Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA TURO NI DR. LIN SA PANALANGIN AT PANALANGING PAGPUPULONGDR. LIN’S TEACHINGS ON PRAYER ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8). |
Karamihan sa mga kumentaryo ay hindi pinapaliwanag ang bersong ito ng tama. Halimbawa, isang tanyag na tagakumento ay nagsasabi, “Ang karaniwang kalagayan sa buong lupa ay yaong isa sa di pananampalataya.” Ngunit hindi iyan ang pinag-uusapan ni Hesus sa pasaheng ito. Hindi Siya nagsasalita tungkol sa karaniwang apostasiya ng katapusang panahon rito, o kinekwestyon kung magkakaroon ng mga tunay na mga Kristiyano kapag bumalik Siya. Sa katunayan, sinabi ni Hesus ang kabaligtaran kay Pedro,
“Itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” (Mateo 16:18).
Tumayo at kantahin ang “Mga Korona at Trono ay Maaring Malilipol”! Ito’y bilang 4 sa kantahang papel, taludtod apat.
Ang mga korona at mga trono ay maaring malipol,
Ang mga Kaharian ay babangon at liliit,
Ngunit ang simbahan ni Hesus
Patuloy ito’y mananatili;
Ang mga tarangkahan ng impiyerno ay
Di kailan man ‘magiging laban sa simbahan mangingibabaw;
Mayroon tayong sariling pangako ni Kristo,
At iyan ay di maaring mabigo.
Pasulong, Kristiyanong kawal, Nagmamartsa sa digmaan,
Na may krus ni Hesus Nagpupunta sa unahan.
(“Pasulong, Mga Kristiyanong Kawal.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).
Maari nang magsi-upo.
Mateo 16:18 ay nagpapakita sa atin na gaano man kalalim at kakilakilabot ang Dakilang Apostasiya ay maging, magkakaroon pa rin ng maraming mga Kristiyano na may nagliligtas na pananampalataya kapag si Kristo ay bumalik. Maraming mga Kristiyano ang madadagit, lalo na sa Tsina at ibang mga bahagi ng Ikatlong Mundo, kung saan mayroong tunay na muling pagkabuhay ngayon.
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
Kahit sa Dakilang Tribulation mismo dakilang karamihan ng mga tao ay maliligtas.
“Ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa” (Apocalipsis 7:9).
“Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14).
Gayon, si Hesus ay hindi tumutukoy patungkol sa pagkawala ng nagliligtas na pananampalataya sa Kanyang pagdating, noong sinabi Niya,
“Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8).
Ang aking mahabang panahon nang pastor na si Dr. Timothy Lin (1911-2009), ay nagkaroon ng matinding pagka-intindi ng Bibliya. Mayroon siyang Ph.D. sa Hebreo at Magkaugnay na Wika. Noong 1950, sa pagtatapos na paaralan ng Unibersidad ng Bob Jones, nagturo siya ng Sistematikong Teyolohiya, Biblikal na Teyolohiya, Lumang Tipang Hebreo, Biblikal na Arameik, Klasikal na Arabiko, at Peshitta Syriac. Maya-maya siya ang naging pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo, sinusundan si Dr. James Hudson Taylor III.
Ibinigay ni Dr. Lin ang tunay na interpretasyon ng ating teksto,
“Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8).
I. Una, ang kahalagahan ng nagtiyatiyagang panalangin.
Si Dr. Timothy Lin ay isang dakilang eskolar ng Bibliya na nagturo sa maraming mga Amerikanong seminaryo, at ang pangulo ng Tsina Ebanghelikal na Seminaryo sa Taiwan. Siya rin ang tagapagsalin ng Lumang Tipan sa Bagong Amerikanong Batayang Bibliya (NASB sa Ingles). Si Dr. Lin ang aking pastor ng dalawam pu’t apat na taon. Masasabi ko, sa walang pagdududa na si Dr. Lin ang pinaka epektibong pastor na aking kailan man nakilala. Noong akop ay isang miyembro ng kanyang simbahan nakita ko ang isang pinadala ng Diyos na muling pagkabuhay kung saan daan-daang mga tao ang naligtas ang nagpunta sa simbahan. Sinabi ni Dr. Lin,
Ang salitang “pananampalataya” ay malawakang nagamit sa Bibliya. Ang saktong kahuluguhan nito ay maipapaliwanag lamang pagkatapos ng maingat na pagsusuri ng konteksto nito. Ang teksto bago ng bersong ito ay ang parabula, nagpapakita na dapat tayong manalangin palagi at huwag mawalan ng puso [Lucas 18:1-8a], habang ang tekstong sumusunod sa [Lucas 18:9-14] ay isang parabula ng mga panalangin ng isang Fariseo at isang mangongolekta ng buwis. Gayon, ang konteksto ng bersong ito [Lucas 18:8] ay malinaw na nagpapakita na ang salitang “pananampalataya” ay tumutukoy sa pananampalataya sa panalangin. At ang pahayag ng ating Panginoon ay isang panaghoy na ang Kanyang Simbahan ay mawawalan ng pananampalataya sa bisperas ng Kanyang pangalawang pagdating (Isinalin mula kay Timorhy Lin, Ph.D. Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], First Chinese Baptist Church of Los Angeles, 1992, mga pah. 94-95).
Sinabi ni Dr. Lin na ang punto ng parabula sa Lucas 18:1-8 ay na ang mga Kristiyano ay dapat magpatuloy manalangin at hindi humina. Ang berso walo ay nagpapakita na ang mga Kristiyano ay hindi magkakaroon ng matiyagang pananampalataya sa panalangin sa huling mga araw, sa mga araw na ating binubuhay. Kung gayon tayo makakukumento sa teksto sa pagsasabing,
“Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya [sa matiyagang panalangin] sa lupa?” (Lucas 18:8).
Si Dr. Lin ay nagpatuloy sa pagsasabing,
Ang mga panalanging pagpupulong ng maraming mga simbahan ngayon ay sa katunayan ay napabayaan [o naging isang gitnang linggong pag-aaral ng Bibliya, na mayroon lamang isang tandang panalangin o dalawa]. Nakatatagpo sa ganoong uri ng kaawa-awang kalagayan, isang bilang ng mga simbahan ay lubos na pinapabayaan ang mahalagang babalang ito at ang kanilang pagpapalayaw oara sa kaluguran ng saril, [madalas] ay ikinakansela ang kanilang pagpupulong na panalangin na lahat-lahat. Ito’y tunay na [isang] tanda na ang pangalawang pagdating ng Panginoon ay nalalapit na! Sa panahong ito, maraming mga [miyembro ng simbahan] ay nagsasamba sa telebisyon na mas higit sa kanilang Panginoon…Ito’y sa katunayan ay malungkot!...ang mga simbahan ng huling mga araw ay nagpapakita….ng lubusang kawalan ng interes tungo sa pagpupulong na pananalanagin (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., ibid., pah. 95).
Gayon ang Lucas 18:8 ay nagbibigay ng isang tanda ng kawalan ng pananalangin sa mga simbahan bago ng Pangalawang Pagdating ni Kristo, isang tanda ng panahon na ating binubuhay, isang tanda ng kawalan ng pananalangin, hindi isang ganap na pagkawala ng nagliligtas na pananampalataya. Kawalan ng pananalangin sa mga simbaan ay isa sa mga tanda na tayo ay nabubuhay sa huling mg araw, bago ng Pangalawang Pagdating ng ating Panginoon.
“Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya [sa matiyagang panalangin] sa lupa?” (Lucas 18:8).
Kantahin ang “Turuan Akong Manalangin.”
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan ako;
Ito ang sigaw ng aking puso, araw-araw;
Naghahangad akong malaman ang
Iyong kagustuhan at Iyong paraan;
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan ako.
(“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” ni Albert S. Reitz, 1879-1966).
II. Pangalawa, ang kahalagahan ng pagpupulong na panalangin.
Itunuro ni Dr. Lin rin na ang nag-iisang panalangin lamang ay walang parehong awtoridad at kapangyarihan ng pinagsamang panalangin, sa panalanging pagpupulong. Sinabi niya,
Madalas sinasabi ng mga tao na wala itong ginagawang pagkakaiba kapag manalangin kang mag-isa o sa isang grupo, o na ito’y may kahalagahan manalangin ka mang mag-isa sa bahay o magkakasama kasama ng mga kapatid na lalake at babae sa simbahan. Ang ganoong pahayag ay simpleng isang pag-aaliw sa sariling pagkatamad, o isang mapaniniwalaang paliwanag ng isang ignoranteng kapangyarihan ng panalangin! Tignan ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa aspetong ito ng panalangin:
“Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit. Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:19-20).
Ang ating Panginoon ay nakikiramay na nagpaalala sa atin na ang paggamit sa banal na awtoridad na ito ay hindi kailan makakamit sa pamamagitan ng gawain ng isang tao, kundi sa pamamagitan ng magkakasamang puwersa na gawa [ng] buong simbahah. Sa ibang salita, kapag…ang buong simbahan ay [nananalangin] na nagkakaisa…na ang simbahan ay maging epektibong [magkaroon] ng ganoong uri ng banal na awtoridad.
Ang simbahan ng huling mga araw, gayon man, ay hindi makikita ang katunayan ng katotohanan, o matandaan ang tamang pamamaraan para sa [pagkuha] ng kapangyarihan ng Diyos. Anong matinding pagkawala ito! [Ang simbahan] ay mayroong awtoridad mula sa langit, ngunit walang kaalaman patungkol sa pangangasiwa nito, gayon gusto niyang gapusin ang gawain ni Satanas, upang pakawalan ang mga naapi, at gawing palawakin ang karanasan ang katotohanan ng presensya ng Diyos. Sayang, hindi ito magagawa! (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., ibid., mga pah. 92-93)
Kaya, itinuro ni Dr. Lin ang lubos lubos na kahalagahan ng panalanging pananampalataya, at ang lubos lubos na kahalagahan ng panalanging pagpupulong. Tumayo at kantahin ang “Turuan Akong Manalangin.”
Turuan akong manalangin,
Panginoon, turuan akong manalangin;
Ito ang sigaw ng aking puso, araw-araw;
Hinahangad kong malaman ang
Iyong kagustuhan at Iyong paraan;
Turuan akong manalangin,
Panginoon, turuan akong manalangin.
Maari nang magsi-upo.
III. Pangatlo, ang kahalagahan ng pananalangin na “nagkakaisa.”
Please turn to Acts 1:14, and read it aloud.
“Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya” (Mga Gawa 1:14).
“Ang lahat ng mga ito ay nagpatuloy na nagkakaisa sa panalangin…”. Sinabi ni Dr. Lin,
Ang Tsinong Bibliya ay isinasalin ang “with one accord” bilang “na may iisang puso at iisang isipan.” Kung gayon, para magkaroon ng presensya ng Diyos sa isang panalanging pagpupulong, hindi lang dapat maintindihan ng lahat ng mga kasali ang kahalagahan ng katunayan ng panalangin, kundi kailangan rin nilang magpunta [sa panalanging pagpupulong] na may taos-pusong paghangad na…mag-alay ng mga kahilingan, panalangin, at pamamagitan at pasasalamat sa Diyos na nagkakaisa. Ang panalanging pagpupulong ay gayon maging matagumpay at ibang mga pangangsiwa ay gayon magiging matagumpay (Isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., ibid., mga pah. 93-94).
Upang manalanging “nagkakaisa” dapat tayong lahat magsabi ng “amen” habang ang isang kapatid ay namumuno sa panalangin. Kapag lahat tayo ay nagsasabi ng “amen” nananalangin tayo na “nagkakaisa.”
Nadinig mo ang pagtuturo ni Dr. Lin sa kahalagahan ng pananampalataya sa panalangin, ang kahalagahan ng pagpupulong na panalanign, at kahalagahan ng pagkakaisa, pananalanging “nagkakaisa.” Gayon ang ilan sa inyong narito ngayong gabi at hindi nagpupunta sa kahit isa sa ating panalanging pagpupulong. Hindi nakapagtataka na ang iyong espiritwal na buhay ay napaka malamlam! Mayroon ba rito ngayong gabi na magsasabing, “Pastor mula ngayon magpupunta na ako sa kahit isa sa mga panalanging pagpupulong”? Isara ang inyong mga mata. Kung gagawin mo iyan, itaas ang iyong kamay. Ang lahat manalangin tulungan sila ng Diyos na panatilihin ang kanilang pangako! (lahat manalangin).
Kung hindi ka pa rin napagbagong loob, malakas kitang hinihimok na magpunta sa kahit sa Sabadong panalanging pagpupulong. Isara ang inyong mga mata. Sinong magsasabi, “Oo, pastor, magsisimula akong magpunta sa Sabado ng gabing panalanging pagpupulong”? Itaas ang inyong kamay.Ang lahat manalangin para sa kanilang mapanatili ang kanilang pangako! (lahat manalangin).
Namatay si Kristo sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang hugasang mawala ang iyong kasalanan. Dumaan Siya sa teribleng lubhang paghihirap, ipinako sa Krus, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay sa pangatlong araw. Siya ay buhay sa kanang kamay ng Diyos. Magpunta kay Kristo at ika’y maliligtas mula sa iyong mga kasalanan.
Sino sa inyo ngayong gabi ay di ligtas at gustong ipanalangin namin para sa iyong pagbabagong loob? Isara ang inyong mga mata. Itaas ang iyong kamay para makapanalangin kami para sa iyong pagbabaong loob. Ang lahat paki panalangin na kanilang pagsisisihan ang kanilang mga kasalanan at magpunta kay Kristo, para sa paglilinis ng Kanyang Dugo! (lahat manalangin). Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong katahang papel, “Turuan Akong Manalangin,” lahat ng tatlong taludtod!
Turuan akong manalangin,
Panginoon, turuan akong manalangin;
Ito ang sigaw ng aking puso, araw-araw;
Hinahangad kong malaman ang
Iyong kagustuhan at Iyong paraan;
Turuan akong manalangin,
Panginoon, turuan akong manalangin.
Kapangyarihan sa panalangin,
Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
Dito sa gitna ng kasalanan ng lupa
At pagdurusa at pagbabahala,
Ang mga tao ay nawawala at namamatay,
Ang mga kaluluwa sa desperasyon;
O bigyan ako ng kapangyarihan,
Kapangyarihan sa panalangin!
Ang huminang aking kalooban, Panginoon,
Ikaw lamang ang makapanunumbalik;
Ang aking makasalanang kalikasan
Ikaw lamang ang makalulupig;
Punuin ako ngayon lang ng kapangyarihang panibago;
Kapangyrihan sa panalangin at kapangyarihang gumawa!
(“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” ni Albert S. Reitz, 1879-1966).
Dr. Chan, paki pangunahan kami sa panalangin para sa isang taong maligtas ngayong gabi. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, paki sundan si Dr. Cagan, John Cagan at Noah Song sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin nila kayo sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo at makapananalangin tungkol sa iyong pagbabagong loob.
I-KLIK ITO UPANG BASAHIN ANG TALAMBUHAY NI DR. LIN’S BIOGRAPHY SA WIKIPEDIA.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 18:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA TURO NI DR. LIN SA PANALANGIN AT PANALANGING PAGPUPULONG DR. LIN’S TEACHINGS ON PRAYER ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8). (Mateo 16:18; I Mga Taga Tesalonica 4:16-17; Apocalipsis 7:9, 14) I. Una, ang kahalagahan ng nagtiyatiyagang panalangin, Lucas 18:8. II. Pangalawa, ang kahalagahan ng pagpupulong na panalangin, Mateo 18:19-20. III. Pangatlo, ang kahalagahan ng pananalangin na “nagkakaisa,” Mga Gawa 1:14. |