Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
LIMANG MGA PANGARAL NA GINAMIT SA PAGBABAGONG LOOB NG ISANG BATANG EBANGHELISTAFIVE SERMONS USED IN THE CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” |
Siguro ang pinaka mahalagang mga pangaral na aking ipinangaral ay ibinigay noong Hunyo, 2009. Ang limang mga pangaral na ito ay ginamit ng Diyos sa pagbabagong loob ng isang binata na nadinig mong mangaral kaninang umaga. Ang limang mga pangaral na ito ay nadinig ni John Samuel Cagan bago lang siya napagbagong loob. Dahil tiyak ako na si John ay magiging isang napaka dakilang mangangaral, ang limang mga pangaral na ito ay ginamit sa kanyang pagbabagong loob ay sigura ay ang pinaka mahahalagang mga pangaral na aking ipinangaral. Ang pangangaral para sa pagbabagong loob ay di pangkaraniwan ngayon. Ngunit ang pangangaral ay ang paraan ng Diyos na ibinigay bilang pangunahing paraan ng pagbabagong loob ng mga makasalanan. Sinasabi ng Bibliya, “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” (Mga Taga Roma 10:14). Ang mga sumusunod na mga limang mga pangaral ay nadinig ni John Cagan bago lamang siya naligtas. Babasahin ko ang kanyang buong testimonyo sa katapusan ng mensaheng ito. Ngunit una ibibigay ko ang balangkas ng limang mga pangaral na nadinig ni John bago lamang siya napagbagong loob. Ang mga punto na ibibigay ko ngayong gabi ay ang mga pamagat ng limang mga pangaral na iyon.
I. Una, “Isang “Pampalakas ng Loob doon sa mga Hindi Malaya mula sa Kaligtasan” (ipinangaral ng Linggo ng umaga, Ika-7 ng Hunyo taon 2009).
Ang teksto ng pangaral na iyon ay “Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios” (Marcos 12:34). Ang Banal na Espiritu ay tiyak na kumikilos sa puso ng taong ito, dahil ang Espiritu ng Diyos lamang ang makawawasak ng oposisyon ng isang tao sa Diyos at kanyang pagtanggi kay Kristo. Ang di napagbagong loob na tao ay nagrerebelde laban sa Diyos at ay kaaway ni Kristo. Nakausap ko ang isang binata na nagtanong s aakin, “Bakit kinailangang mamatay ni Hesus sa Krus?” Ang batang ito ay nadinig na akong magsabing “Si Kristo ay namatay sa Krus upang pagbayaran ang multa ng ating kasalanan.” Narinig na niya akong magsabi muli’t muli ng maraming taon, ngunit hindi kailan man ito natanggap ng kanyang nabulag a isipan. Dapat kang mong pag-isipang mabuting ang tungkol sa mga salitang iyon, “Namatay si Kristo sa Krus upang pagbayaran ang multa ng ating kasalanan.” Anong pumipigil sa iyo mula sa pagpunta kay Kristo? Natatakot ka ba kung anong sasabihin ng iba? Kalimutan ang sasabihin nila. Ang kanilang mga salita ay walang kabuluhan kapag ika’y nasa Impiyerno. Tumalikod mula sa iyong kasalanan at magpunta kay Kristo. Walang ibang paraan upang makatakas mula sa Impiyerno.
II. Pangalawa, “Makabagong Kalvinismo at Tunay na Pagbabagong Loob” (ipinangaral nang gabi ng Linggo, Ika-7 ng Hunyo taon 2009).
Ang teksto ng pangaral ay, “ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mg Taga Corinto 5:17). Hindi ako nangaral laban sa mga doktrina ng Kalvinismo. Imbes sinabi ko na paniniwala sa doktrina ay hindi magliligtas sa iyo. Kahit paniniwala sa totoong doktrina ay hindi magliligtas sa iyo. Sinabi ko na ang pagsasalalay sa totoong doktrina ay hindi kailan man magliligtas sa iyo. Dapat kang mahatulan ng iyong kasalanan. Dapat mong ikumpisal ang iyong kasalanan. Dapat kang magpunta kay Hesus Mismo o magpunta sa Impiyerno. Dapat mong ikumpisal ang iyong kasalanan. Dapat kang magpunta kay Hesus Mismo o ika’y magpupunta sa Impiyerno. Kapag nasusuklam ka na sa iyong kasalanan – gayon, at gayon lamang – na iyong makikita ang iyong pangangailangan para kay Kristo upang iligtas ka. Kung hindi mo hinahangad si Kristo upang baguhin ang iyong malupit na puso, hindi ka kailan man mapagbabagong loob. Hindi ka ba nahihiya sa pagkamakasalanan ng iyong puso? Hindi ka ba nagugulo nito? Dapat ito’y makagulo sa iyo kung ika’y kailan man aasang mapagbagong loob. Kapag lamang na ika’y nasusuklam sa iyong makasalanang puso na ang naglilinis na Dugo ni Hesus ay magiging mahalaga sa iyo. Sinabi ni Spurgeon, “Dapat magkaroon ng isang tunay na pagbabago ng puso gayon ay mga epekto ng buong buhay.” Tunay na pagbabagong loob ay nangyayari kapag ang isang nawawalang makasalanan ay nadaramang nahatulan ng kanyang mga kasalanan at namumuhi sa kanila.
Sa pangaral na iyan na isinipi ko isang talata mula sa pangaral ni Spurgeon, “Ang Pagbabagong Loob ba ay Kinakailangan?” [“Is Conversion Necessary”] sinabi ni Spurgeon,
Sa lahat ng tunay na mga pagbabagong loob may roong apat na mga punto na mahalagang sumasang-ayon: dapat magkaroon sa lahat ng isang nagsisising pagkumpisal ng kasalanan, at isang pagtingin kay Hesus para sa kapatawaran nito, at dapat magkaroon ng isang tunay na pagbabago ng puso, ang mga gayon ay aapekto sa buong pagkatapos ng buhay, at kung saan ang mga mahahalagang mga punto na ito ay mahahanap walang tunay na pagbabagong loob (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Pagbabagong Loob ba ay Kinakailangan?” [“Is Conversion Necessary?], Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971, kabuuan xx, pah. 398).
III. Pangatlo, “Sa Pamamagitan Lamang ng Pananalangin at Pagliliban sa Pagkain” (ipinangaral sa umaga ng Linggo ng ika-14 ng Hunyo taon 2009).
Ang teksto ay, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) – [KJV]. Sinabi ko na ang mga salitang ito “at pag-aayuno” ay inalis dahil sa dalawang manuskrito, na kinopya ng Nostikong heretiko, na nag-alis ng dalawang mga salita, gayon pinahihina ang mga simbahan na gumagamit ng mga makabagong Bibliya. Gayon nakamamanghang karamihan ng mga naunang mga manuskrito ay mayroong mga salitang “pananalangin at pag-aayuno” sa mga ito. Sa Tsina ang mga salitang iyon ay nasa kanilang mga Bibliya. Iyan ang isa sa mga dahilan na mayroon silang patuloy na muling pagkabuhay, habang iyong mga nasa Kanluran, na mayroong kanilang mga makabagong pagsasalin ay bihirang nakararanas ng tunay, klasikal na muling pagkabuhay. Ngunit dapat tayong magkaron ng mga panahon pananalangin at pag-aayuno para sa maraming mga kabataan sa ating mga simbahan na mapagbagong loob. Dapat tayong mag-ayuno at manalangin para sa kanilang maramdaman ang kanilang mga kasalanan, mag-sisi, at magkaroon ng tunay na pagkakatagpo sa naipako sa krus at bumangong Tagapagligtas, at maging malinis ng Kanyang mahal na Dugo. Ang pangaral ay natapos sa isang berso mula sa hinmo, “Masmaputi Kaysa sa Niyebe” [“Whiter Than Snow”]. Sinasabi nito, “Panginoong Hesus, nakikita mo akong mapasyensyang naghihintay, Magpunta ngayon, at sa loob ko isang bagong puso ay nalikha.” Ngunit habang ang mga Kristiyano sa ating simbahan ay nag-aayuno at nananalangin, kinamuhian ni John Cagan ang ideya ng pag-aayuno. Napagalit siya nito – kahit na malalapit na siyang mapagbagong loob habang ang kanyang mga magulang ay nanalangin at nag-ayuno para sa kanyang kaligtasan!
IV. Pang-apat, “Konsensya at Pagbabagong Loob” (ipinangaral sa gabi ng Linggo, ika-14 ng Hunyo taon 2009).
Ang teksto ay, “Ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa” (Mga Taga Roma 2:15). Ang Konsensya ay ang kakabit na kapangyarihan na nagdadala ng moral na paghahatol sa ating mga sarili, pinag-sasang-ayunan o di pinagsasang-ayunan ang ating mga pagkilos, pag-iisip at mga plano, nagsasabi sa atin na tayo ay gumawa ng mali, at nagsasabi sa atin na nararapat sa atin na magdusa para sa mga ito. Si Adam ay nagkasala at ang kanyang konsensya ay narumihan, kaya gumawa siya ng iba’t ibang mga palusot para sa kanyang kasalanan. Ang patunay na ang pagsisira ng kanilang mga konsensya ay ipinapasa sa lahi ng tao ay ang katunayan na ang una nilang anak na lalakeng si Cain ay pinatay ang kanyang kapatid na lalake ngunit hindi nakaramdam ng kumbiksyon at pinalusot ang kanyang kasalanan. Mas higit na ang isang tao ay nagkakasala mas nadudungisan at nasisira ang kanyang konsensya. Pinapaso ng mga tao ang kanilang mga konsensya sa pamamagitan ng pagkakasala ng higit higit pa, “Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:2). Sinabi ko sa mga kabataan sa aming simbahan na kanilang napaso ang kanilang mga konsensya muli’t muli ng mas matinding mga kasalanan – na hindi ko babanggitin rito sa simbahan. Alam mo ang mga ito. Alam mo na halos imposible para sa iyo na maramdamang nagkasala ngayon – dahil paulit-ulit kang nagkasala, tinatawanan ang Diyos habang nagkakasala kang paulit-ulit at gayon sinira ang iyong konsensya. Maawa lamang ako sa iyo – bilang isang nasirang nilalang na walang hinaharap at walang pag-asa. Maawa lamang ako sa iyo. Hindi kita matulungan, dahil ikaw ay nasumpa na at nakondena na. Sinabi ni Hesus, “ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18). Ika’y kasing tiyak na mapupunta ka sa Impiyerna na para bang naroon ka na. At wala akong masasabi o magagawa na makatutulong sa iyo. Ang Diyos lamang ang makahahatol sa iyo ng iyong kasalanan. Kung binigyan ka Niya ng ilang kumbiksyon ng kasalanan noon, walang garantiya na ika’y kailan man kukumbinsihin muli. Napaka dalas iyong mga minsan nakararanas ng kumbiksyon ng kasalanan ay din a kailan man binibisita ng Espiritu ng Diyos. Pagkatapos ng lahat ng pagkukutya at kahangalan na iyong ginawa, hindi mo nararapat ang kahit isang sandali ng kumbiksyon.
Kung mawawala mo ang iyong kumbiksyon ng kasalanan, maaaring din a kailan man ibibigay sa iyo ito muli. Magpunta sa Diyos na tulad ng isang pulubi! Magpunta na nakayuko nang may pagpapakumbaba, nalalaman na ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagkakautang sa iyo ng kahit ano. Dumura ka sa Kanyang mukha sa iyong puso sa lahat ng mga taong ito. Pag-isipan ito! Dumura ka sa mukha ni Kristo sa iyong pinaka ugali. Ngayon walang pinagkakautang si Kristo sa iyo. Ang utang Niya lang sa iyo ay poot, kaparusahan at mga apoy ng Impiyerno. Ngayon lang maaring iniisip mo, “Ito’y totoo – nagkakautang ang Diyos sa aking ng wala kundi ang mga apoy ng Impiyerno. Nararapat sa akin ang wala nang iba pa.” Tapos, kung nararamdaman mo iyan hinihimok kita na magpunta kay Hesus tulad ng babaeng nagpunta kay Hesus at humalik sa Kanyang paa. Mgapunta tulad ng miserableng uod na ikaw. Magpuntang lumuluha at sumisigaw sa Kanya, tulad ng ginawa ni John Bunyan; gaya ng ginawa ni Whitefield – umiiyak at sumisigaw para sa awa. Marahil Siya’y maaawa sa iyo. Ngunit masasabi ko lamang “marahil” – dahil ang panahon para sa iyong maligtas ay maaring lumipas na. Maaring nagkasala ka nang lubos na napalayo mo na ang araw ng biyaya magkailan man. Magpuntang lumuluha kay Kristo – at marahil bibigyan ka niya muli ng isa pang pag-asa – kahit na sa iyong kondisyon ito’y hindi lahat tiyak na gagawin Niya ito. Bumaba rito sa lugar na ito sa harap ng pulpit. Lumuhod at lumuha para sa awa. Maaring madinig ka ni Kristo at bigyan ka ng isa pang pagkakataon upang malinis ng Kanyang Banal na Dugo. Ang Dugo Niya lamang ang maka “maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay” (Mga Taga Hebreo 9:14).
V. Panlima, “Ang Lambak ng mga Tuyong Buto” (Ipinangaral ang umaga na si John Cagan ay napagbagong loob, Ika-21 ng Hunyo taon 2009).
Ang teksto ay, “Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay” (Ezekiel 37:5). Hindi ko naisip na si John ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pangaral na ito. Sa tingin ko hindi talaga siya nakikinig rito. Sa tingin ko ito’y ang unang apat na mga pangaral na ginamit upang mapagbagong loob siya. Makikita mo sa testimonyo ni John kapag binasa ko ito – na di niya ako ginagalang. Sa katunayan, kinamuhian ako ni John. Kahit habang ipinangaral ko ang pangaral na ito sinabi ni John, na “sinubukan niyang desperado na tanggihan ito, hindi makinig…binibilang ko ang mga segundo hanggang sa ang pangaral ay matapoas na, ngunit ang pastor ay patuloy na nangaral.” Iyan ang dahilan na hindi niya kailan man binanggit ang kahit anong sinabi ko sa umagang iyon sa kanyang testimonyo. Wala ni isang salita. Sinabi ni John, “Kahit na ang imbitasyon ay naibigay lumaban ako.” At sinabi niya, “Pinayuhan ako ng Pastor, at sinabihan akong magpunta kay Kristo, ngunit hindi ko ito gagawin.” Iyan ay mahalaga. Iyan ay mahalaga dahil iyan ang nararamdaman ng ilan sa inyo ngayon. Hindi mo ako nirerespeto. Ayaw mo sa akin. Ayaw mong makinig sa akin. Ngunit mayroong ibang bagay na nangyari kay John sa umagang iyon. Sa tingin ko maaring bumasa ako ng ilang pahina mula sa alkat ng telepono at siya’y nagpagbagong loob. Bakit ko sinasabi iyan? Dahil ang apat na naunang mga pahina ng pangaral ay pumasok sa kanyang matigas na puso, lalo na ang pangaral ko sa konsensya. Kita mo, ang Diyos Mismo ang gumamit ng pangaral at ang ibang tatlong mga pangaral upang gawin siyang pag-isipan ang kanyang kasalanan. At kanyang natanto na ang kanyang pakikipaglaban ay hindi talaga laban sa akin. Natanto niya na siya ay nakikipaglaban laban sa Diyos. Ngayon pakinggan ang kanyang testimonyo at makikita mo na ako mismo ay mayroong napaka kaunting kinalaman sa pagbabagong loob ni John. Ang Diyos ang gumawa ng unang apat na mga pangaral dalhin siya sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ang Diyos ang gumamit ng mahina kong mga salita upang dalhin ang labing limang taong gulang na batang lalakeng ito sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ang Diyos gayon ang, “puwersahang [nagdala sa kanya] kay Kristo.” Hindi ako. “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” ay totoo. Ngunit ang Diyos ang gumagamit sa pangaral ng tagapangaral upang magpabagong loob ng isang makasalanan. Gaya ng sinabi ng propetang si Jonas “Kaligtasa'y [mula] sa Panginoon” (Jonas 2:9). Ngayon pag-isipan iyan habang binabasa ko ang buong testimonyo ng pagbabagong loob ni John Samuel Cagan.
ANG AKING TESTIMONYO
Ika- 21 ng Hunyo taon 2009
ni John Samuel Cagan
Natatandaan ko ang sandali ng aking pagbabagong loob na napaka linaw at masinsinan na ang mga salita ay mukhang napaka liit kumpara sa kung gaano katindi ng pagbabago na ginawa ni Kristo. Bago ng aking pagbabagong loob ako’y puno ng galit at pagkamuhi. Nagmalaki ako sa aking mga kasalanan at nagalak sa pagsasanhi ng sakit sa mga tao, at iniugnay ang aking sarili doon sa mga namuhi sa Diyos; para sa akin ang kasalanan ay hindi isang “pagkakamaling” dapat pagsisihan. Sadya kong iniayos ang aking sarili sa daang ito. Nagsimulang kumilos ang Diyos sa akin sa mga paraan na hindi ko kailan man inasahan habang ang aking mundo ay nagsimulang mabilis na madurog sa paligid ko. Ang mga linggong iyon bago ng aking pagbabagong loob nadama ko na parang namamatay: hindi ako natulog, hindi ako makangiti, hindi ako makahanap ng kahit anong kapayapaan. Ang ating simbahan ay nagkakaroon ng mga ebanghelistikong mga pagpupulong at malinaw kong natatandaan na kinukutya ang mga ito habang ganap kong di ginagalang ang aking pastor at aking ama.
Ang Banal na Espiritu ay nagsimulang lubos na tiyak na hatulan ako ng aking kasalanan sa panahong iyon, ngunit ang aking buong kagustuhan ay tinanggihan ang lahat ng pag-iisip na mayroon ako tungkol sa Diyos at pagbabagong loob. Tumatanggi akong pag-isipan ang tungkol rito, gayon hindi ko mapigilang tumigil sa pagkakaramdam na naguguluhan. Pagdating ng Linggong umaga ng ika-21 ng Hunyo taon 2009, ako’y lubusang napagod na. Pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay. Nagsimula kong kamuhian ang aking sarili, na kamuhian ang aking kasalanan at kung paano ako napadama ng mga ito. Habang si Dr. Hymers ay nangangaral, ang aking pagmamalaki ay desperadong sumusubok na tanggihan ito, na huwag makinig, ngunit habang siya’y nangaral literal na nadama ko ang aking kasalanan sa aking kaluluwa. Binibilang ko ang mga segundo hanggang sa ang pangaral ay matapos na, ngunit ang pastor ay patuloy pa rin, ang aking mga kasalanan ay naging walang hangganang lumubha ng lumubha. Hindi na ako makapagpatuloy na sumikad sa mga matulis, kailangan kong maligtas! Kahit habang ang imbitasyon ay ibinigay tumanggi ako, ngunit hindi ko na ito matiis. Alam ko na ako na pinaka posibleng malubhang makasalanan na maaring maging at na ang Diyos ay makatuwiran na kondenahin ako sa Impiyerno. Pagod na pagod na ako sa pakikipaglaban, pagod na pagod na ako sa lahat ng ako.
Pinayuhan ako ng pastor, at sinabihan akong magpunta kay Kristo, ngunit hindi ako magpupunta. Kahit habang ang lahat ng aking mga kasalanna ay humatol sa akin hindi ko pa rin magkakaroon si Hesus. Ang mga sandaling ito ay ay ang pinaka malubha sa lahat na aking naramdaman para bang hindi ako maliligtas at kailangan ay magpunta nalang ako sa Impiyerno. “Sinusubukan” kong maging ligtas, “sinusubukan” kong magtiwala kay Kristo at hindi ko ito magawa, hindi ko lang magawa ang sarili kong magpunta kay Kristo, hindi ko mapagpasyahan na maging isang Kristiyano, at ginawa ako nitong lubos na walang pag-asa. Nararamdaman ko ang aking kasalanan na tumutulak sa akin pababa sa Impiyerno gayon nararamdaman ko ang aking pagka matigas na ulong pinupuwersa lumayo ang aking mga luha. Ako’y naipit sa isang gulo.
Biglang ang mga salita ng isang pangaral na ipinangaral na maraming taon noon ay pumasok sa aking isipan: “Sumuko kay Kristo! Sumuko kay Kristo!” Ang kaisipang kailangan kong sumuko kay Hesus ay gumulo sa aking lubos na ang mukhang magpakailan man ay hindi ko gagawin. Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa akin. Ang tunay na Hesus ay nagpunta upang maipako sa krus para sa akin noong ako’y Kanyang kaaway at hindi ako susuko sa Kanya. Ang kaisipang ito ay sumira sa akin sumira sa akin; kinailangan kong isuko ang lahat ng ito. Hindi na ako makakapit sa sarili ko ng mas matagal pa, kinailangan ko si Hesus! Sa sandaling iyon sumuko ako sa Kanya at nagpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa sandaling iyon mukhang parang hinayaan ko ang aking sariling mamatay, at tapos ibinigay sa aking ni Kristo ang buhay! Walang gawain ko kagustuhan ng aking isipan kundi sa aking puso, na may simpleng pamamahinga kay Kristo, iniligtas Niya ako! Hinugasan Niya ang aking kasalanan gamit ng Kanyang Dugo! Sa nag-iisang sandaling iyon, tumigil ako sa kakalaban kay Kristo. Ito’y napaka malinaw na ang lahat na kinailangan kong gawin ay ang magtiwala sa Kanya; nakikilala ko ang saktong sandali noong tumigil ako sa pagiging ako at ito’y lahat si Kristo. Kinailangan kong sumuko! Sa sandaling iyon walang pisikal na pakiramdam o nakabubulag na ilaw, wala akong naramdamang pakiramdam, mayroon ako si Kristo! Gayon sa pagtitiwala kay Kristo nadama ko na para bang ang aking kasalanan ay naitaas mula sa aking kaluluwa. Tumalikod mula sa kasalanan, at tumoingin kay Hesus lamang! Iniligtas ako ni Hesus.
Inibig akong lubos ni Hesus upang mapatawad ang pinaka di nararapat na makasalanan na lumaki sa isang mabuting simbahan at tumalikod pa rin sa Kanya! Ang mga salita ay di sapat na paglalarawan ng aking pagbabagong loob at sa paghahayag ng aking pag-ibig para kay Kristo. Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para s aakin at para rito ibinibigay ko ang aking lahat sa Kanya. Inialay ni Hesus ang Kanyang trono para sa isang krus para sa akin kahit na dumura ako sa Kanyang simbahan at kinutya ang Kanyang kaligtasan; paano ko kailan man sapat na maproproklama ang Kanyang pag-ibig at awa? Kinuha ni Hesus ang aking pagkamuhi at galit at imbes ay binigyan ako ng pag-ibig. Binigyan Niya ako ng higit sa bagong simula – binigyan Niya ako ng bagong buhay. Ito’y sa pamamagitan lamang ng pananampalataya na alam ko na si Hesus ay humugas sa lahat ng aking kasalanan, at nahahanap ko ang aking sariling nagtataka paano ko malalaman sa aking pagkakulang ng matibay na ebidensya, ngunit lagi kong pinaaalala ang aking sarili na “ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay” at nakahahanap ako ng kapayapaan na nalalaman na pagkatapos ng masinsinang pag-iisip ang aking pananampalataya ay namamahinga kay Hesus. Si Hesus ang nag-iisa kong sagot.
Ako’y nagpapasalamat ng lubos para sa biyaya na ibinigay ng Diyos sa akin, ang maraming pagkakataon na iniabot niya sa akin, at para sa puwersahang pagdadala sa akin sa Kanyang Anak dahil hindi ako siguro nagpunta kay Hesus sa sarili ko. Ang mga ito ay mga salita lamang, ngunit ang aking pananampalataya ay namamahinga kay Hesus, dahil binago Niya ako. Lagi Siyang naroon, ang aking Tagahango, ang aking Pahinga, at aking Tagapagligtas. Ang aking pag-ibig para sa Kanya ay mukhang napaka liit kumpara sa kung gaano Niya ako iniibig. Hindi ako kailan man mabubuhay para sa Kanyang mahabang sapat o taos pusong sapat, hindi ako kailan man makagagawa ng higit masyado para kay Kristo. Paglilingkod kay Hesus ay ang aking galak! Binigyan Niya ako ng buhay at kapayapaan pagkatapos na ang lahat ng nalalaman ko ay kamuhian. Si Hesus ay ang aking ambisyon at direksyon. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili, kundi inilalagay ang aking pag-asa sa Kanya lamang, dahil di Niya ako kailan man binigo. Si Kristo ay nagpunta s aakin, at para rito hindi ko Siya iiwan.
Ika’y nawawalang makasalanan tulad ni John Cagan. Masasabi ko lamang sa iyo ang sinabi ko kay John sa katapusan ng pangaral noong naligtas siya, “Ika’y isang makasalanan. Ika’y nawawala. Walang makaliligtas sa iyo kundi si Hesus. Iyan ang dahilan na namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan – at hugasan lahat ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang Dugo. Habang kumanta kami, lumabas mula sa iyong upan at bumaba rito! ‘Nawawala ako! O, Hesus, hugasan mo ang aking mga kasalanan gamit ng Iyong Dugo na ibinuhos sa Krus!’ Bumaba rito habang kantahin namin ang unang taludtod ng ‘Malapit sa Krus.’” Ito ang imbitasyong kanta na kinanta natin noong si John Cagan ay naligtas. Karamihan sa inyo ay alam ito. Kantahin ito. At habang kinakanta nila ito, magpunta rito sa altar at magtiwala kay Hesus.
Hesus panatilihin akong malapit sa krus, Naroon ay mahal na bukal
Libre sa lahat, isang nagpapagaling na sapa
Umaagos mula sa bundok ng Kalbaryo.
Nasa sa krus, nasa krus, Maging luwalhati ko magkailan man;
Hanggang sa ang aking nadagit na kaluluwa ay mahanap ang
Pahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus” Isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Mr. Aaron Yancy: Mga Taga Roma 10:9-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid:
“Malapit sa Krus” Isinalin mula sa
“Near the Cross” (ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
ANG BALANGKAS NG LIMANG MGA PANGARAL NA GINAMIT SA PAGBABAGONG LOOB NG ISANG BATANG EBANGHELISTA FIVE SERMONS USED IN THE CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” I. Una, “Isang “Pampalakas ng Loob doon sa mga Hindi Malaya mula sa Kaligtasan” (ipinangaral ng Linggo ng umaga, Ika-7 ng Hunyo taon 2009). Marcos 12:34. II. Pangalawa, “Makabagong Kalvinismo at Tunay na Pagbabagong Loob” (ipinangaral nang gabi ng Linggo, Ika-7 ng Hunyo taon 2009).
III. Pangatlo, “Sa Pamamagitan Lamang ng Pananalangin at Pagliliban
IV. Pang-apat, “Konsensya at Pagbabagong Loob” (ipinangaral sa gabi ng Linggo, ika-14 ng Hunyo taon 2009). Mga Taga Roma 2:15;
V. Panlima, “Ang Lambak ng mga Tuyong Buto” (Ipinangaral ang umaga
|