Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MADUGONG PAWIS

THE BLOODY SWEAT
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Marso taon 2016

“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).


Ang mensaheng ito ay base sa dalawang dakilang pangaral ni C. H. Spurgeon, “Ang Matinding Paghihirap sa Hardin” [“The Agony in the Garden”] (Ika-18 ng Oktubre taon 1874) at “Gethsemani” [“Gethsemane”] (Ika-8 ng Pebrero taon 1863). Bibigyan ko kayo ng isang synopsis ng dalawa sa mga homelitikong mga obra maestrang mga ito ng Prinsipe ng mga Mangangaral. Wala rito ay orihinal. Pinasimple ko ang mga pangaral na ito para sa mas kaunting marunong na isipan ng makabagong tao. Ang mga kaisipan na ito ay pinulot mula sa dakilang mangangaral, at inihahandog ko ang mga ito sa iyo na umaasa na ang pagsasalarawan ni Kristo ng Hardinng Gethsemani ay kakapit sa iyong kaluluwa at magbabago ng iyong walang hanggan na kapalaran.

Si Hesus ay kumain ng Pampaskwang hapunan at nagdiwang ng Hapunan ng Panginoon kasama ng Kanyang mga Disipolo. Tapos nagpunta Siya kasama nila sa Hardin ng Gethsemani. Bakit Niya pinili ang Gethsemani upang simulan ang Kanyang matinding paghihirap? Ito ba’y dahil sa si Adam ay isang makasalanan na sumira sa atin sa isang hardin, ang Hardin ng Eden; kaya ang huling Adam ay naghangad na ipanumbalik tayo sa isa pang hardin, sa Hardin ng Gethsemani?

Si Kristo ay madalas nagpunta sa Gethsemani upang manalangin. Ito’y isang lugar kung saan nagpunta Siya ng maraming beses noon. Gustong ni Hesus na makita natin na ang ating kasalanan ay nagbago sa lahat tungkol sa Kanya sa pagdurusa. Ang lugar na Kanyang tinatamasa sa lahat ay isang lugar kung saan Siya ay tinawag upang magdusa ng pinaka matindi.

O maaring pinili Niya ang Gethsemani dahil pinaalala nito sa Kanya ang nakaraang panahon sa panalangin. Ito’y isang lugar na sinagot Siya ng Diyos ng madalas. Kanyang marahil madalas naramdaman na kinailangan Niya ang pagpapaalala ng mga sagot ng Diyos sa panalangin upang tulungan Siya ngayon, habang Kanyang pinapasok ang matinding pagdurusa.

Marahil ang pangunahing dahilan na Siya’y nagpunta sa Gethsemani upang manalangin ay ito’y Kanyang kinagawian na magpunta roon, at alam ito ng lahat. Sinasabi ni Juan sa atin, “Si Judas nga rin naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nalalaman ang dako: sapagka't madalas na si Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon” (Juan 18:2). Kusang nagpunta si Hesus sa lugar kung saan alam Niya Siya’y aarestuhin nila. Noong ang oras ay dumating para sa Kanya upang pagtaksilan, Siya’y nagpunta “gaya ng kordero na dinadala sa patayan” (Isaias 53:7). Hindi Siya nagtago mula sa pinaka mataas na saserdoteng sundalo. Hindi Niya kinailangang hanapin tulad ng isang magnanakaw, o hanapin tulad ng isang espiya. Si Hesus ay nagpuntang maluwag sa loob sa lugar kung saan ang traidor ay madali Siyang mahahanap at ang Kanyang mga kaaway ay makaaresto sa Kanya.

At ngayon papasukin natin ang Hardin ng Gethsemani. Napaka dilim at terible nito sa gabing ito. Tiyak na masasabi natin kasama ni Jacob, “Kakilakilabot na dako ito!” (Genesis 28:17). Nagninilay sa Gethsemani, pag-iisipan natin ang tungkol sa matinding paghihirap ni Kristo, at susubukan kong sagutin ito sa tatlong mga katanungan tungkol sa Kanyang paghihirap sa Hardin.

I. Una, ano ang sanhi ng sakit ni Kristo at matinding paghihirap sa Gethsemani?

Sinasabi ng mga Kasulatan sa atin na si Hesus ay “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3), ngunit hindi Siya nagkaroon ng malungkot na katauhan. Mayroong Siyang matinding kapaypaan sa Kanya na maarin Niyang sabihin “ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo” (Juan 14:27). Hindi ko naiisip na ako’y nagkakamali kapag sasabihin ko na si Hesus mapayapa, at maligayang tao.

Ngunit sa Gethsemani ang lahat ay nagbago. Ang Kanyang kapayapaan ay nawala. Ang Kanyang galak ay nabagong nagbabating pagdurusa. Bumababa sa matarik na dalisdis ng burol na nagdadala mula sa Jerusalem, patawid ng batis ng Kedron, hanggang sa Gethsemani, ang Tagapagligtas ay nanalangin at nagsalitang masaya (Juan 15-17).

“Nang masalita ni Jesus ang mga salitang ito, siya'y umalis na kasama ng kaniyang mga alagad na nagsitawid ng batis ng Cedron [Kēdron], na doo'y may isang halamanan, na pinasok niya at ng kaniyang mga alagad” (Juan 18:1).

Si Hesus ay hindi halos nagsabi ng kahit anong salita tungkol sa pagkakaramdam ng paghihirap o kalungkutan sa Kanyang buong buhay. Ngunit ngayon, sa pagpasok sa Hardin, ang lahat ay nagbago. Sumigaw Siya, “kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito” (Mateo 26:39). Sa Kanyang Buong buhay, hindi halos nagpahiwatig si Hesus na kahit anong pagpapakita ng pagdurusa o kalungkutan, gayon rito Siya’y nagbubuntong hininga, nagpapawis ng dugo, at nagsasbaing, “Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan” (Mateo 26:38). Anong mali sa iyo, Panginoong Hesus, na lubos na ika’y nagugulo?

Malinaw na ang pagdurusang ito at pagkabalisa ay hindi sanhi ng sakita sa Kanyang katawan. Si Hesus ay di kailan man nagreklamo ng kahit anong pisikal na problema. Siya’y nagdusa noong ang Kanyang kaibigang si Lazarus ay namatay. Walang duda na nakaramdam Siya ng pagdurusa noong ang Kanyang mga kaaway ay nagsabi na Siya’y isang mangiinom ng alak, at noong inakusa nila Siya ng pagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Satanas. Ngunit Siya’y matapang sa lahat ng mga iyan at napagdaanan ang mga ito. Ito’y nasa likod na Niya. Mayroon sigurong mas matalim na sakit, mas nakapuputol kaysa pagsisisi, mas terible kaysa pangungulila, na ngayon sa panahong ito ay kumapit sa Tagapagligtas, at gumawa sa Kanyang “namanglaw at nanglumong totoo” (Mateo 26:37).

Sa tingin mo ba na ito’y ang takot ng kamatayan, at ang pangangamba ng pagkakapako sa krus? Maraming mga martir ang namatay ng magiting para sa kanilang mga pananampalataya. Ito’y di nagpaparangal kay Kristo upang isipin na mayroon Siyang mas kaunting lakas kaysa sa kanila. Ang ating Panginoon ay hindi dapat pag-isipan na mas mababa Kaya sa Kanyang sariling mga martir na sumunod sa Kanya hanggang sa kamatayan! Gayon din, sinasabi ng Bibliya, “na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan…” (Mga Taga Hebreo 12:2). Walang makasasalungat sa sakit ng kamatayan na mas mahusay kaysa kay Hesus. Hindi ito maaring ang dahilan para sa Kanyang matinding pagdurusa sa Hardin.

Gayon din, hindi ako naniniwala na ang matinding pagdurusa ng Gethsemani ay sanhi ng isang di pangkaraniwang pagsalakay mula kay Satanas. Sa simula ng Kanyang pangangasiwa, si Kristo ay dumaan sa isang matinding kauguluhan sa Diablo noong Siya ay nasa kagubatan. Gayon hindi natin nababasa na si Hesus ay “nasa matinding pagdurusa” sa kagubatan. Sa kagubatang pagtutuksong iyon walang anumang tulad ng madugong pawis sa Gethsemani. Noong ang Panginoon ng mga anghel ay tumayong harap-harapan kay Satanas, hindi Siya nagbitiw ng malakas na sigaw at pagluha, bumagsak sa lupa at nagmamakaawa sa Ama. Kumpara rito, ang kaguluhan ni Kristo kay Satanas ay madali. Ngunit ang kanyang matinding paghihirap sa Gethsemani ay sumugat sa Kanyang pinka kaluluwa at halos pumatay sa Kanya.

Anong nagsahi ng Kanyang matinding pagdurusa, gayon? Ito’y noong inilagay Siya ng Diyos sa pagdurusa para sa atin. Ito na ngayon na si Hesus ay kinailangang kumuha ng isang partikular na tasa mula sa kamay ng Ama. Kinatakutan Niya ito. Kung gayon matitiyak mo na ito’y mas katakot takot kaysa pisikal na sakit, dahil mula riyan hindi Siya lumiit. Ito’y mas malubha kaysa sa pagkakaroon ng mga galit na mga taong galit sa Kanya – mula riyan hindi Siya tumabi. Ito’y mas katakot-takot kaysa sa Satanikong pagtutukso – na kinailangan Niyang labanan. Ito’y isang bagay na hindi kapani-paniwalang terible, nakamamanghang terible – na nagmula mula sa Diyos ang Ama sa Kanya.

Inaalis nito ang lahat ng pagdududa patungkol sa anong nagsasanhi ng Kanyang matinding pagdurusa:

“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating laha”
(Isaias 53:6).

Kanya na ngayon dala ang sumpa na nararapat na bumagsak sa mga makasalanan. Tumayo Siya at nagdusa sa lugar ng mga makasalanan. Iyan ang sekreto noong mga matinding pagdurusa na hindi lubos na posible para sa akin na ipaliwanag. Walang taong pag-iisip ang lubos na makaiintindi ng pagdurusang ito.

Ito’y sa Diyos at sa Diyos lamang,
Na ang kanyang mga pagdurusa ay lubos na malalaman.
   (“ Ang Iyong Di Nalalamang Pagdurusa.” Isinalin mula sa
      “Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Ang Kordero ng Diyos ay nabubuhat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang katawan, at ang bigat ng ating mga kasalanan ay nailagay sa Kanyang kaluluwa.

“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Ni Pedro 2:24).

Naniniwala ako na ang lahat ng ating mga kasalanan ay inilagay “sa kaniyang katawan” sa Gethsemani, at na Kanyang dinala ang ating mga kasalanan sa Krus sa sunod na araw.

Doon sa Hardin lubos na naintindihan ni Kristo kung ano maging isang tagadala ng kasalanan. Siya’y naging isang sangkalan, binubuhat ang mga kasalanan ng Israel sa Kanyang ulo, upang kunin at gawing pag-aalay para sa kasalanan, upang dalhin palabas ng isang kampo at lubos na natupok ng apoy ng poot ng Diyos. Ngayon nakikita mo ba kung bakit si Kristo ay lumiit mula sa mga ito? Ito’y isang nakagugulat na bagay para kay Kristo na tumayo sa harap ng Diyos sa lugar nating mga makasalanan – gaya ng maaring sinabi ni Luther, na tignan ng Diyos na para bang Siya ang lahat ng mga makasalanan sa mundo. Siya na ngayon ay naging ang sentro ng lahat ng paghihiganti at poot ng Diyos. Dala Niya sa Kanyang sarili ang paghahatol na dapat ay bumagsak sa makasalanang tao. Upang maging nasa posiyong ito ay siguro napaka terible para kay Kristo.

Tapos, gayon rin, ang mulat para sa kasalanan ay nagsimulang bumagsak sa Kanya sa Hardin. Una, ang kasalanan mismo ay bumagsak sa Kanya, at tapos ang multa para sa kasalanan. Iyan hindi maliit na pagdurusa na nabayad ng hustisya ng Diyos para sa mga kasalanan ng tao. Ako’y di kailan man takot sa pagpapalaki sa pinagtiisan ng ating Panginoon. Ang lahat ng Impiyerno ay ibinuhos sa tasang iyon na Kanyang ininom.

Ang pighati na sumira sa espiritu ng Tagapagligtas, ang dakila at hindi matarok na ang lalim na dagat ng hindi maipahiwatig na dalamhati na sumugod sa kaluluwa ng Tagapagligtas sa Kanyang nagsasakripisyong kamatayan, ay napaka di kapanipaniwala na hindi ako dapat lumayo masayado, o mayroong aakusa sa akin ng pagsusubok na ipahiwatig ang di maipaliwanag. Ngunit sasabihin ko ito, ang pinaka wisik mula sa dakilang magulong malalim na kasalanan ng tao, habang ito’y bumagsak kay Kristo, ay buminyag sa Kanya ng isang madugong pawis. Upang tratuhin na isang makasalanan, upang parusahan bilang isang makasalanan, kahit na hindi Siya kailan man nagkasala – ito ang nagsanhi sa Kanyang matinding pagdurusa na ang na tinutukoy ng ating teksto.

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Ngayon napupunta tayo sa sunod na tanong.

II. Pangalawa, ano ang ibig sabihin ng Madugong pawis ni Kristo?

Sinasabi ni Ellicot sa atin na ang katotohanan ng madugong pawis ay “ang karaniwang tinatanggap na pananaw” (Isinalin mula kay Charles John Ellicott, Kumentaryo sa Buong Bibliya [Commentary on the Whole Bible], kabuuan VI, pah. 351). Nagpapatuloy siya sa pagpupunto na ang “Pinaka salitang ‘madugong pawis,’ [ay] kilala bilang isang simtoma ng lubos na pagkapagod kay Aristotle” (Isinali mula sa ibid.). Mula kay Augustine hanggang sa kasalukuyang araw ng karamihang mga taga kumento ay pinanghawakan na ang mga salitang “gaya ng” ay nagpapahiwatig na ito’y aktwal na literal na dugo. Naniniwala rin kami na si Kristo ay talagang nagpawis ng dugo. Kahit na ito’y madalas na di pangkaraniwan, ito’y nasaksihan rin sa ibang mga tao sa iba’t ibang mga tao sa kasaysayan. Sa lumang mga aklta ng medisina ni Galen, at ilang mga kamakailan lang na mga petsa, mayroong mga ulat ng mga tao na pagkatapos ng mahabang kahinaan ay nagkaroon ng madugong pawis.

Ngunit ang kaso ni Kristo na nagpapawis ng dugo ay di pangkaraniwan. Hindi lamang Siya nagpapawis ng dugo, kundi ito’y mga dakilang patak o mga “namuong dugo,” malaki, mabigat na mga patak. Ito’y hindi nakita sa kahit anong kaso. Ang ilang dugo ay nagpakita sa pawis ng mga may sakit na mga tao, ngunit hindi kailan man dakilang mga patak. Tapos tayo ay sinabihan na ang mga dakilang mga naumong dugong ito ay hindi tumagos sa Kanyang mga damit, ngunit “bumabagsak sa lupa.” Rito si Kristo ay tumatayong mag-isa sa medikal na kasaysayan. Siya’y nasa mabuting kalusugan, isang lalake ng mga tatlompu’t tatlong taong gulang. Ngunit ang puwersa sa isipan ay tumataas mula sa bigat ng Kanyang pasan ng kasalanan, ang pagbabanat ng Kanyang lahat ng lakas, ay pumwersa sa Kanyang katawan sa isang di natural na kaguluhan na ang mga maliit na butas sa Kanyang balat ay bumukas at malalaking patak ng dugo ay bumuhos at bumagsak sa lupa. Ipinapakita nito kung gaano katindi ng bigat ng kasalanan ay nasa Kanya. Dumurog ito sa Tagapagligtas hanggang sa Siya’y dumugo mulas a Kanyang balat.

Ipinapakita nito ang boluntaryong kalikasan ng pagdurusa ni Kristo, dahil na walang kutsilyo ang dugo ay umagos na malaya. Sinasabi ng mga medikal na mga doktro na kapag karamihan sa mga tao ay nagdurusa mula sa matinding pagkatakot, ang dugo ay nagmamadali sa puso. Ang mga pisngi ay nagiging puti; isang pagkahimatay ay dumarating; ang dugo ay nagpupunta papasok. Ngunit tignan ang Tagapagligtas sa Kanyang matinding paghihirap. Nalilimutan Niya ang Kanyang sarili ng higit na ang Kanyang Dugo, ay imbes na magpunta papasok upang palusugin Siya, ay dinadala papalabas upang bumagsak sa lupa. Ang pagbubuhos ng Kanyang Dugo sa lupa ay naglalarwan ng lubos na kaligtasan na malayang inaalay sa iyo. Gaya ng Dugo na ibinuhos na malaya mula sa Kanyang balat, upang ikaw rin ay mahugasan mula sa iyong mga kasalanang malaya kapag magtiwala ka kay Hesus.

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

Ang madugong pawis ay dumating bilang resulta ng pagdurusa ng Kanyang kaluluwa. Ang sakit sa kanyang puso ay pinaka malubhang sakit. Ang pagdurusa at kalungkutan ay ang pinaka madilim na mga pagdurusa. Iyong mga nakaaalam ng malalim na kalungkutan ay makasasabi sa iyo na ito ay totoo. Sa Mateo mababsa natin na Siya ay “namanglaw at nanglumong totoo” (Mateo 26:37). “Naglumong totoo” – ang pagpapahiwatig na iyan ay puno ng ibig sabihin. Inilalarawan nito ang isang isipan na lubos na nasasakop ng pagdurusa, sa pagpapalayas ng ibang mga kaisipan. Ang Kanyang posisyon bilang isang taga dala ng kasalanan ay nagdala ng Kanyang isipan papalayo mula sa lahat ng ibang mga bagay. Siya’y itinapon paurong-sulong sa isang makapangyarihang dagat ng kaguluhan ng kaisipan. “gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati” (Isaias 53:4). “Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan” (Isaias 53:11). Nabigo Siya ng Kanyang puso. Siya ay puno ng pagkatakot at pangangamba. Siya ay “naglulumong totoo.”

Ang nakakaalam na si Thomas Goodwin ay nagsabi, “Ang salitang ay nagpapahiwatig ng pagkabigo, kakulangan, at paglubog ng espiritu, tulad ng nangyayari sa tao sa pagkasakit at paghihimatay.” Ang sakit ni Epaphroditus, na nagdala sa kanyang malapit sa kamatayan, ay tinawag sa parehong salita. Kaya makikta natin na ang kaluluwa ni Kristo ay may karamdaman at hinihimatay. Ang Kanyang pawis ay ibinunga ng lubos na pagkapagod. Ang lamig, ang malamig na pawis ng namamatay na tao ay lumalabas sa pagkahina ng kanilang mga katawan. Ngunit ang madugong pawis ni Hesus ay dumating mula sa panloob na kamatayan ng Kanyang kaluluwa, sa ilalim ng bigat ng kanilang kaluluwa. Siya ay nasa teribleng pagkahimatay ng kaluluwa, at nagdusa ng panloob na kamatayan, kasama ng pagluluha ng dugo mula sa Kanyang buong katawan. Siya ay “naglulumong totoo.”

Ang ebanghelyo ni Marcos ay nagsasabi sa atin na Siya ay “nagtakang totoo” (Marcos 14:33). Ang Griyegong salita na nangangahulugan na ang Kanyang pagkamangha ay nagbunga ng lubos na pakatakot, katulad na nagkakaroon ang mga tao kapag ang kanilang mga buhok ay tumatayo sa dulo nito at ang kanilang mga laman ay nanginginig. Ang pagdadala ng Batas ay gumawa kay Moses na manginig sa takot; kaya ang ating Panginoong ay tinamaan ng pagkatakot sa paningin ng kasalanan na nailagay sa Kanya.

Ang Tagapagligtas ay unang nagdurusa, tapos nalungkot at nalulumo, at panghuli “nagtakang totoo.” Siya ay puno ng nanginginig na pagkamangha. Kapag ito’y aktwal na dumating sa nagbubuhat ng ating mga kasalanan, Siya ay lubos na nagulat at nasindak na tumayo sa lugar ng makasalanan sa harap ng Diyos. Siya ay namangha na ang Diyos ay tumingin sa Kanya bilang isang kumkatawan sa makasalanan. Siya ay namangha sa kaisipan ng pagiging tinalikdan ng Diyos. Ginigigiray-giray nito ang Kanyang banal, malambot, nagmamahal na kalikasan, at Siya ay “ nagtakang totoo” at “naglulumong totoo.”

Tayo ay sinabihan pa na sinabi Niya, “Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan” (Mateo 26:38). Ang Griyegong salitang “perilupos” ay nangangahulugang napaligiran ng pagdurusa. Sa ordinaryong pagdurusa mayroong karaniwang isang lusot ng pagtakas, mayroong ilang lugar ng paghinga ng pag-asa. Maari nating karaniwang paalalahanan iyong mga nasa kaguluhan na ang kanilang kalagayan ay maaring maging mas malubha. Ngunit sa kaso ni HEsus walang mas malubha ang maiisip, dahil maari Niyang sabihin kasama ni David, “ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin” (Mga Awit 116:3). Ang lahat ng mga alon gumugulong mga alon ay napunta sa ibabaw Niya. Sa ibabaw Niya, sa ilalim Niya, sa paligid Niya, sa labas Niya, sa loob Niya, lahat, lahat ay nasa pagdadalamhati at walang pagtakas mula sa Kanyang sakit at pagdurusa. Walang dalamhati at maaring lumayo kaysa kay Kristo, at sinabi Niya, “Ang aking kaluluwa ay naglulumong totoo, “pati hanggang sa kamatayan” – hanggang sa pinaka gilid ng kamatayan!

Hindi Siya namatay sa Hardin ng Gethsemani, kundi nagdusa ng kasing higit na parang Siya’y namatay. Ang Kanyang sakit at dalamhati ay nagpunta sa hanggang sa gilid ng kamatayan – at tapos ay humintio.

Hindi ako nagulat na ang ganoong panloob na puwersa ay gumawa sa ating Panginoong magpawis na parang mga dakilang patak ng dugo. Ginawa ko itong malinaw na maari mula sa makataong katayuan.

Ito’y sa Diyos, at sa Diyos laman,
Na ang Kanyang dalamhati ay lubos na nalaman.

“Nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

III. Pangatlo, bakit dumaan si Kristo sa lahat ng mga ito?

Tiyak ako na maraming mga tao ay nagtataka bakit kinailangan ni Kristo na dumaan sa ganoong matinding paghihirap at ganoong mga dakilang patak ng dugo. Maari nilang sabihin , “Alam kong dumaan Siya sa lahat ng iyan, ngunit hindi ko naiintindihan bakit kinailangan Niyang dumaan rito.” Bibigyan ko kayo ng anim na mga dahilan bakit kinailangang dumaan ni Hesus sa ganitong karanasan sa Hardin ng Gethsemani.

1. Una, upang ipakita sa atin ang Kanyang tunay na pagkamakatao. Huwag mong isipin na Siya bilang Diyos simple, kahit na Siya ay tiyak na banal, ngunit naramdaman Siya na malapit na kapatid sa iyo, buto ng iyong buto, laman ng iyong laman. Napaka lubos na Siya’y makiramay sa iyo! Siya’y nakargahan ng lahat ng mga bigat at napagdalamhati ng lahat ng iyong mga dalamhati. Wala kailan mang nangyayari sa iyo na hindi naiintindihan ni Hesus. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay maaring makabuhat sa iyo sa iyong mga pagkatukso. Kumapit kay Hesus bilang iyong kaibigan. Bibigyan ka niya ng kaginhawaan na magdadala sa iyo sa lahat ng kaguluhan ng buhay.

2. Pangalawa, upang bigyan tayo ng halimbawa. Sinabi ng Apostol Pedro, “si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya” (I Ni Pedro 2:21). Lubos akong di sumasang-ayon doon sa mga mangangaral na nagsasabi sa iyo na ang iyong buhay bilang isang Kristiyano ay magiging madali! Sinabi ng Apostol Pablo, “Lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig” (II Ni Timoteo 3:!2). Sinabi niya, “Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3). Sinabi ni Pablo ang mga salitang iyon bilang isang batang mangangaral. Ang pangangasiwa ay isang mahirap na trabaho. Karamihan sa mga tao ay hindi ito magagawa. Ayon kay George Barna, 35 hanggang sa 40 pursyento ng lahat ng mga pastor ay iniiwan ang pangangasiwa ngayon. Ito ang pinaka mahirap na pagtatawag sa mundo. Walang tao ang maka titiis nito hangga’t siya ay sundalo ni Kristo! Hindi lamang mga pastor, kundi lahat ng mabuting mga Kristiyano ay dumadaan sa paghihirap upang paglingkuran ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). Sa palagay ko ito’y si Dr. John Sung na nagsabina, “Walang krus – walang korona.”

3. Pangatlo, ang Kanyang karanasan sa Hardin ay nagpapakita ng kasamaan ng kasalanan. Ikaw ay isang makasalanan, na hindi kailan man si Hesus. O, makasalanan, ang iyong kasalanan ay dapat maging isang teribleng bagay dahil nagsanhi ito ng ganoong sakit kay Kristo. Ang pagpaparatang ng ating kasalanan ay nagsanhi sa Kanyang madugong pawis.

4. Pang-apat, ang Kanyang panahon ng pasubok sa Hardin ay nagpapakita ng Kanyang pag-ibig para sa atin. Dinala Niya ang pagkatakot ng pagiging isang makasalanan sa ating lugar. Pinagkakautang natin Siya sa lahat para sa pagdurusa sa ating lugar, upang magbayad para sa multa ng ating kasalanan. Dapat natin Siyang mahalin ng lubos para sa pagmamahal sa atin ng matindi.

5. Panlima, tignan si Hesus sa Hardin at alamin ang kadakilaan ng Kanyang pagbabayad. Napaka itim ko, napaka rumi ko sa paningin ng Diyos. Nararamdaman ko na ako ay nararapat lamang sa Impiyerno. Namamangha ako na hindi ako matagal nang itinapon ng Diyos doon. Ngunit nagpunta ako sa Gethsemani, at tumingin ako sa ilalim ng mga punong olivong iyon, at nakita ko ang aking Tagapagligtas. Oo, nakita ko Siya naglulublob sa lupa sa hirap, at nadinig ko Siyang umuungol. Tumingin ako sa lupa sa paligid Niya at nakita ko itong pula sa Kanyang Dugo, habang ang Kanyang mukha ay napahiran ng madugong pawis. Sinasabi ko sa Kanya, “Tagapagligtas, anong nangyayari sa iyo?” Nadinig ko Siyang sumagot, “Nagdurusa ako para sa iyong kasalnan.” At natanto ko na ang Diyos ay makabibigay ng kapatawaran para sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang sakripisiyo para sa akin. Magpunta kay Hesus at maniwala sa Kanya. Ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad sa pamamagitan ng Kanyang Dugo.

6. Pang-anim, isipin ang takot ng kaparusahan na darating doon sa mga tumatanggi sa Kanyang nagbabayad na Dugo. Pag-isipan na kung tatanggihan mo Siya ikaw ay isang araw kailangang tumayo sa harap ng isang banal na Diyos at maging mahusgahan para sa iyong mga kasalanan. Sasabihin ko sa iyo, na may sakit sa aking puso habang sasabihin ko sa iyo, anong mangyayari sa iyo kung tatangihan mo ang Tagapagligtas, si Hesu-Kristo. Hindi sa Hardin, kindi sa kama, magugulat ka at malalabanan ng kamatayan. Ika’y mamamatay at ang iyong kaluluwa ay dadalhin upang husgahan at ipadala sa Impiyerno. Hayaan na ang Gethsemani ay magbigay babala sa iyo. Hayaan ang pag-uungol at mga luha at madugong pawis ay magpakilos sa iyong magsisi ng kasalanan at maniwala kay Hesus. Magpunta sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at buhay, nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magpunta sa Kanya ngayon at maging napatawad, bago ito huli na. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 22:39-44.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Iyong Di Nalalamang Mga Pagdurusa.”
Isinalin mula sa “Thine Unknown Sufferings” (ni Joseph Hart, 1712-1768).


ANG BALANGKAS NG

ANG MADUGONG PAWIS

THE BLOODY SWEAT

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).

(Juan 18:2; Isaias 53:7; Genesis 28:17)

I.   Una, ano ang sanhi ng sakit ni Kristo at matinding
paghihirap sa Gethsemani? Isaias 53:3; Juan 14:27; 18:1;
Mateo 26:39, 38, 37; Mga Taga Hebreo 12:2; Isaias 53:6;
I Ni Pedro 2:24; Lucas 22:44.

II.   Pangalawa, ano ang ibig sabihin ng Madugong pawis ni Kristo?
Lucas 22:44; Mateo 26:37; Isaias 53:4, 11;
Marcos 14:33; Mateo 26:38; Mga Awit 116:3; Lucas 22:44.

III. Pangatlo, bakit dumaan si Kristo sa lahat ng mga ito?
I Ni Pedro 2:21; II Ni Timoteo 3:12; 2:3; Mga Gawa 14:22.