Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAANO NAGING ISANG MAKAMUNDONG KAPANGYARIHAN ANG TSINA!

(PANGARAL BILANG 88 SA AKLAT NG GENESIS)

HOW CHINA BECAME A WORLD POWER!
(SERMON #88 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. C. L. Cagan

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-7 ng Pebrero taon 2016

“At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa” (Genesis 9:1).


Ngayon ang simbahan natin ay nagdiriwang ng Tsinong Bagong Taon. Ang Tsinong Bagong Taon ay pinaka mahalagang Tsinong pista. Ito’y nagsimula ng libo-libong taon bago ni Kristo, noong ang ipinakilala ng Emperor na si Huang Ti ang unang kalendaryo. Tulad ng Kanlurang kalendaryo, ang Tsinong kalendaryo ay binibilang ang bawat taon. Ngunit di tulad ng Kanlurang kalendaryo, ang Tsinong kalendaryo ay base sa mga pag-ikot ng buwan. Ang Kanlurang kalendaryo ay base sa pag-ikot ng mundo sa paligid ng araw. Ang mundo ay lumilibot sa paligid ng araw isang beses sa isang taon, na nagbubunga ng mga panahon, tag-init, taglagas, taglamig at tagsibol.

Ang Tsinong kalendaryo ay base sa pag-ikot ng buwan sa paligid ng mundo. Ang buwan ay lumilibot sa mundo saktong labin dawalang beses kada taon. Iyan ang dahilan kung bakit ang Tsinong Bagong Taon ay ipinagdiriwang sa ibang mga araw kada taon, tulad ng Paskua sa Hudyong relihyon, at Araw ng Muling Pagkabuhay sa Kristiyanong relihiyon. Ang simula ng Tsinong Bagong Tao ay maring bumagsak sa pagitan ng huling Enero at gitnang Pebrero. Sa taong ito ang Tsinong Bagong Taon ay darating bukas, sa ika-8 ng Pebrero. Ayon sa tradisyon ang pagdiriwang ay nagpapatuloy ng maraming araw, at ito’y nararapat na ipagdiwang ang Bagyong Taon ngayon.

Isang kumpletong Tsinong lunar na pag-ikot ay kinakailangan ng anim na pung taon at gawa ng limang pag-ikot na 12 na taon tig-isa. Ang mga Tsinong kalendaryong mga pangalan ng 12 na mga taon pagkatapos ng isang mammal, reptilya o ibon – ang daga, ang baka, ang tigre, koneho, dragon, ahas, ang kabayo, ang tupa, ang unggoy, ang tandang, ang aso, ang baboy. Sa taong ito (2016 A. D.) ay ang Taon ng Unggoy. Mga anyo ng Bagong Taong ito na pagdiriwang ay ginagawa sa mga bansa na naimpluwensyahan ng Tsino, kasama ang Korea, Cambodia, Vietnam, Mongolia, Thailand, Indonesia, Malaysia, ang Pilipinas, Singapore, Taiwan, Tsinong mga komunidad kung saan man, at pati sa Hapon hanggang sa taong 1873, noong inangkin ng Hapones ang Kanlurang kalendaryo.

Ang Tsina ang isa sa pinaka dakilang bansa ng mundo. Ang Tsina ay mayroong mas higit na mga tao kaysa sa ibang bansa – halos 1.4 bilyon, higit sa apat na beses na kasing dami ng Estados Unidos. Ang Tsina ay lumago sa isang dakilang politikal, ekonomikal, at military na kapanangyarihan. Kasama ng pagbagsak ng Amerika at Kanluran, ang Tsina ay maaring maging ang nangungunang bansa sa mundo.

Ang Bibliyang propesiya ay hinulaan ang isang dakilang espiritwal na muling pagkabuhay ng Tsina. Pitong taon bago ni Kristo sinabi ni Isaias, “Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12). Ang propesiya ay tinutupad ng pagsabog ng Kristiyanismo sa Tsinoa. Mayroong na ngayong 130 milyon na mga Kristiyano doon. Ang “Sinim” ay isang matandang pangalan para sa Tsina. Si Dr. Henry M. Morris at maraming ibang mga eskolar ay kinilala ang “Sinim” bilang Tsina (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible]; sulat sa Isaias 49:12). Ang propesiya ay tinutupad ngayon. Tuwing Linggo ng umaga mas maraming mga tao ang nagpupunta sa simbahan sa Tsina kaysa sa Estados Unidos, Canada, at Europa – na magkasama! Maraming mga kabtaang Tsinong mga tao ay nagpupunta sa simbahan. Ang ilan sa kanila ay nagtiwala kay Kristo, at pinasasalamatan ang Diyos para sa kanila!

Ang Tsina ay mayroong mahabang kasaysayan. Ang Sibilisasyon ay nagsimula sa Tsina, malapit sa Dilaw na Ilog, dawalang libong taon bago ni Kristo sa ilalim ng Dinastiya ng Xia . Ang Tsinong sibilisasyon ay lumago ng mas malakas sa ilalin ng Dinastiya ng Shang 1,600 na taon bago ni Kristo.

Mayroong mga tao na nakatira sa Tsina mga dalawang taon pagkatapos ng Baha ni Noah. Hinushagan ng Diyos ang lahi ng tao sa Dakilang Baha. Ang mundo ay natakpan ng tubig. Si Noah lamang at ang kanyang pamilya ang natirang nabuhay sa Daong. Ang mga tubig ay bumaba. Si Noah at ang kanyang pamilya ay lumabas mula sa Daong. Paki lipat sa inyong mga Bibliya sa Genesis 9:1. Iyan ay nasa pahina 16 ng Scofield na Pag-aaral na Bilbiya. Sinabi ng Diyos sa kanila, “Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa” (Genesis 9:1).

Maaring mayroong magtataka, “Iyan ba ay talagang totoo? Iyan ba ay tumutugma sa Tsinong kasaysayan? Paano na ang sangkatauhan ay lumago mula sa walong mga tao sa milyon sa dalawa o tatlong daan taon – kaya ang mga tao ay nagtayo ng mga lungsod sa Tsina, Indiya, Egipto, at kung saan pa man?” Ngayong umaga gusto kong sagutin ang tatlong mga katanungang ito.

Una, isipin kung anong nangyari bago ng Baha. Higit sa anim na libong mga taon noon, sinabi ng Diyos sa ating unang mga magulang, “Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa” (Genesis 1:28). Sinabi ng Diyos sa kanila na magkaroon ng mga anak at punuin ang lupa.

Si Adam at ang kanyang mga anak ay nagpuno ng lupa. Noon ang mga tao ay nabuhay na mga 800 o 900 na taon. Ang kapaligiran ay mas mainam kaysa ngayon. Ang lupa ay natakpan ng isang kulandong ng ulap ng tubig na nagbigay proteksyon mula sa radiyasyon na nanggagaling mula sa kalawakan. Walang ulan. Imbes “may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa” (Genesis 2:6). Ito’y tulad ng isang punlaan, isang nakalulugod na lugar na tirahan. Ang mga halaman at mga hayop ay yumabong. Gayon din ang mga tao. Nabuhay sila hanggang sa 900 na taon o mas matanda pa. Sinasabi ng Bibliya, “Ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay” (Genesis 5:5).

Ngunit si Adam ay nagkasala, at nagdala ng kasalanan at kamatayan sa lahi ng tao. Iyan ang dahilan na ang unang anak ni Adam si Cain ay pinatay ang kanyang kapatid na si Abel (Genesis 4:8). Sinabi ng Diyos kay Cain, “ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa” (Genesis 4:12). Si Cain ay tumakbo na kasing layo ng “sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden” (Genesis 4:16). “Ang lupain ng Nod” literal na ibig sabihin ay “lupain ng paglalaboy.” Sinabi ni Dr. M. R. DeHaan, “Sinasabi ng tradisyon na si Cain ay bumaba sa Indiya at Tsina at ibang mga malayong mga lugar” (Isinalin mula sa Ang mga Araw ni Noah [The Days of Noah], Zondervan, 1971, pah. 33). Si Cain ay nagtayo ng isang lungsod na malayo mula sa kanyang mga magulang (tignan ang Genesis 4:17).

Si Cain ay tumakbo. Si Abel ay namatay. Si Adam at Eba ay nagkaroon ng isa pang anak na si Seth (Genesis 4:25). Sila ay “nagkaanak ng mga lalake at mga babae” (Genesis 5:4). Sa kanyang buhay ng 930 na taon, si Adam ay nagkaroon ng mga maraming mga anak. Ayon sa Hudyong tradisyon, si Adam at Eba ay nagkaroon nga 56 na mga anak!

Si Seth ay nabuhay ng 912 na taon. Siya’y “nagkaanak ng mga lalake at mga babae” (Genesis 5:7, 8). Ang kanyang anak na si Enos ay nabuhay hanggang 905. Siya’y “nagkaanak ng mga lalake at mga babae” (Genesis 5:10, 11). Ang anak ni Enos na si Cainan ay nabuhay ng 910. Siya’y “nagkaanak ng mga lalake at mga babae” (Genesis 5:13, 14). Ang ika limang kapitulo ng Genesis ay nagbibigay ng mga pangalan at mga edad ng mga dakilang mga kalalakihan ng panahon. Karamihan sa kanila ay nabuhay na higit sa 900 na mga taon. Nagkaroon sila ng maraming mga anak. Ang lahi ng tao ay nagpuno sa lupa.

Mayroong maraming milyong, pati bilyong mga tao sa panahon ng Baha. Kinailangan nilang kumalat sa malalaking bahagi ng lupa. Na umaakma sa makamundong kalikasan ng Baha. Ang Baha ay nagtakip sa buong lupa dahil ang mga tao ay tumakip sa buong lupa!

Napuno nila ang lupa bilang mga makasalanan. “Nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati” (Genesis 6:5). “sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan” (Genesis 6:11).

Hinusgahan ng Diyos ang lahi ng tao sa Baha. Ang mga tubig ay tumakip sa lupa ng 150 na mga araw (Genesis 7:24). Si Noah lamang at ang kanyang pamilya – walong mga tao – ay nanatiling buhay sa Daong. Ang natira ay nalunod at nagpunta sa Impiyerno. Ang tubig Baha ay bumaba. Ang Daong ay huminto sa Bundok Ararat, sa Armenia (Genesis 8:4). Noong si Noah at ang kanyang pamilya ay lumabas ng Daong, sinabi ng Diyos sa kanila, “Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa” (Genesis 9:1).

Ito ay ang parehong utos ng Diyos na ibinigay kay Adam at Eba. Ito’y madaling gawin. Ang mga tao ay nabubuhay pa rin ng maraming siglo – hindi kasing haba ng bago ng Baha, simula na ang kulandong ay bumaba. Ngunit mag-asa ay maari pa ring magkaroong ng 20, 30 o higit pang mga anak.

Tumayo at kantahin ang “Papuri, Aking Kalulua, ang Hari ng Langit” [Praise, My Soul, the King of Heaven].

Papuri, aking kaluluwa, ang Hari ng langit, sa
   Kanyang paa ang iyong parangal ay dinadala;
Tinubos, pinagaling, pinanumbalik, pinatawad,
   Sinong tulad mo ang Kayang papuri ay dapat kantahin?
Purihin Siya! Purihin Siya! Purihin ang walang hangganang Hari.
   (“Papuri, Aking Kaluluwa, ang Hari ng Langit.” Isinalin mula sa
“Praise, My Soul, the King of Heaven,” mula sa Mga Awit 103;
      ni Henry F. Lyte, 1793-1847).

Maari nang magsi-upo.

Madaling kumalat sa buong mundo. Ang panahon ay mas malamig pagkatapos ng Baha. Tinawag ng mga Siyentipiko ang panahong ito ang “Panahon ng Yelo.” Higit sa mga tubig ay nakulong sa kumot ng yelo. Ang mga Bundok ang naitulak paitaas, at ang mga karagatan ay bumaba. Madaling tumawid mula sa Asiya hanggang sa Hilagang Amerika. Ang tubig sa pagitan ng Russo at Alaska ay bumaba. Mayroong tulay ng lupa sa pagitan ng Russo at Alaska. Ipinakita ng mga Siyentipiko na ang mga katutubong mga “Indiyan” – mula sa Alaska at Timog Amerika, ay kamag-anak ng mga tao ng Tsina.

Mayroong isa pang dahilan bakit madaling punuin ang mundo sa dalawa o tatlong mga taon. Alam na ng mga tao ang heyograpiko ng mundo. Bago ng Baha alam nila ang ayos ng lupa. Ang kanilang mga ninuno ay nagpunta na sa Indiya at Tsina. Alam nilang kung saan sila magpupunta!

Ang magpuno sa mundo muli ay madali. Mas tumagal ito kaysa sa dapat. Ipapaliwanag ko maya-maya. Ngunit noong ang mga tao ay kumalat, pinuno nila ang maraming lupa at pinuno nila itong mabalis! Ang mga anak ni Noah ay sina Shem, Ham at Japheth (Genesis 10:1). Si Shem ay naging ninuno ng Semetikong mga tao, ang mga tao ng Gitnang Silangan. Si Abraham ay ang anak ni Shem. Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Isaac, si Abraham ay ang ama ng Hudyong mga tao. Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ishemael, si Abraham ay naging ama ng mga Arabo. Parehong mga Hudyo at mga Arabo ay Semetikong mga tao.

Si Japheth ay naging ninuno ng mga bansa ng Europa at Asiya. Isa sa kanyang mga anak si Gomer, ang ama ng maraming mga basa sa Kanlurang Europa. Isa pang anak ay si Magog, ang ninuno ng mga tao ng Russo at Ukraina. Ang apo ni Japheth ay si Tarshish, ang ninuno ng Espana. Ang mga tao ng Tsina ay mga anak ni Japheth.

Si Ham ay ang ninuno ng Hamitikong mga tao, ang bansa ng Aprika. Isa sa mga anak ni Ham ay si Mizraim (Genesis 10:6), alin ay ang Hebreong pangalan para sa Egipto, ang unang bansa sa Aprika na naabot ng mga tao.

Ang mga anak ni Noah ay nagpuno sa mundo sa maikling panahon. Ngunit hindi ito nangyari kaagad-agad! Sa umpisa tinanggihan nilang sundin ang Diyos. Gaya ng sinasabi sa Bagong Tipan, “ang kaisipan ng laman [di napagbagong loob] ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Ito’y ang kalikasan ng makasalanang tao na magrebelde laban sa Diyos. Ang mga tao ay tumangging kumalat at punuin ang lupa. Anong nangyari?

Isa sa mga anak ni Ham ay si Cush, siya ang ama ni Nimrod (Genesis 10:6-9). Si Nimrod ay isang mayabang at masamang tao. Nagtayo siya ng isang kaharian, namumuno mula sa lungsod ng Babel (Babylon), sa lupa ng Shinar (maya-maya ay tinawag na Babylonia). Kasama ni Haring Nimrod, ang mga tao ay tumanggi punuin ang lupa. Sinabi nila, “Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:4). Ayaw nilang kumalat. Gusto nilang magtayo ng isang lungsod at isang tore, isang makapangyarihang sentro upang ipakita nag kanilang luwalhati.

Ngunit hinusgahan sila ng Diyos. Hininto nila sila mula sa pagtatayo ng tore. Hangang doon ang lahat ay nagsalita ng parehong wika. “ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita” (Genesis 11:1). At sinabi ng Diyos,

“Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan. Kaya ang pangalang itinawag ay Babel [ang salitang ‘Babel’ ay nangangahulugang ‘pagkalito’; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:7-9).

Nilito ng Diyos ang kanilang mga wika. Ang pangalan na “Babel” ay nangangahulugang “pagkalito.” Hindi maintindihan ng mga tao ang isa’t isa. Ang bawat tao ay maari lamang magsalita sa kanyang sariling grupo ng wika. Hindi nila matapos ang tore. Ang kanilang lipunan ay bumagsak. Ang lahat ay naghiwalay at naiwan sa mga taong maari nilang maka-usap – malalapit na mga kamag-anak. Pinuno nila ang lupa – noong sila’y napilit na gawin ito. Sinasabi ng Bibliya na iyong mga araw na iyon “nahati ang lupa” (Genesis 10:25).

Ito’y nangyari mga 100 na taon pagkatapos ng Baha. Ang lahi ng tao ay isang tao. Ito pa rin ay gayon! Sinasabi ng Bibliya na “ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao” (Mga Gawa 17:26). Iyan ang dahilan na ang isang lalake ay maaring mag-asawa ng kahit sinong babae at magkaroon ng mga anak. Ngunit pagkatapos ng Tore ng Babel, ang mga tao ay nahiwalay sa maliliit na mga grupong wika. Sa loob ng daan daang taon, nagpakasal sila laman sa loob ng kanilang mga grupo. Di nagtagal isang grupo ng mga tao ay hindi na kamukha ng isa pa. Dito nanggaling ang iba’t ibang mga lahi at wika at mga bansa. Ang ilan ay nagpunta sa Europa at nagsalita ng wika doon. Ang iba sa Aprika. Ang ilan ay nagpunta sa Tsina at nagsalita ng isa’t isa ng Tsino.

Ang prosesong ito ay kinailangan lamang ng maikling panahon. Ang mga wikang mga grupong mga ito ay kumalat sa buong mundo. Ang mga anak ni Japheth ay nagpunta sa Europa, sa Indiya at Tsina, at sa wakas sa Amerikanong lupalop. Ang mga anak ni Ham ay nagpunta sa Aprika. Ang mga anak ni Shem ay nagpunta sa Gitnang Silangan.

Saan man sila nagpunta natandaan ng mga tao ang Baha. Iyan ang dahilan kung bakit lahag ng mga tribo sa buong ay mayroong alamat tungkol sa Baha. Ang mga katutubong mga Amerikano ng Hilagang Kanluran ay tumutukoy sa isang lalake na nagtayo ng isang bangka. Ang mga tao ng Isla ng Fiji ay mayroong alamat ng Baha.

Kung saan man sila nagpunta ang mga tao ay mayrong paniniwala sa isang Diyos. Natutunan nila mula kay Noah at kanyang mga anak. Ang mga tribo ng Hilagang Amerika ay naniwala na sa isang Diyos na kanilang tinawag na Dakilang Espiritu. Sa Proto-Indo-Europeyanong wika, na nagdala sa mga wika ng Europa at Indiya, naririnig natin ang “Dyeus-Pater,” ang “Diyos-Ama,” ang Ama ng Diyos ng Langit. Mula sa Dyeus-Pater ay dumating ang mga pangalan ng Griyegong diyos na si Zeus at Romanong diyos na si Jupiter.

Naniwala ang mga Mongol kay Tengri, isang dakilang Diyos ng himpapawid nanggagaling mula sa Diyos Ama. Ang matandang mga Tsino ay naniwala sa isang Diyos. Si Dr. James Legge (1815-1897) ay isang propesor ng Tsinong Wika at Literatura sa Unibersidad ng Oxford. Sa kanyang aklat na, Ang mga Relihiyon ng Tsina [The Religions of China] (Charles Scribner’s Sons, 1881), ipinakita ni Dr. Legge na ang orihinal na relihiyon ng Tsina ay paniniwala sa isang Diyos, na tinatawag na Shang Ti (Hari ng Langit). Dalawang libong taon bago ni Kristo, mahabang mga siglo bago ni Confucius at Buddha ay naipanganak, ang mga Tsino mga tao ay nagsamba sa isang Diyos – ang Diyos Ama, ang Hari ng Langit.

Ang orihinal na relihiyon ng Tsina ay hindi Budhismo. Si Buddha ay hindi Tsino! Siya ay nanirahan sa Indiya. Ang Budhismo ay dinala sa Tsina mula sa Indiya. Ang orihinal na relihiyon ng Tsina ay monoteyismo, paniniwala sa isang Diyos – Shang Ti, ang Hari ng Langit. Maya-maya, mga pamahiin at mga pagkakamali ay naidagdag. Ngunit si Shang Ti, ang Hari ng Langit, ay ang orihinal na Diyos ng Tsina! “Papuri, Aking Kaluluwa, Hari ng Langit.” Tumayo at kantahin ito!

Papuri, aking kaluluwa, ang Hari ng langit, sa
   Kanyang paa ang iyong parangal ay dinadala;
Tinubos, pinagaling, pinanumbalik, pinatawad,
   Sinong tulad mo ang Kayang papuri ay dapat kantahin?
Purihin Siya! Purihin Siya! Purihin ang walang hangganang Hari..

Maari nang magsi-upo.

Bakit ang mga Tsinong mga tao ay lumayo mula sa tunay na Diyos? Dahil sila ay makasalanan. Ang lahat ng mga tao ng mundo ay makasalanan. Ang mga naunang mga tao sa bawat lupa au makasalanan. Sila’y “pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Ayaw nila ang Diyos. Kaya nag-imbento sila ng mga pamahiin at mga idolo at mga huwad na mga relihiyon. Sinasabi ng Bibliya,

“Kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang” (Mga Taga Roma 1:21-23).

Ito’y nangyari sa buong sangkatauhan. Ito’y nangyari sa Egipto, sa Babylonia, sa Europa, sa Indiya, at ito’y nangyari sa Tsina. Dito nanggaling ang mga huwad na mg relihiyon sa mundo. Ang mga makasalanang mga tao ay tumanggi sa katotohanan at tinanggap ang lahat ng uri ng kasinungalingan. Ang ilaw ay dumilim. Ang kadiliman ay lumago. Sa tao walang pag-asa.

Ang Diyos ang umabot. Tumingin ang Diyos sa isang makasalanang lungsod ng Ur ng Chaldees. Doon sinabi Niya sa isang taong nagngangalang Abraham, “Umalis ka sa iyong lupain… At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain… at ikaw ay maging isang kapalaran… at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa” (Genesis 12:1-3). Sinabi ng Diyos sa kanya, “Mayroong akong pagtawag para sa iyo.” Naniwala si Abraham sa tunay na Diyos. Siya ay naging ama ng Hudyong mga tao, ang napiling mga tao ng Diyos sa lupa.

Ginamit ng Diyos ang Hudyong mga tao upang ibigay sa atin ang Bibliya. At ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Hesus na maipanganak ng isang Hudyong babaeng nagngangalang Maria. Doon sa Israel si Hesus ay lumaki sa pagkalalake. Doon sa Israel namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa ating kasalanan. Ibinigay Niya ang Kanyang Dugo upang hugasan ang ating kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay. Si Hesus ay namatay para sa buong sangkatauhan – hindi lang sa mga Hudyo, kundi sa mga tao ng Tsina at sa buong mundo! Si Kristo ay “ang pangpalubag-loob…sa mga kasalanan, […] ng sa buong sanglibutan” (I Ni Juan 2:2). Ang Kristiyanismo ay ang nag-iisang tunay na relihiyon para sa buong sangkatauhan. Hindi ito “ang relihiyon ng mga Amerikano.” Karamihan sa mga Amerikano ay hindi tunay na mga Kristiyano. Si Kristo ay hindi para sa isang bansa o kultura. Mayroong mga Kristiyano sa bawat bansa ng mundo, dahil si Kristo ay namatay “para sa mga kasalanan ng buong mundo” – para sa mga Tsino, mga Koreano, mga Hispaniko, mga Aprikano – at para sa iyo! Mga tao mula sa Tsina at sa buong mundo ay nagtitiwala kay Hesus. Sinasabi ni Hesus sa iyo, “Magsiparito sa akin” (Mateo 11:28). Magpunta kay Hesus. Magtiwala sa Kanya.

Hindi kailan man mahahanap ng tao ang Diyos sa sarili niya. Sinasabi ng Bibliya, “Masusumpungan mo ba ang Dios sa pagsaliksik?” (Job 11:7). Sa katunayan, waang gustong mahanap ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “Walang humahanap sa Dios” (Mga Taga Roma 3:11). Ang Diyos ang umaabot upang iligtas ang mga makasalnana.

Bago ang mundo ay nilikha, plinano ng Diyos na iligtas ang ilan sa mga tao sa lupa. Ito’y laging ang plano ng Diyos na ipadala ang Kanyang Anak na si Hesus upang mamatay para sa mga makasalanan. Tumutukoy ang Bibliya kay Hesus, “Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan” (Apocalipsis 13:8). Ito ang plano ng Diyos para sa Kanyang mga tao sa lahat ng lugar. Si Kristo ay namatay para sa lahat na Kanyang inililigtas.

Sinasabi ng Bibliya, “[ipinapakita] ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8). Sinasabi ng Bibliya, “Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios [hindi natin Siya inibig], kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan” (I Ni Juan 4:10). Iniibig ka ng Diyos nang lubos na ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus upang mamatay sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Ibinuhos ni Hesus ang Kanyang Dugo upang hugasan ang iyong kasalanan. Panalangin ko na malapit ka nang magtitiwala ka kay Hesus.

Tumayo at kantahin ito muli – “Papuri, Aking Kaluluwa, ang Hari ng Langit.”

Papuri, aking kaluluwa, ang Hari ng langit, sa
   Kanyang paa ang iyong parangal ay dinadala;
Tinubos, pinagaling, pinanumbalik, pinatawad,
   Sinong tulad mo ang Kayang papuri ay dapat kantahin?
Purihin Siya! Purihin Siya! Purihin ang walang hangganang Hari.

Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Roma 1:21-23.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Hesus ay Maghahari.” Isinalin mula sa
“Jesus Shall Reign” (ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).