Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
HUWAG MATUTULOG MULI!DON’T GO TO SLEEP AGAIN! Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. at ipinangaral ni Gg. John Samuel Cagan sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles, Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-26 ng Marso taon 2017 “At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog” (Mateo 26:43). |
Pagkatapos nilang kumain ng Passover na hapunan, itinatag ni Hesus ang Hapunan ng Panginoon. Ito’y gabing-gabi na noong natapos silang kumain. Tapos, dinala sila ni Hesus sa labas sa gabi, patawid ng Batis ng Kedron, sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani. Iniwan Niya ang walo sa Kanyang mga Disipolo mas malayo ng kaunti at dinala si Pedro, Santiago at Juan na mas loob sa kadiliman. Sinabi Niya sa tatlong mga Disipolo na ang kanyang kaluluwa ay “Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko” (Mateo 26:38). Sinabihan Niya silang magbantay at manalangin kasama Niya.
Habang iniwan Niya sila doong manalangin, nagpunta Silang mas malayo sa Hardin upang manalangin na Mag-isa. Noong bumalik Siya sa kanila maya-maya natagpuan Niya silang natutulog. Ginising Niya sila at nagsabing, “Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?” (Mateo 26:40).
Sa pangalawang pagkakataon na bumalik Siyang mag-isa kung saan Siya’y nananalangin. Pagkatapos ng ilang sandal bumalik Siya at “naratnan silang nangatutulog” (Mateo 26:43).
“At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo” (Mateo 26:44).
Noong bumalik Siya sa kanila sa pangatlong pagkaataon, muli sila’y natututlog. “siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog.” Sinabi ni Joseph Hart,
Patalikod at paharap tatlong beses Siyang tumakbo,
Na parang naghahanap ng ilang tulong mula sa tao.
Ngunit wala Siyang nahanap na tulong sa kanila, walang panalangin sa kanila, walang sagisag sa kanila. “Siya;y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog.”
Nahahanap madalas ng mga pastor na ito ay totoo sa kanilang sariling mga ministro. Madalas nilang maramdaman na kailangan nila ang kanilang mga tao sa simbahan upang suportahan sila at tulungan sila. Gayon sila’y madalas na nabibigo kapag nahahanap nila ang kanilang mga taong “natutulog muli.” Ito ay isa sa pinaka nakabibiyak na pusong mga bagay na nararanasan ng isang pastor.
Sinusubok ko kayo ngayong umaga na huwag maging tulad ni Pedro, Santiago at Juan. Sinusubok ko kayong huwag matagpuang “muling natutulog” sa tatlong mga lugar.
I. Una, naway ang lahat sa inyo, ligtas man o nawawala “natutulog muli” patungkol sa paraan na kumanta ka sa mga paglilingkod.
Sinabi ng propetang Isaias,
“Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok” (Isaias 26:19).
Alam ko na ito’y literal na nangangahulugan na iyong mga muling nabuhay ay “magigising at magsiawit” sa Pagdadagit. Ngunit maari itong magamit sa iyo sa mga paglilingkod ng ating simbahan rin. Ang ilan sa inyo ay natutulog sa “alikabok” kapag magpunta ka sa simbahan. Ngunit sinasabi ng Diyos, “Magsigising at magsiawit.”
Wala akong nakikitang dahilan kung bakit ang lahat rito ngayong umaga ay hindi magpupunyaging gawin iyan ngayong gabi. Wala akong makitang dahilan kung bakit hindi mo maitulak ang iyong sariling malaksa upang kantahin ang
“mga himno at mga awit na ukol sa espiritu” (Mga Taga Efeso 5:19).
Kung hindi ka napagbagong loob, bakit hindi magpunyaging kumanta sa tuktok ng iyong baga ngayong gabi? Pinag-iisipan ang mga salita, at kinakanta ang mga ito ng kasing lakas na iyong makakaya, ay maaring maging isang paraan ng biyaya upang biyakin ka palabras mula sa pagkatulog ng isang patay na relihiyon at gisingin ka. Iyong binubulong ang mga salita ng mga himno na masyado nang matagal!
“Kayong nagsisitahan sa alabok” (Isaias 26:19).
“Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay” (Mga Taga Efeso 5:14).
Maaring gamitin ni Kristo ang iyong bagong paraan ng pagkakanta na kasing lakas na iyong makakaya upang
“liliwanagan ka” (Mga Taga Efeso 5:14).
Sa iyong pagkakanta, kung ika’y nawawala,
“Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).
Tinuruan ni John Wesley ang maagang mga Metodista na gawin iyan. Ginawa nila ang sinabi nila at ang kapangyarihan ng Diyos ay bumaba sa pagkakanta – at marami ay nagising sa pamamagitan ng pagkakanta mismo!
At kung ika’y isa nang tunay na Kristiyano, inuudyok kitang kumanta sa Diyos, hindi isang tuyong, malambot na tinig, kundi sambahin ang Panginoon na may punong galak sa bawat paglilingkod! Hayaan ang Diyos na maluwalhat sa iyong pagkakanta. Hayaan ang mga nawawalang mga makasalanan na nakaupo sa tabi mo na mabighani sa sigasig ng iyong pagkakanta! Hayaan silang matutong kumanta mula sa iyo! Mag-isip! Kung hindi sila kakanta ng malakas sa Panginoon mula sa iyo, kanino sila matututo? Natututo silang kumanta sa pamamagitan ng panonood sa iyo. Huwag mo silang ibigo ngayong gabi! Huwag mabibigong sumamba sa Diyos ng iyong buong puso, ng iyong buong kaluluwa, gamit ng iyong lahat na lakas sa loob mo! Kantahin ang koro kasama ni Gg. Griffith! Ito’y bilang 7 sa iyong kantahang papel.
Papuri Panginoon, O aking kaluluwa,
At lahat na nasa loob ko,
Papuri sa Kanyang banal na pangalan.
Papuri sa Panginoon, O aking kaluluwa,
At lahat na nasa loob ko,
Papuri ang Kanyang banal na pangalan.
Dahil gumawa Siya ng mga dakilang mga bagay, Aleluya!
Gumawa Siya ng mga dakilang mga bagay, Aleluya
Gumawa Siya ng mga dakilang mga bagay,
Papuri ang Kanyang banal na pangaalan!
(kantahin ito ng dalawang beses)
II. Pangalawa, naway iyong mga napagbagong loob na ay hindi na “[muli] matulog” patungkol sa pananalangin para sa mga nawawala na kasama natin.
Huwag maging tulad ni Pedro, Santiago, at Juan, na natulog imbes na nanalangin para kay Hesus sa oras ng pangangailangan. Gisingin ang iyong sarili at manalanging malakas sa iyong pribadong mga panalangin para sa iyong nawawalang mga anak, at ibang mga nawawalang mga tao na nagpupunta sa simbahan.
Gumawa ng isang listahan ng ilan sa kanila, at manalangin para sa kanila, hanggang sa ang Espiritu ng Diyos ay magbubuhos ng ilaw sa kanilang mga puso at kukumbinsihin sila ng kanilang kasalanan! Tandaan ang sinabi ng Apostol Santiago,
“Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).
Gumising, at gawin ang iyong mga panalanging “maningas” para sa mga nawawala sa ating simbahan! Huwag isusuko ng iyong maningas na mga panalangin hanggang sa makita mo silang magpunta kay Kristo!
“At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog.”
O, naway iyan ay hindi na maging totoo patungkol sa iyo! Naway “maningas” kang manalangin para sa kaligtasan ng iyong mga anak, at ibang mga kabataan sa simbahan.
“Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid” (Santiago 5:16).
III. Pangatlo, naway hindi ka “na muli […] nangatutulog” patungkol sa iyong sariling kaligtasan.
Ang ilan sa inyo rito ngayong umaga ay di kalian man napagbagong loob. Ika’y natutulog ng patuloy-tuloy, nagpupunta sa simbahan muli’t muli, sa isang inaantok na kawalang malay.
“Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).
Gayon ang ilan sa inyo ay iniisip na wala kang magagawa upang magising. Napaka di ka sumasang-ayon sa kasulatan! Totoo, ang Diyos ang gumigising sa nawawalang kaluluwa sa kanilang pahihirap. Hindi ko ikinakaila iyan ng isang sandal. Ngunit ipinapakita ng Mga Taga Efeso 5:14 na ikaw, mismo, ay kasama sa pagkakagising.
“Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).
Bakit iuutos as iyo ng Bibliya na magising ka kung walang posibilidad para sa iyong gawin ito?
= Habang si Hesus ay nagpunta sa lungsod ng Nain, nakakita Siya ng isang malaking grupo ng mga tao na nagbubuhat ng isang kabaong na mayroong bangkay sa loob nito. Si Hesus ay lumapit sa kabaong at hinawakan ito.
“At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka. At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita” (Lucas 7:14-15).
Ang binata ay patay, kasing patay mo sa mga kasalanan at pagsalansang. Ngunit noong sinabi ni Hesus “Magbangon ka” “naupo ang patay, at nagsimulang magsalita. At siya’y ibinigay niya sa kanyang ina” (Lucas 7:15). Kapag tinawag ka ni Hesus, kahit na natutulog ka sa kasalanan, maari kang magising mula sa pagkatulog na kamatayan.
Naririnig mo ba si Hesus na nagsasalita sa iyo? Tinatawag k aba Niyang “magbangon” mula sa pagkamatay? Kung marinig mo Siyang tinatawag ka, “magising,” gayon ika’y mas kinikilingang tiyak na magagawa ito.
“Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).
Mayoong napaka praktikal na aplikasyon rito. Kung di ka napagbagong loob, “Gumising.” Gumising at magpunta sa harap at kasusapin kami bawat pagkakataon na lilitaw! Gumising at making sa mga pangaral na mayroong malalim na atensyon. Gumising at maging napaka seryoso pagkatapos ng bawat pangangaral. Gumising at iuwi ang manuskrito ng pangaral, at basahin itong muli’t muli hanggang sa ang ilaw ng Diyos ay manloob at magpapakilos sa iyong pusong hanapin si Hesus. Gumising, at pag-isipang malalim ang iyong mga kasalanan. Habang ang iba ay naglalaro at nag-uusap-usap, pag-isipan ang iyong kasalanan hanggang sa ang Espiritu ng Diyos ay magpakilos sa iyo na magpunta ka Hesus at maghanap ng pahinga at kaligtasan mula sa kasalanan sa Kanya.
“At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo.”
Naway iya’y di na maging totoo patungkol sa iyo!
Ngayon tinatanong ko kayong mga di pa napagbagong loob na magtiwala kay Hesus at maglitas. “Magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14). Gumising! Magpunta kay Hesus sa pananampalataya! Gawin itong madalian! Itapon ang iyong sarili kay Hesus. Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya ngayon! Dr. Cagan, magpunta at isara ang paglilingkod na ito.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kasulatan na Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: Mateo 26:36-43.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Papuri sa Panginoong, O Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
“Praise the Lord, O My Soul” (mula sa Mga Awit 103:1).
ANG BALANGKAS NG HUWAG MATUTULOG MULI! DON’T GO TO SLEEP AGAIN! Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. at “At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog” (Mateo 26:43). (Mateo 26:38, 40, 43, 44) I. Una, naway ang lahat sa inyo, ligtas man o nawawala “natutulog II. Pangalawa, naway iyong mga napagbagong loob na ay hindi na III. Pangatlo, naway hindi ka “na muli […] nangatutulog” patungkol |