Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA TANDA NG KATAPUSAN – BINAGO AT PINALAWAKSIGNS OF THE END – UPDATED AND EXPANDED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:1-3). |
Iwan ang iyong Bibliyang bukas sa lugar na ito. Ang pasahe ay tinatawag na “Ang Olivet na Diskurso.” Ito’y isang pangaral na ibinigay ni Kristo sa Bundok ng Olivo. Sinabi ni Kristo sa mga Disipolo na ang Templo sa Jerusalem ay masisira. Sinabi nila, “Kailan mangyayari ang mga bagay na ito?” Ang sagot sa tanong na iyan ay nakatala sa Mateo 24. Ngunit sinagot ito ni Kristo, at ang Kanyang sagot ay naitala sa Ebanghelyo ni Lucas,
“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24).
“Sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak.” Ito’y isang propesiya ng pagkubkob ng Jerusalem ng Romanong heneral na si Titus noong 70 A. D. – ito’y nangyari 40 na taon maya-maya gaya ng pagkahula ni Kristo. Tapos “[sila’y] dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa.” Sinabi ni Dr. Henry M. Morris, “Ang nakamamanghang propesiya na ito ay ginawa hinuhulaang isang buong siglo bago na ito ay sa wakas natupad noong A. D. 135” – noong ang Jerusalem ay lubos na pinabayaan ng mga hukbo ni Hadrian noong A.D. 135, at ang Hudyong mga tao ay nakalat sa mga bansa ng mundo (tiganan si Henry M. Morris, Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ng Tagapagtanggol [The Defender’s Study Bible], World Publishers, 1995, pah. 1122; sulat sa Lucas 21:20, 24).
Kung gayon sinagot ni Kristo ang unang tanong na kanilang tinanong, “Kailan ang mangyayari ang mga bagay na ito?” Ang Templo ay masisira nang 70 A.D. Ang mga Hudyong mga tao ay makakalat sa buong mga bansa ng mundo noong 135 A.D.
Ngunit pagkatapos tinanong nila ang pangalawang tanong, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” Ang Griyegong salita na isinalin na “sanglibutan” ay “aion.” Ang ibig sabihin nito ay “panahon” – ang “panahon” na ngayon ay ating tinitirahan, ang Kristiyanong panahon, ang kasalukuyang dispensasyon. Ako’y kumbinsido na tayo ngayon ay nabubuhay malapit sa katapusan ng panahon. Tayo na ngayon ay nabubuhay sa huling mga araw – malapit sa katapusan ng sanglibutan na nalalaman natin.
Mayroong tatlong pangunahing pagkakamali patungkol sa mga tanda ng katapusan. Ang unang pagkakamali ay ang magtakda ng isang petsa. Kapag naririnig mo ang isang taong nagtatakda ng isang petsa, matitiyak mo na sila’y mali. Sinabi ni Kristo,
“Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama. Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon” (Marcos 13:32, 33).
Ang pangalawang pagkakamali ay ang puwersahin ang lahat ng mga tanda pabalik sa nakaraan. Ang tawag rito ay “preterismo.” Maraming mga makabagong Kalvinista ay gumagawa niyan. Ngunit mali sila. Kung ang lahat ng mga tanda ay nangyari mahabang panahon noon, sa simula ng Kristiyanong kasaysayan, gayon ang berso 14 ay hindi totoo!
“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Kinalat ng mga Disipolo ang Ebanghelyo sa buong Imperyo ng Roma. Ngunit hindi nila ipinangaral ang Ebanghelyo “sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa” – tiyak na hindi nila ipinangaral ang Ebanghelyo sa Hilaga at Timog Amerika, Hapon, Australya, ang isla ng dagat, at kung saan pa man. Tiyak na hindi nila ipinangaral ang Ebanghelyo “sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa.” Iyan ay napatutupad lamang sa ating panahon. “At kung magkagayo’y darating ang wakas.” Ang Ebanghelyo ay ikinakalat sa buong mundo ngayon – sa unang pagkakataon sa kasaysayan. Halimbawa, ang mga tao sa karamihan sa mga malayong mga lugar ng mundo ay nagbabasa ng aking mga pangaral sa Internet sa 33 mga wika. Sa radyo, sa telebisyong satelayt, sa pamamagitan ng short-wave, sa libo-libong mga misyonaryo, sa propesiyang ito ay ngayon lamang natutupad. “At kung magkagayo’y darating ang wakas.” Kung gayon, ang preterista ay mali!
Ang pangatlong pagkakamali ay ang itulak ang lahat ng mga tanda sa hinaharap, sa pitong taong Tribulasyon. Maraming mga makapabagong Dispensyonalista ang gumagawa niyan. Ngunit pinababayaan natin ang karamihan sa mahalagnga tanda ng lahat sa paglalgay ng lahat ng mga tanda pasulong sa pitong taong panahon. Ibinigay ni Kristo ang mga araw ni Noah bilang isang tanda. Sinabi Niya, “kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Hindi mo kailangan maging teyolohiyano upang malaman na “ang mga araw ni Noe” ay mas mahabang kaysa pitong taon! Itinuturo ng Bibliya na ang mga araw ni Noe ay 120 na mga taon ang haba (Genesis 6:3). So Enoch ay nagbababala ng paghahatol ng mas maaga pa (Judas 14, 15). Ako’y kumbinsido na ang mundo ay nagsimulang umurong papunta sa huling mga araw sa loob ng Pagpapaliwanag sa ika-18 na siglo (1730- 1790). At ang pagtaas ng katapusan ng panahong apostasiya ay napabilis sa ika-labing siyam na siglo, kasama ng pagtaas ng Biblikal na kritisismo, Finneyismo, at Darwinismo. At ang mga katapusan ng panahong mga tanda ay naging mas halata sa simula ng Unang Makamundong Digmaan.
Kaya sa katapusan ng panahon ng mundong ito ay hindi lang biglaang “lumilitaw” sa atin! Ang nilaga ay naluluto na ng mahabang panahon. At ngayon lang na ang kaldero ay malapit nang kumulo ng lubos hanggang sa makamundong apostasiya at ang pinaka huling mga araw ng mundong sistemang ito. Gaya ng paglagay nito ni Leonard Ravenhill, “Ang mga ito ay ang huling mga araw!”
Ang mga Disipolo ay humingi ng isang tanda ng Kanyang pagdating “at ng katapusan ng [panahon],” ngunit binigyan sila ni Kristo ng maraming mga tanda. Maglilista ako ng maraming mga tanda na ibinigay ni Kristo at ng Kanyang mga Apostol, sa tatlong mga kategorya.
I. Una, mayroong mga tanda sa mga simbahan.
Ang unang tanda na ibinigay ni Hesus sa Mateo 24:4-5,
“At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami” (Mateo 24:4-5).
Tumutukoy ito primero sa mga demonyo, na iginaganap ang kanilang mga sarili bilang Kristo. Nagbabala ang Apostol Pablo tungkol sa “ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral” (II Mga Taga Corinto 11:4). Sinabi rin ng Apostol,
“The Spirit speaketh expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and doctrines of devils” (I Ni Timoteo 4:1).
Ngayon ang “Espiritung-Kristo” ng Gnostisismo ay ipinangangaral ng maraming mga simbahan. Ang Gnostikong Kristo ay isang espiritu, hindi tunay na laman at butong Kristo ng Kasulatan. Ang Bibliya ay nagsasabing “At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus [ay dumating sa laman], ay hindi sa Dios” (I Ni Juan 4:3). Sa lahat ng mga makabagong pagsasalin, ang KJV lamang ang nagsasalin ng bersong tama.
Ang Griyegong salita ay “elēluthota.” Ito’y nasa perpektong kapanahunan, isinasaad nito ang kasalukuyang kalagayan ni Kristo (isinalin mula sa cf. Jamieson, Fausset and Brown). Gaya ng tamang pagsasalin ng KJV, si Kristo ay “dumating sa laman.” Dumating Siya sa laman, at nanatili sa laman, sa Kanyang nabuhay muling laman at butong katawan. Pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay, sinabi ni Hesus, “ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39). At Siya pa rin ay nasa laman at buto ng Kanyang nabuhay na muling katawan – sa Langit.
Sinasabi ng Bibliya, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Taga Hebreo 13:8). Kaya, ngayon ang espiritung Kristo ay aktwal na isang demonyo, isang “mga espiritung mapanghikayat” (I Ni Timoteo 4:1)! Kahit sa ating mga Bautistang mga simbahan maraming mga tao ang nag-iisip kay Kristo bilang isang espiritu. Kung gayon, naniniwala sila sa isang demonyo kaysa sa isang tunay na Kristo! Nagsalita si Dr. Michael Horton tungkol sa isang Gnostikong espiritung Kristo sa kanyang dakilang aklat, Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] (Baker Books, 2008). Kunin ito at basahin ito!
Muli, sinabi ni Kristo,
“Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:24).
Ang Apostol na Pablo ay nagbabala,
“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:3-4).
Ako’y kumbinsido na tayo ngayon ay nabubuhay sa mas maagang bahagi ng apostasiya, ang “paghihiwalay” na hinulaan ni Apostol Pablo sa II Mga Taga Tesalonica 2:3.
Gayon rin, sinabi ni Kristo,
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Hinulaan ni Kristo na magkakaroon ng napakahigit na kasamaan sa mga simbahan na ang “agape” na pag-ibig sa pagitan ng mga miyembro ng simbahan ay lalamig. Maraming mga simbahan ngayon ay sarado na tuwing Linggo ng gabi simple dahil ang tunay na pakikisama at Kristiyanong pag-ibig ay isang bagay ng nakaraan. Ang mga miyembro ng simbahan ay hindi na iniibig na maging magkasama gaya nila noong sa mas maagang mga simbahan (Isinalin mula sa cf. Mga Gawa 2:46-47). Gayon din, hinulaan ni Hesus na magkakaroon ng kaunting masigasig na panalangin sa panahon ng katapusan (isinalin mula sa cf. Lucas 18:1-8). Hindi nakapagtataka na napaka kaunting panalanging pagpupulong ngayon. Ang panggabing Miyerkules na panggabing paglilingkod (kung mayroon mang isa!) ay nabago mula sa isang panalanging pagpupulong sa isang pag-aaral ng Bibliya, na may marahil ay isa o dalawang karaniwang mga panalangin. Tiyak na ito ay isang tanda ng katapusan! “Pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya [pananampalataya manalangin ng masugid] sa lupa?” (Lucas 18:8). Ngunit tandaan, sinabi ni Hesus,
“kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo” (Lucas 21:28).
Kantahin ang himno bilang 3, taludtod dalawa!
Madilim ang gabi, ang kasalanan ay nakipaglaban laban sa atin;
Mabigat ang karga ng pagdurusa na ating dala;
Ngunit ngayon nakikita natin ang mga tanda ng Kanyang pagdating;
Ang ating mga puso ay umiilaw sa loob natin, ang tasa ng galak ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang pinka parehong Hesus, tinaggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa “He Is Coming Again”
ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
II. Pangalawa, mayroong mga tanda ng pag-uusig.
Sinabi ni Hesus,
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa” (Mateo 24:9-10).
Muli sinabi ni Hesus,
“At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas” (Marcos 13:13).
Teribleng pag-uusig ay nagaganap ngayon sa maraming bahagi ng mundo. I-klik ito upang mabasa ang tungkol rito sa www.persecution.com. Lumalagong mga puwersa laban sa tunay na mga Kristiyano ay ngayon mahahanap rito sa Kanlurang mundo. Mga nananampalatayang mga pastor ay sinasalakay noong mga nagsasanhi ng paghihiwalay ng simbahan. At ito’y nakagugulat na makita kung anong ginagawa ng mga tao sa mga matatanda, na nagiging mga seryosong Kristiyano! Marami ay ngayon tunay na talagang nakakulong, at naiiwang lubos na nag-iisa, hindi kailan man binibisita ng kanilang mga di Kristiyanong mga anak. Maraming mag pastor ang nagsasabi sa akin iniisip nila na ang mga Kristiyano sa Amerika ay di magtatagal makararanas ng mas matindi pang pag-uusig. Ngunit tandaan, sinabi ni Hesus,
“Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao. Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta” (Lucas 6:22-23).
Kung iniisip mo na masyado akong labis, pakinggan ang ulat na inilabas ng Balitang Fox tungkol kay Franklin Graham ilang araw noon. Si Franklin Graham ay ang anak ng kilalang ebanghelista si Billy Graham. Sinabi ng Balitang Fox,
Ang Ebanghelistang si Franklin Graham ay sumarang malakas, bumitiw sa GOP
Balitang Fox, Ika-22 Disyembre 2015
Ang Ebanghelikstang si Franklin Graham ay inihayag noong Martes siya ay aalis na mula sa Repulikanong Partido dahil sa GOP na pinamunuhang paggagastang batas na ipinasa noong huling linggo, tinatawag itong “maaksya” at paghahalintulad ng pagpopondo ng Planned Parenthood sa Nasi na konsentrasyong kampo.
Sinabi ni Graham,
“Nakahihiya sa mga Republikano at mga Demokratiko para sa pagpapasa ng ganoong naka-aaksayang paggagasta ng batas noong huling linggo,” sinabi niya. “At sa ibabaw ng lahat, pagpopondo ng Planned Parenthood!”
Si Graham, na kaka sara ng malakas ng parehong politikal na partido, hayaan ang kanyang pagkabigong umagos sa isang Facebook na pagpapaskil.
“Nakikita at nadirinig ang Planned Parenthood na magsalitang walang pagbabahala tungkol sa pagbebenta ng mga bahagi ng mga katawan ng mga sanggol mula sa mga inilaglag na mga similya na may lubos na pagwawalang bahala sa buhay ng tao ay nakapagpapaalala kay [Dr.] Joseph Mengele at ang Nasi na konsentrasyong mga kampo!.” isinulat niya. “Iyan ang lahat na dapat na kailanganin upang isara ang gripo ng kanilang pagpopondo. Walang ginawa upang paiklihin ang 2,000 na pahinang, $1.1 trilyon na laang-gugulgulin.”
Si Graham na sumuporta sa GOP na Puting Tahanan ay umaasa na si Donald Trump kasing inam na yinakap ng kanyang kontrobersyal na pagtawag sa pagbabawal ng mga Muslim mula sa U.S., ay nagsabi na nawalan siya nag pananalig sa politikal na sistema.
“Wala akong pag-asa sa Repulikanong Partido, sa Demokratikong Partido, o sa Tsaang Partido upang gawin ang pinaka mainam para sa Amerika,” isinulat niya.
Wow! Anong pahayag, mula sa isang ebanghelikal na pinuno! Kantahin ito muli – himno bilang 3 – ang pangalawang taludtod!
Madilim ang gabi, ang kasalanan ay nakipaglaban laban sa atin;
Mabigat ang karga ng pagdurusa na ating dala;
Ngunit ngayon nakikita natin ang mga tanda ng Kanyang pagdating;
Ang ating mga puso ay umiilaw sa loob natin, ang tasa ng galak ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang pinka parehong Hesus, tinaggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Siya’y darating muli!
III. Pangatlo, mayroong tanda ng makamundong ebanghelismo.
Pansinin kung gaano ka nakalalakas ng loob ang tanda na biglang nagpapakita, sa gitna ng mga teribleng mga tandang ito,
“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:9-14).
Ang “Ebanghelyo ng Kaharian” ay simple, “ang Ebanghelyo” sa Marcos 13:10, na nagsasabing, “At sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.” Sa pinaka gitna ng apostasiya at pag-uusig, biglang sinabi ni Kristo ang Ebanghelyo ay ipangangaral sa lahat ng mundo, “at kung magkagayo’y darating ang wakas” (Mateo 24:14).
Anong propesiya! Napaka kaunting mga lugar sa mundo kung saan ang Ebanghelyo ay hindi maaring madinig ngayon. Sa Internet, sa radyo, short wave, satelayt na telebisyon, at sa libo-libong mga misyonaryo – ang Ebanghelyo ay ikinakalat sa buong mundo ngayong umaga. Ang Mateo 24:11-14 ay natutupad sa ating henerasyon! Naka pagtataka na ito nga, kahit na ang mga simbahan sa Kanluran ay nagsasara ng kanilang panalanging pagpupulong at hinihinto ang kanilang panggabing paglilingkod, na mayroong isang Ebanghelyong pagsabog sa Ika’tlong Mundo – sa Tsina, sa Timog Silangang Asiya, sa maraming ibang mga bansa sa Aprika, sa gitna ng mga Hmong na mga tao, at sa mga di- Nahahawakan sa Indiya! Ang apostasiya at muling pagkabuhay – na nagaganap sa parehong beses – gaya lang ng pagkahula ni Hesus! Anong di pangkaraniwang kabalintunan! Gayon iyan sakto ang nangyayari, tulad ng pagkahula ni Kristo na ito nga ay mangyayari!
“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas” (Mateo 24:11-14).
Aleluya! Si Hesus ay darating! Kantahin it muli!
Madilim ang gabi, ang kasalanan ay nakipaglaban laban sa atin;
Mabigat ang karga ng pagdurusa na ating dala;
Ngunit ngayon nakikita natin ang mga tanda ng Kanyang pagdating;
Ang ating mga puso ay umiilaw sa loob natin, ang tasa ng galak ay umaapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang pinka parehong Hesus, tinaggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Na may kapangyarihan at dakilang luwalhati, Siya’y darating muli!
Kilala mo ba si Kristo? Magiging handa ka ba kapag dumating Siya? Ikaw ba napagbagong loob? “Muling Paglalaan” ay hindi makatutulong kung ikaw ay nawawala. Ang ilan ay nagsasabi na sila ay bumabalik kay Kristo, tulad ng Mapaglustay na Anak. Ngunit hindi kailan sinabi ng Bibliya na ang Mapaglustay na Anak ay minsan ligtas, bakslid, at tapos ay muling naglaan ng kanyang buhay. Hindi! Sinasabi ng Bibliyang simple na siya ay nawawala! Sinabi ng saril niyang ama rin!
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan” (Lucas 15:24).
Dapat kang magpunta kay Kristo kumbinsido na ikaw nawawala! Ang isang hindi kumbinsido na siya ay nawawala ay hindi magpupunta kay Hesus, ay hindi magtitiwala sa Kanya lamang, ay hindi makararanas ng tunay na pagbabagong loob, ika’y malilinisan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, o nabuhay muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Dapat mong malaman na ikaw ay nawawala bago ka maligtas!
O Diyos, panalangin namin na may isang nawawalang kaluluwa, na nakaririnig o nagbabasa ng pangaral na ito, ay mapupunta sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan at magtiwala kay Hesu-Kristo Iyong Anak. Amen. I-klik ito upang basahin ang “Ang Paraan ng Biyaya [“The Method of Grace”] ng dakilang ebanghelistang si George Whitefield (1714-1770).
Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: Marcos 13:1-13.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sana Tayong Lahat ay Maging Handa.” Isinalin mula sa
“I Wish We’d All Been Ready” (ni Larry Norman, 1947-2008).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA TANDA NG KATAPUSAN – BINAGO AT PINALAWAK SIGNS OF THE END – UPDATED AND EXPANDED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:1-3). (Lucas 21:24; Marcos 13:32, 33; Mateo 24:14, 37) I. Una, mayroong mga tanda sa mga simbahan, Mateo 24:4-5; II. Pangalawa, mayroong mga tanda ng pag-uusig, Mateo 24:9-10; III. Pangatlo, mayroong tanda ng makamundong ebanghelismo, |