Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA PANALANGIN NA SINASAGOT NG DIYOSTHE PRAYERS GOD ANSWERS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan” (Santiago 5:17). |
Ito’y nakamamangha na hindi binabanggit ng Lumang Tipan si Elijah na idinarasal ang mga panalangin na ito. Sinasabi lamang nito sa atin na alam ng propeta na sasagutin ng Diyos ang mga panalangin na hindi binanggit (I Mga Hari 17:1). Para sa akin mukhang ang mga panalangin ni Elijah ay ibinigay sa pamamagitan ng espesyal na paglalantad kay Santiago. Ngunit ang Lumang Tipan ay nagbibigay lamang sa atin kung anong sinabi ng propeta kay Haring Ahab. Ipinunto ni Dr. McGee na ang mga propeta ay kumausap sa mga tao, ngunit ang mga saserdote ay kumausap sa Diyos. Si Elijah ay isang propeta, kaya ang Bibliya ay nagbibigay lamang sa atin kung anong sinabi ni Elijah kay Ahab. Kung anong sinabi ni Elijah sa Diyos ay naitago hanggang sa inilantad ito ng Diyos kay Santiago. Si Elijah ay nagsalita kay Ahab at nagsabi,
“Buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na ako'y nakatayo sa harap niya hindi magkakaroon ng hamog o ulan man sa mga taong ito, kundi ayon sa aking salita” (I Mga Hari 17:1).
Hindi natin malalaman ng higit ang tungkol sa mga panalangin ni Elijah para sa tagtuyot at ulan kung hindi ibinigay ng Santiago 5:17 sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos (II Ni Timoteo 3:16).
Sinasabi ng teksto sa atin na si Elijah ay nanalangin na “ng buong ningas” para sa tagtuyot at ulan. Ang Griyegong salita na isinalin na “ng buong ningas” ay nangangahulugang “nanalangin siya na may panalangin.” Sinabi ni Thomas Manton (1620-1677) ipinapakahulugan nito “ang pagsang-ayon sa pagitan ng dila at puso; ang puso ay nanalangin at [ang] dila ay nanalangin” (Kumentaryo sa Santiago isinalin mula sa Commentary on James, The Banner of Truth Trust, 1998 inilimbag muli). Naniniwala ako na ibig sabihin nito ay mas higit sa panalangin pananalangin na may malakas na tinig. Sa palagay ko tama si Manton na pinakahuhulugan nito ang isang pagsang-ayon ng puso na may mga salita ng panalangin. Ibig nitong sabihin na ang puso ay buong ningas na naghahangad kung anong sinasabi ng isang tao sa kanyang mga panalangin.
Sa loob ng maraming taon nakakita ako ng maraming mga nakamamanghang mga sagot sa panalangin. Ngunit hindi lahat na aking pinananalangin ay sinasagot ng madalian. Ang dakilang mga sagot sa panalangin ay madalas dumarating kapag una kapag may malakas na pasan para sa bagay na aking ipinanalanagin. Ito’y isang bagay na hindi ko matigil na pinag-iisipan. Ang lumang panahong mga Kristiyano ay tinawag itong isang “pasan,” isang bagay na bumibigat sa iyo, isang bagay na malalim na nag-papaalala sa iyo, na ika’y lubos na nag-aalala patungkol sa na patuloy na bumabalik sa iyo. At nagdarasal ka para rito hanggang sa ang sagot ay dumating.
Si Kristo ay nagbigay ng dalawang parabula upang magpakita ng kahalagahan ng patuloy na pananalangin para sa mga bagay na pumapasan sa atin hanggang sa ang sagot ay dumating. Ang una ay tinawag na “Ang Parabula ng Mapagpilit na Kaibigan.” Ang ibig sabihin ng mapagpilit ay “masugid” o “makulit.” Ito’y ibinigay sa Lucas 11:5-13. Ito’y nasa pahina 1090 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Magsitayo at basahin itong malakas.
“At sinabi niya sa kanila, Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan, at paroroon sa kaniya sa hating gabi, at sa kaniya'y sasabihin, Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay; Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya; At siya na mula sa loob ay sasagot at sasabihin, Huwag mo akong bagabagin: nalalapat na ang pinto, at kasama ko sa hihigan ang aking mga anak; hindi ako makabangon at makapagbigay sa iyo? Sinasabi ko sa inyo, Kahit siya'y hindi bumangon, at magbigay sa kaniya, dahil sa siya'y kaibigan niya, gayon ma'y dahil sa kaniyang pagbagabag ay siya'y magbabangon at ibibigay gaano man ang kinakailangan niya. At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas? O kung siya'y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan? Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:5-13).
Maari nang magsiupo.
Ang buong parabula ay nagtuturo sa atin na magpatuloy na humingin at malangin hanggang sa ating matanggap ang hinihingi natin. Ang mga berso siyam at sampu ay nagsasabi,
“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Lucas 11:9-10).
“Magsihingi,” magsihanap,” at “magsikutok” ay nasa pangkasalukuyang panahon sa Griyegong teksto. Maari itong maisalin bilang “magpatuloy humingi, magpatuloy maghanap, magpatuloy na kumatok.” Ngayon tignan ang berso 13,
“Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” (Lucas 11:13).
Kaya rito ang masugid na panalangin ay sinasagot ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng Banal na Espiritu sa ating mga “kaibigan” na nangangailangan. Tama si Dr. John R. Rice noong sinabi niya na ito’y magagamit sa mga Kristiyano na humihingi ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang makatagumpay ng mga kaluluwa (Panalangin: Paghihingi at Pagtatanggap isinalin mula sa Prayer: Asking and Receiving, mga pah. 212, 213).
Ngunit ang parehong pagtuturo ay ibinigay rin sa Mateo 7:7-11. Ito’y nasa pahina 1003 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Basahin ito ng malakas.
“Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay? O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?” (Mateo 7:7-11).
Mapapansin mo na ang berso 11 ay mayroong ibang mga salita. Sa Lucas 11 sinabi ni Hesus, “gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?” Ngunit sa Mateo 7:11 sinabi ni Hesus, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?”
Ipinalangin ng propetang si Elijah na hindi uulan, at hindi umulan sa loob ng tatlo at kalahating mga taon. Iyan ang pasan ng Diyos na inilagay sa kanyang puso. At, noong nanalangin siya, ang Diyos ay sumagot sa pamamagitan ng paghihinto ng ulan. Minsan sumasagot ang Diyos agad-agad. At sa ibang mga panhon ang Diyos di sumasagot sa una.
Natatandaan ko ang gabi na sinagot ng Diyos ang aking panalangin na mabilisan. Ako’y labin dalawang taong gulang. Ako’y pinadala upang manirahan kasama ng aking tiya at tiyo na nanirahan sa tuktok ng Kanyon ng Topangga. Nagpunta ako ng ilang buwan sa paaralan doon – isa sa dalawam pu’t dalawang mga paaralan na ako’y pinadala bago ako ako nakapagtapos mula sa mataas na paaralan. Iyan ang dahilan na bumagsak ako ng kolehiyo sa unang beses na ako’y nagpunta. Kapag ika’y palipat-lipat ng dalawam pu’t dalawang beses, wala ka masyadong natutunan. Natutunan kong magbasa. Natutunan kong magsulat ng dikit-dikit. Natutunan kong magdagdag at mag-alis. Iyan lang lahat na aking natutunan. Ngunit ako’y naroon sa tuktok ng Kanyon ng Topangga, naninirahan sa isang tiya na laging lasing. Isang gabi ang aking pinsan at ang kanyang kaibigan ay nag-iinuman. Sa katunayan, lasing na sila. Sinabi nila, “Tara Robert. Pumasok ka sa kotse at magpupunta tayo sa isang maiksing sakay.” Ngunit ayaw kong magpunta, ngunit labin dalawang taong gulang lamang ako, at dinukma ako ng malalaking mga lalakeng iyon at inilagay ako sa likuran ng sasakyan. Iyo’y ang 1940 Ford coupe ng aking tiyo. Mayroon lamang itong harap na upuan. Isiniksik nila ako sa makitid na puwang sa likuran ng harap na upuan. Tapos nagpunta sila na umiinom ng serbesa at wiski. Ang “maiksing sakay” ay naging isang mabangis, lasing na paghabol pababa ng pumupulupot na daan patungo sa tabing dagat. Kung ikaw ay naroon sa kalyeng iyon magkakaroon ka ng ideya kung paano ito. Ang daan ay pumupulupot sa likod at harap na parang isang ahas. Sila’y lasing na lasing at ang aking pinsan ay tumatakbo na halos anim na pung milya kada oras pababa ng bundok. Ang hangganan ng bilis ay nakapaskil sa palagay ko ay 25 milya kada oras at sila’y nagpupunta ng 65 o 70. Hindi ko ito kailan man malilimutan hanggang sa ako’y nabubuhay. Mayroon pa rin akong bangungot patungkol rito paminsan. Iyinuko ko ang aking ulo at nanalangin ng nag-iisang panalangin na nalalaman ko sa oras na iyon. Ipinalangin ko ang Panalangin ng Panginoon sa buong daan pababa ng bundok – na may mabigat na diin sa mga salitang, “Iadya mo kami sa lahat ng masama.” Sa ibaba ng bundok lumabas ako ng sasakyan doon sa kadiliman na nanginginig. Alam ko na ang Diyos ang nagligtas sa amin. Mayroon nang maraming mga nakamamatay na mga aksidente sa kalyeng iyon. Nakakita ako ng maraming mga sasakyan doon na lumamapas sa gilid at sumasabog sa ibaba. Iniligtas kami ng Diyos sa sagot sa panalangin. Alam ko iyon, at alam ito ngayon, anim na pu’t tatlong taon maya-maya! Maraming beses sinasagot ng Diyos ang mai-ikling panalangin tulad ginawa Niya sa gabing iyon.
Ngunit sa ibang mga panahon, kailangan nating mag-antay, minsan sa loob ng mahabang panahon, bago dumating ang kasagutan. Sa edad na labin pito nagpasya akong huwag maging aktor at imbes ay magpunta sa pangangasiwa. Walang emosyon na kasama, walang pakiramdam ng kahit anong uri. Hindi ko pa nga natatandaan na naririnig ang pagiging “natawag” na mangaral. Siguro mayroong isang nagsabi nito, ngunit hindi ko kailan man ito narinig. Noon lagi silang nagsalita patungkol sa “pagsusuko” upang mangaral. Ang mga pastor ay nagsalita tungkol sa pagdadaan sa malaking pakikipaglaban at sa wakas ay “sumusuko” upang maging pastor. Hindi ko dumaan sa isang pakikipaglaban sa anumang paraan. Naisip ko lang na ang pagiging aktor ay hangal at walang kabuluhan, at ako’y sumukong mangaral, anoman ang ibig sabihin niyan! Isinuko ko ang sarili ko sa kagustuhan ng Diyos. Iyan ang nagdala sa akin sa Tsinong simbahan, upang maging isang misyonaryo. Nabasa ko ang buhay ni James Hudson Taylor, ang dakilang tagabunsod na msiyonaryo sa Tsina. At alam ko na siya ay isang dakilang modelo para sa akin na sundan.
Kaya noong nagpunta ako sa Tsinong simbahan at itinapon ko ang aking sarili sa bawat uri ng paglilingkod na mayroon. Ako’y naging hardinero at dyanitor ng simbahan, nililinis ang mga sahig, inaayos ang mga upuan, at kahit anong magagawa ko upang paglingkuran ang Diyos. Sa loob ng panahong iyon bumili ako ng papel ang takip na kopya ng mga nakuha mula sa Talaarawan ni John Wesley, na inilimbag ng Moody Press. Binasa ko ito, na parang ito’y isang Bibliya. Hindi ko ito natanto sa oras na iyon ngunit nagbigay ito ng isang malinaw na larawan kung anong nangyari sa Unang Dakilang Pagkagising. Ang Talaarawan ni Wesley ay gumawa sa akin na maging napaka interesado sa paksa ng muling pagkabuhay. Masyado akong bata at walang karanasan upang malaman kung gaano kabihira naging ang muling pagkabuhay sa mataas na mga taon ng 1960. Ako’y walang muwang, simple ang isipang sapat upang isipin kung paano ako makapananalangin para sa muling pagkabuhay at ito’y mangyayari. Kaya nanalangin ako para sa muling pagkabuhay na dumating sa Tsinong simbahan. Nanalangin ako para rito araw-araw. Nanalangin ako para rito ng malakas sa bawat pagpupulong ng panalangin. Kapag ako’y hinihinging manalangin para sa pagkain sa simbahan ang aking buong panalangin ay para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay. Ito ang pangunahing bagay na aking ipinalanagn sa buong mga taon ng 1960. Hindi ako masyadong nagulat noong dumating ang muling pagkabuhay, simula ng biglaan sa tag-init ng kampo sa huling mga taon ng 1960. Alam ko na ito’y darating dahil na may pananampalataya ng bata, nanalangin ako para rito. Ilang taon bago siya namatay ipinaalala sa akin ni Dr. Murphy Lum patungkol sa mga panalanging iyon. Sinabi niya, “Bob, lagi kang nananalangin para sa muling pagkabuhay, kahit na walang ibang gumagawa nito.” Tapos sinabi niya, “Bob, naniniwala ako na ang muling pagkabuhay ay dumating dahil nagpatuloy ka sa pananalangin para rito.” Ngunit sa panahon na sinabi niya iyon halos nalimutan ko na ang patungkol rito.
Ang muling pagkabuhay sa Tsinong simbahan ay naging pasan sa aking puso. Naniwala ako na inilagay ng Diyos ang pasan na ito sa akin. Hindi ako makahinto sa pag-iisip patungkol rito. Nanalangin ako para rito hanggang sa sinagot ako ng Diyos. Tinawag ito ng mga lumang panahong mga Kristiyano na “pananalangin ng lubos.” Ito’y mapagpilit, masugid na panalangin – hanggang sa sumagot ang Diyos at tanggapin ang hiningi mo! Sinabi ni Hesus,
“Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa [nagpapatuloy na maghingi] sa kaniya?” (Mateo 7:11).
Muli, sinabi ni Hesus,
“At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan” (Lucas 11:9, 10).
“Magsihingi,” “magsihanap” at “magsituktok” ay nasa pangkasalukuyang kapanahunan sa Griyego. Ibig niyang sabihin, “magpatuloy sa paghingi, magpatuloy sa paghanap, magpatuloy sa pagkatok.” Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang isang anak ng Diyos ay mayroong karapatan upang…masugid, nagpipilit na ipagmakaawa ang mga pangako ng Diyos at tumangging kunin ang pagtatanggi, hanggang sa iyong kinakailangan…ay matanggap mula sa Diyos. O, naway an gmga tao ng Diyos ay mapalakasan ang loob upang manalangin, manalangin, manalangin – naway silang mapalakas ang loob upang MANALANGING LUBOS!
Magpatuloy sa pananalangin
Hanggang sa napanalangin mo itong lubos,
Manatili sa pananalangin
Hanggang sa napanalangin mo itong lubos,
Ang mga dakilang pangako ng Diyos
Ay laging totoo,
Magpatuloy sa pananalangin
Hanggang sa napanalangin mo itong lubos.”
(Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Panalangin: Paghihingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], Sword of the Lord Publishers, 1970, mga pah. 213, 214).
Pareho ang sinabi ni Dr. R. A. Torrey sa kanyang dakilang aklat na Paano Manalangin [How to Pray],
Hindi laging ibinibigay ng Diyos ang mga bagay sa atin sa unang pagsisikap. Gusto niya tayong sanayin at gawin tayong malakas sa pamamagitan ng paghihimok sa atin upang magtrabaho ng lubos para sa pinaka mainam na mga bagay…Hindi niya laging ibinibigay sa atin ang hinihingi natin sa sagot sa unang panalangin. Gusto niya tayong sanayan at gawing malalakas na mga tao ng panalangin sa pamamagitan ng paghihimok sa ating na manalangin ng lubos para sa pinaka mainam na mga bagay. Ginagawa Niya tayong manalangin ng lubos.
Natutuwa ako na ito’y ganito. Walang mas nagpapalang pagsanay sa panalangin kaysa sa dumarating sa pamamagitan ng pagiging nahimok upang humingi muli’t muli, sa loob ng mahabang panahon, bago makuha ang hinahanap natin mula sa Diyos. Maraming mga tao ang tumatawag rito na pagsusuko sa kagustuhan ng Diyos kapag hindi tinutupad ng Diyos ang kanilang mga hiling sa una o pangalawang paghingi. Sinasabi nila, “Siguro ito’y kagustuhan ng Diyos.”
Bilang isang patakaran, hindi ito pagsusuko kundi espiritwal na pagkatamad…Kapag ang isang malakas na lalake o babae ng aksyon ay nagsimulang matupad ang isang bagay at hindi ito natutupad sa una o pangalawa o ika isang daang pagkakataon, siya ay magpapatuloy sa pagpapako hanggang sa ito’y matupad. Ang malakas na tao ng panalangin ay nagpapatuloy sa pananalangin hanggang sa ipinalangin niya itong lubos at nakukuha ang hinahanap niya… Kapag tayo’y magpatuloy na manalangin para sa isang bagay, huwag tayo dapat sumuko sa pananalangin para rito hanggang sa natanggap natin ito (Isinalin mula kay R. A. Torrey, D.D., Paano Manalangin [How to Pray], Whitaker House, 1983, mga pah. 50, 51).
Ngunit maryoong kabila tabi ito. Ang ating mga panalangin ay hindi masasagot kung ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos. Dinala ko ang aking pamilya sa isang bakasyon sa Cancun, Mexico sa maagnag Enero. Isang araw, habang sila’y nagpunta upang makita ang mga pinagwasakan ng mga Mayan, nanatili akong mag-isa. Nagbasa ako ng isang aklat tungkol sa muling pagkabuhay sa Isle ng Lewis mula sa taon ng 1949 hanggang sa 1952. Nanalangin ako at nagsulat ng isang pangaral. Noong bumalik kami ipinahayag ko na magkakaroon tayo ng mga ebanghelistikong pagpupulong bawat gabi. Gaya nalaman mo, ang Diyos ay naroon. Nagsimula ito kay Dr. Cagan na ginagabayan ang kanyang 89 na taong gulang na ina kay Kristo. Iyon ay isang tunay na himala dahil siya ay napatigas na ateyista sa loob na maraming taon. Tapos ang biyenan ni Dr. Cagan ay naging inaasahang napagbagong loob – sa edad na 86 na taon. Alam natin sa estatistiko na ang mga pagbabagong loob ay halos di dumarating sa mga tao na lampas ng pitom pung taon. Rito, sa loob ng kaunting mga araw, dalawang kababaihan sa kanilang huling mga walom pung taon ay naligtas. Nakamamangha! Tapos, isa isa, 11 na mga kabataan ang inaasahang napagbagong loob. Tapos ilang araw maya maya, mayroon pa isang inaasahang pagbabagong loob. Labing apat na mga tao ang naligtas sa kaunting mga araw.
Ngunit binasa ko ang Mga Taga Roma 12:1 at 2 at ginamit ito doon sa mga ligtas sa simbahan maraming taon noon.
“Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios” (Mga Taga Roma 12:1, 2).
Kapag ika’y nananalangin na kasing tagal ko natutunan kong maramdaman ang mga tugon ng kongregasyon. Ang naramdaman ko ay mabuti. Nakita ko ang kabataan na kuyumin ang kanyang pangang mahigpit at tumingin sa sahig. Nadama ko ang malalim na pagtutol kay Kristo, na para bang hindi sila kailan man susuko sa Kanya. Nagpadala ito ng pagkagulat sa aking puso. Nadama ko halos na kailangan nilang mapagbagong loob muli. Iyan ang kalagayan kapag ang mga tao ay hinahayaan ang mga bagay ng mundong ito kunin ng lugar ni Kristo sa kanilang mga puso. Ang puso ay naging halos kasing tigas gaya noon bago ng kanilang unang pagbabagong loob. Ang puso ay dapat mawasak muli at sumuko kay Kristo muli.
Ang pagrebelda ay naghahari sa mga puso noong mga tumatangging sumuko ng paulit-ulit kay Kristo. Sinabi Niya kunin ang iyong krus “araw-araw, at sundan ako.” Kailangan magkaroon ng “araw-araw” na pagsuko kay Kristo, o ang ating mga puso ay lalamig at magiging matigas ang ulo. Ito’y maling isipin, “Ako’y ligtas na. Hindi ko na kailangang isuko ang aking buhay kay Kristo.” Napaka iba niyan mula sa sinabi ni Apostol Pablo, “alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay … sa Diyos na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip.” Sa ganoon lamang na maari mong “mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios” (Mga Taga Roma 12:1, 2). Upang malaman ang kagustuhan ng Diyos, dapat mong ialay ang iyong sarili bilang isang nabubuhay na alay sa Kanya, at huwag maging tumalima sa mundo.
Ang puso na hind nasuko ay isang “nabubuhay na alay” kay Kristo ay mahihiwalay na puso. Sinasabi ng Bibliya, “Huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon” (Santiago 1:7). Sinabi ni Hesus, “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23). Tinatawag ka ni Hesus na itanggi ang iyong sarili. Tinatawag ka niyang sundan Siya. O, napakaraming pagkakataon sa buhay na nawala ko ang ligaya ng aking kaligtasan dahil hindi ako handang ikait ang aking sarili at sundin Siya! Ngunit, gaano ang galak ng Panginoon ay bumalik, pagkatapos ng mga panahon, habang aking inihandog ang aking sarili bilang isang nabubuhay na alay kay Hesus! Nananalangin ako ngayong gabi na gagawin mo rin iyan. Inibi ko ang kantang kinanta ni Gg. Griffith halos buong buhay ko. Bilang isang nag-iisa, nalilitong binata, mga luha ang dumarating sa aking mga mata kapag kinakanta ko ang mga salitang iyon,
O sa biyaya napaka dakilang isang nagkakautang
Araw-araw akong napilitang maging!
Hayaan ang Iyong kabutihan, tulad ng isang kadena sa paa,
Bigkisin ang aking naliligaw na puso sa Iyo.
Nahihilig na maligaw, Panginoon nararamdaman ko ito,
Nahihilig na iwan ang Diyos na aking iniibig;
Narito ang aking puso, O kunin ito at selyohan ito
Selyohan ito para sa Iyong mga korte sa itaas
(“Magpunta, Ikaw na Bukal.” Isinalin mula sa
“Come, Thou Fount” ni Robert Robinson, 1735-1790).
Mayroong ilan ba rito ngayong gabi na alam na dapat nilang ikaila ang kanilang sariling muli – at kunin ang iyong krus at sundan si Hesus muli? Mayroong ilan ba sa inyo na dapat “isuko ang iyong mga katawan” bilang “nabubuhay na alay” sa Panginoon? Kung ang Diyos ay nagsasalita sa iyo ng ganyan, sa isang sandalin, hihingin ko na iwanan mo ang iyong upuan at lumuhod rito sa harapan ng awditoriyum. Magpunta at iaalay ang iyong buhay muli, bilang isang nabubuhay na alay kay Hesus, na namatay sa Krus upang iligtas ka. Magpunta rito at isuko ang iyong puso at buhay kay Hesus na muli. Magpunta at magkumpisal sa Kanya ng kahit anong rebelyon o kasalanan sa iyong puso at buhay. Magpunta at hingin si Hesus na patawarin ka, at ipanumbalik ang iyong pagsunod sa Kanya. Habang tayo’y tumayo magkakasama, magpunta at lumuhod rito, at manalangin. Habang si Gg. Griffith ay kumanta ng himnong iyon na mahina, magpunta ka.
Magpunta, Ikaw na Bukal ng bawat pagpapala,
Itono ang aking puso upang kantahin ang Iyong biyaya;
Mga batis ng awa, hindi kailan man humihinto,
Tumawag para sa mga kanta ng pinaka malakas na papuri.
Turuan ako ng ilang mga malambing ng mga soneto,
Kinanta ng umaapoy na mga dila sa itaas;
Purihin ang bundok – ako’y nakapirmi rito –
Bundok ng Iyong naglilitas na pag-ibig.
Narito aking itinataas ang aking Ebenezer,
Dito sa pamamagitan ng Iyong tulong ako’y nagpunta;
At umaasa ako, sa pamamagitan ng Iyong mabuting kaluguran,
Matiwasay na umuwi.
Hinanap ako ni Hesus noong isang dayuhan,
Naglalaga mula sa kuwan ng Diyos;
Siya, upang iligtas ako mula sa panganib,
Pinakialaman ang Kanang mahal na dugo.
O sa biyaya napaka dakilang isang nagkakautang
Araw araw ako’y napilitan maging!
Hayaan ang Iyong kabutihan, tulad ng isang kadena sa paa,
Bigkisin ang aking naliligawa na puso sa Iyo.
Nahihilig na gumala, Panginoon nararamdaman ko ito,
Nahihilig na iwanan ang Diyos na iniibig ko;
Narito ang aking puso, O kunin at seluhan ito;
Selyuhan ito para sa Iyong mga korte sa itaas.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Santiago 4:1-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta, Ikaw na Bukal.” Isinalin mula sa
“Come, Thou Fount” (ni Robert Robinson, 1735-1790).