Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MABUBUTING MGA BAGAY AY DUMARATING SA PAMAMAGITAN NG PANALANGINGOOD THINGS COME THROUGH PRAYER ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?” (Mateo 7:11). |
Sa nakamamanghang pasaheng ito pinalalakas ni Hesus ang ating loob na manalangin. Ang mga berso 7 at 8 ay nasa kasalukuyang kapanahunan sa Griyego. Ibig nitong sabihin ay na magpatuloy humingi, magpatuloy kumatok. Kapag ang Banal na Espiritu ay magdadala ng isang pangangailangan muli’t muli sa iyong puso, ito’y isang pasan mula sa Panginoon. Tapos ika’y mapapaalalahanan na manalangin para sa bagay na iyan muli’t muli, hanggang sa ang sagot ay dumating mula sa Ama sa Langit.
Noong ang aking pamilya at ang ako ay bumalik mula sa aming maikling bakasyon sa Mehiko, ako’y agad-agad na hinarap ng walong malalaking mga problema sa aming simbahan. Mukhang walang posibleng paraan upang ayusin ang mga problemang ito. Inilatag ko ang bawat isa sa mga ito sa harap ng Diyos sa panalangin, hindi nalalaman kung anong gagawin sa mga ito. Ang mga ito’y malalaking mga problema. Siyempre ginambala ng Diablo ang aking isipan ng mga pagdududa at mga takot. Siyempre ang aking lumang kalikasan ay hindi naniwala na ang Diyos ang bahala sa mga bagay na ito. Ngunit nagpatuloy akong manalangin, tulad ng taong nagsabi kay Hesus, “Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya,” (Marcos 9:24). Iyan ay isang mabuting panalangin upang ipanalangin kapag ang iyong pananampalataya ay mahina, “Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya” – upang matalo ang aking di paniniwala, upang palakasin ang aking pananampalataya. At kaya nanalangin ako para saw along mga problemang ito.
At isa isa sinagot ng Diyos ang aking mga panalangin. Isa, isa ang mga problemang mga iyon na mukhang imposible, ay natalo sa sagot sa panalangin. Isang problema na mayroon ako ay aking pinalangin ng halos lampas sa labin limang taon ay sinagot noong huling Linggo! Anong isang himala! Papuri sa Diyos kung saan ang lahat ng biyaya ay umaagos! Gayon din, isa isa, ang walong mga problemang tinukoy ko ay natalo. Ang huli ay nasagot bago lang ako umupo upang isulat ang pangaral na ito! Ito’y tunay na isang malaking problema. Napabigatan nito ang aking puso ng maraming buwan! Ngunit sinagot ng Diyos ito, ito’y mukhang napaka dali! Ang pasan ay naiangat, at ibinigay ng Diyos ang sagot na mayroon na lamang kadalian na ito’y mukhang hangal na ako’y napaka nag-aalala dahil sa mga ito!
Magpunta, aking kaluluwa, ang iyong argumento ihanda,
Iniibig ni Hesus na sumagot ng panalangin;
Siya Mismo ay tumawag sa iyong manalangin,
Kung gayon hindi magsasabi sa iyong hindi,
Kung gayon hindi magsasabi sa iyong hindi.
Ikaw ay nagpupunta sa isang Hari;
Malalaking pakiusap ang iyong dala;
Dahil ang Kayang biyaya at kapangyarihan ay ganoon,
Walang makahihingi ng masyadong marami,
Walang makahihingi ng masyadong marami!
(“Magpunta, Aking Kaluluwa, Ang Iyong Argumento ay Ihanda.”
Isinalin mula sa “Come, My Soul, Thy Suit Prepare”
ni John Newton, 1725-1807).
Ginagawa nito ang aking pusong kumanta kapag naalala ko kung paano sinagot ng Diyos ang aking mga panalangin! Ang aking puso ay kumakanta kapag nagbibigay ako ng pasasalamat sa Diyos sa nasagot na panalangin! Kapag sinasagot ng Diyos ang isang panalangin, dapat kang magmadaling magpasalamat sa Kanya!
“Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?” (Mateo 7:11).
Dahil ang Kanyang biyaya at kapangyarihan ay ganoon,
Walang makahihingi ng masyadong marami,
Walang makahihingi ng masyadong marami!
Aleluya! Aleluya! Aleluya! Ibigay sa Diyos ang luwalhati! Ibigay sa Diyos ang luwalhati! Sumasagot Siya ng panalangin! (palakpakan).
Nakakita tayo ng nakamamanghang mga sagot sa panalangin nitong taong na ito. Nakita natin ang dalawang mga kababaihan sa kanilang ika-walompung taong gulang na napagbagong loob. Nakita natin ang labin dalawang mga bagong kabataan na inaasahang napagbagong loob sa kaunting araw. Tapos si Robert Wang ay inaasahang napagbagong loob noong si Dr. Rasmussen ay nangaral noong umaga ng Linggo ng Muling Pagkabuhay. Tapos si Woody ay nailigtas mula sa demonikong opresyon – isang himala ng biyaya! Tapos si Jesse Zacamitzin! Tinignan niya ako na may galit na mga mata noong nalaman niyang gusto ko si Trump. Ngunit hindi matagal pagkatapos niyan mayroon siyang mga luha sa kanyang mga mata na bumababa sa kanyang mga pisngi sa silid ng pagsisiyasat, habang ginabayan siya ni Dr. Cagan na magtiwala sa Tagapagligtas! Nakamamangha! Ang Diyos lamang ang makagagawa niyan sa kanyang buhay! Si Valentine Herrera ay hindi mukhang sa anumang paraan isang mabuting posibilidad! Ngunit mukhang sinasabi ng Diyos sa akin na siya’y maliligtas. At siya ay di nagtagal inaasahang napagbagong loob! Nakamamangha! Ang Diyos lamang ang makagagawa niyan! Tapos nangaral ako ng isang pangaral karamihan ay sa mga Kristiyano. Binanggit ko lamang ang Ebanghelyo ng madalian. Anong surpresa noong sinabi nila sa akin na si Tom Xia ay inaasahang naligtas pagkatapos! Nalimutan kong banggitin ang inaasahang pagbabagong loob ni Gng. Zabalaga pagkatapos na simpleng tinanong siya ni John Cagan na magtiwala kay Hesus – at ginawa niya ito – pagkatapos ng higit sa 35 na taon ng pagdududa at pagkalito! Nakamamangha! Ang Diyos lamang ang makagagawa niyan! Mga halos 17 na mga tao ang inaasahang napagbagong loob ng taong ito – at ang taon ay kalahating tapos pa lamang! (palakpakan)
Aking mga iniibig na mga kaibigan, ang Diyos ay isang Diyos ng mga himala! Sumasagot Siya ng mga panalangin! Nagbibigay Siya ng mabubuting mga bagay doon sa mga humihingi sa Kanya! Minamahal kong mga kapatid, tumutok tayo sa panalangin para sa presensya ng Diyos sa ating mga paglilingkod. Gusto kong manalangin kayo para sa presensya ng Diyos bawat pagkakataon na manalangin ka. Ang aking pastor sa Tsinong simbahan ay si Dr. Timothy Lin (1911-2009). Madalas siyang magsalita patungkol sa pangangailangan para manalangin para sa presensya ng Diyos sa simbahan. Sinabi ni Dr. Lin,
Ang karaniwang layunin ng panalangin ay paghihingi ng pahintulot sa Diyos upang pagpalain tayo ng Kanyang biyaya, upang pagalingin ang may sakit, upang paginhawain ang naapi, upang maglaan para sa nangangailangan, upang iligtas iyong mga nasa paglilitis, upang tulungan ang di nananampalatayang mananampalataya at ang mga mananampalatayang lumagom at marami pang iba… Sa katunayan, ang lahat ng mga kahilingang ito ay mga gamot para sa simptoma kaysa para sa ugat ng problema. Ang ating Panginoon…ay nagbigay sa atin ng gamot para sa ugat ng problema – ang Kanyang presensya ay kasama natin!
Kasama ang Kanyang presensya, ang lahat ng mga problemang ito ay magiging maayos, ang kadiliman ay magiging liwanag, at ang kalamidad ay magiging mga kayamanan…Papuri sa Panginoon! Ipinangako Niya na maging kasama natin sa pamamagitan ng panalangin…Ang layunin ng panalangin ay ang magkaroon ng presensya ng Diyos (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992, mga pah. 108, 109)
Kung gayon, hiningi kong manalangin ka para sa presensya ng Diyos sa ating simbahan bawat pagkakataon na manalangin ka. Kapag manalangin ka sa umaga, tiyakin na manalangin para sa presensya ng Diyos sa atin. Kapag magpasalamat ka para sa pagkain bago ka kumain, manalangin ng kahit kaunting salita hinihingi Siyang maging nasa piling natin sa ating simbahan. Kapag manalangin ka para sa akin, manalangin para sa presensya ng Diyos sa pamamagitan ng aking pangangaral. Gayon din manalangin para sa presensya ng Diyos habang aking isulat ang mga pangaral sa aking opisina sa bahay. Kapag manalangin ka para sa Tagsibol na Ani, manalangin para sa presensya ng Diyos sa atin. Na wala ang Kanyang presensya, ang lahat ng ating ebanghelismo ay hindi magbubunga ng bunga. Kapag manalangin ka para sa ating Internet na misyon sa mundo, manalangin para sa presensya ng Diyos doon sa mga nagbabasa ng mga pangaral, o nangangaral ng mga pangaral, o nanonood sa mga ito sa mga videyo. Kapag manalangin ka para sa ating ebanghelismo, manalangin para sa presensya ng Diyos na sumama sa atin habang tayo ay nag-eebanghelismo. Kapag manalangin ka para solo ni Gg. Griffith, at para sa ating kongregasyonal na pagkakanta, manalangin para sa presensya ng Diyos upang maging nasa mga kanta. Manalangin para sa presenya ng Diyos sa ating panalanging pagpupulong. Manalangin para sa presensya ng Diyos na biyakin ang mga puso ng mga nawawalang mga “batang simbahan.” Ngunit huwag huminto riyan – manalangin para sa mga tao – at manalangin para sa presensya ng Diyos na ipakita sa kanila ang pangangailangan para kay Kristo – at dalhin sila sa Tagapagligtas. Manalangin para sa presensya ng Diyos na balutin ang Diablo at kanyang mga demonyo. Manalangin para sa presensya ng Diyos sa silid ng pagsisiyasat pagkatapos ng mga paglilingkod. Manalangin para sa presensya ng Diyos upang pagalingin ang may sakit, tulad ni Gng. Roop at ang aking sarili. Manalangin para sa presensya ng Diyos sa bawat gawain ng ating simbahan. Manalangin para sa presensya ng Diyos kapag si Noah Song at John Cagan ay mangarla sa Tagsibol na Ani. Manalangin para sa presensya ng Diyos bawat pagkakataon na ako’y magsalita. Manalangin para sa presensya ng Diyos bawat pagkakataon na si Dr. Chan ay magsalita. Sa Parabula ng Mapagpilit na Kaibigan, sinabi ni Hesus,
“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).
Dapat tayong magpatuloy na humingi ng presensya ng Diyos ang Banal na Espiritu upang maging kasama natin. At dapat iyan ay magdala sa iyong manalangin rin para sa Diyos upang maluwalhati ang Kanyang sarili sa atin sa muling pagkabuhay. Umaasa ako na manalangin ka para sa Diyos na magpadala ng isang muling pagkabuhay sa atin bawat pagkakataon na manalangin ka! Oo – bawat pagkakataon! Ang muling pagkabuhay ay mas masidhing pagbubuhos ng Kanyang presensya sa atin. Dapat tayong manalangin ng panalangin ni Habakkuk,
“Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan” (Habakkuk 3:2).
“O Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa.” Isang lumang panahong himno na aking laging iniibig ay nagsasabi nitong mahusay.
Mga paligo ng pagpapala,
Mga paligo ng pagpapala ang kailangan natin;
Mga patak ng awa sa paligid natin ay bumabagsak,
Ngunit para sa mga paligo ay ating pagmakaawa.
(“Magkaroon Ng Mga Paligo Ng Pagpapala.” Isinalin mula sa
“There Shall Be Showers of Blessing” ni Daniel W. Whittle, 1840-1901).
Ang mga “patak ng awa” ay nasa 17 o 18 na mga kaluluwa na naging inaasahang ligtas ngayong taon. Ngunit ang mga “paligo ng pagpapala” ay darating kapag ang Diyos ay magpapadala ng muling pagkabuhay na kapangyarihan sa punong puwersa ng Kanyang pagpapala.
Kapag ang muling pagkabuhay ay dumarating ito’y ang Diyos na nagpapadala nito. Ang simbahan ay maaring magpatuloy at maging mabuti. Maari tayong makakita ng mga kaluluwang naligtas. Maari nating magkaroon ng presensya ng Diyos. Ngunit sa muling pagkabuhay ang lahat ay lumalakas. Ang mga panalangin ay biglang nagiging mas makapangyarihan. Ang mga pangaral ay nagiging puspos na makapangyarihan. Ang kumbiksyon ng kasalanan ay nagiging napaka tindi. Ang bawat paglilingkod ay nagiging isang makapangyarihang silid ng pagsisiyasat. Ang mga luha ay umaagos habang ang mga tao ay nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan. Kahit iyong mga ligtas na ay magkukumpisal ng kanilang mga kasalanan – madalas ay bukas sa harap ng lahat. Ang Ebanghelyo na ang na nadinig ng mga nawawala ng maraming taon ay dumarating sa kanila na para bang ito’y isang bagong mensahe, isang di nila kailan man tunay na nakuha.
Ang muling pagkabuhay ay dumarating kapag kaunting mga tao sa simbahan ay nagsimulang maramdaman na mayroong isang bagay na higit na kinakailangan. Hindi na sila kontento sa karaniwang gawain ng simbahan. Nagsimula silang manalangin para sa Diyos na kumilos sa isang milagrosong paraan sa kanila. Ang mga Kristiyano ay nagiging nagkakamalay na sila’y mas malamig kaysa sa akala nila. Ikinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan na publiko. Sumisigaw sila sa Diyos para patawarin sila at ipanumbalik sila. Ang Diyos Mismo ay nagpapakilos sa simbahan, at ito’y nagiging isang simbahan tulad noong sa Aklat Ng Mga Gawa.
A great prayer for revival power was given by the prophet Isaiah. He prayed,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).
Sana ilan sa inyo ay memoryahin ang panalanging iyan, at aktwal na gamitin ang mga salitang iyan kapag manalangin kayo para sa muling pagkabuhay.
Tinawag ni Dr. Martyon Lloyd-Jones ang Isaias 64:1, “ang tunay na panalangin para sa muling pagkabahay.” Sinabi niya,
“‘Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba’ – at hindi ako nag-aalinlangan na [sabihin] na iyan ay tunay na panalangin para na kaugnay sa isang muling pagkabuhay. Ito’y tama, siyempre, na laging manalangin para sa Diyos na pagpalain tayo…at maging mapagbiyaya sa atin, iyan dapat ang ating ating panalangin palagi. Ngunit iyan ay nagpapatuloy lampas riyan, at ito’y rito na nakikita natin ang pagkakaiba sa kung ano dapat ang laging pinapanalangin ng isang simbahan, at ang espesyal, kakaiba, madaliang panalangin para sa isang pagdalaw ng Espiritu ng Diyos sa muling pagkabuhay… ‘Oh’ ang sinasabi niya, ‘buksan mo sana ang langit.’ Mayroong isang pagluhang proseso. Ang Diyos ay sumasabog sa gitna [natin]” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., Muling Pagkabuhay [Revival], Crossway Books, 1992, mga pahina 305-307).
Ang panalangin ni Isaias na ipinahiwatig sa maliit na koro na madalas nating kantahin,
Espiritu ng nabubuhay na Diyos,
Bumaba, panalangin namin.
Espiritu ng nabubuhay na Diyos,
Bumaba, panalangin namin.
Tunawin kami, hulmahin kami, biyakin kami, tiklupin kami.
Espiritu ng nabubuhay na Diyos,
Bumaba, panalangin namin.
(“Espiritu ng Nabubuhay na Diyos.” Isinalin mula sa
“Spirit of the Living God” ni Daniel Iverson, 1899-1977;
binago ni Dr. Hymers).
Kapag manalangin ka para sa muling pagkabuhay kantahin ang koro, tapos ipanalangin ang mga salita ng Isaias 64:1,
“Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan” (Isaias 64:1).
Ang mga bundok ng pagmamalaki, ang mga bundok ng kasalanan at rebelyon, ang mga bundok ng di paniniwala – ang lahat ay aagos pababa kapag ang Diyos ay magbubukas ng langit at bababa kasama natin.
Kaya dapat tayong manalangin para sa presensya ng Diyos sa lahat ng gawin natin sa simbahan. Ngunit dapat rin tayong manalangin para sa mas matinding pagbuhos ng Espiritu ng Diyos sa atin sa muling pagkabuhay. Kapag ang muling pagkabuhay ay darating ito’y halos laging dumarating na biglaan. Nakakita ako ng muling pagkabuhay ng tatlong beses sa aking buhay. Ang una at ang pangatlong beses nakita ko ang muling pagkabuhay ang Banal na Espiritu ay bumaba na napaka biglaan na kami ay nasurpresa at nadaig ng kapangyarihan ng Diyos! Kung ang Diyos ay magpadala ng isang muling pagkabuhay rito hindi mo ito kailan man malilimutan hanggang sa ika’y mabuhay. Magkakroon ng mas higit na gawain na magagawa sa ating simbahan sa isang buwan kaysa nakita natin ngayon sa loob ng dalawam pung taon! Alam ko. Nakita ko sa aking sariling mga mata ang magagawa ng Diyos kapag buksan Niya ang mga kalangitan at bumaba sa dakilang kapangyarihan kaysa nakita natin noon. Iuwi ang pangaral na ito at basahin ito kapag manalangin ka. Una, manalangin para sa presensya ng Diyos sa lahat ng gawin natin. Tapos manalangin rin para sa isang dakilang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos sa isang muling pagkabuhay.
Laging manalangin para sa presensya ng Diyos sa lahat ng gawin natin. Ngunit manalangin rin para rin sa mas matinding pagbubuhos sa atin sa muling pagkabuhay. Sinabi ni Hesus,
“Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?” (Mateo 7:11).
“Panginoon, Magpadala ng isang Muling Pagkabuhay.” Kantahin ito!
Panginoon magpadala ng isang muling pagkabuhay,
Panginoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
Panginoon, magpadala ng isang muling pagkabuhay,
At hayaan itong bumaba mula sa Iyo.
(“Panginoon, Magpadala ng isang Muling Pagkabuhay.” Isinalin mula sa
“Lord, Send a Revival” ni Dr. B. B. McKinney, 1886-1952;
binago ni Dr. Hymers).
Lahat manalangin para sa isang pagbabagong loob (lahat manalangin).
Magpunta, aking kaluluwa, ang iyong argumento ihanda,
Iniibig ni Hesus na sumagot ng panalangin;
Siya Mismo ay tumawag sa iyong manalangin,
Kung gayon hindi magsasabi sa iyong hindi,
Kung gayon hindi magsasabi sa iyong hindi.
Ikaw ay nagpupunta sa isang Hari;
Malalaking pakiusap ang iyong dala;
Dahil ang Kayang biyaya at kapangyarihan ay ganoon,
Walang makahihingi ng masyadong marami,
Walang makahihingi ng masyadong marami!
Maari kang mapagbagong loob mula sa kasalanan ngayong gabi. Maari kang gisingin ng Banal na Espiritu sa iyong kasalanan. Maari kang dalhin ng Bana na Espiritu kay Kristo para sa paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tugnkol sa pagiging ligtas, sundan si Dr. Cagan at John Cagan sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin nila kayo sa isang tahimik na silid kung saan makapag-uusap tayo at makapananalangin. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 7:7-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta, Aking Kaluluwa, Ang Iyong Argumento ay Ihanda.”
Isinalin mula sa “Come, My Soul, Thy Suit Prepare”
(ni John Newton, 1725-1807).