Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA SUGAT NI KRISTOTHE WOUNDS OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40). |
Mangangaral ako patungkol sa mga sugat ni Kristo. Siya’y naipako sa Krus. Mayroong pa ring mga butas sa Kanyang mga Kamay at paa pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay. Ipinakita Niya ang mga sugat sa kanila pagkatapos Niyang bumangon sa pagkamatay. Siya’y ipinako sa Krus upang bayaran ang punong multa para sa iyong kasalanan. Ang nag-iisang paraan para maligtas mula sa iyong mga kasalanan ay ang magpunta kay Hesus ang magtiwala sa Kanya.
Ngunit hindi ka kailan man magtitiwala kay Hesus hanggang sa madama mong nagkakasala ng iyong kasalanan. Susubukan mong iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagiging mas mabuting tao. Ngunit ayaw mong aminin na ika’y nawawalang makasalanan. Ayaw mong aminin na si Hesus lamang ang nag-iisag makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa Krus. Ayaw mong aminin na ika’y isang makasalanan tulad ni Kai Perng. Sinabi ni Kai, “Alam kong ako’y isang makaslanan. Sinubukan kong maging isang mabuting anak, ngunit anomang hirap ang pagsubok ko hindi ko mabago ang aking sarili. Natanto ko na ako’y isang bumagsak na makasalanan, na ako’y nagkasala laban sa Diyos…nadama ko na ako’y walang pag-asa.” Binasa ko ang mga salitang iyon sa aking sermon noong huling Linggo ng umaga, hindi ko mabago ang aking sarili. Natanto ko na ako’y isang makasalanan. Nadama ko na ako’y walang pag-asa. Gayon man kaunting oras maya-maya tinanong ko ang isang Tsinong batang babae kung siya’y ligtas. Sinabi niya, “Oo.” Tinanong ko siya kung paano siya naligtas. Sinabi niya binago niya ang kanyang sarili at naging isang mas mabuting tao. Sinabi niya na ngayon ay massinusunod na niya ang kanyang mga magulang. Ginawa niya ang kanyang sariling maging mas mabuting tao! Hindi ko halos mapaniwalaan na sinabi niya iyan! Binago niya ang kanyang sarili. Ginawa niya ang kanyang sariling isang mas mabuting tao! Di kapanipaniwala!
Siya’s nasa ating simbahan na ng mahabang panahon. Nadinig niya ang aking pangangaral ng paulit-ulit, nagsasabing hindi ka maliligtas sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong sarili at pagiging isang mas mabuting tao. Nadinig niya akong sabihin iyan ng paulit-ulit-ulit, na maliligtas ka lamang sa pamamagitan ni Hesus, na namatay sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanna. Gayon lahat ng pangangaral ay walang ginawang mabuti para sa kanya sa anumang paraan! Siya’y nagpatuloy sa pag-iisip na mababago niya ang kanyang sarili at maliligtas ang kanyang sarili. Hindi nga niya binanggit si Hesus. Hindi pa nga niya binanggit ang Kanyang nagbabayad ng kasalanang Dugo! Hindi ni minsan! Hindi ni minsan na binanggit niya niya ang pangalan ni Hesus!
Sinasabi ko sa iyong ngayong umaga – hindi ka kailan man maliligtas hanggang sa maramdaman mo na ika’y isang walang pag-asang makasalanan. Kung hindi mo kailan man mararamdaman na ika’y isang walang pag-asang makasalanan hindi mo kailan man mararamdaman ang iyong pangangailangan para kay Hesus – namamatay sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanna. At ang aking pangaral ngayong umaga ay walang pakakahulugan sa iyo – hangga’t ang gawin ka ng Banal na Espiritung maramdamang makasalanan at walang pag-asa. Kapag lamang na iyong maramdamang makasalanan at walang pag-asa na maiintindihan mo kailan man kung bakit ipinakita sa kanila ni Hesus ang mga butas ng pako sa Kanyang mga kamay at paa.
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Bakit nila ipinakita sa kanila ang mga sugat sa Kanyang mga kamay at paa? Ano ang dahilan para rito? Bakit Niya ipinakita sa Kanya ang mga sugat? Bibigyan kita ng tatlong mga dahilan kung bakit,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
I. Una, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang malaman natin na Siya ang parehong tao na naipako sa Krus.
Ang Nostikong mga eretiko ay nagsabi na si Hesus ay di talaga namatay sa Krus. Sinasabi ng Koran na si Hesus ay di namatay sa Krus. Maraming mga tao ngayon na hindi naniniwala na hahayaan ng Diyos ang Kanyang Anak na mamatay ng ganoong uri ng teribleng kamatayan. Alam ni Hesus na magkakaroon ng di paniniwala patungkol sa Kanyang pagpapako sa krus. Iyan ang unang dahilan kung bakit,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Gusto ni Hesus na malaman ng lahat na tunay Siyang nagdusa at namatay sa Krus. Kaya hinayaan niyang tignan ng mga Disipolo ang Kanyang mga sugat, at hawakan rin ang mga ito. Ang Apostolo Juan, na siyang isang saksi, ay nagsalita patungkol riyan “yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay” (I Ni Juan 1:1). Sinabi ni Dr. Watts,
Tignan mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay,
Kanyang mga paa,
Pagdurusa at pag-ibig nagkahalong umagos:
Ang ganoon bang pag-ibig at pagdurusa ay
Kailan man nagsama,
O koronang puno ng tinik?
(“Noong Aking Napagmasdan ang Nakamamanghang Krus.” Isinalin mula sa
“When I Survey the Wondrous Cross” ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).
Nasa krus, nasa krus,
Maging luwalhati mapakailan man;
Hanggang sa ang aking nadagit na kaluluwa ay mahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus.” Isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
II. Pangalawa, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang malaman natin na Siya ang nagdurusang kapalit para sa ating mga kasalanan.
Si Juan Bautista ay nagsabi,
“Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).
Ngunit hindi niya saktong sinabi kung paano aalisin ni Hesus ang ating mga kasalanan. Ito’y hindi hanggang sa si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay na kanilang naintindihan na si Hesus,
“…ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy” (I Ni Peter 2:24).
Ito’y pagkatapos lamang na nakita nila ang mga marka ng pako sa kanyang mga kamay at paa na nalaman nila,
“Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan” (I Ni Pedro 3:18).
Iyan ang pangalawang dahilan,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Gusto Niyang malaman nating tiyak na nagdusa Siya at namatay sa krus upang magbayad ng multa para sa ating kasalanan, upang maligtas tayo mula sa kasalanan at Impiyerno. Gusto Niyang makita natin ang marka ng pako sa Kanyang mga paa at kamay upang malaman natin ang poot ng Diyos na bumagsak sa Kanya sa Krus,
“…ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).
Iyan ang dahilan na,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Kantahin ang himno ni Dr. Watts!
Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay,
Kanyang mga paa,
Pagdurusa at pag-ibig ay umagos pababa na magkahalo:
Ang ganoong uri ng pag-ibig ba at pagdurusa ay nagsasama,
O koronang gawa ng mga tinik?
“Nasa Krus.” Kantahin ito!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakailan man;
Hanggang sa ang aking nadagit na kaluluwa ay mahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
III. Pangatlo, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat kaya dapat nating malaman na Siya ang Tagapagligtas sa lahat ng mga panahon.
Kinuha ni Kristo ang Kanyang mga sugat at Kanyang Dugo kasama Niya sa Langit upang magbigay ng walang hanggang pagtutubos para sa atin.
“Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin” (Hebreo 9:24).
Nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, ang mga sugat ni Hesus ay palagi at magpakailan mang isang paalala sa Diyos at mga anghel na,
“Siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan” (I Ni Juan 2:2).
Gayon karamihan sa mga tao sa mundo ngayon ay tinatanggihan si Hesus. Karamihan sa mga tao ay gustong maligtas sa sarili nilang mabuting gawain at sarili nilang relihiyosong mga paniniwala. Kaya tinanggihan nila si Hesus, na siyang probisyon ng Diyos para sa kaligtasan. Si Hesus lamang ang nag-iisang daan sa Diyos dahil Siya ang nag-iisang nagdusa at namatay upang magbayad para sa ating mga kasalanan. Walang ibang relihiyosong pinuno ang gumawa niyan – hindi si Confucius, hindi si Buda, hindi si Mohammed, hindi si Joseph Smith, walang iba! Kay Hesu-Kristo lamang masasabi,
“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Kay Hesus lamang masasabi,
“Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).
Kay Hesus lamang masasabi na,
“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8).
Iyan ang dahilan,
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Kantahin ang himno ni Dr. Watts muli!
Tignan, mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay,
Kanyang mga paa,
Pagdurusa at pag-ibig ay umagos pababa na magkahalo:
Ang ganoong uri ng pag-ibig ba at pagdurusa ay nagsasama,
O koronang gawa ng mga tinik?
“Nasa Krus.” Kantahin ito muli!
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati magpakailan man;
Hanggang sa ang aking nadagit na kaluluwa ay mahanap
Pahinga sa kabila ng ilog.
Kahit kapag si Hesus ay dumating sa pangalawang beses, Kanyang dala ang mga marka ng pagpapako sa krus sa Kanyang mga kamay at paa. Sinabi ni Kristo, sa pamamagitan ng propetang Zakariya,
“at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya” (Zakariyas 12:10).
Iyong mga hindi titingin kay Kristo habang nabubuhay, ay magtatangis sa pagdurusa sa buong walang hanggan sa Impiyerno. Sinabi ng Dakilang si Spurgeon, “Iyong mga bukas na mga kamay at natusok na tagiliran ay mga saksi laban sa iyo, pati laban sa iyo, kung mamatay kang tinatanggihan siya, at papasok sa walang hanggang mga kalaban ni Kristo sa pamamagitan ng malupit na mga gawain” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang mga Sugat ni Hesus” [“The Wounds of Jesus,”] Ang Bagong Kalyeng Parkeng Pulpito [The New Park Street Pulpit], Pilgrim Publications, kabuuan V, pah. 237).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Ngunit muli, sinabi ni Spurgeon,
Kawawang makasalanan…Ikaw ba ay natatakot na magpunta [kay Hesus]? Gayon tignan ang kanyang mga kamay – tignan ang kanyang mga kamay, hindi ka ba maibubuyo ng mga ito?...Tignan ang kanyang tagiliran, mayroong madaling daan patungo sa kanyang puso. Ang Kanyang tagiliran ay bukas. Ang Kanyang tagiliran ay bukas sa [iyo]… O makasalanan, naway ika’y matulungang maniwala sa Kanyang mga sugat! Hindi ka mabibigo ng mga ito; Ang mga sugat ni Kristo ay magpapagaling doon sa mga naglalagay ng kanilang tiwala sa kanya (Isinalin mula sa ibid., pahina 240).
“Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40).
Si Evangeline Booth, ng lumang Salvation Army, ay nagsabi nitong mahusay,
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Makasalanan, ginawa ang mga ito para sa iyo;
Ang mga sugat ni Kristo ay bukas,
Doon para sa pagkukubli ay tumakas.
(“Ang Mga Sugat ni Kristo.” Isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” ni Evangeline Booth, 1865-1950).
Magpunta kay Hesus. Magtiwala kay Hesus. Namatay si Hesus sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Magpunta kay Hesus. Magtiwala kay Hesus. Huminto sa pagsusubok na maging isang mas mabuting tao. Hindi ka kailan man ililigtas ng nito. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo! Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa kasalanan at Impiyerno! Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 20:24-29.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Mga Sugat ni Kristo.” Isinalin mula sa
“The Wounds of Christ” (ni Evangeline Booth, 1865-1950).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA SUGAT NI KRISTO THE WOUNDS OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa” (Lucas 24:40). (Juan 19:34, 35, 41; 20:1, 5, 6-7, 9, 19; I. Una, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang II. Pangalawa, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat upang III. Pangatlo, ipinakita ni Hesus sa kanila ang Kanyang mga sugat kaya |