Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




GAWIN ANG MGA TAGA TESALONICANG MGA KRISTIYANONG IYONG HALIMBAWA!

MAKE THE THESSALONIAN CHRISTIANS YOUR EXAMPLE!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-27 ng Disyembre taon 2015

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan, [mula sa Diyos ating Ama, at ang Panginoong Hesu-Kristo]” (I Mga Taga Tesalonica 1:1).


Binasa ni Gg. Prudhomme ang unang kapitulo ng I Mga Taga Tesalonica ilang sandali kanina. Binigyan tayo nito ng isang larawan ng maagang simbahan na nasa lungsod ng Tesalonica. Isinulat ng Apostol Pablo ang sulat na ito mga A. D. 50. Ito ang unang sulat na isinulat ni Pablo. Isinulat Niya ito sa kongregasyon na ilang buwan lamang ang tanda. Si Pablo ay naroon kasama nila sa loob ng tatlong mga Sabat ayon sa Mga Gawa 17. Siya ay itinaboy mula sa lungsod agad-agad ng isang nagkakagulong mga tao ng di nananampalatayang mga Hudyo na sumigaw laban kay Pablo at Silas – nagsasabing, “Itong mga nagsisipagtiwarik ng sanglibutan, ay nagsiparito rin naman” (Mga Gawa 17:6). Sinasabi nila na si Jason, ang pinuno ng simbahan, ay sinasaway ang batas ni Caesar sa pagsasabi na mayroong isa pang hari na nagngangalang Hesus. Ipinangako nila na ipadala sa Timoteo “upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya” (I Mga Taga Tesalonica 3:2).

Ngayon tinitignan natin ang unang kapitulo ng I Mga Taga Tesalonica. Makikita natin ang isang nakamamanghang malakas na maliit na simbahan, kahit na mayroon lamang sila si Pablo ng tatlong linggo, at kahit na ang kanilang simabahn ay isang taong gulang lamang. Ito’y isang nakamamanghang simbahan, isang modelong simbahan na dapat nating gawin ang lahat na ating makakaya na sundan. Mayroong walong mga punto sa unang kapitulo na ang ating simbahan ay dapat sundan.

1. Una, sila’y nasa Diyos at nasa kay Kristo.

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan, [mula sa Diyos ating Ama, at ang Panginoong Hesu-Kristo]” (I Mga Taga Tesalonica 1:1).

Silvanus ay isa pang pangalan ni Silas. Kahit na sila’y naging mga paganong nagsasamba ng mga idolo, ngayon sila’y nasa “Dios Ama,” “sa Panginoong Jesucristo.” Iyan ang sinasabi ni Pablo tungkol sa simbahang ito. Ganyan ang paraan na “sumapi” sa simbahan. Ito’y hindi sa pagkakaroon ng iyong pangalan na nakasulat sa rolyo ng simbahan. Ito’y sa pagiging na “sa Diyos” at “sa Kristo.” Iyan ang gumagawa sa iyong isang tunay na miyembro ng simbahan. Si Hesus ay nanalangin para diyan noong sinabi Niya, “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin” (Juan 17:21). Dapat kang maisapi kay Hesus at maisapi sa Diyos ang Ama, upang maisapi sa simbahan! Walang ibang paraan. Ikaw ay maging na “sa” Kristo o “wala” kay Kristo. Kaya sinasabi namin sa iyo na magpunta kay Kristo, magtiwala kay Kristo, mamahinga kay Kristo. Kapag iyan ay mangyayari ikaw ay naging isang miyembro ng simbahan. Walang ibang paraan upang sumapi sa simbahan. Sinabi ni Hesus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). “Pagpupunta” sa simbahan ay hindi parehas ng pagiging na sa “Panginoong Jesucristo” (I Mga Taga Tesalonica 1:1).

Ang tunay na simbahan ay ginawa lamang noong mga tao na na sa “Panginoong Jesucristo.” Ang bawat lahat ng iba ay bumibisita lamang, ngunit hindi talaga kabahagi nito. Ito’y tulad ng arko ni Noah. Si Noah ay gumugol ng mga dekada sa pagtatayo ng arko. Maraming mga tao ang nagpunta upang tignan itong malaking arkong ito. Maaring lumakad sila sa paligid nito, at ang ilan ay nagpunta sa loob nito, at tapos umalis. Ngunit noong ang Baha ay dumatin sila’y wala “sa” loob ng arko. Kaya sila’y nalunod sa dakilang Baha. Sinabi ni Hesus, “kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37). Kapag ang paghahatol ng Diyos ay bumagsak sa mundong ika’y mawawalan ng pag-asa hanggang sa ika’y “nasa Panginoong Jesucristo” gaya ng mga tao sa simbahan ng Tesalonica.

2. Pangalawa, mayrong silang, pananampalataya, pag-ibig at pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Kristo.

Tignan ang berso 3.

“Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo” (I Mga Taga Tesalonica 1:3).

Ang Apostol Pablo ay natandaan na ang mga Kristiyano sa simbahan ng Tesalonica ay kumayod mula sa Kristiyanong pag-ibig. Ang kanilang gawain ay produkto ng kanilang pananampalataya kay Kristo. Ang gawain na ginawa nila ay isang “gawain ng pag-ibig rin.” Mayroon rin silang pasensya, pagtitiis, na pinukaw ng kanilang “pag-asa sa ating Panginoong Jesucristo.” Sa I Mga Taga Corinto 13 sinabi ni Pablo, “Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig” (I Mga Taga Corinto 13:13).

Natagpuan namin na ang mga tao ay maaring magpunta sa simbahan na walang pananamapalataya, pag-ibig, at pag-asa kay Kristo. Ngunit hindi sila magtatagal sa simbahan. Nagpupunta lamang sila sa simbahan upang magkaroon ng mga kaibigan. Nagagalak sila sa katuwaan at samahan kasama ng iba sa simbahan. Ngunit maya-maya “sa panahon ng [pagsubok] ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13). Iyan ay madalas mangyari sa loob ng unang bahagi ng bagong taon. Nagkaroon sila ng maraming tuwaan sa mga salo-salo sa Pasko at Bagong Taon. Ngunit tapos dumating ang Enero. Ang ilan sa katuwaan ay wala na. Ngayon hindi na nila nararamdaman ang parehong katuwaan na kanilang nadama noong panahon ng Pasko. Kaya “humihiwalay” sila. Ipinapakita lamang nito na sila ay nagpupunta lamang para sa katuwaan at mga palaro. Wala silang koneksyon kay Kristo. Hindi sila kailan man “na sa Panginoong Jesucristo.” Kaya sila’y humihiwalay at hindi kailan man napagbabagong loob. Hindi sila kailan man nagiging tulad ng mga tao sa simbahan ng Tesalonica! Sana ay hindi iyan mangyari sa iyo!

3. Pangatlo, sila’y pinili ng Diyos.

Tignan ang berso apat.

“Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo” (I Mga Taga Tesalonica 1:4).

Tinatawag sila ni Pablo “mga kapatid” dahil sila’y nahirang sa kaligtasan ng Diyos. Si Pablo ay tumukoy sa kanilang pagkahirang muli sa II Mga Taga Tesalonica 2:13, kung saan sinabi niya, “sa pagkakahirang sa inyo ng Dios buhat nang pasimula sa ikaliligtas.” Mula sa simula pinipili ng Diyos ang ilan sa mga tao upang maligtas. Hindi natin Siya pinili. Pinili Niya tayo. Sa mga Taga Efeso, sinabi ni Pablo, “pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan” (Mga Taga Efeso 1:4). Sinabi ni Hesus Mismo, “Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko” (Juan 15:16).

Ito’y isang misteryo, hindi isang bagay na lubos na maiintindihan ng ating natural na isipan. Ngunit ito’y lubos na totoo. Limampung taon noon ako’y tinawag upang mangaral. Maraming mga kabataan sa simbahan na nanggaling mula sa mga Kristiyanong mga tahanan. Ngunit kahit na sila’y nanggaling mula sa mabuting Kristiyanong mga tahanan, hindi sila kailan man napagbagong loob, at sa wakas humiwalay mula sa simbahan. Na mayroong lahat ng mga kalamangan, hindi sila kailan man napili upang maligtas ng Diyos. Gayon naroon ako, isang kawawang batang lalake mula sa isang tahanang wasak ng diborsyo. Hindi lamang na ako’y humiwalay – ngunit naroon ako, nangangaral ng Ebanghelyo, limamg pu’t pitong taon maya-maya. Paano ko ito maipapaliwanag? Hindi ko ito maipaliwanag. Masisipi ko lamang si Hesys, “Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko.” At dahil pinili Niya ako, ginawa akong maaring dumaan sa maraming mahihirap na panahon at marming pagdurusa, na hindi humihiwalay! Iyan rin ay totoo sa mga Kristiyano sa simbahan ng Tesalonica. “Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagkahirang sa inyo.”

Hayaang sabihin ko ang isa pang bagay. Kung hindi ka isa sa mga nahirang, wala kaming magagawa upang maligtas ka. At saka, wala kang magagawa upang maligtas ang iyong sarili! Iyan ang dahilan na ilang mga tao ay maaring marinig ang Ebanghelyong naipangaral ng maraming taon na hindi kailan man naliligtas. Wala silang mga tainga upang makarinig, o mga puso upang magtiwala kay Hesus. Hindi nila ito kailan man “nakukuha.” Sinabi ni Philip Chan ang kanyang isipan ay nagpapatuloy na umiikot, sinusubukang makuha kung paano maligtas. Tapos isang umaga ng Linggo, binuksan ng Diyos ang kanyang puso at nagtiwala kay Hesus. Ngunit iyong mga hindi napili ay di kailan man magkakaroon ng isang sandaling tulad niyan. Ang kanilang isipan ay magpapatuloy umikot, sinusubukang makuha ang lahat ng ito – hanggang sa sa wakas sila’y mamatay at lumubog pababa sa mga apoy ng Impiyerno. Ang eleksyon ay hindi isang kagustuhan na mayroon ka. Ang Eleksyon ay “sa Diyos,” gaya ng sinasabi ng berso 4.

4. Pang-apat, tinanggap nila ang Ebanghelyo hindi lamang sa pag-aaral ng mga salita, kundi sa kapangyarihan rin.

Paki tignan ang berso 5.

“Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo” (I Mga Taga Tesalonica 1:5).

Tinatawag ito ni Pablo ritong “ang aming evangelio” dahil ito’y ipinangaral niya, at ni Silas, ang kanyang kasamahan. Kung saan man tinatawag niya itong “ang ebanghelyo ng Diyos” (Mga Taga Roma 1:1) at gayon rin “ang ebanghelyo ni Kristo” (I Mga Taga Tesalonica 3:2).

Ang Ebanghelyo ay dumating sa mga Taga Tesalonica na may kapangyarihan. Sa I Mga Taga Corinto sinabi ni Pablo,

“Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan” (I Mga Taga Corinto 2:4).

Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ang Apostol…ay di sumasalalay sa makataong aguinaldo o mga paraan o pagkakagawa. Ito’y isang “demonstrasyon ng Espiritu ng kapangyarihan’” (Isinalin mula sa Di Mahahanap ng mga Kayamanan ni Kristo, [Unsearchable Riches in Christ], pah. 56).

Ang mga tao sa Tesalonica ay hindi nagpunta na ang kanilang mga Bibliyang bukas, at nagsisipagsulat! Hindi iyan ang paraan upang mangaral na ebanghelistikal. Ito’y isang hadlang sa ebanghelistikong pangangaral. Gayon din ang mga overhead na mga prodyektor. Gayon din ang mga makabagong pagsasalin. Ipapatapon ko ang kanilang mga lapis, ipapapatay ang overhead na prodyektor, at mangangaral na may magpapala mula sa maringal na lumang Haring Santiagong Bibliya.

Kailangan nating sumalalay sa Banal na Espiritu, hindi sa makabagong mga gimik! Ang mga taong ito sa Teslonica ay ipinangaral sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at tapos sila’y tunay na napagbagong loob. Hindi ko maituturo sa iyo kung paano maging nagpabagong loob. Iyan ang dahilan na tayo ay nagdarasal lagi para sa piling ng Diyos, ang katotohanan ng Banal na Espiritu. Siya lamang ang makabubukas ng mga katotohanang ito sa iyo at makadadala sa iyo kay Kristo. Ang mga taong ito ay napagbagong loob sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na nangangaral, hindi ang tuyo gaya ng alikabok na Bibliyang pagtuturo na ating naririnig mula sa karamihan sa ating mga pulpit ngayon! Mayroong pagkagutom ng Salita dahil wala tayo ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos sa ating mga pangangaral, tulad ng mayroong sila.

5. Panlima, sinunda nila ang halimbawa ni Pablo at Silas sa pamamagitan ng pagdadaan sa pag-uusig.

Paki tignan ang berso 6.

“At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo” (I Mga Taga Tesalonica 1:6).

Sila’y naging mga tagasunod (o mga mangongopya) ni Pablo at Silas, at ni Kristo – sa kabila ng “higit na pagdurusa.” At sa kanilang pagdurusa nagkaroon sila ng galak, na ibinigay ng Banal na Espiritu. Sinabi ni Apostol Pedro,

“Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak” (I Ni Pedro 4:12-13).

Sinabi ni Dr. Thomas Hale, “Ayon sa Bagong Tipan, upang makapagtiis ng pag-uusig para sa alang-alang ni Kristo ay isang nakakagalak na pribilehiyo (Mga Gawa 5:41; I Ni Pedro 4:13). Ang simbahan na nagtitiis ng pag-uusig na may galak [ay nagiging] isang malakas ng simbahan, at ang saksi nito ay kapangyarihan” (Isinalin mula kay Thomas Hale, M.D.,Ang Isinagawang Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary], Kingsway Publications, 1997; mga kumento sa I Mga Taga Tesalonica 1:6).

Ang ating sariling simbahan ay naging malakas sa pamamagitan ng pagdadaan sa isang teribleng paghihiwalay ng simbahan. Iyan ang dahilan na napakarami naming “galak sa Banal na Espiritu.” Ang mga mangangaral na bumibisita sa amin ay nagugulat sa kung gaano kami kagalak! Naging ganoong kami sa pagdadaan sa apoy ng hirap, tulad ng simbahan sa Tesalonica!

Pagdadaan sa mga pagsubok ay ang nag-iisang paraan upang maging isang malakas na Kristiyano. Ang pag-aaral ng Bibliya lamang ay hindi nagbubunga ng malakas ng mga Kristiyano. Ang pagdurusa ng mga pagsubok ay ang gumagawa sa ating malakas. Walang ibang paraan! Sinabi ng Apostol Pablo sa mga bagong mga Kristiyano sa Antioka, “sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). Mga kahirapan, puwersa, at kaguluhan ay hindi lamang nagbubunga ng malakas ng Kristiyano – hinihiwalay rin nila ang dayami sa trigo. Dahil sa kahit na maliit na puwersa ay dumating, iyong mga di napagbabagong loob ay umaalis mula sa simbahan at bumabalik sa pagkamakamundo – gaya ng madalas na nakikita namin. Ngunit iyong mga dumadaan sa mga pagsubok ay nagiging dakilang mga Kristiyano, tulad ni Gng. Salazar, Gg. Prudhomme, Gng. Bebout, Dr. Cagan, Gg. Griffith, aking sariling asawa, Dr. Chan, at marami pang iba – ang lahat ng mga “39” na mga taong sumalba sa aming simbahan sa dakilang paghihiwalay ng simbahan ay aming tiniis. Kung gusto mong maging tulad nila, dapat kang dumaan sa ilang mga kahirapan rin! Ginagamit ng Diyos ang kahirapan upang gumawa ng malakas ng mga Kristiyano! Isang dakilang lumang himno ang nagsasabi nito lahat,

Kapag maapoy na mga pagsubok ang iyong daanan ay nakalatag,
Ang aking biyaya, lahat ay sapat , ay maging iyong panustos;
Ang apoy ay hindi sasakit sa iyo; Dinesensyo ko lamang
Ang iyong dumi na mawala, at iyong ginto ay mapakinis.
   (“Napaka Tatag ng isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
      “How Firm a Foundation” by George Keith, 1638-1716;
         “K” sa Rippon’s Selection of Hymns, 1787).

Alam ko na iyan ay totoo sa aking sariling buhay. Ang mga pagsubok at kaguluhan na aking pinagdaanan upang maging isang pastor ay ang aking tunay na serminaryo. Ito’y sa pamamagitan ng mga pagsubok na aking natutunan na maging isang pastor! Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa paaralan ng krus, sa paghuhugis ng lahat ng mga dakilang Kristiyano sa ating nakamamanghang simbahan!

6. Panlima, sila’y nagiging mga modelo sa ibang mga Kristiyano.

Tignan ang berso 7,

“Ano pa't kayo'y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya” (I Mga Taga Tesalonica 1:7).

Sinabi ni Dr. Thomas Hale,

Dahil ang mga Taga Teslonicang mga Kristiyanong ito ay nagtiis ng pag-uusig na may ganoong galak at ginagaya si Kristo na napaka nananampalataya, sila’y naging isang modelo [halimbawa], isang halimbawa, para sa lahat ng ibang mga [Kristiyano] na nabubuhay sa Macedonia, ang hilagang probinsya ng Griyeso. Hayaan ang mga Taga Tesalonicang mga Kristiyanong ito maging mga modelo para sa atin rin! Gayon…tayo rin ay maging isang modelo para sa iba (isinalin mula sa ibid.; sulat sa I Mga Taga Tesalonica 1:7).

7. Pampito, sila’y nagwawagi ng mga kaluluwa.

Tignan ang besro 8,

“Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman” (I Mga Taga Tesalonica 1:8).

“Nabansag” nila ang Ebanghelyo sa paligid nila. Nagwagi sila ng mga kaluluwa at dinala sila sa simbahan. Sila’y nag-iisip ng miysong mga nagwawagi ng kaluluwa. Siya nga pala, hindi sila nangailangan ng maraming taon ng pag-aaral ng Bibliya upang gawin ito. Sinabi ni Dr. Hale, “Tandaan na, ang simbahang ito ay mas kaunti sa isang taong gulang sa panahon na isinulat ni Pablo ang sulat na ito. Ito’y isang maliit, na inusig na simbahan. Gayon man, ang kanilang pananampalataya ay naging kilala sa kung saan” (Isinalin mula sa ibid.; sulat sa I Mga Taga Tesalonica 1:8).

Isa sa pinaka mainam na paraan upang maging isang malakas na Kristiyano ay maging isang nananagumpay ng kaluluwa kaagad-agad, ngayon na! Iyong mga nagdadala ng mga pangalan mula sa ebanghelismo ay lumalagong maging malakas na mabilis. Ngunit iyong mga nagpupunta sa simbahan lamag ay di kailan man mukhang nagiging mga ganap na mga Kristiyano. Ang ilan sa inyo ay kailang pag-isipan iyan! Iyan ba ang iyong problema? Hindi ko pa kailan man nakilala ang isang tunay na malakas ng Kristiyano na hindi nananagumpay ng kaluluwa – isang tumutulong sa nawawalang taong magpunta sa simbahan at maging ligtas. Kung hindi ka interesado sa ebanghelismo, naniniwala ako na ikaw ay di kailan man magiging isang malakas na Kristiyano. Iyan ang aking opinyon pagkatapos na pagiging nasa pangangasiwa na lampas ng 57 na mga taon.

8. Pangwalo, magagawa nila ang lahat ng mga ito dahil kanilang naranasan ang isang tunay na pagbabagong loob kay Kristo.

Tignan ang berso 9 at 10,

“Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay; At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating” (I Mga Taga Tesalonica 1:9-10).

Tumingin sila sa Diyos mula sa mga idolo, upang pagsilbihan ang nabubuhay at tunay na Diyos. Upang mapagbagong loob, dapat kang tumalikod mula sa iyong mga kasalanan sa iyong buhay. Ngunit hindi lang iyan ang lahat. Dapat kang tumalikod mula sa iyong kasalanan kay Kristo, dahil sinabi ni Hesus, “sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Kung tatanggi kang tumalikod mula sa isang makasarili at makasalanang buhay kay Kristo, ikaw ay di kailan man maliligtas, kahit na magpunta ka sa simbahang ito sa natitira ng iyong buhay! Dapat kang tumalikod at magtiwala kay Kristo lamang, at hindi ka makakaantay para sa Pangalawang Pagdating ni Kristo na may pag-asa at galak!

Panalangin ko na kukunin mo ang nailimbag na kopya ng pangaral na ito sa iyong tahanan at babasahin mo ito – hindi lang isang beses kund maraming beses! Panalangin ko na ika’y maging isang dakilang Kristiyano tulad noong mga nasa simbahan ng Tesalonica. Amen. Dr. Chan paki pangunahan kami sa panalangin.


Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo. KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme: I Mga Taga Tesalonica 1:1-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nabubuhay Para kay Hesus.” Isinalin mula sa “Living for Jesus” (ni Thomas O. Chisholm, 1866-1960).


ANG BALANGKAS NG

GAWIN ANG MGA TAGA TESALONICANG MGA KRISTIYANONG IYONG HALIMBAWA!

MAKE THE THESSALONIAN CHRISTIANS
YOUR EXAMPLE!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan, [mula sa Diyos ating Ama, at ang Panginoong Hesu-Kristo]” (I Mga Taga Tesalonica 1:1).

(Mga Gawa 17:6; I Mga Taga Tesalonica 3:2)

1. Una, sila’y nasa Diyos at nasa kay Kristo, I Mga Taga Tesalonica 1:1;
John 17:21; 3:7; Matthew 24:37.

2. Pangalawa, mayrong silang, pananampalataya, pag-ibig at
pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Kristo I Mga Taga Tesalonica 1:3;
I Mga Taga Corinto 13:13; Lucas 8:13.

3. Pangatlo, sila’y pinili ng Diyos, I Mga Taga Tesalonica 1:4;
II Mga Taga Tesalonica 2:13; Mga Taga Efeso 1:4; Juan 15:16.

4. Pang-apat, tinanggap nila ang Ebanghelyo hindi lamang sa pag-
aaral ng mga salita, kundi sa kapangyarihan rin,
I Mga Taga Tesalonica 1:5; Mga Taga Roma 1:1;
I Mga Taga Tesalonica 3:2; I Mga Taga Corinto 2:4.

5. Panlima, sinunda nila ang halimbawa ni Pablo at Silas sa pamamagitan ng pagdadaan sa pag-uusig, I Mga Taga Tesalonica 1:6; I Ni Pedro 4:12-13;
Mga Gawa 14:22.

6. Panlima, sila’y nagiging mga modelo sa ibang mga Kristiyano,
I Mga Taga Tesalonica 1:7.

7. Pampito, sila’y nagwawagi ng mga kaluluwa,
I Mga Taga Tesalonica 1:8.

8. Pangwalo, magagawa nila ang lahat ng mga ito dahil kanilang naranasan ang isang tunay na pagbabagong loob kay Kristo,
I Mga Taga Tesalonica 1:9-10; Juan 14:6.