Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT ANG MGA EBANGHELISTA AY HINDI NAGDARAGDAG NG MGA TAO SA ATING MGA SIMBAHAN

(BILANG APAT SA ISANG SERYE NG MGA DIGMAANG PAGSIGAW)

WHY EVANGELISTS DON’T ADD PEOPLE
TO OUR CHURCHES
(NUMBER FOUR IN A SERIES OF BATTLE CRIES)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles, Sabado ng Gabi Ika-11 ng Pebrero taon 2017
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Saturday Evening, February 11, 2017

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay”
(Juan 5:40).


Kaunting taong noon ang ating simbahan ay sumali kasama ng isa pang simbahan para sa isang serye ng mga ebanghelistikong pagpupulong. Pinuno namin ang simbahan ng pastor. Nag-imbita siya ng isang tanyag na ebanghelista. Ang ebanghelista ay nangaral. Isang matinding dami ng mga tao ang nagpunta sa harap sa imbitasyon. Ngunit walang nagligtas! Narito ang sinabi ng isa pang pastor:

Ang aming simbahan ay nagtrabahong higit upang punuin ang awditoriyun sa katapusan ng isang ebanghelistikang pangangampanya na nagtanghal ng isang…tanyag na mangangaral…Sa huling gabi ng krusada nagkaroon kami ng ganoon na lang na pag-aapaw ng dami ng tao na higit sa daang mga kalalakihan ang kinailangang tumayo sa labas upang magbigay lugar para sa mga kababaihan at mga bata sa awditoriyum. Wala lang talagang lugar na paglalagyab sa kanila. Nagpapasalamat, nadinig ng lahat ang…Ebanghelyong mensahe, na may 54 na mga tumutugon sa imbitasyon upang maligtas…Noong ipinadala ko ang dakilang ulat sa Espada ng Panginoon [Sword of the Lord], madalian akong nakatanggap ng isang malakas na naisulat na sulat ng pagsusuwat mula kay Curtis Hutson [ang taga-patnugot ng Espada ng Panginoon. “Ang lakas ng loob mong ilarawan silang mga inaasahang mga napagbagong loob,” ang isinulat niya. “Nagpapakita ito ng isang pagkawala ng pananampalataya sa iyong bahagi upang bilangin silang bilang kahit ano kundi mga bagong nilalang ni Kristo.” Ako’y nasaktan sa kanyang mga puna. Pagkatapos ng maraming mga linggo ng pagsusunod na pagsusulat, pagtatawag sa telepono, personal na pagbisita, at gayon wala ni isang tao na tumugon sa imbitasyon sa gabing iyon at pananalangin ng panalangin ng makasalanan ay kailan man bumabalik sa aming simbahan muli, ako’y nakumbinsi [na ang mga taong ito ay di kailan man napagbagong loob]…mayroong mundo na pagkakaiba sa pagitan ng pangunguha ng isang propesyon ng pananampalataya, maging ito man ay paglalabas upang managumpay ng mga kaluluwa o sa harapan ng awditoriyum sa loob ng isang imbitasyon at pagdaragdag ng isang tao sa simbahan.

ANG MGA EBANGHELISTA TULAD NI CURTIS HUTSON AY NAGIGING WALA NA. ANG MGA MADUDUNONG NA MGA PASTOR AY DI NA SILA GINAGAMIT. NATANTO NILA NA ANG MGA EBANGHELISTANG MGA ITO AY DI KAILAN MAN MAKAPAGDARAGDAG NG MGA TUNAY NA MGA NAPAGBAGONG LOOB SA KANILANG MGA SIMBAHAN. IYAN ANG DAHILAN NA HINDI NA NILA SILA GINAGAMIT.

Ang Pastor ay tama. Wala sa mga taong ito na nagpunta sa harap at nanalangin ng panalangin ng makasalanan ay naligtas sa gabing iyon. Kung sila’y naligtas, siguro’y nakabalik sila sa kanyang simbahan at nanatili roon! Hindi sila napagbagong loob mula sa kanilang kasalanan. Hindi sila napagbagong loob kay Kristo. Hindi sila napagbagong lob sa anumang paraan! Gaya ng sinabi ng pastor, “Mayroong mundo ng pagkakaiba sa pagitan ng…isang propesyon ng pananampalataya…at pagdaragdag ng isang tao sa simbahan.” Iyang tanyag na ebanghelistang iyan ay hindi nakakuha ng kahit sinong maligtas sa gabing iyon. Ang kanyang paraan ay masama!

Pinagsabihan ni Curtis Hutson, ang tagapatnugot ng Espada ng Panginoong magasin, ang pastor, “Ang lakas ng loob mong ilarawan silang inaasahang mga napagbagong loob.” Dapat silang binilang na mga “bagong nilalang kay Kristo.” Sa katunayan wala sa kanila ay mga bagong nilalang kay Kristo. Ang paraan ni Hutson ay masama!

Mayroong mga mangangaral na tulad niyan sa buong Amerika – at sa buong mundo. Sila ay mga “desisyonista.” Babasahin ko ang ibig sabihin ng “desisiyonismo” sa ating aklat na Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy] (iklik ito upang basahin ito sa inyong kompyuter), isinulat ni Dr. Cagan at ako:

Ang desisiyonismo ay isang paniniwala na ang isang tao ay naligtas sa pamamagitan ng pagpupunta sa harapan, at pagtataas ng kamay, nagsasabi ng isang panalangin, naniniwala sa isang doktrina, ginagawa ng isang pagkapanginoong pangako, o isang ibang panlabas, na makataong gawain.

Ang mga tao ay nagpupunta sa harap. Naniniwala sila sa doktrina. Sinasabi nila ang panalangin ng makasalanan. Ngunit hindi sila nagpupunta kay Kristo! Sinabi ni Hesus, “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40). Dahil hindi sila nagpupunta kay Kristo, hindi sila napagbagong loob. Hindi sila naliligtas. Iyan ang dahilan na hindi sila nagpapatuloy na magpunta sa simbahan. Gumawa sila ng mga desisyon, ngunit hindi sila mga tunay na mga Kristiyano. Hindi sila ligtas!

Ang ebanghelista (at napaka raming katulad niya) ay hindi lang isang desisyonista. Siya ay isang Sandemaniyan. Pakinggan kung paano “nananagumpay ng mga kaluluwa” ang ebanghelista, mula sa kanyang artikulo “Nananagumpay ng Relihiyosong Tao.” Narito ang paraan kung paano niya “ginabayan ang isang babae kay Kristo.”

Tapos nagpunta ako upang dalhin siya pababa sa Daanan ng mga Taga-Roma, ginagawa ang aking pinaka mahusay upang tulungan siyang maintindihan hindi lamang siya isang makasalanan ngunit ang kabayaran ng kasalanan ay isang bagay na hindi natin maalis sa pamamagitan ng personal na mga gawain. Natulungan ko gayon siyang makita na binayarang lubos ni Hesus ang halaga, at na hindi Niya ito ginagawa, walang paraan ng kaligtasan.

Tapos nagdala sa kanya sa isang panalangin at nagsasabing siya ay “maluwalhating naligtas.” Pansinin kung anong nawawala. Ang babae ay nakumbinsi ng kanyang kasalanan – hindi binabanggit kung ano. Walang pagbabanggit ng Dugo ni Kristo na naghuhugas ng kanyang kasalanan. Ito’y lahat nasa kanyang isipan. Tinulungan Niya siyang maintindihan ang ilang mga bagay at tapos upang makita na si Hesus ay namatay para sa kanya. Tapos noong naintindihan niya ang mga bagay at nakita ang mga bagay, sinabi niya sa isang panalangin, at iyon lang ang lahat.

Ang pangangaral ng ebanghelista at “pananagumpay ng kaluluwa” ay isang ganap na halimbawa ng Sandemanyanismo, na nagsasabi na ang sa kaisipang paniniwala ay magliligtas sa iyo. Gaya ng sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones patungkol sa Sandemanyanismo, “Kung tinatanggap mo ang pagtuturong intelektwal at handang sabihin ito, gayon iyan ang nagligtas sa iyo” (Mga Taga Roma, Pagpapaliwanag ng Kapitulo 10, Nakapagliligtas na Pananampalataya, [Romans, Exposition of Chapter 10, Saving Faith], kapitulo 14). Ang ebanghelista ay mayroong parehong ideya gaya ng huwad na guro si R. B. Thieme, na naniwala na ang isang tao ay kinailangang “[buuin] ang mga pangungusap sa kaisipan, nagsasabi sa Diyos Ama na nagtitiwala siya kay Kristo para sa kaligtasan. Walang ng higit pang kinakailangan” (Isinalin mula sa Wikipedia). Sabihin lang sa Diyos sa iyong isipan na nagtitiwala ka kay Kristo, sinabi ni Thieme. Iyon lang ang lahat. Mayroong isang nagbabasa ng manuskritong ito o nanonood ng videyong ito ay maaring magsabing, “Si Thieme ay isang huwad na guro.” Ngunit paano naiiba si Thieme mula sa mga ginagawa ng mga ebanghelista – o ginagawa ng mga desisyonista? Sinasabi ko walang pagkakaiba! Ito’y desisiyonismo. Ito’y Sandemanyanismo!

Napaka kaunti – sa Araw ng Paghahatol ang magpapakita na ito’y napaka kaunti, napaka kaunting mga – tao ang naliligtas sa pamamagitan ng ganyang uri ng ebanghelismo. Sinira nito ang ating mga simbahan. Itapon iyan! Mas maiging magkaroong ng isang tunay na pagbabagong loob kaysa isang libong huwad na mga pagbabagong loob!

Sa ganyang uri ng ebanghelismo, walang kumbiksyon ng kasalana, isa lamang sa kaisipang pagkakasundo. Walang pagkakatagpo kay Kristo Mismo. Walang personal na pagtitiwala kay Kristo Mismo, isa lamang sa kaisipang kasunduan patungkol sa ginawa ni Kristo. Dahil ang mga tao ay di pinatutunayang nagkasala, hindi sila nagpupunta upang pagkatiwalan si Kristo. Hindi sila ligtas. Wala silang walang hanggang buhay. Gaya ng sinasabi ng ating teksto,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Dapat akong tumalikod mula sa ebanghelista at magsalita ng deretso sa iyo. Ikaw ba ay mas mabuti kaysa sa sinasabi niya? Hindi, hindi ito ganoon!

Huwag makakamali, kailangan mong maligtas. Kapag ang Diyos ay titingin pababa sa iyo, anong nakikita Niya? Makikita ka Niyang natakpan ng kasalanan! Sinasabi ng Bibliya, “Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa’t dako, na nagbabantay sa masama” (Mga Kawikain 15:3). Isinusulat ng Diyos ang bawat kasalanan na kailanman ay iyong nakamit sa Kanyang mga talaang aklat. Sa Huling Paghahatol, tatayo ka sa harapan ng Diyos, at ika’y “hinahatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat” (Apocalipsis 20:12). Kahit ang iyong mga lihim na kasalanan ay mailalabas. Sinasabi ng Bibliya, “Dadalhin ng Dios ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay” (Mga Eklesiyastes 12:14). Gayon ika’y “ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15).

Kailangan mo ang Diyos na makita kang iba. Kailangan mo ang Diyos na tumingin sa iyo pababa at hindi makita ang iyong kasalanan. Kailangan mo ang Diyos na makita ang Dugo ni Kristo. Kailangan mo si Hesus, “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5). Kailangan mo si Hesus upang maging iyong tagapamagitna, upang tumayo sa pagitan mo at ng Diyos, nananalangin para sa iyong kasalanan.

Ngunit sinusubukan mong matutunan kung paano maligtas. Ika’y isang Sandemaniyang desisyonista. Isang batang lalake ang nagsabi kay Dr. Cagan, “Susubukan kong magtiwala kay Hesus. Susubukan kong magtiwala sa Kanya na hindi naghahanap ng isang pakiramdam.” Sinusubukan niyang matutunang “gawin itong tama lang.” Kapag “makuha niya itong tama,” siya’y maaprubahan at tapos ay makapagpapatuloy kung paano siya. Ang batang lalake ay hindi napatunayang nagkasala ng kasalanan, kahit na sumulat siya ng isang listahan ng mga ito. Sinusubukan niyang magtiwala kay Hesus bilang isang katuparan.

Sa araw na si Kristo ay naipako sa krus, mayroong isang magnanakaw na naipako sa krus katabi ni Hesus. Hindi niya alam kung “paano” magtiwala kay Hesus – ginawa niya lang. Napatunayan siyang nagkasala at kinailangan si Hesus – at nagtiwala sa Kanya.

Isang araw, noong si Kristo ay kumakain sa isang bahay, isang babae ang gumapang sa ilalim ng mesa at hinalikan ang Kanyang paa. Hindi niya alam “ang gagawin” upang magtiwala kay Hesus – nagpunt alang siya sa Kanya. Sinabi ni Kristo sa kanya, “ipinapatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48).

Ang ilan sa inyo ay nag-iisip na ang pagtitiwala kay Hesus ay paniniwala na namatay Siya sa Krus para sa iyo, o “pagkakalam” na Siya’y namatay para sa iyo – alin ay parehong bagay. Sabihin mo lang sa iyong isipan na nagtiwala ka kay Kristo. Sinasabi mo lang ito gamit ng iyong bibig. Sinabi ni Kristo sa ating teksto,

“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Hindi mo pinagkatiwalaan si Kristo Mismo. Hindi ka nagpunta sa Kanya. Sumang-ayon ka lamang sa isang bagay sa iyong isipan. Sinasabi mo ito gamit ng iyong bibig. Hindi ka nito ililigtas. Ang ilan sa inyo ay nag-iisip na maari kang matuto ng sapat upang maintindihan ang kaligtasan at sagutin ang mga katanungan patungkol rito, ika’y maliligtas. Pagkakatuto at pagsasagot ng mga katanungan tulad ng isang mag-aaral ay di magliligtas sa iyo. Sinabi ni Kristo, “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.”

Ang problema ay na wala kang tunay na kumbiksyon ng iyong kasalanan. Nagsasabi ka ng isang salita o dalawa, ngunit hindi ka nakumbinsi. Wala kang tunay na kumbiksyon ng iyong makasalanang kalikasan, sa gitna ng iyong pagkatao. Sa loob ika’y makasarili. Sa loob ayaw mo ang Diyos. Gusto mo ang iyong sarili. Ang bawat masamang bagay na ginagawa mo ay nanggagaling mula sa iyong makasalanang kalikasan. Dapat kang mapoot sa iyong sarili. Dapat kang mandiri sa iyong sarili. Gayon ika’y matutuwang marinig ang tungkol kay Hesus na umiibig sa iyo at ibinigay ang Kanyang Dugo para sa iyo.

Ngunit hindi ka tunay na naniniwala sa Dugo ni Kristo. O, maari mong isipin ang Dugo sa iyong ulo, o magsalita patungkol rito, dahil nadinig mo ang tungkol sa Dugo sa mga pangaral. Ngunit iyan lang ang lahat na ginagawa mo. Hindi ka magpupunta kay Kristo Mismo bilang isang nagkakasala, walang pag-asang makasalanan – para sa Kanyang hugasan ka sa Kanyang Dugo. Sinusubukan mong iligtas ang iyong sarili sa paraan na ito o iyan. Ang Dugo ni Kristo ay hindi iyong kaligtasan, kahit na magsalita ka patungkol rito. Sa iyong puso, hindi ka sumasang-ayon sa mga lumang mga himno:

Ang aking pag-asa ay naitayo sa walang ibang mas kulang
   Kaysa Dugo ni Hesus at katuwiran. Hindi ako mangangahas na pagkatiwalaan
   Ang pinaka matamis na lagay [ng isip o pakiramdam],
Ngunit buong buong sumandal sa Pangalan ni Hesus.
   Kay Kristo, ang matatag na Bato, ako tumatayo, Ang ibang mga lupa ay lumulubog na buhangin;    Ang ibang mga lupa ay lumulubog na buhangin.
   (“Ang Matatag na Bato.” Isinalin mula sa “The Solid Rock”
      ni Edward Mote, 1797-1874).

Ika’y isang teribleng makasalanan. Ngunit iniibig ka ka ni Hesus. Iyan ang dahilan na namatay Siya para sa iyo. Kung magpupunta ka sa Kanya, patatawarin Niya ang iyong kasalanan. Huhugasan Niya ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Kung magtiwala ka kay Hesus, ililigtas ka Niya mula sa iyong kasalanan! Kung gusto mong makipag-usap at manalangin kasama namin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, magpunta rito ngayon. Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta Sa Akin.” Isinalin mula sa “Come Unto Me” (ni Charles P. Jones, 1865-1949).