Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
DI PANINIWALA AT MULING PAGKABUHAY –
|
Si John Cagan at ako ay nasa proseso ng pagiging magkaibigan. Ito’y maging isang di pangkaraniwang pagkaibigan. Isang pagkaibigan sa pagitan ng isang batang lalake at isang lalakeng sapat nang matanda upang maging kanyang lolo. Ito’y isang pagkakaibigan na nagiging peke sa isang pakikipaglaban sa pagitan ng dalawang kalalakihan. Dalawang kalalakihan na napaka iba. Ngunit dalawang kalalakihan na higit na magkapareho rin. Pareho kaming minsan ay mayroong mga panahon ng malalim na pagkalungkot. Ngunit pareho kaming mahiyain sa puso. Pareho kaming mas nararamdamang mas komportableng mag-isa kaysa sa isang pulong ng tao. Pareho kaming natutong kumilos na mas papalabas kaysa kami nga ay tunay. At mayroong isa pang isang bagay na parehas kami. Pareho naming pinagdududahan na magkakaroon kami ng isang muling pagkabuhay. Pareho naming pinagdududahan na kami ay kailan man magkakaroong ng isang “bagong” Baptist Tabernacle.
Sa kanyang pangaral noong huling Linggo sinabi sa atin ni John ang kanyang mga pagdududa. Sinabi niya sa atin ang tungkol sa kanyang mga takot. Ang takot na hindi mangyayari. Mga takot na ang ating simbahan ay di kailan man magbabago. Para sa akin iyan ang pinaka mahalagang bahagi ng pangaral ni John. Narito ang sinabi niya sa atin sa pangaral.
Sinabi ni Dr. Hymers, “Dapat tayong mag-ayuno at manalangin para sa Diyos na bumaba at gawin ang ating simbahan na maging buhay muli sa Kanyang paningin.” Dapat kong aminin sa inyo na mayroon akong pagdududa patungkol riyan…nag-alinlangan rin akong paniwalaan ang pagsubok na ibinigay ni Dr. Hymers sa atin. Ikaw rin ay maaring mag-iling ng ulo sa di paniniwala… Siguro ay hindi mo rin ito pinaniniwalaan (Isinalin mula kay John Samuel Cagan, “Kalimutan ang Nakaraan at Umabot para sa Premyo” [“Forget the Past and Reach for the Prize!”].
Naiisip ko na ang mga salitang iyon ay ang pinaka mahalagang bahagi ng dakilang pangaral ni John. Naisip kong alisin mga salitang iyon habang tinulungan ko siyang ayusin ito. Ngunit sa wakas alam ko na ang mga salitang iyon ay dapat maiwang roon. Ngayon, habang muli kong binasa ang kanyang pangaral, natanto ko na ang mga salitang iyon ay napaka mahalaga. Lubos na mahalaga. Ang pinaka mahalaga sa lahat!
Iyon sa inyong narito na sa simbahang ito ng mahabang panahon ay mayroon ring mga pagdududa – hindi ba? Iyong mga lumaki sa ating simbahan tulad ni John ay mayroong pagdududa, iyong mga “anak sa simbahan” tulad niya ay tiyak na “umiiling ng inyong mga [ulo] sa di paniniwala… [dahil] hindi mo ito pinaniniwalaan rin.”
Iyan ay dakilang mga bagay! Iyan ay tunay na pagiging pagkamakatotoo. Ang pagkamakatotohanan tulad niyan ay gumagawa sa isang pangaral na kuminang! At iniisip ko na napaka mahalagang aminin mo rin ang iyong mga pagdududa – kahit sa pinaka kaunti ay sa sarili mo at sa Diyos. Ang pagkamakatotohanan tulad niyan ay tunay na ang unang hakbang patungo sa muling pagkabuhay. Pakinggan ng mabuti ito: Ako rin ay hindi naniniwala na ito’y mangyayari. Iyan ang aking kumpisal sa iyo ngayong gabi. Hindi ko ito pinaniniwalaan rin! Sa katapusan, ang pagiging tapat tulad niyan ay maaring umapaw at maging bukas na pagkukumpisal, pagsisi, at taos pusong mga panalangin para sa isa’t –isa – kung ang Panginoon ay magpapadala ng isang pagbubuhos ng Kanyang Espiritu sa atin. Ang pagkatapat sa ating mga sarili – at tapos sa iba – ay madalas ang unang hakbang sa isang pinadala ng Diyos na muling pakgbuhay!
Kaya, aminin ito. Aminin na hindi na naniniwala na maari tayong magkaroong ng isang “bagong” Baptist Tabernacle! Aminin na hindi mo pinaniniwalaan na ang Diyos ay magpapadala ng Kanyang kapangyarihan at gawin ang ating simbahang buhay muli! Bakit iyan mahalaga? Iyan ay mahalaga dahil ang di paniniwala ay isang kasalanan. Ito’y madalas ang pinaka malubhang kasalanan sa lahat. At dapat nating ikumpisal ang ating mga kasalanan sa Diyos, ngayon, bago pa natin isipin ang pagkukumpisal ng “ating mga pagkakamali sa isa’t isa” sa hinaharap. Bago natin tunay na “ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang [tayo’y] magsigaling” (Santiago 5:16). Malalim na pagpapagaling ay hindi mangyayari hangga’t ating ikumpisal ang ating mga di paniniwala – sa pinaka kaunti ay sa ating sarili at sa Diyos! Tapos maya-maya maari nating ikumpisal ang ating di paniniwala sa isa’t isa, gayon din ang ibang mga pagkakamali na mayroon tayo.
Ngunit mayroong pinaka mahalagang katanungan na dapat kong tanungin ngayong gabi – Maari ba tayong magkaroon ng pagbubuhos ng Espiritu habang tayo ay di naniniwala na maari itong mangyari? Maari ba nating masimulang magkaroon ng isang “ba”ong" Baptist Tabernacle habang hindi pa rin natin pinaniniwalaan na maaring baguhin ng Diyos ang ating simbahan at gawin itong buhay muli? Ang sagot ay isang tumutunog na OO! Oo – maari tayong magkaroon ng pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos kahit na hindi tayo naniniwala na maari itong mangyari! Oo – maari tayong bigyan ng Diyos ng isang “bagong” Baptist Tabernacle, kahit na hindi tayo naniniwala na maari itong mangyari!
Paano iyan na maaring maging totoo? Kailangan itong maging totoo dahil ang Diyos ay pinakamataas na puno. Ang Diyos ang nagpapasya kung magpapadala pa Siya o hindi ng Kanyang Espirito sa atin! Hindi ito nakasalalay sa atin! Hindi ito nakasalalay sa ating pananampalataya, o sa ating di pananampalataya! Ito’y nakasalalay sa Diyos lamang! Iyan ang kabaligtaran ng kung anong itinuro ng lumang Pelagianistong eretikong si Charles Finney. Sinabi niya na nakasalalay ito sa teyolohiya! Iyan ay mainam nap unto sa lumang panahong Kalvinismo na pinaniwalaan ng ating mga Bautistang ninuno! Itinuro ni Finney ang tinawag na mga teyolohiyanong “kondisyonalismo” – na dapat nating maabot ang partikular na mga kondisyon bago makukumbinsi ang Diyos na magpadala ng isang pagbubuhos ng Kanyang Espiritu!
Ang “kondisyonalismo” ay isang maruming kasinungalingan! Ito’y nanggagaling mula kay Satanas mismo. At ito’y isang kasinungalingan, higit sa lahat ng ibang mga bagay, pumigil ito sa ating mga simbahan mula sa pagkakaroon ng makapangyraihang muling pagkabuhay sa loob ng halos 200 na mg taon sa Kanlurang mundo! Itinuro ni Finney na ang mga muling pagkabuhay ay “maaring matitiyak kung ang tao ay lumikha lamang ng tamang mga kondisyon” (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay –Isang Mga Taong Puspos ng Diyos [Revival – A People Saturated With God], pahina 71). Sinabi ni Brian Edwards, “matatag na pinaniwalaan ni Charles Finney na ang muling pagkabuhay ay maaring magbunga sa pagsunod ng mga sumusunod na mga patakaran” (Isinalin mula kay Edwards, pah. 31). Ating ginagamit ang mga “patakaran” tulad niyan na malapit sa 200 na mga taon – at hindi nagbunga ang mga ito ng muling pagkabuhay. Ang tunay na muling pagkabuhay ay di nagbunga ng kahit anong ginagawa ng tao. Hindi pa nga sumusubok na magbunga ng pananampalataya sa ating mga sarili! Wala sa ginagawa ng tao ang nagbubunga ng isang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos. Ito’y buong-buong isang gawain ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ay maaring dumating kahit na walang panalangin! “Erehya,” ang sabi mo? Hindi, hindi erehya, kundi mula sa Bibliya. Sinasabi ng Bibliya, “ang kapangyarihan ay ukol sa Dios” (Mga Awit 62:11). Ang lahat ng kapangyarihan ay pinagmamayari sa ating banal at Makapangyarihang Puno ng Lahat. Siya ang nagpapakawala ng kapangyarihan sa isang muling pagkabuhay. Ang Diyos ay mayroong lubos na panghahawak. Siya pa nga Niya tayo kailangang maniwala bago Siya magpadala ng Banal ng Espiritu. Hindi ito nakasalalay sa ating paniniwala o ating di paniniwala.
Iyong mga naimpluwensyahan ni Finney ay nagsasabase sa kanilang “kondisyonalismo” sa II Cronica 7:14, ngunit hindi ito nagdadala ng muling pagkabuhay! Nasaan ang mga muling pagkabuhay na ipinagbunga ng II Cronica 7:14? Ang lahat na mayroon ka ay Pentekostal na kahangalan na lumalabas mula roon sa mga pagsasamong mga iyon,. Ang mga muling pagkabuhay ay walang pakakamukha ng kahit anuman sa mga klasikal na mulg muling pagkabuhay ng nakaraan! Nakukuha nila ang mga taong bumagsak sa sahig, ngunit sa kaunting mga taon maya-maya ay nahulog sa Impiyerno dahil hindi sila ligtas! Iyan ang malungkot na katotohanan sa Kanlurang mundo kapag ang mga Pentekostal at ibang mga ebanhgelikal ay gumagamit ng II Cronico 7:14 bilang isang pormula. Ngunit ang berso ay magagamit lamang sa Israel sa Lumang Tipan. Ito’y hindi tumutukoy sa Bagong Tipang Kristiyanismo! Ibinibase nila ang kanilang buong kaisipan ng “kondisyonialismo” sa malabong berso na ibinigay ng Diyos sa Hudyong mga tao sa Israel! Isang simpleng kaalaman patungkol sa sinabi ko ay dapat magpakita sa iyo na ang II Cronica 7:14 ya walang kinalaman sa atin ngayon, at hindi kailan man. Ito’y kaisipan ni Finney! Ito’y hindi Protestanteng ideya, o isang klasikal na Bautistang ideya! Narito ay dalawang halimbawa sa Bibliya. Walang paghahanda bago ng dakilang muling pakgbuhay sa Nineveh, na nakatala sa Jonah, kapitulo tatlo. Tinawag ito ni Dr. J. Vernon McGee na “ang pinaka dakilang muling pagkabuhay sa kasaysayan.” Sa Bagong Tipan, mababasa natin ang tungkol sa dakilang muling pagkabuhay sa Samaria sa Mga Gawa, kapitulo walo. Walang paghahanda. Si Philip ay simpleng nagpunta sa lungsod, “at ipinangaral si Kristo sa kanila.” Kung babasahin mo ang Mga Gawa, kapitulo 8, berso 6 at 7, makikita mo na isang nakamamanghang muling pagkabuhay ang dumating. Ito’y dumating na walang panalangin. Ito’y dumating na walang pag-aayuno. Ito’y dumating na walang anumang uri ng pagpupuwersa o paghahanda. Kailangan nating muling isipin ang ating buong konsepto ng muling pagkabuhay, at simulang makia ito bilang isang bagay na ginagawa ng Diyos, maging handa man tayo o hindi. Naniniwala ako na ang “kondisyonalismo” ay nagpapagalit sa Diyos, kaya inaalis Niya ang Kanyang kapangyarihan mula sa atin imbes na ibinibigay ito. Ang mga lumang mga panahong mga tao ay nagmakaawa sa Diyos par arito at hindi naglagay ng mga kondisyon rito. Kung gayon, sinagot sila ng Diyos. Sila’y naka sentro sa Diyos kaysa sa tao. Iyan ang paraan na dapat tayo ay maging ngayon. Ang Diyos ang ganap na may hawak. Hindi pa nga Niya tayo kailangang maniwala bago Niya ipadala ang Banal na Espiritu. Iyan ang tinatawag ni Jonathan Edwards na muling pagkabuhay isang “nakabibiglang” gawain ng Diyos. Hindi nila ginamit ang “kondisyonalismo” bago nagpadala ng Diyos ng muling pagkabuhay. Si Edwards ay nabuhay bago ni Finney. Hindi niya sinundan ang Pelagianismo ni Finney sa muling pagkabuhay. Gaya ng sinabi ko, hindi pa nga tayo kailangan ng Diyos na maniwala bago Niya ipadala ang Banal na Espiritu. Hindi ito nakasalalay sa ating paniniwal o di paniniwala.
Alam ko ayon sa karanasan, isang karanasan na sinabi ko na sa inyo. Ngunit sasabihin ko ito muli ngayong gabi upang ipakita sa inyo ang isang bagay nab ago. Ako’y naging saksi ng tatlong tunay na muling pagkabuhay. Ang pangatlong muling pagkabuhay na nakit ko, walang paghahanda sa anumang paraan. Sa huling minuto ako’y sinabihan na mangaral sa gabing paglilingkod. Ito’y pinagpasyahan, habang sinabi ko, sa huling minuto. Tinanong ko ang isang binatang lalake na nagpunta sa simbahan kung patungkol sa alin ang dapat kong pag-usapan. Sinabi niya, “Anumang mangyari, huwag kang mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral. Iyan halos ang nag-iisang bagay nag ginagawa ng isang pastor. Ang lahat ng sa simbahan ay ligtas na.” Diyan ako nagsimulang magpawis at nag-alala. Mayroon lamang akong isang pangaral sa akin, at ito’y ebanghelistikong pangaral. Mayroong mga dakilang mga namumunong mga mangangaral sa simbahan sa gabing iyon, gayon din mga seminaryong mga propesor at ibang mga Kristiyanong pinuno. Anong iisipin nila kung walang tumugon sa aking pangaral? Ipinadala ko si Ileana at ang mga batang lumayo – at iginugol ang buong hapon na nag-aalala, nag-iisa sa aming silid sa motel. Hindi ako nanalangin para sa isang muling pagkabuhay na minsan. Ito’y wala sa aking isipan. Ang lahat na ginawa ko ay para sa isang taong magpunta sa harap. Ako pa rin ay pinapawisan at nag-aalala habang ang paglilingkod ay nagpatuloy sa gabing iyon. Sa wakas naisip ko, “Ibibigay ko ang lahat na mayroon ako, kahit na walang magpunta sa hara sa imbitasyon.” Ipinangaral ko ang pangaral na iyon gamit ang bawat lakas na mayroon ako. Tapos ibinigay ko ang tinatawag na isang “malamig na imbitasyon” – walang mga kamay ang tumaas para sa panalangin – isa lamang malamig na imbitasyon na magpunta sa harap. Sa aking matinding pagkabigla 75 na mga tao ang nagpunta sa harap. Nagpunta sila sa harap ng kaunti bawat pagkakataon ng buong gabi. Ito’y isang tunay na muling pagkabuhay. Ang imbitasyon ay nagpatuloy ng halos tatlong oras, na maraming mga miyembro ng simbahan na tunay na naliligtas, at ibang mga nagkukumpisal ng kanilang mg akasalanan at nakikipag-ayos sa Diyos. Isang napaka tandang lalake, na naka oberols, na naging isang miyembro ng simbahan ng maraming taon, ay gumapang sa kanyang mga kamay at tuhod patungo sa harapan ng sangtuwaryo na sumisigaw ng “Nawawala ako! Nawawala ako!” Tatlong dalagang mga kababaihan ang tumayo sa plataporma upang kumanta ng isang trio. Ngunit hindi sila makakanta. Ang tatlo sa kanila ay lumuha. Tumayo sila sa harap ng mga tao at nagkumpisal na sila’y nawawala. Kinausap namin sila ng maraming oras. Ngunit tulad ng lahat ng muling pagkabuhay, ang oras ay nanatiling di gumagalaw. Ako’y nagulat noong sa wakas tinignan ko ang aking relo at nakit ko na ito’y lampas na ng 11:00 ng gabi! Ang oras ay di gumagalaw kapag ika’y nasa isang muling pagkabuhay. Walang umalis. Ang bawat tao ay nanatili hanggang sa pinaka katapusan. Ang Diyos ay kumikilos, at nadama nila ang Kanyang presensya sa simbahang iyon. Sa sunod na tatlong buwan lampas sa 500 na mga tao ang inaasahang napagbagong loob, nabinyagan, at sumali sa simbahan.
Iyon ang pangatlong muling pagkabuhay na nakita ko sa sarili kong mga mata. Sinabi ko na ito noon sa iyo. Ngunit sinabi ko ito muli ngayong gabi dahil ipinapakita nito na maaring magbuhos ang Diyos ng Kanyang Banal na Espiritu sa muling pagkabuhay na walang paghahanda sa anumang paraan. Ako mismo ay hindi ito inasahan. Ako mismo ay hindi naniwala na ito’y mangyayari. Hindi ako pati naniwala na ang isang tao ay magpupunta sa harap! Ipinapakita nito na ang muling pagkabuhay ay maari dumating kung ako at ikaw ay hindi maniniwala na ito’y mangyayari. Kahit na nararamdaman mo ang tulad na naramdaman ni John Cagan noong sinabi niya, “Dapat kong aminin sa iyo na mayroong akong mga pagdududa…ikaw rin ay maaring umiling ng iyong ulo sa di paniniwala…Siguro hindi mo ito pinaniniwalaan rin.” Iniisip ko na iyon ang pinaka mahalagang mga salita na sinabi ni John sa kanyang dakilang pangaral.
Maari tayong manalangin para sa isang “bagong” Baptist Tabernacle na hindi tunay na pinaniniwalaan na ito’y mangyayari. Maari tayong manalangin para sa Diyos na buksan ang mga kalangitan at bumaba na hindi tunay nanininiwala na sasagutin Niya tayo. Iyan ay OK. Magpatuloy ng manalangin para rito na hindi tunay na naniniwala na ito’y mangyayari. Kahit na nagdududa ka, masasagot ng Diyos ang iyong di naniniwalang mga panalangin. Isinulat ni John Cagan ang ilang mga salita mula sa isang tula at ibinigay sa akin upang ilagay sa pangaral na ito – gaya ng pakatanda niya nito, mula sa manunulang si Wordsworth.
Mayroong isang lugar lampas sa pagkalungkot
Doon ako naninirahan…
Kung saan ang mga kaisipan ay madalas na nahihiga,
Masyadong malalim para sa mga luha.
Kung saan mga panalangin ay madalas nahihiga, masyadong malalim para sa mga luha. Kung saan ang pagdududa ay madalas na nahihiga, masyadong malalim para sa mga luha. Ngunit naririnig ng Diyos ang ating mga panalangin, kahit na hindi natin tunay na pinaniniwalaan na tayo’y Kanyang sasagutin.
At dinadala tayo nito pabalik sa ating teksto. Ang propetang si Isaias ay nananalangin para sa Diyos na buksan ang mga kalangitan at bumaba. Paki lipat sa Isaias 64:1 muli. Ito’y nasa pahina 768 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ito’y nasa Isaias 64:1-3. Magsitayo at basahin ito muli.
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).
Maari nang magsi-upo.
Ang propeta ay nanalangin para sa Diyos na buksan ang mga kalangitan at bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa Kanyang harapan. Ngunit hindi siya naniwala na ito’y mangyayari. Tignan ang berso tatlo.
“Nang ikaw ay gumawa ng mga [nakamamanghang mga] bagay na hindi namin [inaasahan].”
Noong nanalangin sila para sa mga bagay na “hindi niaasahan.” Sinabi ni Mathew Henry, “Nawalan sila ng pag-asa ng pagkakaligtas, napaka layo nila mula sa kahit anong pag-iisip ng pagkaligtas.” Tapos “Ikaw bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:3). Ang kanilang mga panalangin ay nasagot kahit na hindi nila ito inasaahan. Ang kanilang mga panalangin ay sinagot kahit na sila’y “nawalan ng pag-asa ng pagkakaligtas.” Kahit na wala silang “pag-iisip ng pagkakaligtas”!
Nanalangin ako para sa aking ina na maligtas sa loob ng apat na pung taon. Hindi ako naniwala sa Diyos na sagutin ang aking mga panalangin. Isinuko ko ang lahat ng mga pag-asa – ngunit nagpatuloy ako sa pananalangin para sa kanya – kahit na hindi ko ito pinaniwalaan kapag ako’y nananalangin. Ngunit sa wakas sinagot ng Diyos ang aking kawawang, di naniniwalang mga panalangin. Ang aking ina ay nakamamanghang naligtas sa edad ng 80.
Si Noah Song ay nagbigay ng isang dakilang pangaral kaninang umaga. Sinabi niya sa atin kung paano si David ay nagkaroon ng pananampalataya upang patayin ang higante. Si David ay nagkaroon ng pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aalala sa anong ginawa ng Diyos para sa kanya sa nakaraan. Pinatay niya ang leyon. Pinatay Niya ang oso. Kung gayon alam ni David na bibigyan siya ng Diyos ng lakat upang patayin ang higante rin! Dapat rin nating tandaan iyan. Ang ating simbahan ay nakalampas na ng maraming mga balakid sa sagot sa panalangin. Dahil marami Siyang nagawa para sa atin sa nakaraan, dapat nitong palakasin ang ating pananampalataya. Dapat nitong palakasin ang ating pananampalatay upang maniwalang sasagutin Niya ang ating mga panalangin at magpapadala ng Espiritu upang bigyan tayo ng isang bago at nabuhay na muling Baptist Tabernacle!
O aking mga kapatid, magpatuloy sa pananalangin, kahit na mayroon kang mga pagdududa. Manalangin para sa Diyos na bumaba sa atin sa muling pagkabuhay. Manalangin na ang Diyos Mismo ay magbigay sa atin ng isang “bagong” Baptist Tabernacle! Manalangin tulad ng lalakeng gusto si Hesus na iligtas ang nasapian ng demonyo niyang anak. Sinaib ni Hesus sa kanya, “Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya” (Marcos 9:23). Ang kawawang lalake ay di naniwala na ang kanyang anak ay maliligtas. Hindi siya niniwala na ito’y mangyayari. Ngunit ang lalake ay desperadong maligtas ang kanyang anak. Siya’y napaka desperado na sumigaw siya kay Hesus, “Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya” (Marcos 9:24). Umaasa ako na iyong uulitin ang mga salitang iyon kapag manalangin ka para sa muling pagkabuhay, “Nananampalataya ako, tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.” Tamang sinabi ni Dr. Ryrie, “Ang taong sumigaw para sa tulong para sa sarili niyang mahinang pananampalataya” (Isinalin mula sa Ryrie na Pag-aaral na Bibliya [Ryrie Study Bible]). Isang lumang himno ang nagsasabi nitong mahusay.
Simpleng magtiwala araw-araw,
Nagtitiwala sa isang mabagyong daan;
Kahit na ang aking pananampalataya ay maliit,
Nagtitiwala kay Hesus, iyan lang ang lahat.
(“Pagtitiwala kay Hesus.” Isinalin mula sa
“Trusting Jesus” ni Edgar P. Stites, 1836-1921).
Kahit na ang iyong pananampalataya ay maliit, magpatuloy sa pananalanagin para sa Diyos na magpunta at bumaba at lumikha ng isang muling pagkabuhay sa atin!
Magsitayo at manalangin para sa Diyos na bigyan tayo ng isang “bagong” Baptist Tabernacle (mga panalangin). Ngayon manalangin para sa Diyos na buksan ang mga kalangitan at bumaba sa atin sa isang muling pagkabuhay (mga panalangin). Ngayon manalangin para sa Diyos na palakasin ang ating mahinang pananampalataya kapag manalangin ka para sa mga bagay na ito (mga panalangin).
Manatiling nakatayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong kantahang papel. Ito’y “Punuin ang Lahat ng Aking mga Pananaw” [“Fill All My Vsion”]. Ito’y himno bilang 7.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Maari nang magsi-upo.
At ngayon dapat kong kausapin kayong mga di pa napagbabagong loob. Si Hesus ay namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanna. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Siya na ngayon ay nasa ibang dimension, sa itaas sa Ikatlong Langit, at kanang kamay ng Diyos Ama. Kung magtiwala ka kay Hesus ika’y maliligtas mula sa kasalanan at paghahatol. Kapag magsisi ka at magtiwala kay Hesus ang iyong mga kasalanan ay mahuhugasan ng Kanyang banal na Dugo.
Kung gusto mong mapayuhan tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, kailangan mong makipagayos kay Dr. Cagan ng pagkikita upang mapayuhan ka niya. O maari mo siyang tawagan sa kanyang telepono sa oposina sa loob ng linggo upang makipag-ayos ng pagkikita, o maari mo siyang kausapin ngayong gabi patungkol sa isang pagkikita. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 64:1-4.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagtitiwala kay Hesus.” Isinalin mula sa “Trusting Jesus” (ni Edgar P. Stites, 1836-1921).