Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAANO MADADAIG ANG DIABLOHOW TO OVERCOME THE DEVIL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Apocalipsis 12:11). |
Si Satanas at ang kanyang mga demonikong anghel ay pinalayas mula sa Langit. Sila pa rin ay napakawalan sa mga kaitasan. Si Satanas ay tinawag na “pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin” (Mga Taga Efeso 2:2). Ang mga demonyo ay nakapupunta pa rin sa “sa dakong kaitasan” (Mga Taga Efeso 6:12) – maari silang magpunta sa “kaitasan” pa minsan. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ng Job 1:6 sa atin na ang mga demonyo ay “magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.” Ngunit hindi nila magagawa iyan pagkatapos ng 3 1/2 na taon ng Tribulasyon. Ang Tribulasyon ay isang pitong taong panahon ng matinding pag-uusig laban sa Israel at mga Kristyano sa ilalim ng padating na Anti-kristo. Ang Tribulasyon ay nagsisimula sa Anti-kristo na nagpipirma ng isang tipan sa Israel (Daniel 9:27).
Sa gitna ng pitong taon na Tribulasyon si Satanas at kanyang mga demonyo ay maitatapon mula sa kaitaas-taasang lugar at itatatapon sa lupa! Mababasa natin,
“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Apocalipsis 12:7-9).
Si Satanas ay magiging lubos na nagagalit rito. Dahil tayo ay sinabihan “ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
Ang Diablo ay nagsisimulang magalit ng higit pa kahit ngayon. Alam niya na ang karapatang pagkapanganak ng Israel ay isang tanda ng katapusan. Alam niya ang mga tanda ng katapusan ng mas higit kaysa karamihang mga mangangaral at mga teyolohikal na mga propesor. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Kristiyano ay dapat mas maging nagkakamalay sa mga “pandaraya ng diablo.” Iyan ang dahilan na dapat tayong “makipaglaban” ng higit higit laban sa kanya at kanyang mga demonyo habang ang katapusan ng panahon ay papalapit. Iyan ang dahilan na tayo ay binalaan, “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib” (II Ni Timoteo 3:1). Alam na ng Diablo na “kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12).
Ang ilang mga tao ay nagtuturo na hindi tayo maaring magkaroon ng muling pagkabuhay ngayon. Sinasabi nila na ang kapangyarihan ni Satanas ay masyadong matindi ngayon para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay sa ating mga simbahan.
Sinabi ni abogadong Jay Sekulow kamakailan lang, “Ito’y ang pangwakas na senaryo para sa mga Kristiyano sa Iraq at Syria. Sila’y sinusunog na buhay, ipinapako sa krus at pinupugutan ng ulo. Ngyon ang ISIS ay nagpakawala ng isang kemikal na mga armas. Ang pagpatay ay hindi mabata.” Gayon sa parehong beses ang pinaka dakila sa mga muling pagkabuhay sa lahat ng panahon ay nangyayari sa Iran, Iraq at Syria. Sinasabi ni Gg. Sekulow na padalhan siya ng pera upang pahintuin ang mga Muslim na mga terorista doon. Sinasabi ko ito’y kalokohan! Walang katuturan! Hindi nila kailangan ng pera! Kailangan nila tayong manalangin para sa Diyos na magpatuloy na bumaba roon sa muling pagkabuhay! Iyan ang dahilan na kailangan kong ang mga Kristiyanong manalangin,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay [magpatuloy] bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan…upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!” (Isaias 64:1-2).
Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Iyan ang pangwakas na kaugnayan sa muling pagkabuhay! …ang espesyal, mapagpilit na panalangin para sa isang bisitasyon ng Espiritu ng Diyos sa muling pagkabuhay. Walang salita ang mas mainam na nagpapahayag nitong [panalangin] na ito kaysa sa pariralang iyan sa himno ni Cowper, ‘Oh buksan mo ang mga kalangitan, bumabang madalian, at gawin ang isang libong mga pusong sa iyo’…Ang mga anak ng Israel…ay magkaroon ng mga napopoot na mga bansang magsama-sama, mga kalaban ay magpupulong-pulong sa paligid nila, ngunit anong kinalaman nito? Narito ay isang Diyos na kayang mapanginig ang mga bundok at iyan [ang dapat nating] ipagdasal” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1994 edition, mga pah. 305, 307).
Kapag mababasa mo ang tungkol sa mga teribleng mga bagay na ginagawa ng mga Muslim na iyon sa mga Kristiyano, huwag magpadala ng pera sa isang abugado sa Amerika! Paano niya, o kahit sino sa lupa, makakatulong sa kanila? Nararasan na nila ang muling pagkabuhay, na may daan-daang mga Muslim na tumitingin sa Panginoong Hesu-Kristo. Huwag magpadala ng pera. Hindi sila nito matutulungan sa kahit anong paraan! Magpadala ng malalakas na mga panalangin sa Makapangyarihang Diyos. Siya at Siya lamang ang makaliligtas sa kanila. Kahit habang ang mga bagong mga Kristyanong ito ay sinusunog na buhay, ipinapako sa krus at pinupugutan ng ulo – bubuksan ng Diyos ang Kanyang mga braso at tatanggapin sila sa walang hanggang ligaya ng Langit. At ang mga martir na ito ay sa pamamagitan ng kanilang pagdurusa, ay magpapalakas ng loob ng higit higit pang mga Muslim na tumalikod mula sa terorismo sa napako sa krus na Kristo, na namatay sa Krus upang iligtas ang kanilang mga kaluluwa. Gaya ng sinabi ni Tertullian sa pangalawang siglo ng naunang mga Kristiyano, noong sila’y inusig ng mga hetanong mga Taga-Roma, “Ang dugo ng mga martir ay ang butil ng simbahan.” Nadidinig natin ang mga ulat na mga Muslim na mga pinuno at natatakot dahil napaka rami sa kanilang mga tao ay tumitingin kay Hesu-Kristo ang Panginoon. Ang dakilang Taga-repormang si Luther na nagsulat ng isang himno para sa nausig na mga Kristiyano ng kanyang araw. Ito’y bilang 7 sa iyong kantahang papel.
Isang makapangyarihang harang ang ating Diyos,
Isang harang na di kailan mang nabibigo,
Ang ating taga tulong Siya, sa gitna ng baha
Ng kasamaan ng mga taong nananaig.
Dahil ang ating lumang kalaban ay
Naghahangad na mapinsala tayo;
Ang Kanyang gawain at kapangyarihan ay dakila,
At, naarmas ng malupit na kamuhian,
Sa lupa ay hindi kanyang kapantay.
Tayo ba sa ating sariling lakas nagtiwala,
Ang ating pagpupunyagi ay matatalo,
Ay hindi at tamang Tao sa ating panig,
Ang Tao ng sariling pagpipili ng Diyos.
Tatanungin kung sino iyan? Si Kristo Hesus, ay Siyang ito;
Panginoong Sabath ang Kanyang pangalan,
Mula sa lahat ng panahon ay parehas,
At dapat Siyang magtagumpay sa laban.
(“Isang Makapangrihang Harang Ang Ating Diyos.” Isinalin mula sa
“A Mighty Fortress Is Our God” ni Martin Luther, Th.D., 1483-1546).
Iyan sakto ang nangyari sa Tsina. Ang Banyagang mga misyonaryo ay itinaboy papalayo ng Tsina ng Komunistang diktador na si Mao Tse Tung. Sa loob ng cultural na rebolusyon, ang mga simbahan ay sinunog. Ang mga pastor ay inilagay sa bilanguan. Libo-libong mga Tsinong Kristyano ay inusig, pinatay at binilanggo. Ngunit ang Diyos ay kasama nila. Isang dakilang muling pagkabuhay ng Kristiyanismo ay nagsimula. Ang mga Komunista ay sinbukan ang lahat na kanilang makakaya upang pigilan ang Kristyanismo mula sa pagkakalat. Ngunit sila’y nabigo. Sila na ngayon ay mayroong higit sa 150 na milyong mga Kristiyano sa Tsina. Mas maraming mga tao ay nasa simbahan sa Tsina ngayon kaysa mayroon ang lahat ng Amerika, Canada, at Europa! Ginawa iyan ng Diyos sa Komunistang Tsina – at ang parehong Diyos ay magagawa iyan sa Gitnang Silangan! Sa katunayan, ginagawa Niya ito! Manalangin sa Diyos na magtayo ng sampung libong higit pang mga Kristiyano doon sa mga Muslim na mga lupaing iyon! Gaya ng sinabi ni Martin Luther,
Hayaan ang mga kagamitan at mga kaibigan na mawala,
Ang mortal na buhay ring ito;
Ang katawan ay maari nilang patayin:
Ang katotohanan ng Diyos ay nagpapatuloy pa rin,
Ang Kanyang kaharian ay magpakailan man.
At iyan sakto ang mangyayari sa mga tunay na mga Kristyano sa loob ng matinding Tribulasyon na darating. Brutal na sasalakayin sila ni Satanas.
Ang mga kalaban ni Kristo ay darating at bibilangguin at pupugutan ng ulo ang libo-libong mga Kristiyano. Ngunit matatagumpayan ni si Satanas! Paano?
“At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Apocalipsis 12:11).
“Sa pamamagitan ng Dugo ng Kordero.” Ang Dugo ni Hesu-Kristo ay gagawa sa kanila ng walang hanggang ligtas. Kahit ngayon, kapag sasalakayin ka ni Satanas, kapag gagawin ka niyang maramdamang malungkot at walang pag-asa, tandaan ang Dugo ni Kristo. Kapag titingin mo ang Dugo ng Tagapagligtas, ika’y maitataas mula sa pagkawa sa sarili at takot, gaya lang ng mga Kristiyano sa Tribulasyon. Ika’y matatagumpayan ni Satanas sa pamamagitan ng Dugo ng Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng lahat at kalungkutan.
At kanilang matatalo si Satanas
“sa pamamagitan ng salita ng kanilang testimonyo.” Sila’y tetestigo patungkol kay Hesus ang kanilang Tagapagligtas. Ang pagka martir ay isang dakilang tagumpay laban kay Satanas. “Ang dugo ng martir ay [tiyak] na butil ng simbahan.” Si Pastor Samuel Lamb ay inilagay sa isang Tsinong bilangguan ng maraming beses. Sa wakas sinabi niya, “Tumigil ang mga Komunista sa pagdadakip sa akin. Tumigil sila sa pagdadakip sa akin dahil bawat pagkakataon na inilagay nila ako sa bilangguan, ang aming simbahan ay lumago. Mas higit pang pag-uusig ay nangangahulugang mas higit pang pagpapala!”
Tumayo at kantahin ang bilang 8 sa inyong kantahang papel.
Pananampalataya ng ating mga ama! nabubuhay pa rin,
Kahit sa bilangguan, apoy, at espada:
O, ang ating mga puso ay tumitibok ng mataas na may galak
Tuwing ating naririnig iyang maluwalhating salita!
Pananampalataya ng ating mga ama, banal na pananampalataya!
Kami ay magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
(“Pananampalataya ng Ating mga Ama.” Isinalin mula sa
“Faith of Our Fathers” ni Frederick W. Faber, 1814-1863).
At ang mga Kristiyano sa Tribulasyon ay matatalo si Satanas sa pamamagitan ng pagkabukas ng kanilang loob na mamatay para kay Kristo. “At hindi nila inibig ang kanilang mga buhay hanggang sa kamatayan.” Hindi nila inibig ang kanilang mga buhay kahit na kinailangan nilang mamatay para kay Kristo. Ganyan nila natalo si Satanas! Tumayo at kantahin ang bilang 8 muli,
Pananampalataya ng ating mga ama! nabubuhay pa rin,
Kahit sa bilangguan, apoy, at espada:
O, ang ating mga puso ay tumitibok ng mataas na may galak
Tuwing ating naririnig iyang maluwalhating salita!
Pananampalataya ng ating mga ama, banal na pananampalataya!
Kami ay magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
Ang ating mga ama, nakagapos sa bilangguang madilim,
Ay nasa puso pa rin, at konsensya ay malaya;
Napaka tamis ang kapalaran ng kanilang mga anak,
Kung katulad nila, ay mamamatay apara sa iyo!
Pananampalataya ng ating mga ama, banal na pananampalataya!
Kami ay magiging totoo sa iyo hanggang sa kamatayan!
“At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Apocalipsis 12:11).
Ang mga taong natalo si Satanas ay iyong mga taong binubuhay ang mga salitang iyon sa kanilang mga buhay ngayon. Nanalangin tayo para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay sa ating simbahan ng 42 na taon. Ngunit ang muling pagkabuhay ay di kailan man dumating. Ang dahilan ay malinaw sa akin. Ang mga tao ay dumating ng ilang panahon at tapos umalis upang bumalik sa kasalanan. Paano na mga di napagbagong loob na mga tao tulad niyan ay maranasan kailan man ang isang muling pagkabuhay? Hindi ito posible. Taon taon umalis sila upang bumuhay ng makasalanan, at makasariling mga buhay. Sa wakas huminto sila sa pag-alis. Sa wakas ang ilan sa ating mga sariling mga anak ay tunay na napagbagong loob. Tapos, unti-unti ang ilan pa ay pumasok at tunay na napagbagong loob. Sa wakas mayroon na lamang apat o limang “lumaki sa simbahan” na mga bata na nanatiling di napagbagong loob. Tapos sa wakas sinagot ng Diyos ang ating mga panalangin. Noong iyong malulupit ay wala na, ang Diyos ay nagpadala ng muling pagkabuhay sa atin.
Isang babae ay nagsimulang manalangin ng isang tunay, taos pusong mga panalangin para sa muling pagkabuhay. Tapos isa sa mga kababaihan ay bumagsak at nanalangin para sa muling pagkabuhay na may mga luha. Tapos kasabay nito tatlong kabataang mga kalalakihan ang nagpunta upang manalangin kasama ko sa aking tahanan para sa muling pagkabuhay. Sa wakas, noong lahat ng makamundong nawawalang mga tao ay wala na, ang ating mga panalangin ay sinagot. 24 ng mga tao ay inaasahang napagbagong loob sa loob ng panahon ilang linggo! Napunta sila sa ilalim ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan. Lumuha sila at sumigaw habang nagpunta sila kay Hesus. Dalawa sa kanila ay 80 taong gulang, na napaka di pangkaraniwan sa mga ating panahon. Labin tatlo sa kanila ay kolehiyo ang edad na mga kabataan. Isa sa kanila ay isang nawawalang Katimugang Bautistang lalake. Nakipagtalo siya sa akin ng maraming buwan na siya ay ligtas na. Ngunit tunay siyang naligtas sa taong ito sa muling pagkabuhay! Di pa tayo kailan man nakakita ng 24 na mga taong napagbagong loob sa ganoong kaikling panahon. Nadama nating lahat ang presensya ng Diyos sa mga pagpupulong. Bibinyagan ko ang halos kalahati sa kanila sa ilang linggo.
Ito’y dapat isang napaka ligayang panahon, isang panahon ng pagbibigay pasasalamat sa Diyos para sa ganoong isang pagbubuhos ng Kanyang Espiritu, pagdadala ng mga taong ito kay Kristo para sa paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Dugo na Kanyang ibinuhos sa Krus. Maging handang magbigay ng isang testimonyo sa sunod na Sabadong gabi patungkol sa anong ginawa ng Diyos para sa iyo!
Maaring magkaroon ng ilan pang mga inaasahang mga pagbabagong loob bago matapos ang taong ito. Nagkaroon na naman tayo ng isa kagabi. At tiyak akong matatandaan natin palagi ang taong ito 2016 bilang ang taon ng ating unang ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay.
Ngunit huwag dapat nating isipin na ang simbahan ay laging nasa isang kalagayan ng muling pagkabuhay. Maaring magkaroon ng maraming buwan, o pati taon bago gawin ito ng Diyos muli. Sa ngayon dapat tayong magbigay pasasalamat sa Diyos para sa matinding pagbubuhos na ito ng Banal na Espiritu. Huwag dapat nating subukang mabuhay sa isang patuloy na kalagayan ng muling pagkabuhay o tayo ay madidismaya at malulungkot. Ang isang simbahan ay hindi maaring mabuhay sa isang patuloy na kalagayan ng muling pagkabuhay. Magiging muling nabuhayan tayong naka-steroid! Malalantay tayo nito. Kaya, huminto na muna tayo ng ilang panahon at purihin lamang ang Diyos para sa 24 na mga pagbabagong loob na iyon. Magkakaroon ng higit pang mga pagbabagong loob paminsan-minsan. At sa hinaharap, naniniwala ako maaring magkaroon ng isa pang muling pagkabuhay, na mas matindi.
Ngunit sa natitira ng taong ito, magpuri tayo sa kapangyarihan ng Diyos at Dugo ni Kristo. At manalangin tayong lahat para sa mga bagong mga napagbagong loob, na sila tulad ng mga Kristiyano sa Tribulasyon, ay “dinaig [si Satanas] dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan” (Apocalipsis 12:11). Magsitayo tayo at kantahin ang temang kanta nitong ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Ito’y bilang 9 sa inyong kantahang papel.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
At kung hindi ka pa rin ligtas hinihingi namin na pagsisihan ang iyong kasalanan – at tumingin kay Kristo at magtiwala sa Kanya, at maging mahugasan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo na ibinuhos para sa iyo sa Krus. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 12:7-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Makapangyarihang Harang Ang Ating Diyos.”
Isinalin mula sa “A Mighty Fortress Is Our God” (ni Martin Luther, 1483-1546).