Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAG-AAYUNO AT PANANALANGIN
SA HULING MGA ARAW

FASTING AND PRAYER IN THE LAST DAYS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-24 ng Abril taon 2016


Lumipat kasama ko sa Mateo 24:12. Ang bersong ito ay naging isang pampagaan ng loob para sa akin sa loob ng limampung taon. Paki basahin ito ng malakas.

“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).

Bakit na ang teribleng bersong iyan ay nakapagpapagaan ng loob ko? Dahil malinaw na ipinapakita nito ang kondisyon ng mga simbahan sa huling mga araw. Walang pag-aalalahan ang isang mabuting Kristiyano. Ganito ito sinabi ni Hesus sa panahon ng katapusan. Ang salitang isinalin na “katampalasan” ay nangangahulugang “kawalan ng batas.” Ito’y “anomia” – ibig nitong sabihin “paglalabag” o “pagsusuway” ng mga batas ng Bagong Tipan. Ipinahihiwatig nito na ang mga simbahan ng huling mga araw ay hindi susunod sa mga pagtuturo ng Bibliya. Bilang isang resulta ng kawalan ng batas na ito “ang pagibig ng marami ay lalmig.” Isang makabagong pagsasalin ay gumagawa nitong mas malakas, “ang pag-ibig ng karamihan ay lalamig” (NIV). Ang salitang isinalin na “pag-ibig” ay napaka halaga. Ito’y mula sa Griyegong salitang “agape” – alin ay ang salitang ginamit na ekslusibo para sa Kristiyanong pag-ibig. Tinatawag ito ni Vine na “ang katangiang salita ng Kristiyano.” Ibinigay ni Dr. Henry M. Morris ang talang ito sa Laodiseyang mga simbahan sa huling mga araw, “Mayroong maraming malaki at saganang mga simbahan ngayon na ebanghelikal at Biblikal na nominal… na naghihirap sa espiritiwal” (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible]; tala sa Apocalipsis 3:17). Ang mga ebanghelikal na mga pundamental na mga simbahan ay inilarawan sa Apocalipsis 3:17, “hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad.”

Isa sa pinaka simpleng pagsubok na magagamit sa mga simbahan ay – mayroong ba silang “agapeng” pag-ibig? Iniibig ba nilang maging nasa simbahan? Mayroon ba silang pakikisama sa kanilang mga kapatid na lalake at babae kay Kristo? Karamihan sa kanila ay hindi. Isa sa pinaka dakilang mga trahedya sa ating mga Bautistang mga simbahan ay kanilang isinusuko ang kanilang panggabing Linggong paglilingkod. Ito’y napaka karaniwan nito na si Dr. Cagan ay hindi makahanap ng nag-iisang Bautistang simbahan sa Dallas, Texas na mayroong isang panggabing Linggong paglilingkod! Maaring mayroong isa, ngunit hindi niya ito mahanap! Ang dakilang Unang Bautistang Simbahan ni Dr. W. A. Criswell ay ngayon wala nang panggabing Linggong paglilingkod. Ang dakilang simbahan ni Dr. Jimmy Draper ay isang dakilang simbahan sa isang labas ng lungsod ng Dallas ngayon ay walang panggabing Linggong paglilingkod. Ang dakilang Unang Bautistang Simbahan ni Dr. J. Frank Norris ng Fort Worth ay ngayon walang panggabing Linggong paglilingkod. Ang dakilang Galilean na Bautistang Simbahan ni Dr. John R. Rice , sa labas na lungsod ng Dallas ay tila ikinansela na rin ang kanilang Linggong panggabing paglilingkod rin. Sinabi ni Dr. Cagan, “Nakagugulat na napaka-kaunting tunay na lumang panahong Kristiyanismo ang mayroon kahit sa isang lugar tulad ng Dallas, Texas – malalim sa Sinturong Bibliya.”

Kahit ang pinaka pundamental na mga simbahan ay nagiging ganito. Kamakailan lang na nagulat akong marinig na isang tanyag na simbahan sa Pundamental na Bautistang Samahan ay isinuko ang paglilingkod nito sa gabi ng Linggo. Mayroon na ngayon silang mga tinapay pagkatapos ng umagang paglilingkod, kasunod ng isang 1:30 ng hapon na pag-aaral ng Bilbiya. Isang mangangaral ang nagsabi, “Nakakukuha silang ng kasing higit na Bibliya” – na para bang ang “pagkukuha ng Bibliya” ay ang nag-iisang dahilan para sa pagpupunta sa simbahan! Ang lumang panahong mga Bautista ay mayroong ebanghelisiktong pag-lilingkod tuwing gabi ng Linggo, na ang kanilang mga tao na nagdadala ng mga nawawala upang madinig ang Ebanghelyo. Ang lumang panahong Bautista ay mayroong dakilang samahan tuwing Linggo ng gabi. Matanda na akong sapat upang matandaan.

Ngayon mukhang ang lahat na gusto nila ay ang “makuha ang Bibliya.” Maari silang “makakuha” ng higit pang Bibliya kung nanatili sila sa bahay at nakinig kay Dr. J. Vernon McGee sa radyo! Ngunit hindi sinasabi ng Mateo 24:12, “Dahil sa pagsagana ng katampalasanan, makakakuha sila ng mas kaunting Bibliya.” Hindi! Hindi! Sinasabi nito “dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Ang agape na samahan ay tunay na nawawala sa mga Bautistang mga simbahan na isinuko na ang kanilang panggabing Linggong paglilingkod. Sa loob ng kaunting taon o mas kaunti pa ang mga Bautistang mga simbahan na ito ay magiging kasing tigang at walang buhay katulad ng mga Nagsasamasamang mga Metodista [United Methodist] at mga Nagsasamasamang mga Presbyteriano [United Presbyterian], na sumuko ng kanilang panggabing Linggong paglilingkod mga 50 taon noon. Mukhang isang matalinong bagay itong gawin, ngunit pinatay sila nito! Sa maraming taon nawala nila ang maraming milyong mga miyembro. Hindi nakapagtataka na ang Katimugang mga Bautista ay nawalan ng 250,000 na mga miyembro noong huling taon! Walang samahan o pag-ibig, at walang dahilan para sa mga tao upang magpunta sa kanilang mga simbahna. At ang pundamental na mga Bautista ay hindi mas mabuti.

Ang lahat ng mga ito ay nangyayri sa mga simbahan sa parehong beses na ang Amerika ay bumabagsak sa moral at espiritwal. Ang mga kapangyarihan ni Satanas at kanyang mga demonyo ay namumuno sa ating bansa, habang ang mga isinasara ng mga Bautista ang kanilang mga paglilingkod ng gabi ng Linggo para ang mga tao ay makanonood ng mga basura sa telebisyon at matulog ng maaga! Tulungan tayo ng Diyos! Ang pitong mga simbahan sa Aklat ng Apocalipsis ay sinira ng mga Muslim. Hindi ako magugulat kung ang mga Muslim ay dumating rito at sirain ang lahat ng ating mga Bautistang simbahan rin! Anong pipigil sa kanila? Mga taong masyadong tamad na magpunta sa simbahan tuwing gabi ng Linggo ay tiyak na hindi pipigil sa kanila! Paano nila magagawa ito?

Ang demonikong puwersa ni Satanas ay kumapit sa Amerika at Europa sa lalamunan! Sinasakal nila ang ating mga simbahna sa kamatayan! Rito ay isang paglalarawan ng mga tao sa huling mga araw, na ibinigay sa II Ni Timoteo 3:1-5.

“Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:1-5).

Ang mga tumalikod sa dating pananampalataya , na mga tinawag na “Kristiyano” pinahihina ang pinaka moral na hibla ng Amerika sa Kanluran. Inibig lamang nila ang kanilang mga sarili. Iniibig lamang nila ang pera. Sila’y mapagrebelde, di nagpapasalamat, at di banal. Mayroong silang panlabas na anyo na pagkamakadiyos na walang kapangyarihan mula sa Diyos.

Now listen to II Timothy 3:12, 13.

“Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig. Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Ni Timoteo 3:12, 13).

Ang mga ito ay ang mga tao na ating sinusubukang mapagtagumpayan kay Kristo sa ating simbahan! Paano natin ito magagawa! Ito’y makataong imposible! Nagtratrabaho tayong lubos upang makuha silang magpunta sa simbahan – ngunit ang kanilang mga isipan ay nawalang ng ulirat ng mga palarong videyo at wirdong mga pelikula na hindi pa nila makuhang tignan ako habang nangangaral ako sa unang pagkakataon na nagpupunta sila. Tumitingin sila sa ibababa sa kanilang mga kamay na mayroong blankong titig. Ang kanilang mga daliri ay kumikibit dahil wala silang cellfon na malalaro! Ang kanilang mga isiapn ay kasing blangko ng mga Morlock sa “Ang Makinang Oras” [“The Time Machine”] ni H. G. Wells. Sila’y ksaing patay ng mga sombi na kanilang pinapanoon huli na sa gabi sa telebisyon!

Ngayon lumipat sa Lucas, kapitulo 4:18-19. Iyan ang dahilan na dumating si Kristo para sa makasalanang kabataan ngayon. Babasahin ko ito. Sinabi ni Hesus,

“Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon” (Lucas 4:18-19).

Dumating si Hesus upang gawin ang mga bagay na iyan para sa mga kabataan ngayon. Ngunit ang mga kapangyarihan ni Satanas ay napaka lakas na ang nagliligtas na biyaya ni Kristo ay hindi pumapasok sa karamihan sa kanila. Kailangan natin ng kapangyarihan ng piling ng Diyos o di natin sila kailan man matutulungan! Makadadala tayo ng maraming-marami sa kanla sa simbahan – ngunit napaka kaunti sa kanila ang makararanas ng nakapagliligtas na biyaya ni Hesus! Napaka kaunti ang maliligtas – maliban nalang na ipadala ng Diyos ang kapangyarihan, mas matindi kaysa sa kapangyarihan ni Satanas sa ating simbahan!

At diyan pumapasok ang pag-aayuno at pananalangin! Ang mga Disipolo ay hindi matulungan ang isang batang lalake sa Marcos, kapitulo siyam. Siya ay binihag ng mga demonyo – tulad ng napaka raming mga batang ating dinadala sa simbahan upang marinig ang Ebanghelyo. Ang bata ay kontrolado ng mga demonyo. Sinasabi ng Bibliya na ang bawat kabataan na ating dadalhin sa simbahan – bawat isa sa kanila – ay nabulag at kontrolado sa isang sukat ni Satanas – “sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Ang batang lalake sa Marcos 9 ay nademonyo rin. At ang mga Disipolo ay walang kapangyarihan upang tulungan siya. Lumipat sa Marcos 9:28, 29. Tumayo at basahin ng malakas ang dalawang mga bersong ito.

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28, 29) [KJV].

Maari nang magsi-upo. “Ang ganito [uri ng demonyo] ay hindi mapalalabas ng anoman maliban sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.”

Kumbinsido ako na hindi natin makukuha ang karamihan sa mga kabataan na maligtas sa pamamagitan ng panalangin lamang. “Ang ganito ay hindi mpapalalabas ng anoman maliban sa panalangin at pag-aayuno.” Matitiyak mong lubos na ang mga salitang “at pag-aayuno” ay nasa orihinal na Griyegong manuskrito. Ang na Demonyong Gnostikong mga monghe ay inalis ang dalawang mga salitang iyan. Ang makabang mga simbahan kasama ng kanilang mga tinawag na mga makabagong mga Bibliya, ay naialas ang dalawang mga salitang iyan. Bakit? Dahil gustong nakawan ng Diablo ang mga simbahan sa huling mga araw ng kapangyarihan ng Diyos upang iligtas ang mga nalito ng demonyong mga kabataan – iyan ang dahilan!

“At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) [KJV].

Maari nang magsi-upo.

Iyan ang dahilan na kailangan nating mag-ayuno at manalangin! Iyan ang paraan upang matanggap ang kapangyarihan ni Kristo! Iyan ang paraan na makuha ang mga nawawalang mga taong mapagbagong loob. Iyan ang paraan na makuhang mabuksan ang pinto ng kapangyarihan at biyaya ng Diyos! Iyan ang paraan upang matalo si Satanas at kanyang mga demonyong puwersa! Amen!

“At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]”!!

Aleluya! Binigyan tayo ng Diyos ng isang espada upang talunin ang kaaway. At ang espada ay ang “panalangin at pag-aayuno.” Ngayon lumipat sa Isaias 58:6.

“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?” (Isaias 58:6).

Maari nang magsi-upo. Ipinapakita ng bersong ito na ang pinili ng Diyos na pag-aayuno ay nagdadala ng kapangyarihan ni Kristo sa nawawalang mga makasalanan. Ang pag-aayuno at panalangin ay nagpapaluwag ng mga kadena ng kasamaan, at pinapawalang bisa ang mabigat na karga – at pinapalaya ang napighati – at winawasak ang bawat demonikong atang! Ito’y ang pag-aayuno at panalangin ang nagdadala ng mga kabanalan ni Kristo sa mga nabulag ni Satanas at napighating ng demonyong mga tao! Sinabi ni Hesus,

“Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon” (Lucas 4:18-19).

At ito’y sa pamamagitan ng pag-aayuno at panalangin na ang mga kabanalan ni Kristo ay ginawang kilala sa kontrolado ni Satanas na mga makasalanan!

Sinabi ni Arthur Walis, “Inilalantad ng Diyos sa pamamagitan ni Isaias na ang kalikasan ng pag-aayuno na Kanyang pinili ay [iyon] ng sa pagpapalaya…ito’y tiyak na mayroong aplikasyon sa espiritwal na kaharian. Ang mga tao ay nagapos, hindi ng metal na mga kadena o bakal na mga kadena sa paa, ngunit nga mga di nakikitang mga kadena ng kasamaan. [Iyong mga nag-aayuno] ay lumalaban sa pagkakapighati na hindi sosyal kundi espirituwal, Sataniko pa nga…Ang marunong makakita ng kaibahan na mata ay makikita na marami sa mga ating nasasalubong sa daan ng buhay ay napighati ng diablo, nayamot ng mga demonyo, nagapos ng mga puwersa na hindi nakaiintindi at mula sa mga ito hindi sila makalaya” (Isinalin mula sa Ang Napiling Pag-ayuno ng Diyos [God’s Chosen Fast], mga pah. 63, 64). Ang pag-aayuno at panalangin ay makatutulong na masira ang mga kadena na bumubulag sa mga kalalakihan at mga kababaihan sa pagka-alipin sa Diablo. Ang pag-aayuno ay isang makapangyarihang sandata, na inaatas ng Diyos, upang sirain ang hawak ni Satanas sa mga puso ng mga tao.

Kapag tayo ay mag-ayuno dapat tayong manalangin para sa Diyos na magpadala ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan. Ang mga tao ay di natural na nakukumbinsi ng kanilang kasalanna. Sa kalikasan ang lahat ng mga tao ay nagpapatunay ng sarili. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay kinakailangan. Kapag ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kinamumuhian ng mga tao ang kanilang kasalanan, at iniiwanan ang makasalanang mga kagawian. Sila’y nakukumbinsi ng kanilang sariling mga makasalanang mga puso. Kapag tayo’y mag-ayuno dapat tayong manalangin para sa Diyos na magpadala ng malalim na kumbiksyon ng kanilang makasalanan at mapagrebeldeng mga puso. Ang pag-aayuno at panalangin ay maaring magamit ng Diyos upang magdala ng kombiksyon. Na walang kumbiksyon ng kasalanan ang Ebanghelyo ni Kristo ay hindi makabuluhan sa kanila. Iyan ang mail sa marami sa mga “batang simbahan.” Binilang ko sila noong isang gabi. Kaunti lamang sa kanila ang naging mga tagasunod ni Kristo. Wala sa mga iba ang napunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kanilang kasalanan, at pagkamakamundo. Dapat tayong mag-ayuno at manalangin para sa Diyos na kumbinsihin sila, at sirain ang kanilang mga puso at baguhin sila upang mga mapagkumbabang mga disipolo ni Hesus!

Ang espiritu ng Diyos lamang ang makagagawa sa mga taong magsisi. Ang pag-aayuno at panalangin ay madalas nagdadala ng hangal na taong makita ang pangangailangan nila sa Dugo ni Kristo upang gawin silang malinis sa paningin ng namumuhi sa kasalanang Diyos. Ang pag-aayuno at panalangin ay ang paraan na ibinigay ng Diyos upang mapanalanging bumaba ang Banal na Espiritu upang gawin ang gawaing ito sa mga puso ng mapagrebeldeng mga makasalanan na kasama natin!

Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Mayroong maraming beses na dapat tayong lumingin sa lahat ng ibang mga bagay sa mundo at hanapin ang mukha ng Diyos. Sa ganoong mga panahon ay dapat panahon ng pag-aayuno at panalangin” (Isinalin mula sa Panalangin: Paghihingi at Pagtatanggap [Prayer: Asking and Receiving], pah. 216).

Iniisip ko na iyon sa inyong ligtas ay maiisip na kailangan pa nating higit ang Banal na Espiritu sa ating simbahan. Kailangan natin ang Kanyang presensya kapag tayong manalangin. Kailangan natin Siyang ipakita sa atin na kung anong gusto Niyang gawin sa ating mga buhay. Kailangan natin Siyang ipakita sa pastor kung anong ipangangaral. Kailangan nating Siyang gawin tayong mga panalanging mandirigma. Kailangan natin Siyang dalhin ang mga nawawala at panatilihin sila rito pagkatapos nilang mapagbagong loob. Kailangan natin Siyang magdala ng mahabang panahon nang nawawalang muling pagkabuhay sa atin. Kailangan natin Siya sa atin, upang payukuhin tayo, sirain tayo, at hulmain tayong gawin ang Kanyang kagustuhan. Madalas tayong kumanta,

Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Tunawin ako, hulmain ako, Biyakin ako, payukuin ako.
Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
   (“Espiritu ng Nabubuhay na Diyos.” Isinalin mula sa
      “Spirit of the Living God” by Daniel Iverson, 1899-1977;
         binago ni Dr. Hymers).

Ang maliit na kanta na ito ay maging isang tunay na panalangin kapag tayo’y mag-ayuno at manalangin para rito. Kayong mga espiritwal na mga Kristiyano ay alam na kailangan natin ang Espiritu ng Diyos na bumaba sa atin – upang baguhin ang mga puso ng ating mga makamundong mga kabataan, parehong ang makamundong mga kabataan ng simbahan at mga makamundong mga kabataan mula sa labas ng simbahan. Kung gayon hinihiling ko na isaad ang Sabado bilang isang araw ng pag-aayuno at panalangin – hanggang sa magsamasama tayo rito sa simbahan ng 5:30 ng hapon para sa isang panalanging pagpupulong. Pagkatapos ng panalanging pagpupulong magkakaroon tayo ng maliit na hapunan. Walang ebanghelismo sa sunod na Sabado na gabi, isa lamang panahon ng panalangin pagkatapos ng araw ng pag-aayuno. Marami tayong nagawang pag-eebanghelismo – ngunit napaka kaunting bunga mula rito kamakailan lang.

Sinabi ni Paul G. Cook sa kanyang aklat na Apoy Mula sa Langit [Fire From Heaven], “Ang ebangheliksmo lamang ay hindi magbubunga ng nagtatagal na resulta, hangga’t ito’y kasama ng isang pagkilos ng Banal na Espritu” (Isinalin mula sa pah. 108). Sinabi niya na ang maagang mga Metodista ay “alam ang pag-unlad ng kanilang mga simbahan at ang kanilang sariling pagkapala ay nakasalalay sa Diyos na bumababa at binibisita sila.” Sinabi niya, “Ang mga simple, nananampalataya mga kalalakihan at kababaihan ay humanap ng nakamamanghang gawain ng Diyos sa kanila. Naniwala sila na maliban na ang Diyos ay kumilos sila’y walang kapangyarihan upang makamit ang kahit ano sa kanyang pangalan. Ipinapaliwanag nito bakit sila nanalangin ng higit-higit na mayroong higit na pagsigasig” (isinalin mula sa pah. 105). “Naniwala sila na ang pagkalat ng ebanghelyo at kalusugan ng simbahan ay nakasalalay ng lubos sa pabor at kapangyarihan ng Diyos, at iyan ang dahilan na sila’y nanalangin ng higit” (isinalin mula sa pah. 28).

Mag-ayuno tayo at manalangin para sa Diyos na bumaba sa ating simbahan na may kapangyarihan upang baguhin ang mga puso ng makamundong mga kabataan, parehong mga bata sa simbahan at mga bagong mga bata. Kung ika’y malusog na sapat, umiwas sa lahat ng pagkaain hanggang pagkatapos ng ating panalanging pagpupulong rito sa simbahan ng 5:30 ng hapn sa sunod na Sabado. Kung ika’y malusog na sapat mag-ayuno, at manalangin lang sa buong araw para sa Espiritu ng Diyos na bumaba sa ating simbahan. Kung mayroong kang katanungan tungkol sa kung ika’y malusog na sapat upang mag-ayuno, tunungin si Dr. Chan o Dr. Judith Cagan muna. Sasabihin nila sa iyo kung ikaw ay malusog na sapat upang mag-ayuno. Kung ika’y sanay na uminom ng kape o tsaa, maari kang magpatuloy na magkaroon ng isang tasa o dala upang iwasang magkaroon ng sakit ng ulo. Ang natira ng oras uminom lamang ng tubig. Tiyakin na uminom ng maraming tubig sa buong araw, lalo na kung ika’y nagtratrabaho. Uminom ng isang tasa ng tubig kada oras. Tumayo tayo magkakasama at kantahin ang himno bilang 6.

Kapag tayo’y maglakad kasama ng Panginoon sa ilaw ng Kanyang Salita,
   Anong luwalhati na ibinubuhos Niya sa ating daan!
Habang ginagawa natin ang Kanyang mabuting kagustuhan, Tumatahan pa rin Siya kasama natin,
   At sa lahat ng magtiwala at sumunod.
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
   Na maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.

Ngunit di natin kailan man mapatutunay ang galak ng Kanyang pag-ibig
   Hanggang sa ang lahat sa altar ay ilagay natin;
Dahil ang pabor na ipinapakita Niya, para sa galak na ibinibigay Niya,
   Ay para sa kanila na nagtitiwala at sumusunod,
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
   Upang maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.

Tapos sa samahang matamis tayo’y uupo sa Kanyang paa.
   O lalakad tayo sa Kanyang tabi sa daan;
Ang sinasabi Niya gagawin natin, kung saan ipadadala Niya tayo ay pupunta;
   Huwag kailan man matakot, magtiwala lamang at sumunod.
Magtiwala at sumunod, dahil walang ibang paraan
   Upang maging maligaya kay Hesus, kundi magtiwala at sumunod.
(“Magtiwala at Sumunod.” Isinalin mula sa “Trust and Obey” ni John H. Sammis, 1846-1919).

Iuwi ang pangaral na ito ngayong gabi. Basahin ito muli’t muli bago ka matulog bawat gabi sa susunod na linggo. Kantahin ang koro at himno kapag manalangin ka bago matulog. Basahin ito muli sa Sabado at kantahin ang himno at koro habang manalangin ka sa araw. Kantahin ang koro muli,

Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.
Tunawin ako, hulmain ako, Biyakin ako, payukuin ako.
Espitiu ng nabubuhay na Diyos, Bumaba, panalangin namin.

Kung hindi ka pa ligtas, panalangin namin na ika’y magsisisi at magtiwala kay Hesus. Ang Kanyang Dugo ay lilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay ay magbibigay sa iyo ng walang hanggang buhay. Magtiwala sa Kanya at ililigtas ka Niya mula sa kasalanan at paghahatol na darating. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 17:14-21.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Halina, Aking Kaluluwa, Iyong Paghahabla Ihanda.” Isinalin mula sa
“Come, My Soul, Thy Suit Prepare” (ni John Newton, 1725-1807).