Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DALAWANG DAHILAN BAKIT ANG MGA
|
Ngayong gabi magsasalita ako patungkol sa dalawang mga dahilan kung bakit ang mga simbahan sa Amerika at sa Kanlurang mundo ay walang muling pagkabuhay. Sa “muling pagkabuhay” ang ibig kong sabihin ang klasikal na mga muling pagkabuhay na ating nabababasa sa ika-18 na siglo at unang hati ng ika-19 na siglo. Hindi ako tumutukoy sa tinatawag na mga “muling pagkabuhay” ng mga Bagong Ebanghelikal at Pentekostal sa ika-20 na siglo at unang bahagi ng ika-21 ng siglo, kung saan tayo ay nabubuhay.
Paki-lipat sa iyong Bibliya sa II Ni Timoteo 3:1 (Ito’y nasa pahina 1280 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya). Gusto kong basahin mo kasama ko ang unang 7 berso ng kapitulong iyan.
“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito. Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:1-7).
Ngayon basahin ang berso 13.
“Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:13).
Ang mga bersong ito ay nagsasabi sa atin tungkol sa dakilang apostasiya sa mga simbahan ng “huling mga araw” (3:1). Ang mga berso 2 hanggang 4 ay naglalarawan ng tumalikod na kondisiyon mula sa dating pananampalataya ng mga tinatawag na mga “Kristiyano” sa ating panahon. Ang berso 5 ay nagbibigay ng dahilan kung bakit ang mga huwad na mga “Kristiyanong” ito ay napaka malupit at rebelde,
“Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:5).
Bago ko ipaliwanag ang bersong iyan, ibibigay ko ang ilan sa mga sinabi ni Dr. J. Vernon McGee tungkol sa pasaheng ito. Patungkol sa “mga huling mga araw” patungkol sa berso 1 sinabi ni Dr. McGee, ‘“Ang huling mga araw ay isang teknikal na salitang ginamit…[upang] itukoy ang huling mga araw ng simbahan.”Patungkol sa mga bersong 1 hanggang 4 sinabi ni Dr. McGee, “Mayroon tayong labing siyam na iba’t ibang paglalarawan na ibinigay…Ito’y isang pangit na [grupo]…Kinakatawan nila ang pinaka mahusay na eskriptural na larawan ng nangyayari [sa] huling mga araw ng simbahan” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], sulat sa II Ni Timoteo, kapitulo 3). Tapos ipinaliwanag ni Dr. McGee ang besro 5, “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito..” Sinabi ni Dr. McGee, “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinatanggihan ang kapanyarihan nito! Dumadaan sila sa mga ritwal ng relihiyon ngunit nagkukulang ng buhay at katotohanan” (Isinalin mula sa ibid.). Ang mga tinatawag na mga “Kristiyanong” ito ay mayroong anyo ng kabanalan” – iyan ay mayroon silang panlabas na anyo, ngyon tinatanggihan ang kapangyarihan nito. Ibig nitong sabihin hindi pa sila kailan man tunay na napagbagong loob sa kapapagitan ng kapangyarihan ng Diyos at Dugo ni Kristo. Ipinapaliwanag nito kung bakit ang berso 7 ay totoo patungkol sa malaking karamihan ng mga ebanghelikal ngayon. Sila’y “laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.” Mayroong ilang mga tao na tulad niyan ngayong gabi!
Maari nilang aralin ang Bibliya ng maraming dekada, ngunit di kailan man napagbabagong loob. Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie na ang ibig sabihin nito, “Sila [ay] di kailan man makapupunta sa isang nakaliligtas na pagkaalam kay Kristo” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni Ryrie [Ryrie Study Bible]; sulat sa berso 7). Milyon-miyong mga ebanghelikal ay nasa kondisyon na iyan ngayon. Sila’y di napagbabagong loob, natural na mga kalalakihan. Inilalarawan sila ng I Mga Taga Corinto 2:14, “Ang taong ayon sa laman [di napagbagong loob] ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios… hindi niya nauunawa sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.” Ngayon bibigyan ko kayo ng dalawang dahilan kung bakit wala nang malaking muling pagkabuhay sa Amerika at sa Kanluran sa loob ng 140 na mga taon.
I. Una, wala pang malaking muling pagkabuhat na nangyayari sa loob ng higit sa `140 na taon dahil atin sa katunayang binibinyagan lamang ang nawawalang mga tao!
Milyong-milyong mga ebanghelikal ay di kailan man napagbagong loob dahil sila’y nalinlang ng “desisiyonismo” na nadala sa mga simbahan ni Charles G. Finney. Ang Kanyang mga pagtuturo ay bumaba sa mga simbahan ng lubos na milyong-milyong ang nag-iisip na sila’y ligtas dahil sila’y “gumawa ng isang desisyon,” ipinalangin ang mga salita ng isang “panalangin ng isang makasalanan,” o pinaniwalaan ang isang berso sa Bibliya. Ngunit hindi sila napagbagong loob sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang unang gawain ng Espiritu ng Diyos ay an dalhin ang makasalanan sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Sinasabi ng Juan 16:8, 9, “Siya [ang Banal na Espiritu], pagparito niya, ay kaniyang susumbatan [mapatunayang nagkasala] ang sanglibutan tungkol sa kasalanan… Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin.” Maliban nalang na ang isang nawawalang tao ay lubos mapatunayang nagkasala ng kanyang kasalanan, hindi niya kailan man makikita ang kanyang tunay na pangangailangan kay Kristo, ang Kanyang hain sa Krus, at ang kanyang pangangailangan para sa paglilinis ng Dugo ni Kristo. Maraming pagkakataon nakikita natin ang mga tao na nagsasabi na gusto nilang maligtas, ngunit dahil hindi sila kailan man napatunayang nagkasala ng kanilang kasalanna, sila ay di kailan man makapagtitiwala kay Kristo.
Ang pangalawang gawain ng Banal na Espiritu ay ang luwalhatiin si Kristo. Sinabi ni Hesus, “Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag” (Juan 16:14), o gaya ng sinabi ni Hesus sa Juan 15:26, ang Banal na Espiritu “siya’y magpapatotoo sa akin.” Pagkatapos na dumaan sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ang pangwakas na gawain ng pagbabagong loob ay ang Diyos na dinadala ang makasalanan kay Kristo. Sinabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin…” (Juan 6:44). Ang taong nagsasabi, “paano ako makapupunta kay Kristo?” ay hindi pa naiintindihan na dapat siyang unang mahatulan ng kasalanan, at tapos makita si Kristo bilang ang kanyang nag-iisang pag-asa para sa kaligtasan mula sa kasalanan, at tapos maidadala kay Kristo. Ang buong gawain ng kaligtasan ay nakasalalay sa kapangyarihan ng Diyos. Tinanong ng mga disipolo si Hesus, “Sino nga kaya ang makaliligtas?” Sumagot si Hesus, “Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios” (Marcos 10: 26, 27).
Sa klasikal na Protestanteng mga pagbabagong loob, ang unang bagay na nangyayari ay isang malalim na kumbiksyon ng kasalanan na nagdadala sa makasalanan sa desperasyon iligtas ang kanyang sarili. Tapos nakikita ng makasalanan si Kristo bilang ang nag-iisang pag-asa, at nagpupunta kay Kristo, habang dinadala siya ng Diyos sa Tagapagligtas. Siyempre ang lahat ng ito ay tinatanggihan ng makabagong “desisyonismo.” Ngayon ang lahat na kinakailangan ay sabihin ang mga salita ng isang panalangin, o lumakad pababa sa pagitan. Ang gawain ng Diyos sa kaluluwa ng tao ay lubusang tinatanggihan. Iyan ang unang dahilan na wala tayong muling pagkabuhay.
Si John Cagan isang binata sa ating simbahan na may tangkang pumasok sa ministro. Siya ay napagbagong loob sa edad na 15. Ibibigay ko ang kanyang buong testimonyo rito para sa dalawang mga dahilan. Una, dahil ito’y isang ganap na “lumang istilong” pagbabagong loob ng uri na nangyari bago binago ni Finney ang pagbabagong loob na isang simpleng desisyon, ang uri na desperadong kinakailangan ngayon. At, pangalawa, dahil isang kolehiyong mag-aaral na nilabanan si Kristo sa loob ng dalawang taon ay napagbagong loob noong huling Sabado pagkatapos akong basahin ito. Kakaunting mga testimonyo ang nalalaman ko na totoong nakapagbabagong loob sa kahit kanino. Narito ang kaligtasang testimonyo ni John Cagan.
Natatandaan ko ang sandali ng aking pagbabagong loob na napaka linaw at napakalapit na ang mga salita ay mukhang napaka maliit kumpara sa pagbabago na ginawa ni Kristo. Bago ng aking pagbabagong loob ako ay puno ng galit at pagkapoot. Ipinagmalaki ko ang aking mga kasalanan at kinagalakan ko ang nagsasanhi ng sakit sa mga tao, at iniugnay ang aking sarili doon sa mga namuhi sa Diyos; para sa akin ang kasalanan ay hindi isang “pagkakamali” na dapat pagsisihan. Sadya kong iniayos ang aking sarili sa daang ito. Ang Diyos ay nagsimulang kumilos sa akin sa mga paraan na hindi ko kailan man inasahan habang ang mundo ko ay nagsimulang madaliang gumuho sa paligid ko. Ang mga linggong iyon bago ng aking pagbabagong loob nadama ko na para bang ako’y namamatay: hindi ako natulog, hindi ako makangiti, hindi ako makahanap ng kahit anong anyo ng kapayapaan. Ang ating simbahan ay nagkakaroon ng mga ebanghelistikong mga pagpupulong at malinaw kong naaalalang kinukutyaan ang mga ito habang aking lubos na kinakawalang galang ang aing pastor at aking ama.
Ang Banal na Espiritu ay nagsimulang tunay na hatulan ako ng aking kasalanan sa panahong iyon, ngunit gamit ng aking buong lakas tinanggihan ko ang lahat ng pag-iisip na nagkaroon ako tungkol sa Diyos at pagbabagong loob. Tumanggi ako isipin ang tungkol rito, gayon hindi ko mapigil na madama lubos na nahihirapan. Pagdating ng umaga ng Linggo ng Hunyo 21 taon 2009, ako’y lubusang napapagod. Ako’y pagod na pagod na sa lahat ng ito. Sinimulan ko kamuhian ang aking sarili, kinamuhian ko ang aking kasalanan at kung paano ako nito pinadarama.
Habang si Dr. Hymers ay nangangaral, ang aking pagmamalaki ay desperadong sinusubukang tanggihan ito, na huwag makinig, ngunit habang siya’y nangaral literal na nadama ko ang lahat ng aking kasalanan sa aking kaluluwa. Binibilang ko ang mga segundo hanggang sa ang sermon ay matatapos, ngunit ang pastor ay nagpatuloy na mangaral, at ang mga kasalanan ay walang katapusang naging malubha. Hindi na ako makasikad sa mga matulis, kinailangan kong maligtas! Kahit na noong habang ibinibigay ang imbitasyon ako’y pumigil, ngunit hindi ko na ito matiis. Alam ko na ako nang posible ang pinaka malubhang makasalanan na maari at na ang Diyos ay makatuwiran na ikondena ako sa Impiyerno. Ako’y pagod na pagod na sa pakikipaglaban, ako’y pagod na pagod na sa lahat ng bagay sa sarili ko. Pinayuhan ako ng pastor, at sinabihan ako na magpunta kay Kristo, ngunit hindi ito ginawa. Kahit na ang lahat ng aking kasalanan ay humatol sa akin tinatanggihan ko pa din si Hesus. Ang mga sandaling ito ay ang pinaka malubha sa lahat habang aking nadama na para bang hindi ako maaring maliligtas at mapupunta na lang ako sa Impiyerno. “Sinusubukan” kong maligtas, “sinusubukan” kong magtiwala kay Kristo at hindi ko ito magawa, hindi ko maihabilin ang aking sarili kay Kristo, hindi ko makapagpasya na maging isang Kristiyano, at ginawa ako nitong madamang maging lubos na walang pag-asa. Nararamdaman ko ang aking kasalanan na tumutulak sa akin pababa sa Impiyerno gayon nararamdaman ko ang aking pagkatigas ng ulo na pumepuwersa sa aking mga luha. Ako’y naipit sa gulong ito.
Biglang ang mga salita ng isang pangaral na ipinangaral maraming taon noon ay pumasok sa aking isipan: “Sumuko kay Kristo! Sumuko kay Kristo!” Ang pag-iisip na kakailanganin kong sumuko kay Hesus ay namighati sa akin na para bang magpakailan man ay simpleng hindi ko ito gagawin. Ibinigay ni Hesus ang buhay Niya para sa akin. Ang tunay na Hesus na nagpunta upang maipako sa krus para sa akin noong ako’y Kanyang kaaway at hindi ako susuko sa Kanya. Ang pag-iisip na ito ay sumira sa akin; kinailangan kong isuko ang lahat ng ito. Hindi na ako makakapit sa aking sarili na mas matagal pa, kinailangan kong magkaroon si Hesus! Sa sandaling iyon sumuko ako sa Kanya at nagpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa sandaling iyon mukhang bang parang kinailangan kong hayaan ang aking sariling mamatay, at tapos binigyan ako ni Kristo ng buhay! Walang pagkilos o kagustuhan ng aking isipan ngunit sa aking puso, na may isang simpleng pagpahinga kay Kristo, iniligtas Niya ako! Hinugasan Niya ang aking kasalanan gamit ng Kanyang Dugo! Sa nag-iisang sandaling iyon, tumigil ako sa pagtatangi kay Kristo. Ito’y napaka linaw na ang lahat na kailangan kong gawin ay ang magtiwala sa Kanya; nakilala ko ang saktong sandali noong humintong maging ako at ito’y si Kristo lamang. Kinailangan kong sumuko! Sa sandaling iyon walang pisikal na pakiramdam o nakabubulag na ilaw, hindi ko kinailangan ng isang pakiramdam, si Kristo ay nasa akin! Gayon sa pagtitiwala kay Kristo nadama ko ito na para bang ang aking kasalanan ay naitaas mula sa aking kaluluwa. Tumalikod ako mula sa aking kasalanan, at tumingin kay Hesus lamang! Iniligtas ako ni Hesus.
Inibig ako ni Hesus ng lubos upang patawarin ang pinaka di nararapat na makasalanan na lumaki sa isang mabuting simbahan at tumalikod pa rin laban sa Kanya! Ang mga salita ay mukhang di nararapat upang ilarawan ang aking pagbabagong loob at sa pagpapahiwatig ng aking pag-ibig para kay Kristo. Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sa akin at dahil rito ibinibigay ko ang lahat para sa Kanya. Inialay ni Hesus ang Kanyang trono para sa isang krus para sa akin kahit na dumudura ako sa Kanyang simbahan at kinukutya ang Kanyang kaligtasan; paano ko kailan man sapat na maiproproklama ang Kanyang pag-ibig at awa? Kinuha ni Hesus ang aking pagkamuhi at galit at imbes ay binigyan ako ng pag-ibig. Binigyan Niya ako ng higit sa isang bagong simula – binigyan Niya ako ng bagong buhay. Ito’y sa pamamagitan ng pananampalataya na alam ko na hinugasan ni Hesus ang lahat ng aking kasalanan, at nahahanap ko ang aking sariling nagtataka paano ko nalalaman sa aking pagkakulang ng tiyak na ebidensya, ngunit lagi kong pinapaalala ang aking sarili na “ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay hindi nakikita” at nakahahanap ako ang kapayapaan sa pagkakaalam na pagkatapos ng maingat na pag-iisip ang aking pananampalataya ay nakasalalay kay Hesus. Si Hesus ang aking nag-iisang sagot.
Lubos akong nagpapasalamat para sa biyaya na ibinigay sa akin ng Diyos, ang maraming pagkakataon na umabot siya sa akin, at para sa puwersahang pagdadala sa akin sa Kanyang Anak dahil hindi ako siguro kailan man nagpunta kay Hesus sa aking sarili. Ang mga ito ay salita lamang, ngunit ang aking pananampalataya ay nakasalalay kay Hesus, dahil binago Niya ako. Naroon Siya lagi, ang akin Tagapaghatid, ang aking Pahinga, at aking Tagapagligtas. Ang pagmamahal ko para sa Kanya ay mukha napaka liit kumpara sa kung gaano Niya ako kamahal. Hindi ako kailan man makabubuhay para sa Kanyang mahabang sapat o matapat na sapat, hindi ako kailan man makagagawa ng masyadong higit para kay Kristo. Ang paglilingkod kay Hesus ay aking galak! Binigyan Niya ako ng buhay at kapayapaan pagkatapos na lahat ng aking nalaman ay kung paano mamuhi. Si Hesus ang aking ambisyon at direksyon. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili, ngunit inilalagay ko ang aking pag-asa sa Kanya lamang, dahil di Niya ako kailan man nabigo. Si Kristo ay nagpunta sa akin, at para rito hindi ko Siya iiwan.
Iyan ang mga salita ng pagbabagong loob ni John Samuel Cagan sa edad na 15. Ngayon plano niyang magpunta sa ministro. Ang nangyari kay John Cagan ay ang nangyayari sa isang tunay na pagbabagong loob! Dapat gawin ng Diyos para sa iyo ang ginawa Niya para kay John!
Karamihan sa mga mangangaral ngayon ay agad-agad siyang pagdadasalin, tapos bibinyagan siya – at gagawin siyang isa sa milyong-milyong mga nawawalang mga tao sa ating mga simbahan! Ang unang dahilan na wala tayong muling pagkabuhay ngayon ay na ang mga mangangaral ay hindi hahayaan ang Diyos na kumilos sa puso ng isang makasalanan. Hinahablot niya ang makasalanan papalayo mula sa gawain ng Diyos at binibinyagan siyang nawawala! Naniniwala ako na lahat ng mga pagbibinyag ngayon ay pagbibinyag ng mga nawawalang mga tao. Iyan ang unang dahilan na wala tayong muling pagkabuhay! Tunay na ang lahat ay idinedeklarang ligtas at nabinyagan na walang tunay na pagbabagong loob! Ikinukumpisal ko na ako mismo ay dating nakamit ang kasalanang iyan. Ngunit napatawad ako ng Diyos. Bakit pa kaya pipigilan ng Diyos ang muling pagkabuhay mula sa atin sa loob ng 140 na taon? Bakit pa kaya? Mayroong isa pang dahilan!
II. Pangalawa, walang muling pagkabuhay sa loob ng 140 na taon dahil idinidiin natin ang Banal na Espiritu kaysa sa mga Kristiyanong magkumpisal ng kanilang mga kasalanan at pagiging malinis ng Dugo ni Hesus.
Ito’y isang bagay na alam ko na. Ngunit ito’y mas malinaw sa akin kamakailan lang. Ako’y naging saksi sa tatlong muling pagkabuhay. Ang una ay ang pinaka makapangyarihan – at hindi ito nakasalalay sa “Pagbibinyag” ng Espiritu, mga dila, pagpapagaling, o mga himala. Ito’y nakasalalay na ganap sa mga Kristiyano na nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan at paglilinis na panibago ng Dugo ni Kristo.
Sa ating mga simbahan ngayon, ang mga tao na tunay na napagbabagong loob ay kumakapit pa din sa kanilang mga kasalanan – mga kasalanan ng kanilang puso, mga kasalanan ng kanilang isipan, mga kasalanan ng kanilang laman. Sa unang pagbabagong loob na nakit ko, halos ang buong simbahan ay nagkumpisal ng kanilang mga kasalanan sa Diyos sa altar, at lumuha ng mapapait na mga luha hanggang sa ang binigyan sila ng Diyos ng kapayapaan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus. Sinabi ni Apostol Juan,
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan” (I Ni Juan 1:9).
At paano lilinisin ng Diyos ang mga kasalanan ng mga Kristiyano? “nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).
Una, pagkumpisal ng lahat ng mga kasalanan, panloob at panlabas. Pangalawa, paglilinis ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus. Parang simple hindi ba? Gayon ilang mga simbahan ang nagdidiin niyan ngayon? Wala akong alam na kahit sinong gumagawa niyan. At iyan ang pangalawang dahilan na wala tayong muling pagkabuhay sa loob ng 140 na mga taon!
Pakinggan ang mga salita ni Brian Edwards, na gumawa ng mahalagang dami ng pag-aaral patungkol sa paksa ng tunay na muling pagkabuhay. Sinabi niya,
Ang muling pagkabuhay…ay nagsisimula sa isang teribleng kumbiksyon ng kasalanan. Ito’y madalas ang anyo na kinukuha ng kumbiksyon ng kasalanan na gumugulo doon sa mga nakababasa ng muling pagkabuhay. Minsan ang karanasan ay nakadudurog. Ang mga tao ay lumuluha na walang tigil, at mas malubha! Ngunit walang ganoong bagay tulad ng [tunay] na muling pagkabuhay, na walang mga luha ng kumbiksyon at pagdurusa (Isinalin mula kay Edwards, Muling Pagkabuhay [Revival], Evangelical Press, 2004, pah. 115).
Walang pagbabagong loob na walang malalim, na di komportable at nakapagkukumbabang kumbiksyon ng kasalanan (Isinalin mula kay Edwards, ibid., pah. 116).
Ang pinaka unang muling pagkabuhay na nakita ko ay sa mga kaunting mga Kristiyanong nagsisi-luha at nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan. Di nagtagal ang buong simbahan ay napuno ng maraming oras ng mga taong nagsisiluha, nagsisikumpisal ng kanilang mga kasalanan, at mahinang paghihinagpis. Iyon lang ang lahat. Walang mga dila. Walang pagpupuno ng Espiritu. Walang pagpapagaling. Walang pagkikitil ng Espiritu. Mga pagkukumpisal lamang, mga pagluluha, mga pananalangin, at mahinang pagkakanta. Nagpatuloy ito ng maraming oras.
Tapos hihinto ito ng isang araw o dalawa – ngunit gayon ang Espiritu ay darating muli – muli’t muli magkakaagwat sa loob ng tatlong taon. Sa panahon na ang muling pagkabuhay ay natapos na higit sa 3,000 na mga tao ang naidagdag sa simbahan, isang simbahan na nagsimula na mas kaunti pa sa 150 na mga tao. At kinailangan nilang magkaroon ng apat ng mga paglilingkod, imbes na isa, tuwing Linggo ng umaga, tapos dalawa pang paglilingkod sa gabi ng Linggo.
Ngunit hindi ko pinaniniwalaan na dapat tayong manalangin para sa muling pagkabuhay para lamang makakuha ng mas higit pang mga tao sa ating mga simbahan. Ang tunay na motibo ay dapat upang magkaroon ng malinis na simbahan! Kailangan nating magkaroon ng malinis na simbahan!
Nagkaroon na tayo ng malalaking mga krusada. Nagkaroon na tayo ng mga Kristiyanong mga palabas sa telebisyon. Nagkaroon na tayo ng mga pagpapagaling na mga paglilingkod. Nagkaroon na tayo ng mga simbahan na mayroong mga dila at ibang mga karanasan. Ngunit hindi pa tayo nagkaroon ng isang klasikal, makasaysayang muling pagkabuhay sa Amerika ng higit sa 140 na mga taon! Tayo’y napalihis ng ibang mga bagay na ito. Hindi natin hinayaan natin ang Banal na Espiritu na hatulan tayong mga Kristiyano ng ating mga kasalanan. Hindi tayo sumigaw kay Hesus upang linisan tayong panibago gamit ng Kanyang mahal, sagradong Dugo!
Nagkaroon kami ng “paghipo” ng muling pagkabuhay sa aming simbahan. Sa loob ng 4 na gabi ng mga pagpupulong 11 na mga tao ang napagpagong loob, tiniyak ni Dr. Cagan na dalawang beses na isang eksperto. At lahat ng 11 sa kanila ay nagsabi na sila’y napagbagong loob. Nagkaroon rin kami ng 8 mga Kristiyano na nagkumpisal ng kanilang mga kasalanan at nanalangin na may luha sa bawat gabi. Di kami kailan man nagkaroon ng mga pagpupulong na tulad niyon sa loob ng 41 na taon, simula nang ang simbahan namin ay nagsimula.
Ngunit nagkasala ako. Sinabi ni Dr. Cagan na huwag tawagin itong “kasalanan.a” Ngunit sa palagay ko ay nagkasala ako. Naging mapagmalaki ako, mapagmalaki na nagkaroon tayo ng muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay ay nagsimula palang talaga. Ngunit huminto akong mangaral sa kumbiksyon ng Dugo ni Hesus. Ibinigay ko ang pagpupulong sa iba, at ang pagdidiin ay tumalikod mula kay Hesus tungo sa Banal na Espiritu. Dapat kong tinandaan na sinabi ni Hesus patungkol sa Banal na Espiritu, “Siyang magpapatotoo sa akin” (Juan 15:26). Hindi ko dapat hinayaan ang ibang magpunta at mangaral patungkol sa Banal na Espiritu. Iyon ang aking mga kasalanan. Ang kasalanan ng pagmamalaki at ang kasalanan ng pagpapalagay.
At ikinukumpisal ko ang mga ito sa inyo ngayong gabi. Ang aking kasalanan ng pagmamalaki at aking kasalanan ng pagpapalagay. Paki-usap, manalangin sa Diyos na patawarin ako dahil sa pagpapabaya kay Hesus at pagkukumpisal (nanalangin sila). Ngayon manalangin para sa Diyos na bumalik sa atin, gaya ng ginawa Niya sa unang muling pagkabuhay na nakita ko. Manalangin para sa presensya ng Diyos na bumalik sa atin. Manalangin na may mga luha gaya nila sa Tsina (nanalangin sila). Magsitayo at kantahin ang, “Aleluya, Anong Tagapagligtas” [Hallelujah, What a Saviour]. Ngayon kantahin ang “Espiritu ng Nabubuhay na Diyos” [Spirit of the Living God]. Ngayon kantahin ang “Siyasatin Ako, O Diyos” [Search Me, O God]. Ngayon kantahin ang una at huling taludtod ng “Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw” [Fill All My Vision]. Bb. Nguyen, manalangin ka para sa Diyos na bumaba muli. Napaka rami rito na nawawala at bumalik sa dating sama. Manalangin para sa Diyos na bumaba para sa kanila.
Iyong mga gustong manalangin para sa muling pagkabuhay na bumalik sa iyo, tumayo at manalangin para sa Diyos na bumba muli. Manalangin tulad nila sa Tsina. Iyong mga gustong malinis ng Dugo ni Hesus, bumaba rito at ikumpisal ang iyong mga kasalanan. Iyong mga gustong iligtas sila ni Hesus, magpunta rin. Isang Katimugang Bautistang lego na nagpupunta sa aming simbahan sa loob ng 25 na taon na isang nawawalang tao, ay nagpunta at nagtiwala kay Hesus sa isang tunay na pagbabagong loob na karanasan. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Mr. Aaron Yancy: II Ni Timoteo 3:1-5.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid: “Mas Malayo Pa.”
Isinalin mula sa “Farther Along” (ni W. B. Stevens, 1862-1940;
inayos at binago ni Barney E. Warren, 1867-1951).
ANG BALANGKAS NG ANG DALAWANG DAHILAN BAKIT ANG MGA THE TWO REASONS WHY THE CHURCHES IN AMERICA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito. Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:1-7). (II Ni Timoteo 3:13, 5; I Mga Taga Corinto 2:14) I. Una, wala pang malaking muling pagkabuhat na nangyayari sa loob ng higit sa `140 na taon dahil atin sa katunayang binibinyagan lamang ang nawawalang mga tao! Juan 16:8, 9, 14; 15:26; 6:44; Marcos 10:26, 27. II. Pangalawa, walang muling pagkabuhay sa loob ng 140 na taon dahil idinidiin natin ang Banal na Espiritu kaysa sa mga Kristiyanong magkumpisal ng kanilang mga kasalanan at pagiging malinis ng Dugo ni Hesus, I Ni Juan 1:9, 7; Juan 15:26. |