Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG LAKAS NG KATANGIAN NG ISANG TAOISANG PARANGAL KAY DR. HYMERS SA KANYANG IKA-75 NA KAARAWAN THE STRENGTH OF A MAN’S CHARACTER – ni Dr. C. L. Cagan Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti” (Mga Kawikain 24:10). |
Paano mo dapat isukat ang kahalagahan ng isang tao? Ang mundo ay sinusukat ito ayon sap era. Ngunit sinabi ni Hesus, “Ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya” (Lucas 12:15). Hindi it pera – o mga titulo, o karanyaan, o mga kaluguran – na nagpapakita ng tunay na kalahagahan. Ano ang nagpapakita ng tunay na kahalagahan? Sinasabi ng ating teksto,
“Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti” (Mga Kaiwakain 24:10).
Ang salitang “kasakunaan” ay nangangahulugang “ang mga panahon kapag ang mga bagay ay laban sa iyo.” “Manglupaypay” ay nangangahulugang “susuko.” Sinasabi ng kumentaryo ni Mathew Poole, “Ito ang tanda na mayroon kang maliit na Kristiyanong lakas o tapang, dahil ito’y nalalaman sa pamamagitan ng kasakunaan.” Ang pagsubok ng isang tao ay kung anong ginagawa niya kapag ang mga bagay ay laban sa kanya! Sinasabi ng Geneva na Pag-aaral na Bibliya, “Ang tao ay walang pagsubok ng kanyang lakas hangang siya’y nasa gulo” (sulat ‘b’ sa Kawikain 24:10).
Iyan ang tunay na pagsubok ng tao – hindi kapag ang lahat ay maliwanag, kundi kapag ang lahat ay madilim. Sa pamamagitan ng pagsubok na iyan, ang ating pastor na si Dr. Hymers ay isang namumukod na Kristiyano! Ang kanyang buhay ay napuno ng kasakunaan. Kahit na naramdaman niyang mahina, hindi siya kailan man sumuko. Sinabi ni Dr. Bob Jones, Sr. (1883-1968), “Ang pasubok sa iyong katangian ay anong kinakailangan upang pahintuin ka.” Ilagay natin iyan sa ibang paraan. “Ang pagsubok ng iyong katangian ay kung anong hindi pumipigil sa iyo.” “Kung walang makapipigil sa iyo, mayroong kang dakilang katangian.” Iyan mayroon ang aming pastor!
Ngayong gabi ating ipinagdiriwang ang kanyang ika-75 na kaarawan. Karamihan sa kanyang buhay ay puno na kasakunaan. Ang mga bagay ay laban sa kanya. Ang mga tao ay laban sa kanya. Ngunit patuloy-tuloy pa rin siya. Hindi ito sa pamamagitan ng kanyang sariling kapangyarihan. Ang verso ng kanyang buhay ay Mga Taga Filipo 4:13, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.” Ngayong gabi pinaparangalan natin ang ating pastor – at nagpapasalamat kami kay Kristo!
Gusto kong sabihin sa inyo ang tungkol sa buhay ni Dr. Hymers ayon sa anong kinailangan niyang harapin. Ang kanyang buhay ay isang kwento ng lakas at pagkasigasig at tagumpay sa pamamagitan ni Krisot! Ang lalim ng kanyang kasakunaan ay nagpapakita ng lalim ng kanyang lakas.
Kahit ang maagang buhay ng ating pastor ay puno ng kasakunaan. Hindi siya pinalaki sa isang Kristiyanong tahanan. Sa katunayan, nanggaling siya mula sa isang wasak na tahanan. Ang kanyang ama ay lumisan noong siya ay dalawang taong gulang. Ang kanyang ina, si Cecelia, ay minahal siya at inalagaan siya hanggang siya ay labin dalawang taong gulang. Tapos nagpalipat-lipat siya, naninirahan kasama ng mga kamag-anak. Nagpunta siya sa 22 na iba’t ibang mga paaralan bago siya nagtapos mula sa mataas na paaralan. Sa paaralan siya ay laging isang “bagong bata” – isang taga labas. Sa kanyang buhay siya ay isang “tunay na ulila” – na walang suporta o pagmamahal o pag-aaruga.
Ang Diyos ay mabuti sa kanya, kahit gayon man. Sinasabi ng Bibliya, “Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa” (Mga Awit 145:9). Ang Diyos ay nag-aaruga sa Kanyang mga anak, bago pa man sila naliligtas. Ang pagtatalumpati at pagdudulang guro ni Dr. Hymers, na si Ray Phillips, ay nakita ang kanyang talent para sa pagdudula at pagsasalita. Nagkaroon siya ng interes sa ating pastor at binigyan siya ng tunay na pag-aaruga. Si Gg. Phillips ay mabait at mabuti sa kanya. Ngunit natutuwa ako na nakita maya-maya ni Dr. Hymers na ang teyatro ay walang kabuluhan, at naging isang mangangaral ng Ebanghelyo!
Si Dr. Hymers ay hindi lumaki sa isang simbahan. Hindi siya nagkaroon ng isang normal na pamilya. Kung nagkaroon man siya, siya ay maaring naging mapaglabas at mahilig makipag-kapwa – isang mapagkaibigan. Ngunit ang lahat ng paglilpat at pagtatangi ay gumawa sa kanyang maging mapag-isa – isang taong tumitingin sa loob. Tumingin siyang seryoso sa kanyang sarili, at naisip niya ang tungkol sa Diyos. Maari mong isipin na si Dr. Hymers ay hindi isang mapag-isa, dahil nangangaral siyang napaka husay, at napakadalas na makipag-usap sa mga tao. Ngunit sa loob siya ay isang sensitibong tao, na nagkakamalay ng kanyang kahinaan. Hindi siya sumasalalay sa sarili niya kundi sa Diyos.
Sa buhay na iyan ng kasakunaan, ipinadala ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa tinatawag kong mga “bintana ng biyaya.”Dalawa sa mga kapit-bahay ng ating pastor ay sina Dr. at Gng. McGowan. Sila ang mga bintana ng biyaya para kanya. Sila’y mabuti sa kanay. Inimbita nila siya sa hapunan. Dinala nila siya sa kanilang simbahan, kung saan siya ay naging isang Bautista. Ang Diyos ay mabuti sa ating pastor noong siya ay isang nag-iisang kabataan.
Bilang isang binata pinag-pasyahan ni Dr. Hymers na hind imaging tulad ng kanyang kamag-anak. Nakita niya silang umiinom at nagmumurahan. Determinado siyang magpunta sa simbahan at mabuhay na tulad ng isang Kristiyano. Hindi pa siya napagbagong loob noon. Siya ay tulad ni Abraham noong sinabi niya, “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1). At
“Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon” (Mga Taga Hebreo 11:8).
Hindi lubos na nalaman ng Abraham kung anong nasa isipan ng Diyos. Hindi pa siya napagbagong loob noon. Ngunit siya’y “[sumunod] yumaon.” Iyan ang ginawa ni Dr. Hymers. Hindi pa siya napagbagong loob. Ngunit binago niya ang kanyang buhay. Tinatawag ito ng mga Teyolohiyanong “pananampalataya bago ng pananampalataya” – tumutugon sa Diyos bago ng pagbabagong loob.
Ang ating pastor ay hindi nakakuha ng suporta o papuri para sa papupunta sa simbahan. Ang kanyang mga kamag-anak pinakatawaan siya at sinabing “si Robert ay relihiyoso.” Ngunit sa pagkukutya, ang ating pastor ay sumunod sa tawag ng Diyos. Sinasabi ng ating teksto, “Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti.” Salamat sa Diys hindi siya nangalupaypay. Ang kanyag lakas ay hindi maliit, dahil binigyan siya ng Diyos ng lakas!
Sinabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin” (Juan 6:44). Ano ang pagdadalang iyan? Madalas nating isipin ito bilang ang pagpapakilos ng Diyos sa kaluluwa sa sandaling pinagkatiwalaan niya si Kristo, o bago lamang ng kanyang pagbabagong loob. Ngunit ang pagdadala ng Diyos ay nagsisimula ng matagal na bago pa niyan. Noong ginamit ng Diyos ang mga McGowans upang dalahin si Dr. Hymers sa isang Bautistang simbahan, ito’y bahagi sa pagdadala.
Sa edad na labing pito narinig ni Dr. Hymers ang kanyang pastor na si Dr. Maples na nagsabi, “Mayroong isang kabataan rito na kailangang sumuko sa pangangasiwa.” Namangha si Dr. Hymers sa kanyang pastor at gustong maging tulad niya. Sinong naglagay ng ispang iyan doon? Ito’y ang Diyos. Isinuko ni Dr. Hymers ang kanyang buhay sa pangangasiwa. Sinong nagpakilos sa kanyang gawin iyan? Ito’y bahagi sa pagdadala ng Diyos. Kahit na nabigo siyang abang-aba sa unang mga kaunting pagkakataon na nangaral siya, nagpatuloy siya. Maya-maya gusto niyang maging isang misyonaryo sa mga Tsino. Kaya nagpunta siya sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Iyan rin, ay bahagi ng pagdadala ng Diyos.
Sa taglagas ng taon 1961 ang ating pastor ay nagpunta sa Kolehiyo ng Biola. Si Dr. Charles J. Woodbridge ay nangaral ng isang linggo sa kapilya. Si. Dr. Woodbridge ay ipinanganak sa Tsina. Iniwanan niya ang Seminaryo ng Fuller dahil sa liberalism na pumapasok roon. Kaya, para sa dalawang mga dahilang iyon, si Dr. Hymers ay namangha sa mananalitang ito at nakinig sa kanyang maigi. Sinong nag-ayos niyan? Ang Diyos! Sa mga paglilingkod na iyan sa kapilya kinanta ni Dr. Hymers ang himno ni Charles Wesley na, “Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito na Ikaw na aking Diyos ay mamatay para sa akin?” Nakita niya na inibig siya ni Hesus at namatay para sa kanya. Habang nangaral si Dr. Woodbridge ng 10:30 ng umaga, ika-28 ng Setyembre taon 1961, nagtiwala si Dr. Hymers kay Kristo at napagbagong loob!
Gayon, sinimulan niya ang kanyang Kristiyanong buhay. Hindi ito naging madali. Kinailangan niyang magpunta sa kolehiyo. Ito’y mahirap para sa kanya. Ang kanyang mga kamag-anak ay kinailangang magpunta sa kolehiyo. Hindi siya nakakuha ng pagpapalakas ng loob o pera. Nadama niyang hindi niya ito magagawa. Ngunit kinailangan niyang magpunta sa kolehiyo upang maging isang misyonaryo, at kaya nagpunta siya. Ibinigay ng Diyos sa kanya ang kanyang berso ng kanyang buhay, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13). But in Christ, his strength was great! Sa lakas ni Kristo, nagawa niya ang naramdaman niya ay hindi niya magagawa! Nagtrabaho siya ng walong oras kada araw at nagpunta sa kolehiyo sa gabi – taon taon, habang gumagawa ng maraming oras ng trabaho sa simbahan. Hindi siya nagngalupaypay, kahit na ang daan ay mahaba at mahirap. Hindi lamang niya nakuha ang kanyang bachelor na digri at master na digri, kundi tatlong nakamit na pagkadoktor. Kay Kristo, nagkaroon siya ng lakas. “Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan, ang iyong kalakasan ay munti” (Mga Kawikain 24:10).
Hiniling ni Dr. Hymers na banggitin ko ang isa pang tao. Ito’y ang gitnang edad na babaeng isang tagamakiniliya kung saan nagtrabaho si Dr. Hymers. Naramdaman niyang nag-iisa sa mahabang mga taon ng panggabing paaralan. Ang babaeng itong, nagngangalang Gwen Devlin, ay kumausap sa kanya bawat gabi pagkatapos ng trabaho ay pinalakas ang kanyang loob. Madalas niyang sinabi sa akin hindi niya ay kailan man nagawa kung wala siya.
Pagkatapos kong ipinangaral ang pangaral na ito hiniling ni Dr. Hymers sa akin sa sabihin sa inyo ang tungkol sa apat na ibang mga tao na tumulong sa kanya. Si Murphy at Lorna Lum ay ang batang mag-asawa sa Tsinong simbahan. Noong si Dr. Hymers ay unang nagpunta doon inalagaan nila siya at trinato siyang parang kanila mas naka babatang kapatid na lalake. Dinala nila siya sa kanilang tahanan. Inilabas nila siya upang kumain pagkatapos ng panggabing paglilingkod halos kada gabi ng Linggo at naging tunay na mga kaibigan sa kanya. Ang pangatlong tao na gusto banggitin ko ni Dr. Hymers si Gg. Eugene Wilkerson. Siya ay isang mas nakakatandang puting lalake sa Tsinong simbahan. Si yang sekretarya ng Tsinong simbahan at gumawa ng maraming gawain doon. Siya ay naging kasing tagal ng buhay na kaibigan ni Dr. Hymers. Ang ating pastor ay gumuguol ng maraming oras kasama niya at iminaneho siya ni Dr. Hymers pauwi na gabing-gabi na kada Sabado ng gabi pagkatapos niyang iminakinilya ang buletin ng simbahan. Noong lumisan siya hiningi ng kanyang pamilya na isagawa ang kanyang libing sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Isa pang kaibigan na tumulong kay Dr. Hymers ay si Jackson Lau, isang batang Tsinong lalake na naging kanyang matalik na kaibigan.
Sa Tsinong simbahan, si Dr. Hymers ay nagtrabaho sa ilalim ng kanyang pastor na si, Dr. Timothy Lin (1911-2009). Si Dr. Lin ay isang namumukod na eskolar ng Bibliya. Siya ay isang banal na tao na naniwala na ang Kristiyanismo ay hindi isang panlabas na anyo, kundi isang nabubuhay na katotohanan. Iniligay ng Diyos ang ating pastor sa ilalim ni Dr. Lin upang sanayin siya upang maging isang makapangyarihang tao ng Diyos mismo.
Ang mga taong iyon ay hindi madali. Si Dr. Hymers ay ang nag-iisa lamang puting batang lalake sa simbahan. Ang trabaho ay mabigat, nangangaral at nagtuturo tuwing gabi ng Biyernes, Sabado ng Gabi at buong araw ng Linggo. Ang disiplina ay mahigpit. Ngunit ito’y para sa ikabubuti. Sinasabi ng Bibliya, “Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan” (Mga Panaghoy 3:27). Ginamit ito ng Diyos upang gawin siyang isang makapangyarihang tao ng Diyos. Ito’y ang kanyang tunay na seminaryo. Ginamit ng Diyos ang panahong ito upang ipakita sa kanya na kung ano talaga ang Kristiyanong pangangasiwa. Ang mga taong iyon ay mahirap. Ang kahirapan ng daan ay nagpapakita ng lakas ng katangian ng ating pastor. Si Dr. Hymers ay hindi naglupaypay. Mahirap ang daan – ngunit dakila ang lakas!
Ang Tsinong simabahan ay isang Katimugang Bautistang simbahan. Kaya si Dr. Hymers ay nagpunta sa isang Katimuang Bautistang seminaryo. Ngunit ito’y isang liberal na seminaryo kung saan ang mga propesor ay sinalakay ang Bibliya. Itinuro ng Diyos sa ating pastor na tumayo para sa Bibliya, kahit kan kinailangan niyang tumayong mag-isa. Pinakalas siya ng Diyos at pinaluwag ang loob noong naramdaman niyang nag-iisa at malungkot. “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13)
Bilang isang ministor, si Dr. Hymers at matapang at mapagpananampalataya. Ngayon maraming mga mangangaral ang kumukuha ng madaling daan. Wala silang sinasabi at walang ginagawa. Sila’y tulad ng mga mangangaral sa Israel kung saan sinabi ni Jeremias,
“Sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan... sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan” (Jeremias 6:13, 14).
Ngunit si Dr. Hymers ay nagsalita ng katotohanan kapag hindi ito madali. Tumayo siya laban sa liberalism sa Katimugang Bautistang seminaryo. Nagsulat siya ng isang aklat na inilalantad ito, at nagpadala ng literature sa lahat ng mga simabahan nilalantad ito muli’t muli. Ngayon ang mga seminaryong ito ay mga konserbatibo na.
Tumayo siya laban sa antinomiyanismo – ang kaisipan na maari kang maging isang Kristiyano at mabuhay ng isang buhay ng kasalanan. Ang mga bagong ebanghelikal ay nakakaligtaang magpupunta ng simbahan sa Linggo, nagsisisayaw, naninigarilyo ng mariwana, at nakikipagtalik sa labas ng pagkakasal. Sinabi noon ni Dr. Hymers – at sinasabi ngayon – na ang mga tao na nabubuhay tulad niyan ay hindi mga Kristiyano sa anumang paraan!
Ang ating pastor ay tumayo laban sa aborsyon. Hindi iyon madali. Si Dr. Hymers ay tumayo sa harap ng mga klinika ng paglalaglag kasama ng mga pulis na nakatayo sa kabila ng kalye, ipinapanganib na mabugbog at mabilanggo. Ngunit ang ating simbahan ay nagsara ng dalawang klinika ng paglalaglag. Ang kasakunaan ay matindi, ngunit si Dr. Hymers ay hindi naglupaypay. Anong isang tao ng Diyos!
Ang Hollywood ay gumawa ng isang naglalapastangan sa Diyos na pelikulang tinatawag na “Ang Huling Temptasyon ni Kristo.” Totoo, mayroong ibang mga tao na hindi sumang-ayon sa pelikula. Ngunit si Dr. Hymers ay nakipaglaban ng matindi laban rito! Siya ang tinatawag ng mga sundalo na “puntong tao,” na lumalakad na nauuna sa iba at ipinapanganib ang apoy ng kalaban. Ang kasakunaan ay matindin, ngunit si Dr. Hymers ay hindi nangalupaypay. Noong Agosto ng taon 1988, sa magasin ng Kristiyanismo Ngayon [Christianity Today], sinabi ni Dr. Bob Jones Jr., kanselor ng Unibersida ng Bob Jones, “Ito’y mukha sa akin na ang mga demonstrasyon ni Hymers ay ang mga nag-iisang na nagkaroon ng kahit anong epekto!” Ang Hollywood ay di kailan man gumawa ng isang pelikula tulad niyan muli! Ang kahirapan at sakit ng kanyang daan ay nagpapakita ng uri ng tao si Dr. Hymers. Sinabi ni Pangulong Theodore Roosevelt,
Hindi ang kritikoang mahalaga; hindi ang taong nagpupunto kung gaano nadarapa ang isang malakas na tao, o kung saan ang taga-gawa ng mga gawain ay maaring nagawa itong mas mahusay. Ang karangalan ay sa tao na tunay na nasa arena, na ang mukha ay nasira ng alikabok at pawis at dugo, na nagpupunyaging matapang…na iginugugol ang kanyang sarili sa isang nararapat na sanhi, na sa pinaka mahusay ay alam na sa katapusan ang tagumpay ng mataas na pagkatama at sino sa pinaka malubha, kung siya’y mabigo, sa pinaka kaunti ay mabibigo habang nangangahas na matindi, upang ang kanyang lugar ay hindi kailan man maging iyong malamig at mahiyaing mga kaluluwa na alam ang tagumpay o pagkatalo man.
Si Dr. Hymers ay isang tao sa arena, na nagpupunyagi sa pawis at dugo – para sa kanyang Tagapagligtas!
Si Dr. Hymers ay nagtrabahong nananampalataya bilang isang pastor. Nahanap niya ang dalawang mga simbahan. Isa sa kanila ay ating simbahan. Ngunit kahit saan man ay mayroong kasakunaan at mga peligro, sa loob ng halos apat na pung taon ng pagkikipaglaban at mga dagok. Ito ang sinabi ng Apostol Pablo, “Sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway” (I Mga Taga Corinto 16:9). Ito’y apat na pung taon ng magaspang na mga panahon, na napakaraming laban sa kanya. Ito gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, “sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid” (II Mga Taga Corinto 11:26). Binuhat ni Dr. Hymers ang bigat na binuhat ni Pablo, “ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia” (II Mga Taga Corinto 11:28). Gayon si Dr. Hymers ay hindi sumuko. Nadama niyang kapos at nalulungkod. NGunit hindi siya kailan man sumuko. Ang lakas ng kanyang katangian ay dakila!
Gayon, mayroong bintana ng biyaya. Binigyan ng Diyos si Dr. Hymers ng isang nakamamanghang asawa at dalawang lalakeng anak – at isang apong babae. Pinaka higit sa lahat, ang mga tao ay napagbagong loob. Napaka kaunting mga pastor ngayon ay makukuha ang mga taong mapagbagong loob mula sa mundo. Imbes kanilang inililipat ang mga tao mula sa ibang simbahan. Ito’y isang parangal kay Dr. Hymers na nananagumpay siya ng mga kaluluwa kay Kristo mula sa mga di Kristiyanong pinanggalingan. Lahat ng paralan sa kanya!
Gayon man, ang mga ito ay mga taon ng pakikipaglaban at pagkakanulo at mga dagok. Ito’y dalawang hakbang paharap, isang hakbang palikod – at madalas dalawang hakbang paharap, at tatlong hakbang palikod. Si Dr. Hymers ay trinatong parang dumi at minsan ay ganyan ang naramdaman. Ngunit siya ay nananampalataya. Hindi siya nangalupaypay!
May mga dumating na mga matinding kasakunaan. Isang “dating pinuno” ng ating simbahan ay umalis sa ating simbahan at kumuha ng 400 ng mga matatanda. Ang ating simbahan ay halos nawala ang gusaling ito. Muntik na tayong bangkarota. Isang tanyag na mangangaral ay nag-alay na iayos na si Dr. Hymers ng isang simbahan malapit sa San Jose. Sinabi niya, “Ito ang iyong huling pagkakataon upang makalabas.” Maraming mga pastor ang maari lumabas. Ngunit na ang mga miyembro na nagsisialais at ang simbahan na nasa pinanasyal na peligro – nanatili si Dr. Hymers! Dahil sa kanya at nananamapalatayang “Tatlompu’t Siyam” na mga tao na nagbigay ng kanilang oras at pera, mayroong tayong simbahan para sa iyo!
Alam ko noon na ang pasubok ng tao ay kung anong ginagawa niya sa panahon ng gulo. Mayroong dalawam pung taon noong ang lahat ay nagmukhang masama. Ang mga kaguluhan na hinarap ng ating pastor ay nagpapakita ng lakas ng kanyang katangian. Matindi ang kasakunaan. Napakadakila ng lakas!
Walang paghihiwalay ng simbahan rito ngayon. Ngunit mayroong ibang uri ng kasakunaan. Ilang taon noon sinabi sa akin ni Dr. Hymers na mayroon pa rin maraming mga pagsubok para sa kanya. Siya ay lampas na ng 70 taong gulang. Ako’y lampas na ng anim na pung taon na rin. Ngunit hindi ko ito naintindihan. Sinabi ko, “Ano? Hindi mo ikakait si Kristo sa iyong kama ng kamatayan!” Gayon man mayroong mga pagsubok, at kay Kristo ang ating pastor ay nakapasa sa mga pagsubok ng edad na may parangal at tagumpay.
Sa edad na 75 na taong gulang, na may kanser at pagkahina sanhi ng medikal na paggamot, karamihan sa mga kalalakihan ay nagretiro na. Ngunit ang ating pastor ay nagpapatuloy para sa ating simbahan at para sa Diyos! Nakita ko na siyang kinaladkad ang kanyang sarili sa pulpit at nangaral, na di halos makalakad, na mayroong pangingirot ng tiyan at napaka kaunting tulog sa gabing nauna. At paano siya nangangaral? Tulad ng isang leyon! Ang kanyang pinaka pagod na pangaral ay mas mahusay kaysa sa maririnig mo kahit saan pa man na nalalaman ko. Iyan ang dahilan na higit sa 140,000 na mga tao ang nagbabasa ng kanyang mga pangaral na manuskrito at nanonood sa kanya sa videyo sa 217 na mga bansa noong huling mga buwan. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga pastor sa buong mundo ay ipinangangaral ang kanyang mga pangaral sa kanilang mga simbahan. Siya ang patunay na kanyang berso ng buhay, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13).
Nananalangin ako na kanyang malalagpasan ang kanser at magkakaroon ng marami pang taon ng pangangasiwa. Ngunit si Dr. Hymers ay di mabubuhay na magpakialan man. Sinasbai ng Bibliya, “Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan” (Mga Awit 90:12). Karamihan sa mga tao ay hindi naiisip ang tungkol sa kaiksihan ng buhay. Karamihan sa mga pastor ay hindi rin. Hindi sila nagplaplano para sa anong mangyayari kapag wala na sila. Kaya ang kanlang mga simbahan ay sumasabok sa isang paghihiwalay, o sila’y dahan-dahang hihina at mamamatay. Salamat sa Diyos ang ating pastor ay nag-aalala para sa ating simbahan! Ito’y hindi mula sa kahinaan o pagkaawa sa sarili na nagsasalita siya sa kanyang hinaharap na kamatayan at hinihikayat kayong mga kabataan – ito’y isang pagkilos ng katapangan at pananampalataya! Kapag pinalalakas niya ang loob ng mga Kristiyanong kabataan na magpunta ng kasing layo sa pangangasiwa ng kanyang makakaya – ito’y isang gawain ng responsibilidad at tungkulin, ng respeto at pag-ibig!
Ngayon ang ating pastor ay nakarapa sa edad, karamdaman, at kaiklihan ng buhay. Ang pagkasukat ng tao ay makikta sa kaasakunaan, kapag ang mga bagay ay laban sa kanya. Kay Dr. R. L. Hymers Jr., makikita natin ang isang napaka laking tao sa katunayan!
Paano niya nagawa ang lahat ng mga bagay na ito? Paano niya ito nagawa? Kay Kristo! Ang ating pastor ay matutuwang sabihin na magagawa niya itong “lahat ng mga bagay ay aking magagawa lamang doon [kay Kristo na] nagpapalakas sa [kanya].” Nasaan ang lakas? Kay Kristo, Kristo at muli ka Kristo!
Sinabi ng Apostol Pablo, “Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo” (I Mga Taga Corinto 11:1). Sinasabi ko sa iyo, maging mga tagasunod ng ating pastor, gaya niya kay Kristo. Magtiwala kay Kristo. Paglingkuran Siya ng hanggang sa makakaya mo. Sinasabi ko sa iyo, si Kristo, si Kristo, at muli si Kristo!
Ngayong gabi ipinagdiriwang natin ang ika-75 na kaarawan ng ating pastor. Nagkolekta tayo ng isang pag-ibig na alay para sa kanya. Ngunit mayroong isang bagay na mas mahalaga na maibibigay mo. Bigyan mo siya ng isang dakilang simbahan! Pag-isipan kung anong maari ang simbahang ito, ano ito maaring maging, at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ano ito magiging! Bigyan mo siya ng isang simbahan na puno ng mga kabataan! Manalangin at mag-ebanghelismo at ibigin ang mga tao hanggang sa mayroon tayong isang simbahan na gusto ng Diyos! Bigyan mo siya ng isang dakilang simbahan!
Ngayon tinatanong ko sa iyo, mayroon ka ba ng Kristo ng ating pastor? Mayroon ka ba ng kanyang Tagapagligtas? Nagtiwala ka na ba kay Hesus? Na wala si Kristo wala kang kahit ano kundi kasalanan. Kung magtiwala ka sa Kanya magkakaroon ka ng kapatawaran sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Kung magtiwala ka sa Kanya, ika ay magiging naipanganak muli hanggang sa walang hanggang buhay. Panalangin ko sa iyo na malapit nang magtiwala kay Hesus. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Ang paboritong Salmo ni Dr. Hymers, Mga Awit 27:1-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Panginoong ay Dumating.” Isinalin mula sa
“The Master Hath Come” (ni Sarah Doudney, 1841-1926).