Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAANO MO MATATAKASAN ANG KAHATULAN
NG IMPIYERNO?

HOW CAN YOU ESCAPE THE DAMNATION OF HELL?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Mayo taon 2016
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Morning, May 8, 2016

“Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?”
(Mateo 23:33).


Hindi ako pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Nagpunta ako sa Misa na mag-isa sa isang Katolikong simbahan ng maraming beses bilang isang musmos. Ngunit dinala ako ng aking mga kapit bahay sa isang Bautistang simbahan noong ako’y labing tatlong taong gulang. Mahabang panahon na iyan noong mga 1954. Noon karaniwan na madinig ang mga mangangaral. kahit tanyag na mga mangangaral na magsalita patungkol sa Impiyerno. Maraming dakilang mga Katimugang Bautistang mangangaral tulad ni Dr. W. A. Criswell, Dr. R. G. Lee at Billy Graham, sa mga araw na iyon ng aking pagkabata, ay nagbigay ng maapoy na mga pangaral sa walang hanggang kahatulan sa Impiyerno.

Ngunit tapos na iyan anim na taon noon! Ngayon wala akong kilalang kahit sinong mangangaral na nangangaral ng malakas na mga pangaral, na nagbibigay babala tungkol sa Impiyerno. Sa katunayan halos wala sa kanila ang nangangaral sa kahit anomang paraan. O, tinatawag nila itong pangangaral! Ngunit mali sila! Ang lahat na ginagawa nila ngayon ay magbigay ng maliit na aral na tinatawag nilang “pagpapaliwanag” na mga pangaral. Ang mga ito’y pagpapaliwanag – ngunit hindi sila nangangaral. Walang pathos o pasyon sa kanilang mga tinig. Umuugong lang sila ng patuloy sa isang pakikipag-usap na tinig, nagpapaliwanag ang isang berso ng Kasulatan pagkatapos ng isa pa. Ngunit hindi ako nakaririnig ng malakas na pangangaral sa Langit pati! At hindi ako nakaririnig ng malakas ng pangangaral sa pagpapatawad, sa krus, ang Dugo, o ibang mga doktrinal na pangangaral. Mayroong pagkagutom ng pangangaral ngayon. Ang inyong henerasyon ay hindi nakarinig ng malakas, madamdaming pangangaral mula sa kalalakihan na mayroong tunay na pagmamalakasakit para sa walang hangang kapalaran ng inyong mga kaluluwa.

Si Robert Murray McCheyne ay dalawam pu’t siyam na taong gulang lamang noong namatay siya ng taypoyd na sakit. Ngunit Si Robert Murry McCheyne ay dalawam pu’t siyam na taong gulang lamang noong namatay siya ng taypoyd na sakit. Ngunit anong mangangaral siya! Pinag-uusapan pa rin nila ang kanyang pangangaral ngayon, kahit na namatay siya noong 1843. Nagsimula siyang mangaral ng 23, at tapos namatay ng 29. Bakit nila siya natatandaan? Nangaral lamang siya ng anim na taon, ngunit napaka kaunting mangangaral ang gumawa ng ganoong impluwensya sa kanilang henerasyon gaya ni Robert McCheyne. Bawat mangangaral sa nag sasalit ng Ingles na mundo ay kilala ang kanyang pangalan dahil nagpadala ang Diyos ng makapangyarihang mga alon ng tunay na muling pagkabuhay sa kanyang simbahan. Anong sekreto niya? Ang kabataang lalakeng ito ay isang tao ng malalim na panalangin, lubos na nakasalalay sa Banal na Espiritu. Nanalangin siya, “Panginoon gawin mo akong banal gayang maari ng isang ligtas na makasalanan.” Isang ebanghelista na nakarinig sa kanyang mangaral ay nagsabi, “Nangaral siya na mayroong walang hanggan na nakatatak sa kanyang noo. Nanginig ako at hindi pa kailan man nadinig ang Diyos na napakalapit

.

O anong panalangin ko na ang Diyos ay magbabangon ng mga kabataang kalalakihan ngayon upang mangaral “na mayroong kawalang hanggang nakatatak sa kanilang noo? tulad ni Robert Murray McCheyne!!! Ngayong umaga magbibigay ako ng mga sipi mula sa dakilang pangaral ni McCheyne sa “Walang hanggang kaparusahan.” Naway ito’y magpakilos sa iyong magtiwala kay Hesus at tumakas mula sa poot na darating!

Gumagamit ako ng ibang teksto para sa pangaral na ito mula sa ginamit ni McCheyne, ngunit naglalaman ito ng parehong mensahe,

“Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

Ang tekstong ito ay kinuha mula sa dakilang pangaral ni Kristo laban sa mga Fariseo. Ang mga ito ay ang mga guro sa Bibliya sa panahon ng ating Panginoon. Tinawag Niya silang mga mapangimbabaw (23:14). Tinawag Niya silang mga “mangmang at mga bulag” (23:17). Sinabi Niya, Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?”

I. Una, makinig sa mga kalalakihan ng Bibliya na nagsalita tungkol sa Impiyerno.

Si David ay isang lalake na katulad ng sariling puso ng Diyos. Siya ay napuno ng pag-ibig para sa tao at sa Diyos. Pakinggan ang sinabi niya tungkol sa Impiyerno doon sa mga tumangging magtiwala kay Kristo. Sinabi ni David,

“Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios” (Mga Awit 9:17).

At sinabi ni David,

“Sa masama ay magpapaulan siya[ang Diyos] ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin” (Mga Awit 11:6).

Ang Apostol na si Pablo ay napuno ng pag-ibig ni Kristo, at nagkaroon siya ng pag-ibig para sa mga makasalanan. Hindi kailan man binanggit ni Pablo ang salitang “Impiyerno.” Mukha bang masyado itong teribleng salita para sa kanyang banggitin. Gayon pakinggan ang sinabi niya,

“Sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy, Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan” (II Mga Taga Tesalonica 1:7-9).

Si Juan ang minamahal na Disipolo ni Kristo ay isang tao na puno ng pag-ibig. Gayon nagsalita siya patungkol sa Impiyerno. Pitong beses na tinawag niya ang Impiyerno na “kalaliman” – ang butas kung saan ang mga nawawalang mga makasalanan ay lulubog sa walang hanganan. Tinawag ni Juan ang Impiyernong “lawa ng apoy.”

Ang Panginoong Hesus Mismo. Dumating Siya mula sa Diyos, at ang “Diyos ay pag-ibig.” Ang Kanyang buong pangangasiwa ay nagpakita ng Kanyang pag-ibig para sa mga makasalanan – gayon nagsalita Siya patungkol sa Impiyerno. Pakinggan ang Panginoong Hesu-Kristo. Sinabi Niya,

“Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

Muli, sinabi ni Kristo,

“Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan” (Mateo 25:41).

Muli, sinabi ni Kristo,

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas” (Marcos 16:16).

Ang kahit ano pa ba ay maging mas malinaw kaysa sa mga salitang iyan mula sa mga labi ni Hesus?

II. Pangalawa, bakit si David, at Pablo at Juan at Hesus ay nagsalita na napakalinaw tungkol sa Impiyerno.

Dahil ito’y totoo. Sinabi ni Hesus, “Kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo.” Noong si Hesus ay dumating sa lupa, dumating Siya na may pag-ibig. Ito’y dahil sa pag-ibig na si Hesus ay dumating upang bigyang babala ang mga makasalanan tungkol sa Impiyerno. Ito’y dahil sa pag-ibig na sinabi Niya sa mga nawawalang mga makasalanan na Siya’y dumating upang iligtas sila mula sa kanilang mga kasalanan upang sila’y makatakas mula sa apoy ng Impiyerno. At ang mga mangangaral ay dapat gawin ang parehong bagay na ginawa ni Hesus. Ito’y totoo! Ito’y totoo! Ito’y totoo!

Mayroong maaring magsabi, “hindi ko kita pinaniniwalaan.” Paano niyan babaguhin ang kahit ano? Ang isang matandang lalake na nagngangalang Harry Truman ay hindi naniwala na ang Bundok na Santa Helena ay sasabog sa isang bulkano. Ang lahat ng iba pinaniwalaan ito at nilisan ang lugar. Ngunit sinabi ni Truman, “hindi ko ito pinaniniwalaan.” Kaya nanatili siya sa kanyang tahanan sa tabi ng dakilang bundok. Ang kanyang di paniniwala ba ay nagligtas sa kanya? O, hindi! Noong ang bulkano ay sumabog sinapak siya nito at ang kanyang buong bahay sa kawalang hangang. Hindi sila makahanap ng bakas niya pagkatapos. Sinabi niya, “hindi ko ito pinaniniwalaan.” Ngunit ang di niya paniniwala ay hindi nagligtas sa kanya – at gayon din ang iyong di paniniwala ay magliligtas sa iyo mula sa mga apoy ng Impiyerno! Ito’y totoo! Ito’y totoo! Ito’y totoo!

Isa pang dahilan kung bakit si David, at Pablo, at Juan, at Hesus ay nagsalita patungkol sa Impiyerno dahil mayroong silang dakilang pag-ibig para sa nawawalang makasalanan. Ang ating mga matatalik na mga kaibigan, ang ating mga pinaka malapit na mga kaibigan sa simbahan, ay laging magsasabi sa atin ng katotohanan. Si Hesus ang pinaka matalik na kaibigan na magkakaroon ka kailan man. Isang lumang himno ang nagsasabi sa iyo ng mahusay, “Anong kaibigan ang mayroon tayo kay Hesus, ang lahat ng ating mga kasalanan at pighati upang kargahin!” Si Hesus ay ang matalik na kaibigan na iyong magkakaroon kailan man. At ito’y iyong matalik na kaibigan na si Hesus ang nagsabi sa iyo, “Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

Si Robert McCheyne ay nagsabi, “Habang ako’y naglalakad sa mga kaparangan kahapon, ang kaisipan ay dumating sa akin na may napakalaking kapangyarihan, na ang lahat na aking ipangaral ay di magtatagal maipapadala sa Langit o sa Impiyerno. Kung gayon, dapat kitang bigyang babala. Dapat kong sabihin sa iyo ang tungkol sa Impiyerno.” Gayon din dapat ang bawat tunay na mapagpananampalatayang mangangaral. Ang isang pastor na hindi kailan man nagsasalita tungkol sa Impiyerno ay hindi isang mabuting tao. Huwag kailan man magtiwala sa isang pastor na hindi nangangaral sa Impiyerno. Kung hindi, ibiga sabihin wala siyang malasakit patungkol sa iyong kaluluwa! Sinabi ni Hesus na malinaw, “Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

III. Pangatlo, ang Impiyerno ng Biblya ay walang hanggan.

Sinasabi ng mga Saksi ni Jehova ang Impiyerno ay di walang hangan. Mapaniniwalaan mo ba sila? Ang mang-aawit na si “Prince” ay namatay ilang araw lang noon. Siya ay isang Saksi ni Jehovah. Noong nagkaroon siya ng AIDS sinabihan nila siyang huwag inumin ang medisina. Kaya namatay siya at nagpunta sa Impiyerno dahil pinaniwalaan niya ang mga pagtuturo ng malupit na kultong iyan.

Si Rob Bell ay nagtapos sa liberal, na nagtatangi ng Bibliyang Teyolohikal na Fuller na Seminaryo. Sinabi ni Bell na ang Impiyerno ay di walang hanggan. Mapaniniwalaan mo ba siya? Sinabi niya na mayroong mga pagkakamali sa Bibliya. Ang isang lalake na nagsasabi na si Kristo ay mali noong nagsalita Siya patungkol sa walang hanggang Impiyerno ay maaring isang sinungaling o isang huwad na guro. Milyon milyong mga tao ang kumukuha ng kaginhawaan mula sa mga huwad na mga guro at mga pinuno ng mga kulto. Ngunit ito’y huwad na kaginhawaan. Sinabi ni Hesus, ang Anak ng Diyos, itong malinaw, “Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Marcos 9:44). Sinabi ni Hesu-Kristo na tatlong beses sa ika-siyam na kapitulo ng Marcos! “Hindi namamatay ang apoy.” “Hindi namamatay ang apoy.” “Hindi namamatay ang apoy.” Iyan ang sinabi ni Hesu-Kristo sa Marcos, kapitulo siyam. At sinabi ng Apostol Juan, “Ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man” (Apocalipsis 14:11). Sinabi ni Hesus Mismo, “Ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan” (Mateo 25:46).

IV. Pang-apat, paano ka makatatakas mula sa Impiyerno?

Sinabi ni Hesus, sa ating teksto, “Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33).

Hindi ka makatatakas mula rito sa pamamagitan ng pagtatanging bumalik rito sa simbahan. Mayroong maaring magsasabi, “Hindi ako kailan man babalik doon upang marinig si Dr. Hymers na mangaral! Tinakot niya ako! Hindi ako kailan man babalik sa simbahang iyon.” Alam ko na mayroong kabataan na magsasabi niyan. Ngunit mas ipagsasapalaran ko nang mawala ka kaysa magsinungaling sa iyo! Binigyan kita ng maraming mga pasahe mula sa Bibliya tungkol sa Impiyerno. Binigyan kita ng mga kaisipan ng isang batang mangangaral, si Robert McCheyne. Tinawag nila siyang, “Ang batang mangangaral.” Kahit na nangaral lamang siya ng anim na taon, noong siya’y nasa kanyang dalawam pung taong gulang, ang binatang ito ay itinuring na isa sa pinaka dakilang Presbyteryanong mangangaral na kailan man ay nabuhay. “Nangaral siya na may kawalang hanggan na nakatatak sa kanyang [noo].” Kahit na ayaw mo ako, nananalangin ako na paniniwalaan mo ang sinabi ng dakila at makadiyos na kabataang mangangaral na iyon.

Tapos muli, hindi ka makatatakas mula sa Impiyerno kung uupo ka rito Linggo Linggo tumatangging magsisi at magtiwala kay Hesus. Iniisip mo ba na maari kang maligtas sa pamamagitan lamang ng pagiging narito? Iniisip mo ban a maari kang maligtas sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera sa simbahan? Iniisip mo ban a maari kang maligtas sa pamamagitan ng paggagawa ng mga trabaho, paglilinis ng mga mesa, o panonood ng mga kotse, o paggagawa ng ibang mga bagay sa simbahan? Kung iniisip mo ito, ika’y nalinlang ng Diablo mismo! Sinasabi ng Bibliyang malinaw na ika’y nalinlang! Sinasabi ng Bibliya, “Sa biyaya kayo'y nangaligtas… ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8, 9). Sinasabi ng Bibliya, “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili… sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas” (Titus 3:5, 6).

Muli, iniisip mo ban a maari kang maligtas sa pamamagitan ng pagpupunta ng paulit-ulit sa silid ng pagsisiyasat na walang kumbiksyon ng kasalanan? Alam ko na marami sa inyo ay magpupunta ngayong umaga dahil takot ka sa Impiyerno. Ngunit natapagpuan namin na ang mga tao ay di kailan man naliligtas dahil takot sila sa Impiyerno. Sa pinaka kaunti, hindi ko kailan man nakita ang isa! Di kailan man, sa loob ng 58 na taon ng pangangasiwa. Wala ni isa! Maari kang magpunta sa silid ng pagsisiyasat dahil takot ka sa Impiyerno. Ngunit hindi ka maliligtas!

Dapat mong isipin ang iyong kasalanan. Hindi ang mga kasalanan ng iyong nakamit, kundi ang kasalanan ng iyong puso rin! Dapat kang mandiri sa iyong maksalanang puso, sa iyong pagka rebelde, ang malulupit na mga isipan at mas loob na mga kasalanan. Si Hesus ay hindi nagpunta upang iligtas iyong mga natatakot sa Impiyerno. Hindi! “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” – wala nang iba! (I Ni Timoteo 1:15).

Namatay si Kristo sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan! Ibinuhos ni Kristo ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisan ka mula sa kasalanan! Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay at umakyat pabalik sa Langit upang bigyan ka ng kapangyarihan sa ibabaw ng kasalanan! Iyan lamang ang mainam na dahilan na magpunta sa silid ng pagsisiyasat! Ang iyong kasalanan! Iyong kasalanan! Iyong kasalanan! Magsisi at magtiwala kay Hesus at ililigtas ka niya mula sa iyong kasalanan! Magsitayo at kantahin ang Mga Awit 139:23, 24. Ito’y bilang 7 sa iyong kantahang papel.

“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
Alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako at alamin mo ang aking pagiisip;
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.”

Amen. Isara ang iyong mga mata. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa iyong kasalanan, at pagiging nalinis ng Dugo ni Hesus, sundan si Dr. Cagan, John Cagan, at Noah Song sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin nila kayo sa isa pang silid kung saan makapananalangin tayo at makakasusap ka tungkol sa iyong kasalanan, at ang paglilinis ng iyong kasalanan sa Dugo ni Hesus. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 14:9-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
     “Saan Ka Gugol ng Kawalang Hanggan.” Isinalin mula sa
     “Where Will You Spend Eternity?” (ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929)/
     “Siyasatin Ako, O Diyos.” Isinalin mula sa “Search Me, O God” (Mga Awit139:23-24).


ANG BALANGKAS NG

PAANO MO MATATAKASAN ANG KAHATULAN
NG IMPIYERNO?

HOW CAN YOU ESCAPE THE DAMNATION OF HELL?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?”
(Mateo 23:33).

(Mateo 23:14, 17)

I.    Una, makinig sa mga kalalakihan ng Bibliya na nagsalita
tungkol sa Impiyerno, Mga Awit 9:17; Mga Awit 11:6; II Mga Taga Tesalonica 1:7-9; Apocalipsis 20:14; Mateo 23:33, 41;
Marcos 16:16.

II.  Pangalawa, bakit si David, at Pablo at Juan at Hesus ay nagsalita na napakalinaw tungkol sa Impiyerno, Mateo 23:33.

III.  Pangatlo, ang Impiyerno ng Biblya ay walang hanggan, Marcos 9:44; Apocalipsis 14:11; Mateo 25:46.

IV.  Pang-apat, paano ka makatatakas mula sa Impiyerno?
Mga Taga Efeso 2:8, 9; Titus 3:5, 6; I Ni Timoteo 1:15.