Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAANO MALALAMAN ANG KAGUSTUHAN NG DIYOSHOW TO KNOW THE WILL OF GOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili” (Santiago 1:22). |
Sinabi ni A. W. Pink (1886-1952), “Mayroong maraming mga ‘tagapakinig’ ng Salita, mga karaniwang mga tagapakinig, mapitagang mga tagapakinig, interesadong mga tagapakinig; ngunit sa wakas, ang naririnig nila ay [hindi umaapekto] sa buhay: hindi nito inaayos ang kanilang paraan [ng pamumuhay]. Sinasabi ng Diyos na silang hindi mga taga gawa ng Salita ay nililinlang ang kanilang mga sarili!... Kung saan walang lumalagong [pagsusuko] ng puso at buhay sa Salita ng Diyos, gayon lumagong kaalaman ay magdadala lamang ng lumagong kondemnasyon…binigyan tayo ng Diyos ng Kanyang Salita…para sa layunin ng paggabay sa atin: upang gawing kilala ang kinakailangan Niya sa ating gawin” (Isinalin mula kay Arthur W. Pink, “Ang mga Kasulatan at Pagkamasunurin” [“The Scriptures and Obedience,”] sa Nakikinabag Mula sa Salita [Profiting From the Word], Free Grace Broadcaster, Summer 2015, mga pah. 1, 2). Sinabi ni A. W. Pink (1886-1952)
“Binigyan tayo ng Diyos ng Kanyang Salita…para sa layunin ng paggagabay sa atin.” Lubos akong sumasang-ayon kay Gg. Pink. Iyan ang itinuro niya, kahit bago pa siya napagbagong loob. Ang Bautistang simbahan na pinuntahan ko sa Huntington Park bilang isang binata ay mali sa maraming mga bagay, ngunit hindi sa puntong ito. Ako’y naturuan na ang Diyos ay nagsasalita sa atin at nagpapakita sa atin ng Kanyang kagustuhan mula lamang sa mga Kasulatan. At natutunan kong huwag hanapin ang kagusutuhan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pakiramdam o impresyon. Lalong-lalo kong natutunan maya-maya ito mula sa aking pastor, Dr. Timothy Lin, at mula kay Dr. J. Vernon McGee. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, masasabi ko kasama ng Salmista, “Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas” (Mga Awit 119:105). Mga Kawikain 6:22 ay nagsasabi patungkol sa Salita ng Diyos, “Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.” Iyan ang dahilan na sinasabi ng ating teksto, “Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili” (Santiago 1:22). Sinasabi ng bersong ito kung paano malalaman ang kagustuhan ng Diyos
.I. Una, nagsasalita ang teksto patungkol doon sa mga nililinlang ang kanilang mga sarili tungkol sa kagustuhan ng Diyos.
Nagkukumento ako sa pangalawang bahagi ng teksto muna, “dinadaya ang inyong mga sarili.” Iyong mga tumatangging maging mga “tagatupad ng salita” ay malilinilang. Hindi nila malalaman ang kagustuhan ng Diyos para sa kanilang mga buhay. Ito’y isang napaka karaniwan sa mga tao sa mga simbahan ngayon. Sila’y madalas na nalilinlang, at hindi nalalaman ang kagustuhan ng Diyos para sa kanilang mga buhay.
Nalilimutan nila na ang Diablo ay isang dakilang manlilinlang. Sinasabi ng Bibliya sa atin na nililinlang ni Satanas ang mga bansa ng mundo (Apocalipsis 20:3). Siya ay tinatatawag na “Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan” (Apocalipsis 12:9). Ang ibig sabihin ng “Satanas” ay “kalaban” o “kaaway.” Tinututulan niya ang Diyos. Ang kanyang pinaka lumang pandadaya ay ang linlangin ang mga tao. “Dinadaya niya ang buong mundo.” Ang Griyegong salita para sa “dinadaya” ay “planaō.” Ibig nitong sabihin ay “gabaying maligaw,” “upang akitin,” “upang maling magabay,” “upang akitin at gabaying maligaw.” Ito ang ginawa ni Satanas sa pinaka simula. Nilinlan niya ang ating unang mga magulang, ginagabay silang maligaw, inakit silang kainin ang pinagbawal na prutas sa Hardin. Maraming mga nagkukumpisal na mga Kristiyano ngayon ay nag-iisip na alam nila ang kagustuhan ng Diyos para sa kanilang mga buhay. Ngunit sila’y talagang maling ginagabayan ni Satanas. Marami ang nag-iisip na ginagabayn sila ng Banal na Espiritu, ngunit ito’y talagang ang Diablo. Huwag mo dapat iyan kalimutan. Ang Apostol Pedro ay nagsasalita sa mga Kristiyanong tao noong binalaan nila silang, “Kayo'y maging mapagpigil [maging mapagbantay], kayo'y maging mapagpuyat [maging alerto]; ang inyong kalaban na diablo… gumagala na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8). Sinabi ni Dr. McGee, “Hindi ko naiisip na malalabanan mo ang Diablo sa iyong sarili lamang…kailangan mo ang ibang mga tagapaniwala upang tumayo kasama mo” (Sa Buong Bibliya [Thru the Bible]; sulat sa I Ni Pedro 5:9). Sa tingin ko siya ay tamang-tama. Aakitin ka ng Diablo at maling gagabayan ka kung tatayo kang mag-isa, o kung ika’y mayroong malapit na pakikisama sa isang di ligtas na tao, kahit ka ito’y isang kapatid na lalake o babae sa laman. Sinasabi ng Bibliya,
“Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara” (Mga Kawikain 13:20).
Ang sulat sa Scofield ay mainam sa pagpapaliwanag sa isang “mangmang.” Sinasabi nito (pah. 678) “Ang isang ‘mangmang’ sa Kasulatan ay di kailan sa kaisipan ay nagkukulang na tao, kundi isang mayabang at nagsasarili; isang nag-uutos sa kanyang buhay na parang walang Diyos.” Isang mayabang na tao ay isang mangmang, kahit sa simbahan. Maging tiyak na mayroon kang samahan sa mga pantas na mga tao, at hindi mga mangmang! Ang mga mangmang ay gagamitin ng Diablo upang gabayin kayo papalayo sa kagustuhan ng Diyos.
Gayon rin, maari kang malinlang ng huwad na mga Kristiyano. Ito’y lalong-lalo nang totoo sa mga huling mga araw na ito. Sinasabi ng Bibliya,
“Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:13).
Ang mga huwad na mga Kristiyano ay tiyak na lilinlangin ka at gagabayin kang maligaw. Ngunit ang sagot sa II Ni Timoteo 3:13 ay nasa berso 14 at 15. Ang Salita ng Diyos ay isang tiyak na gabay sa huling mga araw na ito. Maging malapit doon sa mga sumusunod sa Bibliya. Huwag makinig doon sa mga “mandaraya, at sila rin ang mangadadaya.”
Gayon rin ikaw rin ay madadaya ng mga tinatawag na mga “paggagabay” ng mga Banal na Espiritu. Ito ay isang pangunahing bitag para sa mga bagong ebanghelikal ngayon. Sila’y naturuan na ang bawat kaisipan na dumadaan sa kanilang isipan ay isang “paggagabay” ng Espiritu ng Diyos. Marami sa kanila ay nagsasalita ng marami patungkol rito. Sinasabi nila, “Ginabay ako ng Diyos na gawin ito,” o “Ginabay ako ng Diyos na gawin iyan.” Naririnig mo ito palagi. Ang tunog nito’y napaka espiritwal. Maari mong isipin na ang taong iyan ay isang malakas na Kristiyano. Ngunit tinatawag sila ng Bilbiyang mga “mangmang.” Sinasabi ng Bibliya,
“Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang” (Mga Kawikain 28:26).
Maririnig mo silang magsabi, kahit sa mga kalsada, “Ginabay ako ng Panginoon na gawin ito.” “Ginabay ako ng Panginoon rito.” “Ginabay ako ng Panginoon na magpunta.” Halos bawat beses na marinig mo ang mga salitang ito, maririnig mo sila mula sa isang “mangmang.”
“Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang” (Mga Kawikain 28:26).
Sinasabi ng Bibliya itong malinaw, “Huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan” (Mga Kawikain 3:5). Kapag ang mga tao ay tumatangging gawin iyan binubuksan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakaloko, na nagbabalik sa atin sa ating teksto,
“Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili” (Santiago 1:22).
II. Pangalawa, ang teksto ay tumutukol patungkol doon sa mga tunay na nakahahanap ng kagustuhan ng Diyos.
“Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang...” (Santiago 1:22).
Upang marinig ang Salita ng Diyos at mahanap ang paggabay mula rito, dapat kang maging handang sumunod sa marinig mo. Ang kondisyon para sa pakikinig ay ibinigay sa naunang berso, Santiago 1:21.
“Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa” (Santiago 1:21).
Ibibigay ko ito mula sa isang makabagong pagsasalin para sa pagpapaliwanag.
“Kung gayon, alisin ang lahat ng moral na karumihan at ang masama na napaka laganap, at mapagkumbabang tanggapin ang salita na naitanim sa iyo, na makaliligtas sa iyo” (NIV).
Dapat alisin ng isang tao ang lahat ng moral na karumihan, at na ang kasamaan ay napaka laganap. Kasama rito ang pornograpiya at pagkapait. Ang ilang mga tao ay inaasahan na malaman ang kagustuhan ng Diyos habang sila’y alipin sa di malinis na mga kaisipan. Ang ilan ay inaasahan na malaman ang kagustuhan ng Diyos habang sila’y mapait sa kanilang mga magulang, sa pastor, o sa ibang mga pinuno ng simbahan. Mayroon silang mapait na mga puso. Ang iba ay mayroong mga malalapit na mga pakikipagkaibigan doon sa mga taong laban sa Diyos, na makamundo. Gusto nila ang tao ng higit na nalilimutan nila “Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4). Ang iba ay puno ng pagka-ingit at pagmamayabang. Dapat mong ikumpisal ang mga bagay na ito sa Diyos at hingin Siyang alisin ang mga ito sa iyong puso. Gayon lamang na ikaw ay magiging mapagkumbabang sapat upang tanggapin ang Salita ng Diyos bilang isang gabay sa iyong buhay. Gayon lamang na ika’y maging “manggagawa ng salita, at hindi tagapakinig lamang.” Nagkukumento sa bersong ito, sinabi ng dakilang Spurgeon, “Ito’y halos walang paltos ang kaso [na kapag ang mga tao ay nagiging mapagduda na minsan ay nagkumpisal na mga Kristiyano], at nagsimulang magpulot nito o niyan, mayroong lihim na kasamaan sa kanilang mga buhay alin ay kanilang sinusubukang takpan mula sa kanilang sariling konsensya. Inaakit sila ng diablong magdaing sa pangangasiwa dahil ang ebanghelyo ay dumidiin sa kanilang malaks laban sa kanilang nagsasalang konsensya, at ginagawa silang di komportable sa kanilang mga kasalanan. Kung iyong maririnig ang Salita ng Diyos na may kasiyahan at pakikinabang sa iyong sarili, dapat mong ‘ilatag na hiwalay ang lahat ng karumuhan at kalabisan ng katigasan ng puso’; dahil ang mga bagay na ito ay pinsala sa iyo laban sa Salita ng Diyos” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Bago ng Pangaral, Sa Pangaral, at Pagkatapos ng Pangaral,” [“Before Sermon, At Sermon, and After Sermon,”] MTP, Bilang 1,847). Dapat mong isantabi ang lahat ng karumihan kung hangad mong tanggapin ang pakinabang mula sa Salita ng Diyos. Gayon lamang na ika’y maaring maging “tagagawa ng salita.” Kapag lamang iyong sundin ang Salita ng Diyos na malalaman mo ang Kanyang kagustuhan para sa iyong buhay. Bibigyan ko na kayo ngayon ng anim na mga paraan sa Bibliya upang malaman ang kagustuhan ng Diyos.
1.
Muli, at ito ang pinka mahalaga, na malaman ang kagustuhan ng Diyos huwag mo dapat pagkatiwalaan ang iyong sariling puso. Gaya ng pagkasabi sa iyo noon, sinasabi ng Bibliya ito napaka linaw,
“Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang” (Mga Kawikain 28:26).
Bakit iyan napaka halaga? Dahil,
“Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay?” (Jeremias 17:9).
Hindi nakapagtataka na ang taong nagtitiwala sa kanyang sariling puso ay tinatawag na isang “mangmang.”
2. Upang malamaln ang kagustuhan ng Diyos dapat kang maging handang gawin ang kagustuhan ng Diyos, hindi ang iyong sariling kagustuhan.
“Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili” (Juan 7:17).
Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ang ibig sabihin nito ay na kung ang isang tao ay pipiliing gawin ang kagustuhan ng Diyos, ilalantad ito ng Diyos sa kanya” (Ang Anak ng Diyos [The Son of God], kumentaryo sa Ebanghelyo ni Juan, Sword of the Lord Publishers, 1976, pah. 162).s Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Ito’y maaring basahin na: ‘Kung ang sinuman ay taos pusong gustong gawin ang kanyang kagustuhan, malalaman niya ito…Gayon ang unang kailangan upang linawin ang paggagabay ng Diyos sa ilang bagay…ay isang tunay na kagustuhan na sundin ang kagustuhan ng Diyos, kahit na ang sagot ay laban sa kagustuhan ng isang tao” (Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible]; sulat sa Juan 7:17).
3. Upang malaman ang kagustuhan ng Diyos dapat mong ikumpisal at talikuran ang iyong mga kasalanan.
“Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan: Masaya ang tao na natatakot na lagi: nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan” (Mga Kawikain 28:13, 14).
4. Upang malaman ang kagustuhan ng Diyos huwag mo dapat kamuhian ang pagtuturo ng iyong Kristiyanong ama.
“Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan” (Mga Kawikain 15:5).
“Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway” (Mga Kawikain 13:1).
5. Upang sundin ang kagustuhan ng Diyos dapat mong sundin ang payo ng iyong espirituwal na mga pinuno sa simbahan.
“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis...” (Mga Hebreo 13:17).
Patungkol sa Hebreo 13:17 ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [Reformation Study Bible] ay nagsasabing “Ang mga mapagpananampalatayang pinuno ng simbahan ay tulad ng mga mapagpananampalatayang pastol o mga taga bantay na tumatawag ng panganib ay nag-aalarma sa lungsod. Ang pag-aalala ng pinuno ay malalim at tunay dahil sila’y hinirang ng Diyos at bibigyan silang managot sa Kanya. Ang lahat ay magdurusa kung ang kanilang pangangasiwa ay nilabanan.”
6. Upang malaman ang kagustuhan ng Diyos dapat mong gawing banal ang iyong buhay sa Diyos, at hindi tumalima sa mundo.
“Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios” (Mga Taga Roma 12:1, 2).
“Ang nabagong isipan ay isang nababad at kontrolado ng Salita ng Diyos” (MacArthur na Pag-aaral na Bibliya [MacArthur Study Bible]; sulat sa Mga Taga Roma 12:2).
Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4 sa inyong kantahang papel.
Kapag tayo’y maglakad kasama ng
Panginoon sa ilaw ng Kanyang Salita,
Anong luwalhati ang ibinubuhos Niya sa ating daan!
Habang gawin natin ang Kanyang mabuting
Kagusutuhan, nananatili pa rin Siya sa atin,
At sa lahat noong mga nagtitiwala at sumusunod,
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
Upang maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.
Ngunit di natin kailan man mapatutunayan
Ang galak ng Kanyang pag-ibig
Hanggang sa ang lahat ay nasa altar natin nailagay;
Para sa pabor na ipinakita Niya, at ang galak na
Kanyang ipinagkakaloob,
Ay para sa kanila na magtitiwala at susunod,
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
Upang maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.
Tapos sa samahang matamis uupo tayo sa Kanyang paa,
O tayo ay lalakad sa Kanyang tabi sa daan;
Ang sinasabi Niya ay gagawin natin, kung saan
Niya tayo ipadadala tayo’y magpupunta;
Huwag kailan man matakot, magtiwala lamang at sumunod.
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
Upang maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.
(“Magtiwala at Sumunod” Isinalin mula sa “Trust and Obey”
ni John H. Sammis, 1846-1919).
Manatiling tumayong.
Sa Mga Taga Roma 10:16, sinabi ni Apostol Pablo, “hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita.” Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Pansinin kung paano ito inilagay ni Pablo. Hindi niya sinasabi na ang lahat ay naniwala sa ebanghelyo, kundi silang lahat ay hindi sumunod rito…Ang ebanghelyo ay tumatawag para sa tugon. Tumatawag ito para sa aksyon…tumatawag ito para sa pagkasunod. Ang ebanghelyo ay sadyang umapekto sa buong buhay ng isang tao. Sinadya itong maging mapanghawak, ang sentral na bagay sa buhay, iyon na namumuno sa buong pananaw ng isang tao. Iyan ang ibig sabihin ng salitang pagsunod…Ang pagsunod ay mahalaga dahil ang pinaka diwa ng kasalanna ay di pagsunod sa Diyos” (“Ang Ebanghelyo ng Diyos at Pagsunod” [“God’s Gospel and Obedience”]).
Tinatawag ka ni Kristo upang pagsisihan ang iyong mga kasalanan at magpunta sa Kanya. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Tinatawag ka niyang sumunod sa Ebanghelyo – tinatawag ka Niyang magpunta sa Kanya sa pagkasunod sa Kanyang utos. Kung tatangi kang magpunta sa Kanya sinusuway mo ang Kanyang utos. Dapat mong itapon ang iyong sarili lubos at buong-buo kay Hesu-KRisto. “Iyan ang pagsunod sa ebanghelyo. Iyan ang gumagawa sa iyong isang Kristiyano” (Isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid.). Kung gusto mo kaming kausapin tungkol sa pagsunod sa Ebanghelyo sa tunay na kaligtasan, sundan si Dr. Cagan at Noah Song at John Cagan sa likuran ng awditoriyum. Na ang bawat matang nakasara, sundan sila sa likuran ngayon. Dadalhin nila kayo sa silid ng pagsisiyasat kung saan makapag-uusap tayo at makapagdarasal. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Santiago 1:21-25.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Magtiwala at Sumunod.” Isinalin mula sa “Trust and Obey” (ni John H. Sammis, 1846-1919).
ANG BALANGKAS NG PAANO MALALAMAN ANG KAGUSTUHAN NG DIYOS HOW TO KNOW THE WILL OF GOD ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili” (Santiago 1:22). (Mga Awit 119:105; Mga Kawikain 6:22) I. Una, nagsasalita ang teksto patungkol doon sa mga nililinlang ang kanilang mga sarili tungkol sa kagustuhan ng Diyos, Apocalipsis 20:3; 12:9;
II. Pangalawa, ang teksto ay tumutukol patungkol doon sa mga tunay na nakahahanap ng kagustuhan ng Diyos, Santiago 1:21; 4:4;
|