Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
INIIWANAN ANG ATING LUGAR NG KAGINHAWAAN–ISANG PANGARAL NA IBINIGAY SA IKA-75 NA TAON NG AKING KAARAWAN LEAVING OUR COMFORT ZONE – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). |
Magsasalita ako ngayong umaga sa paksa ng, “Pag-iiwan ng Ating Lugar ng Kaginhawaan – Isang Pangaral na Ibinigay sa Ika-75 na Taon ng Aking Kaarawan.” Kung susundan mo si Hesus ng maigi ika’y magdurusa, kahit sa pinaka kaunti. Kung hindi ka magdurusa sa kahit anong paraan hindi mo sinusundan si Hesus ng maigi. At kung susundan mo si Hesus dadalhin ka Niya palabas ng iyong lugar ng kaginhawaan. Ang ibig sabihin ng “lugar ng kaginhawan” ay isang lugar kung saan nararamdaman mong maluwag at hindi nasusubok. Isang taong takot na iwanan ang kanyang lugar ng kaginhawaan ay hindi kailan man mababago o mahahrap ang mga pagsubok ng buhay. Ang isang tao ay kailangang iwan ang kayang lugar ng kaginhawaan upang mapagbagong loob sa simula. Pagkatapos ng pagbabagong loob ang isang Kristiyano ay hindi lalagong malakas at hindi magiging isang mananagumpay na hindi iniiwanan ang kanyang lugar ng kaginhawaan upang makaharap ang bagong mga pagsubok. Iniwan ni Hesus ang Kanyang lugar ng kaginhawaan na maraming beses at dapat ay ikaw rin at ako.
I. Una, iniwan ni Kristo ang Kanyang tahanan sa Langit at bumaba sa lupa.
Siya ay kapantay ng Diyos ang ama sa walang hanggang nakaraan. Gayon iniwan ni Kristo ang kaginhawaan ng Langit at bumaba sa lupa, sa sangkatauhan, at hindi kilala kung sino Siya. Sinasabi ng Bibliya,
“Siya'y nasa sanglibutan... at hindi siya nakilala ng sanglibutan. Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:10, 11).
Sinasabi itong mahusay ng isang lumang himno,
Palabas mula sa garing mga palasyo,
Patungo sa mundo ng kapighatian,
Ang Kanyang dakilang walang hanggang pag-ibig
Ang gumawa sa aking Tagapagligtas na magpunta,
(“Mga Garing Palasyo.” Isinalin mula sa “Ivory Palaces”
ni Henry Barraclough, 1891-1983).
Isa pang lumang himno ang naglalagay ng mga salita sa bibig ni Hesus,
Ang tahanang ilaw ng Aking Ama,
Ang Aking luwalhating bilog na trono
Umalis ako para sa makalupaing gabi,
Para sa pagkakalibot malungkot at pagkaka-isa;
Iniwanan ko, iniwanan ko ang lahat ng ito para sa iyo,
Mayroong ka bang iniwan para sa akin?
Iniwanan ko, iniwanan ko ang lahat ng ito para sa iyo,
Mayroong ka bang iniwan para sa akin?
(“Ibinigay Ko ang Aking Buhay Para sa Iyo.” Isinalin mula sa
“I Gave My Life for Thee” ni Frances R. Havergal, 1836-1879).
Ang mga kantang iyon ay nagpakilos sa akin noong ako’y isang binata. Gumawa ako ng isang sadyang desisyon na magpunta sa Hong Kong bilang isang misyonaryo. Hindi ako kailan man nakapunta roon, ngunit alam ng Diyos ako’y handang magpunta at iwan ang aking sariling bansa. Iniwanan ko ang kaginhawaan ng isang puting simbahan at sumali sa isang Tsinong simbahan kung saan ako ang nag-iisang puting bata roon; ang nag-iisa pang puting lalake ay isa na mas matanda sa akin. Ako’y isang lubos na ibang kultura ngunit nanatili ako nagtuturo ng mga Tsinong mga bata, gumugugol ng maraming oras tuwing Biyernes, Sabado at Linggo, habang nagtrabaho ako ng isang walong oras kada araw ng trabaho at inalipin ang aking sarili sa kolehiyo sa gabi. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos alam ko na kailangan kong iwanan ang lugar ng aking kaginhawaan upang maging mabuting Kristiyano.
Iniwanan ko, iniwanan ko ang lahat ng ito para sa iyo,
Mayroong ka bang iniwan para sa akin?
Iniwanan ko, iniwanan ko ang lahat ng ito para sa iyo,
Mayroong ka bang iniwan para sa akin?
Hindi ako isang perpektong tao, ngunit masasabi ngayong umaga na hindi ako siguro magiging Kristiyano sa anumang paran kung hindi ko iniwanan ang aking lugar ng kaginhawaan upang tulungan iyong mga batang Tsinong lalake at babae mahabang panahon noon. “si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Iiwanan mo ba ang iyong lugar ng kaginhawaan upang matulungan ang bagong mga batang komportable sa ating simbahan?
II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan.
Malinaw na sinasabi ng Bibliya,
“Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).
Sinabi ni Hesus Mismo,
“Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lucas 19:10).
Si Kristo ay nagtrabahong lubos upang makatagumpay ng mga kaluluwa. Ito ang pangunahing layunin ng Kanyang buhya. At tayo ay tinawag upang gawin ang pagtatagumpay ng kaluluwa na ang pangunahing layunin ng ating buhay. Sinabi ni Hesus, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Dahil ang pagtatagumpay ng kaluluwa ang pangunahing gawain ni Kristo, ito rin dapat ang pangunahing gawain natin!
Sinong magpupunta at tutulungan ang Pastol na uring ito,
Tulungan Siyang hanapin ang mga naliligaw?
Sinong magdadala sa mga nawwala sa kawan,
Kung saan sila’y malulukob mula sa lamig?
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin sila papasok mula sa kaparangan ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin ang mga naliligaw kay Hesus.
(“Dalhin Sila Papasok.” Isinalin mula sa
“Bring Them In” ni Alexcenah Thomas, 19th century).
Pansinin na walang ni isang salita sa kanta tungkol sa pagpapasa ng mga polyeto! Pansinin na wala ni isang salita tungkol sa pagdadala ng mga pangalan at mga numero! Wala ni isang salita! Ang tema ng himno ay nasa pangalawang taludtod, “Sinong magdadala sa mga nawawala sa kawan, Kung saan sila’y malulukob mula sa lamig?” Ang pagtatagumpay ng kaluluwa ay kakailanganin na iyong iwanan ang iyong lugar ng kaginhawaan at talagang gumawa ng pagbabago sa buhay ng isang bagong bata! Gagawin mo ba ito? Hindi madaling hatakin ang iyong sarili papalyo mula sa iyong mga kaibigan upang tulungan ang isang bagong batang makapasok, at maging bahagi ng ating pamilya sa simbahan. Ngunit iyan ang kinakailangan ni Hesus mula sa iyo. Hatakin ang iyong sarili papalayo sa iyong lugar ng kaginhawaan at gawin ito – tulad ng ginawa ni Hesus! Ang “makinarya” ng simbahan ay di kailan man nagdadala sa kahit sinong manatili. Kailangan mong maging kasangkot sa kanila at dalhin sila sa pamilyang simbahan!
Ibinigay ko sa inyo ang larawan ng ating simbahan noong ito’y 7 taong gulang lamang. Marami ang nagulat na makakita ng 1,200 na mga tao. Nagpunta kami mula sa isang (ako) tao hanggang sa 1,200 sa loob lamang ng putong taon! Nagtrabaho kami buong araw ng Sabado upang kumuha ng mga bisita. Ang aking asawa ay nasa telepono mula 10:00 ng umaga hangang 10:00 ng gabi – tuwing Sabado! Tapos dadalhan ko siya ng ilang prinitong manok at tapos mayroong mag-uuwi sa kanya. Tapos uupo pa siya ng isa pang dalawang oras na nagsasalin ng pangaral sa Espanyol. Hindi lang siya ang nag-iisang gumagawa ng mga bagay na iyon. Maraming mga tao ang gumagawa ng mga ito. Ngunit hindi ito umubra. Ang simbahan ay nagkawasak-wasak. Bakit? Dahil sa dalawang dahilan. Una, tayo noon ay mga “desisyonista” noon. Ibinigay natin ang mga Billy Graham na mga maliliit na libro, “Mga Hakbang sa Kapayapaan sa Diyos” [“Steps to Peace with God”]. Pinabigkas natin sa kanila ang “panalangin ng makasalanan” sa katapusan ng maliit na libro. Iyon lang lahat iyon. Kaunting mga tao ang napagbagong loob, tulad ni Judith Cagan, Dr. Chan, Melissa Sanders, at Gng. Salazar. Ngunit napaka kaunting iba ang nakaranas ng kaligtasan kay Kristo. Ang pangalawang dahilan ay dahil mayroong tayong masaklap na pamumuno. Ang mga “pinuno” ay gustong maging tamad at inasahan ang mga taong magpunta na walang tulong. Minsan ay nakikita ko ang problemang iyan ngayon rin. Ang ilan sa ating mg akabtaan ay gustong manalangin para sa mga bagong mga bata na hindi nagiging bahagi ng kanilang mga buhay.
Gusto nilang magkaroon ng kanilang maliliit na grupo ng mga lumang mga kaibigan upang kausapin – habang kanilang itinatalikod ang kanilang mga likuran sa mga bagong mga tao. Ayaw nilang magdala ng bagong tao sa kanilang maliit na bilog. Hindi ko nakikita ang pagbabago sa pagitan niyan at ng mga tamad na mga pinuno sa larawan na ibinigay ko inyo kagabi! Hindi ito uubra! Maari kang manalangin para sa muling pagkabuhay hanggang sa ang niyebe ay lahat wala na mula sa Bundok ng Kilimanjaro – ngunit hindi magkakaroon ng kahit anong muling pagkabuhay – wala! Gaano man kahirap nating manalangin. Kung ang lahat ay tumitingin para sa sarili niya – at walang handang sumunod kay Hesus – hindi kailan man magkakaroon ng muling pagkabuhay rito. Sinabi ni Brian H. Edwards, “Ang mga taong ginagamit ng Diyos sa isang muling pagkabuhay ay laging mga taong…mayroong takot ng pagsusuway” (Muling Pagkabuhay: Isang Mga Taong Puspos sa Diyos isinalin mula sa Revival: A People Saturated With God, Evangelical Press, 1991, pah. 65). “Walang muling pagkabuhay na walang malalim, di komportable at nagpapakumbabang kombiksyon ng kasalanan [simula sa mga] Kristiyano,” sinabi niya. Dapat nating makita ang mga Kristiyanong sinusundan ang halimbawa ni Hesus, “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha… at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7). Ngunit hindi ka talaga makapananalangin para sa bagong mga tao kung hindi mo pa alam ang kanilang mga pangalan! Kailangan mong iwan ang iyong lugar ng kaginhawaan at maging kasangkot sa kanilang mga buhay.
“Si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21).
Si Hesus ay laging kasangkot sa mga buhay ng mga bagong tao. Sundan ang Kanyang halimbawa!
III. Pangatlo, hinihingi ni Kristo ang lubos na pagsuko at ganap na pagsunod.
Sinabi ni Hesus, “Sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko” (Lucas 14:33). Sinabi ni Dr. John R. Rice patungkol sa bersong iyan, “Maari kang maging anak ng Diyos na hindi nagdurusa para sa Kanya, na hindi iniiwan ang mga bagay para sa Kanya. Ngunit hindi ka maaring maging Kanyang disipolo…hindi ka makalalakad sa Kanyang hakbang, hindi mo Siya masusundang tunay, maliban sa pag-iiwan sa lahat at paglalabas mula sa tarangkahan [kasama] Niya” (Isinalin mula sa Anong Halaga Upang Maging Isang Mabuting Kristiyano [What It Costs to Be a Good Christian], pah. 66).
Si Dr. Rice ay isa sa aking mga bayani. Hindi ko alam ang kahit ano tungkol sa kanya hangang sa nagpunta ako sa pagtatapos na pag-aaral sa seminaryo. Sa liberal na seminaryo kinamuhian nila si Dr. Rice – oo, literal na kinamuhian nila siya! Naisip ko na siya ay siguro nababaliw – tunay na kakaiba – mula sa mga sinasabi noong mga Katimugang Bautistang propesor. Tapos mayroong nagbigay sa akin ng biyograpiya ni Dr. Rice na tinawag na “Taong Pinadala Mula sa Diyos” [“Man Sent From God”], ni Dr. Robert L. Sumner. Umupo ako upang basahin ito isang gabi. Hindi ako natulog buong gabi at binasa ang buong aklat mula sa harap na takip hanggang sa likurang takip! Ginawa ni Dr. Rice sakto ang sinabi biya. Literal na iniwan niya ang lahat at nagpunta sa labas ng tarangkahan kasama ni Hesus. Ginamit siya ng Diyos upang makuha ang libo-libong mga taong maligtas dahil iniwan niya ang kanyang lugar ng kaginhawaan.
Sa aking pangatlong taon sa seminaryo, ako’y nilapitan pagkatapos ng klase ni Dr. Green, ang propesor ng pangangaral. Binlaan niya akong huminto sa pagwawasto ng mga propesor na sumalakay sa Bibliya. Sinabi niya, “Hymers, ika’y isang mabuting mangangaral. Makakakuha ka ng isang mainam na simbahan at mabuting buhya, ngunit nakakukuha ka ng isang masamang reputasyon bilang mangugulo. Kung hindi ka hihinto sa paggagawa ng gulo hindi ka kailan man makakukuha ng isang simbahan.” Sinabi ko, “Kung iyan ang halaga ayaw ko ng isa!”
Ginamit nila ang maruming panlilinlang na iyan sa aklat upang bahiran ako at sirain ang aking reputasyon. Ngunit sinimulan ko ang aking sariling simbahan sa Probinsya ng Marin – apat na pung mga simbahan ang lumabas mula rito – sa buong mundo! Iyan ay nangyari dahil iniwan ko ang lugar ng aking kaginhawaan!
Nagkaroon ako ng isang magandang Tsinong nobya noong ako’y naroon sa seminaryo. Siya ang unang nobya na ako’y kailan man nagkaroon, dahil nabuhay ako tulad ng isang monghe noong ako’y nasa kolehiyo sa lahat ng mga taong iyon. Natagpuan ng kanyang ina ang sulat na aking sinulat sa kanya at pinatalsik siya mula sa tahanan dahil ako’y isang puting lalake. Tinawagan ko si Dr. Timothy Lin at nagpadala siya ng isang taong iuwi siya. Ngunit sinabi ni Dr. Lin sa hindi ako makababalik ng mga dalawang taon. Ako pa rin ay isang miyembro ng Tsinong Simbahan, ngunit hindi pa ako makababalik. Nanatili akong isang miyembro doon na maraming taon pagkatapos ng kaganapang ito.
Ilang taon maya-maya sinimulag hilingin ako ni Dr. Lin na mangaral kada taon sa ebanghelistikong pagpupulong doon. Maya-maya pa rin, noong siya ay nasa kanyang ika-siyam na pung mga taon, ako’y naging malapit na kaibigan ni Dr. Lin. Hindi ko kailan man binanggit ang babaeng iyon sa isang pangaral noon, minsan lang sa isang pribadong pag-uusap. OK nang sabihin ito ngayon higit sa apat na pung taon ang lumipas. Naroon ako nag-iisa, malapit sa San Francisco, sa terible, malamig, na liberal na seminaryong iyon. Nilakad ko ang mga kalye ng gabing iyon – mag-isa. Wala akong ginawang masama! Walang anumang masama! Ito’y isa lamang malambing na sulat sa isang babaeng may gusto sa akin, pagkatapos niyang magmaneho upang makita ako sa seminaryo. Hindi ko siya kinausap mula sa loob ng apat na pung taon. Tapos ngumiti siya at nagsabi, “Okay lang Bob,” na nagpabuti sa aking pakiramdam tungkol rito. Ngunit naroon ako doon sa malungkot madilim na mga kalye ng Mill Valley. Nawala ko ang babae at ang lahat ng mga kaibigan sa Los Angeles. Ako’y nadurog. Naglakad akong mag-isa sa gabing iyon tulad ng isang patay na tao. Sinabi ng manunulang si Robert Frost,
Nakilala ko ang gabi.
Lumakad ako papalabs ng ulan – at pabalik sa ulan.
Aking nalakad na ang pinaka malayong ilaw sa lungsod.
Tumingin ako sa pinaka malungkot na daanan sa lungsod.
Nadaanan ko na ang guardya sa kanyang hampas
At naibagsak ang aking mga mata, di handang ipaliwanag.
Tumayo akong di gumagalaw at pinahinto ang tunog ng paa
Noong malayo isang naistorbong sigar
Ay dumating sa mga tahanan mula sa ibang kalye,
Ngunit hindi upang tawagin ako pabalik o magsabi ng paalam;
At mas malayo pa sa isang di makalupaing taas,
Isang luminaryong orasan sa langit.
Iprinoklama ang oras ay di mali o tama.
Ako’y isang nakilala ang gabi.
(“Kakilala ang Gabi.” Isinalin mula sa
“Acquainted With the Night” ni Robert Frost, 1874-1963).
Nagdala ako ng isang piraso ng naanod na kahoy pabalik sa aking silid noong isang gabi. Pinulot ko iyon sa may tabing ilog malapit sa seminaryo. Itinago ko ito sa aking istante sa aking opisina sa aking tahanan upang paalalahanin ako nito ng malamig at malungkot na panahon noong iniwan ko ang lugar ng aking kaginhawaan muli. Ito’y isang pangunahing punto sa akin buhay, noong iniwan ko ang maginhawang paraan at naging mas malakas na tao para kay Hesu-Kristo!
“Si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21).
Mayroong ibang mga kwento na masasabi ko sa inyo. Kapag ika’y 75 na taong gulang matatandaan mo ang maraming mga bagay; halos isang kwento sa bawat sitwasyon. Masasabi ko sa iyo ang tungkol sa isang panahon na isang Tsinong diakono ang sumigaw sa akin, at nawala ko ang maraming milyong dolyares. Iyan ay totoong kwento! Masasabi ko sa inyo ang tungkol sa isang gabi na bumaba ako mula sa aking opisina sa tindahan ng mga aklat sa Hollywood at nakakita ng isang napakagandang babae mula sa Guatamala – at inilabas ko siya para sa isang tasa ng kape sa pinaka gabing nakilala ko siya. Kahit na nagsalita siya ng napaka kaunting Ingles, at nagsalita ako ng kaunti lamang na Espanyol, at siya ay 22 taong mas bata sa akin – iniwan ko ang lugar ng aking kaginhawaan upang hilingin siyang pangasawaan ako – hindi ang unang gabi, ngunit maya-maya tinanong ko siyang pakasalan ako at sinabi niyang “hindi” – ang unang pagkakataon na tinanong ko siya. Maya-maya sinabi niya “oo” at ako’y nagbuntong hininga ng kaluwagan! Nakasal na kami ng halos tatlompu’t apat na taon na. Natutuwa ako na iniwan ko ang aking lugar ng kaginhawaan para sa Ileana, ang aking nakamamanghang asawa!
O maari kong sabihin sa inyo kung paano ko sinimulan ang pangalawang simbahn – ang simbahan na ito – sa aking apartment, sa panahong iyon ay mahahanap sa timog kanlurang sulok ng Westwood at Wilshire na Blvd. At masasabi ko kung paano na ang maliit na simbahan na iyon ay lumago sa loob lamang nga pitong taon sa 1,200 na mga tao sa pagdadalo. At tapos nawala namin silang lahat. Ngunit sa pagkakataong ito gagawin natin itong tama! Kakailanganin mong mag-antay para sa isa pang pangaral upang madining ang ibang mga kwento. Ito’y sapat upang sabihin ngayong umaga na “nakilala ko ang gabi.” At kung ika’y magagalit sa akin, at mawawala ka, susubukan kong tiyakin na hindi mo ako makitang lumuluha, dahil laging kong kinamuhiang mawalan ng kaibigan tulad mo!
“Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21).
Si Hesus ay isang malakas na lalake, ngunit madalas Siyang lumuha dahil sa kasalanan. Kantahin ang huling kanta sa inyong kantahang papel.
Kahit na mukhang ang daan ay mukhang makitid,
Ang lahat ng aking inangkin ay naalon;
Ang aking mga ambisyon, mga plano at mga hanagarin,
Sa aking paa sa mga abo nakalatag.
Tapos ang apoy ng Diyos sa altar
Ng aking puso ay napa-apoy;
Hindi ako kailan man hihintong purihin Siya,
Luwalhati, luwalhati sa Kanyang Pangalan!
Pupurihin ko Siya! Pupurihin ko Siya!
Purihin ang Korderp para sa makasalanang pinatay;
Bigyan Siya ng luwalhati, kayong lahat na mga tao,
Dahil ang Kanyang dugo ay makahuhugas ng bawat mantsa.
(“Pupurihin Ko Siya.” Isinalin mula sa
“I Will Praise Him” ni Margaret J. Harris, 1865-1919).
Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay. Siya na ngayon ay nasa Langit sa kanang kamay ng Diyos. Manalangin na magtiwala ka kay Hesus ay maligtas mula sa kasalanan at paghahatol Nya ngayong umaga! Si Dr. Cagan at John Cagan ay magpupunta sa likuran ng silid ngayon. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, sundan mo sila sa likuran ng awditoriyum. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Ang paboritong Salmo ni Dr. Hymers, Mga Awit 27:1-14.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Aking Makuha ang Mundo” Isinalin mula sa
“If I Gained the World” (ni Anna Olander, 1861-1939).
ANG BALANGKAS NG INIIWANAN ANG ATING LUGAR NG KAGINHAWAAN – ISANG PANGARAL NA IBINIGAY SA IKA-75 NA TAON NG AKING KAARAWAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). I. Una, iniwan ni Kristo ang Kanyang tahanan sa Langit at bumaba sa lupa, II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa mundo
upang iligtas ang mga makasalanan,
I Ni Timoteo 1:15; Lucas 19:10; Mateo 4:19; III. Pangatlo, hinihingi ni Kristo ang lubos na pagsuko at ganap na pagsunod, Lucas 14:33. |