Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BUMANGON MGA KABATAANG KALALAKIHAN!

RISE UP, YOUNG MEN!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-19 ng Hunyo taon 2016


Gusto kong buksan ninyo ang inyong Bibliya sa Isaias 64:1. Ito’y nasa pahina 768 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Iwan ang inyong Bibliyang nakabukas sa lugar na iyan sa buong pangaral. Isang sandali kanina kinanta ni Jack Ngann ang “Turuan Mo Akong Manalangin.” Ang Taludtod dalawa ay nagpapahiwatig ng ating pinaka dakilang pangangailangan ngayon,

Kapangyarihan sa panalangin,
   Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
Dito sa gitna ng kasalanan ng mundo
   At pagdurusa at pagkabahala;
Mga kalalakihang nawawala at namamatay,
   Mga kaluluwang nawalan ng pag-asa;
O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangin!
(“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
      “Teach Me to Pray” ni Albert S. Reitz, 1879-1966).

Ang aking mahabang panahong pastor sa Tsinong simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Siya ay isang tao ng panalangin. Sinabi niya, “Ang layunin ng panalangin ay na magkaroon ng presensya ng Diyos.” Sinabi rin niya, “Ang Simbahan ng huling mga araw ay dapat magkaroon ng presensya ng Diyos kung gusto niyang lumago, o ang lahat ng mga pagsisikap ay magiging walang saysay.” Iyan ang dahilan na si Satanas ay kumikilos ng matindi upang panatilihin tayo mula sa pananalangin. Sinabi ni Dr. Lin na mas malapit tayo sa Pangalawang Pagdating ni Kristo, “mas matindi ang puwersa ni Satanas laban sa panalangin” (lahat ng pagsisipi ay mula sa aklat ni Dr. Lin, Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth]). Iyan ang dahilan na sinabi ni Apostol Pablo sa atin, “Ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban” kay Satanas at kanyang mga demonyo (Mga Taga Efeso 6:12). Paano tayo nakikipaglaban laban sa mga kapangyarihan ng kadiliman? Sinasagot ni Pablo ang katanungan na iyan sa Mga Taga Efeso 6:18 -19,

“Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal; At sa akin, upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio” (Mga Taga Efeso 6:18-19).

Inilalagay ni Satanas ang puwersa sa ating mga isipan kapag tayo ay manalangin – lalo na kapag tayo ay manalangin para sa presensya ng Diyos sa atin. Maging nagkamalay niyan. Puwersahin ang iyong isipan na pag-isipan ang ipinapanalangin mo. Kapag mayroong ibang nananalangin, puwersahin ang iyong isipan na makinig ng mabuti sa bawat hiling, at sabihin ang “Amen” sa katapusan ng bawat kahilingan habang ang ating mga pinuno ay nananalangin! Amen! Iyan ang gumagawa sa ating mga kapangyarihan na isang makapangyraihang puwersa laban kay Satanas!

Si Isaias ay nabuhay sa isang napakalungkot na panahon sa kasaysayan ng kanyang mga tao. Sa Amerika at sa Kanlurang mundo, masyado tayo rin ay nabubuhay sa isang panahon ng dakilang apostasiya at kalungkutan sa mga simbahan. Ang mga Katimugang mga Bautista ay nawala ang malapit sa sangkapat ng isang milyong mga miyembro noong huling taon. Ang mga panalanging pagpupulong ay naging mga pag-aaral ng Bibliya. Ang mga panggabing Linggong mga paglilingkod ay isinasara sa isang nakagugulat na bilang ating mga simbahan. Ang pangangaral ay naging isang tuyo gaya ng alikabok na pagpapaliwanag ng Bibliya. Ang tunay na ebanhelistikong pangangaral ay patay. Hindi ako nakaririnig ng kahit ano sa mga ito sa ating mga simbahan. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,

     Alam ng Diyos na ang Kristiyanong simbahan ay nasa kaparangan na maraming mahabang mga taon. Kung babasahin mo ang kasaysayan ng Simabahan bago ng mga taon 1830 o 1840, matatagpuan mo na maraming mga bansa doon ay dating mayroong mga regular na mga muling pagkabuhay…halos bawat sampung taon. Hindi ito naging ganito. Nagkaroon lamang ng isang pangunahing muling pagkabuhay simula 1859. Dinaanan natin ang isang tuyong panahon…dinaanan natin ang isa sa pinaka tuyong mga panahon sa mahabang kasaysayan ng Simbahan… Tayo ay naging naalipin, tayo ay nasa pagkatakot, nagdusa tayo ng pag-uusig at pang-uuyam, at ito pa rin ay nagpapatuloy. Tayo pa rin ay nasa kaparangan. Huwag mong paniniwalaan ang kahit ano na nagpapahiwatig na tayo ay nasa labas na nito, tayo ay naroon pa rin. Ang simbahan ay nasa kaparangan (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1992 edisiyon, pahina 129).

Dinadala tayo nito sa pinaka dakilang panalangin ni Isaias para sa presensya ng Diyos upang bumalik sa Kanyang mga tao. Ang propeta ay nabuhay sa isang panahon noong ang mga tao ng Diyos ay nasa isang napabayaan at ulilang kondisyon. Nakita ito ni Isaias. Nagulo siya nito ng higit na pinagpasiyahan niyang manalangin sa Diyos na may nagpupunyaging panalangin, hindi nagbibigay sa Diyos ng kahit anong pahinga o kapayapaan, hanggang sa magpadala Siya ng isang panahon ng muling pagkabuhay sa Kanyang mga tao. Ito ang aking panalangin na ilagay ng Diyos ang kargang iyan sa mga puso ng maraming mga kabataang narito ngayong gabi. Paano kinakailangan nating manalangin muli’t muli’t muli – walang hiyang hinihingi sa Diyos ang Kanyang presensya, humihingi, naghahanap, at kumakatok – hanggang sa ipadala ng Diyos ang Kanyang presensya sa atin. Dahil sinabi ni Hesus,

“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).

At iyan ang panalangin ni Isaias. Magsitayo at basahin ang Isaias 64:1 na malakas.

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).

Maari nang magsiupo.

Sinabi niya, “O.” Iyan ay isang dakilang salita. Natatandaan kong binabasa si Dr. John R. Rice, na nagsabi, ang “O” ay nawala sa ating mga panalangin. Ipinapakita nito na hinahangad natin ang mga bagay na hinihingi natin. Na nauuhaw tayo para rito. Dapat nating maramdaman na dapat tayong magkaroon nito! Si Isaias ay kumakapit sa Diyos, gaya ni Hesus sa Hardin ng Gethsemani,

“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Hebreo 5:7).

Sinabi sa atin ni Hesus na humingi, maghanap, at kumatok hanggang sa ang sagot ay dumating. Sa Griyego ibig nitong sabihin “magpatuloy humingi,” “magpatuloy maghanap,” “ magpatuloy kumatok.” Ang ibang mga tao ay nagsasabi na maling na tayo’y magpatuloy sa paghingi ng parehong bagay. Nalimutan nila na si Kristo Mismo ay nanalangin ng tatlong beses “na sinabing muli ang gayon ding mga salita” (Mateo 26:44). Nanalangin Siya ng tatlong beses, “na mayroong matinding paglulumo at pagluuha” hanggang sa ang Diyos ay sumagot sa Kanya, at nagpadala ng isang anghel upang “palakasin” Siya, upang hindi Siya mamatay sa Hardin ng Gethsemani (Lucas 22:43). Nanalangin Siya na “mas matindi” para sa sapat na lakas upang mabuhay at magpunta sa Krus sa sunod na umaga. At kaya, na may matinding pagpupunyagi, si Isaias ay nanalangin, “Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba…”

Si Isaias ay lubos na nag-aalala. Gusto Niya na ang Diyos ay magbukas ng mga kalangitan at bumaba. Tignan ang mga berso 10-12. Tumayo at basahin ito ng malakas.

“Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira. Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira. Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?” (Isaias 64:10-12).

Maari nang magsi-upo.

Noong ako’y isang binata sa aking mga dalawam pung edad nakita ko ang kahayupan ng Woodstock, ang mga droga, ang pagkabangis. Nakita ko ang mga pagkakagulo, ang mga pagpatay ni Pangulong Kennedy, ang pagpatay ni Dr. King, ang mga Yipi ng nagsusunog sa Chicago noong Demokratikong Kumbensyon. Nakita ko ang namamatay na mga simbahan, ang mababaw na pangangaral, ang pagsasara ng mga simbahan. Ako’y nagulo gabi at umaga. Sumigaw ako sa Diyos, “Buksan ang mga langit at bumaba.” At Siya nga ay bumaba! Hindi ko kailan man malilimutan ang nakita ko sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan at sa mga Hipi sa San Francisco. Bumaba ang Diyos! Ang apoy ng Diyos ay sumunog sa aming mga puso. Sunod-sunod na mga kaluluwa ay napagbagong loob! Bumaba ang Diyos! Nakita ko ito. Gusto kong makita mo rin ito. Gusto kong makita mo ang kapangyarihan at luwalhati ng Diyos na pumunit sa mga bintana ng Langit na bukas at bumaba sa atin!

Kahit na ang daan ay mukhang diretso at makitid,
   Ang lahat na aking inangkin ay natangay;
Ang aking mga ambisyon, mga plano at mga hiling,
   Sa aking paa sa mga abo ito’y nakalatag.

Tapos ang apoy ng Diyos sa altar
   Ng aking puso ay umapoy;
Hindi ako kailan man titigil na purihin Siya,
   Luwalhati, luwalhati sa Kanyang Pangalan!

Luwalhati, luwalhati sa Ama!
   Luwalhati, luwalhati sa Anak!
Luwalhati, luwalhati sa Espiritu!
   Luwalhati sa Tatlo sa Isa!

Papuri sa Kanya! Papuri sa Kanya!
   Papuri sa Kordero para sa mga makasalanan ay pinatay;
Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat na mga tao,
   Dahil ang Kanyang dugo ay maghuhugas ng malinis ng bawat mantsa.
(“Papuri sa Kanya.” Isinalin mula sa
      “I Will Praise Him” ni Margaret J. Harris, 1865-1919).

O gawin ito muli, Panginoon! Gawin ito muli! Upang makita ng mga batang ito ang Iyong luwalhati sa lupa! Kailangan nilang makita ang Iyong luwalhati at Iyong kapangyarihan! Babaguhin sila nito magkailan man! Ang mga bagay ng mundong ito ay magiging di pangkarainwang mas madilim at hindi na aakit sa kanila. Paunawa gawin ito para sa kanilang alang-alang, Panginoon. Naway gawin ito para sa alang-alang ng iyong sariling pangalan! Naway ipadala ang apoy, O aking Diyos! Naway ipadala ang Apoy! “Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).

Ang tunay na pananalangin ay pagkakapit sa Diyos at hindi nagpapakawala…gaya ng ginawa ni Jacob noong nakipaglaban siya buong gabi kay Kristo – at nagsabi, “Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo ako mabasbasan” (Genesis 32:26). Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang pagkakapita sa Diyos, pagmamakaawa sa Kanya, pakikipagdahilan sa Kanya, at pati pagsusumamo, at sasabihin ko na ito lamang ay kapag ang Kristiyano ay napupunta sa posisyon na iyan na tunay siyang magsimulang manalangin” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, Muling Pagkabuhay [Revival], pah. 305).

Kapag ang Diyos ay bumaba, “ang mga bundok ay gumuho sa [Kanyang] presensya” (Isaias 64:1). Ang mga bundok ng di paniniwala, ang mga bundok ng takot, ang mga bundok ng pagdududa, ang mga bundok ng pagmamalaki at pagkamakasarili, ang mga bundok ng desperasyon, mga bundok ng Santanikong opresyon – ang lahat ng mga bundok na tumatayong nagmamalaki laban sa Diyos at Kanyang Kristo, “na ang mga bundok ay gumuho [tulad ng natunaw na kumukulong putik mula sa isang bulkano] sa iyong presensya!”

Ngunit ang muling pagkabuhay na pananalangin ay dapat bumaba mula sa mga kalalakihan tulad ni Isaias, mga kalalakhan na nagsasabi kasama ng propeta, “Narito ako; suguin mo ako” (Isaias 6:8), ang mga taong handang ialay ang kanilang mga buhay sa paglingkod ng Diyos. Sinabi ni Dr. A. W. Tozer,

Ang simbahan sa sandaling ito ay nangangailangan ng mga tao, ang tamang uri ng tao. Ang pag-uusap ay na kailangan natin ng muling pagkabuhay…ngunit ang Diyos ay hindi magbubuhay muli ng mga maliliit na mga daga. Hindi niya pupunuin ang mga koneho ng Banal na Espiritu. Nag-uungsami tayo [sa kahinaan ng pagkakulang ng] mga tao na nadarama sa kanilang mga sariling nagagastor sa digmaan ng kaluluwa, nahindi matatakot…dahil namatay na sila sa [mga pagka-akit] ng mundong ito. Ang mga ganoong mga tao…Kung ang Kristiyanismo ay mananatiling buhay dapat siyang magkaroon ng mga tao muli, ang mga tamang uri ng mga tao. Dapat niyang itakwil ang mga mahihina na nangangahas na hindi magsalita…dapat siyang maghanap ng mga…tao ng sangkap na gawa ng mga propetao at mga martir…sila’y magiging mga tao ng Diyos at mga tao ng lakas… Sa pamamagitan ng kanilang gawain [ang Diyos ay] magpapadala ng matagal nang napatagal naantalang muling pagkabuhay (Kailangan Natin ng Mga Tao ng Diyos Muli [We Need Men of God Again, ni A. W. Tozer, D.D.).

Iyan ang kailangan ng ating mga simbahan sa oras na ito – mga tao ng Diyos, at mga tao ng tapang.” Kailangan natin ng mga kabataang kalalakihan na nakita ang kawalang kahulugan ng mundong ito, mga kabataang mga kalakihan na magsasabi kasama ng propeta, “Narito ako; suguin mo ako” (Isaias 6:8), mga kalalakihan na nagdarasal mula sa ikailaliman ng kanilang mga kaluluwa,

“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan, Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!” (Isaias 64:1-2).

Mga kabataang kalalakihan, bumangon at ibigay ang inyong mga labi upang ipanalangin ang panalanging iyon ni Isaias na may pagpupunyagi at kapangyarihan. Mga kabataang mga kalalakihan, bumangon at ialay ang inyong mga buhay para kay Kristo! Mga kabataan kalalakihan, bumangon at makipaglaban gamit ang lahat ng iyong lakas para sa luwalhati ng Diyos na bumaba sa isang pag-ulan ng muling pagkabuhay! Sinasabi ng himno ni William Merill itong mahusay,

Bumangon, O mga kalalakihan ng Diyos!
Ay gumawa ng mas kaunting mga bagay;
Ibigay ang puso at kaluluwa at isipan at lakas
Upang paglingkuran ang mga Hari ng mga hari.

Bumangon, O mga kalalakihan ng Diyos!
Ang simbahan para sa iyo ay nag-aantay,
Ang kanyang lakas di kapantay sa kanyang gawain;
Bumangon, at gawin siyang dakila!
      (“Bumangon, O Mga Kalalakihan ng Diyos!.” Isinalin mula sa
“Rise Up, O Men of God!” ni William P. Merrill, 1867-1954).

Mga batang kalalakihan, ako’y naging kabataan rin, ngunit ngayon ay matanda na ako. Gayon din ang ating mga pinuno. Dinala nila tayo sa mahabang mga taon ng pahihiwalay ng simbahan. Nagtrabaho sila upang gawin ang simbahang ito na kasing buti nito ngayon. Binayaran nila ang halaga. Binayaran nila ang malawakang pangangasiwa na mayroon tayo sa Internet. Ngunit wala na kaming lakas upang pamunuhan ang simbahang ito sa sunod na antas! Wala na kaming lakas upang likhain ang bagong Baptist Tabernacle! Dapat mo itong gawin, o hindi ito magagawa! At kaya sinasabi ko sa aming mga kabataang mga kalalakihan,

Bumangon, O mga kalalakihan ng Diyos!
Ang simbahan para sa iyo ay nag-aantay,
Ang kanyang lakas di kapantay sa kanyang gawain;
Bumangon, at gawin siyang dakila!

Magsitayo at kantahin ang himno bilang pito.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
   Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit sa mga lambak ako’y Iyong ginagabayan,
   Iyong walang kupas na luwalhati ay pinaliligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking panannaw, ang bawat hangarin
   Panatilihin para sa Iyong luwalhati; aking kaluluwa pumupukaw
Kasama ng Iyong pagkaganap, ang Iyong banal na pag-ibig
   Binabaha ang aking daanan gamit ng ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang,
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, walang hayaang kaluluwa
   Ang aanino sa kaliwanagan ng kumikinang sa loob.
Hayaang makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
   Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang,
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
    “Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).

Magsi-tayo at para sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Isaias 64:1-4.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Jack Ngann:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).