Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PITONG MGA HULING MGA SALITA
NI HESUS SA KRUS

THE SEVEN LAST WORDS
OF JESUS ON THE CROSS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Marso taon 2016

“At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa” (Lucas 23:33).


Ang pisikal na pagdurusa ni Hesus ay matindi. Nagsimula ito sa paghahampas at pagpapalo sa literal na bumalat ng mga piraso ng balat at gumawa ng malalim na mga hiwa sa Kanyang likuran. Maraming mga tao ang namatay mula sa isang paghahampas tulad niyan. Sunod, nagdiin sila ng isang korona ng tinik pababa sa Kanyang ulo. Ang matalim na mga karayom ay pumunit sa balat ng Kanyang mga templo, at Dugo ay umagos pababa ng Kanyang mukha. Binugbog rin nila Siya sa mukha, dinuraan sa Siya, at nagpunit ng malalaking piraso ng Kanyang bigote gamit ng kanilang mga kamay. Tapos ginawa nila Siyang magbuhat ng Kanyang sariling krus sa mga kalye ng Jerusalem, sa lugar ng pagbibitay na tinatawag na Kalbaryo. Sa wakas, malalaking mga pako ay ipinako sa Kanyang mga paa at sa ibaba ng Kanyang mga kamay, kung saan ang palad at ang pulso ay nagtagpo. Gayon Siya ay ipinako sa Krus. Sinasabi ng Bibliya:

“Ang kaniyang mukha [ang Kanyang itsura] ay napakakatuwa [napakapangit] kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao [napakapangit higit sa pagkagusto ng tao]” (Isaias 52:14).

Nasanay na tayo sa pagkakakita sa mga Hollywood na mga aktor na ginaganap si Hesus sa mga pelikula. Ang mga pelikulang ito ay hindi kailan man sapat na ipinapakita ang malalim na pagkatakot at hilaw na pagkabrutal ng pagpapako sa krus. Ang nakikita natin sa pelikula ay wala kumpara sa anong aktwal na naranasan ni Hesus sa Krus. Hindi hanggang sa ang “Pasyon ni Kristo” na ating nakita kung anong tunay na nangyari sa Kanya. Ito’y tunay na terible.

Mga bitak ay bumukas sa Kanyang anit. Dugo ay umagos pababa sa Kanyang mukha at leeg. Ang Kanyang mga mata ay halos namagang sarado. Ang Kanyang ilong ay siguro’y nabiyak at siguro ay ang Kanyang mga buto ng kanyang pisngi rin. Ang Kanyang mga labi ay nagdurugo at napunit. Ito’y naging mahirap na mamukaan Siya.

Gayon man iyan sakto ang nangyari sa propetang Isaias na hinulaan ng Nagdurusang Alipin, “Ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao” (Isaias 52:14). Ang pagkukutya at pagdudura ay hinulaan ng mga propeta: “Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).

Dinadala tayo nito sa Krus. Si Hesus ay ipinako doon, tumutulo ang Dugo. Habang Siya’y nakabitin sa Krus, ibinigay Niya ang pitong maiikling mga kasabihan. Gusto kong pag-isipan natin ang tungkol sa pitong mga huling salitang iyon ni Hesus sa Krus.

I. Ang unang salita – kapatawaran.

“At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:33-34).

Iyan ang dahilan na si Hesus ay nagpunta sa Krus – upang patawarin ang iyong mga kasalanan. Alam Niya na Siya’y papatayin bago pa man Siya nagpunta sa Jerusalem. Ang Bagong Tipan ay nagtuturo na sadyang pinayagan Niya ang Kanyang sariling maipako sa krus para magbayad para sa iyong kasalanan.

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

Nanalangin si Hesus, “Ama, patawarin mo sila,” habang Siya’y nakabitin sa Krus. Sinagot ng Diyos ang Kanyang panalangin. Bawat tao na magtiwala lubos kay Hesus ay napapatawad. Ang Kanyang kamatayan sa Krus ay nagbabayad sa multa para sa iyong kasalanan. Ang Kanyang Dugo ay naghuhugas ng iyong mga kasalanan papalayo.

II. Ang pangalawang salita – kaligtasan.

Dalawang mga magnanakaw ay nipako sa krus, isa sa magkabilang tabi ni Hesus.

“At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang [kriminal] nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami. Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama. At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso” (Lucas 23:39-43).

Ang pagbabagong loob ng pangalawang magnanakaw ay inilantad. Ipinapakita nito

1. Ang Kaligtasan ay hindi sa bautismo lamang o pagsasapi sa simbahan – ang magnanakaw ay hindi ginawa ang kahit ano sa mga ito.

2. Ang kaligtasan ay hindi ayon sa isang mabuting pakiramdam – ang magnanakaw ay mayroon lamang masamang pakiramdam – ipinako rin siya at gayon din ay nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan.

3. Ang kaligtasan ay hindi dumaratin sa pagpupunta sa harap o pagtataas ng iyong kamaya – ang kanyang mga kamay ay naipako sa krus, gayon din ang kanyang mga paa.

4. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa “paghihingi kay Hesus na magpunta sa iyong puso.” Ang magnanakaw ay maaring nagulat kung mayroong nagsabi sa kanyang gawin iyan!

5. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagsasabi “ng panalangin ng makasalanan.” Ang magnanakw ay hindi nanalangin ng panalanging ito. Hiningi niya lamang kay Hesus na tandaan siya.

6. Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng iyong pamumuhay. Ang magnanakaw ay walang oras na gawin iyan.


Ang magnanakaw na ito ay naligtas sa parehong paraan na dapat kang maligtas rin:

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).

Maniwala ng buong puso kay Hesus, at ililigtas ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran, gaya ng pagkaligtas Niya sa naipako sa krus na magnanakaw.

III. Ang pangatlong salita – pagmamahal.

“Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak! Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan” (Juan 19:25-27).

Sinabihan ni Hesus si Juan na alagaan ang Kanyang ina. Mayroong higit pa sa Kristiyanong buhay pagkatapos mong maligtas. Kailangan mong maalagaan. Ipinangako ni Kristo ang Kanyang mahal na ina sa Apostol Juan . Ipinapangako ka Niya sa pag-aalaga ng lokal na simbahan. Walang makabubuhay ng Kristiyanong buhay na walang pag-aalaga at pagmamahal ng lokal na simbahan. Iyan ang katotohanan na madalas nalilimutan sa ating araw.

“At idinaragdag sa kanila [sa simbahan sa Jerusalem] ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47).

IV. Ang pang-apat na salita – dalamhati.

“Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:45-46).

Ang dalamhating sigaw ni Hesus ay nagpapakita ng katotohanan ng Trinidad, ang punong Diyos. Ang Diyos Ama ay tumalikod, habang ang Diyos Anak ay nagdala ng iyong mga kasalanan sa Krus. Sinasabi ng Bibliya:

“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).

V. Ang panlimang salita – pagdurusa.

“Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako. Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig” (Juan 19:28-29).

Ipinapakita ng bersong ito ang matinding pagdurusa na pinagdaanan ni Hesus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan:

Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).

VI. Pang-anim na salita – pagbabayad ng kasalanan.

“Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na” (Juan 19:30).

Higit sa aking nasabi hanggang ngayon ay maaring ibinigay ng isang Katolikong pari. Ngunit sa pang-anim na salitang ito ay nakabitin ng Protestanteng Repormasyon, gayon din ang pananampalataya ng Bautista sa lahat ng mga panahon. Sinabi ni Hesus, “Naganap na.”

Tama ba si Hesus noong sinabi Niya, “Naganap na”? Sinasabi ng Katolikong simbahan. “hindi.” Sinasabi nila na dapat Siyang maipako sa krus muli at maialay muli sa bawat Misa. Ngunit sinasabi ng Bibliya na mali iyan.

“Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man” (Mga Taga Hebreo 10:10).

“Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal” (Mga Taga Hebreo 10:14).

“At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan: Nguni't siya [si Hesus], nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios” (Mga Taga Hebreo 10:11-12).

Binayaran ni Hesus ng buo ang pagbabayad para sa ating mga kasalanan, minsan at sa buong panahon, sa Krus.

Binayaran ni Hesus ang lahat,
   Ang lahat sa Kanya ay aking pinagkakautang;
Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa,
   Hinugasan niya itong puti tulad ng niyebe.
(“Binayaran Lahat Ito ni Hesus.” Isinalin mula sa
      “Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1889).

VII. Pampitong salita – pagsusuko sa Diyos.

“At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga” (Lucas 23:46).

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang ganap na pagsusuko sa Diyos ang Ama sa Kanyang huling salaysay bago ng kamatayan. Ang dakilang si Spurgeon ay nagpunta, na ipinapakita nito ang pinaka-unang naitalang salita ni Hesus, “di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama?” (Lucas 2:49). Mula sa una hanggang sa huli, ginawa ni Hesus ang kagustuhan ng Diyos.

Isa sa mga magaspang mga senturyon na nagpako sa Kanya sa Krus ay tumayong nakikinig sa pitong mga kasabihang ito. Ang senturyon ay nakakita na ng maraming pagpapako sa krus, ngunit hindi pa siya nakakita ng kahit sinong mamatay sa paraan na namatay si Hesus, nangangaral ng isang nakamamanghang pangaral habang ang Kanyang dugong buhay ay umaagos papalabas sa Kanya.

“At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid” (Lucas 23:47).

Ang senturyon na iyon ay nag-isip pa ng higit pa patungkol kay Hesus, at tapos nagsabi,

“Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios” (Marcos 15:39).

Siya ay ang Anak ng Diyos! Siya ay bumangon – buhay, pisikal – mula sa pagkamatay. Pumaitaas Siya sa Langit. Umuupo Siya sa kanang kamay ng Diyos. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31).

Mayroong ilan na nag-iisip na ang paniniwala sa Diyos ay sapat. Ngunit mali sila. Walang naliligtas sa Diyos lamang. Sinasabi ni Hesus Mismo, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Sinasabi ni Dr. A. W. Tozer, “Si Kristo ay hindi isa sa maraming paraan upang lapitan ang Diyos, ni hindi ang pinaka mahusay na paraan; Siya ang nag-iisang paraan” (Isinalin mula sa Iyang Nakamamanghang Kristiyano [That Incredible Christian, pah. 135). Kung hindi mo pinagkakatiwalaan si Hesus, ika’y nawawala. Gaano ka man “kabuti”, gaano mo man kadalas magpunta sa simbahan, o basahin ang Bibliya, ikaw ay nawawala kung hindi ka nagtiwala kay Hesus. “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Si Hesus ang nag-iisa na may Dugo na makalilinis sa iyo mula sa kasalanan. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 15:24-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinagpalang Tagapagligtas.” Isinalin mula sa
“Blessed Redeemer” (ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).


ANG BALANGKAS NG

ANG PITONG MGA HULING MGA SALITA
NI HESUS SA KRUS

THE SEVEN LAST WORDS
OF JESUS ON THE CROSS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa” (Lucas 23:33).

(Isaias 52:14; 50:6)

I.    Ang unang salita – kapatawaran, Lucas 23:33-34; I Ni Pedro 3:18;
I Mga Taga Corinto 15:3.

II.   Ang pangalawang salita – kaligtasan, Lucas 23:39-43;
Mga Gawa 16:31.

III.  Ang pangatlong salita – pagmamahal, Juan 19:25-27;
Mga Gawa 2:47.

IV.  Ang pang-apat na salita – dalamhati, Mateo 27:45-46; I Timoteo 2:5.

V.   Ang panlimang salita – pagdurusa, Juan 19:28-29; Isaias 53:5.

VI.  Pang-anim na salita – pagbabayad ng kasalanan, Juan 19:30;
Mga Taga Hebreo 10:10; Mga Taga Hebreo 10:14, 11-12.

VII. Pampitong salita – pagsusuko sa Diyos, Lucas 23:46;
Lucas 2:49; 23:47; Marcos 15:39; Mga Gawa 16:31; Juan 14:6.