Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
AKO’Y PINABAYAAN NI DEMAS!DEMAS HAS FORSAKEN ME! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito” |
Ang taong ito na si Demas ay tinukoy ni Pablo ng tatlong beses sa Bagong Tipan. Siya ay tinawag na kasamang kayod ni Pablo sa Filimon 24. Ngunit sa Mga Taga Colosas 4:14 siya ay binanggit lamang. Sinabi ni Dr. McGee,
Noong unang binanggit ni Pablo si Demas, tinawag niya siyang kasamang kayod. Rito [sa Mga Taga Colosas 4:14] simpleng sinasabi niya, “at si Demas”; sa palagay ko ay ipinapakita nito na si Pablo ay [hindi] talaga tiyak patungkol sa kanya sa panahong ito. Maya-maya iiwanan ni Demas si Pablo. Anong trahedya ito (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], kabuuan V, p. 365; sulat sa Mga Taga Colosas 4:14).
Kaya kapag tayo’y mapunta sa ating teksto, sinabi ng Apostol,
“Ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito” (II Ni Timoteo 4:10).
Ang Griyegong nasalin na salita na “pinabayaan” ay nangangahulugang “lubos na pinabayaan, na may kaisipan na pag-iiwan sa isang tao sa isang katakot-takot na kalagayan” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur [MacArthur Study Bible]).
Makikita mo ang mga taong gumagawa nito ng maraming beses kung magpapatuloy kang maging isang tunay na Kristiyano. Tinitignan ko ang ilang mga lumang letrato ng aking asawa sa kanyang kaarawan ilang taon noon. Sa katunayan ang letrato ay kinuha mga dalawampu’t limang taon noon. Ang aking asawa ay parehas ang itsura ngayon. Ngunit ako’y mukhang mas matanda dahil tumaba ako mula sa paggamot ng kanser na aking tinatanggap. Sa isa pang larawan ang aking asawa ay naka-upo sa isang grupo ng labin dalawang mga tao. Mula sa labin dalawang iyon, tatlo lang sa kanila ang narito pa rin sa simbahan – si Ileana, si Leslie at si Gg. Prudhomme. Ang ibang siyam na mga tao ay iniwan tayo. Nakikilala ang bawat tao masasabi ko lamang ang nasabi ni Pablo,
“Ako’y pinabayaan [nila], palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito” (II Ni Timoteo 4:10).
Iyan ay totoo sa bawat isa sa siyam na mga miyembro ng simbahan sa larawang iyon. Iniwan nila tayo at bumalik sa sanglibutan. Mangyayari ba ito muli? Oo, siyempre ito’y mangyayari muli. Sa katunayan bawat taong umiibig sa kasalukuyang mundong ito ay lilisanin ang ating simbahan malapit na o maya-maya pa. Iyong mga nanatili ay walang dudang makikita ng isang letrato na nakuha ngayon – at makikita mo ang mga tao rito at malalaman na iniwan nila tayo “palibhasa’y inibig […] ang sanglibutang ito.” Kahit na ang Diyos ay magpadala sa ating ng isang dakilang muling pagkabuhay, at marami ang nagsama-sama, ito’y maging totoo na ang iba ay lilisanin tayo, “palibhasa’y iniibig […] ang sanglibutang ito.”
Hindi ko sinasabi ito upang pasamain ang iyong pakiramdam. Sinasabi ko lamang ito upang hindi ka magulat kapag ito’y mangyariyari. Ang mga salitang ito na ibinigay sa Bibliya ay nagbibigay babala sa atin. Ito’y hindi lamang mangyayari sa Apostol Pablo. Ito’y mangyayari sa iyo at sa akin rin.
“Ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito.”
Anong mali kay Demas? Sinasabi ng Mathew Henry na kumentaryo si Demas ay “tinawag paalis mula sa pangangasiwa ng sekular na mga pangyayari, kung saan napulupot niya ang kanyang sarili… Si Kristo at ang kanyang ebanghelyo ay pinabayaan at kinalimutan, at siya’y umibig sa sanglibutan. Pansinin: ang pag-ibig sa kasalukuyang mundo ay madalas ang sanhi ng apostasiya mula sa katotohanan at mga paraan ni Hesu-Kristo” (tala sa II Ni Timoteo 4:10).
Si Dr. MacArthur ay mali sa Dugo ni Kristo. Ngunit nagsasabi siya ng ibang mga bagay na totoo. Sinabi ni Dr. MacArthur, “Si Demas ay isang katamtamang panahong disipolo na hindi kailan man nabilang ang halaga ng isang tunay na pangakao kay Kristo”(Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni MacArthur, ibid.). Ang uri ng taong ito ay inilarawan sa Parabula ng Maghahasik,
“At... ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).
Hindi sila kailan man nagkaroon ng tunay na pagbabagong loob. Hindi pa sila naka-ugat kay Kristo. Kaya, kapag ang tukso ay dumarating, sila’y umaalis mula sa kanilang simbahan, at sila’y bumabalik sa makamundong mga paraan. Ito’y madalas na nangyayari sa panahon ng pagbabago. Isang panahon ng pagbabago ang dumating kay Demas noong si Pablo ay inilagay sa bilangguan. Ang lahat ng bagay ay nagbago para sa kanya. At sa panahon ng pagbabago, ito’y inilantad sa kanila na wala silang tunay na ugat kay Kristo – at bumalik sila sa mundo at pinabayaan si Pablo.
Nakita natin itong mangyari kapag ang mga kabataan ay nagtatapos mula sa kolehiyo. Ito’y isang panahon ng pagbabago. Iniisip nila na wala kailan man ang dumadaan sa ganito noon! “Nako, nako! Mayroon akong isang karir sa harapan ko! Hindi mo ako maasahang magdusa para kay Kristo at maging mapagpananampalataya! Iyan ay noong ako ay isa lamang bata! Ngayon na matanda na ako kailangan kong ibigay ang lahat ng aking lakas sa aking karir. Hindi mo ba naiintindihan? Ito’y aking karir!” O oo, naiintindihan ko itong lubos! Kita mo, dumaan rin sako sa parehong bagay. Ang pagkakaiba sa pagitan natin ay patuloy kong sinundan ang halimbawa ni Pablo, at ika’y naging napulupot sa kasalukuyang mundong ito. Ang pagkakaiba ay ako’y napagbagong loob – at ika’y gumawa lamang ng isang huwad at mababaw na “desisyon.” Noong ika’y sinubok, wala kang ugat! Mayroon akong ugat kay Kristo, at hindi ka kailan man nagkaroon ng isa! Ito’y kasing simple niyan!
O ang pagsubok ay madalas dumarating sa ibang panahon ng pagbabago. Ang mga kabataan ay umiibig, lumalabas kasama ng iniibig nila, at sa panahong iyan itinatapon nila ang simbahan at lumulubog sa mundo.
O maari itong dumating kapag ika’y magkaroon ng mga anak. Iniisip ko, “Pagkatapos ng lahat, mayroon na akong anak na! Hindi mo ako maaasahang maging mapagpananampalataya sa Panginoon ngayon!” Ipawalang bahala mo na ang natira sa atin ay naging mapagpananampalataya sa pagdadala ng aming mga anak sa bawat paglilingkod. Iniisip mo na walang ibang dumaan rito noon! Ngunit ang tunay na dahilan ay na wala kang ugat kay Kristo – nagkaroon ka lamang ng isang huwad na pagbabagong loob, hindi isang tunay na isa! Kung kinuha mo ang maling daan noong nagtapos ka mula sa kolehiyo, hindi ka kailan man makababalik sa tamang landas. Maaring gumagawa ka ng ilang mga bagay sa simbahan, ngunit hindi ka kailan man magiging makapangyarihang sundalo ni Kristo sana ay ika’y naging! Na ika’y dapat naging! Ang manunulang si Robert Frost ay tanyad na nagsabing,
Sasabihin ko ito na mayroong buntong hininga
Sa isang lugar saan man panahon at panahon mula ngayon:
Dalawang daan ang naghiwalay sa isang kagubatan, at Aking –
Kinuha ang daan na mas kaunti ang naglalakbay rito,
At iyan ang gumawa ng pagbabago.
(“Ang Daan na Hindi Kinukuha.” Isinalin mula sa
“The Road Not Taken” ni Robert Frost, 1874-1963).
Sa oras na iyong kunin ang maling daan, walang pagbabalik. Sa limang pu’t walong taon ng pangangasiwa hindi pa ako nakakakita ng isang taong gumagawa nito! Wala ni isa! Tandaan, si Demas ay di kailan man bumalik kay Pablo – at hindi ka rin babalik! Ibig sabihin, maging lubos na maingat kung anong daan ang kukunin mo sa pagbabago ng buhay. Ang mundo ay magsasabi sa iyo na maari mong baguhin ang iyong buhay ng isang dosenang beses. Ngunit ang mundo ay nagsisinungaling kapag sinasabi nito iyan. Hindi pa ako nakakakita ng isang buhay na lubos na nabago. Natatandaan ko ang isang babae na sinubukang desperadong baguhin ang kanyang buhay. Binanggit niya ito palagi noong nanirahan ako sa isang nirentahang silid sa kanyang bahay. Pagkatapos ng maraming taon ng pagsusubok na baguhin ang kanyang buhay, sa wakas ay nasiraan siya ng ulo. Totoong kwento! Mag-ingat sa kung anong daan ang iyong kukunin, aking kaibigan! “Kung susundan ko ang daan ni Kristo, mayroon akong mawawal! Mawawala ko ang isang bagay na napaka halaga,” sinabi niya. At kaya nasiraan siya ng ulo –
gaya ni Demas na nawala ang kanyang kaluluwa!
“Ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito.”
Nabuhay na ako ng tatlong sangkapat ng isang siglog. Kapag nabuhay ka ng ganyan katagal makikita mo ang mga haligi ng mukha na dumaan sa iyong buhay. Haligi kada haligi ng mga mukha! Maraming bilang, daan-daan, libo-libo! Haligi kada haligi kada haligi ng mga mukha. At anong sinasabi ng mga mukhang iyon? Habang sila’y padaan sa harap ko sa kadiliman, sinasabi nila, “Walang anomang bagay sa mundong ito na nararapat na pagkawalan ang iyong kaluluwa! Mawala ang iyong kaluluwa para riyan! Nababaliw ka na ba?” Iyan ang ibinubulong ng mga kaluluwa sa akin habang sila’y pababa sa kadiliman.
“Ang aking buong buhay ay nasa harap ko,” ang sabi mo. Hindi ka makikinig kapag sasabihin ko sa iyo ito’y ilang buwan lamang. Kumakalampag ang mga ito na napaka bilis hindi mo alam kung saan ito nagpunta, kapag ika’y tumayo sa gilid ng walang katapusang gabi, at ito’y masyado nang huli magpakailan man upang baguhin ang iyong buhay! Alin ay wala kailan man ang nakagagawa, pagkatapos nilang tanggihan ang daan na hindi tinatahak. Tandaan, si Demas ay di kailan man bumalik! Sasabihin ko sa iyo ang ilang kwento ng mga tao tulad niyan.
Ang tatay niya ay isang mangangaral. Tinugtog niya ang piyano sa kanyang simbahan. Siya ay isang simpleng babae, walang titignan. Kaya kapag ang isang masamang lalake ay tumingin sa kanya siya’y sumama sa kanya, kinalimutan ang pananampalataya na hindi niya talaga nakilala, at sumama kasama niya, hanggang sa biniyak niya ang kanyang puso, at nakipaglaban siyang gumawa ng isang buhay para sa kanila. Hindi ko siya matulungan ngayon. Siya ay masyadong matanda at malungkot upang marinig ang mga salita. Binuhat ko siya sa aking likuran sa ulan papunta sa ospital kung saan siya’y namatay. Ang kanyang puso ay namatay mahabang panahon noon pa. Itinago ko ang kanyang piyano sa aking sala upang paalalahanan ako ng daan na hindi niya kinuha.
Iniwanan niya ang bukid muna, dahil siya ang pinaka matandang anak na lalake. Alam niya ang gusto niya, at nakuha niya ito, pinakasalan niya ang isang mayamang babae at gumawa ng maraming pera. Ang asawa niyang di magka-anak ay gusto ng isang batang babaeng anak ng lubos na binilihan niya siya ng isa. Marami na siya pera ngayon. Akala niya mabibili niya ang kahit anong bagay! Tapos ang kanyang asawa ay namatay. Tapos ang batang babae ay naging masama. Tapos siya’y naiwang mag-isa sa kanyang malaking tahanan. Nahanap nila siya roon, ikinandado ang kanyang kwarto na mayroong baril sa kanyang kamay, hindi makagalaw dahil sa atake. Nagpunta ako sa ospital upang makita siya. Hindi siya makapagsalita. Kinuha ko ang kanyang kamatay upang manalangin para sa kanya. Sumigaw siya na parang isang mabangis na hayop, napaka lakas hindi ako makapag-isip. Noong nakita ko siyang sunod siya ay nakahiga sa isang mamahaling kabaong. Isang bangaw ang pumugad sa kanyang mukha. Siya’y isang napaka yamang tao, ngunit wala siyang buhay upang wisikin ang bangaw papalayo. Itinatago ko ang kanyang larawan sa oleo sa aking sala upang paalalahanan ako ng kalyeng hindi niya tinahak.
“Ang aking buong buhay ay nasa harap ko,” ang sabi mo. Hindi ka makikinig kapag sasabihin ko sa iyo na ito’y ilang buwan lamang. Kumakalampag itong napakabilis na hindi mo malalaman kung saan ito nagpunta kapag tumayo ka sa gilid ng walang hanggang gabi, at hindi ito huli na upang baguhin ang iyong buhay! Na wala sino ang gumagawa pagkatapos nilang tanggihan ang daan na hindi kinukuha. Si Demas ay hindi kailan man bumalik kay Pablo.
Noong huling gabi ng Linggo sinabi ni Dr. Cagan ang tungkol sa aking buhay. Sinabi niya na ito’y “maraming taon ng digmaan, pagtataksil at mga dagok.” Para sa iyo, marahil, mukhang ang buhay ng isang pastor ay masyadong mahirap, mahaba, at puno ng kahirapan. Iniisip mo na siguro ito’y madali sa akin na kinuha ang maling sanga sa daan ng buhay. Siguro iyan ang inisip ni Demas noong nakita niya si Pablo na naka kadena, nagdurusa sa bilangguan. Ang aking asawa at ako ay nakapunta na sa bilangguan sa Roma. Kami’y nagpunta sa bilangguang selda kung saan isinulat ni Pablo ang II Ni Timoteo. Si Demas ay natakot na mapupunta rin siya doon. Kaya pinabayaan niya ang Apostol. Isinulat ni Pablo iyong mga teribleng mga salitang iyon,
“Ako’y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito.”
Ngunit mali si Demas. At ika’y mali. Ang daan na ito, kahit na mahirap, ay nagdala sa akin ng galak, nagbigay sa akin ng asawa rin masyadong nakamamangha upang ilarawan sa mga salita, at mga pagkakaibigan na hindi ko kailan man makikilala kung kinuha ko ang maling sanga ng buhay – noong ako pa rin ay isang binata.
Si Eric Booth-Clibborn ay ang apo ni William Booth, ang nakahanap ng lumang panahong Salvation Army, ang anak ng isang mangangaral. Si Eric ay nagpunta sa Aprika bilang isang Pagpupulong ng Diyos [Assembly of God] na misyonaryo. Namatay siya dalawang linggo pagkatapos niya, ang kanyang buntis na asawang si Lucile, at ang kanilang batang babaeng anak ay dumating sa kaparangan ng misyon. Siya ay 29 na taong gulang lamang noong siya’y namatay. Maya-maya ang kanyang asawa ay sumulat ng kanyang mala trahedyang kamatayan sa isang aklat na pinamagatang “Masunurin Hanggang sa Kamatayan” [“Obedient Unto Death”]. Sinabi niya ang isang paglilingkod na siya at si Eric ay nagpunta bago sila umalis para sa Aprika. Nanalangin sila at kumanta ng isang kanta na isinulat ng ina ni Eric,
Sa Iyong paa ako buamagsak
Isinuko Sa Iyo ang aking lahat
Upang magdusa, mabuhay at mamatay
Para sa aking Panginoong naipako sa krus.
Sa kanyang aklat sinabi ng asawa ni Eric ang tungkol sa kanyang libing. Ang mga katutubong mga Aprikano na di kailan man nadinig ang ebanghelyo noon ay nagpunta ng daan-daan upang makita ang isang Kristiyanong libing. Isinulat niya, “Tapos, pagkatapos ng isang salita ng panalangin, nang takip ay inilagay sa kabaong at ang mga pako ay ipinako. Mailalarawan mo ang sakit na tumusok sa aking puso sa bawat pagpuk-pok ng martilyo.” Tapos sinabi niya, “Natanto ko na ang kasalukuyang misyonaryong tagumpay ay matindi dahil sa kawal ng mga martir na inilatag ang kanilang mga buhay sa kaparangan ng [misyon] para sa namamatay na mga kaluluwa na inibig nilang lubos. Ito’y sinabi na ang isang nag-iisang libingan sa malalayong mga lupain ay minsan gumawa ng mas tumatagal na marka sa mga buhay at mga puso ng mga katutubo kaysa isang panahon ng buhay na pagpupunyagi; na isang simpleng gawa sa kahoy na krus sa ibabaw ng isang burol ng lupa ay kumausp sa na mas higit na malinawang kaysa sa isang rami ng mga salita.”
Si Eric Booth-Cliboorn ay 29 taong gulang lamang noong nagpunta siya sa kaparangan ng misyon, sa isang lugar kung saan ang Kristiyanismo ay di kilala. Nabuhay lamang siya ng dalawang linggo pagkatapos niyang dumating doon. Ang nag-iisang pangaral na ibinigay niya ay ang kanyang buhay, sinabi ng isang sa kanyang libing na pangaral, habang ang daan-daang mga di ligtas na mga katutubo ay nakinig.
Ngunit ang isang maliit na libing ang simula ng Kristiyanismo sa Burkina Faso. Ngayon ang mga Pagpupulong ng Diyos sa bahaging iyon ng Aprika ay tinatandaan si Eric Booth-Clibborn bilang isang bayani ng pananampalataya, na ibinigay ang kanyang buhay upang sundan ang tawag ng Diyos. Ngayon ang Pagpupulong ng Diyos ay walang mapagkukumparahang ang pinaka malaking Protestanteng demoninasyon doon. Higit sa 4,500 sa kanilang mga simbahan at pangangaral na patuturo ay nag-aalay sa 1.2 milyong mga Aprikanong mga Kristiyano. Ang maikling buhay ni Eric ay gumawa kay Kristong kilala sa di nalalamang libo-libong mga bahagi ng Aprika kung saan walang puting tao ang nakapunta kailan man noon.
Noong nabasa ko ang kwentong iyan ilang araw noon naisip ko kinailangn kong sabihin iyan sa iyo. Anomang pagpahihirap ang iyong pagdaanan ay mababayaran muli ni Kristo balang araw. Naway tumalikod ka mula sa madaling daan na kinuha ni Demas noong pinabayaan niya ang Apostol at iniwan siya sa bilangguan. Naway tumalikod ka mula sa madaling daan, at kunin ang daan na mas kaunti ang tumatahak. Tignan ang II Ni Timoteo 4:17. Makinig sa Apostol Pablo pagkatapos na iniwan siya ni Demas sa mga kadena,
“Datapuwa't ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil...” (II Ni Timoteo 4:17).
Kabataang babae, kabataang lalake, naway sundan mo ang halimbawa ni Pablo! Naway makuha mo ang pananaw ni Pablo bilang iyong sariling pananaw! Naway matulungan mo kaming gumawa ng isang dakilang simbahan rito na maging isang kumikinang na lungsod rito sa isang burol sa buong mundo, “upang mapakinggan ng lahat ang mga Gentil” ang Ebanghelyo! Mga kabataang lalake, isipin kung anong maari ang ating simbahan, ano ito maaring maging, sa pammamagitan ng biyaya ng Diyos, ano itong maging! Kabataang babae, ibigay ang iyong pinaka mahusay kay Kristo!
Ibigay ang iyong kabataan at iyong lakas! Maging tulad ni Eric Booth-Clibborn! Ibigay ang iyong dugo para sa Tagapagligtas. Huwag magpigil ng kahit ano! Ibigay ang lahat ng mayroong ka kay Kristo! Magpunta sa ministro! Magpunta sa kaparangan ng misyon! Hayaan na ang mundo ay tawagin kang isang hanggal! Magpunta at magdala ng mga kabataan upang madinig ang Ebanghelyo! Ibigay ang iyong pinakamahusay na mayroon ka kay Kristo! Magsitayo at kantahin ang himno bilang 7 sa inyong kantahang papel.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit sa gitna ng lambak ako’y Iyong ginagabay,
Ang Iyong hindi kumukupas na luwalhati ay pinaliligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hangang sa ang Iyong luwalhati aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na aking makita lahat
Ang Iyong Banal na Imahen naglilinay sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; aking kaluluwa ay pinupukaw,
Kasama ang Iyong kaganapan, Ang Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hangang sa ang Iyong luwalhati aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na aking makita lahat
Ang Iyong Banal na Imahen naglilinay sa akin.
Punuin ang aking pananaw, huwag hayaan ang kasalanan
Malilim ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan na makita ko lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang hanganang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hangang sa ang Iyong luwalhati aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na aking makita lahat
Ang Iyong Banal na Imahen naglilinay sa akin.
(“Punuin ang Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Manatiling nakatayo.
Ang mga kwentong sinabi ko ngayong umaga ay lahat totoo. Ang babaeng tumakas mula sa simbahan ng kanyang ama at nag-asawa ng isang masamang lalake na sumira sa kanyang buhay ay ang ina ng aking amain. Ang mayamang lalake na kumulong sa kanyang sarili sa kanyang silid na mayroong isang barin sa kanyang kamay ay ang aking tiyo, ang mas matandang kapatid ng aking tatay. Ang babae na nasiraan ng ulo ay hindi ko ipakikilala dahil siya’y buhay pa.
Minsan lahat sila ay mga kabataan lang, tulad mo. Ngunit pinabayaan nila ang kanilang mga buhay na hindi naliligtas ni Hesus. Sinabi nila “hindi” kay Hesus na napaka raming beses na ito’y naging kinaugalian na, isang kinaugalian na napaka lakas na ang Diyos Miso ay iniwan sila sa kanilang wakas.
Kabataang lalake, kabataang babae, magsisi! Tumalikod mulas iyong masamang buhay – at magpunta kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. Magtiwala sa Kanya. Huhugasan ka Niyang malinis gamit ng Kanyang Dugo. Siya ay nag-aantay sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magtiwala kay Hesus at maging ligtas mula sa isang nasayang na buhay at walang pag-asang kawalang hanggan!
Lahat paki sara ang inyong mga mata. Kung gusto niyong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, gusto kong sundan ninyo si Dr. Cagan at John Cagan sa likuran ng awditoriyum na ito ngayon. Dadalhin nila kayo sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo at makapapanalangin. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 4:10-17.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Gusto Ko Pang Magkaroon si Hesus.” Isinalin mula sa
“I’d Rather Have Jesus” (mga salita ni Rhea F. Miller, 1922;
musika nilikha ni George Beverly Shea, 1909-2013).