Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
KAYO ANG ASIN NG LUPA AT ILAW NG SANGLIBUTAN!YOU ARE THE SALT OF THE EARTH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-26 ng Pebrero taon 2017 “Kayo ang asin ng lupa: ngunit kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit” (Mateo 5:13-16). |
Si Hesus ay naglalakad sa Dagat ng Galileo. Nakita Niya si Pedro at kanyang kapatid na si Andrew. Sila’y nagtatapon ng isang lambat sa dagat, dahil sila’y mga mangingisda. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Magsisunod kayo sa hulihanko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.” Agad-agad iniwan nila ang kanilang mga lambat at sinundan Siya. Nagpupunta ng mas malayo pa nakita ni Hesus ang dalawang magkapatid na lalakeng sina Santiago at Juan. Inaayos nila ang kanilang mga lambat para sa pangingisda. Tinawag Niya sila at iniwan nila ang barko at sinundan Siya. Ang nakita nilang ginawa ni Hesus ay maaring isang napaka katutuwa. Si Hesus ay nangangaral at nagpapagaling ng lahat ng uri ng mga sakit sa mga tao. Malalaking mga dami ng mga tao ang sumunod kay Hesus. Noong nakita Niya ang malaking karamihan, nagpunta Siya sa itaas ng isang bundok. Pagkatapos Niyang umupo ang Kanyang mga Disipolo ay nagpunta sa Kanya. At nagsimulang turuanni Hesus ang Kanyang mga Disipolo. Ibinigay Niya sa kanila ang mga banal na kapalaran. Inilarawan ng mga ito ang panloob na katangian ng isang tunay na Kristyano.
“Kayo ang asin ng lupa: ngunit kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit” (Mateo 5:13-16).
I. Una, ikaw ang asin ng lupa.
Sinabi ni Hesus, “Kayo ang asin ng lupa.” Ang pangunahing gamit ng asin sa panahong iyon ay bilang pampreserba. Kung maglagay sila ng asin sa karne maari itong maitago ng maraming buwan na hindi inilalagay sa reprigereytor. Ang asin ang magpapanatili rito mula sa pagkakabulok. Noong si Adam ay nagkasala nagdala siya ng kamatayan at pagkabulok sa sanglibutan. Ang lahat na mayroon ang sangkatauhan ay namana mula sa kamatayan mula sa unang makasalanang si Adam. Walang makapaghadlang ng kamatayan kundi si Kristo. Sinabi Niya sa mga Disipolo na dapat silang maging mga asin, upang presebahin ang mga tao mula sa pakakabulok at kamatayan. Sinabi ni Apostol Santiago, “Ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan…” (Santiago 5:20).
Ang gawain ng ebanghelismo at panalangin na iyong ginagawa ay mukhang walang saysay. Ngunit iyan ay ang Diablo na nagsasalita sa iyo. Ang isang Kristiyano na lumalabas sa ebanghelismo ay nagdadala sa mga makasalanan kay Kristo ay ang pinaka mahalagang tao sa mundo. Ikaw ang asin ng lupa! Ginagawa mo ang pinaka mahalagang gawain sa buong lupain! Kung hindi mo iniisip na ika’y mahalaga, pakinggan ang sinabi ng isang kabataan, “Nagpunta ako sa simbahan na mayroong matinding galit at pagka-inip…Ako’y miserable. Marami sa aking mga kaibigan at kapamilya ay pinabayaan ako. Ang mundo sa aking paligid ay mukhang nadudurog. Mukhang walang dahilan upang mabuhay. Walang dahilan upang gawin ang kahit ano dahil napaka raming kasamaan at pagkasira. Minsan ay hinahangad kong hindi ako kailan man naipanganak, at paminsan binabalak kong magpakamatay. Nalito ako at hindi naniwala sa Diyos.”
Mayroon sa ating simbahang nagdala sa binatang ito upang madinig ang Ebanghelyo. Kung hindi ka nagpunta at nakuha siya, hindi niya kailan man makikilala si Kristo. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang nagdala sa kanya sa simbahan. Hindi ko alam ang mga detalye. Ngunit isa sa inyo ang nagdala sa kanya. Ang ilan sa inyo ay nagpadama sa kanyang nabibilang siya rito sa ating simbahan. Ginamit ka ng Diyos upang iligtas ang buhay ng binatang iyon. Ginamit ka ng Diyos upang iligtas ang kanyang kaluluwa mula sa pagkamatay, mula sa buhay ng desperasyon at pagkawalang pag-asa. Iyan ang dahilan na sinabi ni Hesus, “Ikaw ang asin ng lupa”! Kung wala ka maaring hindi siya kailan man maliligtas.
Ngunit ngayon maaring hindi siya natulungan ng mga simbahan. Ang ating mga simbahan ay nasa isang teribleng kalagayan ng pagkalamig at apostasiya! Si Dr. Carl F. H. Henry (1913-2003) ay isang kilalang teyolohiyano. Isa sa mga huling mga aklat na anyang isinulat ay Takipsilim ng isang Dakilang Sibilisasyon: Ang Pagkatangay Papuntang sa Bagong Paganismo [Twilight of a Great Civilization: The Drift Toward Neo-Paganism]. Sinabi niya na mayroong mali sa karamihan sa ating mga simbahan ngayon. Sinabi niya, “Ang pagkabigo sa naitatag na Kristiyanismo ay sumasalimyog; makikita ng isang tao ito sa estatistiko ng lumulubog na bilang ng pagdadalo sa simbahan…Ang mga mababagsik na tao ay hinahalo ang alikabok ng isang sirang sibilisasyon at tumalilis [nagtatago] sa mga anino ng baldadong Simbahan” (isinalin mula sa pah. 17).
Tama siya. Wala akong alam na kahit aling simbahan kundi ang atin sa Los Angeles na umaabot sa mga nawawalang mga kabataan sa mga kampus at mga pamilihan sa lungsod. Ang mga Katimugang Bautista ay ngayon nawawala ang halos sangkapat ng isang milyon na mga miyembro kada taon. Wala sa ibang mga denominasyon ay gumagawa ng mas mahusay. Una isinasara nila ang panalanging pagpupulong. Tapos isinasara nila ang panggabing Linggong paglilingkod. Tapos ang umagang Linggong paglilingkod ay nagsisimulang bumagsak. Sinabi ni Hesus, “kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao” (Mateo 5:13 KJV, NASV). Ang mga simbahan ay “nabaldado” gaya ng sinabi ni Dr. Henry. Hindi sila nakapagpapabagong loob ng mga kabataan ngayon. Bakit iyan totoo? Dahil tumabang ang asin! Ang berso kada bersong pagtuturo ng Bibliya ay hindi nakapagpapagaling ng mga patay na simbahan! Ang malambot na pagtuturo ay hindi magbubunga ng buhay. Malakas na ebanghelistikong pangangaral lamang ang makagagawa niyan. Kailangan natin ng “malasang” pangangaral, pangangaral sa kasalanan at Impiyerno, pangangaral sa Dugo ni Kristo, pangangaral sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa. Purong pagtatagumpay ng kaluluwa lamang ang makapananatili ng “asin” sa isang simbahan. Mas malakas na pangangaral na pagpupulong ang makapananatili ng “asin” sa isang simbahan. Tama si Dr. John R. Rice noong sinabi niya, “Buong lakas na lamang ang makapapantay sa Bagong Tipang pagtatagumpay ng kaluluwa” (Isinalin mula sa Bakit Ang Ating mga Simbahan ay Hindi Nakananagumpay ng mga Kaluluwa [Why Our Churches Do Not Win Souls], pah. 149
Kung ayaw natin ang simabahan nating mamatay dapat tayong palaging magtrabaho at manalangin, at gawin ang lahat ng posibleng bagay upng dalhin ang nawawalang mga tao upang madinig ang Ebanghelyo! Sinabi ni Hesus, “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Dapat nating gawin ang pagtatagumpay ng kaluluwa ang numero unong bagay sa ating mga buhay o ang ating simbahan ay magiging “wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao” (Mateo 5:13). Huwag hayaan ang iyong simbahan na mamatay! Lumabas at magdala ng mga makasalanan upang marinig ang tungkol kay Hesus at maligtas Niya!
II. Pangalawa, ikaw ang ilaw ng sanglibbutan.
Sinabi ni Hesus, “Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago” (Mateo 5:14). Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones “Ang mapagpuwersang pahayag ay ito: ‘Kayo, at kayo lamang, ang ilaw ng sanglibutan,’ – ‘kayo’ ay madiin at binubuhat ang mungkahing iyan…mayroong mga partikular na mga bagay na ipinapahiwatig. Ang una ay ang sanglibutan ay nasa isang kalagayan ng kadiliman” (Isinalin mula sa Pangaral sa Bundok [Sermon sa Bundok], pah. 139). Ang sanglibutan ay isang teribleng kalagayan ng kadiliman ngayong gabi. Sinasabi ni Hesus na mga Kristiyano lamang ang makapagpapakita sa iba kung paano makatatakas mula sa kadiliman. Walang ilaw na kung anuman sa sanglibutang ito. Ang nag-iisang ilaw ay nanggagaling mula sa tunay na mga Kristiyano at ang isang simbahan tulad ng atin. Tinignan ni Hesus ang Kanyang maliit na grupo ng mga Disipolo. Sinabi Niya sa kanila, “Kayo, at kayo lamang, ang ilaw ng sanglibutan.” Narito ay ilang mga halimbawa nito.
Ang binatang dinala ng isa sa inyo sa simbahan ay nagsabi, “Mukhang walang dahilan upang mabuhay…minsan ay ninanais ko na di ako kailan man naipanganak, at minsan pinang-iisipan ko ang pagpapatay ng aking sarili…tinanong ako ni Dr. Hymers kung iniibig ako ng Diyos. Madali kong sinabing ‘oo.’ Ngunit tinanong ako muli ni Dr. Hymers na isa pang beses…biglang sinabi ko ‘hindi,’ at mga lkuha ay bumaba sa aking mga mata…Pagkatapos niyan tinanong ako ni Dr. Hymers kung magtitiwala ako kay Hesus, ngunit hindi ko ito magawa, masyado akong takot upang isuko ang aking kasalanan. Sa sunod na linggo ako’y naging nagkamalay ng aking kasalanan sa isang masidhing paraan. Ikukulong ko ang aking sarili sa banyo at luluha, habang iniisip ang aking mga kasalanan. Kahit noong ako’y nasa paaralan o trabaho ang aking kasalanan ay hindi ako pababayaang mag-isa. Sa Linggo sumuko ako at handa na akong isuko ang lahat para kay Kristo. Nagpunta ako upang makita si Dr. Hymers at nagtiwala kay Hesus. Simpleng nagtiwala ako kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Sa araw na iyon ako’y di kapanipaniwalang nagagalak at nakatulog sa gabi. Napakitaan ako ng awa sa kabila ng aking rebelyon sa pamamagitan ng isang naipako sa krus at umiibig na Tagapagligtas, at ito’y di ko kailan man malilimutan.”
Ngayon pakinggan ang mga salita ng isang napaka malinis na nabubuhay na Tsinang batang babae. Sinabi niya, lumakad ako sa simbahan at ang aking puso ay napaka bigat. Ginising ako ng Diyos upang maramdaman na ako’y isang makasalanan. Ang lahat sa aking paligid ay masaya ang kalooban, ngunit hindi ko mahadlang ang aking nagkakasalang konsensya. Hindi ko na di pansinin na ang aking puso ay pangit, mapagrebelde, at laban sa Diyos. Di na ako maloko na aking puso na isipin na ako’y ok at isang mabuting tao. Hindi ako ok at walang kabutihan sa akin. Habang nakinig ako sa pangaral, nadama ko na para bang ang pastor ay direktang nagsasalita sa akin. Nakadama ako ng isang matinding pagkabalisa ay bumuhos s aakin habang nagsalita siya patungkol sa aking kamatayan. Nadama ko na ako’y pupuntang diretso sa Impiyerno. Nararapat sa aking magpunta sa Impiyerno. Ako’y isang makasalanan. Kahit na akala ko maitatago ko ang aking mga kasalanan mula sa mga tao, hindi ko maitago ang mga ito mula sa Diyos. Nakita ng Diyos ang lahat ng ito…nadama kong ganap na walang pag-asa. Tapos habang ang pangaral ay papalapit sa katapusan, nakinig ako sa Ebanghelyo sa unang pagkakataon. Namatay si Kristo sa Krus sa aking lugar, upang magbayad para sa aking mga kasalanan. Ang Kanyang pag-ibig para sa akin, isang nagkakasalang makasalanan ay napaka tindi na Siya’y namatay sa Krus para sa akin. Ang Kanyang Dugo ay ibinuhos para sa mga makasalanan. Ang Kanyang Dugo ay ibinuhos para sa akin! Desperado kong kinailangan si Hesus! Kaysa tumingin para sa kabutihan ng aking sarili, tumingin ako kay Hesus para sa unang pagkakataon. At sa sandaling iyon iniligtas ako ni Hesus. Ang lahat ng aking kabutihan ay hindi makaliligtas ng isang wasak na makasalanan tulad ko, kundi si Kristo lamang ang nakaligtas sa akin! Winasak ni Kristo ang mga kadena na kumadena sa akin sa kasalanan. Dinamitan ako ni Kristo sa Kanyang Dugo. Binalutan Niya ako sa Kanyang katuwiran. Ang aking pananampalataya at kasiguraduhan ay na kay Kristo lamang. Ako’y isang makasalanan, ngunit iniligtas ako ni Hesu-Kristo!”
Ngayon narito ay isa pang kabataang babae. Siya’y naging isang “mabuting” batang babae sa mga mata ng sanglibutan. Siya’y nagpunta sa simbahan buong buhay niya ngunit siya’y nawawala. Gayon sa kanyang puso siya’y galit sa Diyos. Pakinggan siya. “Habang ang paglilingkod ay nagpatuloy ako’y mas naging nagulo. Hindi pa nga ako makangiti noong ang lahat ay nagkakamay. Ang pakiramdam ng pagkatalo at pagkalupit ng aking kasalanan ay lumala. At tapos si John Cagan ay nangaral patungkol sa ‘Ang Diyos ay Tama, at Ika’y Mali.’ Ang bawat punto ay pumasok at lumakas at nakasusukang pag-iisip ng aking kasalanan. Habang si John ay nangaral, natanto ko na ang Diyos ay nagsasalita sa akin. Pagdating ng panahon na si John ay natapos mangaral ako’y napaka nahahapis. Tapos si Dr. Hymers ay nagpunta sa pulpit at nagsalita patungkol kay Hesus na nagpapatawad sa patutot na nahuli sa pinaka gawain ng pangangalunya. Kahit na nadinig ko ang kwentong iyan noon, hindi ako nito kailan man natamaan tulad ng pagkatama nito sa umagang iyon. Napuspos ako sa pag-ibig ni Hesus. Nagsimula kong naramdaman ang malakas na udyok na magpunta kay Hesus. Tinawag ako ni Dr. Hymers upang kausapin siya. Ang aking isipan ay isang paikot-ikot na mga kaisipan at mga takot. Itinuro ni Dr. Hymers ang kanyang sarili at tinanong ako kung nagtiwala ako sa kanya, at sinabi ko ‘oo.’ Tapos sinabi niya sa akin na iyan ang parehong paraan na ang isang tao ay magtiwala kay Hesus. Lagi kong kinamuhian ito kapag sinasabihan akong ‘magtiwala kay Hesus.’ ‘Anong ibig sabihin nito?’ Ang iisipin ko. ‘Paano ko gagawin iyan?’ At gayon noong ipinaliwanag ito ni Dr. Hymers, na ito’y parehas lang ng pagtitiwala sa kanya, ito’y naging malinaw. Sa mga sandaling iyon simpleng alam ko na inibig ako ni Hesus. Habang lumuhod ako, ang lahat na aking maisip ay na iniibig ako ni Hesus. Na patatawarin Niya ang aking kasalanan. Na gusto ko Siyang lubos. Inilagay ni Dr. Hymers ang kanyang mga kamay sa aking ulo at lumuha at nanalangin para sa akin. Sinabi Niya s aakin na gusto Niyang magtiwala ako sa Kanya. Kahit ang pinaka maliit na pananampalataya ay sapat para sa Kanya. Iyan lahat ang hinihingi ni Hesus. At tapos, kaunting sandali lang ng panahon, nagtiwala ako kay Hesus. Hindi ako nagtiwala na ililigtas Niya ako. Nagtiwala ako kay Hesus Mismo – makukumpara sa kung paano ko pinagkatiwalaan ang aking pastor, si Dr. Hymers. Noon maghahanap ako sa pinakailaliman ng aking isipan para sa isang paraan na magtiwala kay Hesus, at isang karanasan upang sumunod rito. Tumanggi akong magtiwala kay Hesus lamang, na walang pakiramdam. At tapos, nabigo ako, iiyak ako palagi sa pagkainis at pagkaawa sa sarili. Natakot rin ako na magkaroon ng huwad na pagbabgong loob. Nasa panganib ako ng pagiging isang lubos na mapangutya. At gayon man, pagkatapos ng maingat na pag-iisip, natanto ko na walang maiaalay ang mundo sa akin. Walang pagmamahal. Walang layunin. Walang pag-asa. Nagtitiwala ako kay Hesus ngayon. Siya lamang ang aking nag-iisang pag-asa. Nalilipos akona ang lahat na gusto ni Hesus ay na magtiwala ako sa Kanya. Gusto Niya lang akong magtiwala sa Kanya, at sa Kanya lamang. Tapos ginawa Niya ang lahat ng ibang mga bagay. Ang aking testimonyo ay talaga napaka simple. Nagtiwala ako kay Hesus at iniligtas Niya ako.”
Kinailangan ng napaka raming mga tao upang natagumpay ang mga kaluluwang iyon kay Kristo. Isa sa mga tagatawag ang tumawag sa kanila. Nag-ayos si Dr. Chan ng susundo sa kanila. Naroon ang mga salita ni Aaron Yancy tungkol sa labas ng simbahan, sa labas sa mundo...ang pagkawalang laman ang pagkalamig na iaalay ng mundo. Naroon ang mga pangaral na manuskrito na kanilang nabasa, minakiniliya ni Dr. Cagan, at ang mga videyo ng ating mga pangaral na kanilang pinanood, inihanda ni Gg. Olivacce. Naroon ang pagpayo ni John Cagan. Naroon ang pakikipagkaibigan na ibinigay ninyo. Sa wakas naroon ang aking mga pangaral, at mga pangaral ni John Cagan, at mga pangaral ni Noah Song. Pagkatapos ng panloob na pakikipaglaban na nagtagal ng minsan ng maraming linggo, tinanong ko mismo sila, “Magtitiwala ka ba kay Hesus?” Tapos nagtiwala sila kay Hesus. Tinog nito’y napaka simple at ito’y simple. Napaka raming mga tao sa ating simbahan ay ginamit ng Diyos upang dalhin sila kay Hesus. Tayong lahat ay mga “ilaw” upang tulungan silang hanapin si Hesus sa madilim na mundong ito. Gaya ng paglagay nito ni Dr. Lloyd-Jones, “Kayo at kayo lamang ang ilaw ng mundo.” Gaya ng pagkalagay nito sa lumang himno,
Ang buong mundo ay nawala sa kadiliman ng kasalanan;
Ang ilaw ng mundo ay si Hesus;
Tulad ng sinag ng araw tuwing hapon ang Kanyang luwalhati ay sumisinag sa loob,
Ang ilaw ng mundo ay si Hesus.
Magpunta sa ilaw, ito’y kumikinang para sa iyo;
Matamis ang ilaw ay nagsimula sa akin;
Minsan ako’y bulag, ngunit ngayon nakakikita na;
Ang ilaw ng mundo ay si Hesus.
(“Ang Ilaw ng Mundo ay si Hesus.” Isinalin mula sa
“The Light of the World is Jesus” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
Minamahal kong mga kapatid na lalake at babae, ikaw at ako ay mayroong malaking pribilihiyo ng pag-aaninag ng ilaw ni Hesus sa isang nadiliman ng kasalanang mundo. Binigyan tayo ni Kristo ng ilaw. Ang ating muling pagkabuhay na himno ay nagpapaliwanag nitong malinaw,
Punuin ang aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa gamit ng Iyong luwalhati ang aking kaluluwa ay liliwanag.
Punurin ang aking pananaw, upang lahat ng aking makita
Ang Iyong Banal na Imahen na umaaninag sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Minamahal na mga kapatid na lalake at babae, mayroong tayong malaking gawain bilang mga Kristiyano. Tayo ang asin ng lupa. Tayo, at tayo lamang, ang ilaw ng mundo! Hayaan ang lahat tayo ay umaninag ng ilaw ni Kristo sa isang madilim at nakatatakot na mundo! Huwag huminto sa pananagumpay ng mga kaluluwa. At huwag, kailan man mapanghihinaan ng loob sa pananagumpay ng kaluluwa. Si Hesus ay kasama mo. Dadalhin ka Niya sa lahat ng mga paghihirap.
Ngayon, sa inyong nawawala pa rin ito’y aking malaking pribilehiyo upang sabihin sa iyo na ililigtas ka ni Hesus. Wala ng higit pa para sa iyong gawin mo kundi magtiwala kay Hesu Kristo, ang taong namatay sa iyong lugar sa Krus, at ibinuhos ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Mayroong isang himno na nagsasabi nitong lahat,
Magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon.
Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya,
Ililigtas ka Niya ngayon.
(“Magtiwala Lamang sa Kanya.” Isinalin mula sa
“Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Iniligtas ng Dugo” Isinalin mula sa “Saved by the Blood” (ni S. J. Henderson, 19th century).
ANG BALANGKAS NG KAYO ANG ASIN NG LUPA AT ILAW NG SANGLIBUTAN! YOU ARE THE SALT OF THE EARTH ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kayo ang asin ng lupa: ngunit kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit” (Mateo 5:13-16). I. Una, ikaw ang asin ng lupa, Santiago 5:20; Mateo 5:13; Lucas 14:23. II. Pangalawa, ikaw ang ilaw ng sanglibbutan, Mateo 5:14. |