Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA NABUBUHAY NA KRISTIYANISMO!

ISANG PAGPAPAKILALA NI DR. R. L. HYMERS, JR.

THE FIGHT FOR LIVING CHRISTIANITY!
AN INTRODUCTION OF DR. R. L. HYMERS, JR.
(Tagalog)

ni Mr. John Samuel Cagan


Sa mga panahon ng krisis, ang kasaysayan ay ginagawa noong mga naniniwala sa isang bagay na mas dakila kaysa a kanilang mga sarili. Ang kasaysayan ay hindi ginagawa ng isang karaniwang tao. Mayroong mga ilan na naghahangad ng kaligtasan at katibayan ng kapangkaraniwan. Mayroong mga iyong kinatatakutan ang pagkabigo ng higit na hindi sila kailan man susubok. Mayroong iyong mga di kailan man nakaaabot ng kahit anong dakila dahil hindi sila magbabayad ng halaga ng higit na pagtitiis. Mayroong iyong mga hindi magbabago na kahit ano, na hindi magbibigay epekto sa mundo, at mamamatay na parang hindi sila kailan man nabuhay. Sa isang panahon na puno ng mga taong tulad nito, itinaas ng Diyos si Dr. Hymers.

Ang karamihan sa mga kalalakihang nagpapasiyang magpunta sa ministro ay nasuportahan sa halos lahat ng paraan. Gayon si Dr. Hymers, ay nagbayad sa kanyang sariling paraan sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa araw at pagpupunta sa paaralan sa gabi. Sa kabila na madalas na nanghihingan ang loob mula sa ministro ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ginawa niyang layunin ang panaginip na pagiging isang ministor ng Diyos, at hindi lalayo mula rito ano mang kahigit ang hirap. Tiniis niya ang pakikipaglaban upang maging isang mangangaral ng Diyos sa kabila ng mga demonikong pagsalakay at emosyonal na sakit. Tiniis ni Dr. Hymers ang bawat pagsubok at tribulasyon para sa layunin ng pagsasabi ng katotohanan ng Diyos. Dahil tiniis niya ang mga apoy ng buhay, si Dr. Hymers ay naglagablab para sa katotohanan

.

Naniwala si Dr. Hymers na napakalakas sa katotohanan ng Salita ng Diyos na handa siyang makipaglaban para rito. Hindi siya isang tao na makokontentong tanggapin ang isang kasinungalingan dahil ito’y kumportable. Ito ang naging kaso sa buong buhay niya. Hindi siya umupo at walang ginawa habang ang Bibliya ay siniraang puri sa kanyang nagtatangi ng Bibliyang seminaryo. Sa panganib ng di makapasok sa seminaryo at di makapagtapos, si Dr. Hymers ay nakipaglaban laban sa liberal na mga pagsalakay sa Bibliya. Nagsara siya ng mga silid aralan, nagsulat ng mga artikulo sa peryodiko ng paaralan, namuno ng mga panalanging pagpupulong sa kanyang dormitory; ginamit niya ang bawat pagkukunan na kanyang makukuha upang makipaglaban laban sa mga kasinungalingan na dumadagsa sa katotohanan ng Bibliya. Noong tinawag siya sa Opisina ng President eng kanyang seminaryo upang sabihan na hintuin ang kanyang mga pagproprotesta sa pagtatanggol ng Bibliya, si Dr. Hymers ay hindi siya sumuko. Imbes, ay nagsulat siya ng isang aklat laban sa liberalism sa mga seminaryo. Tumayo siyang mataas at malakas sa Digmaan para sa Bibliya.

Ang ilan ay kumutya, ang iba ay nareklamo, at ang iba pa rin ay sumuko, ngunit si Dr. Hymers ay isang tao ng aksyon. Napaka lakas ang kanyang mga kumbiksyon sa katotohanan at sa Diyos na hahatakin niya ang kanyang espada at susugod sa mga puwersa ng kasamaan kahit na ang kamatayan ay tiyak. Hindi iniibig ni Dr. Hymers ang buhay nang higit na bibilhin ito sa presyo ng mga kadena. Siya ay isang tao ng digmaan kapag ang iba ay bibili ng kapayapaan sa halaga ng pagkaalipin.

Noong dinuraan ng Hollywood ang mukha ni Kristo, kumilos si Dr. Hymers upang punasan ang mukha ng Kanyang Tagapagligtas. Dahil rito, siya’y sinalakay. Kahit na mga artikulo ay isinulat laban sa kanya, ipinagtanggol niya si Kristo! Para rito nawalan siya ng mga kaibigan. Gayon, ang tungkulin na gagawin na tao ay pumwersa kay Dr. Hymers na kumilos, upang magprotesta, upang makipaglaban.

Kapag ang buong lipunan ay mukhang pinapayagan ang “karapatan ng [babae] sa isang paglaglag,” si Dr. Hymers ay tumanging hayaan ang isang batang patayin na walang pakikipaglaban. Ang karaniwang tao ay makikiramay at mag-aabuloy sa pagkakawanggawa sa pinaka mabuti, ngunit si Dr. Hymers ay hindi isang karaniwang tao. Siya at ang aking ama ay umupo sa harapan ng isang klinika ng paglalaglag. Noong ang iba ay lumisan sa pananakot ng mga pulis na nakasakay sa kabayo na mayroong mga pamalo at mga tsapa, si Dr. Hymers ay nanatiling nakatali sa kanyang mga paniniwala. Hindi siya maibubunot mula sa ang akala niya ay ang huling linya sa pagitan ng buhay ng isang bata at isang karapatan ng babae. Pinamunuan niya ang kanyang simbahan sa isang lahat-lahatang puwersa upang ipasara ang dalawang klinikang paglalaglag. Tumayo siyang mataas at malakas sa digmaan laban sa paglalaglag.

At tapos naroon ang digmaan para sa ating simbahan. Isang “dating pinuno” ng ating simbahan ay umalis. Sa kanyang paggising, 400 na mga miyembro ay umalis sa ating simbahan. Halos nawala ng simbahan natin ang gusaling ito. Ang simabahan ay halos nabangkarota. Isang tanyag na mangangaral ang nag-alay kay Dr. Hymers ng isang pagtakas, upang maging isang pastor ng isang malaking sa arabal na simbahan. Inalayan niya si Dr. Hymers ng isang pagkakataon na tumalon mula sa mukhang isang lumulubog na bapor! Sinabi niya, “Ito ang iyong huling pagkakataon.” Maraming mga pastor ang maaring umalis na. Ngunit na ang mga miyembro na nagsisi-alis at ang simbahan na nasa pinansyal na kapanganiban – si Dr. Hymers ay nanatili! Si Dr. Hymers ay handang makipaglaban para sa lokal na simbahang ito. Dahil sa kanyang espiritwal na tapang at ang mapagpananampalatayang mga taong ibinigay ang kanilang panahon at pera, mayroon pa rin tayong isang simbahan sa sentrong pambayan ng Los Angeles! Nanatili siya at hinarap ang pagka-imposible ng pagsubok na mayroong determinasyon at lakas tulad ng pagharap ni Winston Churchill kay Hitler sa digmaan ng Kanlurang Sibilisasyon.

Kumbinsido si Dr. Hymers na kahalagahan ng lokal na simbahan. Madalas sabihn ni Dr. Hymers na ang tagumpay ng simbahang ito ay ang kanyang buong buhay. Mayroon siyang malalim na pagmamahal, hindi lamang para sa simbahang ito, kundi para sa mga simbahan sa buong mundo. Ang kapangyarihan ng simbahan ay ang kanyang pasyon. Ang kanyang pinaka pagkatao ay nakakabit sa buhay ng simbahan. Mayroon siyang pagka-isang kaisipan para sa sanhi ni Kristo at ang simabahn ay kasama sa mga pinaka magagaling na mga atleta, politikal na mga mapagpuwersa, at mga kongkistadores. Alam niya na ang simbahan ay ang babaing kasintahan ni Kristo, at kung gayon nananalangin siya, nakikipaglaban, at nangangaral para sa kabutihan ng simbahan.

Kahit na di sumasang-ayon at pinagdududahan ng ilan, maraming mga Protestanteng pinuno na nanatiling totoo sa Diyos ay hinangaan at sinuportahan si Dr. Hymers. Kasama sa kanila ay ang kilala ng bayang ebanghelistang at mahabang panahon nang tagapatnugot ng “Ang Biblikal na Ebanghelista” [“The Biblical Evangelist], na si Dr. Robert L. Sumner. Na napaligiran ng pinaka magaling na Kristiyanong mga tauhan ng ika-20 na siglo, nalalaman ni Dr. Sumner ang tungkol sa mga tunay na kalalakihan ng Diyos. Isinulat ni Dr. Sumner patungkol kay Dr. Hymers,

“Kusang, sadya si Dr. Hymers na lumabas upang itaguyod ang pangangaral ng ebanghelyo, ebanghelistiko, patuturo ng Bibliyang simbahan sa pinaka puso ng malupit na bayan ng Los Angeles. Kung hindi para sa kung anong ibang bagay, pinupuri ko siya para riyan at hindi para sa pagsasali ng ibang ebanghelikal na mga pangangasiwa sa pagtakas sa mga arabal…pinahahalagahan at hinahangan ko ang isang tao na handang tumayo para sa Katotohanan ayon sa kanyang mga kumbiksyon at tapos ay tumayo sa tabi ng mga ito, kahit na ang lahat ng kalamangan ay laban sa kanya. Si Robert Leslie Hymers ay ganoong uri ng Kristiyanong tagapaglingkod ni Kristo! Dagdag pa sa lokal na pangangasiwa sa puso ng isa sa pinaka malupit na lungsod ng Amerika, napanatili niya rin ang isang internasyonal na pangangasiwa – kahit sa lokal na antas, ang kanyang mga paglilingkod ay isinasaling ‘buhay’ sa parehong Espanyol at Tsino.”

Na naging isang ebanghelista na maraming dekada, nakita ni Dr. Sumner ang dakilang mga katangian ng lakas na nagpapakilala sa buhay at pangangasiwa ni Dr. Hymers!

Si Dr. Hymers ay isang tao ng pananaw. Naniniwala siya na kahit sa mahihirap na mga panahon kapag ang lahat ng pag-asa ay mabibigo, magagawa ng Diyos ang dakilang mga bagay. Nakita niya ang isang websayt na magbibiay ng mga pangaral na manuskrito at ibang mga pam-pangarla na materyal sa mga pastor at mga misyonaryo sa buong mundo. Ang uri ng pagsiskap na ito ay hindi pa noon sinubukan at di pangkaraniwan. Gayon man, sa isang pagsubok na gumawa ng pagkakaiba sa mga bansa sa buong mundo, binago pa niya ang kanyang istilo ng paghahanda ng pangaral niya upang mapagaan ang dakilang gawaing ito.

Sa karamihan ng kanyang ministro, si Dr. Hymers ay nangaral mula sa isang balangkas. Gayon, gusto niya ang kanyang mga pangaral na maaring makuha ng mga Kristiyano sa ibang mga bansa na sa ibang paraan ay walang paraan upang makakuha ng mga Bibliya at ibang mga pangaral na materyales. Kung gayon nagpasya siya na magsimulang isulat ang kanyang mga pangaral na bawat salita at ipangaral ito mula sa manuskrito. Karamihan sa mga mangangaral ay hindi papalitan ang kanilang paghahanda ng pangaral pagkatapos na nasa ministro ng ganoong kahabang panahon, ngunit si Dr. Hymers ay isang tao ng pananaw. Maraming taon maya- maya, ang pangaral na manuskrito ni Dr. Hymers ay binasa sa halos bawat bansa sa mundo at ang kayang websayt ay nagkaroon ng halos kalahating muling mga taong bumibisita sa 2016 pa lamang.

Palaging ang uri ng pastor na nag-aalala sa mga tao mula sa bawat pinanggalingan, sinimulan ni Dr. Hymers ang partikular na gawain na isinasalin ang kanyang mga pangaral sa ibang mga wika. Sa umpisa, ang pangaral na manuskrito ay isinalin sa kaunting mga wika lamang. Gayon man, si Dr. Hymers ay nagpatuloy sa kanyang pananaw upang maabot ang buong mundo kahit na mayroong wikang panhadlang.

Ngayon, ang mga pangaral na manuskrito ni Dr. Hymers ay naisalin sa 35 na mga wika! Ang mga pangaral na ito ay isang pagpapala at tulong sa mga misyonaryo at mga pastor sa ika’tlong mundo. Nagamit ang mga ito na isang daan ng biyaya upang buksan at ipakatunayan ang mga kaluluwa ng kanilang pangangailangan para kay Hesus, at ang iba ay napagbagong loob sa pagbabasa ng mga pangaral. Na naisalin ang mga pangaral sa 35 na mga wika ay kinailangan ng pananaw at dedikasyon, ngunit ginamit ng Diyos upang gumawa ng isang makapangyarihang epekto sa Krisityanong mundo.

Gaano man katindi ng laban, si Dr. Hymers ay magsisikap na maging isang tao sa arena para sa Diyos. Nangaral siya ng Ebanghelyo ni Kristo kahit na napakaraming iba ay nalimutan ito. Nangaral siya sa lumang istilo ng puno ng pasyon at apoy noong ang lahat ay lumisan mula rito. Naniniwala siya sa bagong pagbabagong loob sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo at hindi hahayaan ang kahit sino na makikinig na maging mapanganib na mapunta sa Impiyerno sa pagpapasya para sa kahit anong mas kaunti.

Sa isang panahon kung saan ang panalangin ay isang simpleng pormalidad lang, si Dr. Hymers ay naniwala sa kapangyarihan ng Diyos sa pagsasagot ng panalangin. Sa isang panahon na ang iba ay humabol sa pag-asa ng mas malaking abuloy sa pagnanakaw ng mga miyembro mula sa ibang mga simbahan, si Dr. Hymers ay naniniwala sa pag-eebanghelismo ng mga kabataan mula sa mundo. Noong ang iba ay nagsasara ng mga paglilingkod, si Dr. Hymers ay naniniwala sa kahalagahan at kasiglahan ng simbahan. Noong napaka raming iba ay kuntento na kumuha ng sustansya mula sa patay na mga katawan na nawalan ng buhay at kapangyarihan, si Dr. Hymers ay naniniwala at nakikipaglaban sa nabubuhay na Kristiyanismo.

Sa ilang sandali si Dr. Hymers ay magpupunta upang mangaral. Ngunit una si Gg. Griffith ay magpupunta at kakanta ng isa sa mga paboritong himno ni Dr. Hymers, “Pasulong, Mga Kristiyanong Sundalo.”

ANG DIGMAAN PARA SA GABI NG LINGGO

(BILANG ISA SA MGA SERYE NG MGA DIGMAANG SIGAW)

THE BATTLE FOR SUNDAY NIGHT
(NUMBER ONE IN A SERIES OF BATTLE CRIES)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-15 ng Enero taon 2017
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Morning, January 15, 2017

“Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3).

Ngayong umaga magsisimula tayo ng mga serye ng digmaang sigaw. Sa mga ito atin tayong “makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya.” Magsasalita tayo laban sa maraming huwad na mga doktrina at mga kagawian sa ating mga simbahan.

Noong taong 1963 si ginawa ni Pangulong John F. Kennedy si Churchill na unang pangdangal na mamamayan ng Estados Unidos. Sinabi ng Pangulo patungkol sa matandang bayan ng digmaang iyon, “Pinakilos niya ang wikang Ingles at ipinadala ito sa digmaan.” Sa isa sa kanyang mga dakilang talumpati sa loob ng Ikalawang Makamundong Digmaan sinabi ni Churchill, “Kapag dakilang mga sanhi ay kumikilos sa mundo, pinapakilos ang mga kaluluwa ng mga kalalakihan, hinahatak sila mula sa kanilang mga dapugan at mga tahanan, itinatapon ang kanilang mga kaginhawaan, kayamanan at ang paghangad sa kaligayahan sa tugon sa simbuyo na minsan ay terible at di matiis, natututunan natin na hindi tayo mga hayop, at na mayroong nangyayari sa kalawakan at panahon, at higit sa kalawakan at panahon, alin ay, gustuhin man natin ito o hindi, ay nagbabaybay na katungkulan.”

Kami rin mismo ay dumaan sa maraming mga digmaan. Nagbayad kami, namigay, at nagpadala sa bawat Katimugang Bautistang simbahan sa Amerika ng huwad na pagtuturo na itinuturo sa mga mag-aaral na mga mangangaral sa kanilang mga seminaryo. Ang aking bata pang Hispanikong asawa ay higit na anim na buwang buntis noong namimigay siya nitong literature sa Katimugang Bautistang Kumbensyon sa Pittsburgh, Pennsylvania. Kahit na nakikita nila siya maliit at napaka bigat na nagdadalan tao, mga matatanda nang mga kalalakihan ay nilamukot ang literature at aktwal na dumura sa kanyang mukha. Noong bumalik kami sa aming silid ang aking kawawang asawa ay nagtanong sa akin ng tanong na hindi ko masagot. Sinabi niya, “Robert, paano na ang mga taong ito ay tunay na mga Kristiyano?” Marami sa kanila ay mas mukha pang tulad ng mga demonyo mula sa Impiyerno kaysa mga Katimugang Bautista. Sila’y galit nag alit sa kanya dahil namimigay siya ng mga sipi mula sa mga propesor sa kanilang mga seminaryo na nagsasabi na ang katawan ni Hesus ay hindi bumangon mula sa pagkamatay – kundi kinain ng mga mabangis na mga aso, na walang ganoong uri ng tao na tulad ni Moses, at na ang mga sulat ni Pablo ay mga palsipikasyon na hindi isinulat ng mga Apostol. Ngunit nagpatuloy kaming magbayad para sa literature at ipinadala ito at ipinamigay ito taon taon – hanggang sa wakas nanalo kami at iyong mga nasapian ng demonyong mga huwad na mga guro ay pinatalsik mula sa Katimugang Bautistang mga seminaryo sa Amerika. Sa tulong ng Diyos, napanalunan namin ang digmaan na iyon!

Noong ang ibang mga grupo ay nangongolekta ng pera (na inilalagay nila sa kanilang sariling mga bulsa) upang patigilin ang pagpapatay ng mga bata sa aborsyon na pagkapughaw – habang ang iba ay nangongolekta lamang ng pera para sa kanilang mga sarili, ang aming simbahan ay nagpadala ng mga tao at aktwal na nagpasara ng dalawa sa mga basang-basa sa dugong mga klinika! Sa isang okasyon si Dr. Cagan at ako ay umupo sa simento sa harapan ng isa sa mga klinikang iyon – at nanatili kami roon habang ang mga pulis na naka sakay sa kabayo ay pumaligid sa amin at nagbabalang posasan kami at dalhin kami sa bilangguan. Ngunit noong nakita nilang hindi kami kikilos, pinaikot nila ang kanilang mga kabayo at lumisan. Muli, sa tulong ng Diyos, napanalunan namin ang digmaang iyon!

Noong si Lew Wasserman, ang puno ng Universal Pictures, ay gumawa ng isang maruming pelikula, isang pelikula na itinatanghal si Kristo na nakikipagtalik kay Maria Magdalena, nagpunta kami sa harapan ng tahanan ni Wasserman sa Beverly Hills upang magprotesta. Ang aming protesta ay naging harapang pahinang balita sa peryodiko sa buong mundo, sa Inglatera, Espanya, Israel, at Pransya, at pati nagkisap ng isang kaguluhan laban sa pelikula sa Gresya! Ang aming iba’t ibang mga protesta ay nasa telebisyong balitang programa na higit sa dalawang linggo – tuwing gabi. Ang Universal Pictures ay naging napaka tatakutin ng aming demonstrasyon na hindi sila kailan man lumikha ng isang pelikula na naninirang puri kay Kristo! Muli, sa tulong ng Diyos, napanalunan namin ang digmaan!

Noong isang lalakeng nagngangalang Peter S. Ruckman ay nagsimulang ituro ang mga salita ng Haring Santiagong Bibliya ay di nagkakamali, at iwinasto ang Griyego at Hebreo mula sa kung saan sila isinalin, daang-daang mga simbahan ang nagsihiwalay ng erehiya ni Ruckman. Sumulat ako ng isang aklat na tinawag na “Ang Ruckmanismong Inilantad” [“Ruckmanism Exposed”]. Ito’y halos isang patay na paksa na ngayon, higit sa lahat dahil sa aklat na iyan, alin ay mababasa mo sa aming websayt sa www.sermonsfortheworld.com. At, oo, sa digmaang iyan laban sa demonikong doktrina ng Ruckmanismo, sa tulong ng Diyos, nanalo tayo muli!

Ang isang lalakeng nagngangalang Richard Olivas ay iniwan kami at kumuha kasama niya ng 400 na mga tao mula sa aming simbahan. Pinangunahan ko ang aming mga tao upang magtaguyod ng $16,000 kada buwan higit at lampas pa sa kanilang bahaging obligasyon at mga alay, hanggang sa ang gusaling ito ay naligtas, at ang plano ni Olivas na sirain ang aming simbahan ay nahinto. Gayon muli, sa tulong ng Diyos, napanalunan namin ang digmaan na iyan!

Ngunit kami ay nasa isang mas mapanganib na digmaan ngayon – isang mapaglalang na digmaan na sa katapusan ay sisira sa halos lahat ng ating mga simbahan. At ito’y aking tungkulin bilang tagapaglingkod ni Kristo na magbigay babala laban rito. Sinisira at winawasak nito ang ating mga simbahan. Ito’y ang huwad na doktrina ng Laodisiyanismo. Ito ay ang ideya na ang ating mga simbahan ay dapat magsara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod. Laban sa huwad at mapanganib na doktrina tayo ay “makipaglabang masikap” (Judas 3). Dapat tayong makipaglaban laban rito gamit ng lahat ng ating lakas.

Sa Mateo 25:5 ibinigay ni Hesus ang isang perpektong paglalarawan ng kalagayan ng ating mga simbahan. Milyon-milyong mga ebanhelikal at mga pundamentalista ay naiidlip at natutulog. Ang pangalawang pagdating ni Kristo ay papalit nang napaka lapit, ngunit ang ating mga simbahan ay natutulog! Nakikita na natin ngayon na sunod sunod ang mga simbahang nagsasara ng kanilang panggabing paglilingkod. Nakumbinsi ako na ito ay isa sa mga tanda ng huling mga araw – ang naiidlip na mga simbahan ay nagsasara ng kanilang mga pintuan – habang ang panahon ay papalapit sa pagsara – at ang mundo na nalalaman natin ay magtatapos. Sinabi ni Hesus,

“Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog” (Mateo 25:5).

Kahit na ang propesiya ay mukhang laban sa atin – magpapatuloy tayong lumaban – at ang ilan ay makikinig at maliligtas.

Ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod ay ang pinaka usong gawain ngayon sa mga Bautista at iba pa. Ang mga Katimugang Bautista at mga independyenteng Bautista, “mga progresibo” BBFI na mga simbahan, at pati ilang mga Bob Jones na pundamental na simbahan, ay nagsasara ng kanilang mga pintuan pagkatapos ng umagang Linggong paglilingkod – mula sa isang dulo ng Amerika tungo sa kabilang dulo. Ang Linggong panggabing paglilingkod ay mabilis na nagiging isang bagay ng nakaraan.

Ipinapakita nito ang talamak na sakit ng ating mga simbahan. Ito’y tiyak na hindi isang positibong tanda. Gaya ng kahit anong talamak na sakit, walang gamot na maaring ireseta ng doktor hanggang ang sakit ay maayos na nasuri. Ito’y isang pangaral, tulad ng isang doktor, ating susuriin ang pasyente (ang mga simbahan na nagsara ng kanilang panggabing paglilingkod) at susuriin ang dahilan – at tapos ay magmumungkahi ng isang gamot – isang medisina at isang gamot. Ang sakit ng mga simbahan na ito ay maaring suriin sa apat na mga paraan.

I. Una, ang pagsasara ng gabi ng Linggong paglilingkod sa ating mga simbahan ay ang pinaka bagong panahon na ito’y nangyari sa isang pangkaraniwang Protestanteng kalakaran.

Ang mga Metodista ay nagsimulang isara ang kanilang panggabing Linggong paglilingkod ng mga taong 1910. Ang mga Presbyteriano ay nagsimulang isara ang kanilang mga panggabing Linggong paglilingkod ng mga taong 1925. Ang mga Amerikanong mga Bautista (dating kilala bilang Hilagang Bautista) au nagsimulang isara ang kanilang panggabing paglilingkod nag mga taong 1945. Ang mga Katimugang Bautista ay nagsimulang gawin ito ng mga taong 1985. Ito’y dapat matandaan na ang mga Metodista, mga Prebyteryano at mga Amerikanong Bautista ay mga kasing pananampalataya ng Bibliya katulad ng kahit sinong Pundamental na mga Bautistang simbahan noong ang kalakarang ito ay nagsimula sa mga “progresibong” mangangaral ng kanilang mga denominasyon.

Tignan ang mga Metodista, mga Presbyteriyano at Amerikanong Bautista ngayon! Ang bilang ng kanilang pakikisapi ay lumiliit taon taon. Ang lahat ng tatlong mga demoninasyon na iyon ay nawala ang daan-daan at libo-libong mga miyembro simula noong mga taon ng 1900. Libo-libong sa kanilan gmga simbahan ay nagsara ng lubusan. Ang pagtatapos ng panggabing Linggong paglilingkod ay hindi tumulong sa kanila. Ito’y isang hakbang lamang pababa sa madulas na dalisdis ng pagkasira.

Gayon marami ngayong mga independyenteng Bautista ang nag-iisip na sila’y paunlad sa isang bago at progresibong pag-iisip kapag susundan nila ang daan na sumira sa mga Metodista, mga Presbyteriyano at mga Amerikanong Bautista. Isang independyenteng Bautistang mangangaral na nagngangalang Jim Baize, malapit sa San Diego, California ay nagsabing, “kinuha ko ang radikal na hakbang! Isinara ko ang aking panggabing Lingo kong paglilingkod!” Iniisip niya na matutulungan nito ang kanyang simbahan, ngunit sa tingin ko masasaktan lamang nito ang kanyang kongregasyon. Tinatawag ko ang isang mangangaral na tulad niyan na isang traidor – traidor sa sanhi ni Kristo! Ang ginagawa ng mga taong ito ay ginawa sa mga “pangunahing” simbahan na aking binanggit. Ang Katimugang mga Bautista ay ngayong nawawalan na ng 200,000 ng mga tao kada taon. Isa sa mga dahilan ay napaka rami sa kanilang mga simbahan ay sarado tuwing gabi ng Linggo.

Sinabi minsan ni Winston Churchill; “Aralin ang kasaysayan! Aralin ang kasaysayan!” Sinabi niya, “Mas malayo ang paglingon mo, masmalayo ang makikita mo.” Iyan ang dahilan na mahalagang malaman kung anong nangyaro sa “pangunahing” mga Protestante at Bautistang simbahan noong isinuko nila ang kanilang panggabing Lingong paglilingkod sa nakaraan. Ito’y mahalaga na makita kung paano nito natulungan ang kanilang pagkawakas, pagkasira, at sa katapusan ay pagkapatay.

Ngayon, ang tradisyonal na “pangunahing” mga simbahan ay simpleng isang maliit na labi kung ano sila noon sa nakaraan. Una isinuko nila ang pananalanging pagpupulong. Tapos isinuko nila ang panggabing paglilingkod nila. Ngayon isinusuko nila ang espiritu! Ito rin ang di maiiwasang kalalabasan sa mga Bautista at ibang mga susunod sa parehong daan sa ating panahon.

II. Pangatlo, ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod sa ating mga simbahan ay isa sa mga resulta ng “desisyonismo.”

Gaya ng pagkaturo namin sa aming aklat na, Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy], pinatanyag ni Charles G. Finney ang “desisiynismo” sa dakilang Protestante at Bautistang mga simbahan sa gita ng ika-19 na siglo. Ang “desisyonismo” ni Finney ay pinalitan ng Biblikal na pagbabagong loob bilang gawain ng Diyos sa kaluluwa ng tao sa kaisipan na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paggawa ng mababaw na “desisyon para kay Kristo.” Isang simpleng panalangin o pisikal na tugon ang pumalit sa lumang istilong ideya ng radikal na Biblikal na pagbabagong loob. Bilang resulta, ang mga Protestante at Bautistang mga simbahan ay mabilis na napuno ng mga nawawalang mga tao sa rolyo ng kanilang pagkamiyembro na milyon-milyon. Ang mga di napagbagong loob na mga tao ay ayaw magpunta sa simbahan na dalawang beses sa Linggo – kaya ang panggabing Linggong paglilingkod ay nawala sa mga simbahang iyo ilang dekada lamang pagkatapos na ang paraan ni Finney ay nahango. Ang mga taong di napagbagong loob ay hindi magpupunta sa gabi ng Linggo! Isang saktong pag-ulit nito ay ngayon nangyayari sa mga “konserbatibong” mga simbahan sa buong Amerika.

Wala sa mga Bautistang simabahan na pinuntahan ko sa aking pagkabata ay nagkaroon na ang lahat ay naroon ng gabi ng Linggo. Lagi naming naintindihan na ang mga iyon ay mga hindi lang ganoong kadedikado, o di kailan man tunay na napagbagong loob, ay wala roon. Ngunit nagpatuloy pa rin kami kahit ano pa man. Ang Linggong panggabing paglilingkod ng aking pagkabata ay laging ang pinaka mahusay na paglilingkod. Ang pagkakanta ay mas mainam. Ang mga pangaral ay mas malakas. Ito’y dahil ang mga nawawalang mga miyembro ng simbahan ay wala roon upang kaladkarin ang espiritu ng lahat. Iyan ang naiisip ko, palingon sa lumipas na anim na pung taon.

Sa ating sariling mundo ngayon, ang lahat ay bumabalik sa Linggo ng gabi. Pinaniniwalaan ko ito dahil nasanay silang gawin ito. Ngunit naniniwala rin ako na iyan ay resulta ng aming metikulosong pagaaruga upang gawing tiyak na bawat tao ay totoong napagbagong loob bago sila maging isang miyembro ng aming simbahan. Mas gusto ko pa ang isang taong mag-antay upang maging tunay na napagbagong loob kay sa madalian pagbibinyag ng isa pang nawawalang tao, isang tao na hindi magpupunta sa gabi ng Linggo!

Ang “desisyonismo” ay nagpuno ng mga rolyo ng simbahan ng mga nawawalang mga tao – at ngayon nagbabayad tayo ng halaga nito. Ayaw nilang magpunta sa Linggong gabi dahil hindi sila ligtas! Iyan ang isa sa mga dahilan na ang mga Katimugang Bautista ay nawala ang halos kalahating milyon ng mga miyembro nila sa loob ng lumipas sa dalawang taon!

III. Pangatlo, ang pagsasara ng Linggong gabing paglilingkod ay nagdadala ng maraming di inaasahang resulta.

Tiyak akong mas marami pang mga negatibong resulta kaysa sa babanggitin ko. Ngunit narito ay kaunti sa mga ito na pumasok sa aking isipan.

1.   Ang mga simbahan na nagsasara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod ay nagbubukas sa pintuan para sa kanilang mga taong bumisita ng ibang mga simbahan na magdadala sa kanilang maligaw. Isang mangangaral na kamakailan lang ay nagsara ng kanyang Linggong panggabing paglilingkod ay nagsabi, “Pinalalaya ako nito upang makapunta sa ibang mga simbahan.”Akala niya na ito’y isang nakamamanghang bagay na ngayon maari siyang magpunta at makinig sa ibang mga mangangaral sa mga gabi ng Linggo. Ngunit naisip ko, “paano naman ang kanyang mga tao? Tandaan na, ang pinaka mahusay na mga tao ay gusto pa ring magpunta sa gabi ng Linggo. Ngunit saan sila magpupunta? Magpupunta ba sila sa karismatikong simbahan doon? Sila ba’y madadalang mag-gala ng isang bagong-ebanghelikal na na guro ng Bibliya na mayroong isang “matalas” na mensahe, na ang simbahan ay malapit lang? Sinasabi ko ang ilan sa kanila ay maliligaw nga – at na mawawala natin ang ilan sa ating pinaka mahusay na mga tao kung isasara natin ang Linggong panggabing paglilingkod.

2.  Ang mga simbahan na nagsasara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod ay nawawala ang pinaka dakilang ebanghelistikong pagkakataon ng linggo. Isa sa mga mangangaral ay nagsabi sa akin tungkol sa isang simbahan na nagsasara ng kanilang gabi ng Linggong paglilingkod. Imbes, binibigyan nila ang mga tao ng sanwits pagkatapos ng pang-umagang paglilingkod. Para ang mga tao ay makauwi ng 2:00 ng hapon ng Linggo. “Nakakukuha sila ng kasing higit na Bibliya,” sinabi sa akin ng isang mangangaral. Ngunit ang nag-iisang layunin ba ng Linggong gabi ay “mabigyan sila ng mas higit na Bibliya”? Hindi, hindi ito! Nang maraming taon mabubuting mga simbahan ay gumawa sa panggabing Linggong paglilingkod na isang ebanghelistikong pagpupulong. Naniniwala ako na ito ang pinaka malalakas na katangian ng mga Bautistang simbahan sa nakaraan. Ang mga tao ay hinihikayat na magdala ng mga nawawalang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga katrabaho upang madinig ang Ebanghelyo tuwing gabi ng Linggo. Nagbigay ito sa mga mabubuting mga tao ng simbahan ng buong hapon upang makakuha ng isang nawawalang tao para sa gabing paglilingkod. Maaring mong bigyan ng ang mga tao ng tanghalian pagkatapos ng panggabing paglilingkod, kasunod na mas marami pang pag-aaral ng Bibliya, ngunit sisirain nito ang ebanghelismo na tumulong sa ating mga Bautistang simbahan tuwing gabing Linggo! Isang kaibigan kong pastor ay nagsabi sa akin kung paano na ang isa sa pinakamalalakas na mga kalalakihan sa kanyang simbahan ay dumating bilang resulta ng pagkakadaan lamang sa panggabing Linggong paglilingkod noong nawawala siya. Ilang mga taong tulad niya ang mawawala mo kung makakaligtaan mo ang dakilang ebanghelistikang pagkakataon sa pagsasara ng iyong paglilingkod sa gabi ng Linggo?

3.  Ang mga simbahan na nagsasara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod ay nawawalan ng malaking pagkakataon ng pag-aabot at pagdidisipulo ng mga kabataan. Ang mga kabtaan ay gustong lumabas sa gabi. Tandaan, na ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod ay umaakit lamang sa mga mas matandang mga tao, na gustong nasa bahay, upang manood ng telebisyon, at matulog ng maaga. Madalas na ang mga kasal na mga tao at mga mas matandang mga tao na ayaw ng panggabing Linggong paglilingkod. Ngunit hindi alam ng mga kabataan kung anong gagawin nila sa kanilang mga sarili. Naniniwala ako na ang lokal na simbahan ay dapat maging “pangalawang tahanan” para sa mga kabataan at mas batang mga matatanda. Naniniwala ako na ang hinaharap ng simbahan ay sa kanila. Ang mga mas matandang mga tao ay maaring gustong umuwi ng maaga. Ngunit ang hinaharap ng simbahan ay nasa mga kamay noong mga bata. Naniniwala ako na ang panggabing Linggong paglilingkod ay dapat espesyal na nadesenyo na iniisip ang mga kabataang ito. Maari nating makuha ang kanilang atensyon, mapanalunan sila kay Kristo, at masanay sila para sa paglilingkod sa lokal na simbahan, kung mayroong tayong kumikiling sa mga kabataan na paglilingkod sa mga Linggong panggabi. Sa kabilang banda, kung isasara natin ang panggabing Linggong paglilingkod, ang ating mga simbahan ay di magtatagal magkakaroon lamang ng isang dakot ng mga matatandang kababaihan na mayroong asul na buhok, nag-uumpukan sa halos wala nang laman na gusali ng simbahan sa loob lamang ng isang oras sa Linggong umaga – tulad ng Metodistang simbahan na nariyan lang – na isinuko ang Linggong panggabing paglilingkod limampu o anim na pung taon lamang ang noon. Naniniwala ako na ang mga simbahan na sumusuko ng kanilang panggabing paglilingkod ay maging nasa parehong kondisyon kaunting taon lamang mula ngayon maliban na lang kung isesentro natin ang ating pangangaral sa mga kabataan tuwing Linggong gabi!

IV. Pang-apat, ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod ay pumipigil sa atin mula sa pagkakaroon ng tunay na muling pagkabuhay.

Masagi ko lamang ito, ngunit nakabasa na akong sapat patungkol sa kasaysayan ng mga muling pagkabuhay upang malaman na madalas silang dumating sa gabi. Sa katunayan ang mga muling pagkabuhay ay karaniwang ipinapadala ng Diyos tuwing Linggo ng gabi!

Isinulat ni Dr. W. Tozer ang isang mensahing tinawag na “Ipinanganak Pagkatapos ng Madaling Araw.” Rito sinabi niya:

Mayroong mahalagang katotohanan sa ideya na ang mga muling pagkabuhay ay naipapanganak pagkatapos ng madaling araw, dahil ang mga muling pagkabuhay…ay dumarating lamang doon sa mga gusto itong lubos na sapat…At mas higit kaysa sa posible na ang di pangkaraniwang kaluluwa na nagtutulak sa di pangkaraniwan na karanasan [ng muling pagkabuhay] ay umaabot doon pagkatapos ng madaling umaga (Isinalin mula kay A. W. Tozer, “Ipinanganak Pagkatapos ng Madaling Umaga” [“Born After Midnight”], sa Pinaka Mahusay ni A. W. Tozer [The Best of A. W. Tozer], ipinagsama ni Warren W. Wiersbe, Baker, 1978, mga pah. 37-39)

Paunawa na huwag gumawa ng isang kumento na sinasabi ko na ang aming panggabing paglilingkod ay laging nagpapatuloy hanggang madaling araw.

Gayon man, mayroong akong di pangkaraniwang karanasan ng pagsasaksi sa mga klasikal na muling pagkabuhay sa dalawang Bautistang simbahan, na nagbubunga ng daan-daang mga pagbabagong loob. Pareho sa mga ito ay nagkaroon ng panggabing paglilingkod na nagpatuloy hanggang sa gabi. Isa mga simbahan na ito ay nakapagdagdag ng libolibong mga tao sa loob ng tatlong taon ng ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Marami sa mga pagpupulong na ito ay nagpatuloy sa huli na ng gabi. Ang kabilang simbahan ay nagdagdag ng higit sa limang daang mga tao kada tatlong buwan. Ang pangalawa sa mga ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay ay nagsimula ng gabi ng Linggong paglilingkod. Ang unang simbahan ay nagkaroon ng panggabing paglilingkod at sa gitna ng linggong panggabing paglilingkod rin. Nakaranas ito ng ipinadala ng Langit na muling pagkabuhay!

Ang dalawang mga Bautistang simbahan na ito ba ay naranasan ang ganoong mga uri ng muling pagkabuhay kung isinara nila ang kanilang panggabing paglilinkod? Hindi, hindi nila ito mararanasan! Gaya ng sinabi ni Dr. Tozer, ang muling pagkabuhay ay dumarating lamang doon sa mga “gusto itong lubos na sapat.” Kung gusto natin ng muling pagkabuhay na lubos na sapat, hindi natin isasara ang pinaka paglilingkod kung saan ang Diyos ay madalas nagpapadala ng mga tunay na muling pagkabuhay.

Sa aming sariling simbahan ang Diyos ay nagpadala ng isang nakamamanghang muling pagkabuhay noong huling taon. Dalawampu’t siyam na kabataan ang naligtas sa loob ng kaunting gabi – at nanatili sa amin simbahan at tunay na napagbagong loob. Halos lahat ng mga pagpupulong na iyon ay naganap ng gabi.

Ngayon magsasalita ako ng mabilis lang doon sa inyong mga narito ngayong umaga na di pa naligtas. Nagaalala ka ba tungkol sa pagiging ligtas? Ikaw ba’y nakumbinsi ng iyong kasalanan? Gusto mo bang iligtas ka ni Hesus mula sa kasalanan at Impiyerno? Gayon inuudyok kita ng aking buong puso na bumalik mamayang gabi. Si John Cagan ay mangangaral ng “Ang Digmaan para sa Mga Nawawalang Kaluluwa” [“The Battle for Lost Souls”]. Ito’y isang pangaral na susubok sa iyo – isang pangaral na tutulong sa iyong mahanap si Hesus at maging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Banal na Dugo! Tiyakin na magpunta at pakinggan ang puno ng buhay na pangaral ni John mamayang gabi!

Ngunit bakit uuwi na ngayon na hindi naliligtas? Tumalikod mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus ngayon! Lilinisan ka ni Hesus mula sa iyong kasalanan ngayon kapag magtiwala ka sa Kanya at sa Kanya lamang!

Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7, “Wala Kundi ang Dugo” [“Nothing But the Blood”]. Habang kumanta kami, gusto kong magpunta kayo rito sa harap at lumuhod sa panalangin. Ako at si Dr. Cagan ay maparirito upang payuhan ka at manalangin kasama mo upang dalhin ka ng Diyos kay Hesus. Dahil si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng paghuhugas sa iyo sa Dugong ibinuhos Niya upang iligtas ka mula sa Krus. Magpunta ka habang kumanta kami. Magsitayo at kantahin ang bilang 7 sa iyong kantahang papel. Ito’y “Wala Kundi ang Dugo” [“Nothing But the Blood” at ito’y bilang 7 sa inyong kantahang papel.

Anong makahuhugas ng aking mga kasalanan? Wala kundi ang Dugo ni Hesus;
   Anong makagagawang buo muli sa akin? Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
O mahal ang agos Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
   Walang ibang bukal na nalalaman ko, Wala kundi ang Dugo ni Hesus.

Para sa aking kapatawaran ito ang aking nakikita –
   Wala kundi ang Dugo ni Hesus;
Para sa aking paglilinis ito ang aking pakaawa –
   Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
O mahal ang agos Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
   Walang ibang bukal na nalalaman ko, Wala kundi ang Dugo ni Hesus.

Wala para sa kasalanan ang maka pagbabayad – Wala kundi ang Dugo ni Hesus;
   Wala sa kabutihan na aking nagawa – Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
O mahal ang agos Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
   Walang ibang bukal na nalalaman ko, Wala kundi ang Dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi ang Dugo” Isinalin mula sa “Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Judas 1-4.
Kumanta Bago ng Pangaral si Benjamin Kincaid Griffith:
“Pasulong, Mga Kristiyanong Sundalo” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” (ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).


ANG BALANGKAS NG

ANG DIGMAAN PARA SA GABI NG LINGGO

(BILANG ISA SA MGA SERYE NG MGA DIGMAANG SIGAW)
THE BATTLE FOR SUNDAY NIGHT
(NUMBER ONE IN A SERIES OF BATTLE CRIES)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal” (Judas 3).

(Mateo 25:5)

I.    Una, ang pagsasara ng gabi ng Linggong paglilingkod sa ating mga
simbahan ay ang pinaka bagong panahon na ito’y nangyari sa
isang pangkaraniwang Protestanteng kalakaran.

II.   Pangatlo, ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod sa
ating mga simbahan ay isa sa mga resulta ng “desisyonismo.”

III.  Pangatlo, ang pagsasara ng Linggong gabing paglilingkod ay
nagdadala ng maraming di inaasahang resulta.

IV.  Pang-apat, ang pagsasara ng panggabing Linggong paglilingkod ay
pumipigil sa atin mula sa pagkakaroon ng tunay na muling
pagkabuhay.