Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAANO SINIRA NI SATANAS
SI HUDAS ESKARYOTE

HOW JUDAS ISCARIOT
WAS DESTROYED BY SATAN
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Marso taon 2016

“At pagkatapos na maisubo [ang sop], si Satanas nga ay pumasok sa kaniya” (Juan 13:27) – KJV.


Ang “sop” ay isang piraso ng walang lebadurang tinapay na kinain nina Hesus at ang Kanyang mga Disipolo sa Huling Hapunan. “Pagkatapos na maisubo [ang sop], si Satanas nga ay pumasok sa kaniya.” Ito ang pinaka teribleng mga berso sa Bibliya. Sinasabi sa atin nito na si Satanas mismo ay pumasok kay Hudas – at nasaapian ng Diablo. Ito’y nakamamangha dahil si Hudas ay isa sa pinaka malapit na Disipolo kay Kristo. Mayroong babala sa kwento ni Hudas para sa ating lahat – tayo man ay ligtas o nawawala.

Si Hudas Eskaryote ay ang anak ni Simon Eskaryote. Ang pangalang “Eskaryote” ay tumutukoy sa kanyang bayang tahanan ng Kerioth, sa timog ng Hudea. Kung gayon si Hudas ay nag-iisa sa labin dalawa sa mga Disipolo na hindi nanggaling mula sa Galilee sa hilaga. Ang kanyang pangalan ay ibinigay na huli sa listahan ng mga Disipolo. Siya ay maaring naging isa sa pinaka mahahalagang Disipolo. Naglingkod siya bilang kanilang ingat-yaman.

Ang kwento ni Hudas Eskaryote ay madilim at nakakatakot. Ngunit dahil ito’y ibinigay sa lahat ng apat na mga Ebanghelyo ito’y mahalaga, at ito’y kinakailangan para sa isang mangangaral na magsalita patungkol rito paminsa. Sasabihin ko sa inyo kung paano si Hudas ay naging nasapian ng demonyo. Narito ang kwento.

Ang ikatlong kapitulo ng Marcos ay nagsasabi na si Kristo ay nagpunta sa bundok at tinawag ang mga Disipolo sa Kanya. Ang mga ito ay ang mga kalalakihan na nagtatag ng mga simbahan pagkatapos na si Kristo ay umakyat pabalik sa Langit. Mula noon ang pangunahing gawain ni Kristo ay ang magturo at magsanay nitong labin dalawang mga Disipolong mga ito. Tinawag sila ni Hesus na mga Apostol – ibig sabihin na sila’y “ipinadala.” Tinawag sila upang maging kasama Niya, upang matuto sa pamamagitan ng Kanyang halimbawa at ibahagi ang Kanyang pangangasiwa. Bibigyan Niya sila ng kapangyarihang mangaral, magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo sa Kanyang pangalan. Isa sa kanilang mga responbilidad ay ang pagtagumpayan ang kapangyarihan ng mga demonyo. Ang kanilang mga pangalan ay lahat itinala sa Marcos 3:16-19. Ang pangalan ng una ay Pedro. Ang pangalan ng ika labin dalawa ay Hudas Eskaryote.

Sa Mateo 10:1-4, tayo ay sinabihan na ipinadala ni Hesus ang mga Disipolong ito upang magpalayas ng mga demonyo, pagalingin ang may sakit at mangaral. Muli ang lahat ng labin dalawa sa kanilang mga pangalan ay itinala. Muli ang una ay si Pedro, at ang panghuling pangalan ay Hudas Eskaryote. Sinasabi ng Mateo 10:1 na ibinigay ni Hesus sa lahat ng mga Disipolong ito “kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu,” gayon din ang magsagawa ng ibang mga himala at mangaral. Si Hudas ay binigyan ng “kapamahalaan” na ito –siya mismo ay nagpalayas ng mga demonyo, at nagpagaling ng sakit, at nangaral. Si Hudas maya-maya ay ang taong nagtaksil kay Kristo. Ngunit binigyan ni Hesus ang taong ito ng kapangyarihan at kapamahalaan upang mangaral (Mateo 10:7).

Binigyan rin siya ng kapangyarihan upang “Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio” (Mateo 10:8). Ito ay isang mahalagang punto para sa atin na tandaan ngayon. Ipinapakita nito na hindi lahat na umaangking mga Kristiyano ay dapat pagkatiwalaan – kahit na kaya nilang magpagaling nga may sakit, at magpalabas ng mga demonyo – at oo, magpabuhay ng patay! Ang ilang mga malulupit na mga tao ay nagagawang gawin ang mga bagay ng iyon sa buong Kristiyanong kasaysayan. Halimbawa ay si Rasputin, isang Russong monghe na dinala sa Czar sa sariling kastilyo ng Russo upang pagalingin ang anak ng Czar. At ngayon dapat tayong mag-ingat na maging alerto sa mga kalalakihang tulad nina Benny Hinn, at ibang mga “nagpapagaling” na mga ebanghelista. Maari silang maging kasing sama gaya ni Hudas Eskaryote – na maya-maya ay tinaksil si Kristo sa Hardin ng Gethsemani. Ngunit si Hudas ay hindi naging nagsapian ng demonyo agad-agad. Mayroong mga hakbang na kanyang kinuha patungo sa pagkasira!

Gaya ng sinabi ko, si Hudas ay ang ingat-yaman ng mga Disipolo. Dinala niya ang kaunting pera na mayroong sila sa kanyang lukbutan o “bag.” Nagbigay sa ng ilang pera mula sa bag sa ibang mga Disipolo kapag kinailangan nila ito. Sinasabi ng Bibliya na si Hudas Eskaryote “siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay” (Juan 12:6).

Si Hudas ay “isang magnanakaw.” Ibiga sabihin mayroon siyang pusa ng isang magnanakaw. Ninakaw niya ang ilan sa pera na nasa bag (o lukbutan) na kanyang binuhat. Sinasabi ng Kumentaryo ni Mathew Henry, “Inibig niya sa kanyang puso na naghahawak ng pera.” Walang mali sa pagkikita ng pera sa pamamagitan ng tapat na gawain. Ngunit sinabi ng Apostol Pablo,

“Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan” (I Ni Timoteo 6:10).

Si J. C. Ryle ay nagsalita patungkol sa “malaking panganib ng pag-iibig sa pera…Ito’y isang patibong sa mahirap gayon rin sa mayaman. Pagtitiwala rito ay sumisira sa kaluluwa. Tayo na at maging kontento sa mga ganoong bagay na mayroon tayo” (Isinalin mula kay J. C Ryle, Pagpapaliwanag na mga Pag-iisip sa Marcos [Expository Thoughts on Mark], Banner of Truth, 1994 paperback, pp. 210, 211; sulat sa Marcos 10:23).

Nakakita ako ng maraming mga kabataan na nawawala sa landas dahil gusto nila ng “seguridad.” Nakita ko na silang isuko ang isang malakas na Kristiyanong pangako upang maghanap ng “seguridad” sa isang mataas ang bayad na karir. Habang isinulat ko ang mga salitang ito noong isang gabi naisip ko ang isang lumang kaibigan, sinong mahabang panahon noon ay natukso ng mundong ito at tumalikod mula kay Hesus. Isa pang salita para sa seguridad ay pera. Ito’y mapanganib na magtiwala sa pera. Sinabi ni Hesus, “kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan” (Marcos 10:24).

Isa sa mga buhay na berso na aking kasamahang si Dr. Cagan ay Kawikain 11:4, “Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan” (Kawikain 11:4). Kamakailan lang na sinabi ni Dr. Cagan sa akin na ang mga kabataan ay madalas nag-iisip na ang “kayamuan” ay tumutukoy sa sekswal na kasalanan at droga lamang. Sinabi niya, “Hindi nila natatanto na isang kayamuan para sap era at karangyaan ay kasing mapanganib ng sekswal na kasalanan at herowin – marahil ay mas higit pa para sa batang Kristiyano.” Si Dr. Cagan mismo ay natukso ni Satanas na mabuhay para sa seguridad at karangyaan. Ang kanyang malaking hangad ay ang kumita ng isang milyong dolyares bago siya maging tatlom pu. Isinuko niya ang kayamuan noong siya’y napagbagyong loob. Siya na ngayon ay ang ikalawang pastor ng ating simbahan. Sundin ang kanyang halimbawa!

Si Hudas Eskaryote ay nasira at nagpunta sa Impiyerno dahil nagmayamo siya para sa pera sa kanyang lukbutan na kanyang binuhat! Tandaan ang Parabula ng Maghahasik!

“Ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan [o pera] sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan” (Lucas 8:14).

Ika’y maaring maipit sa paghahangad ng “mga kaymanan at kalayawan sa buhay na ito” na ika’y dahan-dahang “iniinis” at nagiging isang Kristiyano sa pangalan lamang. Ito ang sumira sa isang dating panino na nagbiyak sa ating simbahan maraming taon noon. Tumakbo papalayo mula rito! Tumakbo papalayo mula rito! Tumakbo papalyo mula sa kayamuan ni Hudas!

“Hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).

Karamihan sa inyo ay nadinig akong magsalita tungkol sa isang bagay na nangyari sa akin noong ako ay nasa kolehiyo. Ito’y naging napaka hirap. Kinailangan kong magtrabaho mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Tapos kumuha ako ng mga klase sa Cal State Los Angeles sa gabi. Tumagal ako ng walong taon upang makuha ang aking bachelor na digri sa gabi. Mga kalahati sa aking daan patungong kolehiyo ako’y naging nag-aalala at nahinaan ang aking loob na ako’y mapait na tinukso ni Satanas. Sa oras na iyon isa sa aking mga propesor ay nagmungkaho sa akin na maging isang guro. Siya’y isang taong hinangaan ko, na nagturo ng makabagong literature. Sinabi niya sa akin na maari akong magkaroon ng isang mainam na karir bilang isang guro ng Ingles. Seryoso kong inisip ang pagsusuko sa ideya ng pagpupunta sa ministro, at imbes ay maging isang guro. Halos ginawa ko ito, ngunit nagpunta ako upang makita ang aking pastor na si Dr. Lin muna. Sinabi niya sa akin na hindi ako kailan man makokontento sa kahit anong mas kaunti kaysa sa ministro. Natandaan kong natatanto na ang kaisipan na pagiging isang Ingles na guro ay isang tukso mula sa Diablo. Si Dr. John R. Rice ay natukso sa parehong paraan bago siya nagpunta sa ministro. Ito’y hindi makasalanan upang maging isang guro para sa kahit sino, ngunit ito’y kasalanan para sa akin. Hindi ito ang gusto ng Diyos para sa akin na gawin sa aking buhay.

Kung nagpatalo ako sa tukso wala sa inyo ang narito ngayong gabi! Si Gg. Griffith ay hindi maliligtas. Si Dr. Chan ay hindi maliligtas. Kahit si Gg. Lee, o kahit sino sa mga pinuno ng ating simbahan. Hindi kayo magiging ligtas rin. Sa katunayan marami sa inyo ay hindi kailan man maipapanganak! Marami sa inyong mga magulang ay nagtapo rito sa ating simbahan. Hindi sila kailan man naikasal at hindi ka kailan man naipanganak. Ang simbahan na ito ay maging wala rito. Maaring hindi ko kailan man nakilala ang aking nakamamanghang asawa. Ang aking mga anak na lalake ay hindi kailan man naipanganak, at ang kanyang anak na si Hannah ay hindi kailan man mabubuhay. Ang simbahan na sinimulan ko sa Hilagang California ay hindi kailan man mabubuhay. Ang apat na pung mga simbahan na lumabas mula sa rito ay hindi kailan man mangyayari. Daan-daang mga tao ay hindi maliligtas – at ang mga pangaral na mga manuskrito at mga videyo sa ating websayt ay hindi kailan man maipapangaral mailalathala sa buong mundo. Literal na libo-libong mga buhay ay maari nabago sa pinaka masama kung ako’y nagpatalo sa tukso na maging isang Ingles na guro sa isang kolehiyo o unibdersidad.

Maya-maya, ako’y nagtapos mula sa kolehiyo at nagpunta sa seminaryo, ako’y lubos na natuksong iwan ang ministro muli. Tunay na isinuko ko ang ministro ng ilang mga araw. Ngunit tinawag ako muli ng Diyos isang gabi. Sa dami ng kalungkutan at sakit ng puso na aking pinagdaanan – ako’y natutuwa na ginawa ko ito. Ang simbahan na ito ay mas higit sa akin kaysa lahat ng ginto sa lupa. Ang buong mundong ministro sa Internet ay mas mahalaga sa akin kaysa sa milyong-milyong mga dolyares! Ito’y maaring parang isang maliit na bagay sa iyo, ngunit ang simbahan na ito ay ang pinaka mahalagang bagay sa mundo sa ajub!

Ang aking buhay, ang aking pag-ibig ibinibigay ko sa Iyo,
   Ikaw na Kordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O naway akong maging mapagpananampalataya lagi,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nakontentong maging ng aking buhay!
Nabubuhay ako para Kanyang namatay sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
(“Nabubuhay Ako Para Sa Kanya.” Isinalin mula sa
“I’ll Live For Him” ni Ralph E. Hudson, 1843-1901; binago ni Dr. Hymers).

Hindi lamang na nakikita ko kung anong kayamanan ang simbahang ito ngayon – nakikita ko rin kung ano dapat maging ang simbahan na ito, anong maari itong maging, at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, anong maaring ito’y maging! Sa aking isipan nakikita ko sa bawat sulok ng awditoriyum na ito puno ng mga masasayang mga kabataan! Nakikita ko ang Espiritu ng Diyos na bumababa. Nakikita ko ang mga kumikinang na mga mukha ng mga kabataan na lumuluha at nagdarasal, at nagsisisigaw para sa kaligayahan! Nakikita ko ang mga kabataan na isinusuko ang kanilang mga buhay sa ministro – at ang ilan nagpupunta sa mga banyagang mga kaparangan bilang mga misyonaryo. Nakikita ko ang isang makapangyarihang simbahan, sumasabog sa tahi – ng pag-ibig ng Diyos umaagos mula sa lugar na ito sa madidilim na mga sulok ng ating bansa at ng ating mundo! Nakikita ko si Kristo Hesus na naitaas at ibinubuhos ang Kanyang pag-ibig sa daan-daang mga kaluluwa sa buong lupa! Naririnig ko silang kumakanta,

Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nakontentong maging ng aking buhay!
Nabubuhay ako para Kanyang namatay sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

Minsan ay ganyan ang naramdaman ni Hudas. Ngunit siya ay isang hindi makapagpasyang mangingibig ni Hesus. Siya ay nahatak sa parehong direksyon. Bahagi sa kanya ay gusto si Hesus. Ngunit isa pang bahagi sa kanya ay gusto ang mga bagay ng mundong ito. Sinasabi ng Bibliya, “Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:8). At kaya, isinawsaw ni Huda sang kanyang kamay sa maliit na bag ng pera na mayroon ang mga Disipolo. Hindi ito marami – kaunting mga dami ng mahahawakan ng kamay lamang na mga barya na mabuting ibinigay ng mga tao kay Hesus kapag sila’y napagpala sa Kanya. Ngunit hinawakan ni Huda sang pera muli’t-muli. Maya’t-maya nagnakaw siya ng ilang barya para sa kanyang sarili.

Tulad ng lahat ng ibang mga Disipolo naisip niya na si Hesus ay magtatatag ng Kanyang makalupaing kaharian agad-agad. Kahit pagkatpos Niyang bumangon mula sa pagkamatay sinabi nila, “Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?” (Mga Gawa 1:6). Sila’y nagplaplano alin sa kanila ang maging pinaka dakila sa karahian. Nagdahilan sila “sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila” (Lucas 9:46).

“Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin…” (Mateo 16:21). Naniniwala ako na si Hudas ay nagsimulang isipin na si Hesus ay mamamatay at hindi itatatag ang Kanyang kaharian – na wala siyang makukuha sa pagsusunod kay Hesus na patuloy pa. Ang Diablo ay lumapit ng mas malapit kay Hudas habang kanyang inisip ang mga bagay na ito.

Ngayon ang Pakuwa ay padating na. Ang punong saserdote at mga eskribe ay naghahanap na isang paraan upang patayin si Hesus. “At pumasok si Satanas kay Judas… At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila. At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi” (Lucas 22:3-5). “Tapos si Satanas ay pumasok kay Hudas.” Ginusto niya ang pera sa buong oras na ito. Ngayon ang Diablo ay naglaro sa kanyang mahinang punto, at si Hudas ay nagpatalo – “Tapos si Satanas ay pumasok kay Hudas” – at nagpunta sa punong saserdote upang itakwil ang Tagapagligtas. Itinakwil ni Hudas Eskaryote si Kristo para sap era! Ang pagigigng hagaman ay sumira sa kanyang kaluluwa!

Si Dr. Cagan ay nagbigay ng isang makapangyarihang pangaral kaninang umaga sa “masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay” (I Ni Juan 2:16). Sinabi ni Dr. Cagan, “Anong ibiga kong sabihin sa ‘masamang pita ng mga mata at kapalaluan sa buhay’? Ang ibig kong sabihin ay pera at ang mga bagay na mabibili ng pera – isang bahay, isang kotse, magagarang damit, magagarang paglalakbay, iba pang mga bagay…Kapag ang pera at ang nabibili nito ay humuhuli sa iyong mata at nagiging iyon pangunahing tunguhin, at ika’y nagpupunta para sa higit-higit pa, ika’y nadakip at naging alipin ng kayamuan ng mga mata. Tinutukoy ko [rin] ang mga papuri ng mga nawawalang mga tao. Tinutukoy ko rin ang mga parangal at mga promosyon at mga ranggo at mga kasamyento, at ang lahat ng mga magagandang mga bagay na sinasabi ng mga tao sa iyo. Oo, dapat kang maging mahusay sa paaralan. Oo, dapat kang kumuha ng isang gawain at magtrabahong lubos rito. Ngunit kapag ang mga parangal at mga promosyon at mga ranggo at mga papuri ay umiikot sa iyong ulo papalayo sa mga bagay ng Diyos, ika’y nadakip ng pagmamataas ng buhay.”

Tapos si Dr. Cagan ay nagsalita patungkol sa mga taong gagamitin ng Diablo upang tuksuhin ka. Sinabi ni Dr. Cagan, “Gagamitin niya ang mga taong gusto mo at nirerespeto mo. Gagamitin niya ang mga tao…na natutunan mo mula – ang mga tinatawag na mga ‘tagaturo’ sa mundo ng kalakaran. Gagamitin niya ang mga tayo sa iyong kolehiyo na iyong hinahangaan at nirerespeto – ang iyong mga propesor at ibang mga ‘tagapagturo’ sa iyong buhay. Pakikinggan mo sila at susundin ang kanilang payo. Hindi mo ito iisipin sa ganitong paraan, ngunit sila ay magiging iyong tunay na pastor – iyong pastol, iyong gabay…Hindi mo ito iisipin na isang tukso. Ito’y magmumukhang maganda sa iyo. Ngunit ipalalayo nito ang iyong pag-ibig kay Kristo… Noong ika’y bata, si Kristo at ang simbahan ay mukhang napaka halaga, ngunit ngayon magsisimula mong ilagay ang mga ito sa isang maliit na bahagi ng iyong buhay… At kaya ito’y nagpapatuloy – tuloy – hanggang sa ika’y nadakip – tulad ni Samson, na may nabulag na mga mata, naggigiling sa isang panggilingang gulong ng buhay!” (Isinalin mula kay Christopher L. Cagan, Ph.D., “Ang Simbahang Mundo o ang Malawak na Mundo?” [“The Church World or the Wide World?”], Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Marso taon 2016).

Kapag binasa ko ang dakilang pangaral ni Dr. Cagan naisip ko, “O Diyos! Dapat kong ipinangaral iyan matagal na!” Ito ba ay magagamit lamang sa isa o dalawa sa ating mga kabataan Inisip ko iyan ng ilang sandali. Tapos isinulat ko sa isang piraso ng papel ang mga pangalan ng labin dalawang mga kabataan sa ating simbahan na nadala sa Satanikong kabulagan sa parehong mga tukso na tinukoy ni Dr. Cagan. Ang aking puso ay nasusuka habang naisip ko na ang aking pangangaral ay nabigo sa puntong ito, habang iyong labin dalawang mga kabataan ay nahigop sa pagkamakamundo ng parehong masamang espiritu na nagdala kay Hudas Eskaryote, hakbang-hakbang, upang itakwil ang Tagapagligtas!

Hindi kailan man naisip ni Hudas na matatapos ito ng ganito, habang siya’y nagpatalo sa tukso ng paunti-unti. Sa wakas si Satanas ay pumasok sa kanya at itinakwil si Hesus. Alam mo ba kung gaano karaming pera ang nakuha niya para sa pagtatakwil kay Kristo? Nakakuha lamang siya ng 30 piraso ng pilak. Sinasabi ng Davis na Diksyonaryong Bibliya na ito’y “mga $19.50, isang pangkaraniwang halaga para sa isang alipin.” Nakukuha ng Diablo at karamihang mga taong mumurahin! Bihira na nagbabayad siya ng malaki. Nakukuha niya ang karamihan sa mga taong mumurahin! Di pangkaraniwan, binilang ko ang 12 na mga kabataan sa ating simbahan na nakuha ng Diablo sa ganitong paraan. Tapos bumalik ako ng tatlompung taon sa aking isipan, at isinulat ko ang kanilang mga pangalan ng saktong 12 ng mga tao na minsan ay sinuswelduhang mga manggagawa ng ating simbahan – na saktong parehong paraan na sinira ni Satanas! O aking Panginoon, dapat akong mangaral sa paksang ito muli’t muli! Oo Diyos, pangako ko na ibibigay ko ang tukso ng pagkamakamundo ng higit pang halagang lugar sa aking pangangaral mula sa gabing ito!

At kaya, dinala ni Hudas ang mga kaaway ni Kristo sa Hardin ng Gethsemani sa teribleng gabing iyon. At kaya, kinaladkad nila si Hesus papalayo upang mahampas at maipako sa krus. At kaya, nakuha ni Huda sang 30 piraso ng pilak – na naghahalagang mga $19.50.

Maya-maya sa gabing iyon, “Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, na sinasabi

‘Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.’

At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti” (Mateo 27:3-5). Naglagay siya ng isang lubid sa kanyang leeg at ibinigti ang kanyang sarili! Iyan ang unang berso ng Bibliya na aking kailan man namemorya, “Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan” (Mateo 27:4). Namemorya ko ang bersong iyan at sinabi ito noong ginanap ko ang parte ni Hudas Eskaryote sa isang malaking pasyong dula sa Unang Bautistang Simbahan ng Huntington Park, California. Ako’y labin walong gulang. Ang bersong iyan ay nagmulto sa akin hanggang sa aking napagbagobg loob dalawang taon maya-maya. “Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.”

Tinatanong kita ngayong gabi, Itatakwil mo ba si Hesus sa iyong buhay? O ibibigay mo ba kay Kristo at ang simbahan unang lugar sa iyong puso at buhay? Magtitiwala ka ba sa Kanya at mabubuhay para sa Kanya, at para sa Kanya lamang? Tatalong taon mula ngayon makakanta mo ba ang kanata mula sa iyong puso?

Ang aking buhay, ang aking pag-ibig ibinibigay ko sa Iyo,
   Ikaw na Kordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O naway akong maging mapagpananampalataya lagi,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nakontentong maging ng aking buhay!
Nabubuhay ako para Kanyang namatay sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

O, kabataan, ibigay ang iyong puso at iyong buhay kay Hesu-Kristo – at huwag kailan man lumayo mula sa Kanya sa tukso ng mundong ito! Kantahin ang himno kasama ko. Ito’y bilang tatlo sa inyong kantahang papel.

Ang aking buhay, ang aking pag-ibig ibinibigay ko sa Iyo,
   Ikaw na Kordero ng Diyos na namatay para sa akin;
O naway akong maging mapagpananampalataya lagi,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!
Nabubuhay ako para sa Kanya na namatay para sa akin,
   Napaka nakontentong maging ng aking buhay!
Nabubuhay ako para Kanyang namatay sa akin,
   Aking Tagapagligtas at aking Diyos!

Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Juan 13:21-30.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Huwag Sumuko sa Tukso.” Isinalin mula sa
“Yield Not to Temptation” (ni Horatio R. Palmer, 1834-1907).