Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




LUMABAS MULA SA KANILA!

COME OUT FROM AMONG THEM!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Nobiyembre taon 2016
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Evening, November 13, 2016

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).


“Magsialis kayo sa kanila.” Ibig nitong sabihin iwanan iyong mga nabubuhay sa kasalanan. Iyan ang ibig sabihin ng “paghihiwalay,” Magsialis kayo sa kanila.” Ang paghihiwalay ay isa sa pinaka mahahalagang pagtuturo sa Bibliya. Ang paghihiwalay ay mahalagay dahil hindi ka maaring maging isang Kristiyano na wala ito. Ang paghihiwalay ay mahalaga dahil hindi ka maaring mabuhay ng isang matagumpay na buhay na wala ito. Hindi ka maaring mabuhay ng isang nakapananaig na buhay na walang paghihiwalay. Ang ibig sabihin ng paghihiwalay ay hindi pagkakatali sa pakikipagkaibigan sa mga di mananampalataya. Ang ibig sabihin ng paghihiwalay ay di pagmamahal sa mundo. Sinasabi ng Bibliya, “Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng [Diyos]” (I Ni Juan 2:15). Muli sinasabinito, “Sinoman […] magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). Mayroong sumipi kay Hesus sa akin, upang ayusin ako, “Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:35). Ngunit sino ang tinutukoy Niya? Hindi mga di mananampalataya. Siya ay tumutukoy sa mga alagad na pag-iibig sa isa’t isa. Sinabi ni Shakespeare, “Maaring isipi ng Diablo ang Kasulatan sa kanyang layunin.” Ginagawa ito ng ating tekstong malinaw,

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon”
           (II Mga Taga Corinto 6:17).

Bakit ang paghihiwalay mula sa mga nawawalang mga tao ay napaka halaga?

I. Una, ang paghihiwalay ay mahalaga dahil itinuturo ito sa buong Bibliya.

Nawala ng asawa ni Lot ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng paghihiwalay mula sa kanyang makasalanang mga kaibigan sa lungsod ng Sodom. Sinabi ng Diyos kay Lot na Kanyang sisirain ang lungsod. Sisirain Niya ito dahil ang mga tao doon ay napaka makasalanan at makamundo. Sinabi ng Diyos kay Lot, “Magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan” (Genesis 19:14). Sinabi ni Lot sa kanyang asawa na dapat nilang lisanin ang Sodom. Sinimulan niyang sundan ang kanyang asawa habang siya’y umalis. Ngunit ayaw niyang iwanan ang kanyang makasalanang mga kaibigan. Nagsimula siyang umalis kasama ng kanyang asawa. Ngunit “ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin” (Genesis 19:26). Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie, “ang kanyang puso ay nasa Sodom pa rin. Ayaw niyang ihiwalay ang kanyang sarili mula sa kanyang mga makasalanang mga kaibigan. Lumingon siya at tumingin sa kanyang mga nawawalang mga kaibigan. Habang siya’y lumingon upang bumalik sa kanyang mga makasalanang mga kaibigan siya ay naging isang haligi ng asin.” Ang apoy at asupre na ipinadala ng Diyos sa Sodom ay tumakip sa kanya. Natakpan siya ng maapoy na asupre. Asupre na ibinuhos ng Diyos sa kanyang buong katawan. Siya ay nabalot sa isang natunay na haligi. Siya ay nasunog na buhay dahil ayaw niyang mahiwalay mula sa kanyang makasalanang mga kaibigan sa Sodom. Nawala niya ang kanyang kaluluwa at nagpunta sa Impiyerno. At sinabi ni Hesus,

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32).

Kung lilisanin mo ang simbahan at babalik sa iyong mga makasalanang mga kaibigan iyan ay mangyayari sa iyo. Ika’y masisira ng apoy ng paghahatol ng Diyos!

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.”

Si John Bunyan, ang ating Bautistang ninuno, ay nagbigay ng parehong kwento. Isang lalake ang lumisan ng Lungsod ng Pagkasira. Hindi siya lumingin habang siya’y tumakbo papunta kay Kristo. Dalawa sa kanyang mga di ligtas na mga kaibigan ay tumakbo papunta sa kanya. Sinabihan niya silang bumalik sa Lungsod ng Pagkasira. Ngunit hindi siya nakinig sa kanila. Sinabihan niya silang bumalik sa kanyang mga nawawalang mga kaibigan. Ngunit hindi niya ito ginawa. Humiwalay siya mula sa kanyang mga nawawalang mga kaibigan at naligtas (isinaling pinakahulugan sa ibang salita mula sa Ang Pag-unlad ng Peregrino [Pilgrim’s Progress] ni John Bunyan).

Kung magsisimula kang magpunta sa simbahan at gustong maligtas ang parehong bagay ay mangyayari sa iyo. Ang iyong mga nawawalang mgakaibigan at mga kamag-anak ay karaniwang gagawin ang lahat ng kanilang magagawa upang bumalik. Upang bumalik kasama nila sa isang makasalanang buhay. Ang mga kaibigan ng tauhan ni Bunyan ay nagsabing, “Iiwanan mo ba ang lahat ng iyong makamundong mga kaibigan?” “Oo,” sinabi ng tauhan ni Bunyan, “Oo, iiwanan ko silang lahat, dahil iyan ang nag-iisang paraan na mahahanap ko ang kaligtasan kay Kristo.” Totoo ito patungkol sa asawa ni Lot. Bumalik siya patungo sa kanyang makasalanang mga kaibigan at nasunog na buhay sa apoy ng paghahatol ng Diyos. Totoo ito sa panahon din ni Bunyan. At totoo pa rin ito ngayon! Paghihiwalay mula sa makasalanang mga kaibigan ay ang nag-iisang paraan na ika’y maliligtas. Iwanan ang iyong mga makasalanang kaibigan kung susubukan nilang pigilan ka mula sa pagpupunta sa isang simbahan. Iwanan sila at magpunta kay Hesus. Iyan ang nag-iisang paraan upang maging isang tunay na Kristiyano.

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon … At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).

Lumabas mula sa kanila! Ang paghihiwalay ay kinakailangan. Dapat mong iwanan ang mga makasalanang kaibigan kung gusto mong maligtas ni Hesus mula sa kasalanan at Impiyerno. Dapat mong iwanan ang iyong mga makasalanang mga kamag-anak at nawawalang mga kaibigan kung tunay mong gustong maligtas mula sa kasalanan ni Hesus. Sinasabi ng Bibliya,

“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?” (II Mga Taga Corinto 6:14).

Ibinigay ni Dr. John R. Rice ang kumentong ito. Sinabi niya,

Isa sa pinaka malinaw na doktrina ng Bibliya ay ang doktrina ng Krisityanong paghihiwalay. Ito’y isang pagtuturo na idiniin ng Diyos araw- araw, paulit-ulit, walang hanggan, sa mga Hudyo… Noong isinagabal ng Hudyong magsasaka ang kanyang koponan, sinabhi niya sa kanyang puso, “Iniutos ng Diyos na huwag mag-araro na may magkahalong koponan. Maari akong mag-araro gamit ng dalawang mga baka o dalawang mga buriko; ngunit hindi ko sila maaring ipaghalo. Hindi ko sila maaring ihalo dahil gusto ng Diyos na maalala ko na hindi ako maghahalo doon sa mga hindi tao ng Diyos” (Isinalin mula kay Dr. John R. Rice, Ang Di Magkapantay na Yugo [The Unequal Yoke], Sword of the Lord, 1946, mga pah. 4-5).

Paghihiwalay mula sa pakikipagkaibigan sa mga di mananampalataya ay itinuro mula sa isang dako ng Bibliya patungo sa isa.

“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?” (II Mga Taga Corinto 6:14).

II. Pangalawa, ang paghihiwalay ay nagdadala sa iyo papaalis mula sa pagkikipagkaibigan sa mundo at sa pagkikipagkaibigan sa lokal na simbahan.

Makinig kay Hesus sa Juan 15:19. Sinabi ni Hesus,

“Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan” (Juan 15:19).

Idiin ang pansin sa mga salitang iyon, “kayo’y hinirang ko sa sanglibutan.” Sabihin ang mga salitang iyon ng malakas, “Kayo’y hinirang ko sa sanglibutan.”

Sa Juan 17:6, sinabi muli ni Hesus,

“Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan …”

Ang Griyegong salita na naisaling “sanglibutan” sa pareho ng mga berso na ito ay tumutukoy sa nawawalang sangkatauhan. Sinabi ni Hesus,

“Kayo'y hinirang ko sa sanglibutan” (Juan 15:19).

Ibig nitong sabihin ay pahihiwalay. Tayo ay napili “mula sa sanglibutan.”

Ang Griyegong salitang isinalin na “iglesia” [simbahan] sa Bagong Tipan ay “ekklesia.” Ibig nitong sabihin “ang mga hinirang,” mula sa “ek” mula sa, “kaleo” upang tawagin (isinalin mula kay Vine). Kaya ang salitang “iglesia” ay nangangahulugang “ang mga nahirang” (Isinalin mula sa Scofield, sulat sa Mateo 16:18).

Pakinggan ang Mga Gawa 2:47. Narito ay isang paglalarawan ng nangyari sa lokal na simbahan sa Jerusalem. Sinasabi nito,

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).

Sinabi ni Hesus,

“Kayo'y hinirang ko sa sanglibutan” (Juan 15:19).

Sa makabagong Ingles ito’y napaka linaw,

“At idinaragdag sa kanila ng Panginoon [ang mga hinirang]”
       (Mga Gawa 2:47).

Kung gayon, tayo ay tinawag palabas ng sanglibutan at papasok sa simbahan.

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo sabi ng Panginoon…”
         (II Mga Taga Corinto 6:17).

Ang biblikal na paghihiwalay ay naglalabas sa iyo mula sa pakikisama sa sanglibutan. Ang paghihiwalay ay nagdadala sa iyo sa pakikisama sa lokal na simbahan. Iniiwan mo ang sanglibutan, at gumagawa ka ng isang buong bagong pangkat ng mga bagong kaibigan sa simbahan.

III. Pangatlo, ang paghihiwalay ay isang bagay ng puso.

Pakilipat sa Santiago 4:4. Ito’y nasa pahina 1309 ng ating Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas,

“Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4).

Ito’y isang malinaw na pahayag! “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.” Maari nang magsi-upo.

Si Hesus ay mabait sa mga nawawalang mga tao. Kumain pa siya kasama ng mga publikano at mga makasalanan. Ngunit ang Kanyang malalapit na mga kaibigan ay ang mga Disipolo, si Maria at Martha, at Lazarus. Ang Kanyang mga kaibigan ay lahat mga tunay na mga Kristiyano – at tinatawag ka Niya upang sundan Siya. Tiyakin na ang lahat ng iyong mga malalapit na mga kaibigan ay mga tunay na Kristiyano! Isuko ang lahat ng mga kaibigan na di tunay na mga Kristiyano. Iyan ang itinuturo ng Bibliya!

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon … At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).

Ibinigay ni Albert Barnes ang mga pahayag na ito base sa mga salitang iyon sa Bibliya. Sinabi niya,

      Silang [gustong maging mga Kristiyano] ay dapat magpasiya na ihiwalay ang kanilang sarili mula sa sanglibutan. Ang [Kristiyanismo] ay hindi maaring mabuhay kung saan walang ganoong paghihiwalay, at silang di handang iwanan ang [mga di nananamapalatayang] mga kasamahan…at mahanap ang kanilang mga kaibigan at mga galak sa mga tao ng Diyos ay [di maaring maging mga tunay na mga Kristiyano]…Dapat magkaroon ng isang linya na maiguhit sa pagitan ng mga kaibigan ng Diyos at mga kaibigan ng kasalanan… bagaman hindi kami tumatangging makihalubilo sa kanila bilang mga kapit bahay at mga mamamayan… ang mga napili nating mga kaibigan pa rin at ang mga pinaka-iibig na mga pakikipagkaibigan ay dapat doon sa mga tao ng Diyos. Dahil, ang mga kaibigan ng Diyos ay dapat ating mga kaibigan; at ang ating kaligayahan ay dapat maging nasa kanila, at dapat makita ng mundo na mas pinipili natin ang mga kaibigan ni [Kristo] sa mga kaibigan ng kasakiman. ambisyon, at kasalanan (Isinalin mula kay Albert Barnes, Mga Sulat sa Bagong Tipan II Mga Taga Corinto [Notes on the New Testament, II Corinthians], Baker Book House, 1985 inilimbag muli, pah. 162)

Dapat makita ng sanglibutan na ayaw natin ng gusto nila!

Sinabi ni Barnes sa atin, “Dapat nating pagpasiyahan na ihiwalay ang ating mga sarili mula sasanglibutan…at upang mahanap ang ating mga malapit na mga kaibigan at mga kagalakan sa mga tao ng Diyos” (Isinalin mula sa ibid.).

John Bunyan said this to those who tried to pull a man back from seeking salvation. He said, Sinabi ni John Bunyan ito doon sa sumubok na humatak sa isang lalake pabalik mula sa paghahanap ng kaligtasan. Sinabi niya,

“Nabubuhay ka sa Lungsod ng Pagkasira…at ang lahat na namamatay doon ay lulubog na mas mababa kaysa sa libingan sa isang lugar na nasusunog ng apoy at asupre. Makumbinsi, at magpunta kay Kristo kasama ko.” “Ano!” sigaw [ng taong sumunod sa kanya]. “At iwanan ang lahat ng ating mga kaibigan at mga kaaliwan?” “Oo,” sabi [ng taong naghahanap kay Kristo], “dahil lahat ng iyong [isusuko] ay hindi nararapt na ikumpara doon sa…hinahanap ko…Dahil hinahanap ko si Kristo – hindi kasalanan” (Isinalin mula kay John Bunyan, Ang Pag-unlat ng Peregrino sa Ingles Ngayon [Pilgrim’s Progress in Today’s English], isinabing muli ni James H. Thomas, Moody Press, 1964, mga pah. 13-14)

.

Ika’y tinawag mula sa mundo ni Kristo. Ang taong tumatangging humintong humanap ng pakikipagkaibigan at kaaliwan ng mundo ay hindi magpupunta kay Kristo. Hindi ka maaring tumingin sa dalawang direksyon ng na magkasabay! “Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:8). Ang isang “dalawa ang akalang” tao ay hindi magpupunta kay Kristo!

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon … At ako sa inyo'y magiging ama …” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).

Gusto ni Kristong huminto kayo sa pagtitiwala sa mundo at imbes ay magtiwala sa Kanya. Gaya ng paglagay nito ng himno,

“Ibigay mo sa akin ang iyong puso,” ang
   sinasabi ng Tagapagligtas ng tao,
Tumatawag muli’t muli sa awa;
   Biyayang mas masagana ay sa akin upang ibahagi,
Hindi ba ako namatay para sa iyo?
   Ibigay sa akin ang iyong puso.
“Ibigay sa akin ang iyong puso,
   Ibigay sa akin ang iyong puso,”
Pakinggan ang malambot na bulong, kung saan ka man;
   Mula sa madilim na mundong ito Aalisin ka Niyang hiwalay,
Nagsasalitang napaka nagmamahal,
   “Ibigay sa akin ang iyong puso.”
(“Ibigay sa Aking ang Iyong Puso.” Isinalin mula sa
     “Give Me Thy Heart” ni Eliza E. Hewitt, 1851-1920).

Noong si John ay isang binatilyo nakisama siya sa mga masasamang mga anak sa simbahan. Mga batang nagpunta sa simbahan ngunit tinawanan ang ipinangaral ko. Nagsabi sila ng mga masasamang mga biro. Ang mga pinag-uusapan nila ay pagtatalik at droga tulad ng mariwana. Nagsimulan makita ni John Cagan na mali sila. Ang kanyang puso ay nakumbinsi ng kasalanan. Naramdaman niya na ang kanyang kasalanan ay humahatak sa kanya sa Impiyerno. Sa wakas si John ay tumalikod mula sa mga masasamang mga batang lalakeng iyon. Iniwanan niya silang lubusan at ibinigay ang kanyang pus okay Kristo. Nakipagkaibigan siya sa mga mabubuting mga kabataan Kristiyano dito sa ating simbahan. Di nagtagal siya ay napagbagong loob. Ang masasamang mga batang lalakeng ito na tinatawanan ang aking mga pangaral ay halos lahat wala na mula sa ating simbahan ngayon. Ngunit si John Cagan ay nagtiwala kay Kisto at nagligtas. Hindi lamang na siya’y naligtas – ngunit siya ngayon ay magpupunta sa seminaryo at magiging isang pastor. Kapag nangangaral si John nararamdaman mo na ang kanyang puso ay puno ng pagkamuhi sa kasalanan at pag-ibig para kay Hesus. Nilisan niya ang mga masasamang mga anak sa simbahan at ibinigay ang kanyang puso at buhay kay Kristo lamang. Pinagmamalaki kong sabihin na si John CAgan ay ngayon isa sa aking pinaka malapit na kaibigan. Si John at Julie Sivilay ay nagpunta kasama ng pamilya ko upang maghapunan at manood ng isang dula upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking mga anak na lalake noong huling Biyernes ng gabi. Noong ang mga masasamang mga masasamang mga lalake ay nagsi-alis na, binigyan ng Diyos si John ng isang bagong grupo ng mga kaibigan. Mga kaibigan tulad ni Aaron Yancy, Jack Ngann, Noah Song, at ang matandang mangangaral na ito. Kami ay nagmamalaking tawagin si John Cagan na isa sa mga kaibigan namin dahil ngayon siya ay kaibigan ni Kristo – at hindi na isang kaibigan ng masamang mga “anak sa simbahan.” Nagpunta siya kay Kristo. Nagpunta siya sa kay Kristo. Nagpunta siya sa atin. Napaka natutuwa kami na siya ay magiging pastor ng simbahang ito balang araw. Mangangaral siya rito kapag ang mga masasamang mga anak sa simbahan ay nasusunog sa apoy ng Impiyerno sa buong walang hanggan.

Lalayo ka ba mula mga makasalanang mga kaibigan? Magtitiwala ka ba kay Hesus ang Anak ng Diyos? Magpupunta ka ba sa Kanya, at maging mahugasan mula sa iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang Dugo? Si John Cagan at kanyang ama, at ako mismo ay gustong kausapin ka tungkol riyan rito sa harap ng pulpit. Magpunta ka, habang si Gg. Griffith ay kumanta ng kantang iyon, “Ibigay Mo sa Akin ang Iyong Puso.” Magpunta ka habang kantahin niya ito.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Noah Song: II Mga Taga Corinto 6:14-18.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ibigay mo sa Akin ang Iyong Puso” Isinalin mula sa
“Give Me Thy Heart” (ni Eliza E. Hewitt, 1851-1920).


ANG BALANGKAS NG

LUMABAS MULA SA KANILA!

COME OUT FROM AMONG THEM!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat” (II Mga Taga Corinto 6:17-18).

(I Ni Juan 2:15; Santiago 4:4; Juan 13:35)

I.   Una, ang paghihiwalay ay mahalaga dahil itinuturo ito sa buong Bibliya,
Genesis 19:14, 26; Lucas 17:32; II Mga Taga Corinto 6:14.

II.  Pangalawa, ang paghihiwalay ay nagdadala sa iyo papaalis mula sa
pagkikipagkaibigan sa mundo at sa pagkikipagkaibigan sa lokal
na simbahan; Juan 15:19; Juan 17:6; Mga Gawa 2:47.

III. Pangatlo, ang paghihiwalay ay isang bagay ng puso, Santiago 4:4; 1:8.