Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG BUHAY NG KAGULUHANA LIFE OF CONFLICT ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12). |
Nagkaroon kami ng mainam na oras kaninang umaga. Ang aming simbahan ay nabubuhay muli. Ngunit mayroong seryosong panig rito. Hindi natin makikita ang tagumpay kung hindi natin titignan kung anong seryoso, gayon din ang masaya.
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Ang kurtina ng di nakikita ay kaunting nabuksan rito upang bigyan tayo ng mabilis na pagsilip sa pambihirang espiritwal na mga puwersa nakaayos laban sa mga tao ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang isang ‘di mabilang na hukbo ng mga anghel’ (Mga Taga Hebreo 12:22), at waring ikatlo ng mga karamihang ito ng mga nilikhang mga espiritu ay sumunod kay Satanas sa kanyang mahabang digmaan laban sa Diyos at ang Kanyang mga tao (Apocalipsis 12:4,7). Ang mga [deminkong mga puwersang] mga ito ay nai-ayos sa isang dakilang pagkakaa-ayos ng prinsipalidad at mga kapangyarihan, ang mga tagapamuno ng kadiliman ng mundong ito” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Bagong Pag-aaral ng Bibliya ngTagapagtanggol [The New Defender’s Study Bible], Word Publishers, 2006; sulat sa Mga Taga Efeso 6:12)
“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).
Ang bersong iyan ay nagpapakita sa ating na ang Krisitiyanong buhay ay isang buhay ng kaguluhan. Ngunit maraming mga Kristiyano ay nalimutan iyan, ang ilan pa nga sa ating sariling simbahan. Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Napakadalas na naiisip natin na ang Kristiyanong buhay ay isang pakikipaglabanan, isang digmaan?...Iminumungkahi ko na ang nawala na ng Kristiyanong Simbahan ang pananaw na ito ng mahalagang Bagong Tipang katotohanang ito…Natatakot ako na [marami sa atin] ay nawala ang pag-iisip na ang Kristiyanong buhay ay buhay ng kaguluhan…kung hindi tayo makikipaglaban, tayo ay madadaig [matatalo]; tayo ay babagsak na mga biktima ng kalaban” (Isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, Ang Himala ng Biyaya at Ibang mga Mensahe [The Miracle of Grace and Other Messages], Baker Book House, 1986, mga pah. 105, 106).
Mayroong tayong kagawian na isipan na ang pagbabagong loob ay lahat na kailangan natin. Iniisip natin ang Kristiyanong buhay pagkatapos ng pagbabagong loob bilang “isang pasibong kalagayan ng pamamahinga” – gaya ng paglagay nito ni Dr. Lloyd-Jones (isinalin mula sa ibid., pah. 105). Walang mas malayo mula sa katotohanan! Sinasabi ng ating teksto na tayo ay dapat nasa patuloy na pagkikipaglaban kay Satanas at kanyang mga demonyo!
Minsan natutuwa ako na ako’y napagbagong loob mula sa mundo. Napakadali ito para sa mga batang pinalaki sa simbahan. Ang lahat ay ibinigay sa kanila sa isang pilak na lalagyan. Hindi nila kailangang makipaglaban upang maging nasa simbahan. Kung pinalaki ako sa simbahan, hindi ko matatanto mula sa simula na hindi ko maaring pabayaang ibaba ang aking depensa, na ako’y nasa isang teribleng digmaan – at na ako’y masyadong mahina upang harapin ang kaguluhan sa aking sarili! Iyan ang dahilan na ang aking berso ng buhay ay madaling naging, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin” (MgaTaga Filipo 4:13). Para sa akin, ang bersong iyan nangangahulugan na masyado akong mahina upang dumaan sa kaguluhang ito, ang digmaang ito, ang pakikipaglaban kay Satanas. Si Kristo lamang ang makabibigay sa akin ng lakas upang pagdaanan ang sunod sunod na pakikipaglaban. Mayroong nagsabi sa akin na naghahanap ako ng pakikipaglaban. Hindi iyan totoo. Sa katunayan hindi ako tumatakbo katulad ng ginagawa ng karamihang mga mangangaral. Kung hindi ka tatakbo dadaan ka sa mga kaguluhan. Bakit? Dahil ang Diablo ay totoo! Maraming beses ako’y napaka mahina at walang magawa na ako’y napunta sa pinaka gilid ng pagkakabigo. Sa mga panahong iyon maibubulong ko laman ang teksto at kumakapit sa mensahe nito na mayroong mahina at lupaypay na pananampalataya, “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon [kay Kristo na] nagpapalakas sa akin.” Isa lamang mahinang tao tulad ko ang makakikita ng kahalagahan ng pangakong iyan!
Hiningi ni Leslie na isulat ko ang kwento ng aking buhay. Nakasulat ako ng mga 150 na mga pahina – ngunit huminto ako at itinago ito. Naisip ko walang magiging interesado sa pagbabasa ng isang ganoong nakalulungkot na aklat – dahil ito isang kwento ng kaguluhan, digmaan, at malapit nang pagkabigo – isang mahabang buhay ng kaguluhan, na mayroon lamang kaunting maliwanag na mga batik! Sa wakas sinabi ko sa Diyos na hindi ako matatapos hanggang sa ang aming simbahan ay makaranas ng muling pagkabuhay – kaya ito’y maaring isang mainam na katapusan. Mukhang sinasabi ng Diyos sa akin, “OK, Robert, itabi mo ito at mag-antay ka para sa muling pagkabuhay – at, kung hindi ako magpapadala ng isa, hindi ko ito kailangang tapusin.”
Ngunit minsan ako’y natutuwa na hindi ako pinalaki sa kaginhawaan ng isang nangangaral ng ebanghelyong simbahan. Lumalabas mula sa nawawala at nakalulungkot na mundo ay naghanda para sa akin para sa isang mahabang digmaan, dahil alam ko mula sa simula na ito’y magiging lubos na mahirap na buhayin ang buhay bilang isang Kristiyano, na ang bawat hakbang na aking kukunin ay dapat dahil sa lakas ni Kristo, o ako’y maging nawawala magpakailan man! Iyan ang tunay na dahilan na ako’y naging isang pastor. Pagkatapos kong napagbagong loob alam ko na kailangan akong nasa gitna ng digmaan. Kung hindi ako patuloy na nasa digmaan ako’y malalayo mula sa Diyos. Alam ko yan simula noong una akong napagbagong loob sa edad na dalawampu. Ang iba ay nakabubuhay ng isang maginhawang buhay, ngunit kinailangan kong maging nasa patuloy na digmaan – tulad ni Hesus, tulad ni Pablo, tulad ng mga bayani ng pananampalataya sa ika-labing isang kapitulo ng mga Taga Hebreo! Alam ko ang ibig sabihin ni Pablo noong sinabi niya sa batang si Timoteo,
“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka” (I Ni Timoteo 6:12).
At muli, gaya ng pagkasabi ng Apostol sa batang lalake,
“Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3).
Kinailangan kong magtiis ng kahirapan. Kinailangan kong makipaglaban ng mabuting pagkikipaglaban ng pananampalataya – bilang isang sundalo ni Hesu-Kristo! Walang ibang paraan para sa akin upang magtagumpay bilang isang Kristiyano. Siya nga pala, maraming beses na nag-iisip tayo ayon sa psikolohiyo imbes na ayon sa Bibliya. Kung tayo ay sumunod sa Bibliya malalaman natin kung bakit kailangan ng Kristiyanong makipaglaban.
Noong isang gabi isa sa ating mga kabataang lalake ang nagsabi sa akin na nagsasalita akong marami tungkol sa aking sarili. Tapos sinabi niya, “sa tingin ko ginagawa mo ito dahil ito’y isang simbahan ng mga kabataan.” Iyan ay isang mainam na kaisipan. Madalas akong bumabalik sa aking maagang mga buhay upang makahanap ng mga punto na makatutulong sa mga kabataan sa ating simbahan. Hindi ako dapat tumayo sa pulpitong ito at bigyan kayo ng isang aral sa teyolohiyo – o isang simpleng pagpapaliwanag ng ilang berso ng Bibliya. Dapat kong ipakita sa iyo kung paano ang Kasulatan ay nating mahalaga sa aking sariling buhay – at sa iyong sariling buhay. Nabasa ko ang teksto,
“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).
Tapos sinasabi ko sa inyo kung anong ibig sabihin nito. At tapos sinasabi ko kung paano ito naging isang katotohanan sa aking sariling buhay. Sinasabi ko sa iyo, “Ang Kristiyanong buhay, mula sa simula hanggang sa katapusan, ay isang buhay ng kaguluhan – isang buhay ng espiritwal na digmaan kay Satanas at kanyang mga demonyo.” Umaasa ako na hindi mo iisipin ang iyong mga kaguluhan na tapos na pagkatapos ng iyong pagbabagong loob! Iyan lamang ang simula ng iyong pagkikipaglaban at digmaan!
Sinabi ni Dr. H. L. Willmington ng Libertad na Unibersidad,
Sa loob ng makalupaing pangangasiwa ni Hesus mayroong isang dakilang silakbo ng demonikong gawain…at ayon kay Pablo [I Timoteo 4:1-3] maari nating maasahan ang parehong mala impiyernong gawain katulad ng [dati] sa ating Pangalawang Pagdating ng Panginoon. Ang Demonikong impluwensya ay nasa likod ng maraming mga popular na mga kilusan (Isinalin mula kay H. L. Willmington, D. D., Mga Tanda ng Mga Panahon [Signs of the Times], Tyndale House Publishers, 1983, pah. 45).
Ang demonikong gawain ay mukhang lumalago ng mas mabilis bawat taon. Ito’y masamang sapat noong ako’y nasa kolehiyo, ngunit ngayon nakikita ko na kung paano ang isang kabataan ay makapupunta sa isang sekular na kolehiyo o unibersidad na hindi natutukso, isang bagay o isa pa, sa anong tinatawag ni Dr. Willmington na “demonikong impluwensya.” Ang layunin ni Satans ay ang higupin ka sa pagkamundo at kasalanan. “Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal” (I Mga Taga Corinto 10:12). Kung hindi natin lalabanan ang Diablo, tayo ay hindi magtatagal na mawawalan ng ugnayan sa Diyos. Ang unang lugar na nagiging malinaw ay ang iyong buhay ng panalangin. Kung hindi ka makapapanalangin gaya noon, ito’y isang tiyak na tanda na iyong nilalabanan ang Diyos, o sumusuko sa isang tukso. Pakinggan ang sinabi ni Dr. A. W. Tozer. Sinabi niya,
Noong maagang mga araw…ang ating mga ama ay naniwala sa kasalanan at sa diablo bilang isang nagbubuong puwersa, at naniniwala sila sa Diyos at katuwiran ng langit gaya ng iba..ang mga puwersang ito ay laban sa isa’t isa magpakailan man sa malalim, na hukay, hindi makapagsundong pagkapoot. Ang tao…ay kinailangang pumili ng panig – hindi siya maaring maging walang pinapanigan. Para sa kanyan ito’y dapat maging buhay o kamatayan, langit o impiyerno, at kung pinili niyang [maging] nasa panig ng Diyos, maaasahan niya ang isang bukas na digmaan sa mga kalaban ng Diyos. Ang pakikipaglaban ay maging tunay at nakamamatay at magtatagal na kasing tagal ng buhay na itinutuloy [rito sa lupa]…hindi niya kailan man nalilimutan kung anong uri ng mundo ang kanyang binuhay – ito’y isang larangan ng digmaan, at marami ay nasugatan at napatay…Ang masamang mga kapangyarihan ay natupi sa pagsisira sa kanya, habang si Kristo ay nagpapakilala na magligtas sa kanya sa pamamagitan ng kapangyraihan ng ebanghelyo. Upang makuha ang pagkaligtas dapat siyang lumabas sa panig ng Diyos sa pananampalataya at pagkasunod. Iyan ang naisip ng ating mga ama, at na, tayo’y naniniwala, sa kung anong itinuturo ng Bibliya.
Napaka iba ngayon…Iniisip ng mga tao na ang mundo ay hindi isang larangan ng digmaan, kundi isang palaruan. Tayo ay hindi narito upang makipaglaban; tayo ay narito upang magsaya [upang magkaroon ng katuwaan at mabuhay ng isang madaling buhay]…Ito, ay ating pinaniniwalaan, ay [kung anong] [iniisip] ng makabagong tao… Ang kaisipang ito na ang mundo ay isang palaruan imbes na isang larangan ng digmaan ay ngayon natanggap na…ng malaking karamihan ng pundamentalistang Kristiyano (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Ang Mundong Ito: Palaruan o Larangan ng Digmaan?” [“This World: Playground or Battleground?”]).
Ngayon, huwag mong isipin na ibig sabihin nito na hindi tayo maaring magkaroon ng kahit anong katuwaan! Siyempre maari tayong magkaroon ng katuwaan! Siyempre naghahapunan tayong magkakasama at nagkakaroon ng mga salo-salo magkakasama! Siyempre naglalaro tayo ng mga laro magkakasa sa isang parke. Ngunit ang mga ito ay hindi katapusan sa sarili nila. Sa likod ng bawat panahon ng katuwaan at samahan dapat nating tandaan na mayroong digmaan na nagaganap – at na ang Kristiyanong buhay ay isang buhay ng kaguluhan at digmaan! Maari tayong mamahinga upang magkaroon ng katuwaan, ngunit bumabalik tayo sa digmaan.
Ito ang dahilan na ang mga kabataan sa ating simbahan ay gumugugol ng isang punong oras sa panalangin na magkakasama kada linggo. Ang panalangin ay lubos na kinakailangan, o matatalo tayo ni Satanas!
Iyan ang dahilan na lumalabas tayo upang dalhin ang mga nawawalang mga tao sa ating simbahan upang pakinggan ang Ebanghelyo. Ang ebanghelismo ay lubos na kinakailangan, o matatalo tayo ni Satanas!
Iyan ang dahilan na kailangan nating mangaral ng malalakas na mga pangaral mula sa pulpitong ito. Malalakas na mga pangaral ay lubos na kinakailangan, o matatalo tayo ni Satanas!
At isa pang bagay. Ako’y kamakailan lang naging nagkamalay ng isang kahinaan sa aking sariling pangangaral, kailangan kong humingi ng patawad sa inyo para sa hindi pagkakakita nito na mas maaga! Gaya ng sinabi ko, ang Kristiyanong buhay ng digmaan ay hindi natatapos kapag ika’y napagbagong loob! O, hindi! Ang pagbabagong loob ay ang simula lamang ng digmaan! Sinabi ni Hesus, “Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso” (Marcos 14:38). Maari kang magpunta sa simbahan, at magmukhang pa ngang napagbagong loob, ngunit kung hindi ka magbabantay at mananalangin ika’y mahuhulog sa tukso at isang patibong. Ika’y magiging makamundo at mawawala ang galak ng kaligtasan.
Ang ilan sa inyo ay hindi na nagpupunta sa pagpupulong panalangin ng gabi ng Huwebes. Mag-ingat! Kinuha mo na ang unang hakbang sa pagkamakamundo! Ang Kristiyanong buhay ay isang buhay ng kaguluhan sa mundo, ang laman, at ang Diablo. Kung malilimutan mo ika’y di magtatagal na babagsak sa patibong ni Satanas, at mawawalis papalayo – sa kadiliman ng kasalukuyang masamang mundo. Mayroong isang nagsabi, “Huwag mo itong sabihin! Huwag mo itong sabihin! Mayroong matatakot papalayo!” Kung gayon, sa tingin ko ay kailangan nilang matakot papalayo! “Marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 22:14). Kung hindi ko sila tatakutin papalalyo, mayroong ibang bagay na gagawa nito! Wala kundi ang mga nahirang lamang ang maliligtas anumang sabihin ko o hindi ko sabihin sa pangaral na tulad nito!
Marami ang nawalis papalayo sa malaking paghihiwalay na halos nagsanhi ng buhay ng ating simbahan. Huwag maloloko, tulad nilang naloko. Walang nagbago! “Ang diablo'y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya” (Apocalipsis 12:12). Kapag minsan ibinigay mo ang iyong sarili sa mundo, papasuin ng Diablo ang iyong konsensya. Tapos wala sa kahit anong bagay na sasabihin namin sa iyo ang makakukumbinsi sa iyong bumalik sa amin! Hindi pa namin kailan man nakikita ang ganoong uri ng taong bumabalik! Wala pang isa! “Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso” (Marcos 14:38).
At saka, ikaw ay maaring lumalaog sa biyaya o dumudulas pababa! Walang walang kinikilingang patag! Gaya ng pagkasabi ni Dr. Tozer, ang mundo ay “isang larangan ng digmaan, at marami ang nasugatan at namamatay” (isinalin mula sa ibid.).
“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).
Oo, mayroong isang tunay na Diablo. Kung hindi ka ligtas, ilalagay niya ang mga di pangkaraniwang mga pag-iisip sa iyong isipan. Sasabihin niya sa iyo “ito” o “iyan” upang panatilihin ka mula sa pagtitiwala kay Hesus. Madala pa nga niyang gawin ang mga taong natatakot na magtiwala kay Hesus. Hindi ito makahulugan, ngunit naniniwala sila sa kanya – at tinatanggihan si Hesus. Naway maiwasan mo ang mga tukso ni Satanas at magpunta kay Hesus ngayon. Si Hesus lamang ang makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan ng Kanyang mahal na Dugo. Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo, at makapananatili sa iyong ligtas mula sa kasamaan sa ating bansa at sa ating mundo. Magsitayo at kantahin ang himno bilang pito.
Kristiyano, nakikita mo ba sila Sa banal na na lupa,
Paano na ang mga kapangyarihan ng kadiliman
Kinukumpas ka ng paikot-ikot?
Kristiyano, tumayo at banatan sila,
Nagbibilang ng pakinabang ngunit nawawala,
Sa lakas na dumarating
Sa pamamagitan ng banal na krus.
Sumulong, Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa patungo sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nagpupunta sa harap.
Kristiyano, nararamdaman mo ba siya,
Kung paano sila kumikilos sa loob,
Nagsisikap, nagtutukso, nag-aakit,
Nagbubundo sa kasalanan?
Kristiyano, di kailan man nanginginig;
Di kailan man yumuyuko;
Inihahanda ka para sa digmaan,
Magbantay at manalangin at mag-ayuno.
Sumulong, Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa patungo sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nagpupunta sa harap.
Kristiyano, naririnig mo ba sila,
Kung paano sila nagsasalita sa iyong mainam,
“Laging mag-ayuno at magbantay,
Laging magbantay at manalangin.”
Kristiyano, sumagot ng mapangahas,
“Habang ako’y huminga at manalangin.”
Kapayapaan ang susunod sa digmaan,
Ang gabi ay matatapos sa araw.
Sumulong, Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa patungo sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nagpupunta sa harap.
“Alam ko ang iyong gulo, O aking aliping totoo.
Ikaw ay lubos na nangangamba; ako’y nangamba rin.
Ngunit iyang mabigat na gawain ay gagawa sa iyo
Balang araw lahat aking sarili,
At sa katapusan ng pagdurusa
Ay malapit sa aking trono.”
Sumulong, Kristiyanong sundalo,
Nagmamartsa patungo sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nagpupunta sa harap.
(“Kristiyano, Nakikita Mo Ba Sila.” Isinalin mula sa
“Christian, Dost Thou See Them?” isinalin ni John M. Neale, 1818-1866;
sa tono ang koro mula sa “Onward, Christian Soldiers.”)
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Efeso 6:10-18.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Mga Sundalo ni Kristo, Bumangon.” Isinalin mula sa
“Soldiers of Christ, Arise” (ni Charles Wesley, 1707-1788;
sa tono ng “Crown Him With Many Crowns”).