,
“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).
Iyan ang dahilan na nanalangin kami para sa iyong kaligtasan. Iyan ang dahilan na nagpapatuloy kaming humingi. Iyan ang dahilan na nagpapatuloy kaming maghanap. Iyan ang dahilan na nagpapatuloy kaming kumatok – at gagawin ito hanggang sa bubuksan ng Diyos ang Langit at ipadadala ang Kanyang Espiritu upang pagbaguhing loob ka ang baguhin ka, at bigyan ka ng walang hanggang buhay! Sinabi ni Hesus na ang “inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya” (Lucas 11:13). Nananalangin kami para sa iyo. Humihingi kami sa Diyos na ipadala ang Kanyang Espiritu upang kumbinsihin ka ng iyong kasalanan, at dalhin ka kay Kristo sa isang milagrosong pagbabagong loob na karanasan! Huhugasan in Kristo papalayo ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Dadamitan ka ni Kristo ng kanyang katuwiran at bibigyan ka ng isang puso ng laman! “Para sa iyo nananalangin ako.” Kantahin ang koro!
Para sa iyo nanalangin ako, Para sa Iyo nanalangin ako,
Para sa iyo nananalangin ako,
Nananalangin ako para sa iyo.
(“Nananalangin Ako Para Sa Iyo.” Isinalin mula sa
“I Am Praying For You” ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).
Nanalangin tayo noong huling Linggo ng gabi para sa Banal na Espiritu. Ang lahat ay wala na at umupo ako kasama ni Dr. Cagan. Tapos si Tom Xia ay dumating at naligtas – dahil ang Banla na Espiritu ay naipanalangin hanggang sa bumaba! Amen at amen!
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. John Samuel Cagan: Lucas 11:5-13.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nananalangin Ako Para Sa Iyo.” Isinalin mula sa
“I Am Praying For You” (ni S. O’Malley Clough, 1837-1910).