Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PINABAYAAN NG DIYOS NA KRISTO!

THE GOD-FORSAKEN CHRIST!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-24 ng Enero taon 2016

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).


Kapag nangaral ako ng Linggo ng umaga madalas ako ay nagsasalita sa mga kabataan. Ginagawa ko ito dahil laging mayroong maraming mga kabataan sa aming simbahan ng umaga ng Linggo na hindi pa kailan man narinig ang Ebanghelyong napangaral ng malinaw. Nagpunta kami sa mga tindahan at mga kolehiyo at ibang mga lugar kung saan ang mga kabataan ay nagpupulong, at inimbita namin silang magpunta. At ikaw nga ay nagpunta, at nagpapasalamat ako na ginawa mo ito. Salamat sa pagpupunta.

Ngunit mayroong isang dahilan na kinakausap ko ang mga kabataan kada umaga ng Linggo. Ang pangalawang dahilan ay dahil ang mga kabataan sa ilalim ng edad ng tatlompu ay mas higit na makararanas ng kaligtasan kaysa doon sa mas matatanda. Bawat aral at ulat ng pagsusuri na aking nabasa ay nagsasabi sa atin niyan. At sa aking sariling karanasan ipinapakita nito na totoo. Kung ang isang tao ay magiging ligtas, ito’y madalas nangyayari sa pagitan ng mga edad na mga labin anim at dalawam pu’t lima. Natanto ko na mayroong mga eksepsyon, ngunit hindi sila masyadong marami.

Paano natin maipapaliwanag ito? Isa sa mga paliwanag ay na ang mga kabataan ay nagsisimula pa lamang na matanto na ang buhay ay mahirap ang mabigat. Nagsisimula mo pa lamang matanto na ika’y mortal, na ika’y mamamatay. At nagsisimula mo pa lamang makita na ang mundo ay isang nakatatakot at madalas malungkot na lugar. Hindi mo pa natutunan takpan ang iyong mga takot ng mga ulol na mga gawain, at iba’t ibang mga dibersyon.

Ang mga kabataan ay nasa simula pa lamang ng buhay bilang isang matanda, at marami sa inyo ay nagtatanong ng inyong mga sarili, “Paano ako makabubuhay sa ganitong malamig, di nagmamahal at malungkot na mundo?” At kaya, bumabalik ako muli’t muli sa tema ng pagiging mag-isa. O, naiintindihan kong mahusay na ang tema ng pagiging mag-isa ay hindi umapela sa bawat kabataan. Alam ko na marami sa inyo ay natutunan nang gumamit ng iba’t ibang mga pandaraya ng ulol na gawain at dibersyon upang maiwasan ang pag-iisip tungkol sa pagiging mag-isa. At alam ko na iyong mga nakaaalam ng mga pandarayang iyon ay hindi makikinig sa aking mga pangaral. Ngunit alam ko rin na mayroong tahimik na batang lalake at isang nag-iisip na batang babae rito at roon na uuwi at magsasabing, “Ang matandang lalakeng iyon ay nagsalita sa akin ngayon. Dapat bumalik ako at makinig sa kanyang mangaral muli.”

At ito’y sa nag-iisip na batang lalake at babae na ako’y nagsasalita ngayong umaga. Ang tema ko ay pagiging mag-isa – malamig, matigas, nakatatakot, nakabibiyak na pusong pagiging mag-isa. Ito’y di kailan man mas mainam na naihayag, at di kailan man mas higit na punong nadama, kaysa noong si Hesu-Kristo ay sumigaw mula sa Krus,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Ilarawan Siya sa mata ng iyong isipan. Dinakip nila Siya habang Siya’y nananalangin, na mag-isa sa Hardin ng Gethsemani. Inilis nila ang Kanyang mga damit at binugbog Siyang halos hanggang sa kamatayan. Nagdiin sila ng isang korona ng tinik pababa sa Kanyang ulo. Nilibak nila Siya at tinawanan habang kinaladkad Niya ang isang Krus sa mga kalya. Nagpukpok sila ng mga pako sa Kanyang mga kamay at paa. Itinaas nila ang Krus. Ang Kanyang katawan ay nakabitin doon habang isinigaw nila ang mga salita ng pag-uyam sa Kanya. Sa wakas, sumigaw Siya,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Upang maintindihan ang kahalagahan ng sigaw na iyon, dapat nating sagutin ang dalawang mga katanungan.

I. Sino, ang taong itong si Hesus?

Hindi siya isang karaniwang tao. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay “ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Ang taong ito na sumigaw ay ang bugtong Anak ng Diyos. At saka nagsalita Siya patungkol sa

“kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo [Diyos Ama] bago ang sanglibutan ay naging gayon” (Juan 17:5)

.

Ang taong ito na sumigaw mula sa Krus ay di Hesu-Kristo, ang Pangalawang Persona ng walang hangganang Trinidad. Napaka naugnay Siya sa Diyos ang Ama na sinabi Niya,

“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Ang pagkakaisa ng Diyos ang Ama at ni Hesu-Kristo ang Anak ay mula sa walang hanggang nakaraan hanggang sa walang hanggang hinaharap. Siya ang Salita ng Diyos.

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya” (Juan 1:1-3).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin” (Juan 1:14).

Si Hesus ay bumaba mula sa Langit. Si Hesus ang Pangalawang Persona ng Trinidad, ay nabuhay sa lupa. Ngunit nanatili siyang kaugnay sa Diyos ang Ama sa Kanyang buong makalupaing buhay. Kahit sa kadailiman ng Gethsemani, habang ang mga disipolo ay natulog, si Hesus ay nanalangin at nagkaroon ng samahan sa Diyos ang Kanyang Ama. Kahit habang Siya’y dinakip at maling inilitis, ang Diyos ay malapit sa Kanya. At habang Siya’y kanilang pinaghahampas at tapos ay ipinako sa Krus, maari pa rin siyang makatingin sa Diyos at manalangin,

“Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).

Ngunit ngayon ang lahat ay madilim.

“Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:45-46).

Ang kadiliman ay bumagsak sa lupain ang teribleng oras na iyon ay larawan ng kadiliman na naghihiwalay sa Diyos Anak mula sa Ama sa unang pagkakataon. Hindi pa kailan man na ang Anak ng Diyos ay nahiwalay mula sa Kanyang Kalangitang Ama, ngunit ngayon ito nga’y ganoon. At sa madilim na oras na iyon sumigaw Siya,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Sino ang taong ito? Siya ay si Hesus, ang walang hanggan at nag-iisang bugtong Anak ng Diyos – nahiwalay ng ganap mula sa Kanyang Kalangitang Ama sa unang pagkakataon kailan man sa kawalang hanggang.

II. Pangalawa, bakit Siya sumigaw?

Nahihirapan akong ipaliwanag sa simpleng paraan sa iyo. Hindi nakapagtataka! Ang mga salitang ito ni Kristo ay tunay na higit sa paliwanag. Si Spurgeon ay mayroong parehong paghihirap. Sinabi niya patungkol sa mga salitang ito, na walang lubos na maka-iintindi sa mga ito. Sinabi ni Spurgeon,

Si Martin Luther [ang dakilang pinuno ng Repormasyon] ay umupo sa kanyang silid upang pag-isipan ang tekstong ito. Oras-oras ang makapangyarihang tao ng Diyos ay umupong di gumagawala; at iyong mga nag-aantay sa kanya ay nagpunta sa silid, muli’t muli, at siya ay lubos na nahigop sa pag-iisip na akala nila siya ay isang bangkay. Hindi niya ginalaw ni kamay o paa, at di kumain o uminom; kundi umupo na ang kanyang mga mata ay bukas na malaki, tulad ng sa isang pagkakawalan ng ulirat, pinag-iisipan ang mga nakamamanghang gma salitang ito, “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” At pagkatapos, ng maraming mahahabang mga oras, kung saan mukhang nawala siya sa lahat na nagpunta sa paligid niya, bumangon siya mula sa kanyang upuan, mayroong nakarinig sa kanyang nagsabing, “Diyos pinababayaan ang Diyos! Walang taong maka-iintindi niyan;” at kaya nagpatuloy siya sa kanyang daan. Kahit na iyan ay hindi halos ang tamang pagpapahiwatig na gamitin – maaalinlangan akong iendorso ito – gayon hindi ako namamangha sa ating teksto ay nagtanghal ng sarili nito sa isipan ni Luther sa ilaw na iyan. Ito’y sinasabi na si Luther ay nagmukhang isang taong nagpunta sa ilalim ng minahan, at pumaitaas muli sa ilaw. Nadarama kong mas higit na tulad ng isang nasa ilalim ng minahan, ngunit tumigin rito – o tulad ng isang naging bahagi ng daan pababa., at nanginig habang dumaan siya sa kadiliman, ngunit hindi mangangahas na magpunta na mas mababa para sa sigaw na ito [Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?”] ay isang nakamamanghang malalim; walang tao ang kailan man makatataruk nito. Kaya hindi ko ito susubukang ipaliwanag (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Ang Pinaka-malungkot na Sigaw Mula sa Krus” [“The Saddest Cry From the Cross,”] The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1977, kabuuan XLVIII, mga pah. 517-518).

Sumasang-ayon ako kay Luther at Spurgeon na hindi natin lubos na maiintindihan kung paano ang Diyos ang Ama ay “pabayaan” ang Diyos ang Anak. Hindi ko susubukang ipaliwanag ang mga salitang ito, kundi simpleng magbibigay ng kaunting mga kaisipan tungkol sa mga ito.

Si Kristo ay nagsasalita bilang isang tao rito. Siya ay lubos na Diyos, ngunit Siya rin ay lubos na tao. Ito ang hipostatikong pag-sasama, at si Kristo ay ang Diyos-tao. Ngunit doon nagsasalita Siya bilang isang tao. Isang tunay na tao lamang ang makasasabi na Siya ay pinabayaan ng Kanyang Diyos.

Si Kristo ay pinabayaan ng Diyos dahil nararapat sa atin na mapabayaan ng Diyos. Doon sa Krus kinuha ni Kristo ang ating lugar, at nagdusa para sa ating mga kasalanan.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan” (Isaias 53:4).

Sa pamamagitan ng kasalanan ng ating unang magulang, naipasa sa ating lahat, tayo ay ipinanganak at lumaking naputol mula sa Diyos, pinabayaan ng Diyos, at nag-iisa; binubuhay ang ating mga buhay na nag-iisa, nahiwalay mula sa Diyos, nahiwalay mula sa Kanya, sa pamamagitan ng ating kasalanang kalikasan at ang ating aktwal na mga kasalanan.

“Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso” (Mga Taga Efeso 4:18).

Naisip mo ba kailan man na mayroong isang Diyos? Nagtataka ka ba kailan man kung bakit ang Diyos ay hindi totoo sa iyo? Narito ang sagot, mula sa Bibliya – ang Diyos ay hindi totoo sa iyo dahil ang iyong espiritwal na kaintindihan ay “ nadiliman,” dahil sa “pagkabulag” ng iyong puso. Iyan ang dahilan na ikaw ay “nahiwala mula sa buhay ng Diyos.” Ang perpektong panahunan ng Griyegong pandiwa ay nagdidiin ng nagpapatuloy na kalagayan. Hindi nito ibig sabihin na minsan mong nakilala ang Diyos. Ibig nitong sabihin na hindi mo kailan man Siya nakilala, at hindi pa rin Siya kilala. Ikaw ay nasa isang nagpapatuloy na kalagayan ng pakakahiwalay, putol mula sa Diyos na patuloy, “dahil sa pagmamatigas ng [iyong] puso” (isinalin mula kay cf. Dr. Fritz Rienecker, Isang Linguistikong Susi sa Griyegong Bagong Tipan [A Linguistic Key to the Greek New Testament], Zondervan, 1980, pah. 533).

Si Hesu-Kristo ay namatay sa Krus upang dalhin ka sa pag-uugnay sa Diyos.

“Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).

Namatay si Kristo sa Krus upang “dalhin tayo sa Diyos,” upang alisin ang ating pakahiwalay sa pamamagitan ng ating kasalanang kalikasan at ating aktwal na mga kasalanan, at dalhin tayo sa komunyon sa Diyos. Upang gawain iyan kinailangang dalhin ni Kristo ang ating mga “kalungkutan” at buhatin ang ating mga “pagdurusa” sa Krus.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan” (Isaias 53:4).

Bilang isang di napagbagong loob na makasalanna, ikaw ay naiiwang mag-isa sa mundo. Nararamdaman mo ito. Nararamdaman mo na mayroong mali. Ang mga kabataan ang mga mas nakadarama ng kanilang pagiging mag-isa, ang kanilang pagka-pinabayaan ng Diyos, sa isang madilim at madalas nakagugulat na mundo. At iyan ang dahilan na ang Diyos ay madalas nagpapabagong loob ng mga tao sa kanilang kabataan. Kapag tumatanda ka na matututunan mong ilubog ang pagkawalang laman, nag-iisang pakiramdam sa droga, o alkohol, o sekswal na pagtatagpo, o paggagawa ng maraming pera, o sa pamumuhay ng iyong “plano” o “tagumpay.” At kapag iyong natutunan na gamitin ang mga “pandarayang” ito upang matakasan ang pakiramdam ng pagkakawalang laman at pagiging mag-isa, ito’y magiging huli na para sa iyong maligtas.

“At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip” (Mga Taga Roma 1:28).

Ngunit ngayong umaga, habang ikaw ay bata pa, ang Diyos ay nagsasalita sa iyo. Ito’y sa pamamagitan ng iyong mga pakiramdam ng pagiging mag-isa na tinatawag ka ng Diyos, na ang Diyos ay nagsasalita sa iyong puso. Pakinggan gayon ang mga salita ni Hesus habang namamatay Siya sa Krus,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Ang mga ito ay mga salita na lalong nagsasalita sa atin habang tayo ay bata pa. Ang Diyos Anak ay nagdusa ng pagkakahiwalay mula sa Diyos ang Ama upang magbayad para sa iyong pagkakahiwalay mula sa Kanya. Naglakbay kang malayo mula sa Diyos – at si Kristo ay nagbayad ng multa para sa iyong kasalanan! Nalimutan mo ang tungkol sa Diyos – at si Kristo ay nagbayad ng multa para sa iyong kasalanan! Nalampasan mong magpunta sa simbahan ng maraming Linggo upang gumawa ng magaan at makasalanang mga bagay – at si Kristo ay nagbayad ng multa para sa iyong kasalanan! Nagpunta ka sa simbahan, ngunit “binigkas” lamang ang mga salita, di kailan man nag-iisip patungkol sa Diyos – at si Kristo ay nagbayad ng multa para sa iyong kasalanan! Si Kristo ay nagbayag ng multa para sa iyong kasamaan sa Krus! Anong teribleng halaga na kanyang binayaran!

Inalis nila ang Kanyang mga damit at binugbog Siya halos hanggang sa kamatayan. Ipinako nila ang Kanyang mga kamay at paa sa Krus. Ang kadiliman ay bumagsak. Ang poot ng Diyos ay bumaba sa Kanya,

“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam” (Isaias 53:10).

Pinarusahan ng Diyos si Kristo alang-alang, sa iyong lugar, para sa iyong mga kasalanan. At kaya sa wakas ay dumating ang pinaka malubhang kaparusahan sa lahat. Pinabayaan ng Diyos ang Kanyang Anak at tumalikod sa kadiliman. At si Kristo ang Anak ay nagdala ng iyong kasalanan na mag-isa sa Krus.

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Ang nakamamangha at teribleng nagtatanong na sigaw ay sinagot ng Apostol Pedro, noong sinabi niyang,

“Si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid [Siya] dahil sa mga di matuwid [ikaw], upang tayo'y madala niya sa Dios” (I Ni Pedro 3:18).

Pinabayaan mo ang Diyos, at nagbayad si Hesus para sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng pagiging napabayaan ng Diyos, Mismo – sa iyong lugar, naipako sa Krus, nag-iisa at nahiwalay mula sa Diyos ang Ama, na Kanyang iniibig nang Kanyang buong kaluluwa.

Naipakong hubad sa nasumpang kahoy,
Nakahantad sa kamatayan at langit sa itaas,
Isang palabas ng mga sugat at dugo,
Isanag nakalulungkot na pagpapakita ng nasugatans pag-ibig!

Makinig kung gaano ang Kanyang nakakikilabot na sigaw ay nakakatakot
Naapektuhang mga anghel, habang kanilang tinitignan,
Ang Kanyang mga kaibigan ay pinabayaan Siya sa gabi,
At ngayon ang Kanyang Diyos ay nagpabaya sa Kanya rin!
   (“His Passion” by Joseph Hart, 1712-1768; altered by the Pastor).

Napag-isipan nating ng kaunti lamang ang misteryo ng mga salita ni Kristo,

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

Ngunit umaasa ako na iyong narinig mong sapat upang malaman na si Hesus ay namatay upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, at na Siya’y bumangon, oo, sa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Umaasa ako na nakarinig ka ng sapat upang makita ang iyong sariling pag-asa ay nakasalalay kay Kristo – dahil walang ibang matatag na pag-asa. Nananalanagin ako na ika’y direktang magpunta kay Kristo at tanggapin Siya at mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang Dugo – dahil walang ibang kaligtasan, sa lupa o sa walang hanggan. Amen.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Mateo 27:35-46.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Jack Ngann:
“Ang Kanyang Pasyon.” Isinalin mula sa“His Passion” (ni Joseph Hart, 1712-1768).


ANG BALANGKAS NG

ANG PINABAYAAN NG DIYOS NA KRISTO!

THE GOD-FORSAKEN CHRIST!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46).

I.    Sino, ang taong itong si Hesus? Juan 3:16; 17:5; 10:30; 1:1-3, 14;
Lucas 23:34; Mateo 27:45-46.

II.  Pangalawa, bakit Siya sumigaw? Isaias 53:4; Mga Taga Efeso 4:18;
I Ni Pedro 3:18; Mga Taga Roma 1: 28; Isaias 53:10.