Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG NAHEROHANG KONSENSYATHE SEARED CONSCIENCE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2). |
Itinuturo ng Bibliya na ang sangkatauhan ay magiging palubha ng palubha sa huling mga araw. Bawat tanda ay tumuturo sa katunayan na tayo ay nabubuhay sa huling mga araw ngayon. Makinig sa isang makabagong pagsasalin kung ano itong magiging tulad. Paano kikilos ang mga tao sa huling mga araw ng kasaysayan. Sinasabi nito,
“Magkakaroon ng mga teribleng mga panahon sa huling mga araw. Ang mga tao ay magiging mga mapaibigin ng kanilang mga sarili, mapaibigin ng pera, mapagyabang, mapagmalaki, mapagabuso, mapagsuway sa kanilang mga magulang, di mapagsalamat, di banal, walang pag-ibig, di mapagpatawad, mapagsira ng puri, na walang pagpipigil sa sarili, malupit, di mapag-ibig ng mabuti, hindi tapat, mapusok, mapagmataas, mapag-ibig ng kasiyahan kaysa mapag-ibig ng Diyos…ang lahat na gustong mabuhay ng isang makadiyos na buhay kay Hesu-Kristo ay mauusig, habang ang mga masasamang mga tao at mga impostor ay magiging malubha mula sa masama, nanlilinlang at nalilinlang” (Isinalin mula sa II Ni Timoteo 3:1-4, 12-13, NIV).
Ito ang teribleng kondisyon na hinaharap nating lahat sa huling mga araw. Ito ang hinaharap mo sa panahon ng apostasiya at kasalanan. Di nakapagtataka sinasabi ng Bibliya na tayo ay nabubuhay sa delikado, teribleng mga panahon. Di nakapagtataka na nabubuhay tayo sa isang panahon ng sekswal na kabuktutan. Di nakapagtataka na ang mga pelikula at napaka terible, puno ng libog, at mga bampira, at madugong mga pagpapatay. Di nakapagtataka na iniibig ng mga tao ang Halloween at mga demonyo at kamatayan. Di nakapagtataka na ang ating mga simbahan ay walang laban habang ang mga kabataan ay nagpupunta sa mga sayawan, at nagdrodroga tulad ng mariwana at Ekstasi. Di nakapagtataka na tinatawanan ka nila kung magpunta ka sa simbahan tuwing Linggo. Di nakapagtataka na iniisip nila na ikaw ay wirdo kung nabubuhay ka ng isang malinis na buhay at nagdarasal at nagbabasa ng Bibliya. At iyan ang dahilan na sinasabi ng Bibliya, “sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib” (II Ni Timoteo 3:1).
Ngunit ano ang sanhi ng lahat ng mga kasalanang ito, pagkakalito, pagpapatay? Bakit ang ating mga pulitiko ay napakalupit? Bakt ang mga gang ay nagpupulong sa ating mga kalye upang patawin ang mga pulis at sunugin ang mga gusali? Anong nasa ilalim ng mga pagbombomba at pagpapatay na ginawa ng mga Muslim na mga terorista ngayon? Bakit ang iyong henerasyon ay lumisan sa ating mga simbahan upang mabuhay ng mga makasarili at makasalanang mga buhay? Ang sagot ay nasa ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2).
Ang Banal na Espiritu ay tumutukoy nitong “mapaghayag.” Ibig nitong sabihin ang Diyos ay napakalinaw patungkol rito. Gusto Niyang malaman mo na ang mahalagang katotohanan na ito. Simple at malinaw na gusta ng Diyos na malaman mo na mayroong mga demonyo. Sinasabi ng Diyos sila ay mga nang-aakit na mga [nanlilinlang] na mga demonyo. Mga demonyo na gumagabay sa iyo sa huwad na mga pagtuturo, “mga doktrina ng mga demonyo.” Ang mga huwad na mga pagtuturong ito ay dumarating sa pamamagitan ng mga mapagkunwaring mga guro. Maari silang mga guro sa iyong paaralan o kolehiyo. Itinuturo nila ang mga kasinungalingan ng ebolusyon. Sinasabi nila na ikaw ay wala kundi isang hayop. Itinuturo nila sa iyo na walang Diyos. Itinuturo nila sa iyo na walang ganoong bagay na tama at mali. Itinuturo nila sa iyo na ang Bibliya ay puno ng mga pagkakamali. Pati marami sa inyong mga magulang ay nagtuturo sa inyo ng mga kasinungalingang mga ito! Di nakapagtataka na ang ating mga lungsod ay puno ng mga krimen. Di nakapagtataka na di mo alam ang paniniwalaan.
Ang mga demonikong mga taong ito ay ginagawa ito dahil ang kanilang konsensya ay “hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga.” Ibig nitong sabihin na ang kanilang mga konsensya ay nasunog at napeklatan. Ang kanilang mga konsensya ay nasunog ng mga demono hanggang sa sila’y magpababa ng pagkamapagdamdam. Nasunog at nahirohan hanggang sa ang kanilang konsensya ay din a masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng tama at mali. Ang mga demonyo ay ngayon nasa kumpletong paghahawak sa marami sa kanilang mga puso at isipan.
Ang layunin ng mga demonyong ito ay ang sirain ang iyong konsensya rin. Gusto ka nilang panghawakan. Pinpanghawakan ka nila sa pamamgitan ng paghihinerohan ng iyong konsensya.
Noong nilikha ng Diyos ang tao binigyan Niya siya ng isang konsensya. Inilagay Niya sa tao “ang hininga ng buhay.” Ang salitang “neshamah.” Ang neshamah ay nagbigay sa tao ng dalawang bagay na wala ang kahit anong hayop – una, ang abilidad na makilala ang Diyos, pangalawa, ang abilidad na malaman ang tama at mali.
Nakita mo na ba ang Disney na pelikulang “Pinocchio”? Si Pinocchio ay isang gawa sa kahoy na papet. Ngunit gusto niyang maging isang tunay na batang lalake. Gayon bilang isang papet wala siyang konsensya. Imbes na isang konsensya, mayroon siyang isang maliit na kuliglug na nagsabi sa kanya kung anong tama at anong mali. Nasangkot siya sa maraming gulo noong ang kuliglug ay wala roon. Ngunit noong siya’y naging isang tunay na batang lalake hindi na niya kinailangan ang kuliglig na gumabay sa kanya.
Ang saktong kabaligtaran ang nangyari sa unang taong si Adam. Noong si Adam ay nagkasala siya’y mula sa isang tunay na tao ay naging isang papet ni Satanas. Ngayon isang demonyo ang sumira sa kanyang konsensya at siya’y naging isang papet ni Satanas. Noog si Adam ay nagkasala ang kanyang konsensya ay naherohan at di na tamang umubra. Gumawa siya ng mga palusot noong hinarap siya ng Diyos dahil sa kanyang kasalanan. Imbes na makumbinsi ng kanyang kasalanan, sinubukan niyang itago ang kanyang sarili mula sa Diyos. Noong nahanap siya ng Diyos, si Adam ay gumawa ng mga palusot dahil sa kanyang kasalanan imbes na ikumpisal ito sa Diyos. Ang kanyang unang anak na si Cain ay namana ang kanyang nasirang konsensya. Kahit na noong pinatay niya ang kanyang kapatid na lalake, wala siyang naramdamang kumbiksyon ng kasalanan. Imbes na ikumpisal ang kanyang kasalanan gumawa siya ng mga palusot. Imbes na ikumpisal ang kanyang kasalanan siya’y naging mas malubha. Ang kanyang konsensya ay ngayon naherohan na ni Satanas ng nagbabagang bakal. “At si Cain ay lumabas mula sa piling ng Panginoon” at nanirahan sa lupain ng Nod, na ang ibig sabihin ay lupa ng “paglalaga.” Wala siyang naramdamang pangangailangan na mapatawad sa kanyang kasalanan. Siya ay galit sa Diyos. Siya ay naging palaboy, naglalaboy sa mundo hanggang sa siya’y namatay at nagpunta sa Impiyerno. Tinukso siya ni Satanas. Nagawa siya ni Satanas na patayin ang kanyang kapatdi na lalake. Tapos hinerohan ni Satanas ang kanyang konsensya gamit ng isang nagbabagang bakal – at huli na ang lahat para sa kanyang maligtas. Kapag heherohan ni Satanas ang iyong konsensya sa puntong ito masyado nang huli upang maligtas. Di mo na kailan man madadamang nagkakasala ng iyong kasalanan muli. Ang iyong konsensya ay patay na. Di ka kailan man makapupunta kay Hesus upang malinis ng Kanyang Dugo. Maglalaboy ka sa buhay hanggang sa sa wakas mamamatay ka at magpupunta sa Impiyerno sa buong walang hanggang. Iyan ay mangyayari sa lahat sa inyong narito ngayong umaga kung magpapatuloy ka sa iyong kasalanan hanggang sa ang iyong konsensya ay maherohan. Hanggang sa di mo na kailan man maramdaman ang kumbiksyon ng kasalanan. Hanggang sa di ka na kailan man makapupunta kay Kristo at magawang malinis ng Dugo na ibinuhos Niya sa Krus. Ang taong hindi madama ang pagkakasala para sa kanyang kasalanan ay di kailan man maliligtas. Siya’y isinuko na ng Diyos. Nakamit niya ang di mapapatawad ng kasalanan. Siya ay naging alipin ng Diablo tulad ni Cain.
Binabalaan kita huwag hayaan ang iyong konsensyang maherohan ng Diablo. Tumalikod mula sa iyo kasalanan kay Hesus bago ang iyong konsensya ay maherohan magpakailan man.
Ika’y ipinanganak na mayroong baluktot na konsensya. Minana mo ito mula kay Adam, gaya ni Cain. Mas lalo mo pang naherohan ang iyong konsensya bilang isang bata. Bawat beses na ika’y nagsisinungaling sa iyong mga magulang, lalo mo pa itong naherohan. Bawat beses na nagnakaw ka ng isang bagay, lalo mo pa itong hinerohan. Bawat beses na nandaya ka sa paaralan, lalo mo pa itong hinerohan. Bawat beses na tinitignan mo ang pornograpiya at pinaaapoy ang iyong sarili ng mga kaisipan ng pagtatalik lalo mo pa itong hineherohan. Sa wakas nagawa mo ang mga bagay na ito sadya – hineherohan ang iyong konsensya ng mas matindi pang mga kasalanan. Mga kasalanan na walang nakaaalam. Mga kasalanan na gagawang ikahiya ka ng iyong ina. Ang iyong konsensya ay naging mas higit pang naherohan, hanggang sa wakas ika’y nagkakamit ng mga kasalanan na di mo naisip na magagawa mo. Ngunit ngayon ginagawa mo ang mga ito at kinagagalakang gawin ang mga ito – at hindi ka nagagambala ng mga ito sa anumang paraan ngayon. Alam mo ang iyong mga kasalanan. Hindi mo kailangang banggitin ang mga ito. Hindi ka na nag-aalala sa mga ito. Sa katunayan iniibig mo ang pagiging isang makasalanan ngayon.
Iyan ang dahilan kung bakit ang ilan sa inyo ay nagsisimulang kamuhian ang pagpupunta sa simbahan. Kinamumuhian mo ito kapag sinasabihan namin kayo patungkol sa iyong kasalanan. Ang ilan sa inyo ay kinamumuhian ako para sa pagpapangaral patungkol sa iyong mga kasalanan. Ang ilan sa inyo ay nagalak noong nagkasakit ako at hindi na makapangaral ng malakas. Natuwa ka noong si John Cagan at Noah Song ang nagsimulang mangaral imbes na ako. Naisip mo na mas madali sila kaysa ako. Ngunit ngayon nakikita mo na sila’y nangangaral laban sa iyong mga kasalanan na mas malakas pa kaysa sa akin. Ngayon ang ilan sa inyo ay iniisip na matatakasan niyo lamang ang pangangaral sa pamamagitan ng paglilisan mula sa simbahang ito! Alam ko kung sino ka. At kinamumuhian mo ako ng iyong buong puso! Hinahangad mo na ako’y wala na. Nagsisimula mong hilingin na si Noah at si John at wala na rin. Ang iyong konsensya ay napakaherohan ngayon na plinaplano mo nang lisanin ang simbahang ito. Nakuha ka ng Diablong mahigpit sa kanyang kapit. Hinerohan niya ang iyong konsensya ng isang nagbabagang bakal. Mayroong isang panahon noon kung saan maaring tumingin ka kay Hesus upang maligtas. Ngunit ngayon ang ilan sa inyo ay kinamumuhian pati si Hesus! Kinamumuhian mong marinig ang panglan ni Hesus!
O, paano mo Siya kamumuhian ng higit? Iniibig ka Niya higit sa kahit sinong makaiibig sa iyo kailan man! Iniwan ni Hesus ang luwalhati ng Langit upang bumaba rito at magdusa para sa iyo. Ang iyong kasalanan ay inilagay sa iyo sa Kanyang walang salang kaluluwa. Nagpawis Siya ng malalaking patak ng Dugo sa Gethsemane upang iligtas ka. Tumayo Siyang nananahimik habang binugbog Siya at hinatak ang Kanyang balbas at dinuraan Siya upang iligtas ka. Walang maka-iibig sa iyong sapat upang magdusa tulad niyan upang iligtas ka at pagalingin ka at bigyan ka ng isang bagong buhay. Iniibig ka ni Hesus. Ililigtas ka Niya. Pahihinahon Niya ang iyong mga takot at pagagalingin ang iyong kaluluwa. Ipanunumbalik Niya ang iyong kawawa at sirang konsensya. Iyan ang dahilan na namatay Siya sa Krus para sa iyo. Nagpako sila ng malalaking mga pako sa Kanyang mga kamay at paa. Bumitin Siya sa Krus sa mainit na araw – hanggang sa ang Kanyang dila ay napaka tuyo na dumikit ito sa tuktok ng Kanyang bunganga.
Hindi ka kinamumuhian ni Hesus. Paano ka Niya kamumuhian? Nagpunta Siya sa mundo dahil iniibig ka Niya. Nagdusa Siya ng di mailarawang katakot takot ng kamatayan sa Krus dahil iniibig ka Niya. Iniibig ka palagi ni Hesus. At iniibig ka Niya ngayon.
Ang aking testimonyo ay saktong kabaligtaran ng kay John Cagan. Gayon ito’y talagang parehas. Si John ay nagmalaki sa kanyang mga kasalanan at nagalak na nagsanhi ng sakit sa mga tao. Wala akong pagmamalaki sa na anuman sa aking kasalanan at di kailan man susubukang magsanhi ng sakit sa tao. Iniugnay ni John ang kanyang sarili doon sa mga namuhi sa Diyos – sa ibang salita, mga nawawalang anak sa simbahan. Di ko nagustuhan ang mga anak sa simbahan at lumayo sa kanila. Si John ay napunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan sa loob ng ilang linggo. Ako’y nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan sa loob ng halos pitong taon. Gusto ni John na maging isang masamang batang lalake. Gusto kong maging isang mabuting batang lalake. Sa mga puntong iyon ang aming mga testimonyo ay ganap na magkabalikgtad.
Ngunit sa dalawang paraan kami ay saktong magkaparehas. Pareho kaming sumusubok na maging ligtas at hindi ito magawa. Sinabi ni John, “Hindi ko magawa ang aking sariling magpunta kay Kristo, hindi ako makapagpasyang maging isang Kristiyano, at ginawa ako nitong makadamang lubos na walang pag-asa.” Iyan sakto ang nadama ko. Si John ay nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan sa loob ng maraming linggo. Ako’y nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan sa loob ng pitong taon. Sinabi ni John dinala siya ng Diyos kay Kristo, “dahil hindi ako kailan man magpupunta kay Hesus sa aking sarili.” Iyan sakto ang nangyari sa akin, rin. Si John ay sumusubok na maging masama. Ako’y sumusubok na maging mabuti. Ngunit pareho kaming nagtitiwal sa aming sarili at ni isa sa amin ay nagtiwala kay Kristo.
Sinubukan kong maging mabuti. Alam ng Diyos na sinubukan kong matinding maging isang mabuting bata. Tumigil akong manigarilyo, nagpunta ako sa simbahan tuwing Linggo ng umaga. Nagpunta ako sa simbahan tuwing Linggo ng gabi. Isinuko ko ang madali kong buhay upang maging isang pastor. Isinuko ko ang aking sarili upang mangaral sa edad na 17. Ako’y nalisensyahan bilang isang Bautistang mangangaral sa edad ng 19. Nagpunta ako upang maging misyonaryo sa isang Tsinong simbahan sa loob ng kaunting buwan maya-maya. Naisip ng lahat na ako’y isang mabuting bata. Ngunit di nila alam ang katotohanan patungkol sa akin. Hindi nila alam ang tungkol sa aking masamang puso. Hindi nila alam na ako’y isang Fariseo tulad noong isang tinukoy ni Hesus sa Lucas 18 – sinusubukang maligtas sa pamamagitan ng pagiging mabuti. Ako’y tulad ng isang Tsinong bata. Ngunit hindi maaring mabuting sapat upang patigilin ang aking konsensya mula sa pagsasabi sa akin na ako’y isang makasalanan sa aking puso. Isa lamang maruming makasalanan na hindi inibig si Hesus talaga. Hanggang sa isang umaga si Hesus ay nagpunta sa akin. Hindi ako siguro kailan man magpupunta sa Kanya sa sarili ko. Akala ko ako’y mabuting sapat, kahit na sinabi sa akin ng konsensya ko na ang lahat ng ito’y isang kasinungalingan. Bumaba Siya sa akin at dinala Niya ako sa Kanyang Sarili. Hinugasan Niya akong malinis sa Kanyang mahal na Dugo.
Mayroong nagtanong sa akin, “Pastor, abkit lagi kang nagsasalita patungkol sa Dugo ni Hesus?” Ito’y napaka simple. Ginawa ng Kanyang Dugo para sa akin ang hindi ko magawa para sa aking sarili. Inibig Niya akong lubos na hinugasan Niya ang aking makasalanang kaluluwa gamit ng Kanyang sariling Dugo.
Iniibig ka rin ni Hesus. Magpupunta Siya sa iyo. Magtiwala kay Hesus at ang iyong kasalanan, at iyong konsensya at iyong mga pagdududa at iyong mga tukso ay mahuhugasang kasing puti ng niyebe sa Kanyang mahal na Dugo – dahil iniibig ka Niyang lubos!
Di ko kailan man nadamang inibig ng kahit sino. Ako’y isang palaboy. Iniwan ako ng aking ama noong ako’y dalawang taon. Hindi na ako makatitira kasama ng aking ina noong ako’y labin dalawa. Nanirahan ako kasama ng mga tao na di ako gusto. Walang may gusto sa akin. Ginawa ako nitong isang malamig na Fariseo. Ako’y magiging mas maigi kaysa sa kanila! Gagawin ko ang aking sariling isang Kristiyano!
Ngunit hindi ko ito magawa! Sinubukan ko at sinubukan ko! Ngunit hindi ko ito mgawa. Ako’y nawawala – nawawala sa relihiyon! Ngunit inibig ako ni Hesus. Biglang alam ko na inibig Niya ako. At tapos nagpunta Siya sa akin at iniligtas ang aking kaluluwa gamit ng Kanyang Dugo. Kung makaliligtas Siya ng isang ipokritang tulad ko, maliligtas Niya ang kahit sino na narito ngayong umaga. Iniibig ka Niya. Huhugasan Niyang palaya ang iyong mga kasalanan – ang mga kasalanan ng iyong puso, ang mga kasalanan ng iyong buhay. Iniibig ka Niya. Magpupunta Siya sa iyo. Huhugasan ka Niyang malinis gamit ng Kanyang Banal na Dugo. Alam ko gagawin Niya ito dahil iniibig ka Niya. Amen.
Nadinig ko ang Tagapagligtas na nagsabi, “
Ang iyong lakas ay sa katunayan maliit;
Anak ng kahinaan, magbantay at manalangin,
Hanapin sa Akin ang iyong lahat lahat.”
Binayaran ni Hesus ang lahat ng ito,
Lahat sa Kanya ako nagkaka-utang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa,
Hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
Panginoon, ngayon sa katunayan aking nahanap
Ang Iyong kapangyarihan at Iyo lamang,
Makapagbabago ng batik ng isang leproso
At makapagtutunay ng puso ng bato.
Binayaran ni Hesus ang lahat ng ito,
Ang lahat ng ito sa Kanya ko pinagkaka-utang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa.
Hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
Dahil walang mabuting mayroon ako
Kung saan ang Iyong biyaya’y mag-aangkin,
Huhugasan ko ang aking mga damit hanggang sa puti
Sa dugo ng Kordero ng Kalbaryo.
Binayaran ni Hesus ang lahat ngito,
Ang lahat ng ito sa Kanya aking pinagkaka-utang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa.
Hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
(“Binayaran Ito Lahat ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1889).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Mr. Aaron Yancy: II Ni Timoteo 3:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Noah Song:
“Binayaran ni Hesus Ang Lahat ng Ito,” Isinalin mula sa
“Jesus Paid It All” (ni Elvina M. Hall, 1820-1889).