Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DALAWANG MGA ADAM –ANG URI NG PANGARAL NA KAILANGAN NATING MADINIG SA ATING MGA NAMAMATAY NA MGA SIMBAHAN NGAYON! THE TWO ADAMS – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:16-17). |
Nilikha ng Diyos ang unang tao mula sa alikabok mula sa lupa. Bilang isang kabataan, hindi ko kailan man pinaniwalaan iyan. Pinaniwalaan ko ang teyorya ng ebolusyon hanggang sa pang-apat na linggo ng Setyembre, 1961. Noong ika-28 ng Setyembre ng taong iyon nagkaroon ako ng biglaang pagbabago, isang nagbabagong buhay na pagbabagong loob. Sa isang linggong iyon ang lahat ay nagbago. Isa sa pinaka mahalagang mga pagbabago ay isang matatag na paniniwala sa Bibliya. Mula sa sandali na natanto ko na ang ebolusyon ay isang lalang, simpleng siyentipikong gawa-gawa, kasing lalang ng Aklat ng Mormon, kasing huwad ng Koran. Sa aking pagbabagong loob ang aking isipan ay nagbago mula sa paniniwala sa Darwinismo sa isang ganap na paglalagak sa berbal na inspirasyon ng bawat Hebreo at Griyegong salita sa Bibliya. Ngayon alam ko sa aking pinaka kaluluwa na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan” (II Ni Timoteo 3:16). Dahil bawat salita ng Kasulatan ay hininga ng Diyos (theopneustos) walang posibleng pagkakamali sa Bibliya – dahil bawat salita nito – mula sa Genesis at Apocalipsis – ay ibinigay sa mga kalalakihang sumulat nitong banal na Aklat! Sinabi ng Bibliya, “At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay” (Genesis 2:7). Alam ko noon na nilikha ng Diyos ang unang tao, at ang tao ay hindi nagbago mula sa mas mababang anyo ng buhay. Alam ko na ang Genesis na pagkatala ng pagkalikha ng tao ay literal na totoo at alam ko noon na ang ebolusyon ay isang Satanikong kasinungalingan.
Tapos inilagay ng Diyos ang tao sa isang magandang Hardin, isang hardin na puno ng lahat ng mga uri ng masustansiya at masarap na prutas. Marami sa mga masustansyang mga punong ito at prutas ay din a nabubuhay dahil ang mga ito ay nasira ng Malaking Baha.
Ngunit sa gitna ng Hardin mayroong dalawang napaka halagang mga puno – ang puno ng buhay at puno ng kaalaman ng mabuti at kasamaan. Binigyan ng Diyos si Adam ng isang batas na panatilihin, “Sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka” (Genesis 2:17). Ang salitang “kaalaman” sa Genesis 2:17 ay nanggagaling mula sa ugat na salitang “yada.” Ibig nitong sabihin ay “maging makilala, gaya ng isang pamilyar na kaibigan” (Isinlain mula kay Strong). Kung kumain sila sa pinagbabawal na prutas sila’y maa-adik rito. Isang sekswal na karanasan sa labas ng pagkakasal ay nananatili sa isipan magpakailan man dahil ang taong gumawa nito ay ngayon nakaaalam nito. Isa o dalawang mga karanasan sa isang partikular na droga ay nagbibigay sa isang tao ng isang pakiramdam na nagdadala sa adiksyon. Ang kanyang pagka-inosente ay wala na magpakailan man. Pagkakain sa puno ng kaalaman ng mabuti at kasamaan ay sisira sa pagka-inosente ng tao magpakailan man, nagtatapos muna sa espiritwal na pagkamatay at sa wakas isang pisikal na kamatayan.
Alam ng Diablo iyan na napaka husay. Iyan ang dahilan na tinukso niya ang taong kumain ng ipinagbawal na prutas. Alam niya na mawawala ng tao ang kanyang pagka-inosente at maging isang makasalanan magpakailan man. Ang kanyang konsensya ay mamamatay sa sandaling kumain siya ng ipinagbabawal na prutas. Magtatago siya mula sa Diyos ngayon. Ang kanyang kaluluwa ay “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1). Siya’y “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Magkakaroon siya ng isang makatawang isipan at makita ang Diyos na isang kaaway (Mga Taga Roma 8:7). Hindi lamang siya mamamatay na espiritwal, kundi ang kanyang katawan ay tatanda at magtatapos sa pisikal na kamatayan. Bilang isang patay na tao siya ay “hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios”… dahil ngayon ang mga katotohanan ng Diyos ay magiging “kamangmangan sa kaniya” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Ngunit mas malala pa rito, ang kanyang nasirang kalikasan at espiritwal na kamatayan ay mamamana ng lahat ng kanyang mga anak, ng lahat sa lupa, dahil “kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway [ni Adam] ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19; KJV, ESV). “Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway [si Adam] ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa” (Mga Taga Roma 5:18). “Ang orihinal na kasalanan ay nangangahulugan na ang pagkamakasalanan ay nagmamarka sa lahat mula sa pagkapanganak na may isang pusong kumikiling sa tungo sa kasalanan…ang mas loob na pagkamakasalanan ay ang ugat at pinanggalingan ng lahat ng aktwal na mga kasalanan; ito’y ipinapasa sa atin mula kay Adam [o minamana]…tayo ay hindi mga makasalanan dahil nagkakasala tayo, ngunit tayo ay nagkakasala dahil tayo ay mga makasalanan, ipinanganak na mayroong kalikasan na alipin sa kasalanan” (Isinalin mula sa Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible]; sulat sa pahina 781). “Ang taong…patay sa kasalanan ay hindi sa kanyang sariling lakas mapagbabago ang kanyang sarili” (Isinalin mula sa Westminister na Kumpisal [Westminster Confession], IX, 3)
Ang kasalanan ni Adam ay naipapasa sa lahat ng kanyang mga anak (ang buong sangkatauhan). Ang katunayan ay napatunayan. Ito’y pinatunayan ng katunayan na ang unang anak ni Adam ay si Cain, na pumatay sa kanyang sariling kapatid na lalake (tignan ang Genesis 4:8). Kung gayon ikaw ay anak ni Adam. Ika’y isang makasalanan sa kalikasan. Wala sa gawin o sabihin mo ang makaliligtas sa iyo. Wala sa magagawa mo ang makatutulong sa iyo upang maligtas. Ayon sa kalikasan ikaw ay isang makasalanan. Pagpupunta sa simbahan ay hindi magliligtas sa iyo. Ang iyong mga panalangin ay hindi magliligtas sa iyo. Pagiging mabuti ng makakaya mo ay hindi magliligtas sa iyo. Wala – inuulit ko – walang kang magagawa o masasabi na makaliligtas sa iyo. Ika’y isang nawawalang makasalanan. Ang ilan sa mga pinaka malubhang mga makasalanan na aking nakilala ay mga mangangaral – mga kalalakilan na nag-aral ng Bibliya araw-araw. Ang ilan sa mga pinaka masunuring makasalanan na aking nakilala kailan man ay ipinanganak mula sa mga Kristiyanong mga magulang, ngunit lumaki sila na maging rebelde, rebelde laban sa Diyos, rebelde laban kay Kristo, rebelde tungo sa kanilang mga magulang, rebelde laban sa lahat na kanilang natutunan sa simbahan. Maari nilang malaman ang Bibliyang mahusay, ngunit sila’y rebelde laban rito. Nagrerebelde sila laban sa pastor na nangangaral ng Bibliya. Nagrerebelde sila dahil sa kanilang mga puso kinamumuhian nila ang katotohanan. Nakakilala ako ng mga “anak sa simbahan” na kasing lupit ng Diablo. Mga kababaihan na pinalaki sa simbahan na umakit sa mga binatang makipagtalik sa kanila. Sa sunod na Linggo kumanta sila ng mga himno na para bang sila’y maliliit na mga anghel, na sa katunayan sila’y mga nasirang mga makasalanan. Nakakilala ako ng mga “anak sa simbahan” na mga binatang nakipagtalik doon sa mga kababaihang iyon at tapos ay ipinagyabang ang kanilang kasalanan sa harap ng mga mas batang lalake, kung gayon inililimbag sa kanilang mga isipan ng maliliit na mga batang lalake ang pagkalibog na makasisira sa kanila.
Sinasabi mo, “hindi ko kailan man ginawa iyan!” Ngunit naisipan mong gawin ito. Gumawa ka ng mga maruruming mga bagay sa iyong isipan, hindi ba? Sinabi ni Hesus na iyan ay isang kasalanan na kasing higit ng paggawa nito!
Sinasabi mong iniibig mo Siya? Iniibig mo ba ang Diyos ng iyong buong puso? Iniibig mo bang basahin ang Bibliya araw-araw? Iniibig mo bang gumugol ng panahon na mag-isa kasama ng Diyos sa panalangin bawat araw? O iginugugol mo ang iyong libre oras na naglalaro ng videyong laro o nanonood ng palaro sa telebisyon – di kailan man pinag-iisipan ang paggugugol ng higit na panahon sa panalangin o pagbabasa ng Bibliya? Sinasabi ko na ipinapakita niyan na hindi mo iniibig ang Diyos – hindi talaga – nagsasalita ka lamang patungkol sa pag-iibig sa Diyos. Ngunit kinasusuklaman mo talaga ang Diyos. Iniibig mo talaga ang sarili mo lamang. Mag-isip! Hindi ba iyan totoo? Hindi ka ba tunay na isang makasalanan na nasusuklam sa Diyos? Hindi ka ba takot sa pastor? Bakit ka takot sa akin?
Hindi mo ba tunay na nagustuhan ang pangaral ni John Cagan sa kung paano makipagdeyt? Umupo kang direst at nakinig na labis. Hindi mo ginawa iyan noong nangaral ako sa kasalanan, kaligtasan at kay Kristo! Ang pag-iisip ng makadeyt ang isang tao ay mukhang mas higit na naka-aakit sa iyo kaysa pakikinig sa aking mangaral kay Kristo – sa Kanyang pagkamatay sa Krus upang iligtas ka mula sa kasalanan. Kung gagawin ito nito sa iyo, at alam mo na tama ako, pinatutunayan nito na ikaw ay isang mapagrebeldeng makasalanan na walang tunay pag-ibig kay Kristo sa iyong puso. Aminin ito. Kailangan mo itong aminin at maramdaman na ikaw ay isang nawawalang makasalanan.Kailangan mo itong aminin o walang pag-asa para sa iyo. Walang pag-asa para sa iyo sa anumang paraan!
“Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan” (Mga Kawikain 28:13).
Ikumpisal ang iyong panloob na pagkamakasalanan ng iyong makasalanang puso, ngayon, o igugugol mo ang walang hanggan sa lawa ng apoy! Ito ang katotohanan. Nagsasalita ako sa iyo tulad ng isang matanda. Hindi ito isang matamis na maliit na Linggong Paaralang aral. Hindi ito isang matamis na maliit na pananalita ni Joel Osteen. Ito’y isang pangaral na maaring gamitin ng Diyos upang gisingin ka sa katunayan na mayroon kang isang makasalanang puso, isang puso na patay sa kasalanan. Nagsasalita ako sa iyo na tulad ng bawat mangangaral ay dapat magsalita. Ayaw ko ng pera mo! Sa Impiyerno sa iyong pera. Gusto ko ang iyong kaluluwa. Gusto kong makita kang ligtas ni Hesus. Gusto kong makita na ipagbagong loob ng Diyos ang iyong makasalanang puso, baguhin ito at gawin itong malinis gamit ng Dugo ni Kristo. Iyan ang gusto ko. Gusto kong mabago sa isang maligayang Kristiyano imbes na isang ipokrita na ngayon ay ikaw! Ang isang ipokrita ay isang tao na mukhang isang Kristiyano, ngunit imbes ay mayroong isang puso “puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal… kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27, 28). At gusto mo kung paano ka. Ang iyong puso ay napaka makasalanan na susubukan mong magmukhang tulad ng isang Kristiyano – ngunit tignan mo ang iyong puso! Ang iyong puso ay puno ng pagkamakasalanan, pagkalibog at di paniniwala. Ang iyong puso ay mapagrebelde tulad ng puso ni Cain.
Ang Genesis 5:1, 3 ay nagpapatunay na ang kasalanan ni Adam ay sumira sa buong sangkatauhan. Iyan ang dahilan na ang iyong puso ay patay sa kasalanan. Sa Genesis 5:1 nakikita natin na “lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang” (Genesis 5:1). Ngunit si Adam ay nagrebelde at ipinagasala ang kanyang pagka-inosente. Tapos mababasa natin na si Adam ay “nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan” (Genesis 5:3). Noong si Adam ay inosente sinasabi na siya ay nilikha sa kanyang wangis na hawig ng Diyos – inosente tulad ng Diyos! Ngunit pagkatapos niyang magkasala naging ama siya ng “nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig” – nagkakasala ng kasalanan, isang makasalanan sa kalikasan! (Genesis 5:3).
At iyan ang pagka wangis na hawig na ika’y naipanganak na mayroon – ika’y isang makasalanan sa kalikasan tulad ni Adam noong nagrebelde siya. Ika’y isang makasalaan sa kalikasan. Ang iyong mga magulang ay mga makasalanan sa kalikasan. Ang lahat na kilala mo sa paaralan o sa trabaho ay isang makasalanan sa kalikasan. Hindi mababagong mga makasalanan na walang magawang isang bagay upang baguhin ang kanilang masasamang puso. “Ano?” ang sabi mo, “Ang aking ina ay mayroong makasalanang puso?” Oo! Ang kanyang puso ay mapagrebelde at makasalanan gaya ng iyo, o kahit sinong ibang anak ni Adam. Ang buong sangkatauhan ay nasira, at ang kamatayan ay pumupunta sa lahat. Ang lahat ng ito ay dumarating dahil sa kasalanan ni Adam. Si Marcos, siya’y binalaan. Si Marcos, wala siyang dahilan upang sumuway. Si Marcos, alam niyang lubos at mahusay na mamamatay siya at na masisira niya ang bawat tao na kailan man ay maipapanganak. Si Marcos, si Adam, na isang mainam at malinis na tao – ay nabago ng kasalanan sa isang halimaw!
Ang bawat taong nasa tamang pag-iisip ay kinamumuhian si Hitler dahil pinatay niya ang anim na milyong mga Hudyo. Ngunit si Hitler ay inosente gaya ng isang anghel kumpara kay Adam. Si Hitler ay pumatay ng anim na milyong mga tao. Ngunit si Adam ay pumatay sa buong sangkatauhan! Bilyon-Bilyong mga tao! Sinira ni Adam ang iyong puso. Ginawa ka ni Adam na isang nagpupunta sa simbahang ipokrita – ginawa ka niyang isang ipokrita na hindi mababago ang kanyang puso – isang ipokrita na patungo sa Impiyerno, at nararapat na mapunta doon dahil sa kanyang namanang kasalanang kalikasan, at dahil tinatanggihan niya ang nag-iisang tao na makaliligtas sa kanya – si Hesus, ang huling Adam. Ang unang Adam ay nagbigay sa iyo ng isang mapagrebelde at makasalanang puso. Ang huling Adam, si Kristo, ay ang nag-iisang taon makapagbibigay sa iyo ng bagong puso. Si Kristo lamang ang makakukuha ng iyong mabataong puso at “bibigyan kayo ng pusong laman” (Ezekiel 36:26). Iyan ang rehenerasyon. Iyan ang bagong pagkapanganak.
Ngayon tayo ay mapupunta sa isang mahirap na bahagi. Paano na ang isang tao na hindi mabago ang kanilang puso kailan man maligtas Dapat kang muling mabuhay. Ang Rehenerasyon ay isang lubos na mahalagang doktrina. Hindi ko nadidinig ang mga mangangaral na magsalita patungkol rito ngayon. Di nakapagtataka ang ating mga simbahan ay namamatay! Ang salitang “rehenerasyon” ay tumutukoy sa isang paggawa ng Diyos na nagbabago ng psuo at nagbabago nito mula sa pagkamatay sa pagkabuhay. Tinawag ni Kristo ang pagkabuhay mula na “pagkapanganak muli,” isang espiritwal na pagbabago, isang pagkalikha ng isang bagong puso na isang gawain ng Banal na Espiritu, isang pagkilos kung saan ang isang tao ay nababago mula sa anak ni Adam sa isang anak ng Diyos. Ang rehenerasyon ay isang pagkilos ng Diyos lamang, isang pagkilos kung saan ginagawa Niya ang isang patay na puso, na minana mula kay Adam, na buhay muli. Ang bagong pagkapanganak ay kinakailangan dahil ang iyong puso ay patay bago ka muling mabuhay.
Ang pinaka mahusay na testimonyo na aking nabasa kailan man na mula sa isang kabataan ay ang testimonyo ni John Cagan. Ito’y tamang-tama na isang taong nakabasa nito ay nagsabi sa akin na hindi maaring ito’y nanggaling sa isang labin limang taong gulang na batang lalake. Ang inakusa ako ng taong ito na nagsulat nito mismo, o sa pinaka kaunti ay nag-aayos nito at nagdaragdag rito. Si John mismo ay naka-upo rito sa plataporma kasama ko. Matitiyak niya na hindi ko ito isinulat o binago sa anumang paraan – o kaya ang kanyang ama, si Dr. Cagan. Nagkaroon tayo ng mga taong naligtas sa pamamagitan ng simpleng pagbabasa nito o pagkadinig nitong nabasa.
Ang pagkamatay ng puso ng tao sa unang Adam ay kailangang baligtarin, Kailangang buhayin muli ito ni Kristo, ang huling Adam. Ito’y ginawang napaka linaw ng Apostol Pablo,
“Sa pamamagitan ng isang [Adam] pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran [Kristo]… Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao [Adam] ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa [Kristo] ang marami ay magiging mga matuwid” (Mga Taga Roma 5:18, 19).
Muli, pinaghahambing ng Apostol si Adam at Kristo,
“Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay; Ang huling Adam [si Kristo] ay naging espiritung nagbibigay buhay” (I Mga Taga Corinto 15:45).
Si Kristo lamang (ang huling Adam) ang makadadala sa patay na puso ng isang makasalanan sa buhay. Nababago ni Kristo ang puso mula sa pagkaalipin sa kasalanan sa isang bagong puso, isang puso na umiibig sa Diyos. Ang gawaing ito ay nagsisimula kapag ginagawang totoo sa iyo ng Espiritu ng Diyos ang iyong makasalanang puso (Juan 16:8). Tapos ang Espiritu ng Diyos ay naglalantad sa iyo kay Kristo (Juan 16:14, 15). Sa wakas dinadala ka ng Diyos kay Kristo (Juan 6:44). Iyong tatlong mga hakbang sa rehenerasyon na ipinakita sa iyo sa testimonyo ni John Cagan. Sa unang talata si John ay tumutukoy ng kanyang masamang puso na namana mula kay Adam. Sa pangalawang talata, si John ay nagsasalita kung paano siya’y napatunayang lubos ng Diyos sa kanya ang kanyang mga kasalanan na siya’y nagulo nito. Sinabi niya, “sinimulan kong kamuhian ang aking sarili, kamuhian ang aking kasalanan at paano nito ako naparamdam.” Sa pangatlong talata sinasabi ni John kung paano na ang kanyang makasalanang puso ay namuhi sa aking pangangaral, at ang kanyang pagtanggi kay Kristo. Ito’y isang gahiganteng pakikipaglaban sa pagitan ng kanyang makasalanang puso at Diyos, at ang kanyang walang kakayahang magpunta kay KRisto. Sa pang-apat na talata sinasabi sa atin ni John ang pag-iisip patungkol sa pagdurusa ni Kristo sa Krus upang iligtas siya mula sa kasalanan. Ang pag-iisip na ito ay sumira sa kanyang pagka matigas ang ulo kagustuhan at sa wakas ay namahinga kay Kristo. Sa wakas, sa katapusan ng kanyang pagbabagong loob sinasabi ni John, “Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sa akin at dahil rito ibinibigay ko ang aking lahat sa Kanya…dahil binago Niya ako.” Ipusta mo iyan! Siya’y isang masamang binata! Ngunit ngayon siya ay isang tao ng Diyos!
Sa sunod na buwan si John Cagan ay papasok sa teyolohikal na seminaryo upang maghanda upang maging isang Bautistang ministor.
Sino ka man – ika’y isang nawawalang makasalanan, kasama ang iyong patay na puso, patay dahil ika’y nakagapos sa kasalanan ni Adam. Kung ika’y tulad niyan, si Hesu-Kristo ang iyong nag-iisang pag-asa – dahil Siya lamang “ang makasisisra sa kapangyarihan ng napawalang bisang kasalanan at mapalaya ang bilango” gaya ng paglagay nito ni Charles Wesley. Mayroong kapangyarihan kay Kristo upang baguhin ang iyong puso at linisan ito gamit ng Kanyang sariling Dugo. Magtiwala sa Kanya at ililigtas ka niya.
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagkaligtas at mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, magpunta at makipag-usap kay Dr. Cagan, John Cagan, at ako. Magpunta ka at kasusapin kami habang si Gg. Griffith ay kumanta ng “Kay Hesus” dalawang beses, ang lahat na tatalong berso.
Sinubukan kong walang saysay isang libong paraan
Ang aking mga takot upang sugpuin,
Ang aking mga pag-asa upang ibangon;
Ngunit ang aking kailangan, sinasabi ng Bibliya,
Is ever, only Jesus. Ay kailan man, si Hesus lamang.
Ang aking kaluluwa ay gabi, ang aking puso ay bakal –
Hindi ako makakita, hindi ako makaramdam;
Para sa ilaw, para sabuhay, dapat akong umapela
Sa simpleng pananampalataya kay Hesus.
Kahit ang ilan ay tumawa, at ilan ay magsisi,
Magpupunta ako kasama ng lahat ng
Aking pagkakasala at hiya;
Magpupunta Ako dahil ang Kanyang Pangalan,
Mas higit sa lahat ng pangalan, ay Hesus.
(“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus”
ni James Procter, 1913).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song:
Mga Taga Roma 5:17-19.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kay Hesus.” Isinalin mula sa
“In Jesus” (ni James Procter, 1913).