Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DI KAPATA-PATAWAD NA KASALANAN –
|
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, Ang bawat kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipapatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipapatawad sa kaniya; datapuwa’t ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating” (Mateo 12:31-32).
I. Una, ano ang di kapata-patawad na kasalanan?
Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible ](Ligonier Ministries, 2005)
“Ang di kapata-patawad na kasalanan…ay isang ‘kapusungan laban sa Espiritu.’ Ang kalupitang ito ay isang pagkilos na nagagawa sa pamamagitan ng pagsasalita, naiintindihan bilang isang pagpapahayag, ng mga kaisipan ng puso. Sa partikular na pinanggalingan ang mga kalaban ni Hesus ay nagsasabi na ang kapangyarihan ang paggagawa ng mabubuting gawain sa kanila ay hindi nanggaling mula sa Diyos kundi mula sa diablo. Hinahambing ni Hesus ang kapusungang ito sa ibang mga kasalanan, ang parehong ibang mga kasalanan ng pagsasalita at ibang mga kasalanan sa karaniwan. Gaya ng itinuturo ng Bibliya, pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng insesto, pagpatay ng tao, pagsisinungaling, at pati ang pag-uusig ni Pablo ng ng simbahan, na ginawa ni Pablo habang ‘na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta’ laban sa mga tao ng Diyos (Mga Gawa 9:1).
Anong gumagawa sa di kapata-patawad na kasalanan iba mula sa iba ay ang pagka-ugnay nito sa Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang kumikilos upang paliwanagin ang isipan ng mga makasalanan (Mga Taga Efeso 1:17-18), upang ilantad at ituro ang ebanghelyo (Juan 14:26), inuudyok ang mga kaluluwang magsisi at mananampalataya kay [Kristo]. Ang Espiritu ay hindi lamang nagpapaliwanag ng Salita ng Diyos, kundi binubuksan Niya ang isipan upang ito’y matanggap…Kung ang Kanyang impluwensya ay sadya at nagkakamalay na tinatanggihan, sa pagtutok sa ilaw, tapos ang di maibaligtad na kasalanan ay maaring magawa bilang isang boluntariyong nagkakamalay na gawain ng masamang hangarin. Sa tugon mayroong isang pagkakatigas ng puso mula sa Diyos na nagbabawal ng pagsisisi at pananampalataya (Mga Hebreo 3:12, 13). Pinapayagan ng Diyos ang desisyon ng kagustuhan ng tao upang maging permanente sa kalagayang ito. Hindi ito ginagawa ng Diyos nang basta basta lang o na walang sanhi, kundi tugon sa pagkasala laban sa Kanyang pag-ibig.
Ang ibang mga berso ay nagpapaliwanag ng di kapata-patawad na kasalanan ay Mga Hebreo 6:4-6; 10:26-29; at I Ni Juan 5:16, 17. Ipinapakita ng mga ito ang posibilidad ng kasalanang ito…sinabi ni Hesus, ‘Ang lahat ng kasalanan’ at ‘anumang kapusungan’ ay patatawarin, maliban nalang ang isang kasalanang ito” – ANG DI KAPATA-PATAWAD NA KASALANAN!
Sinabi ni Dr. Henry C. Thiessen, sa kanyang aklat na Nagpapakilalang Mga Aral sa Sistematikong Teyolohiyo [Introductory Lectures in Systematic Theology] (Eerdmans, 1949),
“Mga kasalanan ng pangwakas na pagkatigas. Ang antas kung saan ang kaluluwa ay napatigas mismo at naging di na tinatablan sa napaka raming pag-aalay ng biyaya ng Diyos, rito ay nagpapasiya ng antas ng pagkakasala. Ang pangwakas na pagkakatigas ay ang kasalanan laban sa Banal na Espiritu at di kapata-patawad, dahil ang kaluluwa sa pamamagitan nito ay huminto ng matablahan ng banal na impluwensya” (Isinalin mula sa pah. 270).
II. Pangalawa, ang mga halimbawa ng di kapata-patawad na kasalanan.
1. Si Cain, Genesis 4:3-7, 11-12, 16.
2. Ang mga tao ni araw ni Noah, Genesis 7:16 – “Isinarado siya ng Panginoon sa loob.” (Tignan ang Mateo 24:37-38; tignan ang Pedro 2:5)
3. Ang mga tao ng Sodom, Genesis 19:12-15, 24, 26.
4. Ang Paro, Exodo 7:14; 7:22; 8:15; 8:19; 8:32; 9:35; 10:17-20; 11:10.
5. Si Esau, Mga Hebreo 12:16-17.
6. Ang Israel sa Kadesh-Barnea, Mga Hebreo 3:7, 8, 10-12.
7. Ang mga taong napaliwanagan, Mga Hebreo 6:4-6.
8. Ang Mayamang Kabataang Mamumuno, Mateo 19:22; Mga Taga Roma 1:28-32.
9. Judas, Mateo 27:3-5.
Di pa tayo kailan man nagkaroon ng mapaglustay na anak na lalake o babae na bumalik at napagbagong loob. Higit pa diyan, hindi pa tayo kailan man nagkaroon ng kahit sino na umalis sa simbahan, at maya-maya ay napagbagong loob. Hindi natin ganap na matitiyak, ngunit mukhang karamihan sa kanila ay ay nakamit ang di kapata-patawad na kasalanan, Mga Taga Hebreo 6:4-6.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.