Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
Kant Kinanta Bago ng Pangaral, pinamunuhan ni Dr. Hymers: SI SATANAS AT ANG MULING PAGKABUHAYSATAN AND REVIVAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Magsitayo at lumipat sa pahina1255 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ito’y nasa Mga Taga Efeso 6:11 at 12.
“Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:11-12).
Maari nang magsi-upo.
Ang mga bersong ito ay nagpapakita kung paano ang mga demonikong karamihan ni Satanas ay ang mga tunay na mga kalaban ng Kristiyanismo. Isinasalin ng Bagong Amerikanong Batayang Bibliya ang berso 12 na ganito,
“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:11-12 NASB).
Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger, “Ang pinaka nakamamanghang paghihirang ng masasamang mga puwersa…ay ‘Ang namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan’…ag mga masasamang namamahalang mga espiritung mga ito” (Isinalin mula sa Biblikal na Demonolohiyo [Biblical Demonology], Kregel Publications, 1994, pah. 196). Ibinigay ni Dr. Charles Ryrie ang kumentong ito sa Daniel 10:13, “Ang prinsipe ng kaharian ng Persia…Isang higit sa natural na nilalang na sinubok na direktahin ang mga pinuno ng Persia upang tutulan ang plano ng Diyos. Ang mga masasamang mga anghel [mga demonyo ‘mga puwersa ng mundo’] ay hinahangad na pamunuhan ang mga bagay-bagay ng mga bansa… ang digmaan sa pagitan ng mabuti at masamang anghel sa paghahawak sa mga bansa ay nagpapatuloy” (Pag-aaral na Bibliya ni Ryrie [Ryrie Study Bible]; sulat sa Daniel 10:13).
Ako’y kumbinsido na mayroong isang namumunong demonyo na nanghawak sa Amerika at sa Kanlurang mundo. Ang Scofield na gitnang sulat sa Daniel 10:20 ay nagsasabing, “ang mga demonyo ay nag-aalala sa ngalan ng mundong sistema ni Satanas.” Ang sulat na ito ay tumutuloy sa “prinsipe ng kaharian ng Persia.” Ang “prinsipeng” ito ay isang namununong demonyo na nanghawak sa Persianyong kaharian. Ngayon ang “prinsipe ng Kanluran” ay hinahawakan ang Amerika at ang mga kapanig nito. Ang pangunahing demonyo na nanghahawak sa Amerika at ang Kanluran ay nabigyan ng kapangyarihan upang magsanhi sa ating sibilisasyon na maging lubos na materyalistiko. Ang pamumunong ito ng demonyo ng materiyalismo ay pumipigil sa muling pagkabuhay, humahadlang sa ating mga panalangin, at inaalipin ang ating mga tao. Anong ginawa ng namumunong demonyong ito sa ating mga tao? Tumutukoy sa mga demonyo, sinabi ni Dr. Lloyd-Jones sa atin kung anong ginagawa ng kapangyarihan ng demonyong ito. Sinabi niya na ang kapangyarihan ng demonyo ay bumulag sa mga isipan ng mga tao. Sinabi Niya na, ‘ang buong [kaisipan] ng espiritwal ay wala na. Ang pinaka paniniwala sa Diyos ay sa katunayan ay wala na…ang paniniwala tungkol sa Diyos at relihiyon at kaligtasan [ay] idinedespatsa at kinalilimutan” (Muling Pagkabuhay [Revival] Crossway Books, 1992, pah. 13). Ito’y nangyari dahil sa gawain ng “prinsipe ng Kanluran” at ang mga mas maliliit na mga demonyo sa ilalim niya.
Hindi ito totoo patungkol sa ibang mga bansa. Mayroong mga iba’t ibang mga bansa sa Ika’tlong Mundo kung saan ang dakilang demonyo ng “materiyalismo” ay hindi namumuno sa parehong puwersa sa Amerika at Kanluran. Milyon-milyong mga kabataan sa Tsina, sa Aprika, sa Indochina, pati sa Muslim na mga bansa – milyon-milyong mga kabataan at napagbabagong loob. Milyon-milyon sa kanila ay nagiging mga tunay na mga Kristiyano. Ngunit sa Amerika at sa Kanluran, mga kabataan sa milyon ay iniiwan ang kanilang mga simbahan. At napaka kaunting mga tao ang nagiging mga tunay na mga Kristiyano sa Amerika at sa Kanlurang mundo. Our churches are powerless. Ang ating mga simbahan ay walang kapangyarihan. Ang ating mga panalanging pagpupulong ay napabayaan. Ang ating mga kabataan ay walang pasyon para sa Diyos. Tayo ay sinabihan na 88% sa kanila ay iniiwan ang ating mga simbahan sa edad na 25, “na di kailan man bumabalik,” ayon sa polster na si George Barna. Sila’y na iipit sa pornograpiya, na kanilang tinitignan ng maraming oras sa Internet. Sila’y naiipit sa mga droga tulad ng mariwana at Ekstasi. Tinatawanan nila ang panalangin, ngunit sila’y nahipnotismo ng sosyal na medya na walang katapusang mga oras. Mayroon silang mga smartphone sa kanilang mga kamay palagi. Sila’y literal na nasa ilalim ng kontrol ng mga gadyet. Ginugugol nila ang bawat libre nilang sandaling tumititig sa mga ito. Tinititigan ang mga ito tulad ng mga naunang mga Israelites ay tumitig sa kanilang mga idolo sa panahon ng propetang Hosea. Ang sosyal medya ay ang idolo na ginamit ni Satanas upang kontrolin ang ating mga kabataan. At halos lahat ng ating mga pastor sa Amerika at sa Kanluran ay hindi natatanto kung bakit ang kanilang mga simbahan ay napaka makamundo at mahina! Hindi nila natatanto na sila’y nakakaharap sa mga demonikong puwersa, gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones!
Ito’y sumama ng husto sa panahon ni Hosea na sinabi ng Diyos, “[Ang Israel] ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya” (Hosea 4:17). Ang bansa ay isinuko ng Diyos. Sila’y pinabayaan ng Diyos. Sila’y naiwanang mag-isa, sa ilalim ng kapangyarihan ng mga demonyo. Sa ilalim ng kapangyarihan mga demonyo na inalipin ang ating sariling mga kabataan sa pornograpiya, mariwana, at sosyal na mediya oras oras! Ng mga demonyo na kumakadena sa mga kabataan at nawawalang mga kaibigan. Ang tipo ng mga demonyo na umaalipin sa mga kabataan sa materiyalismo, na umaalipin sa ilan sa kanila sa kanilang mga karir na humahadlang sa kanila mula sa pagiging mga espiritwal na mga Kristiyano, na umaalipin sa iba sa walang katapusang paghabol sa seks sa labas ng pagkasal at pornograpiya. “[Ang Israel] ay ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya” (Hosea 4:17). Ang ilan sa inyo rito ngayong gabi ay naalipin ng demonikong puwersa.
Nagpupunta ka sa aming simbahan. Ngunit ang Diyos ay wala rito. Nararamdaman mo na ang Diyos ay wala rito! Sinabi ng propetang Hosea, nagpupunta sila…” upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila” (Hosea 5:6). Ang Diyos ay wala na! Nilisan na Niya ang ating simbahan. Nilisan na Niya ang ating simbahan. Siya ay wala na rito. Hindi Siya wala dahil hindi Siya nabubuhay. Siya ay wala dahil Siya ay nabubuhay! Ang Diyos ay nabubuhay – at iyan ang dahilan kung bakit iniwanan Niya tayo! Siya ay lahat-lahat Banal. Siya ay lahat lahat galit sa ating kasalanan. At iyan ang dahilan na iniwanan na Niyang mag-isa! Nag-iisa sa iyong sinbahan. Nag-iisa sa iyong mga panalangin. Nag-iisa pati sa ating simbahan. Nag-iisa na hindi nadarama ang presensya ng Diyos. Alam ko mula sa aking sariling karanasan kung gaano katerible ang aking nadama noong nagpunta ako sa simbahan bilang isang binatilyo sa isang Kaukasyan sa simbahan at ang Diyos ay wala roon para sa akin. Ako’y nag-iisa – doon sa simbahan na iyon. Nag-iisa, gaya ng paglagay ng Green Day sa popular na kanta,
Minsan sana mayroong isang makahahanap sa akin
Hangang doon ako’y maglalakad na mag-isa.
(Isinalin mula sa “Bulebar ng Wasak na mga Panaginip”
[“Boulevard of Broken Dreams”], mula sa Green Day, 2004).
Alam ko ang nararamdaman mo. Naglakad akong mag-isa sa mga kalye ng Los Angeles noong ako’y isang binata, nag-iisa, noong ako’y bata tulad mo! Ako’y nag-iisa rin noong nagpupunta ako sa isang Kaukasyang simbahan, bago ako sumapi sa isang Tsinong Bautistang simbahan. O, oo! Natatandaan ko ang naramdaman ko! At kinamumuhian ko ito! Kinamumuhian ko ang demonyo ng materiyalismo na sumira sa pag-ibig sa tahanan, na sumira sa kaligahayan, na sumira sa puso at gumawa sa iyong napaka nag-iisa. Kinamumuhian ang demonyo na gumawa sa ating simbahang malamig at di pala-kaibigan. Kinamumuhian ko ang kasalanan ng Amerika na nagnakaw mula sa iyo ng mga mabubuting mga bagay na sinadya ng Diyos para sa iyo! Ang ilan sa inyo ay humahabol mula sa isang presidensyal na kandidato dahil ipinangako niya sa iyo ang lahat ng bagay. Ngunit lumakad siya papalayo at iniwanan ka ng wala! Kaya karamihan sa mga mangangaral. Ipinangako nila sa inyo ang lahat ng bagay. Ngunit wala silang kahit anong bagay na tunay na ibibigay sa iyo! Ika’y nasa ilalim ng nakabubulag na impluwensya ng mga demonyo! At dahil doon sa mga Satanikong mga impluwensya iyon ika’y nag-iisa! Ang Diyos ay lumakad papalayo mula sa Amerika at ang Kanluran! Iniwan na tayo ng Diyos na mag-isa dahil sa ating kasalanan! At iniwan ka na ng Diyos na mag-isa dahil sa iyong kasalanan.
Kailangan nating magkaroon ang Diyos sa ating simbahan! Kailangan natin ang Kanyang presensya sa atin! Hindi natin matutulungan ang mga kabataan. Hindi ka namin matutulungan sa anumang paraan. Hindi ka namin matutulungan hangga’t ang Diyos ay bumaba. Dapat naming pagsisihan ang aming mga kasalanan! Dapat kaming lumuha kapag kami’y manalangin. Ang aming mga panalangin ay mga salita lamang hangga’t kaming lumuha! Lumuluha sila sa Tsina at ang Diyos ay bumababa! Na wala ang Diyos wala kaming maibibigay sa iyo mga kabataan! Mabibigayan lamang namin kayo ng isang salo-salo. Ngunit hindi namin maibibigay sa iyo ang Diyos! Mabibigyan lamang namin kayo ng isang palarong basket bol. Ngunit hindi namin maibibigay sa iyo ang Diyos! At kung hindi namin maibibigay ang Diyos sa iyo wala kaming maibibigay sa iyo. Walang makagagamot ng iyong pagka mag-isa! Walang makapaliligaya ng inyong mga puso! Walang makaliligtas ng iyong mga kaluluwa! Nagpupunta ka sa amin, at wala kaming maihahandog sa iyo. Wala kundi isang salo-salo. Wala kundi isang keyk na pangkaarawan! Wala kundi isang lumang kartun. Wala kaming maihahandog sa iyo, walang makatutulong sa iyo, walang makaliligtas sa iyo mula sa apoy ng Impiyerno! Wala kaming kahit ano para sa iyo maliban na mayroong tayo ang Diyos! Wala kundi isa o dalawang himno, wala kundi mga salita ng isang panalangin. Wala kundi isang kalahating patay na pangaral. Kami ay tigang. Kami ay walang lakas. Wala kaming kahit anong kailangan mo. Wala kaming kahit ano para sa iyo kung wala kami ang Diyos!
Dalawang Sabadong gabing nakaraan, hiniling ko kayong bigkasin ang ating mga bersang imememorya. Marami sa inyo ang bumigkas ng mga ito.
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).
Nadama ko ang Diyos na bumaba habang ang ilan sa inyo ay bumigkas ng mga salitang iyon. Ako’y napukaw sa loob ko. Ang aking puso ay napukaw sa kapangyarihan ng Diyos. Ibinigay ko ang imbitasyon. Walang pangaral ang ipinangaral. Walang panalangin ang ibinigay. Ang mga salitang iyon lamang,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).
At si Gng. ____ay nanalangin na may luha! At tapos si Jason _____ ay umungol at sumigaw na may malakas na boses. Si Rebekah _____ ay dumating na lumuluha sa altar. Mayroong sumigaw, “Paano naman si Abraham ____?” Nagsimula siyang magpunta. Ngunit tumalikod at lumisan. Tatlong kalalakihan ang humabol sa kanya. Ang mga demonyo ay lumabas. Mga luha ay bumuhos. Mga paghingi ng tawad ay ginawa. Kapayapaan ay sa wakas dumating sa kanya. Ilang araw maya maya siya ay naligtas! Tapos si Cristina ____ ay dumating. Si John Cagan ay nagsabi sa kanya ng kaunting mga salita bago ko siya tinawag upang kausapin ang isa pang tao. Siya’y nagpunta kay Hesus sa sarili niya – at nadinig ni Dr. Cagan ang kanyang testimonyo at nagsabi na , “Siya’y dumaan mula sa kamatayan tungo sa pagkabuhay.” Siya ay naligtas sa pamamagitan ng Dugo ng naipako sa krus na Tagapagligtas. Pagkatapos manalangin kasama ni Abraham ____, si Jack Ngann at ako ay kumanta ng Doksolohiyo. Nagkaroom kami ng 13 na inaasahang pagbabagong loob sa tatlong mga araw, noong Agosto 18, 27 at 28. Sinabi ko sa isang mangangaral at sinabi niya, “Kayo’y nakararanas ng muling pagkabuhay.” Totoo, ngunit ito’y nagsimula sa mga pagbabagong loob. Ito’y karaniwang nagsisimula sa mga Kristiyanong nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan. Ngunit 4 na mga Kristiyano ang nagkumpisal ng kanilang mga kasalanan at muling nabuhay. Apat lamang na mga Kristiyano! Ang natira sa inyo ay kasing lamig at kasing kawalang buhay tulad ng dati.
Si Q_______ ay lampas sa anim na talampakan ang taas. Isang malaking Aprikanong Amerikano na mayroong galit na mukha. Siya’y bumagsak sa kanyang mga tuhod at lumuha hanggang sa ang kanyang buong mukha ay natakpan ng mga luha. Siya ay huling taong naligtas noong huling Linggo ng gabi.
Ngunit pansinin ang dalawang mga bagay sa mga pagpupulong na iyon na gumulo sa akin, at gumugulo pa rin sa akin. Ang unang bagay na gumulo sa akin ay ang katunayan na hindi ka nagalak dahil para sa 13 na mga taong napagbagong loob. Sinigurado ni Dr. Cagan dalawa o tatlong beses. Sinabi niya na sila’y nagligtas. Hindi ka nagalak. Hindi pa rin kahit noong sinabi ko sa iyo na narinig sila ni Dr. Cagan at sinabi na sila’y inaasahang naligtas. Si Jack at ako lamang ang kumanta ng Doksolohiya na kusang loob! Walang mga pagsigaw ng papuri. Walang papuri sa Diyos. Maaligamgam lamang na palakpakan. Malumanay, na maaligamgam na palakpakan. Wala ni isang pagsigaw ng galak na mababasa mo sa mga muling pagkabuhay. Kayong mga Kristiyano ay hindi nagalak para sa 13 ng mga pagbabagong loob doon sa maiikling mga pagpupulong na iyon! Walang ngiti! Walang mga Aleluya! Walang mga pagsigaw ng galak na aking nakita sa mga muling pagkabuhay. Walang silakbo ng pagbibigay pasasalamat na nabasa mo sa mga naisulat na mga ulat ng mga muling pagkabuhay sa nakaraan! Hindi walang kahit anong nakagagalak. Isa lamang maliit at maaligamgam na palakpakan noong binasa ko ang mga pangalan ng noong mga naligtas. Akala ko ika’y tatayo at sisigaw ng “Papuri sa Diyos” na mayroong dumadagundong na palakpakan. Ngunit, wala. Mayroong lamang maliit, at magalang na palakpakan – para sa isang ganoong kalaking tagumpay! Iyan ang unang bagay na gumulo sa akin.
Ang pangalawang bagay na gumulo sa akin ay ang katunayan na apat lamang na mahabang panahong Kristiyano sa ating simbahan at muling nabuhay doon sa mga pagpupulong na iyon. Apat lamang! Ang bawat isang ibang Kristiyano ay nanatiling malamig at walang emosyon tulad ng dati! Isang tao ang nagsabi, “Ako’y nabuhay muli. Ngunit di tulad ni Gng. ____.” Aking minamahal na kapatid, kung hindi ka naging tulad ni Gng. _____, ika’y hindi nabuhay muli sa anumang paraan! Ika’y hindi nahawakan ng Diyos sa anumang paraan kung hindi ka naging tulad ni Gng. ___!
Tinanong ko si John Cagan kung bakit napaka kaunting muling pagkabuhay doon sa mga ligtas. Sinabi niya dahil kayo ay mapang-uyam at di naniniwala. Sa tingin ko siya ay tama. Ang dakilang pagkilos ng Espiritu ay dumating sa 13 na mga taong napagbagong loob, ngunit ika’y mapang-uyam. Hindi mo ito pinaniwalaan. Nagkaroon tayo ng dakilang pagkilos ng Diyos, ngunit hindi mo ito tunay na pinaniwalaan. Bakit hindi mo ito tunay na pinaniwalaan? Sasabihin ko sa iyo ang dahilan. Ito’y dahil mayroong mali sa iyo! Mayroong isang bagay na teribleng mali sa iyo! Wala kang mga luha ng kagalakan. Wala kang magalak na tugon. Wala kang galak dahil ang iyong puso ay mali. At ang iyong puso ay mali dhail hindi mo ito nasuring mabuti. Ika’y nalinlan ni Satanas. Hindi mo pa nga ito natanto. Hindi mo pa nga ito natanto na ika’y nilanlang ng mga “pandaraya ng diablo.” Hindi mo pa ito natanto na dinaya ka ng Diablo at nilinlang ka! O, paano ka kailan man maging isang “malakas sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang lakas”? Paano mo kailan man “makapaglalaban laban sa” Diablo kung hindi mo alam na siya’y nandaya at luminlang sa iyo? (isinalin mula sa cf. Mga Taga Efeso 6:10-11). Sinabi ni Dr. Merrill F. Unger ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas, “[Ang mga Kristiyano] na maging espiritwal at mabubuhay na matagumpay ay haharap ng isang malaking gulo kay Satanas at mga demonyo, [mga demonyo] na nagagalit na hadlang sa tunay na espiritwalidad at kahalagahan ng Kristiyano” (Isinalin mula sa Biblikal na Demonolohiyo[Biblical Demonology], Kregel, 1994, pah. 101).
Mga kapatid, dapat nating siyasatin ang ating mga puso. Dapat nating ikumpisal ang ating mga kasalanan, “Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang” (Mga Taga Corinto 2:11). Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Isa sa mga pangunahing sanhi ng [masamang] kalagayan ng Simbahan ngayon ay na ang diablo ay kinalimutan…Ang simbahan ay nadroga at nadaya; hindi siya nagkakamalay sa gulo sa numang paraan” (Isinalin mula sa Kristiyanong Digmaan [Christian Warfare], Banner of Truth, 1976, mga pah. 292, 106). Hindi nagkakmalay sa gulo sa anumang paraan. Hindi nagkakamalay na ang iyong mga kasalanan ay nagpapurol ng iyong puso. Hindi nagkakamalay na ang di naikumpisal na kasalanan ay naghiwalay sa iyo mula sa Diyos!
Paano natin matatalo ang Diablo? Dapat nating unang tanungin ang Diyos na ipakita sa atin ang mga kasalanan ng ating mga puso. Dapat nating tunay na ipanalangin,
“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan” (Mga Awit 139:23, 24).
Huwag mamahiya sa gawain na ginagawa mo sa simbahan. Marami sa inyo ang kumakayod ng lubos sa ating simbahan. Kumakayod kang lubos, ngunit mayroong kang mga kasalanan sa iyong puso. Huwag ka ring mamahiya sa iyong mga panalangin. Maari kang manalangin araw-araw at mayroon pa ring kalupitan sa iyong mga puso. Tinanong ko ang isang lalake sa ating simbahan, “OK ka lang ba?” Ang sabi niya, “OK lang ako.” Tunay na inisip niya na siya ay OK. Ngunit ipinunto ko ang malakas na kasalanan na sumisira sa kanya. Sinabi niya, “hindi ko kailan man naisip iyan na isang kasalanan.” Iyan ba ay totoo sa iyong puso? Mayroon bang kasalanan sa iyong puso na hindi mo kailan man naisip?
Nanatili kang mapagpananampalataya sa ating simbahan noong ang iba ay lumisan sa pagbibiyak ng simbahan. Huwag kang mamamihiya riyan! Maari kang manatiling matatag sa ating simbahan at magkaron pa rin ng kasalanan sa iyong puso na “hindi mo kailan man naisip.” Ang ilan sa inyo ay nananalangin para sa iyong mga anak upang maligtas. Ngunit ang iyong mga panalangin ay hindi pa nasasagot. Maari kaya na mayroong ilang naitatagong mga kasalanan sa iyong puso? Ilang kasalanan na hindi mo kailan man naisip. Ngunit ito’y isang kasalanan, at ngayon ipinananalangin ko na maramdaman mo ito. Ang iyong mga panalangin para sa iyong mga anak ay di masasagot maliban nalang na iyong ikumpisal ang iyong kasalanan. Ang Salita ng Diyos ay nagsasabi, “Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon” (Mga Awit 66:18). Ngunit, sinasabi mo, “Ito’y isa lamang maliit na kasalanan.” Sinabi ng Diablo sa iyo na ito’y “maliit” – ngunit dapat mong makita na ito’y humahadlang sa iyong mga panalangin. Dapat mong ikumpisal ang mga kasalanan ng iyong puso sa Diyos. Dapat mong ikumpisal ang mga ito o ang Panginoon ay hindi makikinig sa iyo.
Ang batang ebanghelistang si Evan Roberts ay dakilang ginamit sa 1904 na muling pagkabuhay sa Wales. Sinabi ni Evan Roberts, bago ang Espiritu ay dumating sa muling pagkabuhay, “Dapat nating maalis ang simbahan ng lahat ng masasamang mga pakiramdam – lahat ng malisya [pagkainis, pagkapait], ingit, paghuhusga, at mga di pagkakasundo [di pagsasang-ayon, pagmamalaki]. Huwag manalangin hanggang sa ang lahat ng iyong mga kasalanan [tungo sa iba sa simbahan] ay [naikumpisal na] at napatawad, ngunit kung nararamdaman mong hindi ka makapatawad, tumiklop [sa iyong mga tuhod], at humingi para sa pagpapatawad na espiritu. Makukuha mo ito gayon” (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay [Revival], Evangelical Press, 2004, pah. 113)… “Sa normal na mga panahong ang mga Kristiyano ay humahawak doon sa mga bagay na iyon…Ngunit sa tunay na muling pagkabuhay ang mga sekretong mga kasalanan ay maidadala…sa mga isipan ng Kristiyano, at hindi magkakaroon ng kapayapaan hanggang sa ang lahat ay naikumpisal” (Isinalin mula kay Edwards, ibid., pah. 114).
Sa Tsinong Bautistang simbahan noong 1969 at 1970 mayroong terbileng kumbiksyon ng kasalanan doon sa mga Kristiyano. Nakita ko ito. Minsan ang kumbiksyon ng kasalanan ay nakadudurog na ang mga tao ay lumuha na walang pagpipigil. Ngunit walang walang ganoong bagay tulad ng muling pagkabuhay [doon sa mga Kristiyano] kung walang kumbiksyon at pagdurusa. Sa isang panig ng awditoriyum mayroong isang nagsimulang lumuha. Tapos ang lahat na ay lumuluha. Ang mga pagpupulong ay nagpatuloy ng maraming oras ng mga pangungumpisal, pagluluha, pananalangin at mahinang pagkakanta. Nalimutan ng lahat kung anong iisipin ng iba. Sila’y nakaharap sa Diyos.
Walang muling pagkabuhay kung walang mga Kristiyano na nagkakaroon ng malalim, di komportable at nagkapakukumbabang kumbiksyon ng kasalanan. Ang katahimikan ay naabala ng pagluluha noong mga Kristiyano na kinahaharap ng Diyos. Ang aking Tsinong pastor, si Dr. Timothy Lin, ay alan ang gagawin. Hinayaan niya itong mangyari dahil alam niya mula sa kanyang mga karanasan sa Tsina na ito’y pagkilos ng Diyos sa Kanyang mga tao. Ito ay ang pinaka nakamamanghang serye ng mga pagpupulong na aking kailan man nakita. Panalangin ko na makita natin iyang gawin ng Diyos sa ating simbahan. Nagkaroon tayo ng isang “paghipo ng muling pakgbuhay” noong apat ng mga Kristiyano ang nakumbinsi ng kanilang mga kasalanan sa kanilang puso at ikinumpisal ito. Ang Banal na Espiritu ay bumaba at 13 na mga nawawalang mga tao ay napagbagong loob. Ngunit ang ibang mga miyembro ng ating simbahan ay lubos na di napakilos. 13 na mga tao ay napagbagong loob noon apat lamang na mga Kristiyano ang muling nabuhay, isipin kung anong mangyayari sa ating simbahan kung 15 o 20 sa inyo ang magkumpisal ng iyong mga kasalanan ng iyong puso tulad ni Gng. ___! Ikukumpisal mo ba ang iyong mga kasalanan ngayong gabi? O ikaw ba ay uuwi ngayong gabi na walang galak? Na hindi nagkukumpisal? Na walang mga luha? Na hindi nabubuhay muli ang iyong puso? Kasing lamig at patay tulad ng dati?
Sinabi ni Gg. Kyu Dong Lee, “Isa ako sa mga 39.’ Nanatili ako sa simbahan noong ang aking mga kaibigan at ang iba ay lumisan sa malaking pagbibiyak ng simabahan. Ako’y ligtas. Noong sinabi ni Dr. Hymers na ako’y nanumbalik sa dating sama, naisip ko, ‘Ano pang kailangan kong gawin? Napagbagong loob na ako. Ano pang kailangan ko?’ Hindi ko natanto na nawala ko ang unang pag-ibig ko para kay Hesus. Isinipi ni Dr. Hymers ang Apocalipsis 2:4 at 5, ‘mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka’ (Apocalipsis 2:4, 5). Tapos natanto ko na hindi ako tulad noong ako ay unang naligtas. Dati ay lumuluha ako ng galak kapag kinakanta ko ang mga kantang tulad ng ‘Na Ganito Lamang’ [Just As I Am] at ‘Nakamamanghang Biyaya’ [Amazing Grace]. Ngayon kinakanta ko lang mga salita na walang kahit anong pag-ibig o galak. Ngayon ang aking mga panalangin ay malakas, ngunit ang aking mga panalangin ay mga salita lamang, mga mabubuting salita, ngunit walang lamang mga panalangin. Nanalangin pa rin ako na may ayos at argumento, ngunit nanalangin lamang ako na hindi tunay na inaasahan ang Diyos na sagutin ako. Ang aking mga panalangin ay malalakas na mga salita lamang. Ang mga ito’y walang lamang mga panalangin. Alam ko na kinailangan kong ikumpisal ang aking mga kasalanan, ang mga kasalanan ng aking puso. Tandaan na sinasabi ng Bibliya,
‘Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan’ (I Ni Juan 1:9).
Natandaan ko ang Salmistang nanalangin, ‘Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas’ (Mga Awit 51:12). Natandaan ko na sinabi niya, ‘Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan’ (Mga Awit 51:17).”
Si Gg. Lee ay isa sa “mga 39” na nagligtas sa simbahan mula sa pagkabangkarota. Siya ay isang mapagpananampalatayang diakonong kandidato. Siya’y umupo sa plataporma sa likuran ko kapag ako’y nangangaral. Siya ay isang halimbawa sa ming mga tao. Sinabi niya, “Anong pang kailangan ko?” Tapos ipinakita sa kanya ng Diyoa ang pangangailangan niyang ikumpisal ang mga kasalanan ng kanyang puso. Siya’y napunta sa harapan at ikinumpisal ang kanyang mga kasalanan. Siya ay lumuha ng lubos na ang kanyang mukha ay namula. Pinatawad siya ng Diyos at ipinanumbalik ang galak sa kanyang puso. Ngayon nananalangin siya na may mga luha at na may galak na kanyang nawala. Sinabi niya, “Mayroon tayong mga walang lamang mga panalangin. Mayroon tayong malamig a mga ngiti, huwad na mga ngiti, kapag tayo’y nagkakamayan sa pakikisamahan. Walang tunay na pag-ibig. Huwad lamang na mga ngit.”
Si Gg. Lee ay isang pinuno ng simbahan. Ngunit paano ka makapamumuno ng simbahan kung nawala mo ang iyong unang pag-ibig? Maari mo lamang mapamunuhan ang mga kabataan sa parehong walang lamang relihyon na mayroon ka. Bawat pinuno sa simbahan ay nangangailangan na ikumpisal ang kanilang kasalanan, o walang pag-asa para sa ating simbahan. Sinabi ko, “Ang mga taong bumibisita sa atin ay nag-iisip na ang ating simbahan ay nakamamangha. Hindi nila nakikita na mayroon lamang tayong huwad na relihiyon na walang tunay na pag-ibig. Ang ating simbahan ay di magtatagal magiging isa na namng patay na ebanghelikal na simbahan maliban nalang na ang ating mga pinuno at ating mga miyembro ng simbahan ay madama ang kanilang pangangailangan para sa Diyos, ikumpisal ang kanilang mga kasalanan na mayroong mga luha, at mapanumbalik sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus, na ibinuhos ang Kanyang Dugo upang pagalingin ang ating mga puso, at ibigay sa atin ang banal na pag-ibig na dati ay mayroon tayo noong una tayong naligtas. Sinabi ni Hesus, “Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:35). Mga kapatid, hindi tayo kailan man magkakaroon ng tunay na pag-ibig sa ating simbahan maliban nalang kung marami sa atin, matanda o bata, ay ikumpisal ang ating mga kasalanan.
Pinapanalangin ko na ako’y iyong marinig at ikumpisal ang iyong mga kasalanan ngayong gabi. Magsitayo at kantahin ang, “Siyasatin Ako, O Diyos.”
“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso:
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip;
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.”
(Mga Awit 139:23, 24).
Ngayon kantahin, “Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag kahit anong kasalanan.”
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag kahi t anong kasalanan
Ang umanino sa kaliwanagan ng kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya,
Punuin ang lahat ng aking pananw, Tagapagligtas na banal,
Hangang kasama ng Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ng aking makita
Ay Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Huwag matakot na magpunta sa ikumpisal ang iyong mga kasalanan rito sa altar. Paunawa huwag matakot na magpunta. Paunawa na gawin ito upang ang ating simbahan ay mabuhay muli.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhaying Muli ang Iyong Gawain.” Isinalin mula sa
“Revive Thy Work” (ni Albert Midlane, 1825-1909).