Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA DEMONYO NGAYON

DEMONS TODAY
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-23 ng Oktubre taon 2016

“At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno. At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu” (Marcos 5:1-2).


Di ko kailan man nadinig ang aking pastor na mangaral patungkol sa demoniyak sa Gadareno. Si Billy Graham ay dating nangaral patungkol rito – ngunit di kailan man ang pastor ng isang simbahan. Bakit iyan ganoon? Sa tingin ko ito’y dahil sa ang kwento ay tungkol sa mga demonyo. Ito’y patungkol sa pagkakagulo ni Kristo at Satanas. Tinatakot niyan ang ilang mga kababaihan sa simbahan. Nagsulat si David Murrow ng isang buong aklat patungkol riyan. Tinatawag itong, Bakit Ang Mga Kalalakihan ay Kinamumuhiang Magpupunta sa Simbahan [Why Men Hate Going to Church] (Nelson Books, 2005). Sana ang bawat pastor ay mabasa ang aklat na iyan! Itinuturo ni Murrow na ang mga kalalakihan at mga kabataan, sa pagitan ng 18 hanggang 29, ay ang pinaka di malamang na magpunta sa simbahan (pah. 18). Sinabi niya na ang mga kalalakihan at mga batang may gulang ay “kumikiling sa pagsubok.” Ang kanilang susing mga kinahahalagahan ay pakikipagsapalaran, kapanganiban, pangangahas, kaguluhan. “Gusto nilang makilala bulang mapangahas, mapagsapalaran, pati mapanganib.” Sa kabilang dako maraming mga kababaihan at mas matandang matatanda ay “gumagawing maging kumikiling sa seguridad” (pah. 19).

Si Kristo ay gumawa ng mga mapanganib na mga bagay. Siya ay mapangahas at hindi takot na gumawa ng mga mapanganib na mga bagay at pumapasok sa kaguluhan. Sa palagay ko si David Murrow ay tama. Ang ilang mga kababaihan ay tulad niyan, at ilang mga mas matandang mga kalalakihan. Ito’y isang trahedya na madalas nagtatakda ng estilo sa ating mga simbahan. Mga pangaral patungkol sa mga demonyo at si Satanas ay hindi ibinibigay, bilang isang resulta. Ayaw nila ng kahit anong kaguluhan.

Di nakapagtataka na napaka raming mga batang kalalakihan ay nagiging radikal ng mga Muslim. Ang kanilang mga pinuno ay nagsasabi sa kanilang lumabas at masakop ang mundo para sa kanilang relihiyon. Sila’y tulad niyong 24 na taong gulang na Amerikano sa Tennessee na pumatay ng apat na mga Marino. Ito’y nangyayari na paulit-ulit ngayon. Iyong mga kabataan na naghahnap ng isang bagay na paniniwalaan. Sila’y naghahanap ng dahilan at layunin sa kanilang mga buhay!

Ngunit ang radikal na Islam ay hindi ang sagot! Ni ang malambot, pambabaeng Kristiyanimos na itinatanghal sa mga simbahan ngayon. Ngunit hinihingi kong sundin mo si Hesus. Hinihingi ko sa iyong maging isang radikal na disipolo ng Panginoong Hesu-Kristo! Mayroong isang kaguluhan. Tayo at nasa digmaan. Ngunit ang digmaan na ito ay hindi pisikal na digmaan. Ito’y espiritwal na digmaan. Ang dakilang Taga-Britanyang mangangaral na si Dr. Martyn Lloyd-Jones (1899-1981) ay nagsalita patungkol sa dimgaan na iyan. Sinabi niya, “Habang tayo ay papunta sa Kristiyanong buhay tayo ay nagiging bahagi nitong makapangyarihang kaguluhan na ito sa pagitan ng mga puwersa ng Diyos at ng mga puwersa ng impiyerno…Ang ating buhay rito sa mundong ito ay isang espiritwal na digmaan…dahil kay Satanas” (Isinalin mula sa Buhay sa Diyos [Life in God], Crossway Books, mga pah. 105, 179). Lubos akong sumasang-ayon sa kanya!

Ang kwentong ito ni Hesus at ng nademonyong tao ay mahalaga. Itinala ng Diyos ito sa tatlong magkakaibang mga lugar sa Bagong Tipan – sa Mateo, sa Marcos, at muli sa Lucas. Mayroong isang dakilang aral rito para sa mga kabataan na naninirahan sa panahong ito ng terorismo at espiritwal na digmaan!

Ang kwento ay simple. Si Hesus ay tumawid sa Dagat ng Galileo sa isang maliit na bangka. Nagpunta Siya sa kabilang panig ng maliit na dagat, sa bansa ng Gadareno. Ang aking asawa at ako ay nagpunta na roon ng maraming beses noon. Nakita namin sa sarili naming mga mata ang lugar kung saan ang lahat ng ito ay nangyari.

“At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu” (Marcos 5:2).

Ngayon, maglalabas ako ng maraming mga bagay tungkol sa batang lalakeng ito, at ang kanyang pagtatagpo kay Hesu-Kristo.

I. Una, ang batang lalakeng ito ay nasapian ng isang demonyo.

Naniniwala ba ako sa pagsasapi ng demonyo? Oo, naniniwala ako – lubos akong nainiwala! Itinuturo ng Bibliya na mayroong marming mga demonyo. Si Apostol Pablo ay nagsalita patungkol sa mga ito noong sinabi niya,

“Ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga... ukol sa espiritu ng kasamaan” (Mga Tga Efeso 6:12).

Nagsalita siya patungkol sa iba’t ibang mga uri ng demonyo at mga masasamang espiritu sa bersong iyan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Mayroong karamihan ng masasamng mga espiritu. Mayroong libo-libo, at marahil milyon-milyong, mga masasamang mga espiritu” (Isinalin mula sa Kristiyanong Pagsasama-sama [Christian Unity], The Banner of Truth Trust, 1980, pah. 58).

Paano mo mapapaliwanag ang terorismo at materyalismo, at mga kasalanan ng Amerika, kung hindi ka naniniwala sa Satanas at kanyang mga demonyo?

At ang batang lalakeng ito ay nasapian ng demonyo. Siya’y kontrolado ng mga demonyo. Personal kong nakaharap ang mga taong mayroong ganoong kondisyon. Alam ko na maari itong mangyari kapag isang kabataan ang nagdrodroga, o nasasangkot sa Itim na Salamangka at ang Kulto.

Ngunit mayroong mas kaunting antas ng demonismo na kontrolado ang pag-iisip ng lahat na hindi napagbagong loob. Ang Apostol Pablo ay nagsalita patungkol sa demoniko bilang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Mayroong isang panahon noong ang aking sariling isipan ay nabulag ng mga demonyo. Iyan ay totoo sa lahat na hindi napagbagong loob at naligtas ng Panginoong Hesu-Kristo. Tayong lahat ay nasa kalagayang iyan at kondisyon bago tayo ililigtas ni Kristo at tayo ay ipinanganak muli. Tunay na pagbabagong loob ay laging kaligtasan mula sa kapangyarihan ni Satanas!

Si Hesus ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisan ang iyong isipan at puso mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay – at iligtas ka mula sa demonikong pagkabulag! Ang dakilang mangangaral at manunulat ng himnong si Charles Wesley (1707-1788) ay nagsabi nitong mahusay,

Winawasak Niya ang kapangyarihan ng napawalang bisang kasalanan na,
   Pinapalaya Niya ang bilango;
Ang Kanyang dugo ay gumagawa sa pinaka maruming malinis;
   Ang Kanyang dugo ay nagbayad para sa akin.
(“O Para sa Libo-libong mga Dila.” Isinalin mula sa
   “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

“Winawasak [ni Kristo] ang kapangyarihan” ng kasalanan! “Pinalalaya [ni Kristo] ang bilanggo.” Ginawa Niya iyan para sa akin isang umaga noong ako’y dalawam pung taong gulang – at magagawa Niya ito para sa iyo rin! Mayroong napakaraming mga taong narito ngayong umaga na makapagsasabi sa iyo na pinalaya sila ni Kristo mula sa kasalanan at mga demonyo. Kung ika’y naligtas ni Hesus, tumayo ngayon! – maari nang magsi-upo. Magagawa ni Kristo para sa iyo ang ginawa Niya para sa kanila!

II. Pangalawa, ang batang lalakeng ito ay nag-iisa.

Sinasabi ng Bibliya na hindi siya nabuhay “sa bahay, kundi sa mga libingan” (Lucas 8.27). Ang aking asawa at ako ay naroon. Nakita namin ang mga libingan sa tabi ng burol. Naroon ang mga ito – mga butas sa baton g burol, kung saan ang mga patay na mga katawan ay nalibing. Sinasabi ng Bibliya,

“At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato” (Marcos 5:5).

Maraming mga kabataang babae ay naglalaslas ng kanilang mga sarili gamit ng pang-ahit. At hindi nila ito mapaliwanag kung bakit nila ginagawa ito. Nakakita ako ng isang dalaga sa telebisyon, na naglalaslas ng kanyang braso ng paulit-ulit tulad niyan. Ang tagapanayam ay nagtanong sa kanya kung bakit niya ito ginawa. Sinabi niya, “Hindi ko alam. Nadarama kong napupuwersang gawin ito. Hindi ako makatigil.” Ang kailangan ng dalagang iyon ay si Hesu-Kristo! Mawawasak ni Kristo iyang Satanikong pagkaalipin!

At ang lalakeng ito sa ating teksto ay nag-iisa! Ang mga demonyo ay nagpalayo sa kanyang pamilya sa isang malungkot na lugar, kung saan nakatagpo siya ni Hesus. Ngayon walang mas matinding problema para sa mga kabataan sa Amerika at sa Kanulran kaysa sa pagka mag-isa. Pagkamag-isa! Karamihan sa mga problema na nararanasan ng mga kabataan ngayon ay naka-ugat sa pagkamag-isa. Ang Beatles pati ay mayroong popular na kanta patungkol sa, “Lahat ng mga nag-iisang mga tao, saan sila lahat nanggaling?” (Isinalin mula sa “Eleanor Rigby”).

Isinulat ni Philip Slater ang isang aklat na tinatawag na Ang Paghahabol ng Pagkamag-isa [The Pursuit of Loneliness], ang may-akda ay dinudugtong ito sa pagkamag-isa “ang pambansang pagkagumon sa teknolohiya.” Sinabi ni Gg. Slater, “Ang awtomobil, halimbawa, ay gumawa ng mas higit sa lahat ng ibang mga bagay upang sirain ang taong-bayang buhay sa Amerika. Kinalat nito lahat sila kaya sila’y naging di pamilyar sa isa’t isa” (isinalin mula sa mga pah. 126, 127).

Ang mga kabataan ay sumasakay sa kanilang mga sasakyan at nagmamaneho sa Santa Barbara o Berkeley upang magpunta sa kolehiyo. Ito’y napaka dali, ngunit nawawala nila ang lahat ng kanilang mga kaibigan, siguro ay magpakailan man. Di nakapagtataka na ang mga kolehiyo ang edad na mga kabataan ay napaka mag-isa. Sinasabi mo, “Mananatili kaming magkakonekta.” Ibig mong sabihin maari kayong magtekst sa isa’t isa. Iyan ba ay gagawa sa iyong “konektado”? Hindi – walang tunay na “pagkunekta” sa anumang paraan sa pamamagitan ng isang telepono.

Ang lola ng aking ina sa Guatamala ay kasing talino ng isang maabilidad na sosyolohista. Ang kanyang mga anak na lalake ay sumubok na maglagay ng isang telepono sa kanyang tahanan. Sinabi niya, “Hindi. Kung magkakaroon ako ng isang telepono, hindi kayo kailan man magpupunta upang makita ako.” Kapag nakita ko ang mga kabataan na naglalakad at nakadikit sa kanilang mga telepono napalulungkot ako nito. Ang isang makina ay madalas pinapalitan ang tunay na mga kaibigan.

Nadinig mo ba ang isang pelikulang tinatawag na “Her”? Hindi ko ito nirerekomenda – ito’y isang pelikula tungkol sa isang nag-iisang binata na totoong umibig sa kanyang kompyuter, na kanyang tinawag na “Samantha.” Hindi ko ito nakita. Mayroong itong mga malinaw na mga pagtatalik na mga eksena. Ngunit maraming mga intelektwal na mga kabataan ang nakakita nito – isang batang lalake na umibig sa isang makina! Maari mong mabasa ang tungkol rito sa pamamagitan ng pag-klik rito para sa isang artikulo sa Wikipedia patungkol rito. Hindi ko nirerekumenda na panoorin mo ito.

Naniniwala ako na ang pagkamag-isa ng Amerikano at Europeyanong kultura ay ginagamit ni Satanas upang gawing alipin ang mga kabataan at sirain sila. Ang kabataang pumatay roon sa apat na mga Marino ay kunektado sa ISIS sa pamamagitan ng isang makina na tinatawag na “kompyuter.” Sa totoo siya ay nag-iisa! Ang lalakeng hinarap ni Hesus ay nag-iisa sa mga libingan. Siya ay naging kontrolado ng mga demonyo! Tulungan tayo ng Diyos!

Hindi ko sinasabi sa iyong itapon ang iyong telepono at iyong kompyuter. Ngunit sinasabi ko, “Huwag mong hayaan ang mga makinang iyon na kontrolin ka! Umalis mula sa kompyuter na matagal na sapat upang gumawa ng mga tunay na mga kaibigan! Umalis mula sa kompyuter na matagal na sapat upang gumawa ng mga tumatagal na mga kaibigan – sa simbahang ito!” Pakinggan ang isang kanta tungkol sa isang lalake sa mga libingan,

Mula sa tahanan at mga kaibigan
   Ang masamang mga espiritu ay tumaboy sa kanya,
Sa gitna ng mga libingan nabuhay siya sa pagkalungkot;
   Nilaslas niya ang kanyang sarili habang
Ang mga kapangyarihan ng demonyo ay sinapian siya,
   Tapos si Hesus ay dumating at pinalaya ang bilanggo.
Kapag si Hesus ay dumating ang kapangyarihan ng manunukso ay nasisira;
   Kapag si Hesus ay dumating ang mga luha ay napapahid.
Kinukuha Niya ang lagim at pinupuno ang buhay ng luwalhati,
   Dahil ang lahat ay nabago kapag si Hesus ay dumating upang manatili.
(“Tapos Si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa
   “Then Jesus Came” ni Oswald J. Smith, 1889-1986;
      musika ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).

Mga kabataan, inuudyok ko kayong magpunta sa simbahang ito. Maging narito sa Linggo ng umaga at Linggo ng gabi. Maging narito kasama namin sa Sabado rin ng gabi! Pangako ko – kami ay magiging mga kaibigan mo! Pangako ko – kami’y iyong magiging mga kaibigan! Pangako ko – hindi mo mararamdamang nag-iisa kung sasama ka sa amin! Amen!

III. Pangatlo, ang kabataang lalakeng ito ay natakot kay Hesus.

Sinasabi ng Bibliya na

“nagsisisigaw ng malakas na tinig, na kaniyang sinabi, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? kita'y pinamamanhikan alangalang sa Dios, na huwag mo akong pahirapan” (Marcos 5:7).

Natakot siya kay Hesus. Iyan rin, ay karaniwan sa mga kabataan ngayon. Si Hesus at ang simabahan na ito ay makatutulong sa iyo, ngunit maaring natatakot ka! Maaring matakot ka sa pagpapangako ng iyong sarili. Maari takot kang gumugol ng ilang araw kasama namin sa simbahang ito tuwing katapusan ng linggo. Masasabi ko lamang sa iyo na ginagawa ako nitong napaka lungkot. Alam ko na ang iyong mga takot ay nanggagaling mula kay Satanas. Bakit niya ginagawa iyan? Dahil alam niya na mawawala ka niya kung sasama ka sa amin at magpupunta kay Hesus.

Noong ako’y 19 taong gulang lumakad ako sa mga kalye ng Los Angeles na mag-isa sa gabi. Ang aking mga kaibigan sa mataas na paaralan ay wala na. Ako’y nag-iisa, ako’y napakalungkot. Isang Sabado ng gabi naglakad ako palibot ng Kalye ng Olvera. Dumaan ako sa Chinatown. Lumiko ako sa Kalye ng Yale. Malapit sa dulo ng kalye nakakita ako ng isang simbahan. Ito’y isang Tsinong Bautistang simbahan. Kumatok ako sa pinto at isang dalang babae na nagngangalang Lorna Lum ay nagbukas ng pintuan at nagsalita sa akin. Inimbita niya akong magpunta doon sa simbahan sa sunod na araw, yun ay Linggo. Nagpunta ako roon sa sunod na araw. At nagpunta doon ng maraming mga taon pagkatapos. Iniligtas ako ni Hesus habang naroon ako. Nagkaroon ako ng tunay, at tumatagal na mga kaibigan roon; mga kaibigan tulad ni Lorna at Murphy Lum.

Huwag kang matakot sa amin! Huwag kang matakot kay Hesus! Sumama sa amin at mabuti ang magagawa namin para sa iyo! Bumalik sa amin at, pangako ko, babaguhin nito ang iyong buhay para sa ikabubuti. Kung magpupunta ka kasama namin muli sa sunod na katapusan ng linggo – at magpunta kay Hesus rin – matutuwa ka na ginawa mo ito libo-libong mga taon mula ngayon!

Pinalayas ni Hesus ang mga demonyo mula sa lalake ng Gadareno. Iniligtas siya ni Hesus! Oo, siya ay iniligtas ni Hesu-Kristo!

Kaya mga tao ngayon ay natagpuan na kaya ng Tagapagligtas,
   Hindi nila malupil ang pasyon, ang pagkayamuan at kasalanan;
Ang kanilang mga sirang mga puso at nag-iwan
   Sa kanilang malungkot at nag-iisa,
Tapos si Hesus ay dumating at nanahanan, ang Kanyang Sarili, sa kaibuturan.
   Pagka si Hesus ay dumating ang kapangyarihan ng manunukso ay nasisira;
Kapag si Hesus ay dumarating ang mga luha ay napupunasan.
   Kinukuha Niya ang kalungkutan at pinupuno ang buhay ng luwalhati,
Dahil ang lahat ay nababago kapag si Hesus ay dumarating upang manatili.

Maari kang palayaan ni Kristo mula kay Satanas! Kaya kang bigyan ni Kristo ng buhay at kapangyarihan! Maaring baguhin ni Kristo ang iyong buhay! Bigyan kami ng pagkakataon na ipakita sa iyo ang daan kay Hesu-Kristo! Bumalik at ipapakita namin ang daan! Maaring mayroong magsabing, “Hindi ako naniniwala sa mga demonyo o Satanas.” OK lang iyan. Mayroong panahon noong hindi ako naniwala rin. Ngunit hindi iyan pinaka mahalagang bagay. Ang pinaka mahalagang bagay ay ang malaman na iniibig ka ni Hesus, at ang maramdamang na iniibig ka rin namin! Ito ang lugar upang makipagkaibigan. Ito ang lugar kung saan ika’y mamahalin at tatanggapin! Ilagay ang iyong pananampalataya kay Kristo, ang nag-iisang Anak ng Diyos, at ililigtas ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus mula sa multa ng kasalanan sa lahat ng panahon at walang hanggan. Amen!


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 8:28-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Tapos si Hesus ay Dumating.” Isinalin mula sa
“Then Jesus Came” (mga salita ni Dr. Oswald J. Smith,
1889-1986; musika ni Homer Rodeheaver, 1880-1955).


ANG BALANGKAS NG

MGA DEMONYO NGAYON

DEMONS TODAY

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno. At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu” (Marcos 5:1-2).

I.   Una, ang batang lalakeng ito ay nasapian ng isang demonyo,
Mga Taga Efeso 6:12; 2:2.

II.  Pangalawa, ang batang lalakeng ito ay nag-iisa, Lucas 8:27; Marcos 5:5.

III. Pangatlo, ang kabataang lalakeng ito ay natakot kay Hesus, Marcos 5:7.