Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SI PEDRO – TINAWAG, NAHATULAN
|
Tanungin ang karaniwang mangangaral kung kailan napagbagong loob si Pedro. Sige! Gawin ito! Halos lahat sa kanila ay magsasabi na si Pedro ay napagbagong loob noong tinawag siya ni Kristo na sundin Siya (Mateo 4:19). Kaunti sa kanila ay nagsabi na si Pedro ay napagbagong loob noong sinabi niyang, “Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay,” at sumagot si Hesus “sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:16, 17). Ngunit ni isa sa mga pagkakataong iyon ay nagpapakita ng pagbabagong loob ni Pedro. Kung si Pedro ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pagsunod kay Hesus, iyan ay kaligtasan sa pamamagitan ng gawain – kaya hindi iyan maaring ang pagbabagong loob ni Pedro. Kung si Pedro ay napagbagong loob noong ikinumpisal niya si Hesus bilang Kristo, ang Anak ng Diyos, iyan ay pagbabagong loob sa pamamagitan ng doktrinal na paniniwala, sa pamamagitan ng pagkakapaliwanag. Alam ng mga demonyo ang inilantad kay Pedro, dahil mababasa natin, “nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios… sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo” (Lucas 4:41). Kaya ang pagkakaintindi ni Pedro ay hindi mas mahusay kaysa doon sa isang demonyo! Pagkatapos ng masusing pag-aaral tayo ay mapipilit na sabihin na si Pedro ay hindi pa napagbagong loob. Siya ay nadadapa-dapa, sinusubukang maging isang Kristiyano, na hindi napagbabagong loob.
Anong larawan mayroon tayo kay Pedro ng napaka raming mga ebanghelikal ngayon! Tulad ni Pedro, sila’y nadarapa – sinusunbukang sundin si Kristo! Mayroong silang kaunting pagkakalaam kung sino si Kristo, ngunit hindi sila mas napagbagong loob kaysa kay Pedro bago ng Linggo ng Muling Pagkabuhay. Maraming mga mangangaral mismo ay hindi napagbagong loob! Sinusubukan nilang sundan si Kristo. Alam nila na Siya ay ang Anak ng Diyos. Ngunit sila ay bulag sa katotohanan ng pagbabagong loob. Sa tingin ko iyan ang isa sa pinaka pangunahing dahilan na mayroong napakakaunting pangangaral ng Ebanghelyo ngayon. Karamihan sa mga pastor ay nag-aaksaya ng kanilang panahon sa pagsusubok na turuan ang di napagbagong loob na mga tao kung paano mabuhay ng isang Kristiyanong buhay! Kalokohan! Paano ang isang tao na “patay sa mga kasalanan” mabuhay ng isang Kristiyanong buhay? (Mga Taga Efeso 2:1, 5).
Maraming mga mangangaral ang natatakot na mayroong ibang mangaral ng Ebanghelyo sa kanilang mga tao! Ako’y naplanong mangaral ng Ebanghelyo sa isang simbahan sa Timog. Ito’y Araw ng mga Ina. Naisip ko na mangangaral ako ng isang malambot na pangaral upang hindi ko magugulo ang kahit sino, dahil ako ay isang bisita sa simbahan na iyon. Naisip ko na ibigay ang pagbabagong loob na testimonyo ng aking ina. Nagsalita lamang ako ng mga 12 hanggang 15 na minuto. Sinabi ko sa kongregasyon kung paano ang aking malambing na ina ay nagtiwala kay Hesus at naligtas. Iisipin mo na ako’y nangaral ng dalawang oras patungkol sa Impiyerno mula sa reaksyon ng kongregasyon! Ang pastor at ang kanyang asawa ay literal na lumayas mula sa simbahan na hindi manlang nakipagkamay sa akin. Ang mga tao sa simbahan ay tumayo at tinignan ang aking asawa at ako na para bang nagturo ako ng isang kakaibang bagong doktrina na hindi nila kailan man narinig! Sa wakas isang mas matanda babae ang lumapit sa amin at nakipagkamay sa amin. Ngumiti siya at nagsabing, “Iyon ay isang nakamamanghang pangaral. Hindi pa ako nakaririnig ng isang pangaral na tulad niyan ng maraming taon!” Hindi ito isang pangaral sa anumang paraan! Ito’y isa lamang maikling 12 o 13 minutong testimonyo ng pagbabagong loob ng aking malambing na matandang ina!
Habang ang aking asawa at ako ay nagmaneho papalayo naisip ko, “Ganoon na lamang ba itong kasama? Narito tayo sa Malalim na Timog, sa isang independyenteng pundamental na Bautistang simbahan, at sila’y nainis at “nagulat” sa isang simpleng kwento ng pagbabagong loob ng aking ina!
Sa isa pang pundamental na Bautistang simbahan, nagbigay ako ng isang maikling pangaral sa sarili kong pagbabagong loob. Pagkatapos isang nakakatandang babae ang nagtanong sa aking asawa kung makukuha niya akong gabayan ang kanyang matandang asawa kay Kristo. Iminungkahi ng aking asawa na dapat niyang tanungin ang kanyang sariling pastor na gabayan ang matandang lalake kay Hesus. Sinabi ng babae, “O, hindi niya gagawin ito. Tinanong ko siya ng maraming beses. Sa tingin ko ay natatakot siyang mapagalit ang aking asawa.”
Ganoon na ba ito kasama, Dr. Hymers? O, oo! Ito’y tunay na terible! Kahit ang pinaka mahusay na pastor ay umuugong na patuloy, na bibigkas ng mga salita, na walang kalunusan, walang emosyon, walang kompasyon – simpleng nagpupuno lamang isang isang kalahating oras na umaga ng Linggo, nagsusubo ng matubig na sopas sa mga nagugutom na mga kaluluwa! Ang karaniwang ebanghelikal na pastor ay nagsasalita na para bang kalahating patay na mga Episkopal na mga pare. Ang ating mga Bautistang mga pastor ay hindi mas maigi. Ang mga tao ay nasasara ng kanilang mga mata at natutulog habang ng isang tinatawag na “pagpapaliwanag” na pangaral. Wala silang inaalay na paghahamon sa mga kabataan at walang pag-asa sa mga nawawala. Ang mga pastor na tulad niyan ay walang higit kaysa sa isang taga panatili ng isang museo! Walang higit kaysa isang espiritwal na manlilibing! Tulungan tayo ng Diyos! Ang ating mga simbahan ay hindi namamatay – ang mga ito’y patay! Sinong nangangaral ng Dugong-pulang Ebanghelyo ngayon? Sinong kumukulog pasulong “Dapat kang maipanganak muli” ngayon? Ang ilan sa mga gitnang edad na mga kababaihan sa simbahan ay baka hindi ito magustuhan! O, hindi dapat natin guluhin ang mga kababaihang iyon! Kaya ang ating mga kabataan ay nagsisi-alis mula sa mga simbahan tulad ng mga dagang nagsisilangoy palayo mula sa isang lumulubog na barko!
Ako’y kumbinsido na ang ating mga simbahan ay di kailan man magkakaroon ng epekto sa ating bansa sa walang lumang panahong Ebanghelyong pangangaral! Ang aming simbahan ay puno ng mga kolehiyong edad na mga kabataan! Nangangaral sa ako sa kasalanan – sa Impiyerno – at tunay na pagbabagong loob tuwing Linggo! Ang mga kabataan mula sa mundo ay nabibihag! Hindi sila kailan man nakarinig ng tulad nito! At mayroong kaming maraming pagbabgong loob sa kanila. Sa huling mga ilang linggo mayroong kaming pitong pagbabagong loob – mga kabataan mula sa mga di Kristiyanong pinanggalingan.
Isa sa mga paraan na malalaman nating ang tungkol sa tunay na mga pagbabagong loob ay ang pag-aaral ng pagbabagong loob sa Bibliya. Gagawin ko iyan ngayong umaga. Pag-iisipan natin ang tungkol sa pagbabagong loob ni Simon Pedro. Si Pedro ay isa sa pinakadakilang Kristiyano sa lahat ng panahon. Ngunit paano siya napagbagong loob? Paano siya naging isang Kristiyano?
I. Una, si Pedro ay natawag.
Sinasabi ng Ebanghelyo ng Mateo,
“Paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya. At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya” (Matthew 4:18-20).
Iyan ay madaling sapat! O ito’y mukhang gayon. Agad-agad iniwan nila ang kanilang mga lambat, at sinundan si Kristo. Bakit ito napakadali para kay Pedro? Sinasabi ng Bibliya,
“Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan” (Mga Awit 110:3).
Kanino pinili ng Diyos na magligtas ay ginawang handa upang kunin ang unang hakbang, gaya ng ginawa ni Pedro.
Habang aking isinusulat ang pangungusap na ito dinala ng aking asawa ang isang postkard mula sa garahe. Namukaan ko ito agad-agad. Mayroong itong isang letrato mula sa aking unang simbahan sa Huntington Park. Ito’y natatakan noong huling bahagi ng mga taong 1950 bago ako napagbagong loob. Ang tarheta ay mula sa Linggong Paaralang Tagapangasiwang, si Gg. Bocker. Isinulat niya,
Minamahal kong Bob,
Umaasa ako na ikaw ay walang sakit, gaya ng napaka rami sa atin mga tao. Hinahanap ka namin, kaya paki-usap na bumalik ka, anumang dahilan mo para sa pananatiling malayo.
Gg. Bocker
Ang mabuting babaeng iyon ay sinusubukan akong makuhang bumalik sa simbahan. Isa lamang akong binatilyo, naloloko-loko. Ngunit napansin ko ang petsa sa tarheta. Ilang buwan lamang maya-maya wala kang magagawa upang alisin ako mula sa simbahan. Anong nangyari sa kaunting buwan na iyon? Masasabi ko lamang tinawag ako ng Diyos na may epektwal na pagtawag. Ako’y ginawang maghahandog ng kusa sa araw ng Kanyang kapangyarihan.
“Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan” (Mga Awit 110:3).
Noong dinala ako ng Diyos, hindi ko kinailangan si Gg. Bocker o kahit sinong iba upang subukan akong kuning bumalik sa simbahan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nagdala sa akin, hindi mo ako maalis mula sa simbahan na may isang gripo ng mabangis ng mga kabayo!
At gayon ito para kay Pedro. Hindi pa siya ligtas. Ngunit ako rin noong pinadala sa akin ni Gg. Bocker ang tarhetang iyon. Ang kapangyarihan ng Diyos ay gumawa sa aking maghahandog ng kusa – at gayon rin ito kay Pedro. Nawawala pa din siya tulad ko, ngunit ginawa siya ng Diyos na handang sumunod kay Hesus. At kaya si Pedro ay agad-agad na iniwan ang kanyang mga lambat at sinundan si Hesus. Ngunit hindi ibig sabihin na siya ay ligtas na.
Hindi ka ba nagtaka kailan man kung bakit ang ilang mga kabataan na ating dinadala sa simbahan ay pumapasok na napaka bilis? Ito’y dahil ang kapangyarihan ng Diyos ay nagdala sa kanila. Ngunit hindi nito ibig sabihin na sila’y ligtas na. Sinabi ni Hesus, “Marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang” (Mateo 20:16 [ng KJV] 22:14). Tinatawag ng Diyos ang marami Tinawag ka Niya ngayong umaga. Ibinigay mo ang iyong pangalan at numero. Iyan ang dahilan na nagpadala kami ng isang sasakyan upang sunduin ka. “Marami ang natawag” – katulad na ikaw ay tinawag. Datapwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Hindi ko ito maintindihan sa anumang paraan. Ngunit alam ko sa mahaba kong karanasan, kung ikaw ay isa sa mga nahirang ng Diyos, dadalhin ka Niya pabalik, at pananatilihin ka Niya rito, at pananatilihin ka rito, hanggang sa ika’y mapagbagong loob! Kung hindi ka isa sa mga nahirang ng Diyos, malapit na o maya-maya aalis ka sa simbahan – dahil “marami ang tinawag, datapwa’t kakaunti ang mga nahirang”!
Naligtas sa pamamagitan ng biyaya lamang,
Itong lahat ang aking pagmamakaa-awa.
Namatay si Hesus para sa lahat ng ating kasalanan,
At si Hesus ay namatay para sa akin.
(“Biyaya! Ito’y isang Kaakit-akit na Tunog.” Isinalin mula sa
“Grace! ‘Tis a Charming Sound” ni Philip Doddridge, 1702-1751;
ang koro mula sa Pastor).
II. Pangalawa, si Pedro ay nahatulan.
Nilalampasan ko ang higit sa tatlong taon na sinundan ni Pedro si Hesus. Si Pedro ay may roong maraming mga karanasan sa loob ng mga tatlong taong iyon. Ngunit ang nag-iisang bagay na nagkaroon ng epekto sa kanyang buhay ay ang kumpisal niya kung sino si Hesus. Binanggit ko kaninang mas maaga, sa simula ng pangaral na ito. Sinabi ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.” “sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi… sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 16:16, 17).
Ang tawag rito ay “pagpapaliwanag.” Ito’y maaring mangyari bago ng pagbabagong loob, sa loob ng isang pababagong loob, at pagkatapos ng pagbabagong loob! Sa kalagayan ni Pedro pinaliwanagan ng Diyos ang katotohanan kung sino si Kristo bago ng si Pedro ay napagbagong loob. Iyan ang nangyari sa akin din. Sa loob ng maraming taon naisip ko si Kristo bilang isang mabuting tao, na pinatay bilang isang martir ng Kanyang mga kaaway. Ilang araw lamang bago ng aking pagbabagong loob, inilantad sa akin ng Diyos na si Hesus ay ang Diyos na naglamang tao. Dumating ito sa akin habang kinakanta ang himno ni Charles Wesley – “Nakamamanghang pag-ibig, paano ito, na ang Aking Diyos ay mamatay para sa akin?” Ang himnong iyan ay napgaliwanag sa aking isipan, kahi na ako’y di pa napagbagong loob. Si Pedro rin!
Ngayon lumipat sa Lucas 18:31-34 at makikita mong malinaw na si Pedro at ibang mga Disipolo ay hindi pa ligtas.
“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:31-34).
Ito ang pangatlong beses na ipinaliwanag ni Hesus ang Ebanghelyo kay Pedro at iba. Si Kristo ay hahampasin, at papatayin, at sa pangatlong araw Siya ay babangon muli mula sa pagkamatay. Iyan ang Ebanghelyo – ang simpleng mensahe ng Kristiyanismo, gaya ng pagkaproklama sa I Mga Taga Corinto 15:1-4. Ngunit hindi naintindihan ni Pedro ang mga bagay na ito, at ang kasabihang ito ay “naitago” mula sa kanya. Hindi naniwala si Pedro sa Ebanghelyo!
Kung hindi ka pa ligtas – hindi ba na ang iyong kalagayan ay parehas kay Pedro? Ika’y “tinawag” sa simbahang ito. Ikaw ay dinala rito ng iyong mga magulang o ng ibang tao. Ika’y nagpunta sa mga salu-salu para sa mga kaarawan. Nagkaroon ka ng tanghalian at hapunan kasama namin tuwing Linggo. Ipinadala pa nga namin kayo sa ebanghelismo. Nadinig mo ang pangangaral na dalawang beses kada Linggo. Narinig mo akong magsalita tungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo, tungkol sa Kanyang Dugo, tungkol sa kung paano Siya bumangon mula sa pagkamatay. Ngunit ang iyong isipan ay lumutang papalayo noong nagsalita ako tungkol sa Dugo ni Kristo at Kanyang muling pagkabuhay. Narinig mo ito paulit-ulit ngunit hindi ito “kumapit” sa iyo. Hindi ito mukhang totoo sa iyo ganoong kahalaga! Anumang pag-iisip ito – hindi ito malinaw kung bakit ang iyong mga bagay ay napaka mahalaga. Ikaw ay tulad lang ni Pedro bago siya nahatulan ng kasalanan!
“At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:33-34).
Ngayon tumayo at lumipat sa inyong Bibliya sa Lucas 22:31. Ito’y nasa pahina 1108 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya.
“Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [napagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid. At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan. At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala” (Lucas 22:31-34) – [KJV].
Maari nang magsi-upo.
Binabasa ko ang isang nakamamanghang aklat na pinamagatang, Simon Pedro sa Kasulatan at Alaala [Simon Peter in Scripture and Memory] (Baker Academic, 2012). Ito’y isinulat ni Dr. Markus Bockmuehl. Siya ay isang propesor ng Biblikal at Maagang Kristiyanong Pag-aaral sa Unibersidad ng Oxford sa Inglatera. Ang tanyag na eskloar na ito ay nagpupunta agad sap unto. Walang takot niyang ipinapakita sa atin na si Pedro pa rin ay di napagbagong loob sa gabi na si Hesus ay ipinako sa krus. At siyang saktong tama! Ang ibang mga kumentador ay iniiwasan ito, o nilalampasan. Hindi si Dr. Bockmuehl! Ipinaliwanag niya itong malinaw! Pakingan siya.
“Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [napagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32).
Sinabi ni Dr. Bockmuehl,
“Mayroong malinaw na patutukoy rito sa [malapit na darating] na pakikipaglaban ni Pedro laban sa Satanas, kung saan siya ay lubhang susubukin [at mabibigo], kaya ang pag-uusap ng ‘pagbabalik.’ Ito’y nararapat na idiin rito na ‘kapag nanumbalik kang muli,’ kahit na pinapaboran ng maraming mga tagapagsalin ay walang suporta sa Griyego” (Isinalin mula kay Dr. Bockmuehl ibid., mga pah. 156, 157).
Gayon ang NIV, NASV, ESV at ibang makabagong pagsasalin ay mali. “pag-uusap ng ‘pagnunumbalik’ kahit na pinapaboran ng maraming mga tagapagsalin, ay walang suporta sa Griyego.” Nagpapatuloy si Dr. Bockmuehl sa pagsasabi na ang Griyegong salita ay “epistrephō” ay dapat isalin bilang “napagbagong loob” rito. Kaya, muli, nakikita ko na ang KJV ay tama at ang makabagng mga pagsasalin ay nakalilito! Ngunit si Dr. Bockmuehl ay nagpapatuloy,
“Kailan, saan, o paano ang panunumbalik [pagbabagong loob] ni Pedro nagaganap? Dito na tayo ay mapupunta sa umbok ng problema. Kahit sa huling gabi ng kanyang pangangasiwa, ang Hesus ni Lucas [ay nagsasalita pa rin] patungkol sa pagbabagong loob ni Pedro na nasa hinaharap” (Isinalin mula sa ibid., pah. 156).
“Sa Lucas 22:32 ang pagbabagong loob ni Pedro ay nagpapakita na nasa hinaharap” (Isinalin mula sa ibid.).
“Kung ika’y napagbagong loob [hinaharap]” (isinalin mula sa ibid., pah. 156). “Si Hesus ay malinwang na sabik sa pagbabagong loob ni Pedro bilang isang bagay na parating palang sa hinaharap” (isinalin mula sa ibid., pah. 158).
Ngunit malakas ang loob ni Pedro na hindi niya kailangang mapagbagong loob. Sinasabi niya,
“Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan” (Lucas 22:33).
Sumagot si Hesus, “Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala” (Lucas 22:34). Iniisip ni Pedro na maari siyang tumayo laban sa Diablo at mabuhay para kay Kristo na hindi napagbabagong loob (epistrephō). Napaka mali niya! At napaka mali mo!
Dinakip nila si Hesus at kinaladkad Siya sa tahanan ng mataas na saserdote. “Malayo'y sumusunod si Pedro” (Lucas 22:54). Si Pedro ay umupo kasama ng mga tao sa labas. Isang batang babae ang nagsabi, “Ang taong ito ay kasama rin [Hesus]” (Lucas 22:56). Sinabi ni Pedro, “Hindi ko siya nakikilala.” Pagkatapos ng ilang sandali isang tao ang nagsabi na si Pedro ay isa sa mga tagasunod ni Kristo. Sinabi ni Pedro, “Lalake, ako'y hindi.” Pagkatapos ng isang oras isang pangatlong tao ang tumuro kay Pedro at nagsabi, “ang taong ito'y kasama rin niya.” Sinabi ni Pedro, “Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.” Habang si Pedro ay nagsasalita pa rin isang manok ang tumilaok.
Ang aking asawa at ako ay napunta na sa lugar sa Jerusalem kung saan ito’y nangyari. Ang gabay nagpakita sa amin kung saan tumayo si Hesus at kung saan tumayo si Pedro. At pinihit ni Hesus ang Kanyang ulo at tumingin kay Pedro. At si Pedro ay tumingin sa mga mata ni Hesus.
“At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:62).
Ngayon, sa wakas si Pedro ay nasa ilalim ng paghahatol ng kasalanan. Walang pag-asa para sa iyo na magkaroon ng tunay na pagbabagong loob hanggang sa maranasan mo ang paghahatol na halos katulad ng kay Pedro.
“At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:62).
III. Pangatlo, si Pedro ay napagbagong loob.
Paki lipat sa Lucas 24:34. Ito’y mukhang hindi isang mahalagang berso, ngunit sinasabi ni Dr. Bockmuehl na ito’y noong si Pedro ay napagbagong loob. “Si Hesus ay lumingon at tinitigan si Pedro upang hatulan siya ng kanyang pagkakasala (Lucas 22:61), at si Pedro sa umaga ng muling pagkabuhay pagkakakita kay Hesus (Lucas 24:34) ay dinala siya mula sa kadiliman sa ilaw” (Isinalin mula kay Bockmuehl, pah. 163). Ang apostol Pablo ay nagsasabi rin sa atin patungkol sa pagtatagpo ni Pedro kay Hesus sa umaga ng Muling Pagkabuhay. Sinasabi ni Pablo, “At… siya'y napakita kay Cefas [Pedro], at saka sa labingdalawa” (I Mga Taga Corinto 15:5).
Bakit ang Bibliya ay nagsasabi ng higit tungkol sa pagtawag ni Pedro, ang kanyang pagkadapa, at ang kanyang pagkakulang ng pananampalataya, at kanyang pagkabulag patungkol sa Ebanghelyo at pagdurusa ni Hesus? Bakit ito gumugugol ng isang buong kapitulo na nagsasabi sa ating tungkol kay Pedro ikinakait si Kristo at tumatangis na mapait sa ilalim ng pagkakahatol? At tapos, pagkatapos ng lahat, ay nagbibigay sa atin lamang ng maliit na berso upang ipakita ang pagbabagong loob ni Pedro, “Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon [Pedro].” Bakit – dahil ang pagkadapa at ang paghahatol ay ang pinaka mahalagang mga bagay sa isang tunay na pagbabagong loob. Hanggang sa ika’y madala sa isang lugar kung saan ika’y “lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” para sa iyong mga kasalanan, mayroong kaunting pag-asa para sa iyo. Hanggang sa maramdaman mo ang naramdaman ni Pedro, ang Ebanghelyo ay walang kabuluhan sa iyo! Ikaw ay tiyak na mamamatay sa iyong mga kasalanan. Kailangan mong maramdaman ang iyong pangangailangan para kay Hesus bago ka magtiwala sa Kanya at malinisan mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Amen.
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 22:31-34.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Biyaya! Ito’y Kaakit-akit na Tunog.” Isinalin mula sa
“Grace! ‘Tis a Charming Sound” (ni Philip Doddridge, 1702-1751; koro mula sa Pastor).
ANG BALANGKAS NG SI PEDRO – TINAWAG, NAHATULAN PETER – CALLED, CONVICTED AND CONVERTED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung [mapagbagong loob ka], ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32) – [KJV]. (Mateo 4:19; 16:16, 17; Lucas 4:41; Mga Taga Efeso 2:1, 5) I. Una, si Pedro ay natawag, Mateo 4:18-20; Mga Awit 110:3; II. Pangalawa, si Pedro ay nahatulan, Mateo 16:16, 17; Lucas 18:31-34; III. Pangatlo, si Pedro ay napagbagong loob, Lucas 24:34; |