Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI HESUS – NAGDURUSA SA HARDINJESUS – SUFFERING IN THE GARDEN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin. At kaniyang isinama si Pedro at si Santiago at si Juan, at nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam; At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat” (Marcos 14:32-34). |
Nakain na ni Kristo ang hapunang pang Paskwa kasama ng Kanyang mga Dispolo. Sa katapusan ng hapunan, binigyan sila ni Kristo ng tinapay at tasa – na ating tinatawag na “ang Hapunan ng Panginoon.” Sinabi Niya sa kanila na ang tinapay ay tumutukoy sa Kanyang katawan, na iaalay sa sunod na umaga. Sinabi Niya sa kanila na ang tasa ay tumutukoy sa Kanyang Dugo, na Kanyang ibubuhos upang malinis tayo mula sa ating kasalanan. Tapos si Hesus at ang mga Disipolo ay kumanta ng isang himno, at iniwanan ang silid upang lumabas sa gabi.
Naglakad sila pababa sa silangang libis ng Jerusalem at tumawid sa batis ng Cedron. Tapos naglakad sila ng mas malayo pang kaunti, sa gilid ng Hardin ng Gethsemani. Iniwanan ni Hesus ang walo sa mga Disipolo sa gilid ng Hardin at sinabihan silang manalangin. Tapos nagpunta Siyang mas malalim sa Hardin kung saan iniwan Niya si Pedro, Santiago at Juan. Si Hesus Mismo ay nagpunta pang mas malayo sa kadiliman, sa ilalim ng mga puno ng olivo. Ito’y doon Siya’y “na nagpasimulang nagtakang totoo [nagulat ng husto], at namanglaw na mainam [lubos na nabalisa]; At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan… At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras” (Marcos 14:33, 35).
Sinabi ni Obispo J. C. Ryle ng Simbahan ng Inglatera, “Ang kasaysayan ng pagdurusa ng ating Panginoon sa Hardin ng Gethsemani ay malalim at isang miteryosong pasahe ng Kasulatan. Naglalaman ito ng mga bagay na ang pinaka madudunong na mga [teyolohiyano] ay hindi lubos na maipaliwanag. Gayon mayroong itong…simpleng mga katotohanan ng [dakilang] kahalagahan” (Isinalin mula kay J. C. Ryle, Pagpapaliwanag na mga Pahayag sa Marcos [Expository Remarks on Mark], The Banner of Truth Trust, 1994, pah. 316; sulat sa Marcos 14:32-42).
Magpunta tayo sa ating mga isipan sa Gethsemani ngayong umaga. Sinasabi sa atin ni Marcos na Siya ay “nagtakang totoo” (Marcos 14:33). Ang Griyegong salita ay “ekthambeisthai” – na ang ibig sabihin ay “nagulat ng husto, lubos na nabalisa, nabigla at nabahala.” “Lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa” …At sinabi Niya sa kanila, “Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan” (Marcos 14:34, 35).
Sinabi ni Bishop Ryle, “Mayroong isa lamang katanggap-tanggap na paliwanag para sa mga pagpapahayag na mga ito. Ito’y hindi simpleng takot ng pisikal na pagdurusa…Ito’y isang pagkakadama ng malaking bigat ng pagkakasala ng tao, na nagsimula sa panahong iyon na pumiga sa Kanya sa isang kakaibang paraan. Ito’y isang pagkadiwa ng [di matukoy] na bigat ng ating mga kasalanan at pagkakasalansang alin ay doon inilalagay sa Kanya. Siya ay ginagawang ‘isang sumpa para sa atin.’ Buhat Niya ang ating mga pagdadalamhati at pagdurusa…Siya’y ginagawang ‘kasalanan para sa atin na Siya Miamo ay walang kasalanan.; Ang Kanyang banal na kalikasan ay naramdamang [lubos] ang kahindik-hindik na bigat na inilagay sa Kanya. Ang mga ito ang mga dahilan para sa Kanyang di pangkaraniwang pagdurusa. Kailangan nating makita ang pagdurusa ng ating Panginoon sa Gethsemani ang lubos-lubos na pagkamakasalanan ng kasalanan” (Isinalin mula kay Ryle, pah. 317).
Naway hindi mo isiping magaan lang ang mga kasalanan ng pagkukulang na magpunta sa simbahan, pagpapabaya ng pagbabasa ng Bibliya imbes ay nanonood ng videyong palaro, pornograpiya, pagsasayaw at paglalasing. Ang lahat ng mga kasalanang ito ninyo ay inilagay kay Hesus sa Gethsemani. Ngunit mayroong higit pa – mas higit pa. Ang pinaka matinding kasalanan na iniglagay kay Hesus sa Hardin ng Gethsemani ay ang ating orihinal na kasalanan, ang ating lubos na kasamaan, na nagmumula mula sa ating pagiging lubos na masamang mga makasalanan. Ito’y “kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita” (II Ni Pedro 1:4). Ito’y ang katunayan na “kaming lahat ay naging parang marumi” (Isaias 64:6). Ito’y ang pagkamakasarili, kasakiman, at rebelyon sa ating mga kalikasan laban sa Diyos. Ito’y iyong “ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” na nagrerebelde laban sa Diyos at gustong mabuhay na wala Siya (Mga Taga Roma 8:7). Ito’y isang pangit, nakakadiring puso na mayroong ka (Mga Taga Roma 8:7). Ito’y ang makasalanang puso na mayroon ka, na ipinasa sa iyo mula kay Adam, ang unang makasalanan. Bumababa ito mula sa kanya sa iyong mga gene, sa iyong dugo, at sa iyong kaluluwa. (Mga Taga Roma 5:12) – “Sapagka’t… sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao [ang lahat ng tao] ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19).
Tignan kung paano ang maliliit na mga sanggol ay naipapanganak sa kasalanan. Sinabi ni A. W. Pink, “Ang katiwalian ng kalikasan ng tao ay madidiskubre ang sarili nito sa maliliit na mga bata…At anong maagang edad na ito’y makikita! Kung mayroon mang [namanang] kabutihan sa ato, maipapakita itong tiyak sa [isang bagong panganak na sanggol], bago pa man masamang mga kaugalian ay mabuo sa pagkikisama sa mundo. Ngunit mahahanp ba natin ang mga [sanggol] na mabuti? Malayo mula rito. Ang di nagbabagong resulta ng paglake ng tao ay na sa oras na sila’y matanda nang sapat [sila ay] mga masasama. Ipinapakita nila ang pansariling kagustuhan, kulob at paghihiganti. Umiiyak sila at ngumunguso para sa anong hindi mabuti para sa kanil, at sila’y [galit sa kanilang mga magulang] kapag tinatanggihan, madalas sinusubukan [silang kagatin]. Iyong mga ipinanganak at ipinalaki sa gitna ng katapatan ay nagkakasala ng [pagnanakaw] bago pa man nila masaksihan ang gawain ng pagnanakaw. Sa pamamagitan ng mga [kapintasang] ito…ang kalikasan ng tayo ay nakikitang [makasalanan] mula sa simula ng pagkakabuhay” (Isinalin mula kay A. W. Pink, Mga Himalay mula sa Kasulatan, Ang Lubos na Kasamaan ng Tao [Gleanings from the Scriptures, Man’s Total Depravity], Moody Press, 1981, mga pah. 163, 164). Ang Komisyon ng Krimen ng Minnesota ay ginawa itong mas malinaw pa sa isa sa mga ulat nito. “Bawat sanggol ay nagsisimula ng buhay nito bilang isang maliit na ganid. Siya ay lubos na makasarili at naka-sentro sa sarili. Gusto niya ang gusto niya kapag gusto niya ito…ang atensyon ng kanyang ina, ang laruan ng kanyang kalaro, ang relo ng kanyang tiyo. Ipagkait mo sa kanya ang mga [bagay] na ito at siya’y sisigaw na may galit at handulong, na magiging nakamamatay tao kung hindi niya ito makakayanan…Ibig nitong sabihin na lahat ng mga bata, hindi lang partikular na mga bata, ay ipinanganganak na pabayang i.e. makasalanan” (Isinalin mula sa isinipi ni Haddon W. Robinson, Biblikal na Pangangaral [Biblical Preaching], Baker Book House, 1980, mga pah. 144, 145). Sinabi ni Dr. Isaac Watts,
Agad-agad na atin hilain ang ating sanggol na hininga,
Ang mga buto ng kasalanan ay lumalago para sa kamatayan;
Ang Iyong batas ay humihingi ng ganap na puso,
Ngunit nadumihan sa bawat bahagi.
(“ Mga Awit 51,” Isinalin mula sa “Psalm 51,”
ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
Ang sanggol ay sumisigaw agad-agad na ito’y naipapanganak. Walang sanggol na hayop ang gumagawa niyan. Sila’y papatayin sa gubat agad-agad ng ibang mga hayop kung humiyaw at sumigaw sila gaya ng mga taong sanggol. Ngunit mga sanggol na mga tao ay sumisigaw laban sa Diyos, sa awtoridad, at buhay mismo mga sandali pagkatapos nilang maipanganak. Bakit? Dahil sila’y naipanganak na mayroong likas na kasalanan mula sa ating ninunong si Adam, iyan ang dahilan. Iyan ang dahilan na ang iyong kinikilingan ay ang magrebelde, si sumanggayon sa mga Kristiyanong pinuno, ipilit ang iyong sariling paraan, at tumangging gawin ang tama. Ito ang ugat na sanhi ng buong mundong pagdurusa at kamatayan – ito’y ang likas na kasalanan. Ian ang dahilan na ika’y nagkakasala, kahit pagkatapos ng pagbabagong loob. Ang iyong mga magulang ay maaring isipin na ika’y isang batang Kristiyano, ngunit ikaw ay tunay na batang makasalanan na kinamumuhiang gawin ang kagustuhan ng Diyos!
Idag-dag ang lahat ng orihinal na kasalanan na ito sa mga kasalanan na nakamit ng tao sa kaisipan, salita at gawain at ito’y madaling makita bakit si Hesus ay nagulat! Siya’y nadurog noong inilagay ng Diyos ang mga kasalanan ng mundo sa Kanya.
Pakilipat sa inyong Bibliya sa paglalarawan ni Lucas nito. Ito’y nasa pahina 1108 sa Pag-aaral na Bibliya ng Scofield. Ito’y nasa Lucas 22:44. Magsitayo at basahin itong malakas.
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Maari nang magsi-upo.
Sinabi ni Obispo Ryle, “Paano natin [mapaliliwanag] ang malalim na pagdurusa na pinagdaanan ng ating Panginoon sa hardin? Ano ang dahilan para sa lubos na pagdurusa, parehong mental at sa katawan, na Kanyang tiniis? Mayroong isa lamang kumakasiyang kasagutan. Ito’y ang bigat [ng] mundo na ipinaratang na kasalanan, na nagsimulang dumiin sa Kanya…Ito’y ang malaking bigat ng mga [kasalanang] ito na gumawa sa Kanyang magdusa ng lubos na pagdurusa. Ito’y ang diwa [ng] pagkakasala ng mundo na dumidiin sa Kanya na gumawa sa walang hanggang Anak ng Diyos na magpawis ng matinding patak ng dugo” (Isinalin mula kay J. C. Ryle, Lucas, Kabuuan 2 [Luke, Volume 2], The Banner of Truth Trust, 2015 edisiyon, mga pah. 314, 315; sulat sa Lucas 22:44).
“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang [ang Diyos] inaring may sala dahil sa atin” (II Mga Taga Corinto 5:21).
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan” (I Ni Pedro 2:24).
Sinabi ni Obispo Ryle, “Dapat tayong kumapit ng pirmihan sa lumang doktrina na si Kristo ay ‘nagdala ng ating mga kasalanan,’ parehong sa hardin [ng Gethsemani] at sa krus. Walang ibang doktrina ay kailan man magpapaliwanag [ng madugong pawis ni Kristo], o makasasaya konsensya ng masamang tao” (isinalin mula sa ibid.). Sinabi ni Joseph Hart,
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Ng Kanyang pagdurusa na napaka lubos
Ang mga anghel ay walang ganap na pagkadiwa.
Ito’y ang Diyos at ang Diyos lamang.
Na ang kanilang mga bigat ay lubos na nakilala.
(“Ang Iyong Di Kilalang Mga Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” by Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
Muli, sinabi ni Joseph Hart,
Doon binuhat ng Anak ng Diyos ang lahat ng aing pagkasala;
Ito sa pamamagitan ng biyaya ay maaring mapaniwalaan;
Ngunit ang mga katatakutan na kanyang naramdaman
Ay masyadong malaki upang maisip.
Walang makatatagos sa iyo,
Malungkot, madilim Gethsemani.
(“Maraming Kapighatian na Kanyang Tiniis.” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” by Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “Come, Ye Sinners”).
At sinabi ni William Williams,
Ang malakint bigat ng pagkasala ng tao ay inilagay sa Tagapagligtas;
Na may kapighatian gaya ng sa isang damit,
Siya para sa makasalanan ay iniaayos,
Para sa mga makasalanan ay iniayos.
(“Pag-ibig sa Lubos na Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Love in Agony” ni William Williams, 1759;
sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6).
Ito ang simula ng bikaryong pagbabayad ni Kristo. Ang ibig sabihin gng “bikaryo” ay ang pagdurusa ng isang tao sa lugar ng isa pa. Ang pagdurusa ni Kristo sa iyong lugar, para sa iyong kasalanan, dahil wala Siyang kasalanan sa Kanyang Sarili. Si Kristo ay naging ating taga-buhat ng kasalanan sa Gethsemani, sa ilalim ng mga puno ng olivo sa madaling araw. Siya’y maipapako sa isang krus sa umaga, gumagawa ng punong pagbabayad para sa iyong kasalanan. Paano mo tatangihan ang ganoong pag-ibig – ang pag-ibig na mayroon si Hesus para sa iyo? Paano mo mapatitigas ang iyong puso at tanggihan ang ganoong pag-ibig? Ito ang Diyos ang Anak, nagdurusa sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong kasalanan. Ikaw ba ay napaka lamig at matigas na ang Kanyang pag-ibig para sa iyo ay walang kabuluhan?
Minsan akong nakatagpo ng isang manlilibing na sinubukang arkilahin ako upang magsagawa ng mga libing para sa mga tao na walang pastor. Dinala niya akong magtangghalian. Ito’y ang pinaka di pangkaraniwang tanghalian na aking kinain. Mayroong siyang di pangkaraniwang tingin sa kanyang mukha habang sinabi niya sa akin na madalas siyang kumain ng isang sanwits habang siya’y nagtrabaho siya sa mga patay na mga katawan sa kanyang mortuwarya. Hindi ko kinuha ang trabaho! Tumakbo ako mula sa restorante sa takot. Paano na ang isang tao ay makakain ng isang sanwits habang ineembalsamo ang isang patay na katawan? Terible! Maya-maya natanto ko na ang kanyang isipan ay naging napaka lamig at matigas na hindi na siya nagulo nito. Tatanungin kita, ikaw ba ay naging napaka lamig at matigas na kapag narinig mo ang pagdurusa ni Hesus para sa iyo hindi ka na naguguluhan nito? Ikaw ba’y naging napaka kakaiba na maari akong magsalita tungkol sa pagdurusa ni Hesus upang magbayad para sa iyong kasalanan at wala itong kabuluhan sa iyo? Ikaw ba’y naging nakaluhan na gaya ng mga sundalo na ipinako si Hesus sa Krus – at tapos ay nagsugal para sa Kanyang damit habang Siya’y namatay malapit lang? O naway na hindi ito ganito! Nagmamakaawa ako sa iyo ngayong umaga na magtiwala sa Tagapagligtas at maging nahugasanng malinis ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang banal na Dugo!
Sinasabi mo “Masyadong maraming isusuko.” O, naway huminto ka sa pakikinig sa Diablo! Walang bagay sa mundong ito na kasing halaga nito!
Sayang! at ang aking Tagapagligtas ay nagdugo?
At ang aking Pinakamataas na puno ay namatay?
Kanya bang itatalaga ang banal na ulong iyon
Para sa isang uuod na tulad ko?
Ngunit [mga lubha] ng pighati [ay hindi] maka babayad
Ang utang ng pag-ibig na aking pinagkakautang;
Dito, Panginoon, ibinibigay ko ang aking sarili,
Ang lahat na aking magagawa.
(“Sayang! At Ang Aking Tagapagligtas ay Nagdugo.” Isinalin mula sa
“Alas! And Did My Saviour Bleed?” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
Handa ka na bang magtiwala kay Hesus? Handa ka na bang ibigay ang iyong sarili papalayo sa Kanya? Ikaw ba ay napakilos sa iyong puso ng pag-ibig para sa Kanya? Kung hindi huwag kang magpunta. Ngunit kung ikaw nga ay gayon, magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon at dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan makapag-uusap tayo. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 14:32-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Maraming Kalungkutan Na Kanyang Tiniis” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” (ni Joseph Hart, 1712-1768).