Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




JONAS – MULA SA KAMATAYAN TUNGO SA BUHAY!

JONAH – FROM DEATH TO LIFE!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Hunyo taon 2016


Una, isang salita patungkol sa karagatang halimaw. Tignan ang Jonas 1:17. “Inihanda ng Panginoon ang isang malaking isda upang lamunin si Jonas.” Ang Hebreong salita para sa “inihanda” at “mănăh.” Ibig nitong sabihin ay “upang magbuo,” “upang maghanda.” Ito’y espesyal na nabuo at naihanda. Walang tulad nito noon, at wala na pagkatapos. Ito’y inihanda ng Panginoong Diyos. Tapos ang isda mismo. Ang Hebreong salita ay “dag.” Ibig nitong sabihin ay nilalang – isang malaking, kayang lumulon ng isang taong buo, na hindi nginunguya. At dinadala tayo nito sa ating teksto,

“Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios” (Jonas 2:6).

Nagkukumento sa Aklat ni Jonas, ang dakilang Taga-Reporma na si John Calvin ay nagsabing,

…na sa [Kristong] ito y maging tulad kay Jonas, dahil Siya ay maging isang propetang dinala sa buhay muli… gaya ng pagkapagbabagong loob ni Jonas sa Nineveh, pagkatapos niyang bumalik sa buhay. Ito gayon ay isang simpleng kahuluguhan ng pasahe. Gayon si Jonas ay hindi isang tipo ng Kristo, dahil siya’y ipinadala sa mga Gentil, kundi dahil siya’y bumalik sa buhay muli… (Isinalin mula kay John Calvin, Mga Kumentaryo sa Labin Dalawang Menor na mga Propeta [Commentaries on the Twelve Minor Prophets], Baker Book House, 1998 inilimbag muli, kabuuan 3, pahina 21)

Panisinin ang mga salita ni Calvin – si Jonas ay “isang propetang dinala sa buhay muli.” Ang muling pagkabuhay ni Jonas mula sa pagkamatay ay isang tipo ng muling pagkabuhay ni Kristo sa pangatlong araw.

Sinabi rin ni Dr. M. Rm. DeHaan, “Noong ang propetang si Jonas ay itinapon sa dagat ang nilunok ng isang dakilang isda, siya ay naging isang malinaw na tipo ng kamtayan at muling pagkabuhay ni Kristo” (Isinalin mula kay M. R. DeHaan, M.D., Si Jonas – Katunayan o Gawa-Gawa? [Jonah – Fact or Fiction?], Zondervan Publishing House, 1957, pah. 80). Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee ang parehong bagay sa kanyang Kumentaryo sa Buong Bibliya [Thru the Bible Commentary] ".

Nagturo si Dr. Murphy Lum ng Hebreo sa isang seminaryo sa Katimugang California. Sinabi ni Dr. Lum sa akin, “Ibinigay ni Hesus sa atin ang pinaka mahusay na kumentaryo kay Jonas sa Mateo 12:40.” Sa bersong iyan, sinabi ni Hesus,

“Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang [halimaw ng dagat] na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:40).

Tatlong mga aral mula sa pahayag ni Kristo:

1. Si Jonas ay isang larawan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.

“Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang [halimaw ng dagat] na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:40).

2. Si Jonas ay gayon isang larawan ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya.

“At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas, Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay…” (Mga Taga Efeso 1:19-20).

Ang muling pagkabuhay ni Kristo gayon ay magagamit sa napagbagong loob.

“At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1).

At muli, tayo ay sinabihan,

“Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),…kay Kristo Hesus” (Mga Taga Efeso 2:5-6).

Ang mga bersong ito ay nagpapakita na ang napagbagong loob na tao ay patay sa kanyang kasalanan at dapat magawang nabuhay kay Kristo. Ang “kamatayan sa buhay” na karanasan ng pagbabagong loob ay konektado at pinalakas ng kamatayan ng muling pagkabuhay ni Kristo – at gayon inilarawan ng kung anong nangyari kay Jonas (inisalin mula sac f. Mateo 12:40).

3. Ang muling pagkabuhay ni Jonas ay gayon isang larawan ng pagbibinyag ng isang napagbagong loob sa pamamagitan ng paglulubog. Sinasabi ng Mga Taga Roma 6:3-4,

“O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay” (Mga Taga Roma 6:3-4).

Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang napagbagong loob ay inilulubog kay Kristo, inuugnay kasama ni Kristo sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Tamang-tamang sinasabi ni Dr. MacArthur, “Tiyak na ang pagbibinyag sa tubig ay naglalarawan ng katotohanang ito…” (isinalin mula sa ibid., sulat sa Mga Taga Roma 6:3). Kung gayon, ang karanasan ng pagbabagong loob, ay inilarawan ng pagbibinyag sa tubig, ay nagtuturo sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, na sinasagisag ni Jonas (Isinalin mula sac f. Mateo 12:40).


Upang lagumin,


1. Inilarawan ni Jonas ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.

2. Inilarawan ni Jonas ang espiritwal na kamatayan at muling pagkabuhay na pagbabagong loob.

3. Inilarawan ni Jonas ang pagbibinyag ni mananamapalataya.


Si Kristo ba ay tunay na namatay? Oo. Ang isang di napagbagong loob na tao ba ay tunay na patay sa pagsalansang at kasalanan? Oo. Ang isang napagbagong loob na tao ba ay tunay na naibangon mula sa pagkamatay? Oo. Isang may karanasang mangangaral ay makikita pa nga ang isang pagbabago sa kanilang mukha at mga ekspresyon.

Si Jonas ba ay tunay na namatay sa dakilang isda? Sa tingin ko ang sagot ay malinaw! Gaya ng sinabi ni Dr. Lum, “Ibinigay sa atin ni Hesus ang pinaka mahusay na kumentaryo kay Jonas sa Mateo 12:40.”

“Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang [halimaw ng dagat] na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mateo 12:40).”

Si Hesus ay tunay na namatay – kaya ang pagkukumpara Niya ay nagpapakita na si Kristo ay naniwala na si Jonas ay tunay na patay. Inaayos niyan ang argumento! Ginawa itong malinaw ni Jonas noong sinabi niyang,

Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay” (Jonas 2:6).

Ang Hebreong salita para sa hukay ay “shachath.” Ibig nitong sabihin ay “ang hukay,” ipinahihiwatig nito ang kamatayan ni Jonas.

Ang una sa dalawang mga kapitulo ni Jonas ay isa ring larawan ng pagbabagong loob. Sa maraming paraan inilalarawan nito ang aking sariling pagbabagong loob. Ang Diyos ay nagsalita sa puso ni Jonas at nagsabi sa kanyang magpunta at mangaral sa Nineveh. Ang Diyos ay nagsalita sa aking puso at nagsabi sa akin na maging saksi para sa Kanya. Si Jonas ay tumakbo mula sa presensya ng Diyos. Sumakay siya sa isang barko at lumayag papalayo mula sa Nineveh ng kasing layo ng makakaya niya. Iniwan ko ang simbahan sa Huntington Park at nilakad ang mga kalye ng Los Angeles sa kadiliman at takot. Tumakas ako mula sa Diyos gaya ni Jonas. Ngunit ang Diyos ay nagpadala ng isang matinding bagyo kay Jonas sa barko. sAko’y naitapon paurong sulong at nadama ko na wala akong pag-asa. Si Jonas ay itinapon sa karagatan at nilamon ng isang dakilang karagatang halimaw. Nagpunta ako sa isang Tsinong simbahan ay sinubukang magpunta sa kolehiyo. Ako’y nilamon sa depresyon at kawalan ng pag-asa. Hindi ako makapunta sa kolehiyo dahil wala akong sasakyan. Kinailangan kong sumakay ng bus ng maraming oras upang makapunta doon at pabalik. Kinailangan kong magtrabaho pagkatapos kong bumalik mula sa kolehiyo. Wala akong oras para mag-aral. Alam kong bumabagsak ako sa aking mga klase. Nadama ko na para bang ako’y nilamon ng Diablo. Walang ilaw. Walang pag-asa. Walang kapayapaan. Nadama ko na parang ako’y si Jonas sa loob ng tiyan ng dakilang halimaw ng karagatan.

“Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng [nitong] halang ay tumakip sa akin magpakailan man...” (Jonas 2:5, 6).

Ganyan ang nadama ko. Hindi ko ito natanto, ngunit ipinapakita sa akin ng Diyos ang kawalang kabuluhan at kawalang pag-asa ng buhay na ito. Ang aking mga kasalanan ay palaging nasa harap ko!

Nadama ko na para bang isa sa ating mga kalalakihan, si Sergio Melo. Noong nasa ilalim ng kumbiksyon, sinabi ni Sergio, “Hindi ko na mahawakan ang bigat na ito ng mas matagal pa. Ako’y nabibigatang lubos…Ako’y nasa ilalim ng teribleng kaguluhan, at ang pagkakasala ng aking mga kasalanan..Walang nakapagpatawa sa akin o makahahatak sa akin mula sa kaguluhang ito…sinabi ko sa aking sarili, ‘Paano kung mamatay na ako ngayon?’ ‘Hindi ako maaring mamatay ngayon, hindi sa ganitong kalagayan.’ Gayon patuloy kong tinitignan ang mga mukha ng bawat tao na nadaanan ko, at napaalalahanan ako ng mga ito ng kung anong sinabi ni Dr. Hymers sa isang pangaral na nakita niya ang mga taong nagsisilakad na parang mga sombi, na walang pag-aalala para sa kanilang mga kaluluwa.” Ito’y si Sergio, na naglalakad pauwi isang umaga, sa ilalim ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan, tulad ni Jonas na malalim sa karagatan.

Si John Cagan ay nagkaroon ng parehong karanasan. Sinabi ni John, “Ang mga linggong iyon [bago] ng aking pagbabagong loob ay pakiramdam na parang namamatay; hindi ako natulog, hindi ako makangiti. Hindi ako makahanap ng kahit anong anyo ng kapayapaan…tinanggihan ko ang lahat ng mga kaisipan na mayroon ako tungkol sa Diyos at pagbabagong loob, tumanggi akong pag-isipan ito, gayon hindi ako makahanap ng kapayapaan…hindi ako makatigil sa kakaramdam na lubos na pagdurusa…nagsimula akong kamuhian ang aking sarili, kamuhian ang aking kasalanan at paano ako napadarama nito…ang aking mga kasalanan ay naging walang katapusang palubha ng palubha.”

Sinabi ni Soriya Yancy, “Si Dr. Hymers ay nangaral ng malakas at matindi sa kasalanan…natandaan ko ang lahat ng mga maling bagay na aking nagawa. Ang kasalanan ng aking mga kaisipan, pagsisinungaling, at maraming [ibang] mga kasalanan. Naradaman kong nahihiya at hindi ko maharap ang mukha ng Diyos…umiyak ako. Naisip ko, ‘hindi ko kailan man mahahanap si Kristo’…umiyak ako ng umiyak. Naisip ko hindi ko kailan man makukuha si Kristo bilang aking Tagapagligtas.”

Sinabi ni Jonas, “Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo… lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin” (Jonas 2:5, 3).

Iyan ang nadama ko hanggang sa si Kristo ay dumating sa akin, at ibinuhos ni Kristo ang Kanyang pag-ibig s aakin, at kumanta ako, “Nakamamanghang pag-ibig, paano ito na Ikaw, na aking Diyos, ay mamatay para sa akin?” At si Jonas ay sumigaw at nagsabi, “Kaligtasa'y sa Panginoon” (Jonas 2:9).

“At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa” (Jonas 2:10).

Papuri sa Diyos! Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus iyong “isusuka” ang iyong mga kasalanan! Ika’y isusuka palabas ng mga gapos ng Diablo! Ika’y isusuka palabas ng kamatayan – sa isang bagong buhay kay Hesu-Kristo! Aking minamahal na mga kaibigan, kung magtiwala ka kay Hesus matatagpuan mo na si Jonas ay tama – “ang kaligtasan ay sa Panginoon.” Gaya ng paglagay ng makabagong pagsasalin nito, “ang kaligtasan ay mula sa Panginoon.” Ito’y isang libreng regalo mula sa Diyos kay Kristo.

Nakikita mo ba ang iyong pangangailangan ng kaligtasan? Ito’y normal na hindi maramdaman ang pangangailangan. Ang mga tao sa kanilang natural, normal na kalagayan ay hindi nararamdaman ang lahat ang pangangailangn na iyan sa anumang paraan. Kinakailangan ng isang himala para sa ang kahit sinong maramdaman ang naramdaman ni Sergio, o ni John Cagan, o gaya ng nadama ni Soriya – o gaya ni Jonas – o gaya ng kabataang lalake ng mga edad na dalawam pu, nagsasalakad sa mga kalye ng Los Angeles na mag-isa. Kinakailangan ng isang milagrosong gawain ng Banal na Espiritu upang dalhin ang isang tao sa ilalim ng kumbiksyon. Isa lamang gawain ng Banal ng Espiritu ang makagagawa sa isang tao na magsabi sa kanyang puso, “Ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko” (Mga Awit 51:3).

Nasuri mo na ba ang iyong sarili? Natignan mo na ba talaga ang iyong sariling puso? Walang pag-asa para sa iyo kung gagawin mo iyan. Karamihan sa mga tao ay tumatakbo mula riyan – gaya ni Jonas mula sa presensya ng Diyos. Pinupuno ng mga tao ang kanilang oras upang panatilihin ang kanilang sarili mula sa pag-iisip ng kanilang kasalanan. Ang ilang mga tao ay nanonood ng halos walang katapusang videyong palaro upang panatilihin ang kanilang mga sarili mula sa pag-iisip, upang magtago mula sa Diyos. Ang iba ay laging tumatakbo gumagawa ng mga bagay – upang pigilan sila mula sa pag-iisip. Ang iba ay lumulubog sa trabaho o pag-aaral, o paghahanap ng isang karir, o halos kahit anong bagay mula sa pag-iisip tungkol sa kanilang kasalanan. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kailagnan mong makipaglaban para sa iyong buhay at kailangan mong makipaglaban para sa iyong kaluluwa. Gagawin lahat ng mundo upang panatilihin ka mula sa paghaharap sa iyong sarili” – upang pigilan ka mula sa pag-iisip ng iyong kasalanna (Isinalin mula sa “Ang Kumpisal ng Isang Makasalanna” “The Sinner’s Confession”).

Kailangan mong pag-isipan ang iyong mga pagsalansan. Ang ibig sabihin ng pagsalansang ay rebelyon, isang paghangad upang magkaroon ng iyong sariling paraan, isang paghangad upang gawin ang alam mo ay mali. Ibig nitong sabihin ay paggawa ng isang bagay sa iyong sariling konsensya ay alam mo ay mali. Ito’y sinadyang gawain ng kasalanan. Ang iyong konsensya ay nagsabing “huwag” – ngunit ginawa mo pa rin ito. Iyan ang pagsalansang!

Tapos dapat mong pag-isipan ang kasamaan. Ibig nitong sabihin ay ika’y nag-isip o gumawa ng mga bagay na baluktot, at makasalanan – masasamang kaisipan, nakapulupot, pangit, mabantot – kasamaan sa iyong puso sa iyong buhay!

Tapos mayroon ang salitang “kasalanan.” Ibig nitong sabihin “nalaktawan ang marka.” Ito’y tulad ng isang taong binabaril ang asintahan, ngunit pumapalya. Ibig nitong sabihin ika’y hindi kung ano dapat ikaw/ Ibig nitong sabihin hindi ka nabubuhay sa paraan na ika’y dapat mabuhay. Ibig nitong sabihin na nataklawan mo ang marka. Hindi mo nabuhay ang paraan an gusto ng Diyos na dapat kang mabuhay. Hindi nakapagtataka na ikaw napaka lungkot!

Kapag ang Espiritu ng Diyos ay magdadala ng mga bagay na ito sa iyong isipan, huwag mong itulak papalayo ang mga ito. Tapos ika’y mapupunta sa ilalim ng kumbiksyon. Tiyakin na huwag mong itulak ang mga kaisipang iyan papalayo. Kung gagawin mo iyan, maaring hindi ka na magkaroon ng isa pang pagkakataon. Maaring hindi ka kailan man dalhin na ng Diyos sa ilalim ng kumbiksyon muli. At kung hindi gagawin ng Diyos iyan ika’y nasumpa, walang hanggang nawala, kahit na magpatuloy kang mabuhay sa mundong ito.

Panalangin namin na gagawin ka ng Banal na Espiritung di nasisiyahan sa iyong sarili, gagawin ka Niyang maramdamang lubos na nasusuka sa iyong sarili, nawawala – na walang pag-asa! Gayon lamang na maari mong sabihin, “Ang aking mga kasamaan ay nagsidaan sa ibabaw ng aking ulo: gaya ng isang pasang mabigat ay napakabigat sa akin” (Mga Awit 38:4). Tapos mararamdaman mo si Hesus lamang ang makatutulong sa iyo. Gayon laman na mararamdaman mo na walang makagagawa sa iyong malinis kundi ang Dugo ni Hesus, binuhos sa Krus. Gayon lamang na hihinto ka sa paglalaro ng mga laro sa iyong sarili. Gayon lamang na kamumuhian mo ang iyong kasalanan at titingin kay Hesus, at magtitiwala sa Kanya lamang. Gayon lamang na masasabi mo kay Jonas, “Kaligtasa’y sa Panginoon” (Jonas 2:9). Gayon lamang na magagawa mo ang sinasabi ng kanta,

Papunta na ako Panginoon!
Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisan ako sa dugo
That flowed on Calvary. Na umagos sa Kalbaryo.
   (“Papunta Na Ako Panginoon.” Isinalin mula sa
      “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

Kung gusto mong makipag-usp sa amin tungkol sa pagiging malinis ng Dugo ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at sundan si Dr. Cagan at John Cagan sa likuran ng awditoriyum na ito. Dalahin nila kayo sa isang tahimik na silid kung saan makapag-uusap tayo at makapananalangin. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Jonas 2:1-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako’y Papunta Na Panginoon.” Isinalin mula sa “I Am Coming, Lord” (ni Lewis Hartsough, 1828-1919).