Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ILIGTAS ANG NASASAWI

RESCUE THE PERISHING
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangara na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-14 ng Pebrero taon 2016

“Kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid”
(Lucas 22:32) – [KJV].


Ang NIV, at karamihan sa ibang mga makabagong pagsasalin, ay inilalagay itong iba. Sinasabi nila, “Kung makapagbalik ka nang muli” (NIV). Ngayong umaga sinabi ko sa inyo na isang kilalang Bagong Tipang eskolar ay di sumasang-ayon sa kanila. Sinabi ko sa inyo na si Dr. Markus Bockmuehl ay nagsabi, “‘kung makapagbalik ka nang muli,’ kahit na pinapaboran ng maraming mga tagapagsalin, ay walang suporta sa Griyego” (Isinalin mula kay Markus Bockmuehl, Ph.D., Si Simon Pedro sa Kasulatan at Alaala [Simon Peter in Scripture and Memory], Baker Academic, 2012, pah. 156). Nagpatuloy siya upang ipakita na ang Griyegong salitang “epistrephō” ay nangangahulugang “napagbagong loob” sa Ebanghelyo ng Lucas (isinalin mula sa ibid.). Si Dr. Bockmuehl ay isang propesor ng Biblikal at Maagang Kristiyanong Pag-aaral sa Unibersidad ng Oxford. Itinuro niya na si Pedro ay napagbagong loob noon siya’y dumaan sa paghahatol ng kasalanan at nakatagpo ang bumanggong si Kristo. Iyan lagi ang aking pananaw, ngunit natuwa akong makita itong sinuportahan ng isang eskolar ng Oxford! Muli, ang KJV ay tama at ang makabagong pagsasalin ay mali.

Bakit ang makabagong pagsasalin ay mali? Ito’y dahil hindi nila naiintindihan ang “pagbabagong loob.” Iniisip nila ito patungkol sa isang “desisyon.” Ngunit ang lumang KJV na mga tagapagsalin ay alam ang tungkol sa mga tunay na pagbabagong loob – kaya isinalin nila itong “epistrephō” na tama gaya ng “napagbagong loob.”

“Kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – [KJV].

Ito ay isang dakilang teksto, at kukuha ako ng dalawang punto mula rito.

I. Una, si Kristo ay nagsalita patungkol sa tunay na pagbabagong loob na magkakaroon si Pedro.

Ang unang bahagi ng pagbabagong loob ay ang naghahatol na gawain ng Espiritu ng Diyos.

“Pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8).

Ang Puritanong may-akdang si William Guthrie (1620-1665) ay nagsabing,

“Karaniwan inihahanda ng Panginoon ang Kanyang sariling daan sa kaluluwa sa pamamagitan ng isang gawain ng pagpapahiya, at isang pagdidiskubre ng tao ng kasalanan at kalungkutan sa kanya, at pinagsasanay siyang husto, na hinahangad niya ang doktor na si Kristo Hesus” (Isinalin mula kay William Guthrie, Ang Dakilang Interes ng Kristiyano [The Christian’s Great Interest], The Banner of Truth Trust, 1969 inilimbag muli, pahina 193)

Iyan ang nangyari kay Pedro sa gabi bago ipinako sa Krus si Kristo. Ang mga salitang “kung ika’y [mapagbagong loob]…” ay nagpapakita na si Pedro ay di pa napagbagong loob, kahit na sinundan niya si Kristo ng tatlong taon. Sa gabi, na ang ilan ay tinatawag ay “Mabuting Biyernes,” si Pedro ay sa wakas nagawang makita na siya ay isang mapagmalaki at makatuwiran sa sariling makasalanan. Nagkunwari siyang iniibig si Hesus ng kanyang buong puso. Ngunit ikinait niya ang Panginoon noong siya’y sinubok. Isang batang babae ang nagsali na siya ay tagasunod ni Kristo. Ikinait ni Pedro si Kristo. Isa pang batang babae ang nagsabi, “Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret” (Mateo 26:71). Si Pedro ay nagsumpa at tumangayaw, “Hindi ko nakikilala ang tao” (26:72). Sa epekto sinabi ni Pedro “Kung ako’y nagsisinungaling, naway isumpa ako” (Isinalin mula kay Thomas Hale).

Sinabi ni Hesus kay Pedro na ikakait niya Siya ng tatlong beses bago ang tandang ay tumilaok. Ganoon na lamang isang tandang ang tumilaok nga! “siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:62). Ang Griyegong salita para sa “nanangis” ay ibig sabihin ay “ang sumigaw ng malakas, umiyak” (Isinalin mula kay Strong). Ang Griyegong salita para sa “kapaipaitan” ay “pikrōs.” Ibig nitong sabihin ay “biyolente” (Isinalin mula kay Stromg). Hindi ko sinasbai na ang lahat na nakararanas ng ebanghelikal na paghahatol ay sumisigaw at umiiyak na biyolente. Ngunit karaniwan kaming nakakakita ng mga luha sa mga mata noong mga nasa ilalim ng kumbiksyon. At sa tunay na klasikal na mga muling pagkabuhay mayroong madalas pagsisigaw at biyolenteng pag-iiyak noong mga nasa ilalim ng kumbiksyon. Napanood ko ang mga videyo ng dakilang muling pagkbuhay na nagaganap sa Tsino kung saan dose-dosenang mga tao sa isang beses ay nakikitang nagsisitangis na mapait, sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Sa Cornish na muling pagkabuhay ng taong 1832 sa Inglatera, si William Carvosso ay nagsalita patungkol sa mga nawawalang mga taong “nagsisibagsak sa kanilang mga tuhod sa pagkakabalisa ng mga kaluluwa, nagdudusang lubos kasama ang Diyos para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa” (Isinalin mula kay Paul E. Cook, Apoy Mula sa Langito [Fire From Heaven], pah. 87). Ito’y nangyayaring madalas ngayon sa Tsina at sa Pangatlong Mundong mga bansa, kapag ang Diyos ay nagpapadala ng muling pagkabuhay. Kahit rito, sa ating Masama at materyalistikong bansa ng Amerika, nakakita ako ng daan-daang mga kabataang nagsisiluha sa ilalim ng malalim na kumbiksyon ng kasalanan sa isang muling pagkabuhay sa huling mga taon ng 1960. At pati ngayon, sa aming sariling simbahan, mga luha at dumarating sa mga mata noong mga pumapasok sa silid ng pagsisiyasat sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ang pinaka di inaasahang mga tao, mga mahiyaing mga tao, ay madalas iyong mga lumuluha ng mas higit kapag ang Espiritu ng Diyos ay nagsasanhi sa kanilang makita ang kanilang mga kasalanan sa malalim na kapaitan. Tandaan – hindi sila nalulungkot para sa sarili nila. Kung ika’y nalulungkot para sa iyong sarili hindi ka mapagbabagong loob. Ito ay dapat pagdurusa para sa iyong kasalanan.

Ito’y hindi bagong bagay. Si Pedro ay hindi lamang nag-iisang tao na dumaan sa kumbiksyon bago siya napagbagong loob. Ang Apostol Pablo rin ay dumaan rito. Si Pablo ay napaka nahatulan na masasabi niyang,

“Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24).

Ang kombiksyong ng kasalanan ay nangyari rin sa tatlong libong mga tao sa araw ng Pentekostes.

“Nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Mga Gawa 2:37).

Ang lumang panahong kumentador na si Mathew Henry ay nagsabing, “Mga makasalanan kapag ang kanilang mga mata ay mabuksan, ay matutusok ang kanilang mga puso dahil sa kasalanan…Iyong mga tunay na nagluluksa para sa kanilang mga kasalanan, at nahihiya para mga ito, ay takot sa kahihinatnan ng mga ito, sila’y natutusok sa mga puso… ‘Ang lahat ng aking mabuting mga opinyon ng aking sarili at lakas ng loob sa aking sarili ay nagbigo sa akin’” (Isinalin mula kay Kumentaryo ni Mathew Henry sa Buong Bibliya [Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible]; sulat sa Mga Gawa 2:37). Ang mga tao ay lumuha sa ilalim ng ibinigay ng Diyos na kumbiksyon. Isang makasalanang babae ang tumayo sa likod ni Hesus na lumuluha. “At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48).

Ang mga napagbagong loob sa lumang mga panahon ay inaasahang magpunta kay Hesus na may malakas na kumbiksyon ng kasalanan. Hindi laman si Pedro at Pablo, kundi karamihan sa iba rin. Basahin ang pagbabagong loob ni Agustin. Basahin ang pagbabagong loob ni Luther. Basahin ang pagbabagong loob ni John Bunyan, ni George Whitefield, John Wesley, Howell Harris, Spurgeon, ang mga kabataan ng Isle ng Lewis noong mga taong 1949-52. Lahat parehas nagsisimula sa isang malalim na kumbiksyon ng kasalanan. Nadinig ko ang isang babae na nagsabing, “Ako’y lubos na nandiri sa aking sarili” bago niya pinagkatiwalaan si Hesus.

Pakinggan na ngayon ang sulat ni Peter Boehler kay Kontes Zinzendorf patungkol sa pagbabagong loob ni John Wesley.

Bumangon siya at nagsabing, “Kantahin natin ang himno bilang 456, ‘Ang Aking Kaluluwa Sa Harap Mo Nakatirapang Nakahiga.’” Habang ng pagkakanta madalas niyang pinunasan ang mga luha mula sa kanyang mga mata, at agad-agad pagkatapos ay tinawag ako sa kanyang silid tulugan at nagkumpisal na siya na ngayon ay nakumbinsi ng katotohanan ng kung anong sinabi ko sa kanyang tungkol sa [nagliligtas] na pananampalataya at hindi na niya ito tinututulan, ngunit hindi niya natamo ang biyayang ito. Paano niya masisigurado ang ganitong pananampalataya? Hindi siya nagkasalang kasing lubha ng iba. Sumagot ako na ang di paniniwala sa Tagaligtas ay kasalanang sapat, at pinayuhan ko siyang hanapin si Kristo hanggang sa mahanap mo siya. Ako’y malakas na napakilos upang manalangin para sa kanya at tumawag sa Tagapagligtas na maawa sa makasalanang ito. Pagkatapos ng panalangin sinabi ni Wesley na kapag ang regalo ng nagliligtas na pananampalataya ay naging kanya, mangangaral siya patungkol sa walang ibang paksa…masugid akong nagmakaawa sa kanya na huwag isipin ang biyaya ng Tagapagligtas bilang malayo at nasa hinaharap, kundi maniwala na ito’y nasa kasalukuyan, malapit sa kanya, na ang puso ni Hesus ay bukas at ang kanyang pag-ibig para sa kanya ay napaka dakila. Lumuha siyang mapait at hiningi sa akin na manalangin kasama niya. Tunay na masasabi ko na si John Wesley ay isang kawawang, nabiyak ang pusong makasalanan, ginugutom para sa mas mainam na katuwiran, kaysa sa kung anong mayroon siya, kahit ang katuwiran ni Hesu-Kristo. Sa gabi nangaral siya sa I Mga Taga Corinto 1:23, 24, “aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus…” Mayroong siyang higit sa apat na libong mga tagapakinig at nagsalita sa isang paraan na ang lahat ay namangha…Ang unang mga salita niya ay, “Matapat kong ikukumpisal ang aking sariling di nararapat upang mangaral sa inyo patungkol sa napakong si Hesus.” Marami ang nagising sa kanyang pangaral (Isinalin mula sa isinipi mula kay John Greenfield, Kapag ang Espiritu ay Dumating: Ang Moravian na Muling Pagkabuhay [When the Spirit Came: The Moravian Revival], Strategic Press, walang petsa, pah. 28).

Doon si John Wesley ay tumayo, na may mga luhang bumabagsak sa kanyang mga pisngi, nangangaral ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo – bago siya mismo ay napagbagong loob! Higit sa limampung taon maya-maya, humiga siyang namamatay, narinig nila siyang bumulong muli’t muli,

Ako ang puno ng mga makasalanan,
Ngunit si Hesus ay namataya para sa akin.

Iyan ang karanasan na nagkaroon si Pedro sa gabi na si Hesus ay dinakip. Ibinigay ni Dr. Thomas Hale ang anekdotang ito,

Sinabi ng isang lumang panahong manunulat na sa natitira ng buhay niya, kapag naririnig ni Pedro ang isang tandang na tumitilaok, siya’y lumuha, dahil naalala niya ang gabi na kanyang ikinait ang kanyang Panginoon (Isinalin mula kay Thomas Hale M.D. Ang Isinabuhay na Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary], Kingsway Publications, 1997, pah. 286; sulat sa Marcos 14:72).

II. Pangalawa, si Kristo ay nagsalita patungkol sa anong gagawin ni Pedro pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay.

“Kung [mapagbagong loob], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – [KJV].

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Si Pedro ay maya-maya nagawang pagtibayin ang kanyang mga kapatid. Ang taong sinubok ay ang taong tunay na makatutulong sa iba” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible]; sulat sa Lucas 22:32). Ang taong dumaan sa kumbiksyon ng kasalanan ay isang taong makatutulong sa ibang nahatulan ng kasalanan. Ang taong naligtas ni Hesus ay isang taong makatutulong ng ibang maligtas ni Hesus. Ang taong alam kung gaano siya kahina ay isang taong makatutulong ng iba na mahina.

Lagi kong iniibig si John Wesley. Isa sa mga dahilan na iniibig ko siya ay dahil, tulad ko, naisip niya na maari siyang maligtas sa pamamagitan ng pamumuhay ng mahigpit na buhay. Iyan sakto ang naisip ko. Sinabi niya sa Moravian na misyonaryong si Peter Boehler, na wala siyang nagliligtas na pananampalataya. Sinabi ni Boehler naisip ni Wesley, “Paano niya masisigurado ang ganoong pananampalataya? Hindi siya nagkasalang kasing lubha ng iba.” Iyan ang pinagkadapaan ni Weslesym at ito rin ang akin. Sinabi ni Boehler sa kanya na ang di pagtitiwala kay Hesus ay kasalanang sapat. “Lumuha siyang mapait at hininging manalangin ako para sa kanya.” Pagkatapos siya ay naligtas ni Hesus, iginugol ni John Wesley ang kanyang natitirang buhay na tinutulungan ang mga nawawalang mga makasalanan at pinalalakas ang kanyang mga kapatid. Naglakbay siya sa likuran ng isang kabayo ng 4,500 na milya kada taon, at nangaral ng dalawa o higit pang mga pangaral araw-araw, sa natitira ng kanyang buhay! Ang himno na kinanta ni Gg. Griffith ilang sandali kanina ay maaring naisulat ni Wesley.

Iligtas ang mga nasasawi, alagaan ang mga namamatay
   Hatakin sila sa awa mula sa kasalanan at libingan;
Lumuha para sa nga nagkakamali, itaas ang bumagsak,
   Sabihin sa kanila si Hesus, ang makapangyarihan ay magliligtas.
Iligtas ang nasasawi, alagaan ang mga namamatay,
   Si Hesus ay nagmamakaawa, si Hesus ay magliligtas.

Kantahin ang koro kasama ko!

Iligtas ang nasasawi, alagaan ang mga namamatay,
   Si Hesus ay nagmamakaawa, si Hesus ay magliligtas.
(“Iligtas ang Nasasawi.” Isinalin mula sa
   “Rescue the Perishing” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

“Kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – [KJV].

Paano namin masasabi na ang isang tao ay tunay na napagbagong loob? Paano mo masasabi kung sila ay tunay na naligtas? “Kung [ika’y mapagbagong loob], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.” Kapag ika’y napagbagong loob babaguhin ni Kristo ang iyong mga hangarin. Ang iniibig mo dati iyong iibigin na mas kaunti kaysa sa pag-ibig mo sa iyong kapatid. Iibigin mo ang simbahan ng iyong buong puso. Iibigin mo ang tunay na mga Kristiyano ng iyong buong kaluluwa. Gugustuhin mong gawin ang lahat ng iyong magagawa upang mapalakas sila at matulungan sila. Mananalangin ka para sa kanila at tutulungan sila at iibigin sila ng isang puso tulad ng kay Kristo. Ginawa iyang napaka linaw ni Apostol Juan. Sinabi niya,

“Nalalaman nating tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan” (I Ni Juan 3:14).

Iyan ang isang paraan na masasabi kung ikaw ay napagbagong loob. Tunay mo bang iniibig ang iyong mga kapatid sa simbahan, at ginagawa ang lahat upang matulungan sila. Tignan kung paano tulungan ni Lara at Karen at ibang mga bagong mga babae si

Gg. Hymers! Hindi namin matiis kundi alamin na sila ay napagbagong loob!

Ngunit mayroong isa pang paraan na masasabi kung ika’y napagbagong loob. Bumalik sa Bibliya sa Lucas 14. Ito’y nasa pahina 1096 na Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Ang alipin na ipinadala Niya upang imbitahin ang mga tunay na mga Kriatiyano. Ngayon tignan ang sinasabi ni Hesus sa tunay na Kristiyano. Ito’y nasa berso 23. Tumayo at basahin itong malakas.

“At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

Maari nang magsi-upo. Kunin ang iyong lapis o panulat at salungguhitan ang mga salitang “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Iyan ang ginagawa namin tuwing Huwebes ng gabi, tuwing Sabado ng gabi, at tuwing hapon ng Linggo. Ipinadadala namin ang lahat upang magtagpumpay ng mga kaluluwa.

Ngunit natagpuan ko na mayroong ibang mga tumatayo lang at nag-uusap, o gumagawa ng ibang mga bagay upang mapuno ang oras. Kaya hindi sila kailan man nakapagdadala ng pangalan para sa aming masundan, o magdadala sila ng napaka kaunting mga pangalan. Anong mali sa mga taong ito na hindi nagdadala ng mga pangalan? Isa sa dalawang mga bagay ay: maaring sila ay nawawala, o sila’y nanunumbalik sa dating kasamaan. Ang mabubuting mga Kristiyano ay nagpupunta para roon sa mga nawawalang mga tao. Ang mga di ligtas at nanunumbalik sa dating kasamaan ay naglolokohan at pinupuno lamang ang oras. Kung ikaw iyong nanumbalik sa dating kasamaan, mag-ingat! Mawawala mo ang galak ng iyong kaligtasan kung hindi ka mag-sisisi. Sinasabi ni Hesus sa iyo, “Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa” (Apocalipsis 2:5). “Gawin ang unang gawa.” Bumalik sa pagtatagumpay ng mga kaluluwa. Magdala ng mga pangalan. Gawin ang unang gawa sa gaya kung paano mo ito gawin noon.

Ngunit mayroon sa inyong mga hindi iyan kailan man ginawa. Hindi mo ito kailan man gustong gawin, at hindi mo ito ginagawa ngayon. Ang iyong mga mata ay lumalabo at iyong mukha ay tumitigas. At iniisip mo, “Hindi niya ako kailan man magagawang gawin iyan!” Bakit hindi? Ito’y malinaw na makikita na ikaw ay di napagbagong loob. Hinihintay mo kaming “turuan” ka kung paano maging napagbagong loob habang wala kang intensyon na sundin si Kristo. Sinasabi ni Kristo, “Pilitin mo silang magsipasok” – ngunit sinasbai mo, “Hindi ko susundin si Kristo!” Kawawang lalake! Kawawang babae! Hindi mo kailan man mahahanap ang kapayapaan at galak kay Hesus sa ganyang paraan!

Mayroong daang-daang mga nawawalang at nag-iisang mga kabataan sa dakilang lungsod na ito. Nag-aantay sila para sa isang taong maging mabuti sa kanila, upang magkaroon ng interes sa kanila, upang ipakita sa kanila ang mas mabuting paraan. Ngunit hindi mo sila matutulungan kung ikaw mismo ay nawawala. Para sa alang-alang nila, nagmamakaawa ako sa iyo na magsisi at magtiwala kay Hesus. Magpunta kay Hesus sa pananampalataya. Ipagkatiwala ang iyong buhay sa Kanyang pag-aalaga. Ililigtas ka Niya. Huhugasan ka Niyang malinis mula sa kasalanna gamit ng Kanyang Dugo. At ipadadala ka Niya upang magdala ng mga nawawala at tulungan ang kapatid!

“Kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:32) – [KJV].

Magsitayo at kantahin ang himno bilang anim sa inyong kantahang papel.

Makinig! Ito’y ang tinig ng Pastol na naririnig ko,
   Sa labas sa disyerto madilim at mapanglaw,
Tinatawag ang tupa na naligaw
   Malayo mula sa karamihan ng Pastol.
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin sila papasok mula sa kaparangan ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin ang mga naliligaw kay Hesus.

Sinong magpupunta at tutulungan ang mabuting Pastol na ito,
   Tulungan Siya ang naliligaw na isa upang mahanap?
Sinong magdadala sa nawawala sa karamihan,
   Kung saan sila’y malulukob mula sa lamig?
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin sila papasok mula sa kaparangan ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin ang mga naliligaw kay Hesus.

Malayo sa disyerto pakinggan ang kanilang pagsigaw,
   Malayo sa mga bundok mabangis at mataas;
Makinig! Ito’y ang Panginoon na nagsasalita sa iyo,
   “Magpunta at hanapin ang Aking mga tupa kung saan man sila.”
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin sila papasok mula sa kaparangan ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
   Dalhin ang mga naliligaw kay Hesus.

Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 22:31-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Iligtas ang Nasasawi.” Isinalin mula sa
“Rescue the Perishing” (ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).


ANG BALANGKAS NG

ILIGTAS ANG NASASAWI

RESCUE THE PERISHING

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid”
(Lucas 22:32) – [KJV].

I.   Una, si Kristo ay nagsalita patungkol sa tunay na pagbabagong loob na magkakaroon si Pedro, Juan 16:8; Mateo 26:71, 72; Lucas 22:62;
Mga Taga Roma 7:24; Mga Gawa 2:37; Lucas 7:48;
I Mga Taga Corinto 1:23-24.

II.  Pangalawa, si Kristo ay nagsalita patungkol sa anong gagawin ni Pedro pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay, I Ni Juan 3:14;
Lucas 14:23; Apocalipsis 2:5.