Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG PANANAW NG MULING PAGKABUHAYA VISION OF REVIVAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Lumipat kasama ko sa Isaias 64:1. Ito’y nasa pahina 768 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya.
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya” (Isaias 64:1-4).
Amen. Maari nang magsi-upo.
Ang muling pagkabuhay ay madalas dumarating muna doon sa mga napagbagong loob na. Ngunit wala silang tunay na pagkamalay ng piling ng Diyos sa kanilang mga buhay. Nagpupunta sila sa simbahan dahil sa kinagisnan, ngunit wala silang nabubuhay na pakiramdam ng presensya ng Diyos. Nanalangin sila, ngunit pakiramdam nito na sinasabi lamang nila ang mga salita. Wala silang pakiramdam ng Diyos na tunay na pinapakinggan sila. Hindi nila nararamdaman na ang kanilang mga panalangin ay masasagot. Hindi nila nadarama na ang Diyos ay nakikinig sa kanila. Maari pa nga silang manalanging nakamamangha sa panalanging pagpupulong. Ang kanilang mga panalangin ay maaring tunog na makapangyarihan. Ngunit wala silang panloob na pag-uusap sa Diyos. Madalas sa muling pagkabuhay iyong mga mukhang namumuno sa panalangin na may matinding kapangyarihan ay ang unang nakatatanto na ang kanilang “mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng [kanilang] mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig” (Isaias 59:2).
Madalas ang muling pagkabuhay ay nagsisimula kapag ang ilan sa mga pinuno na isang mabuting Kristiyano ay nararamdaman na ang kanyang kasalanan ay nagsanhi sa kanyang mawala ang banal at malambot na diwa ng presensya ng Diyos. Sa isang sandali babasahin ko ang isang paliwanag ng isang dakilang muling pagkabuhay. Paano ito nagsimula? Ito’y nagsimula sa isang panalanging pagpupulong sa isang gabi ng Sabado. Naroon ang karaniwang mga panalangin, ngunit walang pakiramdam ng presensya ng Diyos sa pagpupulong. “Tapos isang pastor ang bumagsak at lumuha. Ito’y isang napaka di pangkaraniwang bagay.” Nagkumpisal siyang bukas sa harapan ng buong kongregasyon “na mayroon siyang pagkatigas ng puso.” Habang siya’y nagsalita na may luha sa kanyang mga mata, ang kumbiksyon ay “kumalat hanggang sa mayroong pag-iiyak, paghihiyaw, pag-uungol…mula sa lahat sa pagpupulong.” Ang lahat ng mga ito ay napagbagong loob na mga tao, ngunit ang bukas na pagkumpisal ng pastor ay gumawa sa kanilang matanto na sila rin ay mayroong mga pusong napatigas. “Ang pagpupulong ay nagpatuloy hanggang sa alas dos ng umaga…At ito’y sa puntong ito na ang Banal na Espiritu ay bumagsak sa pagpupulong.”
Kapag binanggit ko ang muling pagkabuhay ang ilan sa inyo na narito na ng maraming taon ay ayaw itong marinig. Iyan ay dahil sa hindi ka pa kailan man nakakita ng isang muling pagkabuhay at hindi alam ang nawawala sa atin. Sinabi sa akin ni John Cagan na gusto ko ng muling pagkabuhay dahil “nalasahan ko ito.” Nakakita ako ng isang muling pagkabuhay at nagustuhan ang “lasa” nito at nagustuhan ito muli. Hindi mo ito kailan man nalansahan kaya iniisip mo, “Patungkol saan ang tinutukoy ng pastor? Bakit siya patuloy na nagsasalita tungkol sa muling pagkabuhay?” Kung malasahan mo ito kailan man, gugustuhin mo rin ito. Hahangarin mo rin ito. Hahangarin mo ang presensya ng Diyos na bumaba sa gitna natin.
Kaninang umaga nangaral ako sa “Ang Bagong Baptist Tabernacle.” Ngunit hindi natin malilikha ang bagong simbahan sa pamamagitan ng pagbabago ng kaunting mga bagay, at kinakalikot ang “makinerya” ng simbahan. Dapat tayong magkaroon ng bagong buhay! At ang isang bagong buhay ay maari lamang manggaling mula sa Diyos. Sinabi ni Dr. A. W. Tozer, “Ang Diyos ay nag-aalay ng buhay, ngunit hindi isang umunlad na lumang buhay. Inaalay Niya ang isang buhay mula sa kamatayan…Dahil sa buhay tayo ay buo at patuloy na sumasalalay sa Diyos, dahil Siya ang pinagkukunan ng bukal ng buhay.” Hindi tayo maaring magkaroon ng “bagong” Baptist Tabernacle hangga’t ang ating mga puso ay naayos, napabago, napanumbalik at napabuhay ng Banal ng Espitiu. Mayroong isang salita na naglalarawan nito. Ang salitang iyon ay muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay ay ang ipinapanalangin ni Isaias sa ating teksto,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan. Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya” (Isaias 64:1-4).
Hindi ko mapigil na kantahin ang “Punuin Lahat ang Aking Pananaw” [“Fill All My Vision”]. Habang ako’y naglalakad sa parke at nananalangin, kinakanta ko ito. Kapag inihahanda ko ang isang pangaral, kinakanta ko ito. Nahahanap ko ang aking sariling hinuhini ito ng buong araw. Ito’y ang huling bagay na kinakanta ko sa aking sarili habang ako’y papunta sa kama sa gabi.
Punuin ang lahat ng aking pananaw,
Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking luwalhati ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw,
Upang lahat na aking makita.
Ang Iyong banal na Imahen na naipapakita sa akin.
(“Punuin ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Tumayo at kantahin ang koro kasama ko.
Punuin ang lahat ng aking pananaw,
Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking luwalhati ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw,
Upang lahat na aking makita.
Ang Iyong banal na Imahen na naipapakita sa akin.
Maari nang magsi-upo.
Nanalangin si Isaias, “Oh na buksan mo sana ang langit [punitin silang bukas], na ika’y bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1). Tinawag ni Dr. Lloyd-Jones iyan na “ang talagang panalangin [para] sa muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1992 edisiyon, pahina 305)
Malalim kong pinanghihinayan na hindi ako nagtago ng isang talaarawan ng muling pagkabuhay na dumating sa aking simbahan, ang Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles. Nabigyan kayo nito sana ng isang pagsilip sa kung anong dapat ipanalangin. Ngunit, saying, hindi ako nagtago ng isang nakasulat na ulat nito. Ang pinaka mahusay na aking magagawa ay bigyan kayo ng isang ulat ng isa pang muling pagkabuhay, isa na halos kapareho sa dakilang muling pagkabuhay na nakita ko sa Tsinong simbahan sa huling bahagi ng mga taon ng 1960. Ang ulat na ito ay ibinigay ni Rev. David Davies noong taon 1989. Ibibigay ko ang mga sipi mula rito. Sinabi ni Rev. Davies,
…hindi ito isang ebnahelistikong kampanya, ito’y hindi isang bagay na ginawa. Ang muling pagkabuhay ay kapag ang Diyos ay bumababa sa Kanyang presensya.
Sinabi niya,
Ako ang pinuno ng maraming mga simbahan sa aming lugar. Ang mga ito’y mga abalang mga simbahan na mayroong maraming mga gawain. Nagkaroon kami ng maraming mga pagpupulong…Ngunit ang mga tao ay lumalamig; hindi sila kasing sabik na magpunta sa panalanging pagpupulong gaya nila noon. Walang duda ang kaligtasan ay naroon at ang mga tao ay napagbagong loob, ngunit mayroong nawawala. Isang mangangaral ang nagsabi sa akin, “Maganda ang itsura namin sa mga tagalabas.” [Ang aking kumento: Hindi mo ba minsan nararamdaman na mayroong nawawala sa ating mga paglilingkod?]
Mayroong naghikayat sa mga pinuno na gumugol ng isang buong araw bawat buwan sa panalangin. Ginawa namin ito. Isang bilang namin ang naging nagkamalay na hindi kami naka-apoy para sa Diyos. Natanto namin na mayroong mga maling mga kaugnayan, at nakipag-ayos kami sa isa’t-isa.
Ang muling pagkabuhay ay aktwal na nagsimula sa isang Sabado ng gabing pag-aaral ng Bibliya at panalanging pagpupulong. Sa ilang panahon na ang pag-aaral ay sa Aklat ng mga Gawa, nakasentro sa pagsasamba sa Diyos sa naunang mga simbahan. Ang mga mangangaral ay nag-aalala na walang kalayaan sa panalangin, at ang mga pagpupulong ay malamig. Tapos isang pastor ay bumagsak at lumuha.
Ito’y isang di pangkaraniwang bagay. Ipinaliwanag niya na nagkaroon siya ng pagkatigas ng puso, at habang siya’y nagsalita, gayon na ang kumbiksyon ay kumalat – hanggang sa mayroong pagluha, paghiywaw, pag-uungol at pati pagsisigaw, mula sa buong pagpupulong. Ang mga tao ay nasa kanilang mga mukha, nagsisi-iyak at nananalangin. Natandaan ko si Spurgeon na minsan nanalangin, “Panginoon padalhan kami ng isang panahon ng maluwalhating kaguluhan.” Sinubukan ng mga pinunong patahimikin ang lahat, ngunit nabigo sila, ang pagpupulong ay nagpatuloy hanggang alas dose ng umaga.
Ang aking sarili kong kapatid ay narinig ang tungkol sa muling pagkabuhay at tumayo laban rito dahil mukha itong labis na emosyon. Siya’y nananalangin para sa muling pagkabuhay, at sinabi niya sa Diyos na hindi ito ang ginusto niya. Tapos nagsalita ang Diyos sa kanya patungkol sa muling pagkabuhay na apoy na pinalalamig sa kanyang batong puso ng di paniniwala. At ito’y sa puntong ito na ang Espiritu ay bumagsak sa pagpupulong. [Ang aking kumento: Diyan bumababa ang Diyos at nariyan ang tinawag ni Spurgeon na, “maluwalhating kaguluhan.”]
Sinabi ni Rev. Davies,
Ngayon ito’y aking pagkakataon upang magduda. Ako’y nagulo noong ang aking kapatid ay gumamit ng malabis na wiika upang ilarawan kung anong nangyayari. Ngunit, gayon, ang muling pagkabuhay ay laging iba dahil hindi ito inayos ng tao. Ang muling pagkabuhay ay kumalat tulad ng isang palumpong na apoy ng daan-daang milya, at ang ibang mga simbahan ay nahawakan nito.
Ang isang batang mangangaral ay nagbigay ng isang makapangyarihang pangaral, ngunit walang nangyari. Kaya ibinigay jo ang huling himno at isinara ang pangangaral na mayroong isang panalangin. Habang ang kongregasyon ay paalis, isang batang guro ang dumating at umupo sa harap. Nanginig siyang walang pigil at lumuluha. Isang batang babae ang nagsimulang sumigaw, “Anong gagawin ko Anong gagawin ko? Ako’y magpupunta sa Impiyerno!” Ang mga tao ay nagsipuntang nagsisitakbo sa likuran ng simbahan. Ang batang babae ay kilala bilang isang mabuting Kristiyano. Ngunit siya ay nakumbinsi ng kanyang kasalanan ng pagsisinungaling. Ang batang lalake ay nagkasala ng pakainggit, isang maliit na bagay sa marami, ngunit sinindak siya.
Pinapayuhan ko iyong mga sumisigaw para sa tulong noong mayroong nagsabi sa akin na kinailangan ako ng aking asawa sa bahay. Nahanap ko ang isang mabuting Kristiyanong lalake sa sahig na nasa lubhang pagdurusa, at sumisigaw ng muli’t muli, “Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?” Pagkatapos ng isang sandali nagkumpisal siya ng kanyang mga kasalanan na bukas at nagsabi na may galak, “Ang aking puso ay malinis sa pamamagitan ng dugo ni Hesus.” Lahat kami ay bumalik sa simbahan para isa pang pagpupulong. Ang sunod na araw ay isang araw ng bukas na pagkumpisal, at mag-aayos sa isa’t isa. Biglang ang Diyos ay bumaba at ito’y isang pagbisita mula sa Langit.
Kami ay walang pagpipigil. Ang Diyos ang may hawak, at ang lahat ay nasa ganap na ayos. Napansin ko sa unang araw ang mga pinuno ng simbahan ay naapektuhan. Sa pangalawang araw ito’y ang mga manggagawa na napunta sa ilalim ng kumbiksyon. Sa pangatlong araw, ito’y ang mga kababaihan, sa pang-apat na araw ang mga batang lalake sa paaralan, at sa panlimang araw ang mga batang babae sa paaralan. Kaming mga mangangaral ay tulad ng mga manonood, pinanonood ang gawain ng Diyos sa gumagawa.
Sa panahong ito ito’y isang muling pagkabuhay sa mga tao na napagbagong lob. Napaka kaunting mga di mananampalataya ang naligtas sa loob ng unang dalawa o tatlong buwan. Nilinis ng Diyos muna ang simbahan. Ang mga puso ay sinaliksik. Ang ilang mga tao ay mayroong mga kasalanan na naitago nang maraming taon; at nadama nila na ang mga kasalanang mga ito ay di mahalaga. Masakit na pinakitunguan ng Diyos ang bawat isa. Ang isang malaki, at malakas na mangangaral ang nagpipilipit sa kanyang mga kamay, na may mga luhang umaagos pababa sa kanyang mukha. Ang lalakeng ito ay naggabay ng marami kay Kristo. Ngunit mayroong siyang kasalanang ikukumpisal, at hindi siya makahanap ng kapayapaan hanggang sa siya’y tumayo at magkumpisal ng lahat ng ito sa harap ng buong simbahan. Ang kanyang mga salita ay tulad ng isang kuryente at ang mga tao ay bumagsak sa sahig sa pagsisisi. Sa oras na ito ang buong bayan ay nag-uusap na tungkol sa Diyos. [Ang aking kumento: Kapag ang mga Kristiyano ay nagbubukas at nagpapakatotoo sa isa’t isa ang nawawala ay namamangha.]
Minsan ang kumbiksyon ay isang teribleng bagay, at iyong mga lumalaban sa bukas na pagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan ang nagdurusang higit. Isang lalake ay hinimatay. Isang babae ang nadama na siya’y mababaliw sa ilalim ng kumbiksyon hanggang sa kanyang ikumpisal ang kanyang kasalanan sa harap ng lahat. Ito ang halaga para sa ilan na sumubok na itago ang kanilang kasalanan, at nilabanan ang Diyos. Ang kababalaghan ay di nagtagal dumaan, ngunit ang tumatagal na bunga ng muling pagkabuhay ay pagkabanal, pagakalambot, isang pag-ibig para sa Bibliya at panalangin, at isang pagpaparangal ng tao at gawain ni Kristo. [Aking kumento: Kapag ang mga Kristiyano ay nag-aalis ng kanilang mga maskara at nagpapakatotoo sa isa’t isa nagbubunga ito ng isang bagong pagkalambot at pag-ibig sa simbahan. Lumang mga pagkainggit, mga takot at mga pinsala ay pinapalitan ng tunay na kompasyon at malambot na pag-ibig].
Ang lahat ay nagpunta sa mga pagpupulong, na maaring magpatuloy ng mahabang panahon. Ito’y hindi di pangkaraniwan para sa isang pagpupulong na magsimula sa 6:30 ng umaga at nagpapatuloy pa rin hanggang sa hapon. Ang mga tao ay nag-uusap sa pabubulong dahil nadama nila ang Diyos na napaka lapit. Isang tao ang nagsabi, “Mukha kaming parang nabalot sa presensya ng Diyos.” Ako’y nasa mga pagpupulong kung saan ang Diyos ay napaka totoo na hindi mo halos mangahas na umupo sa upuan. Napaalalahanan ako ng Job 42:5, “Ang aking mga tainga ay nakarinig sa iyo, nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata.”
Ang mga tao ay nanalangin na parang di tulad ng dati. Ang sabay sabay na pananalangin ay karaniwang bagay sa isang muling pagkabuhay, ngunit ito’y di mukhang kailan man wala sa lugar o magulo. Ang mga tao ay nagkaroon rin ng pasyon para sa ebanghelismo. Ang mga tao ay naligtas sa daan-daan at libo-libo. [Ang aking kumento: nakit ko itong mangyari sa dalawang muling pagkabuhay.]
Sinabi ni Rev. Davies,
Nagtagal ba ito? Nagtago ako ng isang talaarawan sa loob ng labin walong buwan, at sa katapusan ng panahong iyan ang kapangyarihan ng Diyos ay naroon pa rin. Tatlompung taon maya-maya ang mga pinuno ng simbahan ay iyong mga pinagpala ng muling pagkabuhay. Ngunit mayroong bagong henerasyon na kailangin ng sarili nitong muling pagkabuhay – dahil, “bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel” (Mga Hukom 2:10). Ngunit hindi ka maaring manalangin parasa muling pagkabuhay na dumating sa inyong simbahan maliban na lang na ika’y handa para ritong dumating sa iyong personal – maliban nalang na ating “Mangagpahayagan nga kayovsa isa't isa ng inyong mga kasalanan” (Santiago 5:16).
Ang ulat na ito ay mula kay Rev. David Davies. Pinakahulugan ko sa ibang salita ito sa ilang mga lugar, at inalis ang ilang mga salita para sa mas madaling pagkakaintindi, isinipi mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay! Isang Taong Puspos ng Diyos [Revival! A People Saturated With God] Evangelical Press, 1991 edisiyon, mga pah. 258-262
Sinabi ni Rev. Davies, “Kapag ang Diyos ay dumating sa isang muling pagkabuhay na kapangyarihan ito’y iba mula sa kahit anong iyong maisip…ang muling pagkabuhay ay kapag ang Diyos ay bumaba sa kanyang presensya. Ito’y nagsisimula kapag ang isang pinuno ng simbahan ay bumabagsak at lumuluha. Ipinaliwanag niya na mayroon siyang pagkatigas ng puso, at habang siya’y nagsalita ang kumbiksyon ay kumalat doon sa mga napagbagong loob nang mga tao hanggang sila’y nagsilkuha, nagsisigaw at nagsiungol. Ang mga tao ay nagsi-iyak at nanalangin, ang pagpupulong ay nagpatuloy hanggang alas dos ng umaga.”
Ito’y ay higit na tulad ng muling pagkbuhay na nakita ko sa Tsinong Bautistang Simbahan noong huling bahagi ng mga taon ng 1960. Ang pangunahing katangian ng muling pagkabuhay ay mga luha, mga panalangin, at bukas na pagkumpisal ng kasalanan sa harap ng buong simbahan. Ito’y iba mula sa isang karismatiko o Pentekostal na pagpupulong. Walang mga “dila” o pagpapagaling, o espesyal na musika. Walang “pagsasamba.” Ito’y isa lamang bukas na pagkukumpisal ng mga kasalanan, pagluluha, at ang mga tao ay naghihingi ng patawad sa isa’t isa. Pagkatapos ng maraming linggo maraming mga di nagpupuntang simbahan mga tao ang nagpunta at naligtas. Tinanong ako ni John Cagan kung paano ang mga nawawalang mga tao ay napunta doon. Mahirap para sa aking sagutin ito. Ang mga tao ay magdadala lamang ng mga kaibigan at mga miyembro ng pamilya. Walang mga sakay ang iniayos. Nangyari lamang ito. Sa katapusan mga halos 2,000 na mga tao ang nagpunta sa Tsinong simbahan at naligtas, nabinyagan at naging mga matatag na mga miyembro ng simbahan. Daan-daan sa kanila ay naroon pa rin hanggang sa araw na ito! Apat na mga bagong simbahan ang lumabas mula sa pagbubuhos ng Banal na Espiritung iyon.
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan! Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1-3).
Magsitayo at kantahin ang himno bilang walo.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Huwag huminto sa pananalangin para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay. Huwag tumigil sa pananalangin para sa Diyos na buksan ang mga langit at bumaba sa atin! Huwag tumigil sa pananalangin para sa Diyos na magsanhi sa atin na “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling” ng ating pagkalamig at ating mga kasalanan (Santiago 5:16). Ito ang katangian ng muling pagkabuhay ngayon na nangyayari sa Tsina at ibang mga bahagi ng Ika’tlong Mundo. Huwag tumigil sa pananalangin para sa Diyos na bumaba at pagalingin ang ating mga puso at bigyan tayo ng isang bago at mas higit na pag-ibig at higit na makapangyarihang Baptist Tabernacle! Gusto ko si Aaron Yancy at John Cagan na tumayo at pangunahan tayo sa panalangin para sa Diyos na bumaba sa atin. Si Aaron muna, tapos si John. Mayroon pa bang iba Magsitayo at manalangin ng malakas!
Si Hesu-Kristo ay bumaba sa lupa upang magdusa at mamatay sa Krus sa lugar ng mga makasalanan. Kung ika’y di pa ligtas, dapat kang tumalikod mula sa iyong kasalanan at makasariling pamumuhay. Dapat kang magsisi at magtiwala kay Hesus, ang nag-iisang Anak ng Diyos. Siya lamang ang makahuhugas ng lahat ng iyong mga kaslaanan gamit ng Kanyang Dugo. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa mga apoy ng Impiyerno. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong mga kasalanan. Kung hiling mong mapayuhan dapat makipag-ayos ka kay Dr. Cagan na magkita sa Huwebes ng gabi. Maari mo siyang tawagan para makipagkita o kausapin siya tungkol rito pagkatapos ng paglilingkod na ito. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 64:1-3.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” (ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).