Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SIYASATIN NINYO ANG INYONG SARILI NGAYON!EXAMINE YOURSELVES NOW! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na?” (II Mga Taga Corinto 13:5). |
Isang grupo ng mga tao sa simbahan sa Corinta ay naglunsad ng isang pagsalakay laban sa Apostol Pablo. Sila’y ang parehong grupo ng mga tao na kinausap ni Pablo ng mas maaga. Sinabi nila si Pablo ay masyadong mahina at hindi isang tunay na Apostol. Sila’y tulad ng ilang mga tao na nagkaroon tayo sa ating simbahan – mga taong sumalakay sa akin sa isang paghihiwalay ng simbahan. Kinailangan namin labanan ang Diablo upang magkroon nitong dakilang simabahang ito sa sibikong sentro ng Los Angeles.
Ang ilan sa mga malulupit na mga taong ito ay nagsabi na si Pablo ay hindi isang tunay na Apostol. Kaya sinabi sa kanila ni Pablo na “Siyasitain ninyo ang inyong mga sarili, kung kayo’y nangasa pananampalataya.” Ang bersong ito ay maaring isaling “Subukin ang iyong sarili upang makita kung ika’y nasa pananampalataya.” Sinabi sa kanila ni Pablo na tignan ang kanilang mga sariling mga puso at ang kanilang sariling mga buhay upang makita kung sila’y tunay na naligtas. Ang “maging nasa pananampalataya” maging isang tunay na Kristiyano. Sinalakay ng mga taong iyon si Pablo, gaya ng grupo na umalis ng ating simbahan ay sumalakay sa akin. Ngayon karamihan sa kanila ay hindi nagpupunta sa simbahan sa anumang paraan. Ang natira sa kanila ay nagpunta sa mga mahihinang ebanghelikal na mga simbahan. Ako personal ay iniisip na napaka kaunti sa kanila kung mayroon man sa kanila ay mga tunay na Kristiyano.
“Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili.”
Sinasabi ng Apostol Pablo sa iyo na siyasatin ang iyong sarili. Sinabi niya na subukin ang iyong sarili upang makita kung mayroon kang nakaliligtas ng pananampalataya kay Kristo. Kung hindi mo sisiyasatin ang iyong sarili ngayon sisiyasatin ka ng Diyos sa Huling Paghahatol. Nakikita ng Diyos ang bawat kasalanan na iyong nakamit. Isinulat Niya ang bawat kasalanan sa iyong puso at bawat kasalanan na iyong nakamit. Babasahin Niya ang iyong bawat kasalanan mula sa Kanyang mga aklat. Kapag mamatay ka ang iyong kaluluwa ay tatayo sa harap ng Diyos at mahuhusgahan. Dapat mong siyasatin ang iyong mga kasalanan ngayon, o sisiyasatin ng Diyos ang mga ito at huhusgahan ka dahil sa mga ito, at ika’y di kailan man “ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:15). Dapat mong siyasatin ang iyong mga pag-iisip, at mga salita at ang panlabas na mga kasalanan mo ngayon, bago ka mamatay. Dahil masyado nang huli upang maligtas mula sa apoy ng Impiyerno kapag mamatay ka. “Siyasatin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo’y nangasa pananampalataya” ngayon. Dahil ito’y masyado nang huli upang maligtas pagkatapos mong mamatay. Kung hindi ka magsisi at magtiwala kay Kristo ngayon ika’y “at siya’y pahihirapan ng apoy at asupre…At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila’y walang kapahingahan araw at gabi” (Apocalipsis 14:10, 11). Iyan ang dahilan na dapat mong siyasatin ang iyong sarili ngayon – dahil ito’y magiging masyado nang huli pagkatapos mong mamatay upang maligtas.
Hindi ka maaring lumakad sa ating simbahan na hindi agad-agad na nararamdaman na sinusundan natin ang isang lumang daanan. Ang unang bagay na makikita mo pagkapasok mo ay isang serye ng mga napintang larawan. Ang lahat ng mga ito ay mga mangangaral ng mahabang panahon na – sina Jonathan Edwards, John Bunyan, George Whitefield, John Wesley, si Martin Luther, Spurgeon, James Hudson Taylor, si Dr. John Sung, at ibang mula sa nakaraan. Ang sunod na makikita mo ay na bawat lalake sa aming simbahan ay nakasuot ng isang amerikana at kurbata. Ito’y kinakailangan. Kung walang kurbata at puting pantaas pinahihiraman namin sila ng mga bagay na iyon. Kung tumangi sila, hindi sila makapapasok. Marahas? Marahil, ngunit ito ang lumang paraan at hindi tayo magbabago. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng disenteng damit. Iyan ang lumang paraan, at ito ang tamang paraan. Gaya ng sinabi ni Dr. Tozer, “Ang lumang paraan ay ang tunay na paraan.” Kung magpupunta ka sa awditoriyum isang piyano at organ ang tumutugtog ng lumang istilong himno. Walang mga gitara o tambol na mkikita o maririnig sa buong paglilingkod. Ang lahat ng mga himno na aming kinakanta ay lumang istilo. Walang makabagong mga koro. Ang nag-iisang “espesyal na musika” ay isang solo, na kinakanta ng aming nakatataas na diakono, isang lalake sa kanyang edad na anim napu – na kumakanta ng isang lumang istilong himno bago ng pangangaral. At kami’y laging nangangaral mula sa lumang Haring Santiagong Bibliya [King James Bible].
Maaring mayroong magsasabi, “Siguro ay mayroong kang isang simbahan na puno ng matatandang mga tao!” Hindi, ang karamihan sa aming mga tao ay nasa ilalim ng edad na tatalompu! At halos dalawampu’t limang pursyento nila ay nasa kolehiyong edad o hayskul. Napaka kaunti nila ay ipinanganak sa kahit anong simbahan. Karamihan sa kanila ay dinala sa simbahan sa pamamagitan ng namimilit na ebanghelismo mula sa malalapit na mga kolehiyo at mga hayskul.
Sa lahat ng gagawin namin, naniniwala kami sa
nakapagsusubok na mga makabagong mga simbahan.
Naniniwala kami sa pag-iisip na iba.
Ang paraan na hinahamon namin ang mga simbahan na iyan
ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga mas maiging
mga Kristiyano kaysa sa mga nagagawa nila.
At talagang gumagawa kami ng mga mas mainam na mga
Kristiyano kaysa sa kanila! Gusto mo bang maging mas
mainam na Kristiyano?
(Isinalin mula sa sinabi sa ibang paraan mula sa
Magsimula Sa Bakit [Start With Why], ni Simon Sinek, pah. 41).
Magpunta rito ng ilang buwan, at ranasan ang isang tunay na pagbabagong loob, at ika’y magiging isang mas mainam na Kristiyano kaysa sa nililikha ng kahit sino sa mga “makabagong” mga simbahan! Ikaw ay magiging pinaka mahusay na Kristiyano na makikilala ng kahit sino!
Mayroong napaka kaunting mga simbahan ngayon na naglalakad sa lumang daan. Hindi nila sinusundan ang lumang paraan na itinuro ni Kristo at ng Apostol. Hindi sila nangangaral ng lumang paraan ng mga Taga Reporma, o mga Puritano, o mga ebanghelista ng ika 18 at maagang ika 19 ng siglo. Lumakad sila sa mga bagong mga daan, ang mga huwad na mga paraan na nagsimula sa Pelagianong eretikong si Charles Finney – mga paraan na nagbunga sa ating panahon ng isang di pangkaraniwang mga inakay ng mga desisyonista, kasama ang mga bagong ebanghelikal, ang mga karismatiko, ang mga antinomiyan na mga mag-aaral ng Bibliya at ang mga bagong Kalvinista (na nagsasalita patungkol sa mga Kalvinistang mga doktrina, ngunit hindi sinisiyasat ang mga puso ng kanilang mga tagapakinig gaya ng ginawa nina Jonathan Edwards, George Whitefield, Spurgeon at Dr. Lloyd-Jones). Hindi ko aaksayahin ang iyong panahon sa pagpapaliwanag ng lahat ng mga bungang ito ni Finney. Sasabihin ko lang na maari natin silang igrupong sama-sama tulad ng mga bagong ebanghelikal. Tinatawag nila ang kanilang mga sariling “mga bagong ebanghelikal”! At tama sila, dahil ang lahat na itinuturo nila ay bago. Hindi ako naniniwala na ang lahat noong mga nasa simbahan ay nawawala. Ngunit iyong mga ligtas ay mga labi sa ating panahon. Kung gusto mong magbasa tungkol sa “mga lumang ebanghelikal” bumili ng isang kopya ng “Ang Lumang Ebanghelikalismo” [“The Old Evangelicalism”] ni Iain H. Murray. Maari mo itong makuha sa aming tindahan ng mga aklat o bilhin ito sa internet sa Amazon.com. Sa likod na dyaket ay ang sipi ni Dr. A. W. Tozer, “Ang lumang paraan ay ang tunay na paraan at walang ibang bagong paraan” – walang ibang bagong paraan na makatutulong sa iyong maging isang tunay na Kristiyano. Gaya ng pagkasabi ng propetang si Jeremias,
“Ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo ron, at kayo’y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa” (Jeremias 6:16).
Ipaghahambing ko ngayon ang lumang paraan na nagdadala sa kaligtasan – at ang bagong paraan na magdadala sa walang hanggang kaparusahan.
1. Una, ang lumang paraan ay nagsisimula sa Diyos at Kanyang luwalhati; ang bagong paraan ay nagsisimula sa tao at kanyang mga pangangailangan at mga pakiramdam.
O, sa “bagong paraan” binanggit nila ang Diyos. Ngunit hindi Siya ang Diyos ng Kasulatan. Hindi Siya ang pinaka makapangyarihang Diyos ng Bibliya. Hindi Siya ang Diyos na pumipili kung sino ang ililigtas Niya at sino ang iiwan Niya sa kanilang kasalanan. Ang Diyos ng “bagong paraan” ay hindi ang Diyos ng Bibliya, kung sino sinabi ni Apostol Pablo,
“Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas” (Mga Taga Roma 9:18).
Ang bagong paraan ay di kailan man tumutukoy sa katunayan na pinipili ng Diyos kung sino ang Kanyang ililigtas, at iiwan ang lahat ng iba sa Impiyerno. Kailan ang huling beses na narinig mo ang isang mangangaral na nagsabi niyan patungkol sa Diyos? Marahil ay di kailan man mo nadinig ang tunay na Diyos ng Bibliya. Tinatawag Siya ng Bibliya “dakilang Dios at kakilakilabot” (Deuteronomio 7:21). Tinatawag Siya ng Bibliyang “dakila at kakilakilabot na Dios” (Nehemias 1:5) at muli ang Dios ay tinawag na “dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios” (Nehemias 9:32). At tayo ay binalaan, “Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Mga Hebreo 10:31). “Sapagka’t ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw” (Mga Hebreo 12:29).
Nadinig mo ba kailan man ang isang pastor o pari na nagsasalita patungkol sa Diyos na iyan – na tinatawag ng Bibliyang “Dios na buhay”? (Mga Hebreo 10:31). Nadinig mo ba kailan man ang isang mangangaral na nagsasabi na ang Diyos ay pumipili ng kaunting mga tao upang maligtas at iniiwan ang lahat ng iba sa lupa upang magpunta sa Impiyerno? Sinabi ni Kristo, “Marami ang tinatawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14). O nadinig mo ba silang magsalita tungkol sa isang maliit na di mahalagang Diyos na naglilitas sa lahat – isang Diyos na nagsisilbi sa iyo at iyong mga pangangailangan – imbes na isang teribleng Diyos, na “Dios na buhay”? Sasabihin mo, “Ayoko kong marinig ang tungkol sa iyong teribleng Diyos! Hindi ako babalik sa simbahan na ito!” OK, huwag kang bumalik! Magpatuloy ka sa paniniwala sa “iyong sariling Dios.” Ngunit tandaan, ang iyong sariling Diyos ay hindi tunay na Diyos. At di ka kailan man maliligtas at maging isang tunay Kristiyano maliban nalang na ika’y unang maniwala sa “Dios na buhay” ng Bibliya.
2. Pangalawa, ang lumang paraan ay gumagawa sa iyong pag-isipan ang iyong kasalanan, na parurusahan ng tunay na Diyos sa Impiyerno; habang ang bagong paraan ay gagawa sa iyong pag-isipan ang iyong mga pangangailangan at mga pakiramdam.
Nakadinig ka na ba ng isang pastor o pari na nagsabi sa iyo na ika’y lubhang makasalanan? Na ang iyong puso ay baluktot at marumi? Na ang iyong “ang puso ay magdaraya…at totoong masama”? (Jeremias 17:9). Na maliban na ika’y tunay na napagbagong loob ika’y “ito’y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan”? (Mateo 25:46). O ang pastor na nadinig mo ay tulad noong nasa Fuller na Seminaryo na mangangaral si Rob Bell, na nagsasabi na ang lahat ay pupunta sa Langit, kahit si Hitler. Oo, sinabi niya iyan! (Pag-ibig ang Nananalo Isinalin mula sa Love Wins)? Kung ang Fuller na Teyolohikal na Seminaryo ay mabuti sa kahit anong paraan, hahatakin nila ang kanyang digri, at ibabalik ang kanyang pera.
Sinasabi mo, “Gusto ko na ang aking mga pangangailangan ay maibigay ng isang matamis, mahinhin na mangangaral. Hindi ako babalik rito sa lumang istilong simbahan na ito na nangangaral laban sa aking mga kasalanan at nagsasabi sa akin na pupunta ako sa Impiyerno!” OK, magpunta at iwan kami. Magpunta at paniwalaan ang maliit na “panalangin ng makasalanan” ni Joel Osteen – kung saan pagkatapos ay sinasabi niya sa kanyang palabas sa telebisyon, “Naniniwala kami na kung sinabi mo ang panalangin na iyan, na ika’y naipananganak muli.” Sige at maniwala sa kanya. Ngunit tinatawag ko ang mga mangangaral na tulad niyan na mga huwad na propeta, nagsisinungaling na mga mangangaral na magpupunta sa Impiyerno mismo! Sabihin mo sa kanila na sinabi ko iyan, at iwan ito sa manuskrito at sa videyo!
3. Pangatlo, ang lumang paraan ay gumgawa sa iyong pag-isipan ang iyong mga kasalanan, lalo na ang iyong mga sekretong kasalanan at ang kasalanan ng iyong puso; ang bagong paraan ay gumagawa sa iyong bumuti ang pakiramdam mo sa iyong sarili.
Sinabi ni Jonathan Edwards (1703-1758), “Ang tao ay natural na [mayroon] lamang pag-ibig sa sarili” (Isinalin mula sa “Ang Tao ay isang Napaka Sama at Mapagsakit na Nilalang” [“Man is a Very Evil and Hurtful Creature”]). Pag-ibig sa sarili, ngunit walang pag-ibig para sa Diyos. Walang pag-ibig para sa kahit sino kundi iyong sarili – dahil ikaw ay tulad ng sinabi ni Jonathan Edwards, “isang napaka masama at mapagsakit na nilalang.” Bakit ka ganyan? Bakit mo namana ang isang makasalanang kalikasan (orihinal na kasalanan) mula kay Adam, ang ama ng buong lahi ng tao! Iyan ang dahilan na iniibig mo lamang ang iyong sarili. “Hindi, hindi!” ang sinasabi ng isa, “Iniibig ko ang aking asawa.” “Iniibig mo nga ba siya? Gayon bakit na ka nagrerebelde laban sa kanya at nagrereklamo laban sa kanya gabi at araw? Ang katotohanan ay na iniibig mo ang iyong sarili!
Huwag kang magkakamali rito, hindi mo iniibig ang Diyos. Nagpupunta ka lamang sa simbahan upang makita ang iyong mga kaibigan. Kung isa sa iyong mga kaibigan ay aalis mula sa simbahang ito, aalis ka rin. Papatunayan nito na ika’y isang ipokrita! Patutunayan nito na anomang sinabi mo patungkol sa pag-iibig kay Kristo at pagtitiwala sa Kanya, nililinlang mo lamang ang iyong sarili. Ika’y isang huwad na Kristiyano sa lahat ng oras na ito. Nagbabalatkayo kang isang Kristiyano. Naglalagay ka ng isang huwad na ngiti at mapagkaibigang tingin, ngunit hindi ka isang Kristiyano. Naglalagay ka lamang ng isang balatkayo ng isang Kristiyano, gaya ng paglagay ng maraming mga tao ng huwad na balatkayo tuwing Halloween! Hindi, ang katotohanan ay na wala kang pag-ibig kay Kristo. Iniibig mo lamang ang iyong sarili. Ang sarili mo lamang! Ang sarili mo lamang! Ang sarili mo lamang! Sinasabi ng Bibliya, “Sa mga huling araw…ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili” (II Ni Timoteo 3:1, 2). Iyan ang dahilan na wala kang panahon upang basahin ang Bibliya. Walang panahon upang manalangin. Walang panahon upang magpunta sa ebanghelismo – ngunit maraming panahon, maraming oras ng panahon, upang maglaro ng videyong palaro at tignan ang telebisyon at maruming pornograpiya. Walang panahon upang magpunta sa simbahan ng Sabado ng gabi at Linggo ng gabi – ngunit maraming panahon upang manood ng pelikula! Bakit ka ganyan? Dahil iniibig mo ang iyong sarili! Walang pag-ibig para sa Diyos. Walang pag-ibig para kay Hesus. Pag-ibig lamang para sa iyong sarili. Aminin ito! Amini ito ngayon – o hindi ka kailan man magsisisi at maging isang tunay na Kristiyano sa pagtitiwala kay Kristo.
Ang “bagong” paraan ay saktong ang kabaligtaran ng lumang paraan – na pinaniniwalaan natin. Ang “bagong” paraan ay nagpapabaya sa iyong maglakad sa harap ng simbahan at magsabi ng isang madaliang panalangin ng makasalanan. Tapos bibinyagan ka agad-agad! Maraming mga Bautista ay maiinis sa akin sa pagsasabi nito, ngunit kailangan kong sabihin sa iyo ang katotohanan. Binibinyagan ka nila na kasing bilis na makakaya nila, pagkatapos mong gumawa ng tinatawag na “desisyon.” Bakit ka nila binibinyagan agad-agad, madalas sa parehong pagpupulong? Hindi nila ito ginagawa dahil iniibig nila si Hesus! Hindi nila ito ginagawa dahil naniniwala sila sa Bibliya! Ginagawa nila ito dahil iniibig nila ang sarili nila lamang! Wala silang pag-aalala sa iyo sa anumang paraan. Nag-aalala lamang sila sa kung gaano karaming pagbibinyag ang kanilang maulat. Iniisip ko na ang mga pastor na sinasadyang gawin ito ay sila mismo ay hindi ligtas! Sabihin mo sa kanila na sinabi ko iyan, at iwan ito sa manuskrito at videyo.
Sinasabi mo, “Hindi ko gusto iyan. Hindi ko gusto na sinasabi mo sa akin na wala akong pag-ibig para sa Diyos. Hindi ko gusto na sinasabi mo sa akin na iniibig ko lamang ang aking sarili. Hindi na ako babalik sa simbahang ito muli!” OK, huwag kang bumalik. Ngunit tandaan, ang matandang mangangaral na ito ay nagsabi sa iyo ng katotohanan, ang buong katotohanan, at wala kundi ang katotohanan – patungkol sa iyong sarili! At hindi ako hihinto sa paggagawa nito anomang sabihin mo o gawin mo. Ang ilang mga kabtaan ay nagsasabi, “Hindi ko madala ang aking mga kaibigan rito dahil masyado kang malakas mangaral.” Hindi, aking mga sinta, hindi iyan ang dahilan – at alam mo ito! Hindi mo dinadala ang iyong mga kaibigan rito dahil wala kang pag-aalala para sa kanilang mga kaluluwa! Wala kang pag-aalala para sa kanilang mga kaluluwa sa anumang paraan – dahil iniibig mo lamang ang iyong sarili! Pahirin ang pangit na ekspresyon sa iyong mukha at pag-isipan ang sinasabi ko! Ditong sakto mo kailangang dalhin ang mga nawawalang mga bata na kilala mo! Bakit? Dahil ito ang nag-iisang lugar na alam ko na malapit rito na maari kang maligtas! Iyan ang dahilan! Kung iniibig mo sila na kasing higit na pag-ibig mo sa iyong sarili, sasabihin mo sa kanila, “Magpunta sa simbahan kasama ko! Ito’y matindi! Ito’y lumang istilo! Ngunit ito ang pinaka mainam na simbahan sa bayan ng L.A., at ito’y puno ng mga kabataan tulad mo at ako.” Iyan ang sasabihin mo sa kanila kung ika’y isang tunay na Kristiyano. Ngunit hindi ka isang tunay na Kristiyano. Ika’y isang peke! Isang taong umiibig sa iyong sarili. Isa na namang nawawalang bata.
Noong Miyerkules ng gabi isang di ligtas na batang babae ang nagsabi sa akin na hindi siya makikinig sa akin dahil masyado akong sumisigaw masyado. Sinabi ko sa kanya, “Ika’y narito na ng maraming taon, at ika’y nawawala pa rin at mapagrebelde. Sa tingin ko kailangan ko pang sumigaw ng mas malakas!” Oo, mas malakas – at mas malakas – at mas malakas. Kung makakita ka ng isang bulag na tao na naglalakad sa hiwey, hindi ka ba sisigaw? “Umalis ka sa hiwey o ika’y mamamatay!” Iyan ang dahilan kung bakit sumisigaw ako – dahil mahal ko ang iyong kaluluwa. Ang mga mangangaral na di kailan man sumisigaw ay hindi ka iniibig sa anumang paraan. Gusto lamang nila ang iyong pera! At hindi mo kailan man mararanasan ang isang tunay na pagbabagong loob hanggang sa aminin mo sa Diyos at sa iyong sarili kung gaano ka kamakasalanan at makasarili. Kailangan mong makumbinsi sa iyong sekretong mga kasalanan at mga kasalanan ng iyong puso. Kailangan mong maramdaman kasama ni David, “Ang aking kasalanan ay laging nasa aking harapan” (Mga Awit 51:3). Iyan ang lumang paraan ng pagbabagong loob. Kailangan mong mapunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, o di mo kailangan makikita ang iyong pangangailangan para kay Kristong nagbabayad para sa iyong kasalanan, at pagbubuhos ng Kanyang Dugo sa Krus upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan.
4. Pang-apat, ang lumang paraan ay ang suriin ang iyong sarili; ang bagong paraan ay ang maglaro sa simbahan hanggang sa umalis ka at bumalik sa buhay ng kasalanan.
Sinasabi ng ating teksto, “Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili” (II Mga Taga Corinto 13:5). Iyan ang lumang paraan. Siyasatin ang iyong sarili upang makita kung ika’y tunay na ligtas. Sinabi ni Jonathan Edwards, “Siguraduhin na [ika’y] hindi lamang nagkukunwari ng pagkakumbinsing nagkasala; kundi isang nararapat na pagluluksa para sa kasalanan. At gayun din, na ang kasalanan ay mabigat sa [iyo] at na ang [iyong] puso ay malambot at matino.”
Ito ang kailangan mong maramdaman o ika’y magkakaroon ng huwad na pagbabagong loob. Ang ilan sa inyo ay nakarinig o nakabasa ng pagbabagong loob ng ibang tao. Ang mga pagbabagong loob na mga testimonyo na iyong nadinig o nabasa ay namemorya mo. Masasasabi ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng iyong pagbabagong loob na mga testimonyo na ang mga ito’y mga namemorya lamang sa pagbabasa ng testimonyo ni Sheila Ngann, o pagkakarinig ng makapangyarihang testimonyo ni John. Ika’y napunta lamang sa ilalim ng kumbiksyon at tapos kinopya ang pangunahing mga bagay na sinabi nila! Hindi ka nagkaroon ng tunay na pagbabagong loob, isa lamang namemorya mula sa isang nagkaroon ng tunay na pagbabagong loob. Babasahin ko ang karamihan sa testimonyo ni John Cagan. Habang babasahin ko ito, siyasatin ang iyong sarili. Habang basahin ko ang testimonyo ni John Cagan tanungin ang iyong sarili, “Iyan ba ay talagang nangyari sa akin O kinopya ko lang ang sinabi niya?” Makinig sa bawat isang salita at tanungin ang iyong sarili kung iyan ay tunay na nangyari sa iyo. Kung hindi nagkaroon ka ng isang huwad na pagbabagong loob. At di magtatagal aalis ka mula sa aming simbahan kapag ang Diablo ay darating para sa iyo.
ANG AKING TESTIMONYO
Ika- 21 ng Hunyo taon 2009
ni John Samuel Cagan
Natatandaan ko ang sandali ng aking pagbabagong loob na napaka linaw at masinsinan na ang mga salita ay mukhang napaka liit kumpara sa kung gaano katindi ng pagbabago na ginawa ni Kristo. Bago ng aking pagbabagong loob ako’y puno ng galit at pagkamuhi. Nagmalaki ako sa aking mga kasalanan at nagalak sa pagsasanhi ng sakit sa mga tao, at iniugnay ang aking sarili doon sa mga namuhi sa Diyos; para sa akin ang kasalanan ay hindi isang “pagkakamaling” dapat pagsisihan. Sadya kong iniayos ang aking sarili sa daang ito. Nagsimulang kumilos ang Diyos sa akin sa mga paraan na hindi ko kailan man inasahan habang ang aking mundo ay nagsimulang mabilis na madurog sa paligid ko. Ang mga linggong iyon bago ng aking pagbabagong loob nadama ko na parang namamatay: hindi ako natulog, hindi ako makangiti, hindi ako makahanap ng kahit anong kapayapaan. Ang ating simbahan ay nagkakaroon ng mga ebanghelistikong mga pagpupulong at malinaw kong natatandaan na kinukutya ang mga ito habang ganap kong di ginagalang ang aking pastor at aking ama. (Si John in an unsaved state was just as mad at me for preaching loud as that girl I told you about).
Ang Banal na Espiritu ay nagsimulang lubos na tiyak na hatulan ako ng aking kasalanan sa panahong iyon, ngunit ang aking buong kagustuhan ay tinanggihan ang lahat ng pag-iisip na mayroon ako tungkol sa Diyos at pagbabagong loob. Tumatanggi akong pag-isipan ang tungkol rito, gayon hindi ko mapigilang tumigil sa pagkakaramdam na naguguluhan. (If you have never felt tormented by your sin, you have never been saved!)
Habang si Dr. Hymers ay nangangaral, ang aking pagmamalaki ay desperadong sumusubok na tanggihan ito, na huwag makinig, ngunit habang siya’y nangaral literal na nadama ko ang aking kasalanan sa aking kaluluwa. Binibilang ko ang mga segundo hanggang sa ang pangaral ay matapos na, ngunit ang pastor ay patuloy pa rin, ang aking mga kasalanan ay naging walang hangganang lumubha ng lumubha. Hindi na ako makapagpatuloy na sumikad sa mga matulis, kailangan kong maligtas! Kahit habang ang imbitasyon ay ibinigay tumanggi ako, ngunit hindi ko na ito matiis. Alam ko na ako na pinaka posibleng malubhang makasalanan na maaring maging at na ang Diyos ay makatuwiran na kondenahin ako sa Impiyerno. Pagod na pagod na ako sa pakikipaglaban, pagod na pagod na ako sa lahat ng ako. Pinayuhan ako ng pastor, at sinabihan akong magpunta kay Kristo, ngunit hindi ako magpupunta. Kahit habang ang lahat ng aking mga kasalanna ay humatol sa akin hindi ko pa rin magkakaroon si Hesus. Ang mga sandaling ito ay ay ang pinaka malubha sa lahat na aking naramdaman para bang hindi ako maliligtas at kailangan ay magpunta nalang ako sa Impiyerno. “Sinusubukan” kong maging ligtas, “sinusubukan” kong magtiwala kay Kristo at hindi ko ito magawa, hindi ko lang magawa ang sarili kong magpunta kay Kristo, hindi ko mapagpasyahan na maging isang Kristiyano, at ginawa ako nitong lubos na walang pag-asa. Nararamdaman ko ang aking kasalanan na tumutulak sa akin pababa sa Impiyerno gayon nararamdaman ko ang aking pagka matigas na ulong pinupuwersa lumayo ang aking mga luha. Ako’y naipit sa isang gulo. (Ang mga naunang mga mangangaral ay tinawag itong “Ebanghelyong bisyo”). Nadama ko ang aking kasalanan na tumutulak sa akin pababa ng Impiyerno. Gayon ang aking pagka matigas ang ulo ay pumepwersa sa mga luhang mawala. (Ang mga matatapang mga lalake ay di umiiyak. Siya’y isang matapang na lalake. Ngunit itinulak siya ng Diyos at isiniksik sa Ebanghelyong bisyo hanggang siya’y lumuha.)
Biglang ang mga salita ng isang pangaral na ipinangaral na maraming taon noon ay pumasok sa aking isipan: “Sumuko kay Kristo! Sumuko kay Kristo!” Ang kaisipang kailangan kong sumuko kay Hesus ay gumulo sa aking lubos na ang mukhang magpakailan man ay hindi ko gagawin. Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa akin. Ang tunay na Hesus ay nagpunta upang maipako sa krus para sa akin noong ako’y Kanyang kaaway at hindi ako susuko sa Kanya. Ang kaisipang ito ay sumira sa akin sumira sa akin; kinailangan kong isuko ang lahat ng ito. Hindi na ako makakapit sa sarili ko ng mas matagal pa, kinailangan ko si Hesus! Sa sandaling iyon sumuko ako sa Kanya at nagpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa sandaling iyon mukhang parang hinayaan ko ang aking sariling mamatay, at tapos ibinigay sa aking ni Kristo ang buhay! Walang gawain ko kagustuhan ng aking isipan kundi sa aking puso, na may simpleng pamamahinga kay Kristo, iniligtas Niya ako! Hinugasan Niya ang aking kasalanan gamit ng Kanyang Dugo! Sa nag-iisang sandaling iyon, tumigil ako sa kakalaban kay Kristo. Ito’y napaka malinaw na ang lahat na kinailangan kong gawin ay ang magtiwala sa Kanya; nakikilala ko ang saktong sandali noong tumigil ako sa pagiging ako at ito’y lahat si Kristo. Kinailangan kong sumuko! Sa sandaling iyon walang pisikal na pakiramdam o nakabubulag na ilaw, wala akong naramdamang pakiramdam, mayroon ako si Kristo! Gayon sa pagtitiwala kay Kristo nadama ko na para bang ang aking kasalanan ay naitaas mula sa aking kaluluwa. Tumalikod mula sa kasalanan, at tumoingin kay Hesus lamang! Iniligtas ako ni Hesus.
Pakatapos na nadinig ang testimonyo ni John iyan ba ay kailan man nangyari sa iyo? Kung hindi ito kailangan mong tunay na mapagbagong loob. Kailangan mo ang isang tunay na pagbabagong loob, hindi isang kinopya. Anong dapat mong gawin upang magkaroon ng tunay na pagbabagong loob? Una, pag-isipan ang kung paano ka makasalanan ang iyong puso, napaka makasalanan na hindi talaga nag-sisi at nagtiwala kay Hesus. Napaka makasalanan na sinubukan mo kaming linlangin sa pamamagitan ng pagkakatoto ng mga salita. Tama ba ako? Gayon dapat mong tunay na tumalikod mula sa kasalanan ng iyong puso at buhay. At dapat kang tunay na magpunta kay Hesus at mahugasang malinis sa Dugo na Kanyang ibinuhos para sa iyo sa Krus. Bumaba rito sa altar, at tayo ay mananalangin para sa iyo at papayuhan ka habang ang iba ay magpunta sa itaas upang magtanghalian. Magpunta na ngayon. Magpunta rito ngayon! Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Awit 51:1-3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lumang Istilong Paraan.” Isinalin mula sa
“The Old-Fashioned Way” (ni Civilla D. Martin, 1866-1948).
ANG BALANGKAS NG SIYASATIN NINYO ANG INYONG SARILI NGAYON! EXAMINE YOURSELVES NOW! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na?” (II Mga Taga Corinto 13:5). (Apocalipsis 20:15; 14:10, 11; Jeremias 6:16) 1. Una, ang lumang paraan ay nagsisimula sa Diyos at Kanyang luwalhati; ang bagong paraan ay nagsisimula sa tao at kanyang mga pangangailangan at mga pakiramdam, Mga Taga Roma 9:18; Deuteronomio 7:21; Nehemias 1:5; 9:32; Mga Hebreo 10:31; 12:29; Mateo 22:14. 2. Pangalawa, ang lumang paraan ay gumagawa sa iyong pag-isipan ang iyong kasalanan, na parurusahan ng tunay na Diyos sa Impiyerno; habang ang bagong paraan ay gagawa sa iyong pag-isipan ang iyong mga pangangailangan at mga pakiramdam, Jeremias 17:9; Mateo 25:46. 3. Pangatlo, ang lumang paraan ay gumgawa sa iyong pag-isipan ang iyong mga kasalanan, lalo na ang iyong mga sekretong kasalanan at ang kasalanan ng iyong puso; ang bagong paraan ay gumagawa sa iyong bumuti ang pakiramdam mo sa iyong sarili, II Ni Timoteo 3:1, 2; Mga Awit 51:3. 4. Pang-apat, ang lumang paraan ay ang suriin ang iyong sarili; ang bagong paraan ay ang maglaro sa simbahan hanggang sa umalis ka at bumalik sa buhay ng kasalanan, II Mga Taga Corinto 13:5. |