Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA SANDATA NG ATING DIGMAAN

THE WEAPONS OF OUR WARFARE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-7 ng Enero taon 2017
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Saturday Evening, January 7, 2017

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4).


Aking mga kaibigan, tayo ay nasa digmaan. Hindi ito isang uri ng digmaan na tinutukoy ng mundo. Hindi ito isang digmaan sa mga Muslim na radikal. Hindi ito isang digmaan sa pagitan ng mga bansa. Ito’y mas ibang uri ng digmaan. Ito’y isang digmaan na mas matindi kaysa sa kahit ano sa mga ito. Hindi natin mapapanalunan ang digmaang ito gamit ng mga baril o granada at bomba. Nagtaguyod ng digmaan ang ating mga lolo laban kay Hitler at mga sandatang ito. Napanalunan nila ang Ikalawang Makamundong Digmaan, gaya ng paglagay nito ni Churchill, gamit ng “dugo, mabigat na pagtrabaho, pawis at luha.” Napananalunan nila ito laban sa napakalaking kalamangan. Ang hukbo ni Hitler ay mas dakila sa kapangyarihan kaysa sa pinagsamang puwersa ng Inglatera at Amerika. Kung si Hitler ay nanalo, maaring pinuksa niya na ang ating paraan ng pamumuhay. Maaring tinapos na niya ang mahabang kasaysayan ng Kanlurang mundo. Maaring tayo na ngayon ay nabubuhay sa isang nagahisang estado ng kahindik-hindik na pagkasira at pagkawasak – tulad ng isang nabombang tapunan ng basura. Salamat sa Diyos para kay Churchill, Roosevelt, at ang ating pinagsamang mga hukbo ng militar na mga kalalakihan na sumunod sa kanila, upang sirain ang tiranikal na dominasyon, na nilikha ng pagkabaliw na matinding galit ng napakahayop na taong si Adolf Hitler at kanyang Nazi na pandigmang makina.

Mayroon lamang akong madilim na alaala ng digmaan. Ito’y naukit sa aking pambatang isipan ng mga pagkawala ng kuryente, ang mga sirena at ang takot. Gayon ang ating teksto ay nagsasabi sa atin ng isa pang uri ng digmaan. Hindi ito isang digmaan laban sa laman at dugong kalaban. Ito’y mas delikado at mas nakapanggugulong digmaan, isang digmaan hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mas matinding mga kapangyarihan kaysa sa maiisip na karamihang mga tao. Ito’y isang digmaan laban kay Satanas at kanyang masa ng mga demonikong kapangyarihan.

Ginagawa iyang napaka simple ng Apostol Pablo. Sinasabi niya, “Bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman” – “Hindi natin nilalabanan ang digmaang ito ayon sa laman” (II Mga Taga Corinto 10:3). Tayo ay mga tao lamang. Hindi natin malulupig ang kalaban na ito sa pamamagitan ng mga paraan ng tao. Walang politiko, walang heneral o punong komander – walang Donald Trump, o tao ng laman at dugo ang maaring mapanalunan ang pinaka masama sa lahat ng mga digmaan.

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4).

I. Una, dapat nating makita na tayo ay nasa digmaan.

Ang karaniwang tao ay hindi pa nga naiisip na ang digmaan ay nagpapatuloy. Naglalaro siya tulad ng isang bata sa kanyang maliit na telepono. Naninigarilyo siya ng mariwana at di kailan man iniisip ang masama na binubunga nito. Nagpupunta siya upang maglaro ng mga pakikipagtalik na mga palaro kasama ng mga nakikiapid na mga kababaihan, at mga malisyosyong mga kalalakihan. Para sa kanya, gaya ng sinabi ni Dr. Tozer na napaka husay, “Ang mundo ay isang palaruan kaysa isang lugar ng digman.”

Ang simabahan rin natin ay naglalaro na iba’t ibang mga uri ng laro. Ang ating mga nabulag na mga mangangaral ay nagsasara ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod. Hindi nila kailan iniisip ang mga kabataan, na walang pupuntahan kundi sa kadiliman ng kasalanan sa mga gabi ng Linggo. Walang pagkakaiba itong nagagawa sa mga patay na utak na mga mangangaral. Kinokolekta nila ang lahat ng pera na makakaya nila sa mga umaga ng Linggo – upang magkaroon sila ng maraming oras sa gabi ng Linggo upang manood ng telebisyon, o ikandado ang kanilang mga sarili sa kanilang mga silid upang tignan na walang hiya ang pornograpiya, alin ay sila’y naadik. Kahit iyong minsan na dakilang Moody Instituto ng Bibliya ay ngayon pinapayagan ang paggamit ng alkohol at tabako para sa mga guro at mga kawani. Ang Unibersidad ng Biola ay gumawa ng parehong desisyon noong huling taon (isinalin mula sa Don Boys, Ph.D., ika-26 ng Disyembre taon 2016). Ang asawa ko at ako ay nagulat noong ang serbesa at alak ay inihain at ang mga tao ay nagsisayawan sa resepsyon ng kasal ng anak ng pastor sa simbahan na ako ang nakahanap maraming taon noon. “Serbesa, Bibliya at Kapatiran” ay nagsasama-sama upang aralin ang aklat ni Rick Warren sa isang simbahan sa Oxford, Connecticut. Ang mga ganoong mga kaganapan ay nangyayari sa mga simbahan sa buong Amerika (Isinalin mula sa Boys, ibid.).

Magaslaw na musika ay itinugtog sa marami sa ating mga simbahan halos isang oras sa umaga ng Lingg – kasunod ng isang limang minutong kasing tuyo ng alikabok na berso kada bersong “pagtuturo” na walang Ebanghelyo o pagbanggit kay Kristo, na walang nawawalang mga tao na naidadala mula sa ebanghelismo, na walang pagbanggit kung paano isang nawawalang makasalanan ay maligtas! Oo, isang dakilang digmaan ay nagaganap habang ang mga tao sa simbahang mga ito ay lubos na bulag rito, habang kanilang nilalaro ang kanilang maliliit na mga palaro at iniisip na sila’y mga tunay na mga Kristiyano. Hindi sila kailan man nagpupunta sa pagpupulong na panalangin. Hindi sila kailan man nagdadala ng mga nawawalang mga kaluluwa upang madinig ang Ebanghelyong maipangaral. “Lumabas mula sa kanila.” Huwag kailan man sumali sa isang simbahan tulad niyan. Kung sumali ka na sa isang ganoon, tumakas mula rito, tulad ng pagtakas ni Lot mula sa Sodom sa araw ng paghahatol.

Matanda na ako at namumuti na ang buhok. Isang araw mawawala na ako rito. Ngunit pinagkakatiwalaan ko ang bawat isa sa inyo na nagsasama-sama sa ating simbahan na huwag kailan man susuko sa ganoong kahangalan. Huwag kailan man susuko sa ganoong makamundong kaululan. Huwag kailan man susuko! Huwag kailan man! Huwag kailan man! Huwag kailan man. Huwag kailan man isuko ang mga lumang himno mula sa mga muling pagkabuhay ng nakaraan. Huwag kailan man isusuko ang maringal na lumang kanta na kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali lang kanina! Ito’y bilang 10 sa inyong kantahang papel. Ito’y “Pasulong, Kristiyanong Mga Sundalo.” Tumayo at kantahin ito – malakas at malinaw!

Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
   Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan;
   Si Kristo ang maharlikang Panginoon Namumuno laban sa kalaban;
Pasulong sa digmaan, Tignan ang Kanyang mga banderang humayo.
   Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa parang sa digmaan,
   Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.

Tulad ng isang makapangyarihang hukbo Nagpapakilos sa simbahan ng Diyos;
   Mga kapatid, tayo’y tumatapak Kung saan ang mga santo ay tumapak;
Tayo ay hindi magkakahiwalay, Isang katawan tayo,
   Nag-iisa sa pag-asa at doktrina, Nag-iisa sa pag-ibig sa kapwa tao.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
   Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.

Mga korona at mga trono ay maaring mamatay,
   Ang mga Kaharian ay babangon at liliit,
Ngunit ang simbahan ni Hesus Magpapatuloy itong mananatili;
   Ang mga tarangkahan ng impiyerno ay
Di kailan man laban sa simbahan ay makapananaig;
   Mayroon tayong sariling pangako ni Kristo, At hindi iyan mabibigo.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
   Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.
    (“Pasulong, Mga Kristiyanong Sundalo” Isinalin mula sa
        “Onward, Christian Soldiers” ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).

Maari nang magsi-upo.

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4).

Ang mga sandata ng ating digmaan ay hindi karnal, hindi mga makataong sandata. Ang mga ito ay higit sa natural na mga sandata. Ang mga ito ay dapat mga higit sa natural na mga sandata dahil nilalabanan natin ang higit sa natural na mga puwersa. Nilalabanan natin si Satanas at ang kanyang mga demonyo. Lumalaban tayo “laban sa mga lalang ng diablo” (Mga Taga Efeso 6:11). Tayo na mga Kristiyano ay lumalaban laban sa mga pakana ng Diablo. Tayo ay lumalaban laban sa mga lalang at mga huwad na mga ideya at baluktot na pag-iisip. Mga pag-iisip na inilalagay ng Diablo sa mga isipan noong mga di napagbagong loob. Sinasabi ng Bibliya, “Ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi… laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan…” (Mga Taga Efeso 6:12 NIV). Dapat tayong makipaglaban laban sa Diablo, laban sa mga demonyo. Dapat tayong makipaglaban laban sa mga demonyo para sa bawat nawawalang kaluluwa na dinadala natin sa simbahan. Hindi niya sila pinapakawalan na walang pakikipaglaban.

Kung hindi ka ligtas mayroong mga demonyo na kumikilos sa iyong isipan ngayon! Ang Diablo ay kumikilos ngayon, sa pagpupulong na ito. Inilalagay ng Diablo ang kanyang mga pandaraya at pakana sa iyong isipan ngayon, habang ako’y nagsasalita. Ang Diablo ay ang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2 NIV). Sinasabi ng Bibliya na ang Diablo “ay ngayon kumikilos” sa iyong isipan at puso.

Makinig sa sinabi ng batang babaeng si Julie bago siya naligtas. “Sinabi ni Dr. Hymers sa akin na nawawala ako at magpunta sa silid ng pagsisiyasat. Sa puntong ito kinatatakutan ko magpunta sa simbahan.” Iyon ang Diablo na nagsasalita sa kanyang isipan at puso. Ang ilan sa inyo ngayon ay nililinlang ng Diablo. Sinasabi mo ika’y nawawala ngunit ayaw mo itong marinig. Ayaw mong madinig na ika’y nawawala, dahil ika’y nakikinig sa mga pag-iisip ni Satanas, mga pag-iisip ng Diablo. Sinabi ni Julie, “Akala ko ako’y mabuti, at iyan lang lahat ang kailangan ko sa aking buhay.” Siya’y nasa simbahan buong buhay niya, hindi ba iyan mabuting sapat? Bakit sinasabi sa akin ni Dr. Hymers na ako’y nawawala? Ako’y isang mabuting tao. “Nagmamalaki ako na hindi ko ginawa ang mga bagay na ginawa ng ibang mga bata at…nagmalaki sa aking sarili kapag inisip ko na walang mali sa akin.” Iyan ang Diablo na kumikilos sa kanyang puso.

Hindi ba iyan rin ang iniisip mo? Iniisip mo ba na ika’y mabuti nang sapat? Sinasabi ng Bibliya ang Diablo “ay ngayon kumikilos sa mga anak ng pagsusuway.” Ang Diablo ngayon ay kumikilos sa iyo! Sa iyong isipan at iyong puso!

Sinabi ni Julie, “Ako’y kasing buti na makakaya ko. Ano pang gusto nila?...Ako’y balisa bago ng bawat pangaral. Ako’y nababalisa sa bawat araw ng linggo.” Ang Diablo ay kumikilos sa kanya, nagsasabi sa kanya na siya ay mabuto. Nagsasabi sa kanya na hindi niya kailangang maligtas. Na siya ay isang mabuting tao. Na ang iba ay mas makasalanan kaysa sa kanya. Kailangan nilang maligtas. Ngunit hindi siya! Siya ay taong mabuti nang sapat. Iyan ay mula sa Diablo. Siya’y hawak sa kapit ng Satanas. Siya ay alipin ng Diablo. Siya ay nakagapos sa Diablo, nakagapos sa kanya dahil pinaniwalaan niya ang kanyang kasinungalingan na siya ay mabuti nang sapat, na ang iba ay kinailangang malinis ng Dugo ni Kristo. Ngunit hindi siya. Sa kabila ng lahat, nagpunta siya sa simbahan tuwing Linggo. Sa kabila ng lahat, binasa niya ang Bibliya at nanalangin. “Ano pang gusto nila?” At hindi nagustuhan ni Julie na sinasabi ko na siya’y nawawala. Nawawala na wala ang nakalilinis na Dugo ni Hesus. Ngunit sa pamamagitan ng di malabanang biyaya ng Diyos siya’y nadala pabalik sa ating simbahan muli’t muli. Nadala pabalik upang marinig ang Ebanghelyo na pinangaral sa pamamagitan ng di malabanang biyaya ng Diyos tungo doon sa mga napili Niyang maligtas.

Bakit pa kaya siya nagpatuloy bumalik? Isang kaibigan na dinala niya ating simbahan ay nagalit ng lubos noong sinabihan ko siya na kinailangan niyang magpunta sa silid ng pagsisiyasat na di siya kailan man bumalik. Ang batang babaeng iyon ay nakinig sa Diablo at bumalik sa kanyang dating simbahan, isang simbahan na wala kailan man nagsabi sa kanya na siya’y nawawala. Ang babaeng iyong ay nakinig sa Diablo at tumakbo papalayo sa ating simabahan dahil ayaw niyang marinig akong mangaral laban sa kanyang kasalanan. Sinabihan ako ng tatay ni Julie kung anong kasalanan ng batang babaeng iyon. Ito’y isang maruming kasalanan at ayaw niya itong isuko. Tumakbo siya papalayo mula sa katotohanan at maaring di kailan man maligtas – dahil sinunod niya ang kanyang panginoong alipin, ang Diablo.

Mayroong mga tao sa silid na ito na tulad niya. Ika’y nagapos ng Diablo. Iniibig mo ang iyong kasalanan. Iniibig mo ang iyong pornograpiyo. Iniibig mo ang iyong karumihan. Iniibig mo kung paano ka. Na hindi pa nga natatanto ito, nagawa mo ang iyong sariling alipin ng Diablo!

Ngunit ang pinaka malubhang kasalanan na mayroon ka ay iyong tinatanggihan si Hesus. Gusto ka Niyang iligtas at linisan ka mula sa kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Ngunit itinutulak mo ang lahat ng pag-iisip ni Hesus papalayo sa iyong isipan at nagpapatuloy sa iyong kasalanan.

II. Pangalawa, ang mga sandata ng ating digmaan.

Sinasabi ng ating teksto, “Ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta.” Ang mga sandata laban sa Diablo ay unang-una sa panalangin at sa batas ng Diyos, ang batas na nagsasabi na ika’y nawawalang makasalanan. Ang batas na nagsasabing ikaw ay makasalanan. Ang ating panalangin ay nagdadala pababa ng Banal na Espiritu pang kumbinsihin ka ng iyong kasalanan.

Iyan ang dahilan na dapat tayong manalangin na ating buong puso para sa nawawala na mapatunayang nagkasala ng kanilang kasalanan. Mayroong mga tao sa simbahang ito ngayong gabi na hindi maliligtas maliban na lamang kung manalangin tayo. Maliban na lamang na tayo ay manalangin para sa kanila na may matinding pangangahas at mga luha. Kapag manalangin tayo na may mga luha lamang na makikita natin ang nawawalang mga makasalanan na mapunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Mga panalangin na walang mga luha ay bihirang sagutin. Dapat tayong manalangin gaya ni Isaias,

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok [kasalanan] ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).

Dapat tayong manalangin, na di tulad ng dati, para sa Espiritu ng Diyos na bumaba at kumbinsihin ang nawawalang mga tao ng kanilang kasalanan. Upang kumbinsihin sila ng kasalanan ng pagtitingin sa pornograpiya. Upang kumbinsihin sila ng kasalanan ng pagkakamuhi sa kanilang mga magulang. Upang kumbinsihin ng kasalanan ng pagmamalaki sa kanilang sariling pagkabuti. Upang kumbinsihin sila ng kasalanan ng pagtatangi kay Hesus.

At dapat nating ipangaral ang batas sa kanila. Ang panalangin at batas na pangangaral ay ang pangunahing sandata ng ating digmaan laban sa Diablo. At ipinangaral ko ang batas Linggo Linggo kay Julie. Sinabi niya, “Ito’y halos para bang si Dr. Hymers ay nagsimulang nangaral sa aking diretso sa akin laban sa aking kasalanan. Nangaral siya tungkol sa gaano kamakasalanan mga bata [ay] na tumatalikod laban sa kanilang mga magulang, at humagulgol ako sa luha. Iyan ay isang [kasalanan] na sinimulang ipadiin sa akin ng Diyos. Ako’y [tunay] na isang teribleng anak, lalo na sa aking mga magulang. Ito’y isang pagganap upang takpan ang aking pagkamuhi sa aking ama. Ang Banal na Espiritu ay nagpakita sa akin na hindi ako tunay na isang mabuting tao.

Hindi talaga ako isang mabuting tao. Hindi talaga ako kasing buti na gaya ng pagkakita sa akin ng ibang tao, at ang pagka-akala ko sa sarili ko. Ako’y isang teribleng tao, at ako’y isang makasariling tao at lubos na mapagmalaki, at nadama kong napaka nahihiya sa aking sarili, at kung sino ako sa looban. Desperado kong kinailangan ang pagkapatawad, at gayon nadama kong lubos na di nararapat nito. Nadama kong napaka makasalanan at mali. Paano na ang kahit sino ay makapapatawad ng ganoong uri ng nakapaglilinlang na makasalanan tulad ko?” Ang mga sandata ng panalangin at pangangaral ng batas ay pumapatay sa kapangyarihan ng Diablo sa kanya. “Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4). Ang malakas na panghawak ni Satanas ay napaka makapangyarihan. Ang mga ito ang harang sa iyong puso na nagpapanatili sa iyo sa bilangguan ni Satanas. Kinukuha nito ang kapangyarihan ng Diyos at hinahatak ang mga pader ng bilangguan ni Satanas at pinalalaya ka.

Sinisira Niya ang kapangyarihan ng napawalang bisang kasalanan,
   Pinalalaya Niya ang bilanggo.
Ang dugo Niya’y makagagawa sa pinaka maruming malinis,
   Nakinabang ako sa Kanyang dugo.
(“O Para sa Isang Libong Mga Dila” Isinalin mula sa
      “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Ano ang malakas mong panghahawak? Anong nagpapanatili sa iyong nakakulong sa bilangguan ng Diablo? Ito ba’y pornograpiya? Ito ba’y droga? Ito ba’y ang pag-iisip na ika’y mabuting sapat, ang pag-iisip na hindi mo kailangang mapagbagong loob dahil nagpupunta ka sa simbahan at nagbabasa ng Bibliya at nananalangin? Iyan ba ang paraan na pinanatili ng Diablo kang nakakulong sa kanyang malakas na panghahawak – sa kanyang bilangguan?

Salamat sa Diyos ang ating mga tao ay nanalanging masidhi para sa kay Julie na mapalaya! Salamat sa Diyos na nangaral ako ng batas, at nagsabi sa kanya sa bawat pangaral na siya’y nawawala.

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4).

Pinuntahan ako ni Julie pagkatapos ng isa sa aking mga pangaral. Sinabi niya, “sinabi sa akin ni Dr. Hymers na namatay si Hesus sa Krus sa aking lugar, at na ang paghahatol ng [Diyos] ay bumagsak sa Kanya upang hindi ito bumagsak sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit kinailangan ko si Hesus at Kanyang Dugo…kinailangan ko si Hesus upang ang aking mga kasalanan ay maging lubos na nahugasan [gamit ng Kanyang Dugo]. Sinabi sa akin ni Dr. Hymers na iniibig ako ni Hesus at na ililigtas ako ni Hesus ano mang kasalanan na mayroon sa aking buhay. Sinabi niya sa akin na magtiwala kay Hesus. Hindi ko na ito matiis. Ang aking mukha ay basang basa ng mga luha at handa na akong magtiwala kay Kristo…Na nakaluhod, nagtiwala ako kay Kristo. Nagtiwala ako kay Kristo. Nagtiwala ako kay Kristo, hindi ang aking kabutihan. Inilagay ko ang aking pagtitiwala kay Kristo at Kanyang Dugo…hindi na ako sumalalay sa kung gaanong maari akong mabuti at pinakawalan ko ang aking pagmamamalaki. Nagtiwala ako kay Hesus at iniligtas Niya ako!”

Anong nakamamanghang testimonyo! Ngayon si Julie ay ligtas, at siya ay aking kaibigan! Naniniwala ako na siya ay isang Kristiyano na ngayon. Gayon din si Dr. Cagan. At bibinyagan ko siya sa nalalapit na hinaharap.

Ang mga salita niya ba ay nagsalita sa iyo ngayong gabi? Nadama mo ba kung gaano ka kamakasalanan? Nakita mo ba ang iyong sariling pangangailangan upang magtiwala kay Hesus at maging malinis mula sa lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo na ibinuhos Niya sa Krus? Iniibig kang lubos ni Hesus. Bababa ka ba at makikipag-usap sa akin, at John Cagan, at Dr. Cagan tungkol sa pagtitiwala kay Hesus? Habang ang lahat ng iba ay magpunta at magkaroon ng hapunan, bababa ka ba rito at hahayan kaming payuhan ka at manalangin para sa iyo? Kung kailangan mong magpunta sa banyo, sige lang at magpunta at tapos bumalik rito – o kaya magpunta na rito ngayon habang kumanta kami. Pagpalain ng Diyos ang pagkaron at pagpalain ang bawat taong magtiwala kay Hesus ngayong gabi! Amen!

Tumayo at kantahin ang himno bilang labin isa sa inyong kantahang papel. Kantahin ang “Punuin ang Lahat ng Aking Pananaw.” Ito’y bilang labin isa sa inyong kantahang papel. Habang kumakanta kami, bumaba rito upang mapayuhan kita at makapanalangin para sa iyo.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
   Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit sa mga lambak ako’y Iyong ginagabayan,
   Iyong walang kupas na luwalhati ay pinaliligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, walang hayaang kaluluwa
   Ang aanino sa kaliwanagan ng kumikinang sa loob.
Hayaang makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
   Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang,
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw” Isinalin mula sa
      “Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).

Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. John Samuel Cagan:
II Mga Taga Corinto 10:3-5.
Kumanta Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pasulong Mga Kristiyanong Sundalo” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” (ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924;
taludtod at koro, mga berso 1, 2 and 3).


ANG BALANGKAS NG

ANG MGA SANDATA NG ATING DIGMAAN

THE WEAPONS OF OUR WARFARE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta” (II Mga Taga Corinto 10:4).

(II Mga Taga Corinto 10:3)

I.   Una, dapat nating makita na tayo ay nasa digmaan,
Mga Taga Efeso 6:11, 12; Mga Taga Efeso 2:2.

II.  Pangalawa, ang mga sandata ng ating digmaan, Isaias 64:1.