Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG IYONG PUSO BA AY MATINIK NA LUPA?IS YOUR HEART THORNY GROUND? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). |
Ito’y isang mahalagang berso sa Bagong Tipan upag maintindihan kung anong mali sa mga simbahan. Kung hindi mo maintindihan ang bersong ito hindi mo maiintindihan ang problema at ang solusyon sa problema sa ating mga simbahan. Ito’y napaka halagang berso na ang isipan ko ay bumabalik mulit’ muli rito, taon taon, dekada kada dekada. Una kong nadinig ang bersong ito mula kay Billy Graham. Pinakinggan ko siyang mangaral sa radyo halos kada Linggo ng hapon noong ako’y isang binata. Madala sinipi ni Gg. Graham ang bersong ito kapag nangaral siya sa mga tanda ng katapusan ng ating sanglibutan. Ang kanyang huling maiging aklat ay ang Ang Mundong Umaapo’y [World Aflame] (Doubleday, 1965). Ginawa ni Billy Graham ang pahayag na ito,
Sinabi ni Hesus, “Habang ang kawalan ng batas ay kumakalat ang pag-ibig ng tao para sa isa’t isa ay lumalamig” (Mateo 24:12 NEB). “Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi… mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:1-5)… Ang lahat ng mga ito ay mukhang tumuturo sa isang panahon ng malawakang pag-iipokrita kapag ang karamihan ng mga tao ay ini-ipon sa isang simbahan na hindi nagkakaroon ng personal na karanasan kay Hesu-Kristo…Huwad na mga guro ay makapapasok sa simbahan…Sila’y mga pinuno ng ‘paglalayo,’ alin maglalarawan sa simbahan sa katapusan ng panahon (Isinalin mula kay Billy Graham, Ang Mundong Umaapoy [World Aflame], Doubleday and Company, 1965, mga pah. 220, 221, 219).
Maya-maya nakabasa ako ng isang sulat na ipinadala ni Gg. Graham sa anak ni Dr. M. R. DeHaan. Noong namatay si Dr. DeHaan mula sa isang aksidente sa sasakyan noong 1965, sinabi ni Gg. Graham na nakuha niya ang marami sa kanyang mga ideya sa pakikinig kay Dr. DeHann sa kanyang programa sa radyo. Sa kanyang aklat na Mga Tanda ng Panahon [Signs of the Times], sinabi ni Dr. DeHaan,
Ang Apostasiya at pagwawalang bahala ay ang mga sunod na mga kasalanan na binanggit. “Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Hindi pa kailan man sa kasaysayan ng tao na iyan ay naging totoo gaya nito ngayon. Sa ilang kaunting maiiksing mga dekada, tayo ay lumayo mula sa simpleng pananampalataya ng Puritanong mga ama…sa mga Kristiyano ito’y masyadong mala trahedyang katotohanan na “ang pagibig ng marami ay lalamig.” Ang pag-ibig ng marami ay lumamig (Isinalin mula kay M. R. DeHann, M.D., Mga Tanda ng Panahon [Signs of the Times], Zondervan Publishing House, 1951, pah. 58
Simula nang nakikinig kay Billy Graham at Dr. DeHaan, ako’y nagninilaynilay sa Mateo 24:12. Ang mga salita ay mula kay Hesu-Kristo, na nagsabi na ito’y kasagutan sa katanungan ng mga Disipolo, “Ano ang tanda ng iyong pagdating, at nang katapusan ng sanglibutan?” Bahagi sa sagot ni Kristo sa katanunangang iyan ay ang ating teksto,
“Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
I. Una, kailan sinabi ni Kristo na ito’y mangyayari?
Sinabi niya ito’y mangyayari bilang “magiging tanda ng [Kanyang] pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan” (Mateo 24:3). Maraming ibang mga Kasulatan ang nagbabanggit ng tandang ito ng katapusan. Ang tala sa Scofield sa ibaba ng pahina (1033) ay tamang-tamang sinasabi ang bersong ito “magagamit sa isang tiyak na paraan sa katapusan ng panahon…ang lahat na naglarawan sa panahon ay nag-iipon sa isang teribleng kasidhian sa katapusan” (Pag-aaral na Bibliya ng Scofield [Scofield Study Bible], 1917, pah. 1033; sulat sa Mateo 24:3). Maililista ko ang marami pang ibang mga berso, tulad ng II Ni Timoteo 3:1-13; Judas 4, 19: Apocalipsis 3:14-22, atb.
Kayong mga kabataan ay walang ideya kung gaano na ang mga simbahan ay bumagsak. Ngunit sa aking buhay nakikita ko itong malinaw. Nakita ko ang isang lokal na simbahang muling pagkabuhay noong 1969. Nakita ko ang isang malawakang muling pagkabuhay noong 1971. Nakakita ko ng isa pang lokal na simbahang muling pagkabuhay noong 1992. Ngunit hindi ako nakarinig ng kahit anong muling pagkabuhay, saan pa man sa Amerika at sa Kanlurang mundo, simula noon! Hindi ni isa! Ngayon, higit higit, nakikita natin ang malungkot na larawan ng Mateo 24:12 sa ating mga simbahan,
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Ito ang kalagayan ng Bautista at ibang mga ebanghelikal na mga simbahan sa ating panahon. Iyan lamang ang nag-iisang uri ng mga simbahan na maaring nabisita ng mga kabataan o narinig sa inyong maikling buhay. Maliban nalang na narinig mo ang mga muling pagkabuhay ng nakaraan, wala kang ideya kung gaano ka terible at tumalikod sa dating pananampalataya ang mga simbahan ngayon! Maari mong isipan na ako’y nagsasalita ng kakaiba kapag nagsasalita ako tungkol sa mas mainam na uri ng simbahan, dahil hindi ka pa nakakita, o nakarinig ng isa, sa iyong maikling buhay. Si Dr. Kenneth Connolly, na nagsalita sa ating simbahan, ay nagsabi na nabubuhay ka sa isang henerasyon na hindi kailan man nakakita ng muling pagkabuhay – sa pinaka kaunti hindi sa kung saang lugar sa Kanlurang mundo!
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
II. Pangalawa, bakit sinasabi ni Kristo na ito’y mangyayari?
Pansinin ang unang salita ng teksto, “At.” “At dahil sa pagsagana ng katampalasan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Pansinin ang tali ng mga “at” sa mga berso 10 at 12. “At marami…ang matitisod” (b. 10). “At mangagkakanuluhan ang isa't isa” (b. 11). “At kanilang ililigaw ang marami” (b. 12). Ang mahabang tali ng mga “at” ay nagtatapos sa anong bunga ng mga bagay na ito – binubunga ng nila “ang pagibig ng marami ay lalamig.” Ang katapusang resulta ng lahat ng mga “at” na iyon ay ang mga simbahan kung saan “ang pagibig ng marami ay lalami.” Ang mga paghihiwalay ng mga simbahan at mga pag-aaway sa simbahan sa berso 10, kasunod ng huwad na mga mangangaral na manlilinlang [“maling paggabay” NASV] sa mga tao, kasunod ng kasamaan [anomia; “kasamaan” NASV] sa mga simbahan ay nagbunga ng isang simbahan na puno ng malamig na mga tao na walang “agapeo,” walang Kristiyanong pagibig – walang pag-ibig para kay Kristo, walang pag-ibig para sa Diyos, at walang pag-ibig para sa iba sa simbahan! Ayan na ito! Ang serye ng mga “at” ay nagpapakita sa atin kung bakit tayo mayroong isang “Dakilang Ebanghelikal na Kapahamakan” [“Great Evangelical Disaster”] (ginagamit ang pamagat ng aklat ni Francis Schaeffer!). Ang mga Bautista at mga ebanghelikal na mg asimbahan ay isang kapahamakan dahil sa mga pag-aaway sa simbahan (b. 10), ang mga huwad na mga mangangaral na lumilitaw sa okasyon (b. 11), at laganap na katampalasan sa malaking karamihan ng di napagbagong loob at bumalik sa dating kasamaan na mga miyembro, ay nagbubunga ng malalamig na mga simbahan na walang pag-ibig para kay Kristo, at walang pag-ibig para sa isa’t isa!
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
III. Pangatlo, sino ang maraming lalamig?
Ang “marami” ay iyong mga hindi napagbagong loob, o lubos na bumalik sa dating kasamaan, napatunayan sa katunayan na ang kasamaang espiritu ng panahong ito ay sinusugpo ang kanilang pagkasagisag at pag-ibig. “Lumalamig sila” dahil ang espiritu ng mundo ay natatalo ang kahit anong masigasig na pag-ibig na maaring mayroon silang ipinapakita.
Ang Parabula ng Maghahasik ay ginagawa itong malinaw kung bakit “marami” ay nagiging “malamig.” Ang Parabula ng Maghahasik ay nagbibigay ng apat na mga uri ng mga tao, at paano na ang bawat grupo ay tumutugon sa pangangaral ng Ebanghelyo. Mayroong apat na uri ng mga tao sa parabula. Ang unang tatlong uri ay hindi mga tunay na mga Kristiyano. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Ang mga [unang] tatlong uri ng lupa ay di kumakatawan sa tatlong uri ng mga mananampalataya – hindi sila mananampalataya sa anumang paraan! Narinig nila ang Salita at nagkumpisal lamang na tinanggap ito” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuua IV; sulat sa Mateo 13:22). Kaya, ang ika-apat na uri lamang ang tunay na naligtas na mga tao. Ang natira ay mga nawawalang mga tao.
Sa parabula ang “butil” ay ang Salita ng Diyos. Sinabi ni Dr. McGee, “Pansinin kung saan bumabagsak ang butil. Ito’y bumabagsak sa apat na mga uri ng lupa – at ika’tlong apat ng mga butil ay hindi tumutubo – namamatay sila. Walang mali sa butil, ngunit ang lupa ang problema.” Iyon ay mga butil na bumabagsak sa tabi ng daan, ay iyong mga naririnig ang Salita at inaagaw ng Diablo ito agad. Kinatawan nila iyong mga nagpupunta sa simbahan ng kaunting beses, ngunit hindi nito sila napapakilos sa anumang paraan. Ang pangalawang uri ay iyong mga ang Salita ay bumabagsak sa mabatong mga lugar, na mukhang tinatanggap ang Salita, ngunit bumabagsak papalaya agad-agad na sila’y masubok ng mga problema o pag-uusig. Ang pangatlong uri ay iyong mga tumanggap ng butil sa mga tinik. Naririnig nila ang Salita at mukhang nagpagbagong loob. Pakinggan ang Lucas 8:14,
“At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan” (Lucas 8:14).
Ang salita ng Diyos ay “iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan” (o pagkagulang); Lucas 8:14. Si Dr. MacArthur, kahit na mali sa Dugo ni Kristo, ay tama sa Lucas 8:14. Sinabi niya, “Ang itong mga dobleng isipang mga tao (Santiago 1:8) ay nalalamon ng mga pansamantala [makamundong] mga bagay – makasalanang mga kasiyahan, mga paghahangad at mga pagnanais, ambisyon, karir, mga tahanan, mga sasakyan, karangyaan, mga kaugnayan, pagkatanyag – ang lahat ng mga ito ay iniinis ang butil ng ebanghelyo kaya hindi sila nakapagdadala ng pagbubunga sa kagulangan… Ito ang abalang-abalang makamundong puso, ‘iniinis ng mga pag-aaalala at mga kayamanan at kasiyahan ng buhay na ito” (Ang MacArthur na Bagong Tipang Kumentaryo Isinalin mula sa The MacArthur New Testament Commentary; sulat sa Lucas 8:14)
Madaling makit ang unang uri rito. “pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15). Nakaririnig sila ng kaunting mga pangaral, at hindi natin sila nakikita muli. Madali ring makita kung sino ang pangalawang uri. Mukha silang ligtas, ngunit “sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig… pagdaka'y nangatisod sila, Marcos 4:17.
Ngunit mas matagal masasabi kung sino ang mga “matinik na lupang” mga tao. Sa ating makabagong Bautistang mga simbahan (kahit ang sa atin) nakikita nating silang gumagawa ng propesyon ng pananamapalataya. Maraming beses ito pa nga’y propesyon na mayroong kasamang pakikipaglaban at pagluluha. Natututunan nila na mga musmos, o mga binata at dalaga, na sila’y dadaan sa pakikipaglaban bago mapunta kay Kristo. Sasabihin nila na mayroon silang bagong puso at isang bagong pagnanais na paglingkuran si Kristo. Nalinlang nila ako ng maraming beses. Mukha silang taos-puso. Mukha silang mga dakilang mga Kristiyano. Iyan ay hanggang sa sila’y maging mga mas batang mga matatanda. Doon pa laman na ang mga bitak sa kanilang testimonyo ay magsisimulang magpakita. Sila’y nabigyan ng pera ng kanilang mga magulang. Sila’y nabigyan ng isang silid na titiirhan na walang bayad sa tahanan ng kanilang mga magulang. Sila’y nabigyan ng pera panggastos. Ngunit tapos sila’y nagtatapos ng kolehiyo. Ngayon makakakuha na sila ng trabaho, at kung sila’y magpupunta sa pagtatapos na paaralan, umuutang sila ng pera. Ngayon nakikita nila ang pag-aasam na maging “malaya” – gaya ng tawag nila. Sa ganoon laman na nagsisimulang mapapansin ang mga bitak ng kanilang testimonyo. Walang makapipigil sa kanila na ngayon na hindi na nila kailangan ang tulong natin. Unti-unti itinatapon nila ang kanilang pagkasigasig at pag-ibig para kay Kristo at sila’y “nahalubilo [ang kanilang mga sarili] sa mga bagay ng buhay na ito” (II Ni Timoteo 2:4). Kung ang mga pinuno ng simbahan ay susubukan silang makuha pabalik sa kaligtasan, sila’y nagiging galit at mapait. Tapos si Satanas ay kikilos at magsisimulang ibulong sa kanila, “Huwag kang makinig sa kanila! Anong alam nila?” At kaya, sa wakas, sila’y nagmamadali sa mga kamay ng Diablo at ng mundo. “Hindi ko nilisan ang simbahan,” ang sabi nila – na para bang ang paglilisan sa simbahan ay ang nag-iisang kasalanna! Ngunit ang kanilang mga puso ay nililisan na si Kristo!
Si Uzziah ay labing anim na taong gulang lamang noong sa unang pagkakita natin sa kanya sa Bibliya. Noong siya ay bata pa “siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon” (II Mga Cronica 26:4). Ang propetang si Zakarias ang kanyang pastor. “At habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios” ( II Mga Cronica 26:5). At tayo ay sinabihan. “Siya'y tinulungang kagilagilalas hanggang sa siya'y lumakas.” Ngunit gayon, “Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan – ang kanyang puso ay napakamapagmalaki na siya’y di nananampalataya sa Panginoon kanyang Diyos” (II Mga Cronica 26:21).
Ang buhay ni Uzziah ay naibigay sa Diyos sa atin para sa isang halimbawa. Siya ay isang larawan ng isang kabataan na lalake o babae na hinahayaan ang mga tinik na lumaki upang iniisin ang Salita ng Diyos sa kanilang mga puso. Sila’y iniinis ng mga pag-aalala, at isang labis na pananabik para sa mas higit na pera higit sa kinakailangan, at nakasisira ng kaluluwang pagkabuhol, tulad ng kanser, na unti-unting pinapatay ang katawan, kaya ang mga tinik ay unti-unti ngunit tiyak na iniinis ang mga kaluluwa noong mga tao na hinahayaan silang gawin ito. Ang iyo bang pag-ibig ay lumamig? Ikaw ba ay nagiging makamundo? Ikaw ba ay naging mapagrebelde? Ikaw ba ay nasa mas malubhang lugar kaysa saan ka noon? O tumalikod mula sa iyong pagkamundo. Tumalikod mula sa iyong pagkarebelde. Tumalikod. Mag-sisi. Bakit magpatuloy kung paano ka na maari kang magkaroon ng kapayapaan kay Kristo? – kung tatalikod ka mula sa iyong pagkarebelde at pagmamataas at bumagsak sa Kanyang mga paa, na namatay upang iligtas ka?
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Ang Parabula ng Maghahasik ay ibiniay upang – “suriin ang iyong sarili upang madiskubre kung aling grupo ka nabibilang. Kung nabibilang ka sa isa sa unang tatlong mga grupo, dapat kang mapagbagong loob” – at sa pinaka kaunti, “Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka” (Apocalipsis 3:3). Sa pinaka kaunti ialay muli ang iyong buhay kay Kristo at magsisi, bago ka maging tunay na isang “matinik na lupang” tao! (Isinalin mula kay William Hendriksen, Th.D., Ang Ebanghelyo ni Lucas [The Gospel of Luke], Baker Book House, 1978, pah. 429; sulat sa Lucas 8:14).
Dapat mong sabihih, “O Diyos tumatalikod ako mula sa aking pagmamalaki at rebelyon! O Diyos, linisan mo akong tunay sa Dugo ni Kristo!” “Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios” (Mga Awit 51:10).
Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4 sa inyong kantahang papel.
“Ibigay mo sa akin ang iyong puso,” sinasabi ng Ama sa itaas,
Walang handog ang napaka mahal sa Kanya na gaya ng iyong pag-ibig;
Mahinahon Niyang ibinubulong, nasaan ka man,
“Nagpapasalamat na magtiwala sa Akin, at ibigay mo sa akin ang iyong puso.”
“Ibigay mo sa Akin ang iyong puso, ibigay mo sa Akin ang iyong puso,”
Pakinggan ang mahinang bulong, kung saan ka man:
Mula sa madilim na mundong ito ilalayo ka Niya;
Nagsasalitang napaka lambot, “Ibigay mo sa Akin ang iyong puso.”
“Ibigay mo sa Akin ang iyong puso,” sinasabi ng Tagapagligtas ng mga tao,
Tumatawag sa awa muli’t muli;
“Tumalikod mula sa kasalanan, at mula sa kasaan lumayo,
Hindi ba ako namatay para sa iyo? Ibigay mo sa Akin ang iyong puso.”
“Ibigay mo sa Akin ang iyong puso, ibigay mo sa Akin ang iyong puso,”
Pakinggan ang mahinang bulong, kung saan ka man:
Mula sa madilim na mundong ito ilalayo ka Niya;
Nagsasalitang napaka lambot, “Ibigay mo sa Akin ang iyong puso.”
“Ibigay mo sa Akin ang iyong puso,” sinasabi ng Espiritung banal;
“Ang lahat na mayroon ka, sa Aking pagtatago bumitiw;
Biyaya na mas masagana ay Akin upang ibahagi,
Gumawa ng punong pagsusuko at ibigay sa Akin ang iyong puso.”
“Ibigay mo sa Akin ang iyong puso, ibigay mo sa Akin ang iyong puso,”
Pakinggan ang mahinang bulong, kung saan ka man:
Mula sa madilim na mundong ito ilalayo ka Niya;
Nagsasalitang napaka lambot, “Ibigay mo sa Akin ang iyong puso.”
(“Ibigay ko sa Akin ang Iyong Puso.” Isinalin mula sa
“Give Me Thy Heart” ni Eliza E. Hewitt, 1851-1920).
Kung hindi ka pa ligtas, nagmamakaawa ako sa iyo na tumalikod mula sa iyong kasalanan at magtiwala kay Hesus. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Nananalangin ako sa iyo na magtiwala sa Kanya at mabuhay para sa Kanya. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 4:13-20.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Kunin ang Aking Buhay at Hayaan itong Maging.” Isinalin mula sa
“Take My Life and Let It Be” (ni Frances R. Havergal, 1836-1879).
ANG BALANGKAS NG ANG IYONG PUSO BA AY MATINIK NA LUPA? IS YOUR HEART THORNY GROUND? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). (II Ni Timoteo 3:1-5)
I. Una, kailan sinabi ni Kristo na ito’y mangyayari?
II. Pangalawa, bakit sinasabi ni Kristo na ito’y mangyayari?
III. Pangatlo, sino ang maraming lalamig? Lucas 8:14; |