Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ASAWA NI LOT

(PANGARAL BILANG 87 SA AKLAT NG GENESIS)

LOT’S WIFE
(SERMON #87 ON THE BOOK OF GENESIS)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptsit Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-31 ng Enero taon 2016

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32).


Hindi natin alam ang pangalan ng babaeng ito. Halos ang alam natin tungkol sa kanya ay ibinigay sa atin sa ika-labin siyam na kapitulo ng Genesis – at kaunting mga berso ng Lucas 17. Alam natin na siya ang asawa ni Lot – si Lot, sino ay ang pamangkin ni Abraham. Sinundan ni Abraham si Lot noong umalis siya ng Haran. Tinawag ng Diyos si Abraham na iwanan ang lungsod ng puno ng idolatrya at kasalanan. Sinasabi ng Bibliya,

“Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon...” (Mga Taga Hebreo 11:8).

Sinundan ni Lot si Abraham. Si Lot ay isang tao ng pananampalataya ngunit hindi siya isang pinuno told ng kanyang tiyong si Abraham. Binuhay niya ang isang buhay ng isang nahiwalay ng mananampalataya hanggang sa oras ay dumating noong hindi na siya makapanatili kasama ni Abraham. Ang mga kawan at dami ng tao ng dalawang pamilya ay dumoble, at hindi sila mapanatiling magkasama. Si Lot ay binigyan ng pagpipilian kung saan pupunta. Pinili niyang mapunta malapit sa lungsod ng Sodom. Sinasabi ng Bibliya,

“Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma. Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon” (Genesis 13:12, 13).

At kaya si Lot at kanyang pamilya ay napunta upang manirahan malapit sa mga lungsod ng patag, kung saan ang kasalanan at degredasyon ay napaka higit. Sinasabi ng Bibliya, “inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.” Iyan ay inilagay niya ang kanyang tolda malapit sa malupit na lungsod. Ngunit inilipat ni Abraham ang kanyang tolda sa patag ng Mamre “at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon” (Genesis 13:18). Kung gayon, si Abraham at kanyang pamilya ay lalong naging mas malapit sa Diyos. Ngunit si Lot at kanyang pamilya ay lalong naging makamundo.

Sa wakas inilipat ni Lot ang kanyang pamilya sa lungsod ng Sodoma. Sa gitna ng makasalanang lugar si Lot at ang kanyang pamilya ay nabuhay. Sila’y naging mas higit na na tulad noong nasa lungsod hanggang sa apat na paganong hari ay dumating at binuhat si Lot at ang kanyang pamilya papalayo bilang mga bihag. Si Abraham at kanyang mga tauhan ay nagpunta upang iligtas si Lot at dinala siya pabalik muli. Iisipin mo na sasabihin niyang, “babalik ako sa pamumuhay ni Abraham, at magiging isang tagasunod ng Diyos.” Ngunit imbes ay, siya muli ay namalagi sa Sodoma. Ito’y isang malaking pagkakamali. Dahil sa paninirahan sa Sodom, at pagiging malapit sa mga di mananampalataya, siya ay “nayamot” at namimighati sa pamamagitan ng “mahahalay na pamumuhay ng masasama” at malulupit na mga pamumuhay ng kanyang mga kapitbahay sa lungsod na iyon (II Ni Pedro 2:7). Gayon nagtagal siya doon kasama nila. Tumanggi siyang lumabs mula sa kanila, gaya ng hinigi ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya,

“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?” (II Mga Taga Corinto 6:14).

Gayon man hindi iyan totoo patungkol kay Lot. Ngunit ang teksto ay hindi tungkol sa kanya. Ito’y tungkol sa kanyang asawa! Ito’y patungkol sa kanya na si Kristo ay nagsalita, noong sinabi Niya,

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32).

Kung gayon dapat kong iwanan si Lot, at magsalita sa iyo patungkol sa kanya. “Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.”

I. Una, tandaan na siya ay ang asawa ni Lot.

Siya ang asawa ni Lot, kasama ang lahat ng kanyang mga pagkakamali, siya ay isang makatuwirang tao. Sinabi ng Apostol Pedro na malinaw na si Lot ay isang “makatuwirang tao” na mayroong “makatuwirang kaluluwa” (II Ni Pedro 2:8). Sia ay naugnay sa kanya sa pagkakakasal, at gayon siya ay nasawi! Siya ay nanirahan sa mga tolda kasama ng banal na si Abraham, at mukhang nakihati sa kanyang pananampalataya. At gayon siya’y nasawi. Nakasama niya ang pinaka banal at pinaka-mahusay na mananampalataya sa mundo, sa tahanan ni Abraham. At gayon siya’y nasawi.

Walang makalupaing kaugnayan ang makatutulong sa iyo kung tatangihan mo si Hesu-Kristo, at mamatay kasama ng iyong mga kasalanan! “Alalahananin ang asawa ni Lot!” “Alalahanin ang asawa ni Lot!”

Kilala ko ang isang anak ng isang makadiyos na pastor, isa sa pinaka-makadiyos na kalalakihan na nakilala ko. Ngunit ang kanyang anak ay isang nawawalang tao. Kilala kong siyang mahusay. Ang anak ng makadiyos na pastor na iyon ay nawawala! nawawala! nawawala! O, “Alalahanin ang asawa ni Lot.” Maari kang nasa simbahan kada Linggo. Maari kang magpunta rito linggo-linggo— Linggo pagkatapos ng isang Linggo – ngunit nagpupunta ka lamang para sa salo-salo! Nagpupunta ka lamang para sa pagkamakaibigan ng aming mga tao. O, “Alalahanin ang asawa ni Lot.” “Alalahananin ang asawa ni Lot!”

Ang pangalan niya ay di kailan man nabanggit! Siya posibleng isang hetanong babae. At kaya ang kanyang pangalan ay iniwang di nabanggit. Nadinig niya si Abraham na manalangin. Sinamahan niya sila sa pagkakanta ng banal na mga kanta. Nadinig niya ang kanyang asawa at kanyang tiyo si Abraham na magsalitang higit tungkol sa Panginoon. Gayon siya mismo ay di kailan man nagtiwala sa Panginoon. Jesus said, Nagkunwari lamang siyang sumang-ayon sa kanila kapag sila’y nanalangin. Mayroon ba rito ngayong umaga na ganyan? Nagpupunta ka lamang ba sa simbahan para sa samahan – para sa pakikipagkaibigan – para sa kasiyahan na mayroong tayo? Iyan lang ba ang dahilan na nagpupunta ka? Kung kakapit ka sa mundo at titingin rito na nananabik, dapat kang mamatay sa iyong kasalanan – kahit na kumain at uminom ka kasama ng mga tao ng Diyos! Ang iyong mga magulang ay maaring ligtas, habang ikaw mismo ay nag-iisip kung gaano karaming kalayaan at kasiyahan ang iyong nagkukulang sa pamamagitan ng pag-iwan sa simbahan upang matamasa ang mga kasiyahan ng mundong ito kasama ng mga tao ng Sodoma! O, “Alalahanin ang asawa ni Lot!” “Alalahanin ang asawa ni Lot!” Sinabi ni Hesus,

“Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nagsisibili, sila'y nangagbibili, sila'y nangagtatanim, sila'y nangagtatayo ng bahay; Datapuwa't nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat” (Lucas 17:28, 29).

Nabilang mo na ba ang halaga, Kung ang iyong kaluluwa ay nawawala,
   Kahit na makuha mo ang buong mundo para sa iyong sarili?
Kahit na ngayon maari na ang linya na iyong natawid,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
(“Nabilang mo na ba ang Halaga?” Isinalin mula sa
      “Have You Counted the Cost?” ni A. J. Hodge, 1923).

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32).

II. Pangalawa, tandaan na inibig niya ang mundo.

Nangangaral na ako ngayon sa loob ng 58 na mga taon. Nakakita na ako ng napakaraming mga kabataan na magpunta at magsabing, “Gusto kong maligtas.” Lagi akong tumitinging maingat sa kanila kapag sinasabi nila iyan – dahil alam ko na siyam na beses mula sa sampu na hindi talaga nila gustong maligtas mula sa kasalanan. Siyam mula sa sampung beses sasabihin nila na gusto nilang maligtas at tapos ay magpatuloy – sa pamumuhay sa kasalanan at rebelyon laban sa Diyos.

Kapag iniisip natin ang Sodoma agad-agad nating iniisip ang sekswal na perbersyon. Iyan ay sa katunayan totoo sa marami sa Sodoma – ngunit hindi sa lahat. Walang pagbabanggit ng asawa ni Lot na nakikisali sa sekswal na kasalanan. Walang pagbabanggit ng kanyang mga manugang na lalake na nakikisali sa sekswal na kasalanan. Ngunit inilista ng Bibliy ang maraming mga ibang mga kasalanan ng Sodoma. Ikinumpara ng Diyos ang lumang Jerusalem sa Sodoma noong sinabi Niya,

“Narito, ito ang kasamaan ng iyong kapatid na babae na Sodoma; kapalaluan, kayamuan sa tinapay, at ang malabis na kapahingahan ay nasa kaniya at sa kaniyang mga anak na babae; at hindi man niya pinalakas ang kamay ng dukha at mapagkailangan. At sila'y palalo at gumawa ng kasuklamsuklam sa harap ko: kaya't aking inalis sila, ayon sa aking minagaling” (Ezekiel 16:49, 50).

Sila’y mayayabang. Sila’y matatakaw. Wala silang paki-alam. Sila’y makasarili. Sila’y palalo. Sila’y nagkamit ng mga abominasyon. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell, “Ang kasalanan ng Sodoma ay hindi natapos sa senswalidad at di natural na mga gawain kundi umaabot ito sa ‘pagmamalaki’ na nanggagaling mula sa materyal na kasaganaan. Ang ‘pagmamalaking’ ito ay nagtaas sa kanila na mas mataas sa moral na batas sa kanilang sariling mga mata” (Isinalin mula sa Pag-aaral na Bibliya ni Criswell, [Criswell Study Bible] sulat sa Ezekiel 16:49).

O, napalulungkot ako nitong makakita ng mga kabataan na puno ng pagmamalaki. Nakikita ko silang nagsisimulang isipin na sila’y mga intelektwal at lubos na matalino – mas matalino sa Bibliya, mas matalino sa Diyos! O, gaano itong nagsisimulang magpakita sa kanilang mga mukha, sa paraan na sila’y magsalita , pati sa kanilang pananamit. Noong sila’y maliliit na mga bata, ang kanilang mga puso ay kasama natin. Ngunit sila’y lumalayo mula sa simbahan. Magsisimula sila magkaroon ng bagong mga kaibigan, makamundong mga kaibigan, mga kaibigan na hindi Kristiyano. Nagsisimula silang di pagkatiwalaan ang kanilang mga Kristiyanong mga magulang at ibang mga Kristiyano. Nagsisimula nilang tignan ang kanilang pastor na kanilang kaaway. Isinasara nila ang kanilang mga tainga sa lahat ng bagay na sasabihin niya. Siya ay dati nilang kaibigan – ngunit ngayon mukhang siya ay kanilang kaaway na.

Tignan kung gaano kapareho nila sa asawa ni Lot. Sa simula siya ay nakinig kay amang Abraham. Ngunit tapos nakita niya ang maliliwanag na ilaw ng lungsod. Tapos nagsalita siyang mahinhin sa kanyang asawa. Pagod na siya sa buhay na binubuhay nila doon sa kaparangan. Sinabi niya sa kanyang asawa kailangan nilang maging malapit sa bayan. Ang kanyang mga anak na babae ay kailangan magkaroon na mas maraming kasiyahan. Kinailangan nilang makatagpo ng mga binatang mga kalalakihan sa lungsod na “umuunlad.” Ayaw niya silang makasal sa isa sa mga lalake na nagpastol ng mga tupa ni Abraham. Gusto niya silang maging sunod sa panahon. Kaya dinala niya ang kanyang mahinang loob na asawa sa pinaka puso ng lungsod. At doon nawala niya ang kanyang buhay. At doon nawala niya ang kanyang kaluluwa. At doon nawala niya ang lahat, pati ang Diyos Mismo! O, “Alalahanin ang asawa ni Lot!” “Alalahanin ang asawa ni Lot!”

Ang ilan sa inyo ay nagsasabi sa akin na gusto ninyong maligtas. Ang iba ay nagtitiwala kay Hesus at napagbagong loob. Ang karamihan sa kanila ay mas bagong mga kabataan. Ngunit sa anumang paran hindi mo ito “makuha” – gaya ng sabi nila. Bakit hindi mo ito magawa? Hindi ito sa anumang paraan komplikado, hindi ba? Gusto mong maligtas – ngunit gusto mo ring magpunta sa mundo. Gusto mong magpunta sa simbahan at matanggap bilang isang Kristiyano. Ngunit gusto mo ring sumama sa iyong mga nawawalang mga kaibigan at maging matanggap rin nila. Gusto mong magkaroon ng mga Kristiyanong mga kaibigan sa simbahan – at magkaroon pa rin ng mga nawawalang mga kaibigan sa mundo. Hindi ba iyan sakto ang pumipigil sa iyo mula kay Hesus? Hindi ba? Hindi ba? Hindi ba? Tiyak ngang ito! Gusto mong magpunta sa Langit na mayroong isang paa sa Impiyerno! Alalahanin ang asawa ni Lot!

Nabilang mo na ba ang halaga, Kung ang iyong kaluluwa ay nawawala,
   Kahit na makuha mo ang buong mundo para sa iyong sarili?
Kahit na ngayon maari na ang linya na iyong natawid,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?

Alalahanin ang asawa ni Lot!

Sinabi ni Dr. Thomas Hale, “Huwag nating lokohin ang ating mga sarili: Hindi tayo makahahangad para kay Kristo at makamundong pagpapala na parehong beses; dapat tayong mamili” (Ang Naisabuhay na Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary]; sulat sa Marcos 8:35). Sinasabi ng Bibliya,

“Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios” (Santiago 4:4).

Sinabi ni Dr, Hale, “Hindi posibleng ibigin ang Diyos at ang mundo ng parehong beses” (Isinalin mula sa ibid.; sulat sa Santiago 4:4).

Ang ilan sa inyo ay nakikipaglaban patungkol rito ngayon. Gusto mong maging isang Kristiyano. Ngunit ikaw ay tulad ng asawa ni Lot. Gusto mo ring maging kasama ng iyong mga nawawalang mga kaibigan sa Sodoma. Ang iyong pakikipaglaban ay talagang demoniko. Naririnig mo akong mangaral ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo. Ngunit naririnig mo rin ang tinig ng Diablo sa iyong isipan. Sinasabi ni Hesus, “Magpunta sa akin.” Ngunit sinasabi ng Diablo, “Huwag kang malinlang. Tignan mo ang kasiyahan na iyong makukulang kung ika’y maging isang Kristiyano.” Kanino ka makikinig? Makikning ka ba kay Kristo? O makikinig ka ba sa Diablo? Sinasabi ng Bibliya, “Magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo” (Santiago 4:7). Dapat kang pumili. Dapat kang magtiwala kay Kristo o sundan ang Diablo. Bakit mo nilalabanan ang tawag ni Kristo? Bakit mo tinatanggihan Siyang pagkatiwalaan? Muli, sinabi ni Dr. Hale, “Ito’y laging dahil sa isang kasalanan sa inyong mga buhay na hindi natin handang isuko” (isinalin mula sa ibid,; sulat sa Santiago 4:5). Dapat mong sabihin sa iyong puso,

Nagpasiya na akong sundan si Hesus,
   Nagpasiya na akong sundan si Hesus.
Nagpasiya na akong sundan si Hesus,
   Walang pagbabalik, walang pagbabalik.

Iyan sakto ang tinaggihang gawin ng asawa ni Lot. Sinasabi ng Bibliya, “Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin” (Genesis 19:26). Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Siya ay nailibing sa isang pagpaligo ng bulkanikong abo, na ang katawan unti-unting nagiging ‘asin’…sa isang paraan na kapareho sa karanasan ng maninirahan ng Pompeii…sa tanyag na pagsabog ng Bulkang Vesuvius” (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Bagong Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The New Defender’s Study Bible]; sulat sa Genesis 19:26).

“Alalahanin ang asawa ni Lot!”

III. Pangatlo, tandaan na siya ay halos naligtas.

Sinabi ni Bishop J. C. Ryle, “Ang asawa ni Lot ay lumayo sa relihiyosong propesyon. Siya ay asawa isang ‘makatuwirang tao.’ Siya ay konektado sa pamamagitan niya kay Abraham, ang ama ng pananampalataya. Tumakas siya kasama ng kanyang asawa mula sa Sodoma noong tumakas siya para sa kanyang buhay sa utos ng Diyos. Ngunit ang asawa ni Lot ay hindi talaga tulad ng kanyang asawa. Kahit na tumakas siya kasama niya, naiwan niya ang kanyang puso sa likod niya [sa makasalanang lungsod].” Sinabi ng mga anghel kay Lot, “Itakas mo ang iyong buhay; huwag kang lumingon… baka ikaw ay mamatay” (Genesis 19:17). Ngunit sinabi ni Bishop Ryle, “Kagustuhan niyang sinuway ang [utos]. Tumingin siya pabalik sa Sodom, at tinamaang patay. Sia’y naging isang haliging asin, at nasawi sa kanyang mga kasalanan. Alalahanin ang asawa ni Lot!” (Isinalin mula kay J. C. Ryle, Nagpapaliwanag na mga Kaisipan sa Lucas [Expository Thoughts on Luke], kabuuan 2, The Banner of Truth Trust, 2015 inilimbag muli, clothbound, pah. 183; sulat sa Lucas 17:32).

Dapat itong maging babala sa inyong lahat ngayong umaga. Bakit ka narito sa simbahan? Hindi ito dahil sa ikaw ay isang Kristiyano! Hindi, hindi! Ika’y malayo mula sa pagiging isang Kristiyano. Ika’y narito dahil mayroong nagdala sa iyo rito. Wala kang pag-iisip tungkol sa Diyos! Nabubuhay ka na para bang walang Diyo sa anumang paraan. Ika’y masamang makasalanan. Mayroong nagdala sa iyo. Ito’y isang tao tulad ni Lot na nagdala sa iyo rito. Ngunit iniisip mo na ang taong nagdala sa iyo ay kaunti di pangkaraniwan. Iyan ang naisip ng asawa ni Lot sa kanya. Tulad ng kanyang mga lalakeng manugang, si Lot ay “nagbibiro siya” (Genesis 19:14). Ito’y isang malaking kalokohan sa iyo. Sinasabi mo na ang paghahatol ay darating. Sasabihin ko sa iyo na ang lungsod na ito ay babagsak sa isang malaking katapusan ng panahong lindol (Isinalin mula sac f. Apocalipsis 16:18). Sasabihin ko sa iyo na ang iyong kaluluwa ay lulubog sa Impiyerno – na ika’y mapahihirapan magkailan man! Ngunit mukha akong isang “nagbibiro” sa iyo.

“Alalahanin ang asawa ni Lot!”

Siya ay halos naligtas! Siya ay nasa labas na ng Sodom. Siya ay halos nasa lugar ng kaligtasan. At gayon siya’y nasawi. Siya ay halos naligtas – ngunit hindi! Hayaan akong ulitin ko ang mga salitang iyon sa iyo – “HALOS Ligtas – Ngunit HINDI Talaga!” Tumakas mula sa pinaka malubhang anyo ng kasalanan – ngunit hindi kay Kristo! Ang iyong isipan ay hindi umawat mula sa mga idolo nito! Ang kasamaan ay hindi naisuko sa iyong kaluluwa! Nahintong bago pa magtiwala kay Hesus! Gaya ng sinabi ni Felix kay Pablo,

“Ngayo'y humayo ka; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita” (Mga Gawa 24:25, KJV, NIV).

Ngunit walang kaukulang panahon ay kailan man dumating. Akala ni Felix ay maari kang maligtas sa kahit anong panahon – walang kabuluhan! Hinapis niya ang Espiritu ng Diyos – at siya’y kasing buti ng nasumpa sa Impiyerno, kahit na siya ay buhay pa rin.

“Alalahanin ang asawa ni Lot!”

“Halos nahikayat” ngayon naniniwala;
   “Halos nahikayat” Si Kristo upang tanggapin;
Mukhang ngayon isang kaluluwa ang magsasabi,
   “Humayo Espiritu, humayo sa Iyong paroroonan,
Isang mas kaukulang araw Sa Iyo ako tatawag.”

“Halos nahikayat,” ang ani ay dumaan na!
   “Halos nahikayat,” ang sentensya ay dumating sa wakas!
“Halos” ay hindi makatutulong; “Halos” ay mabibigo!
   Nakalulungkot niyang mapait na pagsigaw, “Halos” – ngunit nawawala.
(“Halos Nahikayat.” Isinalin mula sa
      “Almost Persuaded” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

Ang batang lalake na sumulat ng himnong iyan ay nagtiwala kay Kristo noong siya’y labin dalawang taong gulang. Iyan ay mainam – dahil namatay siya ilang taon lamang maya-maya, sa kanyang mga edad na tatlompu.

Ikaw ba’y na kay Hesus? Nagtiwala ka ba sa Kanya? Tumalikod na na ba mula sa makasalanang lungsod upang samahan ang mga tao ng Diyos? Hindi ka nabubuhay sa isang bukid sa probinsya, alam mo ba! Naninirahan ka sa Los Angeles – ang Sodoma ng Kanlurang mundo. Iiwanan mo ba ang mga mamamayan ng Los Angeles sa likod mo at magpunta kay Hesus? Namatay Siya sa Krus para sa iyo. Ang Kanyang Dugo ay makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Maari kang magkaroon ng walang hanggang tahanan sa luwalhati kapag mamatay ka. Ngunit dapat mong iwanan ang mga tao ng Los Angeles sa likuran mo – ang mga babae sa iyong paaralan ay nagsusuot ng masisikip na mga pantaloon at napinturahan ang kanilang mga mukha – ang mga kalalkihan ay naninigarilyo at tumitingin sa pornograpiya – Tignan sila! Sila ay mga napabayaan ng Diyos na mga mamamayan ng Sodoma! Huwag kang magpunta sa Impiyerno kasama nila!

Lumabas mula sa Sodoma! Lumabas mula sa kanila! Lumabas mula sa lungsod ng kadiliman. Magpunta sa ilaw ni Kristo!

“Alalahanin ang asawa ni Lot!”

Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Lucas 17:24-33.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg Benjamin Kincaid Griffith:
“Nabilang mo na ba ang Halaga.” Isinalin mula sa “Have You Counted the Cost?” (ni A. J. Hodge, 1923).


ANG BALANGKAS NG

ANG ASAWA NI LOT

(PANGARAL BILANG 87 SA AKLAT NG GENESIS)
LOT’S WIFE
(SERMON #87 ON THE BOOK OF GENESIS)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32).

(Mga Taga Hebreo 11:8; Genesis 13:12, 13, 18;
II Ni Pedro 2:7; II Mga Taga Corinto 6:14)

I.   Una, tandaan na siya ay ang asawa ni Lot, II Ni Pedro 2:8;
Lucas 17:28, 29.

II.  Pangalawa, tandaan na inibig niya ang mundo, Ezekiel 16:49, 50;
Santiago 4:4, 7; Genesis 19:26.

III. Pangatlo, tandaan na siya ay halos naligtas, Genesis 19:17, 14;
Mga Gawa 24:25.