Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA PANANAW SA GABI –
ISANG ARAW NG PAGKABUHAY NA PANGARAL

VISIONS IN THE NIGHT –
AN EASTER SERMON
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Marso taon 2016

“Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus, Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang: Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios”
(Mga Gawa 1:1-3).


Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Walang pagdududa tungkol rito. Ang Kanyang libingan ay sinelyuhan ng mga Taga Roma, at ang mga Taga Romang mga kawal ay binantayan ito ng kanilang mga buhay. Ngunit noong umaga ng Araw ng Pagkabuhay inirolyo ng Diyos ang malaking bato at sinira ang selyo ng mga Taga Roma. At si Hesus ay lumakad papalabas ng libingan sa maagang umagang ilaw. Ang walang lamang libingan mismo ay nagproklama na Siya ay muling nabuhay mula sa pagkamatay!

Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Walang duda patungkol rito. Daan daang mga tao ang nakakita sa Kanyang buhay pagkatapos Niyang nabuhay muli. Sinabi ng Apostol Pablo, “Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan…Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol” (I Mga Taga Corinto 15:6-8). “napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 1:3).

Sinabi ni Dr. John R. Rice,

Isaalang-alang kung gaano nakalilipus niyang saksing iyan literal na daan-daang mga tao na nakakita kay Hesus pagkatapos Niyan nabuhay muli, ang ilan sa kanila muli’t-muli [sa loob ng] apat na pung araw…Literal na daan daang mga saksi ang sumang-ayon na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay. Wala ni isang tao ang kailan man nagpakita upang magsabi na nakita nila ang Kanyang patay na katawan pagkatapos ng [Muling Pagkabuhay], o kinontra ang kahit ano sa mga ebidensya. Mga Saksi [ang nagsabi] na kanilang nahawakan ang Tagapagligtas, hinawakan Siya, naramdaman ang mga imprenta ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa, nakita Siyang kumain, nakipagniig sa Kanya ng apat na pung araw…Ang ebidensya ay nakalalamon na iyon lamang ayaw maniwala at hindi tinitignan at mga ebidensya ang tumatanggi rito. Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Bibliya na si Hesus ay “napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan” Mga Gawa 1:3 (Isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Litt.D., Ang Muling Pagkabuhay ni Hesu-Kristo [The Resurrection of Jesus Christ], Sword of the Lord Publishers, 1953, mga pah. 49-50).

Ang walang lamang libingan, ang daan-daang mga saksi, ay malalakas na mga patunay ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.

Gayon ang pinakamalakas na patunay ay ang nabagong buhay ng mga Disipolo ni Kristo. Ang mga kalalakihang mga ito ay nabagong lubos sa pamamagitan ng pagsasaksi sa bumangong si Kristo. Sila’y naging mga duwag, nagtatago sa isang nakakandadong silid dahil sa takot. Ngunit pagkatapos nilang nakita ang bumangong si Kristo, ipinangaral nilang matapang na Siya’y buhay – nabuhay muli mula sa pagkamatay! At ipinangbayad nila ang kanilang mga buhay para sa pangangaral nito!

Si Pedro – ay binugbog halos hanggang sa kamatayan at tapos ay ipinako sa krus
na pabaligtad.
Si Andrew – ay ipinako sa krus sa isang X na hugis na krus.
Si Santiago, anak ni Zebedee – ay pinugutan ng ulo.
Si Juan – ay itinapon sa isang kaldero ng kumukulong langis, at tapos ay pinatalsik sa isang isla ng Patmos, napeklatan sa buong buhay niya.
Si Felipe – ay binugbog at tapos ay ipinako sa isang krus.
Si Bartholomew – ay binalatang buhay at tapos ay ipinako sa krus.
Si Mateo – ay pinugutan ng ulo.
Si Santiagao, ang kalahating kapatid ng Panginoon – ay itinapon mula sa tuktok ng Templo, at tapos binugbog hanggang sa kamatayan.
Si Thaddaeus – ay binaril hanggang sa kamatayan gamit ng mga palaso.
Si Marcos – ay kinaladkad hanggang sa kamatayan ng isang koponan ng mga kabayo.
Si Pablo – ay pinugutan ng ulo.
Si Lucas – ay ibinitin hanggang sa kamatayan sa isang puno ng olivo.
Si Tomas – ay pinalagpasan ng mga sibat, at itinapon sa mga apoy ng isang hurno.

(Ang Bagong Akalat ni Foxe ng mga Martir. Isinalin mula sa The New Foxe’s Book of Martyrs, Bridge-Logos Publishers, 1997, mga pah. 5-10; Greg Laurie, Bakit ang Muling Pagkabuhay? [Why the Resurrection?], Tyndale House Publishers, 2004, mga pah. 19-20).

Ang mga kalalakihang mga ito ay dumaan sa teribleng mga pagdurusa, at lahat maliban si Juan ay namatay ng mga teribleng mga kamatayan. Bakit nangyari ang mga ito sa kanila? Nangyari ang mga ito dahil sinabi nila na nakita nila si Hesu- Kristo na buhay, pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay! Ang mga kalalakihan ay hindi nagdusa at namatay para sa isang bagay na hindi nila nakita! Ang mga kalalakihang mga ito ay nakita si Kristong “buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y [mamatay], na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3). Malalim sa pagkatanda, ang kanyang katawan ay terbileng napeklatan mula sa pagkakakulo sa langis, ang Apostol na si Juan ay nagsabi, “yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay” ang nabuhay na muling si Kristo (I Ni Juan 1:1). Sasabihin ko na maari nating paniwalaan ang mga kalalakihang mga ito! Nagdusa sila at namatay para sa pangangaral na si Kristo ay bumangon mula sa pakamatay. Ang mga kalalakihan ay hindi magdurusa at mamamatay para sa isang bagay na hindi nila nakita! Nakita ng mga kalalakihang ito si Kristo, at nahawakan Siya, at pagkatapos Niyang bumangon mula sa libingan! Iyan ang dahilan na ang pagpapahirap at kamatayan mismo ay hindi makapipigil sa kanila sa pangangaral, “Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay!”

Pinagmasdan Siya ni Tomas sa silid,
Tinawag Siyang Kanyang Puno at Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga diliri sa mga butas,
Na ginawa ng mga pako at ng espada.
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nasira ang malakas, nagyeyelong mga hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay nabuhay muli!
   (“Nabuhay Muli.” Isinalin mula sa “Alive Again” ni Paul Rader, 1878-1938).

Ngayon nakaharap ng mga Disipolo ang bumangong si Hesus sa huling pagkakataon. Sinabi Niya sa kanila na magantay sa Jerusalem hanggang sa sila’y “nabinyagan ng Banal na Espiritu.” Sinabi ni Hesus,

“Tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Mga Gawa 1:8).

At dinadala tayo niyan sa ating sariling simbahan, rito sa puso ng sentro ng pangmamamayan, sa ibabang bayan ng Los Angeles. Sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, na mayroon tayo sa ating simbahan isa sa pinaka maiinam na grupo ng mga Kristiyano sa Estados Unidos ng Amerika! At isa sa pinaka mahuhusay na mga grupo ng mga Kristiyanong kabataan sa mundo! Masasabi ko iyan na walang kahihiyan dahil hindi ako ang gumawa nito. Ang karangalan ay sa mga “Tatlompu’t Siyan,” isang maliit na grupo ng mga nagtratrabahong mga matatanda na isinakripisyo ang kanilang oras at kanilang pera upang iligtas ang gusaling simbahan na ito mula sa bangkarota, pagkatapos ng isang nakawawasak na paghihiwalay ng simbahan na nag-alis ng 400 na mga matatandang mga miyembro. Papuri sa pangalan ni Hesus! Ginabay Niya tayo sa tagumpay!

Ang karangalan ay para rin sa mga kabataan ating simbahan. Sila’y mga di pangkaraniwang mga panalanging mandirigma. Gumugugol sila ng higit sa isang oras sa panalangin – hindi pangangaral o pag-aaral ng Bibliya, kundi panalangin – na higit sa isang oras bawat isa at kada linggo. Ang mga kalalakihang mga ito at mga kababaihan rin ay mayroong dalawang grupo ng panalangin na nagsasama-sama ng isa pang oras kada linggo upang manalangin para sa Diyos na magpadala ng muling pagkabuhay sa amin. Ang kanilang mga panalangin ay nasagot na maraming mga pagbabagong loob mula sa mundo. Sa loob lamang ng pitong linggo nitong tagsibol na ito labing tatlong mga tao ang napagbagong loob sa simbahang ito sa sagot sa kanilang mga panalangin. Ang isa ay 89 na taong gulang na ateyista. Ang isa pa ay isang 86 na taong gulang na matandang Katoliko. Isang babae ay tinanggihan si Kristo sa loob ng 40 na taon. Ang isa ay nahawakang nadakip ni Satanas sa kanyang buong buhay. Ang ibang siyam ay lahat mga kabataan na nanggaling mula sa mundo, at dinala rito sa aming simabahan mula sa mga kolehiyo kung saan kami’y nag-eebanghelismo. Papuri sa pangalan ni Hesus! Siya ang ating halimbawa sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa!

Si Dr. David Ralston ay nangaral sa aming simbahan noong huling katapusan ng linggo. Siya ay isang misyonaryo, at taga tagpo ng “Kristo sa mga Bansa” [“Christ to the Nations”]. Si Dr. Ralston ay naglagay ng isang larawan ng aming simbahan sa kanyang pahina sa Facebook – kasama ng mga salitang ito. Sinabi ni Dr. Ralston,

     Nangaral ako noong huling gabi [gabi ng Sabado] at ngayong umaga [ng Linggo] rito sa ibabang bayan ng Los Angeles sa Baptista Tabernacle, kung saan si Dr. R. L. Hymers, Jr. ang pastor. Nakamamanghang paglilingkod, bawat upuan ay napuno, kalahati sa mga tao ay mukhang mas bata sa 30 taong gulang!
     Gayon din, bawat salitang isinalita ay isinalin mula sa Ingles sa parehong Espanyol at Tsino para sa mga tagapanood. Matinding Espiritu, na maraming mga amen at mga palakapakan habang ang mensahe ay ipinangangaral. Ang mga pangaral ni Pastor Hymers ay binabasa sa internet ng karaniwang mga 120,000 na mga kompyuter sa halos 210 na iba’t ibang mga bansa bawat tatlom pung araw – nakikita rin sa YouTube.
     Hindi ako nakakaalam ng ibang ebanghelyong mangangaral na umaabot sa maraming mga tao, ng ganoon kaalinsunod sa ebanghelyo, sa buong mundo.
     Iniisip ko ang pangangasiwang ito na tulad ng makabagong panahong Spurgeon.

Papuri sa pangalan ni Hesus! Sa Kanyang pangalan ang Diyos ay sumasagot ng panalangin!

Ang simbahang ito ay mas mahalaga sa akin kaysa sa lahat ng ginto sa lupa. Ang buong mundong pangangasiwang ito sa Internet ay mas higit pa sa akin kaysa sa “ilog ng mga pilak, mga kayamanang di nalalaman.” Ito’y maaring maliit na bagay sa iyo, ngunit ang simbahan na ito ay ang pinaka mahalagang bagay sa mundo sa akin!

Ang aking buhay, ang aking pag-ibig ibinibigay ko sa Iyo,
   Ikaw na Kordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O naway ako’y maging mapagpananampalataya sa iyo magpakailan man,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napakalugod maging ang aking buhay!
Mabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
(“Nabubuhay Ako Para Sa Kanya.” Isinalin mula sa
   “I’ll Live For Him” ni Ralph E. Hudson, 1843-1901;
      binago ni Dr. Hymers).

Hindi lamang na nakikita kong anong kayamanan ang simbahang ito ngayon – nakikita ko rin kung ano dapat maging ang simbahang ito, ano ito maaring maging, at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ano itong maging! Sa mga pananaw sa gabi nakikita ko sa bawat sulok ng awditoriyum na ito ay puno ng mga kabataan! At doon sa mga pananaw na ito nakikita ko ang Espiritu ng Diyos na bumababa sunod-sunod na mga alon ng mga muling pagkabuhay! Nakikita ko ang mga maliligayang mga mukha ng mga kabataan na nahanap si Hesu-Kristo bilang kanilang Tagapagligtas at kanilang Panginoon! Sa panggabing mga pananaw nakikita ko ang mga kabataan na lumuluha at nananalangin, at sumisigaw sa galak tulad ng lumang panahong Metodista, at lumang panahong Bautista, at ang lumang panahong mga Presbyteryano! Nakita ko ang mga kalalakihan na isinusuko ang kanilang mga buhay upang maging mangangaral para sa Ebanghelyo – at ang ilan pa nga ay nagpupunta sa banyagang mga kaparangan bilang mga misyonaryo para kay Hesu-Kristo! Nakikita ko ang isang makapangyarihang simbahan, na sumasabog sa mga pinagtahian – ng pag-ibig para sa Diyos na umaagos palabas mula sa lugar na ito sa madilim na mga sulok ng ating mga bansa, at ng ating mundo! Nakikita ko si Kristo-Hesus naitaas at ibinubuhos ang Kanyang pag-ibig sa daan-daang mga nawawala at nalulungkot na mga kaluluwa sa buong mundo, sa pamamagitan ng pangangasiwa ng simbahang ito! At sa panggabigng mga pananaw naririnig ko silang kumakanta,

Nabubuhay ako para sa Kanyang namataya para sa akin,
   Napaka nalulugod ang aking buhay maging!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

Kantahin ito kasama ko!

Nabubuhay ako para sa Kanyang namataya para sa akin,
   Napaka nalulugod ang aking buhay maging!
Nabubuhay ako para sa Kanyang namatay para sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

Malapit na akong maging 75 na taong gulang. Maaring hindi ko makita ang lahat ng mga bagay na ito bago ako mamatay. Ngunit nakita ko na ang mga ito – sa mga pananaw ng gabi! Gg. Griffith, paki tulungan kaming kuntahin ang kaibig-ibig na kanta ni Gng. Christiansen, “Punuin Lahat ang Aking Pananaw.” Magsitayo. Ito’y bilang anim sa inyong kantahang papel.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
   Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit sa mga lambak ako’y Iyong ginagabayan,
   Iyong walang kupas na luwalhati ay pinaliligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking panannaw, ang bawat hangarin
   Panatilihin para sa Iyong luwalhati; aking kaluluwa pumupukaw
Kasama ng Iyong pagkaganap, ang Iyong banal na pag-ibig
   Binabaha ang aking daanan gamit ng ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang,
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, walang hayaang kaluluwa
   Ang aanino sa kaliwanagan ng kumikinang sa loob.
Hayaang makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
   Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
   Hanggang sa Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang,
Punuin ang lahat ng aking pananaw, na ang lahat ay makakita
   Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
    “Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).

Tatapusin ko ang pangaral na ito gamit ng mga salita ng dakilang misyonaryo sa Tsinang at Aprika, si Charles T. Studd (1860-1931).

Isang buhay,
   Ay di magtatagal lilipas.
Ang ginawa lamang para kay Kristo
   ang magtatagal.

Huwag kailan man kalimutan ang mga salitang iyan hanggang sa katagalan ng iyong buhay. Sabihin ito kasama ko.

Isang buhay,
   Ay di magtatagal lilipas.
Ang ginawa lamang para kay Kristo
   ang magtatagal.

Dr. Cagan, paki pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Gawa 1:1-9.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Labanan ay Tapos na.” Isinalin mula sa “The Strife Is O’er”
(isinalin mula sa isinalin ni Francis Pott. 1832-1909).