Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG TAON NG IMPIYERNO –
|
Ating titignan ang dakilang berso ng Kasulatan na ito ngayong gabi. Lubos akong nagpapasalamat na sinagot ng Diyos ang napaka rami sa ating mga panalangin noong huling taon. Gayon tinawag ito ni John Cagan na “isang taon ng Impiyerno.” Hindi ako sumasang-ayon sa kanya. Siya’y bahagyang tama. Sa ilang paraan ito ay isang taon ng Impiyerno. Ngunit ito rin ay isang taon ng pag-papala. Si John ay pagod na pagod mula sa isang mahabang araw noong tinawag niya itong Impiyerno. Kapag tayo ay pagod natatandaan natin ang masasamang bagay. Ngunit kapag tayo ay nakapagpahinga gayon natatandaan natin ang mga pagpapala. Tayong lahat ay tulad niyan. Tayo ay mga tao. Ang lagay ng mga loob natin ay umuurong sulong. Sa kanyang pagkapagod, nalimutan ni John ng ilang sandali ang magandang babaeng si Julie, ang babaeng nakasama niya at nagkaroon ng higit na kasiyahan sa mga Kristiyanong mga pamamasyal noong huling taon. Nalimutan niya ang nakamamangahang araw na nagkaroon sila sa Disneyland. Nalimutan niyang tumatakbong nakapaa sa tabing ilog sa Santa Monica. Nalimutan niya ang mga panahon ng galak na nagkaroon sila sa panalangin na magkasama. Nalimutan niya ang dakilang mga panahon ng panalangin na nagkaroon kami kasama nina Aaron, Jack at Noah sa aking tahanan, huli na sa gabi. Nalimutan niya ang digmaan ng mga kagustuhan sa pagitan namin, isang digmaan na nagsama sa isang respeto sa isa’t-isa at tapos ay nagdikit sa amin sa isang pangkapatid na pagkakaibigan na pinaniniwalaan ko ay magtatagal magpakailan man. Nalimutan niya na sinabi niya sa akin, “hindi ko kailan man nakilala ang kahit sino sa aking mga lolo. Dr. Hymers, ikaw ang pinaka malapit sa isang lolo na kailan man ay magkaroon ako. Salamat para sa iyong pamumuhunan sa aking buhay. Sinosoportahan kita at naniniwala ako sa iyo…Pagpalain ka ng Diyos! Kaya mo itong gawin, Dr. Hymers! – John Samuel Cagan.”
Si John ay isang makapangyarihang tao ng Diyos. Pinanghahawakan ko siya sa mataas na pagpapahalaga bilang isang katoto sa hukbo ng Panginoon. Ngunit siya ay isang tao, tulad nating lahat. Kapag tayo’y pagod natatandaan lamang natin ang masasamang mga bagay. Ngunit kapag tayo’y nakapagpahinga at nabuhay muli, gayon ating natatandaan kung gaano kabuti ang taon para sa atin – at ang mga nakamamanghang mga panahon ng panalangin at pakikisama, at ang nakamamanghang kapangyarihan at pag-ibig na ibinigay ng Diyos sa taon 2016 – noong sinagot tayo ng Diyos habang tayo’y nanalangin,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).
Minsan ako mismo ay nakaramdam na ito’y ganoon “isang taon ng Impiyerno.” Noong ang lagay ng aking loob ay mababa, nadama ko na nawawala ko ang panghawak ko sa buhay. Lumuha ako at naisip na ako’y malapit nang mamatay – nagkaroon ako ng mga takot para sa ating simbahan na ang sakit ay bumiyak sa aking puso. Ang gamot na ibinigay nila sa akin para sa kanser ay nagsanhi sa aking dumaan sa mga nakatatakot na “pabago-bagong lagay ng loob.” Minsan ako’y lumubog sa napaka lalim na depresyon. Ako’y literal na sinalakay ng demonikong mga kapangyarihan oras oras noong huling taon. Kung si Aaron Yancy ay wala doon para sa akin sa mga panahong iyon hindi ko naisip na nalamoasan ko ito. Ang pagkakaroon ng malapit na kaibigan tulad ni Aaron ay isang regalo mula sa Diyos! Pagkakaroon ng mga mandirigma ng panalangin tulad ni Christine Nguyen at Gng. Lee ay isang regalo mula sa Diyos!
Oo, mayroong mga mabubuting mga bagay rin sa taon 2016. Marami sa ating mga kabataan ay dati ay kinamumuhian ako. Ngayon iniibig nila ako! Nagagawa nito ang aking pusong kumanta sa ligaya kapag sila’y ngumingiti at nagsasabing, “Mahal kita, pastor!”
Tapos tinignan ko ang isang tarheta na ipinadala ng maganda kong asawa sa akin. Sinabi niya,
Minamahal kong Robert, dahil sa iyong pagsunod sa Diyos at sa iyong pananmpalataya nakilala ko si Hesus. Kung wala ka wala sa amin ang maparirito…Robert, minamahal kita ng lahat ng aking puso at kaluluwa. Nagmamahal lagi, Ileana.
Noong nabasa ko ang kanyang matatamis na mga salita ang aking puso ay kumanta sa ligaya! “O Salamat sa Diyos para kay Ileana! Salamat sa pagbibigay sa akin ng ganitong mapagpananampalataya, at kaibig-ibig na babae!” Hindi ko kailan man nagawa ito sa lahat ng masasamang mga panahon na wala ang kanyang pagmamahal, ang kanyang suporta at kanyang mga panalangin. At salamat sa Diyos para kay sanggol na si Hannah, ang aking unang apo. Siya’y takot ng kaunti sa akin sa una, isang malaking matandang lalake na mayroong kalbong ulo! Ngunit noong Bisperas Pasko gumapang siya papunta sa akin at hinawakan ko siya sa aking mga braso – at hinalikan niya ako sa aking ilong. Hindi ko kailan man malilimutan ang halik na iyan hanggang sa ako’y nabubuhay!
Kapag titignan natin ang taon 2016 huwag nating kalimutan kung anong ginawa ng Diyos para sa atin! Pakiramdam nito na ang simbahan ay namamatay, na ako’y namamatay, na wala nang pag-asa para sa buhay sa ating hinaharap. Ngunit, gayon kapag ang lahat ay mukhang wala na, nadinig ng Diyos ang ating panalangin,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).
At sinagot tayo ng Diyos! Naglatak ako ng isang plano para sa “bagong” Baptist Tabernacle. Ipinangaral ko ang “Bumangon Mga Kabataan.” At mga kabataang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsimulang manalangin ng masidhi habang kumanta kami, at lumuha at nagmaka-awa sa Diyos na bumaba sa atin. At Siya nga ay bumaba. Nagsimula ito noong nagabay ni Dr. Cagan ang kanyang 90-na-taong-gulang na ina kay Kristo. Si Christine Nguyen ay nabigyan ng espiritu ng panalangin. Si Gng. Shirley Lee ay binigyan ng espiritu ng panalangin. At ang apoy ng muling pagkabuhay ay bumaba sa atin. Sa loob ng ilang linggo 28 na mga tao ang napunta sa ilalim ng kumbiksyong ng kasalanan at tapos ay inaasahang napagbagong loob, nahugasang malinis sa Dugo ni Kristo na ibinuhos sa Krus para sa atin.
Tapos akala natin ang muling pagkabuhay ay natapos na. Ngunit nagkamali tayo. Ang Diyos ay kasama pa rin natin! Mayroon tayong kahit isa lang na bagong inaasahang napagbagong loob halos kada Linggo. Biglang si Dr. Chan ay nangaral na mayroong pagpapala na apat na mga tao ay napatunayang nagkasala at inaasahang naligtas sa isang paglilingkod, noong ika-25 ng Disyembre – noong Araw ng Pasko, sa panggabing paglilingkod! Narito ay isang listahan ng mga 28 na mga tao na inaasahang napagbagong loob noong taong 2016.
Judy Li
Marjorie Cagan
Thomas Luong
Christine Nguyen
Adela Menjivar
Setsuko Zabalaga
Jesse Zacamitzin
Christina Lewis
Jennifer Yan
Abraham Song
Baiyang Zhang
Tom Xia
Virgel Nickell
Jason Baltazar
Emmi Hua
Tyrik Chambers
Julie Sivilay
Minh Vu
Alicia Zacamitzin
Danny Carlos
Daniel Barahona
Ayako Zabalaga
Julieta Prieto
Robert Wang
Joseph Gong
Andrew Matsusaka
Jessica Yin
Norris Menjivar.
Mga kaibigan ko, hindi tayo naiwanan ng Diyos! Bumaba Siya sa ating simbahan muli’t muli, noong Agosto, noong Setyembre, noong Oktubre, noong Nobiyembre – at noong Disyembre lamang siyam na mga tao ay inaasahang napagbagong loob. Dalawampu’t walong mga tao sa isang taon! Tumayo at kantahin ang Doxolohiya!
Papuri sa Diyos, na pinagmulan ng lahat ng pagpapala ay umaagos;
Papuri sa Kanya lahat ng mga nilalang rito sa ibaba;
Papuri sa Kanya sa itaas, inyong makalangitang karamihan;
Papuri sa Ama, Anak, at Banal na Espiritu! Amen.
(“Doxolohiyo” Isinalin mula sa “Doxology” ni Thomas Ken, 1637-1711).
Mga kababihan kantahin ito! Ngayon mga kalalakihan kantahin ito! Ngayon kantahin nating lahat kasing lakas na ating makakaya! Ngayon kantahin ang ating muling pagkabuhay na temang kanta, “Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw” [“Fill All My Vision”]. Kantahin ito mula sa memorya, o tignan ito. Ito’y bilang 4 sa inyong kantahang papel. Ngayon kantahin ito!
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Mga kapatid, naniniwala ako na ang pinaka malaking bahagi ng muling pagkabuhay ay bababa sa atin mula sa Diyos sa taon ng 2017. Manalangin para rito araw-araw. Minsan ay mag-ayuno at manalangin para sa mas higit na presensya ng Diyos sa darating na taon.
Ngayon lumipat sa inyong Bibliya sa Mga Taga Corinto 9:24. Ito’y nasa pahina 1219 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ang natira ng pangaral ay isinulat ni Dr. Cagan,
“Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat, nguni't iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala? Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayon” (I Mga Taga Corinto 9:24).
Maari nang magsi-upo. Ngayon isarado ang inyong Bibliya at makinig ng mabuti.
Ikinumpara ni Pablo ang Kristiyanong buhay sa isang atletikong karera. Sinabi niya, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayon [ang premyo]” (I Mga Taga Corinto 9:24). Tapos sinabi ni Pablo, “Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; nguni't tayo'y niyaong walang pagkasira” (I Mga Taga Corinto 9:25). Ang premyo ng Kristiyano ay hindi isang medalya. Ito’y isang bagay na mas mataas. Ang isang premyo ay ang mga gantimpala mula kay Hesu-Kristo kapag Siya’y darating upang isaayos ang Kanyang Kaharian!
Sinabi ni Pablo na ang isang atleta ay isang “mapagpigil sa lahat ng mga bagay” (b. 25). Ang isang atleta ay hindi tumataba. Hindi siya nagiging tamad. Hindi siya nag-aaksaya ng oras. Ang Apostol Pablo ay tulad niyan. Sinabi niya, “Ako…tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin” (b. 26). Hindi siya tulad ng isang di nasanay na boksingero na itinatapon ang kanyang unang kamao sa ere. At si Pablo ay hindi labis-labis ang pagtitiwala sa sarili. Alam niya na maari siyang mabigo. Sinabi niya, “baka sakaling sa…pagkapangaral ko sa iba, ay ako rin ay itakuwil” (b. 27).
Alam ni Pablo ang gusto niya. Inilagay niya ang lahat ng kanyang lakas rito. Nabuhay siya sa kanyang sariling buhay ang sinabi niya sa ating gawin natin.
“Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo” (I Mga Taga Corinto 9:24).
“Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo [ng premyo].” Ngayong gabi gagamitin ko ang tekstong ito sa apat na mga paraan.
I. Una, ang teksto ay magagamit sa taglamig na ito at tagsibol.
Nagkaroon tayo ng mga nakamamanghang mga pagdiriwang para sa mga “araw ng pagpipista.” Nagkaroon tayo ng isang Pampaskong bangketa. Natandaan natin ang pagkapanganak ng Tagapagligtas sa Bisperas ng Pasko. Nagsama-sama tayo muli sa Araw ng Pasko. Nangaral si Dr. Chan na parang isang leyon. Apat na mga tao ang naligtas! Iobserbahan natin ang Hapunan ng Panginoon. Kagabi, Bisperas ng Bagong Taon, si Sergio at Yazmin ay ikinasal. Ngayon ay Araw ng Bagong Taon.
Ngunit ang “araw ng mga pista” ay hindi tumatagal na magpakailan man. Ngayon ay Enero. Walang araw ng pista sa sunod na katapusan ng linggo. Ito’y taglamig. Ito’y magiging malamig. Uulan. Hindi ito magiging nakasisiya. Makakayanan mo kaya ito? O babagsak ka at lilisanin ang simbahan? Sinasabi ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Panatilihin ang iyong isipan sa premyo! Manatili sa simbahang ito anomang mangyari! Panatilihin ang iyong isipan kay Kristo at ang simbahan!
Ang Taglamig ay dumarating taon-taon, alam mo. Pagkatapos ng Matinding Baha sinabi ng Diyos kay Noah. “Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi” (Genesis 8:22). Ang Tagalamig ay dumarating taon-taon. Makakayanan mo kaya ito? “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.”
Pagkatapos ng taglamig ang tagsibol ay dumarating. Ang tagsibol ay mayroon nitong sariling mga tukso. Tinatawag ko itong “Ang Amerikanong Kasiyahang Makina.” Mayroong mga tatlong araw na katapusan ng linggo. Ang mga tao ay nagpupunta sa Las Vegas o San Francisco, o ibang mga lugar. Ang mga mahihinang isipang mga tao ay umalis ng simbahan. Mayroong “Tagsibol na Bakasyon.” Ang mga tao ay gustong lumayo. Mayroong mga sosyal na mga kaganapan. Mayroong mga kaganapan sa pamilya. Ang Amerikanong Kasiyahang Makina ay pumatay ng mas maraming mga kaluluwa kaysa sekswal na kasalanan at droga. Makapaglalaban ka ba tulad ng isang atleta? O babagsak ka ba? Lalaban ka ba tulad ng isang atleta? Ikaw ba’y maging narito sa simbahan sa bawat pagkakataon? Lalabanan mo ba ang mga tukso ni Satanas at maging nasa simbahan? O ikaw ba’y magiging mahina at iwanan ang simbahan? Kapag ika’y natukso ng Diablo iiwanan mo ba ang simbahan at babalik sa kasalanan? “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.”
Kung sesentro ka kay Kristo at ang simbahan maari tayong magkaroon ng dakilang taon sa 2017. Huwag mong aksayahin ang iyong panahon nito’t niyan. Huwag magugulo ng isang bagay pagkatapos ng isa hanggang sa ang oras ay ubos na! Magkaroon tayo ng isang dakilang taon sa 2017! Labanan ang Diablo sa panalangin. Manatiling magpunta sa simbahan sa bawat pagkakataon. Panaluhan ang premyo tulad ng isang atleta para kay Kristo!
At huwag tayong magsanhi ng mga problema at mga krisis. Magdesisyon na hindi ka magiging problema sa simbahan. Magkaroon tayo ng “isang kusa” tulad ng mga Kristiyano sa Aklat ng Mga Gawa! Kung sesentro tayo tulad ng atleta – at hindi hahayaan ang kahit anong hatakin tayo papalayo – maari tayong magkaroon ng isang dakilang taon! Sumentro kay Kristo at ang simbahan buong taglamig at tagsibol. Magpatuloy tulad ng isang atleta. “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” – at panalunan ang tagumpay! “Pasulong, Mga Kristiyanong Sundalo” [“Onward, Christian Soldiers”]. Tumayo at kantahin ang koro!
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.
(“Pasulong, Mga Kristiyanong Sundalo.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).
II. Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa muling pagkabuhay.
Binisita ng Diyos ang ating simbahan ng muling pagkabuhay noong huling taon – sa unang pagkakataon higit sa apat na pung taon. Ang Diyos ay bumaba sa mga pagpupulong na iyon. Ang Kanyang Banal na Espiritu ay kasama natin. Maraming mga tao ay napagbagong loob sa kaunting mga gabi. Ang ilan sa kanila ay mukhang mga imposibleng mga kaso. Nakarinig sila ng maraming mga pangaral. Napayuhan ko sila ng maraming beses. Nanatili silang matigas at malamig. Ngunit noong ang Diyos ay bumaba nagkaroon ng isang milagrosong pagbabagong loob pagkatapos ng isa! Ang pinaka dakilang regalo ay ang sariling presensya ng Diyos. Naranasan natin ang nabubuhay na Kristiyanismo. Ang Diyos ay kasama natin. Hangarin namin para sa iyong magpadala ng mas dakila pang muling pagkabuhay – o, Panginoon!
Ang ating simbahan ay nagsasama-sama sa panalangin tuwing Huwebes at tuwing Sabado. Marami sa inyo ay nananalangin sa maliliit na mga grupo upang manalangin para sa muling pagkabuhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa paggagabay sa aking mangaral sa muling pagkabuhay. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa paggagabay sa aking gawin tayong isang nananalanging simbahan. Ang mga ito ay di pangkaraniwang mga kayamanan, hindi mahahanap kahit saan sa Amerika na nalalaman ko. Kung ika’y nananalangin sa maliliit na mga grupo isentro halos ang lahat ng iyong mga panalangin sa muling pagkabuhay at pagtatagumpay ng mga kaluluhwa. Manatili doon sa dalawang mga bagay na iyon. Ang dalawang mga bagay na iyon ay ang kailangan natin – ang piling ng Diyos at maraming mga bagong tao mula sa ebanghelismo.
Dapat tayong maghangad para sa isang mas dakilang muling pagkabuhay! Ngayon na naranasan natin ang piling ng Diyos at gawain sa muling pagkabuhay, gusto pa natin ng higit pa. Ngunit binabalaan ko kita. Huwag mong iisipin na ngayon alam mo na kung paano makuhang mangyari ang muling pagkabuhay. Huwag mong iisipin, “Alam na namin ngayon. Alam na namin ang gagawin. Gumawa tayo ng isa pang muling pagkabuhay.” Kung iisipin mo iyan, di kailan man tayo magkaroon ng mas marami pang muling pagkabuhay.
Ang Diyos ay hindi isang makina. Siya ay isang Tao. Siya ay pinakamataas na puno at Makapangyarihang Diyos. Hindi Siya maaring manipulahin – kahit sa panalangin. Ang muling pagkabuhay ay hindi salamangka. Hindi ito isang bagay na magagawa nating mangyari gamit ng gawain o panalangin. Ang nademonyong huwad na propetang si Charles Finney ay tinuruan na magagawa ng isang simbahan na mangyari ang isang muling pagkabuhay – ngunit mali siya. Ang Diyos ang may-akda ng muling pagkabuhay. Ang Diyos ang nagpapadala ng muling pagkabuhay kapag pipiliin Niya ito.
Tandaan kung paano nagsimula ang muling pagkabuhay noong huling tag-init. Oo, ang mga tao ay nanalangin. Ngunit noong ang Diyos ay bumaba walang panalangin na nangyayari. Walang pangaral na ipinapangaral. Ang Diyos ay bumaba, biglaan at nakagugulat, habang ang mga tao ay nagbibigkas ng Isaias 64:1-3. Dumating Siya nang biglaan at makapangyarihan.
At sa ilang mga pagpupulong ang Diyos ay hindi bumaba. Oras-oras, kapag inaasahan ng mga tao at ipinapalagay na ang muling pagkabuhay ay magpapatuloy sa sarili nito, ang Diyos ay wala. Ang mga pagpupulong ay patay at walang laman kapag ang Espiritu ng Diyos ay wala. Minsan kinailangan kong isara ang pagpupulong na maaga kapag ang Diyos ay wala roon.
Madaling mawala ang presensya ng Diyos. Si Satanas ay laging narito. Ngunit ang Diyos ay maaring wala. Ang Diyos ay hindi darating kung saan Siya ay hindi desperadong gusto. Kung tayo ay kontento sa mga “araw ng pista” at mga bagay ng buhay na ito, gyaon ang Diyos ay hindi magiging kasama natin. Kung ayaw natin ang Diyos na kasama natin, hindi Siya maparirito. Ngunit Siya ay kasama pa rin natin. Isinusulat ko ang pangaral na ito ng madaling araw kagabi. Ang telepono ay kumililing. Si Woody iyon, lumuluha at sumisigaw sa kumbikyson ng kasalanan. Ginising ko si Dr. Chan at nagpunta siya sa silid ni Woody. Si Woody ay napagbagong loob ng alas dose ng umaga – sa huling araw ng taon ng 2:00 AM nagkaroon tayo ng ating ika-29 na pagbabagong loob! Tumayo para sa Doxolohiya!
Ngunit huwag kailan mang ipalagay – huwag itong pagsamantalahan – na ang Diyos ay kinakailangang kasama natin. Huwag iisipin na kinakailangan ng Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay. Huwag maging tulad ni Samson na “lalabas na gaya ng dati” at “hindi niya talos na ang Panginoo'y humiwalay sa kaniya” (Mga Hukom 16:20). Huwag maging tulad ng mga Israelitas na sumakop sa Jericho sa pamamagitan ng isang himala mula sa Diyos, at tapos ay nagpasiyang kunin ang mas maliit na lungsod ng Hai. Sinabi nila “Huwag sumampa ang buong bayan… sapagka't sila'y kakaunti… sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai” (Joshua 7:3, 4). Sinasabi rin ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Sinasabi ng Salmo, “Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan” (Mga Awit 126:5). Hindi nito sinasabi, “Sila na nagsisipaghasik na may kaalaman ay magsisiani na may kagalakan.” Hindi nito sinasabi na, “Sila na nagsisipaghasik sa sariling lakas ng loob ay magsisiani na may kagalakan.” Hindi, sila na nagsipaghasik sa mga luha ay magsisiani na may kagalakan. Manalangin tayong higit para sa muling pagkabuhay, nalalaman na ang kapangyarihan ay pinag-aari ng Diyos lamang. Manalangin hanggang Diyos ay bumaba – ngunit O Diyos, tulungan kaming labanan ang Diablo, tulungan kaming labanan sa panalangin hanggang sa Ikaw bumaba sa isang mas makapangyarihang muling pagkabuhay! “Pasulong, Kristiyanong Sundalo!” Tumayo at kantahin ang koro.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.
III. Pangatlo, ang teksto ay magagamit sa pagtatagumpay ng kaluluwa.
Madaling tumingin sa looban –sa loob –sa mga tao na nasa simbahan na. Minsan tama lang gawin iyan. Ngunit ngayon ang panahon na dapat tayong maghabol ng mga nawawalang mga tao na wala rito. Dapat tayong magdiin ng pansin sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa! Dapat tayong lumaban tulad ng mga atleta upang kumuha ng mga pangalan at numero. Dapat tayong lumaban tulad ng mga atleta upang magdala ng higit pang mga nawawalang mga tao. Kung hindi ka lalaban upang mapapasok sila, ang Diyos ay hindi magpapatuloy na magpadala ng muling pagkabuhay sa atin. Mayroon pa akong higit na sasabihin, ngunit kailangan kong huminto rito. Lumaban si Dr. Chan upang makuha si Woody. Dinala niya siya sa kanyang tahanan. Nanalangin siya gabi at araw para kay Woody. Tapos tinawagan ako ni Woody sa telepono na lumuluha. Tinawagan ko si Dr. Chan, ginising ko siya mula sa pagtulog, at nagabay niya si Woody kay Kristo ng alas dos ng umaga, sa huling araw ng taon!
Sinabi ni Hesus, “Ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10). Muli, sinabi ni Kristo, “Pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay sinabi ni Hesus, “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa” (Mateo 28:19). Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang pagtatagumpay ng mga kaluluwa ay malinaw na ang pinaka mahalagang bagay na maaring sumakop sa isipan at lakas ng mga Kristiyano” (Isinalin mula sa Ang Gintong Daan sa Tagumpay ng Personal na Pagtatagumpay ng Kaluluwa [The Golden Path to Successful Personal Soul Winning], Sword of the Lord Publishers, 1961, pah. 55). At tama siya!
Huwag kalimutan na ang pangunahing gawain ng simbahan ay pagtatagumpay ng kaluluwa! Lumaban upang maipasok ang nawawalang mga kabataan ng lungsod na ito! Lumaban na magdala ng higit pang mga tao na wala rito ngayon! Lumaban tulad ng ginawa ni Dr. Chan kay Woody at nakuha siyang maligtas! Magpunta sa mga kolehiyo at mga pamilihan at kunin ang kanilang mga pangalan at mga numero. Dalhin sila sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyo. Magdala ng kahit isa lang na pangalan tuwing magsasama-sama tayo. Mahalin sila at alagaan sila tulad ng ginawa ni Dr. Chan kay Woody. Kilalanin sila kapag sila’y magpupunta. Gawin ang lahat upang panatilihin sila rito hanggang sa sila’y napagbagong loob – at tapos sila’y mananatili kasama natin, dahil sila ay napagbagong loob!
Sinasabi ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Sinabi ni Pablo, “Ako… tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin” (I Mga Taga Corinto 9:26). Si Pablo ay di nagtrabahong pabantulot. Hindi niya inaksaya ang kanyang panahon. Sinentro niya ang kanyang isipan sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa, hindi sa “gaya ng sumusuntok sa hangin.” Ganyan ang paraan na makatagumpay ng mga kaluluwa! Ganyan napanalunan ni Dr. Chan si Woody kay Kristo. Dalhin sila papasok. Sundan ang halimbawa ni Dr. Chan!
Isentro ang ating oras at lakas sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa! Magdala tayo ng mga tao sa taong ito. Huwag mo lang isipin ang iyong mga kaibigan at ang iyong sarili. Huwag mo lang isipin ang pagpupunta sa deyt. Gawin itong iyong pangunahing gawain na magdala ng nawawala. Sumentro tayo sa pagtatagumpay ng nawawala. Sumentro na tulad ng isang sinag ng ilaw. Huwag mo itong gawin na pabantulot, “nagsasapalaran; sa ganito rin ako'y sumusuntok, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin.” Huwag itong gawin na isang bagay sa tabi, na may pangunahing diin sa ibang mga bagay. Hindi tayo makapapasok ng mga tao sa paraan na iyan. Sinasabi ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Labanan natin ang Diablo sa panalangin upang makapapasok tayo ng higit pang mga kabataan! “Pasulong, Kristiyanong Sundalo.” Tumayo at kantahin ang koro muli.
Pasulong, mga Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa parang sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus nagpupunta sa harapan.
IV. Pang-apat, ang teksto ay magagamit sa iyo na nawawala pa rin.
Dapat kong sabihin sa kaunting salita doon sa inyo na hindi pa napagbabagong loob. Sinasabi ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Mayroon itong aplikasyon sa iyo.
Sinasabi ng ating teksto, “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Huwag ka lang umupo riyan habang nangangaral ako! Sinabi ni Kristo, “Magpilit kayong magsipasok” sa makipot na pintuan ng kaligtasan, na si Kristo Mismo (Lucas 13:24). Ikaw ba’y nagpipilit? Ikaw ba’y nagpipilit sa anumang paraan? “Magpilit na pumasok” ay gumagawa ng parehong punto gaya ng “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo.” Kung ika’y seryoso patungkol sa iyong kaluluwa, dadalhin ka ng Diyos kay Kristo. Ngunit kung hindi ka magpipilit para sa kaligtasan, huwag mong asahan na maligtas.
Kung hindi ka nagpipilit na magsipasok kay Kristo hindi ka kailan man maliligtas! At di mo kailan man “[matatamo]” ang kaligtasan. Hindi mo ito makukuha. Kung magpupunta ka sa harap sa imbitasyon na mekanikal, na walang kumbiksyon ng iyong kasalanan, di ka mapagbabagong loob. Kung gugugol ka ng maraming oras araw-araw na naglalaro ng videyong palaro, di ka kailan man mapagbabagong loob. Kung magpapatuloy kang manood ng pornograpiya sa iyong kompyuter, di ka kailan man mapagbabagong loob. Nakikita ka ng Diyos at nalalaman na hindi ka seryoso. Kung naaawa ka lamang sa iyong sarili, di ka kailan man mapagbabagong loob. Si Judas at Cain ay naawa sa kanilang mga sarili. Pareho silang nagpunta sa Impiyerno. Kung ipagpapatuloy mong pag-isipan ang iyong sariling mga problema, mga pakiramdam at mga pag-aalala, at hindi patungkol sa iyong kasalanan, di ka kailan man mapagbabagong loob. Si Hesus ay hindi isang psikayatrist. Hindi siya namatay upang ayusin ang iyong mga problema, mga pakiramdam at mga pag-aalala. Hindi Siya namatay upang bigyan ka ng isang pakiramdam ng kasiguraduhan. Namatay Siya upang magbayad para sa iyong mga kasalanan upang parusahan ka ng Diyos. Iyan ang dahilan na “Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan” (I Mga Taga Corinto 15:30. Kung hindi ka nasusuklam sa iyong kasalanan sa isang tunay na paraan – kahit na ibuka ng iyong bibig ang ilang mga salita patungkol rito – gayon ang kamatayan ni Kristo ay di magliligtas sa iyo.
Namatay si Kristo sa Krus para sa iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang hugasan papalayo ang iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Patatawarin Niya ang iyong kasalanan kung magtitiwala ka sa Kanya. Makipaglaban para sa iyong buhay. Puwersahin ang iyong sariling pag-isipan ang iyong kasalanan. Makipaglaban para sa iyong buhay na mapunta kay Kristo at maligtas mula sa iyong kasalanan! Tumayo at kantahin ang himno bilang apat sa iyong kantahang papel. Kantahin ang una at huling taludtod ng “Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Ito’y bilang apat sa iyong kantahang papel.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Bumaba rito sa harapan kung gusto mo makipag-usap sa akin, o kay John Cagan, o Dr. Cagan patungkol sa pagiging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, ibinuhos mula sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pasulong mga Kristiyanong Sundalo.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” (ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924;
taludtod at koro, mga berso 1, 2 and 4).
ANG BALANGKAS NG ISANG TAON NG IMPIYERNO – A YEAR OF HELL – A YEAR OF REVIVAL! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1). “Magsitakbo kayo ng gayon; upang magsipagtamo kayo” (I Mga Taga Corinto 9:24). (I Mga Taga Corinto 9:25, 26, 27) I. Una, ang teksto ay magagamit sa taglamig na ito at tagsibol, II. Pangalawa, ang teksto ay magagamit sa muling pagkabuhay, Mga III. Pangatlo, ang teksto ay magagamit sa pagtatagumpay ng kaluluwa, IV. Pang-apat, ang teksto ay magagamit sa iyo na nawawala pa rin, |